Sweetheart 1 COMPLETED (Publi...

By PHR_Novels

839K 13K 430

Sweetheart 1 By Martha Cecilia "Ikaw ang aking panaginip... ang aking magandang pag-ibig." Isang matinding cr... More

Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21

Chapter 1

102K 1.1K 46
By PHR_Novels


MULA sa gilid ng bintana niya ay tinatanaw ni Kimberly ang mga taong naglalagay ng mga mesa sa bakuran nila. Ngayong araw na ito ang kasal ng Kuya Patrick niya kay Laila. Isang kaibigan at dating kamag-aral. At kahit ang reception ay sa kanila gagawin, nagpa-cater ang mga magulang niya.

Bahagya pa siyang nagulat nang sumungaw mula sa pinto si Cristina, ang Mommy niya.

"Are you ready, hija? Halika na," wika nito.

Isang tipid na ngiti ang isinagot niya. Dinampot ang maliit na bag sa kama. "Ayos na ako, Mom."

Magkasabay na bumaba ng hagdanan ang mag-ina. Nasa ibaba si Patrick at palakad-lakad. Makisig sa suot na Barong-tagalog na yari sa jusi.

"Mom, Dad, tara na at baka mauna pa si Laila sa simbahan," apura nito.

Natawa si Joseph, ang Daddy nila. "Relax, son. Maaga pa. Maghihintay ka lang nang matagal sa simbahan at lalo ka nang matetensiyon doon."

Tinapunan ni Patrick ng tingin si Kimberly. Mula ulo hanggang paa.

"Motherhood really suits you, sis. You've grown even prettier." Pagkatapos ay bumahid ang lungkot sa mukha nito. "Alam mo bang ikaw dapat ang maid of honor namin ni Lai?"

Muli ang tipid na ngiti. "It doesn't change a thing, does it? Ang importante ay tuloy ang plano ninyong makasal sa taong ito," bahagya siyang natawa. "Right after her graduation."

"Pero kung hindi sana nangyari ang..." Hindi nito naituloy ang sasabihin dahil maagap na nagsalita si Cristina.

"Araw ng kasal mo, Patrick. You should look forward to it at hindi 'yong kung ano-ano ang ipinapaalala mo sa kapatid mo." May himig ng banayad na pagsaway ang tinig nito.

"I'm... sorry, sis. Kaya lang, I partly blamed myself for what happened."

Tinapik ni Kimberly sa balikat ang kapatid. "Don't feel guilty, Kuya. Maligaya ako ngayon at gusto ko ring samantalahin ang pagkakataong ito para pasalamatan kayong tatlo." Nilinga niya ang mga magulang. "I love you, guys. For standing by me." Namumuo na ang luha sa mga mata.

Nag-alis ng bara sa lalamunan si Joseph. "Ano ito? A wedding or a funeral?"

"Joseph, napaka-morbid mo," saway ni Cristina sa asawa na bahagyang dinampian ng panyo ang sulok ng mga mata. "Kung mayroon man akong ikinalulungkot ay dahil wala dito ang apo ko."

"Pagkatapos ng kasal, Mom, Dad, magpunta kayo sa Maynila. Hinahanap nga kayo ni Ralph lagi."

"Tiyak iyon." Si Joseph na nagpatiuna nang lumakad patungo sa pintuan. "O, tara na kayo at baka mahuli na nga tayo niyan."

Ilang sandali pa at sakay ng kotse ay patungo na sa simbahan ang apat.

"Alam mo ba, hija, na pinadalhan namin ng imbitasyon ang mga Marzan?" si Cristina kay Kimberly.

"I wouldn't mind, Mom. Wala naman silang alam, 'di ba?"

"Totoo iyon. Magkaibigan pa rin ang pamilya natin at malimit ka nilang kumustahin, hija," si Joseph na siyang nagda-drive.

"Hanggang ngayon, sis, kahit anong isip ang gawin ko, hindi ko malaman kung paano kayo nagkaroon ng pagkakataon?" Si Patrick na nilingon siya.

Ngumiti si Kimberly. "Kuya, noong panahong iyon ay wala kang ibang nakikita kundi si Laila." May bahid ng panunukso ang tinig niya. Pagkatapos ay hinawakan sa balikat ang kapatid. "Alam ba ni Laila?"

Umiling si Patrick. "Hindi. Pero sasabihin ko rin. Hindi nga lang ngayon. Tulad din ng paraan ng pagpapaalam ng Mommy sa amin ni Daddy."

