Chapter 48 : New Name, New Life
Coleen's POV
Nag iba lang yung pangalan ko, pero ako pa rin to. Hindi pa rin naman nagbabago yung ugali ko.
Hindi na ako kila Daniel nakatira, pinalipat na kasi ako nila Daddy sa bahay namin. Kailangan daw kasi nilang makabawi sa lahat ng taon na hindi nila ako nakasama.
Pinalitan na ni Daddy yung mga school records ko sa Princeton. Hindi ko alam kung paano niya naayos yun sa loob lang ng isang araw.
' Coleen, anak? '
' Bukas po yan ma. ' kahit na 'Coleen' yung totoo kong pangalan, hindi pa rin ako sanay na tawaging ganto.
' Kamusta, okay ka lang ba sa kwarto mo? Gusto mo ba, palakihan pa natin? '
' Hindi na po, mommy. Malaki na po to para sa akin. Mas malaki pa nga po to sa kwarto ko kila Daniel eh. '
' Sorry anak ah? '
' Bakit naman po? '
' Kasi, nawalan ako ng pag-asa na buhay ka pa. Sumuko ako agad noon. '
' Okay lang po yun. Atleast po, mag-kasama na po tayo ulit ngayon. ' nginitian ako ni mommy at niyakap ako ng mahigpit. Ramdam na ramdam ko sa yakap niya na namiss niya talaga ako.
Pagkaalis ni mommy, naghanda na ako ng gamit ko para bukas. Hindi ko alam kung paano nangyari pero kalat na sa Princeton na ako si Coleen Chua.
-
Hinatid ako ni Kuya Ranty, bago kong driver, pagpasok ko sa school. Binilhan ako nila daddy ng sariling kotse kahapon, pero hindi pa ako pwede mag drive dahil wala pa akong driver's license.
' Hi Coleen! ' pagbaba ko ng sasakyan, sinalubong ako agad ni Christian at Daniel sa may gate.
' Xian, Daniel. Inintay niyo ba ako dito? '
' Oo naman, namiss na kita e. Wala na akong kaharutan sa bahay. Pero, itong isa, mukhang mas miss ka. Sige, una na ako. Bye Kimmy! ' loko talaga tong si Daniel.
' Oh Xian, anong nakain mo at bakit parang ang lapad ng ngiti mo? '
' Wala lang. Namiss ko kasing tinatawag mo akong 'Xian' e. '
' Loko ka talaga, tara na. Baka malate tayo. '
Pag-pasok namin ng classroom, tumigil lahat ng classmates namin sa kung anong ginagawa nila at tinitigan kaming dalawa.
Pag-upo namin ni Christian, parang mga kabayo naman silang tumakbo papunta sa pwesto namin ni Christian.
' Kim, anong pakiramdam na mayaman ka na talaga ngayon? '
' Ang astig mo, Kim! Biruin mo, kahit ilang taon ka ng nawawala, nahanap ka parin. '
Biglang dumating yung teacher namin, kaya nagsibalikan silang lahat sa mga pwesto nila. Natawa naman kaming dalawa ni Christian dahil parang baliw tong mga kaklase namin.
-
Recess na namin ngayon kaya syempre, magkasama nanaman kami ni Christian. Habang nag-lalakad papuntang canteen, ang daming nagngingitiang mga babae sa akin. Napansin ko nga rin yung mga dating nambubully sa akin, ngumingiti na rin sa akin ngayon.
' Xian, ano bang problema ng mga to? Bakit biglang ngumingiti sa akin. '
' Baka gusto lang nilang sumipsip. Syempre ngayon, alam na ng lahat na mayaman ka. Edi mas marami ng makikipagkaibigan sayo niyan. '
Kumain nalang kami ng tahimik ni Christian dahil parang napansin ko na halos lahat ng tao sa canteen, nakatingin sa aming dalawa.
-
Sinundo ako ni Kuya Ranty, pero sabi ko sa kanya, dumaan muna kami kila Daniel. Gusto ko lang mag-paalam ng pormal kila Manang. Syempre, naging mabait sa akin yung mga tao doon, kaya hindi ko sila basta basta makakalimutan.
Pagpasok ko ng bahay, nagsipuntahan sa akin sila Manang. Ang dami nilang tanong sa akin, kamusta daw ba ako sa bagong bahay, maayos daw ba trato sa akin ng mga magulang ko at kung ano-ano pa.
Pinapunta ko sila sa kusina, habang kinukuha ko yung Pizza sa sasakyan na binili namin kanina ni Kuya Ranty habang papunta dito. Pinapasok ko na rin si Kuya para makakain.
