Payne Sisters Series: Demi Lei

By Bblueee_06

290K 9.3K 1K

Demi Lei Payne - First daughter of Reynaldo Payne. Mula ng mamatay yung nanay ni Demi dahil sa panganganak, n... More

Intro
Characters
Payne Sisters
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13: Special Chapter
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25

Chapter 11

9.3K 335 24
By Bblueee_06

Demi Lei

Inis na binato ko yung mga gamit ko pagkauwi ko ng bahay. Bwiset na Zaireen yon! Gawin ba naman akong girlfriend at mapapangasawa din daw niya. Nahihibang na ba siya? Nagawa pa niya akong takutin!

"Oh ate? Having a bad day?" Tanong sa akin ni Iris na kakalabas lang siguro ng kusina, naka apron pa kasi siya. Umiling naman ako sa kanya.

"Eh bakit narinig kong may mga bumagsak? Tapos nakasimangot pa." Binalingan niya naman ng tingin yung mga gamit kong nagkalat. Mukhang naghihintay naman siyang magkwento ako, napasabunot naman ako sa buhok ko pag naaalala ko si Zaireen.

"Okay. Maupo ka. Ikukwento ko." Mukha namang excited siya sa kwento ko. Sayang wala si Allison, nag-out of town daw kasama mga friends niya. Mahilig pa naman sila sa mga chikas ni Iris.

Kaya naman nag-umpisa na akong magkwento kay Iris.

"Then ngayon, ako na lang daw ang gagawin niyang girlfriend or pwede din daw maging asawa niya." Bored kong huling kwento sa kanya. Wala pang limang segundo nagtitili na siya.

"O to the M to the G! O.M.G! Zaireen Cruise as in? Crush ko kaya yung kapatid niyang si Zaya! Alam mo ba may-ari sila ng branded na perfume tapos may ilan din silang malls dito sa Pinas." I rolled my eyes. So what? Hindi ko alam pero naiinis ako kay Zaireen. Siguro dahil masyado siyang babaera? Base kasi sa kwento ni Abbey yun eh.

"Will you please calm down Iris Layne? Tsaka si Zaya Cruise? Crush mo? Sabi sa akin ni Diana, asawa ni Zaya yung bestfriend niya. Kaya back-off! And wait. . . Kailan ka pa nagkacrush sa babae? Diba straight ka?"

Nagdududang nakatingin naman ako sa kanya. Napangiwi naman siya. Natatawa ako sa itsura niya para kasi siyang naiihi na natatae na ewan.

"Hehe. Ba-balik nako sa kusina ate. Masusunog na yung niluluto ko eh." Tatayo na sana siya pero pinaupo ko siya ulit.

"Not so fast sister. Sa akin ka pa naglihim ha? Tsaka this past few days may napapansin ako sayo eh. Masyado kang blooming." Siniko naman niya ako.

"Ano ka ba ate! Blooming naman ako palagi eh! I'm always gorg!" Sabay flip hair niya. Tinignan ko naman siya ng masama.

"FINE! IThinkI'mNotStraightAnymore." Napakamot naman ako sa ulo ko dahil hindi ko naintindihan yung sinabi niya.

"Ayusin mo! Hindi ko narinig!" Nagpout naman siya kaya pinisil ko yung ilong niya.

"Sabi ko, I think I'm not straight anymore." Nakayukong ulit niya. Kung kanina siya naman yung nagtitili, ako naman ngayon.

"O to the M to the G! O.M.G!" Pag gaya ko sa kanya kanina kaya lalo siyang nagpout. Masayang kinurot ko yung magkabila niyang pisngi.

"Welcome to the rainbow world sissy! I'm happy na lumadlad ka na din." Natatawang saad ko sa kanya kaya naman siniko nanaman niya ako.

"Pero ate pwede ba sa atin muna toh? Please." Tumango naman ako sa kanya.

"So who's the lucky girl?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

"Si---" Hindi na niya natapos yung isasagot niya dahil biglang dumating sina mommy at daddy. Agad na lumapit si Iris kay mommy at daddy. Tumango naman sa akin si daddy, tipid na ngumiti naman ako sa kanya.

---

"Buti nandito ka na Dems! Totoo bang girlfriend mo na si Miss Zaireen?" Agad na nanlaki naman yung mga mata ko sa tanong ni Candice sa akin.

"What the heck! Saan mo yan nakalap?"

"Kasi kanina hinahanap ka niya sa akin eh. Palagi na lang sa akin hinahanap yung mga taong nawawala. Mukha ba akong hanapan? Kulang na lang pati feelings hanapain." Binatukan ko naman siya, humugot nanaman kasi siya.

"Aray ko naman Dems. Tapos eto pa! Sabi pa niya.... 'Where's my girlfriend?' Nagtaka naman ako sa tanong niya tapos sabi niya ikaw daw yung hinahanap niya." Hindi ko alam pero parang kumukulo dugo ko sa inis. Inis na binato ko naman yung helmet na suot ko.

