Can't Get Over You

Autorstwa janekhuletz007

131K 5.4K 739

My 5th story for JaThea. ? Hope you enjoy it since some of you requested for this. Mabuhay kayong lahat!! ❤❤❤ Więcej

See You Again
Here I am
Feelings for you
Love me like you do
First date with her
New Day
Jelly Ace
More Than Words
Torete
Sweet Revelation
The Naughtiness
The First Time
We belong
Lovely Day
Beautiful You
One More Day
Between Love & Trust
Fear of Losing Someone
Devastated
Jealousy
Caught Off Guard
Bela & Kim
Agustin Siblings
Sorrow & Loneliness
The Little Man
Dreams Never End

Can't Help It

5K 243 29
Autorstwa janekhuletz007

Althea's POV

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog na yakap-yakap siya. Gising na ako pero ayoko pang magmulat ng mga mata. Kaysarap sa pakiramdam. Gusto ko pang damhin ang init ng kanyang katawan. Hmm.. ang bango-bango niya. Mas lalo ko pang isiniksik ang katawan ko sa kanya.

Naramdaman ko ang paghaplos ng isa niyang kamay sa likuran ko pababa sa pang-upo ko. Shit! Nagdulot iyon ng kakaibang init sa katawan ko na hindi ko alam kung paano pipigilan.

"Jade please.. baka hindi na ako makapagpigil." Hirap na hirap kong bigkas. Dinidilaan niya kasi ang tenga ko.

Oh my gosh! Pinisil niya ng bahagya ang kabilang side ng butt ko. Napaungol ako sa ginawa niya. "You're making me crazy mahal ko." Hinagilap ko ang magkabila niyang pisnge at ginawaran siya ng mapagparusang halik sa labi. Para siyang natuod dahil hindi siya kumikibo. Kaya napangisi ako nang tumugon na siya sa mga halik ko. Damn! She's so hot.

Naglumikot na ang mga kamay ko sa maseselang bahagi ng katawan niya. "Ihhmnn.. Althea." Mahina niyang daing. Hindi siya pumapalag kaya ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko sa kanya. Napapaungol siya kaya alam kong nagugustuhan rin niya.

'Althea hindi tama ang ginagawa mo. Kung gusto mong mahalin ka ni Jade igalang mo siya.' Bulong ng utak ko kaya bigla akong natauhan. "I'm sorry hindi tama ito." Agad na dumistansya ako sa kanya. Bumangon ako at naupo patalikod sa gilid ng kama. "Ayusin mo na ang sarili mo Jade. Iuuwi na kita sa inyo."

Walang imik na bumangon na rin siya. Sinuklay ang buhok gamit ang kamay niya at pagkatapos ay .tumayo na. "A-anong oras na?"

"5:30 na ng hapon." Tipid na sagot ko.

"Okay. Huwag mo na akong ihatid. May iba akong pupuntahan." Aniyang diretsong nagtungo sa loob ng banyo.

Tumayo ako at nagpalakad-lakad. Hindi ako mapakali. Galit yata siya sa akin. Shit! Anong gagawin ko?

After ten minutes ay bumukas na rin ang pintuan ng banyo sa wakas. Kaya patakbo akong lumapit sa kanya. "Jade.."

"Althea aalis na ako." Aniyang hindi tumitingin sa akin. Nagsimula na rin siyang humakbang palabas ng kwarto ko.

"Jade sandali.." Harang ko sa daraanan niya. "Galit ka ba sa kin?"

Marahas na napabuntong hininga siya at pagkatapos ay seryosong tumingin sa akin. "Wala akong dahilan para magalit. Kaya tumabi ka na diyan at lalabas na ako!" Mataray niyang sabi sa akin.

"Saan ka ba kasi pupunta?" Nag-aalala kong tanong sa kanya. Baka mamaya ay kung saan pa siya magpunta. Hindi ako lalo mapapakali nito.

"Wala kang pakialam kung saan ko gustong pumunta." Mataray pa rin niyang tugon.

"No! Hindi ka aalis hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung saan ka pupunta." Lakas loob na sagot ko sa kanya.

"Bakit ba ang kulit mo? Sabi nang palabasin mo na ako!" Sigaw niya sa akin ngunit hindi ako nagpatinag.

"Kung ayaw mong sabihin ay sasama ako sayo. Hindi ako mapapakali Jade."