Hindi na kumibo ang dalaga. Ilang sandali pa at sinapit na ng apat ang simbahan. Marami nang taong naghihintay roon. Masayang sinalubong nina Gigi at Lilibeth si Kimberly.

"Kim!" bulalas ni Lilibeth. Buong paghangang hinagod ng tingin ang kaibigan. "Sos na sos ang dating mo, tita. Iba na talaga ang taga-Maynila, ano?"

"'Buti na lang at hindi ka abay." Si Gigi. "Kung hindi ay baka hindi lang kami ang talbugan mo kundi pati ang bride."

Natawa si Kimberly. "Hindi pa rin kayo nagbabagong dalawa, I'm really glad to see you both."

"Totoo ba ang tsismis na hiwalay ka na raw sa asawa mo?" Si Gigi na bahagyang hininaan ang tinig.

Hindi ipinahalata ni Kimberly ang pagkailang. "Tsismosa..." nakangiting biro niya.

"Paano ba naman, ni hindi mo nga kami inimbitahan sa kasal mo, 'tapos divorced na kayo agad. Ano ba iyan? Ganyan na ba ngayon sa Maynila?" Si Gigi uli.

Nilapitan ni Cristina ang tatlo. "O, Lilibeth, Gigi, sige na at pumapasok na ang bridal car. Maghanda na kayo."

"Magkuwentuhan tayo mamaya, ha, Kim?" pahabol ni Lilibeth. Tumango lamang si Kimberly. Pagkatapos ay nagpakawala ng mahabang hininga.

Makalipas ang mahabang sandali ay natapos ang seremonyas ng kasal. Piling mga kaibigan, kamag-anak, at mga kakilala lamang ang mga inimbita. Ganoon pa man ay napuno pa rin ng tao ang bakuran ng mga Antonio.

Ang mga bagong kasal ay nakatayo sa may daraanan at sinasalubong ang mga dumarating na bisita. Naroon din sa hindi kalayuan ang mga magulang ng mga ikinasal at kinakausap ang mga kaibigan at kakilala.

Kasalukuyan nang nagkakainan ang ibang mga bisita nang isang Mitsubishi Strada ang pumarada sa dulo ng driveway. Napako roon ang pansin ng mga tao. Magara ang dating ng 4WD pickup na kulay berdeng lumot.

Unang bumaba ang mag-asawang Marzan na agad nagpabangon ng kaba sa dibdib ni Kimberly. Hindi pa gaanong nakahahakbang nang malayo ang mga ito nang lumabas ang driver ng pickup.

Si Renz!

Nilingon ni Kimberly ang mga magulang. Nakita niya ang biglang pagtigas ng mukha ng ama. Ganoon din si Patrick na nagtagis ang mga bagang. Kung mayroon mang nakapuna ay hindi masabi ni Kimberly.

"Mom, please, pagsabihan ninyo si Kuya. Nakikiusap ako..." Tumango si Cristina at kaswal na lumakad patungo sa kinaroroonan ng bagong-kasal. Isang pisil sa balikat ang ibinigay nito sa anak at nagpatiunang sumalubong sa mga bagong dating.

Nilingon ng dalaga ang ama. "Dad, kung paano ninyo pakikiharapan ang mag-asawang Marzan, sana ay ganoon din kay Renz. Please, Dad, ayokong may mag-isip kung bakit may namamagitang animosity sa inyo."

"I cannot promise a warm reception, hija. But I will be very civil," ani Joseph na hinawakan ang nanlalamig na palad ng anak bago sinundan si Cristina.

Nakita niyang tumayo si Laila bagaman bantulot ang pagsunod ni Patrick.

"Hello, Renz. This is quite a happy reunion. Wala na akong mahihiling pa. Pareho kayong nandito ni Kimberly pagkalipas ng tatlong taon." Narinig niyang sinabi ng hipag.

"My best wishes, Lai," kinamayan ng lalaki si Laila. Pagkatapos ay tumingin kay Patrick at yumakap dito. "Congratulations, pare. After five years, kayo pa rin talaga."'

"Iyan ang kaibahan nating dalawa, Renz. Tapat akong magmahal at hindi ako naglalaro sa babae," sagot ni Patrick na bagaman bahagyang ngumiti ay binigyang diin ang mga sinabi.