"Walanghiyang Zaireen yon! Sineryoso niya nga!" Naguguluhang nakatingin sa akin si Candice kaya naman kinuwento ko sa kanya yung nangyari kahapon.

"Hala! Mukhang naghihiganti na siya sayo Dems. Dapat sinabi mo na wala naman talagang sumpa at umacting ka lang dahil kailangan mo ng pera para sa tuition mo."

"Sinabi ko na sa kanya pero ayaw niyang maniwala."

"Goodluck na lang sayo Dems. Mukha namang okay si Zaireen eh tsaka she's hot!" Pang-aasar pa niya sa akin pero hindi naman siya nakatingin sa akin. Sinundan ko naman kung saan siya nakatingin. Ahuh!

"Who's hot? Si Barbara?" Nakangising tanong ko sa kanya kaya naman agad siyang tumingin sa akin.

"Anong Barbara ka diyan? Si Zaireen kako hot." Tinawanan ko naman siya dahil halatang nagpapalusot lang siya.

"Bahala ka nga diyan. Baka patayin ka sa sindak ni Barbara." Tawa-tawang sabi ko sa kanya. Binato naman niya ako ng helmet pero agad kong nailagan kaso may natamaan. Oh-ow! You're dead now Candice.

"Aww!" Narinig naming daing ni Barbara habang hawak niya yung noo niya. Tinignan ko naman si Candice na parang sinasabing lapitan niya si Barabara kaya naman agad na nilapitan ni Candice si Barbara.

"U-uyyy. O-okay ka lang? So-sorry Bar-Barbara." Gusto ko namang batukan si Candice dahil nakandabulol-bulol na siya.

"I'm okay. Bakit kasi binato mo yung helmet? Hindi mo ba naisip na baka may matamaan? Eto, natamaan ako." Parang double meaning yung huling sinabi ni Barbara tapos titig na titig pa siya kay Candice. Napangiti na lang ako sa kanila.

"Uhhhmmm... kuha lang ako ng ice guys ha. Namumula na yung noo ni Barbara eh. Kailangan niyan ng yelo." Tumango naman sila sa akin.

Bago ako magtungo sa pupuntahan ko, sinilip ko pa sila. Todo asikaso naman si Candice kay Barbara.

"Inggit ka noh?" Halos mapalundag ako sa gulat ko.

"Ano ba? Nanggugulat ka naman eh!" Inis na sambit ko sa kanya.

"Kanina pa ako nandito kaya. Hindi mo lang ako napansin dahil busy ka kakapanood sa kanila." Sabay turo niya kina Candice.

"Kung naiinggit ka sa sweetness nila, nandito naman ako honey eh. Mas sweet pa yung gagawin natin." Hindi ko alam pero parang may kung anong kakaiba yung sa sinabi niyang sweet.

"Ewan ko sayo Miss Cruise! Diyan ka na nga." Narinig kong tumawa siya. Napailing na lang ako at kumuha ng yelo.

Five na pala ng hapon kaya naman nag-uwian na yung mga trabahador. Nakita ko pang hinatid ni Candice si Barbara. Samantalang ako hindi man lang hinatid. Loko din yung bestfriend kong yun eh. Hindi bale! Para naman din yun sa love life niya. Nag-antay na lang tuloy ako ng masasakyan. Hindi ko kasi dala yung sasakyan ko, coding kasi ako. Ilang minuto pa akong nag-antay ng may pumaradang itim na kotse sa harap ko. Bumaba dun ang nakangiting si Zaireen. Agad ko naman siyang inirapan.

"Sakay na honey. Hahatid na kita sa inyo." Nakangiting sabi pa niya.

"No, thanks. Magco-commute na lang ako." Tanggi ko sa kanya. Baka kasi pagsamantalahan niya ako. Agad-agad Demi?

"Sige na Demi. I insist." For the first time, tinawag niya ako sa pangalan ko.

"Please..." Nagpuppy eyes pa siya at nagpout pa. Gusto ko sanang matawa dahil para siyang bata pero sumimangot pa din ako. Sa huli pumayag na ako. Ang kulit niya kasi eh. Parang bata kaya nagtataka ako kung siya ba talaga yung panganay sa kanila ng kapatid niya. Mas mukha kasing panganay yung kapatid niya eh. Gusto ko sanang magtanong pero ayoko namang makipagchikachan sa kanya. Baka isipin niya na tanggap na tanggap ko ng maging girlfriend niya kaya naman nanahimik na lang ako.

Pansin kong sa ibang way kami dumaan kaya naman kinabahan na ako baka kasi pagsamantalahan niya ako talaga.

"Hoy! Hindi diyan ang daan papunta sa bahay namin! Saan mo ba ako dadalhin? Sabi na eh pagsasamantalahan mo ako! Wag po! Maawa ka sa akin! Sa magiging asawa ko lang ibibigay tong pagka--" Napatigil naman ko dahil isang malakas na tawa ang narinig ko mula sa kanya.

