Sa May Hagdan (Short Story)

By ryonamiko

1.9K 201 64

"Hindi mo 'sila' basta makikita nang harapan unless gusto 'nila'. Pero andyan lang 'sila' sa paligid. Madalas... More

Important : Author's Note
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
9
10
Final Chapter
Author's Note 2

8

98 12 8
By ryonamiko


"B-bakit di n'yo s'ya dalhin sa ospital?" ang tangi kong nasabi.

"Hindi doctor ang makakapagpagaling sa kanya, Rory," si Nat ang sumagot.

Napatingin ako sa kanya, "Eh... ano?"

"Hindi ano, kundi sino."

Saka ko napansin na nakatingin sila lahat sa akin.

"Ah...eh... teka lang. B-bakit ako? Hindi naman—"

"Rory..." singit ni Vicky sa pagitan nang paghikbi. "S-sorry na. Sorry na talaga..."

Napahagulgol na s'ya sa palad.

"Vicky..." nilapitan ko sya at hinimas sa likod gamit ang kaliwang kamay. "Okay lang. Tahan na."

"S-sabihin mo naman sa bantay mo, tama na. Sobrang masakit na kasi."

"H-ha?"

"Di ba sinabi ko sa 'yo nung nakaraan na may bantay ka," yung matandang magtatawas.

Lahat kami, napalingon sa swing door dahil nag-krik yun.

Bigla akong napasinghap. Tapos tumayo ang balahibo ko sa kanang braso. May malamig akong naramdaman sa parteng yun kahit di sa akin nakatapat ang electric fan.

Ayokong lumingon.

Inaamin ko. Kahit ayoko, natatakot na ako. Lalo na nung sulyapan ko si Nat, saglit s'yang tumingin sa kaliwang tagiliran ko.

"Yan ang sinasabi ko," dugtong nung matanda. "Andito s'ya. Di ko lang alam kung saan."

Biglang nagsiksikan yung tatlong GRO sa isa't-isa.

"Naku, Manang ha!" nasambit ni Shiel. "Ayaw namin nang ganyang biro."

"Bakit di n'yo s'ya tanungin?" turo kay Nat. "Mas nakakakita s'ya kesa sa akin."

Kaya lahat kami napatingin kay Nat, na kaswal na nakataas ang dalawang kilay.

"Wala akong masasabi," ang tangi n'yang sagot sabay kibit ng balikat.

Nakita ko na napahinga nang maluwag ang tatlo. Gaya nila, gusto kong maniwala pero sa likod ng isip ko, kabaligtaran naman.

"Bakit ayaw mong sabihin, ineng?" malumanay naman ang pagkakatanong nung matanda sa roommate ko.

"Nagkakatakutan ng nga ho dito. Dagdagdagan pa nang ganito? Hindi naman po yata tama," ang sagot nya lang.

"A-anong ibig mong sabihin, Nat? So, meron nga?" singit ko.

"Wala akong kinukumpirma."

Nagsalita na rin si Vicky, "Eh bakit mo rin sinabi sa akin na sundin si Manang?"

"Para walang away dito. Isa pa, malay mo nga, ganun."

May sense naman ang sinasabi ni Nat. Ewan ko lang kung bakit hindi ako one hundred percent na kumbinsido.

"Ah, ineng," sabi naman sa akin nung matanda. "Ikaw na ang maghuhugas ng paa ni Vicky. Kahit isang beses isang araw lang."

"B-bakit ho?"

"Para makumbinsi ang bantay mo na hindi na kayo magkaaway."

Ewan ko, pero tumingin ako kay Nat. Parang mas kumbinsido ako kung may Nakita akong reaksyon sa kanya.

"Sige lang, ganda. Go," panghihimok nya.

Ganun din sina Shiel.

Kaya tumango ako.

Naiyak na yumakap sa bewang ko si Vicky habang patuloy na humihingi ng patawad at pasasalamat.