Hindi maunawaan ni Renz pero nahihimigan nitong may ibang kahulugan ang sinabi ng kababata at kaibigan kung sa ibang pagkakataon nasabi iyon ay tatawanan lamang ni Renz. Lagi nang nabibiro nang ganoon si Patrick kung tungkol din lang sa pagpapalit-palit ng girlfriends ang binata.

Samantalang si Kimberly ay nilapitan ng mga magulang ni Renz.

"Kumusta ka na, hija?" Si Guada Marzan. "Kung hindi pa pala ikinasal itong si Patrick ay hindi ka mauuwi rito sa San Ignacio. Pareho kayo nitong si Lorenzo. Halos dalawang taon sa Amerika. At nang mauwi naman dito sa Pilipinas ay ngayon lang muli tumuntong sa lugar natin."

"Hello, Kimberly. It has been a long time." Si Renz sa malamig na tinig at blankong ekspresyon.

"Renz..." bahagya siyang ngumiti. Pilit itinago ng ngiti ang kaba ng dibdib at panginginig ng mga tuhod. How dare he look even better than he had three years ago. Mula nang umalis siya sa San Ignacio tatlong taon na ang nakararaan, tinaglay niya sa isip na walang ibang lalaking maaaring pumantay rito. Ang tila nangungusap na mga mata... ang pilyong ngiti... ang pagsasalubong ng mga kilay kapag nagagalit, all added to his good looks. At nagagalit siya sa sarili dahil hanggang ngayon ay para pa rin siyang teenager na nakamata rito.

"Eh, ang napangasawa mo, hija, talaga bang wala na kayong pag-asang magkasundo pang muli?" Si Mrs. Marzan.

Ang pinraktis na lungkot ay natural na lumabas sa mukha niya. Sa mga pagkakataong ganito na may nag-uusisang mga taga-San Ignacio sa "asawa" niya ay ganoon ang ginagawa niya. Tulad ngayon.

"Oh, I'm sorry, hija," bawi ni Mrs. Marzan. "Alam kong masakit para sa iyo ang nangyari. Nalulungkot din kami, Kim. You are such a nice girl and you really deserved a better husband "

"Did you file an annulment, Kim?" Si Mr. Marzan.

"I... I'm working on it. Pero alam naman ninyo ang mga ganitong legal matters, taon ang binibilang," aniya.

"But surely, hindi mo kailangang maghintay ng annulment para magkaroon uli ng panibagong kakasamahin, 'di ba, Kimberly?" Si Renz na may bahid ng malisya ang tinig. Gulat na napatingin dito si Kimberly.

"Lorenzo!" Si Mrs. Marzan. "How dare you say such thing. Hindi si Kimberly tulad ng ibang mga baba riyan. Parang hindi mo kilala ang kapatid ng kababata mo. Sadyang may mga lalaking hindi magkasya sa iisang babae. Tulad mo, halimbawa. You never stopped womanizing around. I only hope na 'pag nag-asawa ka'y iukol mo na lang sa mapapangasawa mo ang katapatan," wika nito sa anak na tumaas ang isang sulok ng mga labi sa patuyang pagngiti.

"Lalaki ang anak mo, Guada, at likas na lapitin ng mga babae," pagtatanggol ni Mr. Marzan.

Bago pa humaba ang usapan ay lumapit si Cristina at niyaya sa mahabang mesa ang mag-asawa. Sinamantala iyon ni Kimberly at mabilis na lumakad papasok sa kabahayan. Walang tao sa loob at nasa labas lahat. Dumeretso siya sa bar. Kinuha ang bote ng champagne sa cooler at nagsalin sa kopita. Pagkatapos ay pinangalahati ang laman.

Nanunuyo ang lalamunan niya, nanginginig pati mga tuhod. Kailangang makalmante siya. Hindi niya inaasahang magkikita sila rito ni Renz. Hindi niya iniisip na dadaluhan nito ang kasal ni Patrick. Hindi siya makapaniwalang may lakas ito ng loob na makiharap sa kanya pagkatapos ng lahat.

"Since when did you learn to drink? lyan ba ang natutuhan mo sa napangasawa mo?" Si Renz na sumunod. Hindi itinago ang galit sa tinig.

"Things have changed..." aniya na bagaman bahagyang nagulat ay pinanatili ang poise.

Tumuloy rin sa bar ang binata. Kinuha ang bote ng brandy at nagsalin. "Yes. Things have changed. You have changed a lot. You look different." Sinabayan nito ng inom.

"Hindi ko alam na nagbago ako..." matabang niyang sagot. Nanatiling sa champagne nakatuon ang mga mata. Hindi niya gustong salubungin ang tingin ng binata.

