Payne Sisters Series: Demi Lei

By Bblueee_06

290K 9.3K 1K

Demi Lei Payne - First daughter of Reynaldo Payne. Mula ng mamatay yung nanay ni Demi dahil sa panganganak, n... More

Intro
Characters
Payne Sisters
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13: Special Chapter
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25

Chapter 9

8.4K 301 55
By Bblueee_06

Demi Lei

Nakarinig ako ng isang malakas na katok na nagmumula sa pinto ng aking kwarto. Tinatamad akong bumangon dahil sa sobrang pagod. Gusto ko lang sulitin tong restday ko dahil naloloka ako sa pagtatrabaho, pero ang totoo naloloka ako kay Zaireen Cruise! Sobra niya akong pinapahirapan. Halos araw-araw siyang nandun sa site kung saan itatayo yung mall nila. Palagi niya akong kinokontra o binabara man lang buti. Arrggh!! Hindi ko alam kung gumaganti ba siya sa akin or nananadya na eh. Narinig kong may kumakatok pa din.

"PASOK!" Sigaw ko dahil tinatamad akong bumangon.

"HAPPY 29TH BIRTHDAY ATE!" Boses yun ni Iris.

"Happy birthday to you... happy birthday... happy birthday... happy birthday Ate Demi!" Napatayo naman ako bigla dahil boses yun ni Allison, pareho silang kumanta ni Iris.

"Allison!" Patakbo akong lumapit sa kanya at niyakap siya. Nakisali na din sa amin si Iris.

"Kailan ka pa umuwi?" Tanong ko sa kanya.

"Kanina lang Ate. Mamaya na tayo magchikahan, make a wish and blow the candles muna." Napaikot na lang yung mga mata ko at sinunod yung sinabi niya.

May binigay naman sikang regalo sa akin, ganun din si mommy. Si daddy ko? Wala. Nandun lang siya sa kwarto niya.

"Ate, 29 ka na pala. Ang tanda mo na bakit hindi ka pa mag-asawa?" Natatawang tanong sa akin ni Iris na sinang-ayunan naman ni Allison.

"Eh wala pa sa isip ko yan eh tsaka wala nga akong nagiging girlfriend. Magiging asawa pa kaya?" Napapailing na sabi ko sa kanila.

"Bakit kasi Ate ayaw mong magboyfriend?" Singit pa ni Allison.

"Hindi lang talaga ako into boys. Hindi ako katulad niyo na straight." Napansin ko naman na tumahimik bigla si Iris. Hmmm... parang may something.

"Yeah right. Whatever ate. Naunahan ka pa ni Ate Hansen eh. May anak na sila ni Ate Diana." Sabi pa ni Allison.

"Darating din ako diyan." Nagkibit-balikat naman sila sa sinabi ko.

----

Napakaliit talaga ng mundo, biruin niyo kilala pala ng asawa ni Hansen si Zaireen. Kapatid daw kasi nun ay asawa ng kaibigan niya. Small world talaga.

"Oh Ate, buti naman at nandito ka na. May naghahanap sayo. Nasa may pool area, hinihintay ka." Sabi sa akin ni Iris ng makasalubong ko siya.

Kunot noong nagpunta naman ako sa likod ng bahay namin. Wala naman kasi akong inaasahang bisita. Gusto ko sanang tumakbo palabas ng bahay pero huli na dahil nakatingin siya sa akin.

"Ba-bakit?" Nauutal kong tanong sa kanya. Tinuro niya naman yung upuan na parang sinasabing maupo ako. Ang bossy talaga ng Zaireen na toh.

"Gusto ko lang na bawiin mo yung sumpa mo sa akin. 9 years ago, I think? Dahil simula nun nagkanda letse-letse na yung love life ko. Kasalanan mo yun. Hindi ko nga alam kung bakit mo yun ginawa eh. Hindi naman kita kilala." Seryosong saad niya.

Gusto ko sanang matawa dahil masyado siyang naniwala sa sumpa. Nagawa ko lang naman yun dahil kailangan ko ng pera para sa tuition ko. Napabuga muna ako ng hangin bago magsalita, this is it.

"All right." Nakapikit na sabi ko sa kanya at tinaas yung kamay ko sa gawi niya. Shit! Ano ba tong kagagahang ginagawa ko. Natatawang sabi ko sa isip ko. Gusto ko sanang matawa pero nun dumilat ako seryosong nakatingin lang siya sa akin kaya naman pumikit ulit ako.

"Alisin... alisin... alisin ang sumpa kay Zaireen Cruise." Paulit-ulit kong sinabi habang nakapikit pa. Ilang sandali pa'y dumilat ako at tumingin sa kanya.

"Naalis na yung sumpa. Pwede ka ng umalis."

"Salamat, Miss Payne." Nakangiting pagpapasalamat niya sa akin, isang tango na lang ang sinagot ko sa kanya.

Pagkaalis niya dun ako nagpakawala ng isang malakas na tawa.

"What the fudge! Pfffttt! HAHAHA." Halos hawak ko na yung tiyan ko dahil sa sakit gawa ng kakatawa ko.

"Hoy ate! Bakit ka tumatawa diyan? Para kang baliw." Naguguluhang tanong ni Iris sa akin.