Umalis na yung magtatawas at ang kasama nito pagdating ni Benjie. Although nasa baba pa kaming magkaka-boardmates.

Nahalata ni Benjie na nagkabati na kaming magkaibigan kaya di sya tumanggi nang pakiusapan ko na kargahin nya si Vicky sa banyo at iupo sa isang monobloc chair na ipinasok ni Joey dun.

Alam kong nagtataka s'ya kung bakit ako ang naghugas ng mga sugat ni Vicky.

"Rory..." si Vicky.

"Oh?" sagot ko pero nakatingin pa rin sa paa nya.

"Hindi mo ba talaga alam?"

"Ang alin?" kahit nage-gets ko na ang tinutumbok n'ya.

"Yung sinabi ni Manang na bantay mo raw."

Umiling ako at tumingala sa kanya mula sa pagkakaupo ko sa bangkito. "Ngayon lang may nagsabi sa akin. At ngayon ko lang ito naranasan. Pasensya na, Baks."

"I'm... I'm sorry din," ngumiti s'ya nang matapat.

Natahimik kami nang ilang minute. Tapos tumikhim s'ya.

"Baks..."

Napangiti ako mula sa pagkakayuko habang binabalnlawan ang paa nya. "Oh?"

"Palagay ko, totoo ang sinasabi ni Manang."

"Paano mo nasabi?"

"Ayaw mo pa ring maniwala?"

Nagkibit balikat lang ako. "Alam mo ang stand ko sa mga ganyang bagay, Victoria."

"Alam mo bang...kapag nililinis ni Joey ang paa ko, naiiyak ako sa sobrang sakit. Yung halos di ako makapagsalita."

Huminto ang kamay ko sa pag-angat ng tabong may tubig. Tiningnan ko s'ya.

"Hindi na s'ya ganun kasakit, Baks," kalmado lang nyang sinabi. "Kita mo, nagagawa kong makipagkwentuhan sa 'yo ngayon."

Nanigas ang leeg ko. Kasi sa kabila ng ingay na likha nang pagluluto at pagkukuwentuhan nina Shiel, at pagliligpit ni Joey at Benjie sa sala, narinig ko yun.

May tumuktok sa dingding.

Hindi naririnig kahit ni Vicky. Pero si Nat, nakita kong tumigil sa paghuhugas nung sangkalan tapos lumingon sa akin. Bigla rin syang na-iwas ng tingin.

Sa unang pagkakataon mula nang mag-away kami ni Vicky, ngayon lang uli kami lahat nagsabay-sabay kumain.

"Nat, wala ka bang pasok ngayon?" si Benjie.

"Meron. Tinatamad akong pumasok."

"Himala! Tinamad ka!" biro ni Rose. "Mahilig ka ngang mag-OT."

"Nakaka-burn out eh."

Ayun na naman ang pakiramdam na di kumbinsido kay Nat. Kulang sa kumbiksyon ang pagkakasabi nya.

Ang tatlong GRO na rin ang nagboluntaryong maglinis sa kusina pagkatapos naming maghapunan. Si Benjie pa rin ang nagbuhat kay Vicky paakyat sa kuwarto nila ni Joey.

Andun lang ako sa may pinto ng kuwarto nila nakatanaw nang ilapag s'ya sa kama.

"Pahinga ka na, Baks. Goodnight," paalam ko.

"Goodnight."

Bumaba uli kami ni Benjie. Di kami pwede sa kuwarto. Nakakahiya kay Nat. Sa sala na lang kami.

Kakaupo pa lang naming sa mahabang sala set nung marinig ko si Glenda.

"Sino'ng huling naglaba?"

"Ako, bakit?" si Shiel.

"Di mo naman inayos yung wire eh," reklamo ni Glenda. "Buhul-buhol. Nakasabit pa sa padlock."

Narinig ko ang pag-usog nila sa washing machine.

"Babe," untag ni Benjie. "Ano ba yung emergency at napahangos ka pauwi dito?"

"Si Vicky kasi..." simula ko.