"Gusto mo talagang malaman?" Tumawa siya ng pagak. Alam kong napipikon na siya sa akin. "Okay fine! Gusto mong sagutin ko na si PJ di ba? Pwes! Gagawin ko na ngayon Althea at hinding-hindi mo na ako malalapitan kahit kailan!"

Natakot ako sa sinabi niya kaya napayakap ako sa kanya. "Huwag Jade please.. hindi ko kaya. Sabihin mo sa akin kung anong dapat kong gawin. Kahit ano gagawin ko."

"Althea just let me go. Gusto ko nang umalis."

Pilit niyang tinatanggal ang mga braso kong nakayakap sa kanya. "Jade mamatay ako kapag ginawa mo yon. Mahal na mahal kita eh."

"Althea sana hindi ka na lang ulit nagpakita. Ginugulo mo ang puso at isipan ko."

Nagulat ako sa kanyang sinabi kaya dahan-dahan akong kumawala sa pagkakayakap ko sa kanya. "A-anong ibig mong sabihin Jade?"

"Hindi ako sure sa nararamdaman ko pero masaya ako kapag nakakasama kita."

Gosh! Naiiyak ako sa sobrang tuwa. May pag-asa ako sa kanya? Oh yes! May pag-asa ako. Gusto kong magtatalon sa tuwa pero ayoko namang magmukhang tanga sa harapan niya. "T-talaga? O-okay hindi kita mamadaliin Jade. Pero ipaparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal. Trust me Jade sobrang mahal kita. Wala akong ibang pinangarap kundi ang mahalin mo rin ako."

Titig na titig siya sa mga mata ko na parang binabasa ang buong pagkatao ko. "Hindi naman siguro ako magpapahalik sayo kung wala akong nararamdaman para sayo." Sandaling nag-iwas siya sa akin ng tingin bago ulit tumingin ng diretso sa mga mata ko. "Nabitin ako sa ginawa mo kanina. K-kaya.. kaya ako nagkaganon."

Pilyang napangiti ako. "Pwede pa naman nating ituloy kung gusto mo."

Hinampas ko siya ng bahagya sa braso niya habang natatawa. "Sira! Iuwi mo na lang ako sa min. Maaga akong aalis bukas."

"Kasama mo naman ang PJ na yon?" I frowned that makes her giggled.

"Bago ka magselos diyan alamin mo muna kung sino."

"Eh sino pa ba? Siya naman palagi ang nagrerequest sayo."


Jade's POV

"Hindi lang naman siya ang client ko. Marami pang iba Althea. Tomorrow I'll be with Liza." Nanlaki ang mga mata niya. Teka akala ko ba hindi siya updated sa mga showbiz personality? Bakit parang kilala niya si Liza Soberano? "So kilala mo siya?"

Tumango siya sa akin habang nangingiti. "Nameet ko na siya sa Hospital. When I was going to visit Jak 10 days ago I think." Yeah her ex boyfriend na doctor. "May dinalaw naman siyang kamag-anak sa loob."

"So pano mo nga siya nakilala?" May nahihimigan ako sa kanya na hindi maganda. Sa tinging ipinupukol ko sa kanya ay parang gusto ko siyang balatan ng buhay.

"Napansin ko kasing may mga staff na nagpapapicture sa kanya. So nilapitan ko siya. Eh siyempre kilala ako ng mga empleyado na isa akong Galves kaya nag-alisan sila." Napahalukipkip ako ng mga braso ko habang nakikinig sa kwento niya. "Then I asked her directly kung bakit pinagkakagulahan siya ng mga staff."

Medyo nakaramdam ako ng inis dahil parang kinikilig siya pagkukwento. Kaya tinaasan ko siya ng isang kilay. "So anong isinagot niya sayo?"

"Teka lang mahal ko. Bakit parang galit ka?" Takang tanong naman niya sa akin.

"Hindi noh! I'm just curious. Now tell me, ano ang isinagot niya?"

"Ayon nagpakilala siya sa akin na isa nga daw siyang artista. Tapos nagsorry pa siya. Parang natural lang sa kanya ang pagiging mabait off cam."

"So nagagandahan ka sa kanya?"

"Oo.. maganda naman talaga siya." Nangingiti niyang tugon. Bwisit! Napipikon na talaga ako sa kanya.

"Crush mo siya kung ganon?" Seryoso kong tanong sa kanya. Ngunit bigla na lang niya akong tinawanan.