"Relax, honey. Magdidinner lang tayo sa bahay." Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Tsaka pagsamantalahan agad? Alam mo kung gusto mo ng ano sabihin mo lang sa akin honey." Sabay kindat niya kaya naman nag-init ang magkabilang pisnge ko. Hinamapas ko naman siya na ikinatawa pa niya.

"Bastos ka!" Inis na sambit ko sa kanya ng itigil ko na yung kakahampas sa kanya.

"Ako pa talaga ang bastos? Ikaw nga tong kung anu-ano ang iniisip eh. Horny ka noh?" Asar pa niya sa akin kaya naman pinaghahampas at kurot ko siya.

"HAHAHAHA. Hey, tama na. I'm driving. Gusto mo bang maaksidente tayo?" Kaya naman tinigil ko na yung paghampas at kurot sa kanya. Nanahimik na lang ako. Nakakahiya talaga! Mygad! Bakit kasi ang daldal ko masyado.

"Nandito na tayo." Masayang sambit niya. Pinagbuksan naman niya ako ng pinto. Gentlewoman huh!

Pinagmasdan ko naman yung kaharap na bahay namin, malaki yung bahay nila. Mga dalawang palapag lang pero malaki.

"Tara na." Bigla akong nakaramdam ng kaba pagkahawak niya sa kamay ko. Para bang lumundag ang puso ko.

Pagkapasok namin sa bahay nila, sumalubong sa amin ang isang babaeng may edad na pero bakas pa din ang kagandahan nito. Kahawig niya si Zaireen siguro siya yung mommy ni Zaireen.

"Hi mommy." Bumeso naman si Zaireen sa mommy niya.

"This is Demi, mom." Pakilala sa akin ni Zaireen. Nahihiyang bumeso naman ako sa mommy niya.

"Good evening po Ma'am." Nahihiyang bati ko.

"Ang pormal mo naman masyado hija. Tita Zoey na lang." Nakangiting sabi pa niya.

Inaya naman kami ni Tita Zoey sa kusina dahil kakain na daw. Kami na lang pala ang hinihintay nila. Nandun din si Zaya at ang asawa nitong si Samara. Ang ganda pala ng bestfriend ni Diana na si Samara. Pinakilala naman ko ni Zaireen sa kanila pati na din sa Daddy nila. Hindi naman ako naging out of place dahil masyado silang madadaldal lalo na si Samara, ang jolly niya masyado. Kasama din pala nila yung anak nila ni Zaya na nasa crib sa may sala, binabantayan ng isa nilang maid.

"Bye, Ate Dems. Ikamusta mo na lang ako kay Hansen." Nakipagbeso naman ako kay Samara at tumango. Nagpaalam na din ako sa kanila dahil ihahatid na ako ni Zaireen pauwi.

Hindi ko maiwasang hindi mainggit sa kanila. Ang saya kasi ng family nila. Lahat sila magkakasundo. Masaya naman din naman yung family ko kaso hindi kami magkasundo ni daddy.

"Hey, are you all right?" Nag-aalalang tanong ni Zaireen sa akin.

"Yeah. Tara na at gabi na." Pinabuksan naman niya ako ng pinto.

"Salamat sa dinner at paghatid. Ingat sa pagdrive." Tipid na ngumiti ako sa kanya. Tumango naman siya. Gusto pa sana niyang magsalita pero parang nakaramdam siya na wala na alo sa mood makipag-usap kaya naman nagpaalam na siyang uuwi na pero bago pa siya sumakay agad niya akong tinawag.

"Kung may problema ka, I'm here to listen lang okay?" Isang ngiti at tango ang sinukli ko sa kanya.

Nakatanaw naman ako sa papalayong sasakyan ni Zaireen.

Abnormal nanaman yung puso ko.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Mahaba-habang UD din toh hehe 😂 Enjoy!

Please kindly vote guys :)

Thanks :)

-Bee :)

Continue Reading

You'll Also Like

174K 5.4K 24
Iris Layne Payne - 2nd daughter of Reynaldo Payne. Responsableng anak, kagaya niya ng Ate Demi niya. Siya naman ang inaasahan ng mommy niya na mamam...
7.7K 381 13
A 𝗴𝗲𝗻𝘂𝗶𝗻𝗲 yet 𝗱𝗮𝗻𝗴𝗲𝗿𝗼𝘂𝘀 𝗹𝗼𝘃𝗲. - 𝑹𝒆𝒂𝒈𝒂𝒏 𝑺𝒘𝒆𝒆𝒕𝒛𝒆𝒍 𝑨𝒍𝒃𝒂𝒏𝒐 & 𝑨𝒍𝒍𝒐𝒓𝒂 𝑽𝒂𝒍𝒆𝒏𝒕𝒊𝒏𝒂 𝑴𝒐𝒏𝒓𝒐𝒆 ❣
Skylar By Sky

Teen Fiction

3.8K 122 33
Skylar Elise Liscano have a huge crush on someone in her class but she doesnt know what to do, is she gonna confess her feelings to this person, or i...