"Ay nakow! Bakit mo hinila?" narinig ko uli si Glenda. "Ayan tuloy. Natabingi yung saksakan."

"Ipaayos na lang natin. Maliit na bagay."

"Napansin ko nga. Parang lumala yung sugat nya sa paa," sabi ni Benjie na nagpabalik ng atensyon ko sa kanya.

Tuloy naman ang magaan na pagtatalo ni Shiel at Glenda.

"Hala ka! Bakit mo itinulak nang malakas?"

"Hindi ah!"

"Alangan namang ako? Tsk! Ayan, nagasgas na yung washing machine."

"Ang selan mo naman."

"Aba, natural. Para magtagal ang gamit. Ang hirap kumendeng-kendng sa club para magkapera pambili."

Gusto kong matawa. Pati si Benjie. Nakikinig din pala.

"Ayan, pati yung cabinet, nagurlisan ang pintura."

"Tara na nga sa taas," saway ni Rose. "Para kayong tanga."

Nagpaalam na sina Shiel na aakyat. Sa karaniwang araw na off nila, dito sila tumatambay sa ibaba. Minsan nagkukwentuhan, mas madalas, inuman. KAsama o hindi ang mga jowa nila.

Siguro, para bigyan kami ng privacy ni Benjie. At malamang, di nag-inuman para di maabala ang pamamahinga ni Vicky.

"Ayun nga kasi, dinatnan ko dito yung inabutan nating dalawang may-edad na babae dati," simula ko uli.

"Yung ano, nagtatawas ba tawag dun?"

"Oo." Tapos nagkuwento ako sa nangyari na pagso-sorry ni Vicky. "Pati si Nat, tinuturo nung matanda tungkol sa bantay ko—"

Sabay kaming napatingin ni Benjie sa may swing door.

Inabangan naming kung sino yung nagmamadaling bumaba sa hagdan. Sa likod ng utak ko, parang masyadong magaan ang paa.

Malamang si Nat. Ganun yun eh.

Wala pang limang segundo, may tumakbo uli pababa. May mabigat nang bahagya ang paa.

Napataas ang kilay ko.

Si Nat lang at ako ang magaan ang paa dito.

Eto na nga si Nat bumungad sa swing door.

Di ako sigurado kung niloloko ako ng mata ko. Parang naunang gumalaw ang swing door bago pa yun buksan ni Nat.

Halatang medyo naghahabol sya ng hininga.

Tiningnan ko ang parteng smoked glass wall ng banyo. Nanatiling patay ang ilaw dun.

Sino yung isang bumaba sa hagdan?

"Uhm, dun na kayo sa itaas mag-usap," sabi ni Nat. "May, ano, may bibilhin lang ako sa labas."

"Hindi na. Sandali ka lang naman yata," tanggi ni Benjie.

"Baka matagalan din ako. Sige na," salo nya agad.

Nagkatinginan kami ni Benjie. Alam ko, pareho naming naramdaman na parang namimilit si Nat kaya pumayag na ako.

"Tara, babe," yaya ko na.

Nagtagal pa si Benjie nang lampas isang oras. Pero wala pa rin ang roommate ko.

Hindi na n'ya ako pinalabas ng kuwarto nung magpaalam s'ya.

"Babe, wag mo papatayin yung ilaw sa kusina at sala ha? Wala pa si Nat," bilin ko.

"Sige. Tulog ka na. Bawal kayo magpuyat ni Baby," ang sagot matapos akong halikan sa labi.

Tinanaw ko pa sya mula sa bintana ko na sumakay sa motor nya na naka-park lang sa tapat ng gate. Saka ko napansin na parang may batang nakatayo malapit sa motor ni Benjie. Tinitigan ko tuloy kasi medyo madilim dun. Natatakpan ng anino ng gate. Hindi ko masigurado nung una pero nung dukutin ni Benjie ang phone nya at mag-text doon, meron nga.

Batang lalaki. Nakita ko ang silhuweta nang kalahating itaas ng ulo nya dahil sa liwanag ng phone.