"Sorry.. sorry mahal ko. Natawa lang talaga ako. Kanina kasi ako itong nagseselos pero parang biglang nabaligtad yata?"

"At sinong may sabi sayong nagseselos ako? Kapal mo rin Althea!"  Naiinis kong angil sa kanya. "Kung gusto mo.. siya na lang ang ligawan mo. Ilalakad pa kita."

Ay bwisit talaga! Parang natawa pa siya. Hindi naman yon joke. Sarap niya lang sakalin. Nanggigigil na ako sa kanya.

"Oh sige magpapalakad ako sayo pero.. " Pabitin pa niyang sabi. "Pero hindi sa kanya kundi diyan sa puso mo."

Ang inis ko ay unti-unting napalitan ng kilig. Pero siyempre ayokong ipahalata sa kanya. Baka kasi hindi na siya mag-effort na suyuin ako. "Hmp! Ewan ko sayo." Naiiling na irap ko sa kanya.

"Pwede bang magdinner muna tayo bago kita ihatid sa inyo?"

Nag-isip muna akong sandali. "Sige ba! Pero ang gusto ko luto mo."

"Ihhh... Baka hindi mo magustuhan. Kain na lang tayo sa labas."

"Ayoko Althea! Gusto ko lutong bahay."

"Okay.. papayag ako pero huwag mo akong babastedin kapag pangit ang lasa." Nakabusangot niyang sabi sa akin. Prinsesa nga pala siya sa kanila. Kaya wala talaga itong alam sa mga gawaing bahay. Lalo na ang magluto.

"Siyempre dapat inspired ka kasi nandito ako. Kaya dapat masarap ang magiging lasa ng lulutuin mo."

"I'm not confident in cooking mahal ko." Pag-iinarte niya. "Well natuto akong magluto sa US kasi wala akong yaya doon. Pero most of the time ay nakikikain lang ako sa bahay ng tita ko. Magkatabi lang kasi ang bahay namin don."

"Paano ka papasa sa kin Althea kung ngayon pa lang ay bagsak ka na?"

"Teka lang naman mahal ko. Eto nga oh! Kikilos na ako." Paltukan ang mga paang lumabas na siya ng kwarto patungo sa kitchen. Nakasunod lang ako sa likuran niya. "Tsk! Patay ako nito." Aniyang bubulong-bulong. Natatawa tuloy ako sa kanya. Para siyang bata.

"So what do you want to eat for dinner my love?" Aniyang sa loob ng ref nakatingin. Alam niya kasing nakasunod ako sa kanya. Lihim akong napangiti sa endearment niya sa akin. Ang sarap sa tenga eh.

"Hmm.. ano bang meron diyan sa ref mo?"

"Puso ko.. gusto mo sayo na lang?" Aniya sabay ngisi sa akin. Kinikilig na napairap ako sa kanya.

"Ang corny mo Althea. Nakakaloka ka!"

"Ayiieeh... kinikilig ang mahal ko. Pwedeng akin na lang din ang puso mo? Promise aalagaan ko yan." Napatawa lang ako sa sinabi niya. Jusko! Hihimatayin yata ako sa babaeng ito.



++++++++



Spaghetti ang naisipan kong ipaluto sa kanya. Ngunit sa bandang huli ay parang ako na rin ang nagluto.

Pagkahalbos kasi ng pasta ay ihahalo na sana niya doon ang spaghetti sauce. Jusko! Buti napigilan ko siya at nakialam na rin ako sa kanya.

Pinag-chop ko na lang siya ng onion and garlic habang busy ako sa pagdi-drain ng pasta. Tawang-tawa pa ako dahil panay ang pagpahid niya ng luha. Inis na inis siya sa akin dahil pinagtatawanan ko raw siya.

"Hmm.. sarap ng amoy mahal ko. Ang galing mo talaga. Pwede ka nang ikasal sa akin."

Tawang-tawa na naman ako sa mga banat niya. "Baliw ka talaga! Kumain ka na nga lang nito." Ipinaglagay ko siya sa plato niya. Para naman siyang kiti-kiti na kumi-kisay-kisay. "Oh, anyare sayo?" Natatawa kong tanong sa kanya.

"Kinikilig ako eh.. hindi pa kita girlfriend pero pinagsisilbihan mo na ako."