' Naalala ko dati, nung unang dating mo dito, halos malula ka sa laki ng bahay ni Sir Daniel. Pero tignan mo ngayon, mas malaki pa pala ang bahay mo kesa dito. '
' Oo nga po e. Tapos naalala ko dati, nung kumakanta ako sa kwarto, nakikinig pala kayo sa labas ng pintuan. '
Nakakatuwa talaga alalahanin yung mga masasayang araw namin dito sa bahay na to. Kung pwede ko lang silang isama sa bahay nila Daddy, gagawin ko e. Pero mawawalan naman si Daniel ng kasama dito.
' Aba, mukhang nagkakasiyahan kayo dito ng wala ako ah? '
' Daniel, kanina ka pa ba dumating? Parang hindi kita napansin. '
' Hindi naman. Kakadating ko lang halos. Sayo ba yung sasakyan sa labas? Ang ganda ah. '
Nagkwentuhan kami ni Daniel kaya di na namin namalayan ang oras. Nakapakaswerte ko at naging kaibigan ko tong si Daniel. Kasi, kahit na binabayaran sya ni Daddy para bantayan at alagaan ako, hindi ko naramdaman na hindi niya ako tinatratong hindi kaibigan.
' Salamat Daniel ah? '
' Para saan? '
' Para sa lahat. Siguro kung wala ka, di na ako nabalik sa totoo kong pamilya. '
' Sabi ko sayo dati diba, ' Mas lalaki ang utang na loob mo sa akin. ' Pero okay lang yuun. '
Nag-paalam na ako para umuwi, dahil medyo malapit na mag-gabi. Tinext ko na rin si Daddy na pauwi na ako para hindi na siya mag-alala.
' Matutuwa ka sa pag-uwi mo, Coleen. ' sigaw sa akin ni Daniel bago ako makapasok ng sasakyan.
-
' Nandito na po ako. ' paakyat na sana ako ng hagdanan nang bigla kong marinig na may tumawag sa akin.
' Nanay!! Ano pong ginagawa niyo dito? Akala ko nakauwi na kayo? ' sigaw ko kay nanay habang bumababa para yakapin siya.
' Pinauwi lang ako ng Daddy mo, Kim. Para kumuha ako ng damit. Dito na rin daw ako titira. '
Nakita ko namang lumabas si Daddy galing kusina kaya sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap.
' Thanks po, Dad ah? '
' Basta ikaw, gagawin namin ng mommy mo kung ano yung makakapagpasaya sayo. '
Pag-akyat ko ng kwarto, hindi ko mapigilang mapangiti sa nangyayari sa buhay ko. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, wala na akong ibang mahihiling pa.
Tinawagan ko si Daniel para ikwento sa kanya yung tungkol sa pagtira dito ni Nanay. Pero, alam na pala niya.
' Ang daya mo naman. Bakit hindi mo man lang sinabi kanina nung nandyan ako sa inyo? '
' Syempre no. Para surprise diba. '
' Ang daya talaga! Kelan mo pa alam? '
' Nung huling punta pa dyan ni Tita Tessa. Ako nga nagsundo sa kanya kanina e. '
' Hala angdaya mo talaga kahit kelan! '
Tuloy pa rin kami sa kwentuhan namin ni Daniel sa phone. Nabanggit ko rin sa kanya na sobrang saya ko at parang wala ng kulang sa buhay ko.
' Actually, may kulang pa. '
' Ha? Ano naman yun? '
' Lovelife. Saka yung Ate mo. '
Natigilan naman ako sa sinabi ni Daniel. Hindi sa lovelife ah! Kundi dun sa ate. Sa sobrang saya ko, nakalimutan ko na yung ate ko.
Simula kasi nung dumating ako dito, hindi ko siya nakita. Sabi ni daddy, hinayaan daw niya munang mapag-isa si ate at makapag-isip.
' Alam kong siya yung dahilan ng pagkawala mo, dahil nabanggit niya yun dati nung nag-lasing siya. Pero hindi ko binanggit yun sa daddy niyo. '
Parehas pala kami ni Daniel na ayaw mas mapahamak si ate kaya hindi na kwinento kay daddy ang nangyari.
' Alam ko kung nasaan siya ngayon. Kung ready ka ng kausapin siya, sabihin mo lang sa akin. Dadalhin kita sa kanya. '
Handa na nga ba ako?
-
AN : Sorry, hindi ko nagawang mag-UD nung last two days. Nasa ospital kasi ako kahapon e. Btw. Pasukan na namin sa 16. Kaya plano kong tapusin to bago mag-start yung klase. Baka 2 chapters nalang tapos epilogue na. Thankyou!