Bakit may bata dito sa street namin? At sa ganitong oras pa man din nang gabi!

Saka ko na-realize, nakatingala sa akin yung bata. Pero, di ko makita ang mukha nya. Siguro dahil sa di ganoon kaliwanag o dahil sa distansya.

At isang bagay ang pinagtataka ko. Hindi sya pansin ni Benjie kahit nung tingalain ako ng lalaki at kumaway. Kumaway ako pabalik at pabirong nag-flying kiss.

Nawala sa kanila nung bata ang atensyon dahil nag-message alert ang phone ko. Umalis na ako sa bintana para kunin ang phone ko na nasa kama ko.




Nasa sala na pala si Nat. Nagse-cellphone. Dyahe. Tulog ka na, babe. Sweet dreams. I love you!




Napangiti ako. At nag-reply pabalik.




Ingat sa pagmamaneho. Papakasalan mo pa 'ko. Love you!




Hinintay ko si Nat na umakyat. Nagtatalo kasi ang loob ko kung tatanungin ko sya na kaming dalawa lang tungkol sa sinasabi nung matandang magtatawas. Kaso, inantok na ako at lahat, di pa sya umaakyat. Pinili ko na matulog na lang. Ganyang parang balewala sa kanya na manatili sa ibaba sa kalaliman ng gabi, sa kabila pa man din nang nangyari kay Vicky, ibig sabihin, wala talagang dapat ipag-alala. Mali na gumagawa kami ng sarili naming ikatatakot.

Di ko alam kung gaano katagal na akong nakakatulog nung magising ako dahil sa magaan pero mabibilis na hakbang pababa sa hagdan. Kasunod ang pag-krik ng swing door sa kusina.

Dinig yun dahil sobrang tahimik.

Nagdalawang-isip ako kung si Nat yun na bumaba uli. I mean, nakatulog ako na bukas ang ilaw, pero sarado na ang fluorescent lamp sa kuwarto. Yung kaunting liwanag na lang na galing sa poste sa labas na tumagos sa bintana ang ilaw namin.

Pumikit uli ako para bumalik sa pagtulog pero nag-krik uli ang swing door. Papaakyat na uli si Nat.

Ano ba'ng trip ng babaeng yun?

Baka may kausap sa phone at ayaw akong maistorbo. O baka yung ex nya, nagkakabalikan na kaya? Bumaba sya para may privacy ang pag-uusap nila sa phone.

Nung marinig ko ang magaan pero mabilis nyang yabag paakyat sa hagdan, pumikit ako.

Nakakahiyang abutan nya akong gising. Sabihin pa ni Nat, nanunubok ako.

Ilang minuto na yata, pero bakit di s'ya pumapasok? Ano'ng ginagawa n'ya sa labas ng pinto? Wala naman akong marinig na kausap nya or what. In fact, wala talagang ingay na. Ang huling kong narinig, huminto si Nat sa tapat ng pinto.

Kaya dumilat ako. Nakiramdam.

Wala talaga akong marinig.

"Nat?" tawag ko.

Walang sagot.

"Nat?" ulit ko sa mas malakas na boses.

Nanigas ang katawan ko kasi may gumalaw sa kama ni Nat. Nakaramdam ako ng takot lalo na nung sumagot si Nat nang paungot.

"Oh?"

Sagot na nanggaling sa kama nya!

Nilakasan ko ang loob ko. Baka nagkakamali lang ako nang pagkakadinig. Tumayo ako at binuksan ang ilaw.

Nasa kama nga si Nat na nagising dahil sa liwanag. Tinakip pa nga ang kamay sa mata.

"Problema, Rory?" antok nyang tanong. "May masakit ba sa 'yo?"

Hindi ako makapagsalita. Kasi di ko alam ang sasabihin ko.

Kaya napaupo na si Nat sa kama nya. "Hoy, Rory?"

"N-nat, kanina ka pa pumasok?"