Napatawa ulit ako sa sinabi niya. "Konting effort pa mapapasagot mo na ako."

Mas lalong lumapad ang pagkakangiti niya. "Hindi ako makapaniwala na nangyayari ito. Akala ko isang pangarap ka na lang talaga Jade. Pero heto ka ngayon. Pinapasaya mo ang puso ko."

Hinawakan ko ang kamay niya at nginitian siya ng ubod tamis. "Makakapaghintay ka naman di ba?"

"Oo naman mahal ko.. kahit gaano pa katagal hihintayin kita."

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Para kasing kinikiliti ang puso ko sa mga titig niya. "Haist! Gutom ka na talaga." Sinalpakan ko siya ng french toast sa bibig. Tawang-tawa ako sa kanya pagkatapos dahil sa naging itsura niya.



Althea's POV

Naihatid ko na si Jade sa kanila. Hindi na niya ako pinapasok sa loob dahil late na rin naman. Tulog na kasi ang parents niya. Si Pards naman ay hindi raw umuwi ng bahay. Baka sa girlfriend niya na natulog.

Pagdating ko sa condo ay nadatnan ko sa labas ng pinto si Doc Jak. Malungkot ang mukha nito at parang galing lang sa pag-iyak.

Inaya ko siyang magkape sa labas. Baka kasi ano pang mangyari kapag pinapasok ko siya sa loob ng condo ko. "Jak.." Basag ko sa katahimikan.

"Hon hindi ko pa kaya. Namimiss pa rin kita eh." Iyak niya sa akin.

"Jak I'm so sorry.. siguro dapat mo na ring malaman ang totoo para mas madali kang maka-move on."

Napatunghay siya sa akin. "Bakit anong totoo ang sinasabi mo?"

Huminga muna ako ng malalim bago ako tumingin ng diretso sa mga mata niya. "Jak bata pa lang ako ganito na ako. Pinilit kong magbago pero eto na talaga ako eh.."

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Jak I'm inlove with a girl." Walang paligoy-ligoy na sabi ko.

"W-what?" Gulat na gulat niyang tanong sa akin.

"Yes! Totoo ang narinig mo. Sinubukan kong baguhin ang sarili ko dahil din sa kanya. Hindi niya kasi ako kayang mahalin noon."

"So hindi mo talaga ako minahal? Ginamit mo lang ako Althea?" Gumuhit ang galit sa mga mata niya. Hindi tuloy ako nakaimik. "TANGINA! Pinaikot mo lang pala ako?"

"No! Jak maniwala ka sa akin. Minahal rin kita. Pero hindi katulad ng pagmamahal ko kay.. kay Jade."

Naiiling na napabuga ito ng hangin. "So yong kapatid pala ng bestfriend mo. Hanep! Papatol ba yon sayo?" Nang-uuyam nitong sabi. "Oo nga't maganda ka ring katulad niya. Pero tingin ko ay iba si Jade. Lalaki lang ang pinapatulan nun. As in tunay na lalaki."

Napangisi lang ako sa kanya. Wala akong balak na patulan ang mga sinasabi niya. "So tapos ka na? Baka gusto mo nang umuwi."

Biglang nagbago ang expression ng mukha niya. Parang naging isang maamong tuta ulit. "Hon I'm sorry.. pwede ka namang magbago ulit. Kalimutan mo na si Jade. Masasaktan ka lang sa kanya."

"Jak sinabi ko na sayo ang totoo para hindi ka na masyadong masaktan. Hindi mo deserve ang katulad ko. Maraming babae Jak na pwedeng magkandarapa sayo. Tumingin ka lang sa paligid mo."

Dismayadong nagbaba ito ng tingin. "Kahit nalaman ko ang totoo ay mahal pa rin kita. Sana hindi na lang tayo umuwi dito. Baka naging mas masaya pa tayo."

"Pero nagpapasalamat ako sayo sa pagpilit mo na umuwi ako dito. Kasi mas nakilala ko ang totoong ako. Jak maniwala ka sa akin. Pero sinubukan ko naman eh. Sinubukan kong ibaling lahat ng atensyon at pagmamahal sayo."

Malungkot na tumango-tango ito. "Naiintindihan ko Althea. Siguro nga hindi tayo para sa isa't-isa. Kailangan ko nang tanggapin sa sarili ko na hindi ka talaga para sa akin."

