KARYLLE'S POV
Habang nasa sasakyan kami ni Vice, wala paring naglakas ng loob na magsalita sa aming dalawa. Dahil siguro yun sa nangyari kanina. I don't even know why he was so worried about me. Iba kasi ang pagkakayakap nya sa akin kanina eh, parang sabik na sabik. Ayan ka na naman Karylle! Nagiilusyon ka na naman. *sigh* Ayoko nang umasa, masakit na. Minsan kailangan talaga nating umiwas para hindi na tayo makasakit at para hindi na tayo masaktan.
Vice: Karylle....
Lagoooot! Nagsalita na...
Vice: Pasensya na sa nangyari kanina ha.
K: (lumingon kay Vice at ngumiti) Ano kaba! Okie, lang yun no.
Vice: (lumingon kay K pero sulyap lang) Tologo? Isa pa ngaaa..
K: (gulat na gulat) HOY! IKAW HA!
Vice: *laugh* Dalagang Pilipina ka parin, Karylle.
K: Agresibo ka parin, Viceral! *giggles*
Vice: Sayo lang naman eh. (with a huge smile)
Jinkieeees! I hate it! Kasi kinikilig ako. Eeeeeeh... Ito talagang si Jose Marie, babakla-bakla lang to pero hanip to magpakilig! Ano ba yan! Namumula na tuloy ako.
Vice: Oh! Bakit namumula ka dyan?! (nagsasalita habang nagdadrive)
K: Hindi kaya...
Vice: Nakunakunakunako! Karylle! Alam kung poging-pogi ka na naman sa akin!
K: (hinampas ang kaliwang braso ni Vice) Kapal nito!
Vice: Sa kapogian?
K: Sa CONCEALER! *laugh*
Vice: (napalakas ang boses) HOY! Hindi kaya! Minimal lang ang make up ko no!
K: Oh, e 'di hindi! Ba't ka nagagalit?
Vice: Ikaw kasi eh!
K: *glare* Ano?!
Vice: Namumula! *giggles*
K: (cross arms and rolled her eyes) Ewan ko sayo!!!
Ang kulit talaga ni Vice! Makulit na.... na... na sweet. Ang swerte ni Kaye sa kanya. At ayoko nang pumapel pa sa buhay nila. It's better to wait for the one you want than to settle for the one available. Best to wait for the one you love than to settle for the one around. Best to wait for the right one because life is too short to wast for the wrong one. Nangyari na kasi sa akin yun. Beautiful Mistake kung baga.
Vice: Karylle...
Hininto nya ang sasakyan kaya napa-lingon ako sa kanya, pero laking gulat ko ng unti-unti ng lumalapit ang mukha nya sa akin. Malapit na malapit na malapit hanggang na aamoy ko na ang pabango nya at 3 inches nalang ang layo ng mga mukha namin sa isa't-isa. Napapikit ako sa mga nangyayari. Ng biglang....
Vice: HOY! Ano na namang drama yan? Inunlock ko lang ang pintuan ng sasakyan, tapos may papikit-pikit ka pang nalalaman. Feel na feel mo ang amoy ko ha! (giggle tapos nag-lean back pabalik sa driver seat)
K: (unti-unting minulat ang mga mata at tumingin kay Vice) Baliw!!!
Vice: (confused look) Ako? Bakit naman?
K: Ah! Basta! Baliw ka!
Binuksan ko na agad ang pintuan ng sasakyan at umalis na ako agad. Iniwanan ko na siya bigla. Nakakainis kasi! Hopia ako! AHAHAHAHAHAHAHXD
END OF KARYLLE'S POV
++++++++++++++
VICE'S POV
Pagdating namin sa condo ni K agad kong huminto. Pagtingin ko kay Karylle hindi ito kumikibo at parang tulaley pa. Kaya tinawag ko siya...
Vice: Karylle....
Lumingon siya pero parang wala parin siya sa kanyang sarili kaya ako nalang ang magaunlock ng pintuan nya. Baka kasi ginaw na ginaw na siya kaya ayaw na nyang gumalaw. Unti-unti akong lumapit sa kanya hanggang na abot ko na ang lock ng car door at bigla nalang siyang napapikit. Ano kaya ang trip ng babaing to?! AHAHAHAHAH
Vice: HOY! Ano na namang drama yan? Inunlock ko lang ang pintuan ng sasakyan tapos may papikit-pikit ka pang nalalaman. Feel na feel mo ang amoy ko ha! (giggle at naglean back pabalik sa driver seat)
K: (unti-unting minulat ang mga mata at tumingin kay Vice) Baliw!!!
Vice: (confused look) Ako? Bakit naman?