Kumunot ang noo nya, pero saglit lang. Tapos yung mata nya, dumako sa pinto, at mabilis na ibinalik sa akin.

"Nasusuka ka ba? Halika, samahan kita."

"H-hindi," tanggi ko. "Ano kasi..."

"Matulog ka na uli, Rory. May pasok ka pa mamaya. Bawal sa iyo ang kulang sa tulog."

"N-nat..."

"Sige na. Matulog ka na."

Tumayo sya at pinilit akong inihiga. S'ya na rin ang nagkumot sa akin.

"Importante ang tulog sa buntis lalo na sa first trimester, ganda," parang nanay nyang paalala.

Paano kong gagawin? Lumipad na lahat ng antok ko.

Ngumiti sya nang tipid at pabirong nag-utos, "Pikit!"

May mainit na pakiramdam na umahon sa puso ko. Nitong mga nakaraang linggo, nakikita ko kay Nat ang isang nakakatandang kapatid sa tipo nang simpleng pag-aalala nya sa akin.

Pag-aalala na hindi ko Nakita sa totoo kong ate. Ate na kabakigtaran pa nga ang ginawa sa akin.

Saka ko naalala.

Lumampas ang araw na dati ay ipinagdadalamhati ko.

"Huwag mo nang isipin ang bagay na makakapagpalungkot sa iyo. Bawal yun sa kundisyon mo."

Nagulat ako. Paano nyang—

"Kitang-kita sa ekspresyon ng mukha mo," ngumiti uli sya lalo na nung mapahawak ako sa sariling mukha.

Ganun ba ka-obvious? Eh... bakit tila tumbuk na tumbok nya ang dahilan ekspresyon ko?

Iba. Iba talaga ang ibinubulong ng utak ko tungkol kay Nat.

Kaya nung patayo na sya, "Nat?"

"Hmm?" nilingon nya ako.

"Yung ... yung sinabi ni Manang na ano ... uhm... bantay ko raw...?"

Huminga sya nang malalim tapos hinaplos ako sa ulo at inayos uli ang kumot ko.

"Rory, wag mo guluhin ang isip mo sa mga ganyang bagay. Alalahanin mong dalawang buhay na ang dala mo. Huwag mong hayaang maulit ang dahilan nang pagkalungkot mo nang mahabang panahon."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

Tinakpan nya ang bibig ko nung magtangka akong magsalita.

"Ang pagtuunan mo ngayon ng pansin, yung kasal n'yo ni Benjie. Para..." huminga uli sya nang maikli pero malalim. "...para makaalis ka na rito."

"A-nong--?"

Kumabog ang puso ko sa sinabi nya. May laman talaga ang mga salita kahit bigla n'ya yung bawiin nang,

"I mean, di ba? Para sa iisang bubong na lang kayo ni Benjie. Iba kasi ang emotional impact nun sa buntis na kasama ang asawa sa iisang bahay, ganun."

Umiling ako para iparating sa kanya na hindi ako kumbinsido sa mga sinasabi at inaakto nya.

"Aurora," seryoso na nyang sabi habang nakatingin nang diretso sa mata ko.

Kaseryosohan na nagpatigil yata sa paghinga ko.

"Tama na. Huwag ka na magtanong. Kung anuman ang nasabi ko, wala akong ibang paliwanag na masasabi. Wala lang ang mga yun. Kumbaga, mema lang."

Tumayo na sya pabalik sa kama nya.

"Nat, y-yung ilaw."

"Hayaan mon ang nakabukas. Para di kung anu-ano ang pumapasok sa utak mo. Matulog ka na, Rory. Hindi ako matutulog hangga't gising ka."

Ayoko pa sana kaya lang, hindi nahiga si Nat. Nakaupo lang sya sa kama nya at nakatingin sa akin.

Wala akong choice kundi ang pumikit. Awa naman na dinalaw ako ng antok.

Bigla akong napadilat nung makarinig nang pag-uusap sa labas.

Umaga na pala!