"Maraming salamat Jak. Sana maging magkaibigan pa rin tayo." Pilit na ngumiti siya sa akin.

"Oo naman noh! May pinagsamahan naman tayo eh." Pinagmasdan niyang mabuti ang mukha ko. "Basta promise me na magiging masaya ka sa naging desisyon mo."

"Masaya ako Jak. Sobrang masaya ako."

Napakunot ang noo siya sa sinabi ko. "Ibig mong sabihin----"

"Hindi pa kami Jak. Pero pinayagan na niya akong manligaw sa kanya."

"Oh god! You mean katulad mo rin siya?"

"Who knows?" Nangingiti kong sabi sa kanya. "Maybe nabend ko lang siya. Dati kasi ay kinamumunghian niya ako at pinandidirian."

"I'm so happy for you Althea. Sana nga mapasagot mo siya. Siguro kaya hindi pa niya sinasagot si PJ kasi ikaw talaga ang hinihintay niya."

"Hmm.." Napaisip ako sa sinabi niya. "Pwede.. siguro... sana.." Pagkatapos ay nagkatawanan kaming dalawa.

Nagkwentuhan pa kaming sandali bago kami tuluyang nagpaalam sa isa't-isa.





Jade's POV

Maaga akong dumating sa location ng shooting dahil ipi-prepare ko pa ang mga damit na gagamitin ni Liza. Ang onscreen partner nitong si Quen ay may sariling stylist na kanya.

"Ma'am delivery po para sa inyo."

"Flowers for me?" Sanay na akong makatanggap ng mga ganito. Kaya hindi na ako nasusurprise. "Thank you." Sabi ko sa delivery boy matapos kong i-receive ang padeliver.

"Wow! Kanino galing Ate Jade?" Kararating lang ni Liza na bumeso agad sa akin. Nadatnan niya akong may hawak-hawak na bulaklak. "Ang ganda naman ng arrangement. Galing kay Papa P?"

Ngumiti ako sa kanya. "Ewan! Hindi ko pa nababasa ang card eh."

"Sus! Tingnan mo na kasi. For sure kay Papa P galing yan."

"Hmm.. maybe! Sige tingnan na natin kung kanino talaga galing."

Hi Binibini,

Sana nagustuhan mo ang mga bulaklak na ipinadala ko para sayo. Mahal na mahal kita.


A.G.

"AG? Sino yan Ate Jade?" Naguluhang tanong ni Liza. Habang ako at heto kay lapad ng mga ngiti. "Hmm.. Parang gusto mo yong lalaking nagpadala sayo niyan. Masaya ka eh.."

Haist! How I wish na sana nga totoong lalaki na lang si Althea para wala nang maging problema. "Alam mo ikaw nagiging tsismosa ka na. Halika na ngang bata ka. Kailangan na nating mamili ng mga susuotin mo."

"Asus! Si Ate Jade inlove pero hindi kay Papa P." Napatawa lang ako sa sinabi niya. "Uhm.. Mas pogi ba yan Ate Jade?"

"Huh? Ikaw talaga Liza. Makukurot na kita sa singit." Busy na ako sa paghahalungkat ng mga susuotin niya.

"Nalulungkot lang ako para kay Papa P. Mas gusto ko kasi siya para sayo. Mabait na tapos ang pogi-pogi pa. Baka kasi mapunta ka lang sa ibang lalaki tapos sasaktan ka lang Ate Jade."

Napangiti ako sa sinabi niya. Nakakatuwa na ang isang Liza Soberano ay may pagmamalasakit sa akin. "Thank you sa concern Liza. Pero isa lang ang masasabi ko. Hindi natuturuan ang puso. Kusa itong tumibok ng hindi natin namamalayan."

"Ang lalim nun Ate Jade. Saan mo hinugot yon?"

"Sa loob ng panty ko." Biro kong sagot kaya nagkatawan kaming dalawa.







To be continued... 😁😁😁



Hayan guys! Nag-UD ulit ako para sa inyo. So bilang support sana magvotes po ulit kayo. Maraming salamat! 🤗🤗


Czytaj Dalej

To Też Polubisz

229K 4.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
43.5K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
3.6K 1.3K 62
[Epistolary] -Completed- (Mamamoo Fanfiction) Soliana is like the sun that shines so bright and she's trying to catch the moon while Luan is th...
150K 5.4K 40
Falling in love is not rational.