K: Ah! Basta! Baliw ka! (lumabas agad sa sasakyan)
Anong nangyari don? Krung-krung talaga yung babaing yun! Ano kaya ang nakain non?...................................................................................................... aaaaaaaah! G ko na! Akala siguro ni K na hahalikan ko siya. May papikip-pikit pang nalalaman eh! *giggle* Kaya siguro ganon nalang siya maka-react. Haaaaay Karylle.... aasarin kita, humanda ka! AHAHAHAH Bumaba na ako ng sasakyan at binuksan ko ang pintuan ng backseat upang kunin si Samantha. Kinarga ko nalang ang bata kasi mahimbing na itong natutulog.
Vice: Yang Nanay mo.... (sabay anga't kay Samantha) Hayyaaaa.... naprapraning na naman! *chuckle* Ang biga't mong bata ka! Marami na naman siguro ang pinakain sayo ng Nanay mo kanina. Tsk! Lagot ang Mommy mo sa akin kapag tumaba ang baby Ganda kung to. (with a huge smile)
Pagdating namin sa kwarto ni K, hiniga ko na agad si Samantha sa kama at hinanap ko si K. Pumunta ako sa kusina at nandon nga siya, nagtitimpla ng kape. Noong nakita na nya ako, binigyan nya ako ng kape.
Vice: Okie ka lang ba? Namumutla kana kasi eh.
K: Okie lang ako... hachueeee! *sniff*
Vice: *laugh* Dinidenie mo pa! Alam ko namang hindi ka okie eh. Tignan mo nga, sinisipon kana! Tapos sasabihin mong, OK ka lang? Baliw ka na nga Karylle! (sabay ihip sa kape)
K: Okie na ako. Ayoko nang makaabala pa no! (nag-make face)
Vice: Ano ka ba! Nakakaabala ka na nga no! Kaya lubos-lubosin mo na!
K:.............
Vice: *laugh* Biro lang! Hindi nalang muna ako uuwi, aalagaan nalang muna kita. Alam kung hindi mabuti ang pakiramdam mo ngayon.
K: Ha? Wag na. I'm fine... just go and thank you. *grins*
Vice: Parang pinapaalis mo naman ako ah. *smirk*
K: Uy! Hindi ah. Ayoko lang mapagod ka ng dahil lang sa akin.
Concern ka pala ha! Pagtitripan kita. HAHAHAH Naglean in ako sa kanya. Unti-unti kung nilalapit ang mukha ko sa mukha nya. Lapit..... lapit...... lapit..... pero hindi parin ito gumagalaw. Gusto mo din Kurba eh! Haha Malapit na malapit na malapit na malapit hanggang pumikit na naman si Kurba! Haha Ilusyonada tong babaing to! Napahinto ako at binulungan siya.
Vice: *bumulong* Wag mong masyadong ipahalata ha na may gusto ka sa akin. *laugh*
K: (napa-lean back bigla) Ha? Ewan ko sayo! (walks away)
Vice: *laugh* Ang sarap mong asarin! Madali kalang kasing mapikon.
Pumunta naman siya sa banyo upang maligo at magbihis. Nasa may sofa lang ako naghihintay kung kailan siya lalabas.
END OF VICE'S POV
+++++++++++++++
KARYLLE'S POV
Pagkatapos akong ASARIN ni Vice. Pumunta na agad ako sa banyo, pero kumuha muna ako ng damit sa closet ko para don nalang ako magbibihis. Pagkatapos kung maligo, nagbihis na ako at lumabas. Paglabas ko, wala na akong narinig na boses galing sa bunganga ni Viceral, kaya hinanap ko siya. Baka umuwi na rin yun. Pero noong nasa may sofa na ako, nakita ko siyang mahimbing na natutulog sa may sofa. Nilapitan ko siya at tinitigan from head to toe. Iba talaga ang karisma ng baklang to. Lumapit pa ako lalo sa kanya at minamasdan lahat ng parte ng mukha nya. Alam mo, minsan naba-bad trip na ako sayo kasi ang kulit-kulit mo kaya nasisira tuloy ang mood ko. Pero sa tuwing naba-bad trip ako don naman kita minamahal lalo. Kasi kahit ganyan ka ayokong mawala ka sa BUhay KO. Mahal kita, pero huli na ang lahat. At hindi na pwede kasi hindi kana malaya. Alam kung mahal mo si Kaye kaya hindi na ako umaasa na mahal mo parin ako. Sorry for not being the best although I tried. Sorry for not being perfect for you although I'd be. Sorry for not being someone who you want and expect me to be. Sorry sa lahat dahil naging bulag ako sa pagmamahal mo noon. Unti-unti kung inaabot ang pisngi nya, ng biglang......
++++++++++++++
ABANGARRRRN...
(A/N): Sorry sa late UD. Nagiging busy na kasi ako lately. Pasukan na kasi eh. Kaya patawad mga READERS, bumabawi na si author:'))