Bumangon ako.

Si Nat, tulug na tulog. Nakatalikod sa akin.

Si Joey at Vicky ang narinig ko.

"Hintayin na lang kaya natin si Benjie?"

"Kahit huwag na. Nakakahiya. Tsaka ano, kaya ko na tiisin. Hindi na ganun kasakit. Alalayan mo na lang ako."

Dali-dali akong lumabas.

"Oh, aga mo?" si Vicky.

"Baks, antayin nyo na lang si Benjie," sabi ko.

Tumanggi sya at di ko na napilit. Mahinahon nya akong pinagalitan nung magtangka akong tumulong sa pag-aalay sa kanya pababa. Kaya hinayaan ko na sila ni Joey. Akon a lang ang nagdala nung lagayan nya ng toiletries at panlinis sa sugat nya.

Nakita ko na totoo ang sinabi nya. Kumpara kahapon, tila ang laking igpaw sa improvement ni Vicky ngayon. Hindi lang dahil naitutukod na nya ang paa, kundi sa mismong itsura nung sugat.

Yun ang obserbasyon ko mula kanina hanggang matapos ko syang hugasan sa paa. Hindi na nga s'ya binuhat ni Benjie pabalik sa itaas matapos naming kumain ng agahan. Nakalalay lang ang lalaki nung paakyat sila sa hagdan.

Naiwan akong mag-isa sa ibaba dahil tulog pa rin si Nat at yung tatlong GRO.

Nakapaghugas na naman ng pinagkainan at nakapaglinis na sa hapag kaya nakaupo lang ako sa dining nung paakyat sila.

Napadako ang mata ko sa washing machine.

Hindi na naman ito pantay sa pagkakalagay sa ilalim ng hagdan. Tsaka ayun na naman yung pagtuktok sa dingding. Pero mahina lang.

Lumapit ako dun para ayusin. Isa pa, gumapang ang hindi ko mapigilang kuryosidad sa tunog na nanggagaling sa dingding.

May malamig na hangin akong naramdaman. Parang galing sa likod nung mismong washing machine. Sisilipin ko sana pero napatingala na ako sa hagdan. Pababa na si Benjie.

"Babe?"

"Oh?"

Bumilis ang pagbaba nya. "Ano'ng ginagawa mo dyan?"

"Inayos ko lang 'tong washing machine."

"Ako na."

Kumunot ang noo nya. Kahit ako.

May tumuktok uli sa dingding.

Pero iba pala ang ipinagtaka ni Benjie.

"Tsk!"

"Bakit?" tanong ko.

"Ayaw mausog," ang sagot nya.

Tapos hinila nya yung washing machine palayo sa dingding at sinilip ang puwang.

"Wala namang harang eh," sabi nya.

Pati tuloy ako napasilip na.

Nahigit ko ang hininga ko.

Yung beige na cabinet, may gasgas.

Gasgas na pinagtatalunan nina Shiel kagabi.

Gasgas na nagtuklap sa ibabaw na pintura at nagpakita sa orihinal na kulay nito.

Pula!

"RORY!"

Yun ang huli kong narinig bago magdilim ang paligid ko.

Hindi ko alam kung gaano katagal.

Nagising ako sa mainit na pakiramdam.

Nasa loob uli ako nang nasusunog na sementong butas na may pulang pintura.

Sa pagkakataong ito, tila isa lang akong tagapagmasid habang nakahiga.

Nagmamasid sa pagwawala at paghingi ng tulong nang isang batang lalaki na kasama ko sa loob ng tila maliit na kulungang iyon!

======================

Don't forget to comment and vote!

Continue Reading

You'll Also Like

6.1K 150 17
"So Sav..." Sam starts. "We brought you here to ask you something." "What is it?" I ask, kinda nervous. "So, you know how we said we were goi...
114K 3.2K 111
"What is this" he asks, his voice is calm, but his expressions is anything but that. There were multiple gasps in the room, when he suddenly flings...
21.1M 517K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
395K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...