"Nothing sissy." Nakangising sagot ko sa kanya. Tinaasan naman niya ako ng isang kilay.

"Tara na at nakahanda na yung dinner natin." Aya niya sa akin kaya naman sumunod na ako sa kanya.

Hayyy! Zaireen Cruise. Nakakaloka ka. Ano bang pake ko sa love life mo kung nagkanda letse-letse? Kasalanan na yun ng mga nakarelasyon mo. Sinasayang nila ang isang tulad mo. Aaminin ko ang ganda niya kaso shunga lang dahil naniniwala sa mga sumpa-sumpa. Napapailing na lang ako.

Nagulat ako ng pabalipag na sinara ni Iris yung pinto ng kotse niya.

"Hoy Iris! Anong problema mo?"

"Wala ate. I'm having a bad day lang. Sige na. Punta na ako sa school." Bumeso naman siya sa akin.

Nagdrive na ako papunta sa construction firm namin, may nakalimutan kasi ako dun kaya naman dadaan muna ako dun bago pumunta ng site.

Pagkarating ko sa site, agad kong hinanap si Candice. Nakita ko naman siya agad at nilapitan.

"Candice! May chika ako sayo!" Natatawang sabi ko sa kanya. Takang napatingin naman siya sa akin kaya naman kinuwento ko sa kanya yung pangyayari nung magpunta si Zaireen sa bahay namin.

Matapos kong magkwento halos tumawa siya ng tumawa.

"Luka-luka ka talaga Demi! Bakit di ka na lang mag-artista?" Nakahawak na si Candice sa tiyan niya kakatawa. Nagkibit-balikat na lang ako sa kanya.

"Well, ayoko eh. Baka matalbugan ko sina Ate V." Natatawang saad ko sa kanya. Tawa-tawa kaming naglakad at nagsuot ng helmet.

Isang linggo matapos ko tanggalin ang sumpa kuno kay Zaireen, napapansin kong hindi na niya ako pinapahirapan. Ngumingiti na din siya sa akin pag nasasalubong o nagkikita kami. Yung ngiting nakakalaglag panty! Ay wag naman malaglag! Sayang eh. V.S pa naman yung panty, regalo sa akin ng dalawa kong kapatid. Sabi ko nga soen lang okay na eh pero sosyal yung dalawang yun.

"Saan ang lakad mo?" Tanong ko sa kapatid kong si Allison.

"Uhmmm... sa may friends ko." Tinignan ko naman siya ng maigi. Bihis na bihis siya, mukhang gigimik nanaman siya.

"Really? Ihahatid na kita." Napansin kong napangiwi siya.

"Hindi na ate..." Kagat labing tanggi niya.

"Kasi hindi ka talaga sa friends mo pupunta tama? Gigimik ka nanaman? Allison naman! Kung tinutulungan mo si Ate Iris mo dun sa school, matutuwa pa ako sayo. Hindi yung puro gimik lang inaatupag mo at puro shopping. Hindi tinatae ang pera ha!" Natahimik naman siya at nakayuko na parang iiyak na. Alam ko yang mga ganyan niya. Halos kaming magkakapatid ay may talent sa pag-arte talaga.

"Hindi mo ako madadala sa mga ganyan mo Allison! Bumalik ka dun sa loob at sumama ka kay Iris." Aangal pa sana siya pero sinamaan ko siya ng tingin kaya wala na siyang nagawa kundi nagpapadyak na bumalik sa loob.


"Demi! Demi!" Sigaw ni Candice pagkababa ko ng kotse. Hingal na lumapit siya sa akin dahil patakbo siyang lumapit sa akin.

"Oh bakit?"

"May problema.."

"Ano yun?" Tanong ko sa kanya.

"Si Miss Zaireen, hinahanap ka sa akin kanina. Galit na galit." Napakamot naman ako sa ulo ko. Ano nanaman kayang problema ng babaeng yun.

"Nasaan siya?" Tanong ko pa. May dinukot naman siya sa bulsa niya.

"Ayan, sabi niya bigay ko daw sayo yan. Address ng bahay nila. Doon daw kayo mag-usap." Sabay abot sa akin ng maliit na papel.

"Bakit daw?"

"Aba malay ko! Puntahan mo na lang. Halatang beastmod eh."

"Hmmmppp! Bahala siya. Tara na nga at magtrabaho na tayo." Ano nanaman bang inaarte ni Zaireen? Hindi kaya dahil yun sa sumpa thingy? Pfffttt. Bahala siya sa buhay niya.

Pasado alas singko na ng hapon, nag-uwian na yung mga trabahador. Kinuha ko naman yung cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko dahil may nagtext. Nakita kong nahulog yung papel na binigay ni Candice sa akin kanina. Dinampot ko naman yun at binasa.

"Ikaw may kailangan sa akin edi ikaw ang magpunta sa bahay." Sambit ko sa sarili ko.

Kaso pasakay na sana ako ng kotse ko nang may tumawag sa akin.

Isang galit na galit na Zaireen Cruise ang nakita ko.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

-Bee :)

Continue Reading

You'll Also Like

153K 4K 28
University Series: 3rd Year (COMPLETED) Si Sabrina Montezor ang babaeng gagawin ang lahat para lang mapansin ng kanyang Dream Guy na si Chuck Sandova...
1M 32.4K 42
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.2M 44.4K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...