"Oh, yes," tumango ito. Hinagod siya ng tingin na tila siya specimen na sinusuri sa ilalim ng microscope at wala itong pakialam kung obvious ang ginagawa. "The girl I remembered was no longer a girl. She was now a smartly dressed and beautiful woman... Higit na maganda. But you've lost that innocent look."

"Matagal na iyon, Renz..." It seemed a lifetime ago. Marami nang nangyari at nabago. Hindi lamang sa pisikal niyang anyo kundi maging sa isip at gawi.

"Yes. That little girl was lost a long time ago." Huminga ito nang malalim. Tila nag-ulap sandali ang mga mata. Pero sandali lamang iyon at muling pagalit na tumingin sa kanya. "Pagkatapos ng gabing iyon, Kimberly, kanino ka pa pumatol?"

Gulat na napatitig si Kimberly rito. "I... I... never..." had a man in my life maliban sa iyo, Renz, ang sana'y sasabihin niya. But she'd die kaysa ipaalam sa lalaki ang bagay na iyon.

"Oh, well, there's no way of knowing. Tulad ng kung paanong hindi mo gustong ipaalam ang tungkol sa atin. The usual demure act. Napaniwala mo kahit ang Mama," sarkastikong wika nito.

Sinisikap niyang kontrolin ang galit na pilit umaalpas sa dibdib. "Wala kang karapatang magsalita sa akin ng ganyan, Renz. I did not invite you here," sinabi niya sa pinakamalamig na tinig.

"Hindi mo kailangang gawin iyon, sweetheart, hindi ba? Kusa kaming lalapit sa iyo na tila mga langgam sa asukal. Bakit ba, eh, kaiba ka sa lahat, kahit sa sarili mong mga kaibigan. You were always so shy, prim and proper. You did not even swoon over me when almost every girl of your age did. When all the while you had a crush on me. Mahusay kang artista, Kimberly."

"Get out, Renz!" hiyaw niya na kumawala ang galit. "Kung tutuusin ay ginamit mo ako, pinagsamantalahan! I was young pero nasa hustong gulang ka na noon. You took advantage!"

Tumaas ang kilay ng lalaki. "Really?" tuya nito. "You were more than eager sa pagkakatanda ko. You couldn't get enough of me. And how old were you then under the moonlight that night?"

Pinamulahan ng mukha si Kimberly sa galit at pagkapahiya.

"I hate you!" baling niya rito sa nag-aapoy na mga mata. Tumayo siya upang lumabas subalit mabilis siyang nahawakan nito sa braso at marahas na ibinalik sa bar. Tumama ang balakang niya sa stool at napangiwi siya sa sakit.

Nakakulong siya sa mga braso ni Renz. Kung nagagalit siya'y nagagalit din ito. Nararamdaman niya ang init ng galit nito. At kung bakit ay hindi niya maunawaan.

"Sinabi mo rin sa akin iyan noon sa batis, 'di ba? Kinasusuklaman mo ako pero hindi ka napigil noon sa pamimilipit sa ilalim ng mga yakap at halik ko while we made love for hours!"

"Oh!"

"Yes, oh!" pagalit nitong gagad. Pagkatapos ay patuyang ngumiti. "You gasped, moaned, sighed, and writhed under me, sweetheart. At hindi ko kailanman nalimot ang gabing iyon. It was a delicious thought."

Nanlalambot na umupo sa stool ng bar si Kimberly. Hindi niya kayang salubungin ang galit nito.

"Naaalala mo rin ba iyon, sweetheart?" Sinabi nito ang endearment na tila siya kasuklam-suklam.

"Oh, stop calling me that," protesta niya sa nahahapong paraan. Nagpapaalala lamang iyon ng mga masasakit na pangyayari.

Marahang tumawa ang binata. "Nakadarama ako ng deja vu. Sinabi mo na rin sa akin iyon noon. More than five years ago, sa ilalim ng punong-mangga. Sa duyang yantok. Nariyan pa ba iyon?"

She bit her lower lip hanggang sa pakiramdam niya'y gusto nang magdugo niyon. How dare he remind her of that... ng mga katangahan niya... ng mga panahong nagsisimulang umusbong ang pag-ibig niya rito. And how until this very moment she had loved this man so much that it had really hurt.

"Para ano ang pag-uusap na ito, Renz?" aniya nang makabawi sa emosyon. "Ano ang gusto mo?" may bahid ng pagsusumamo ang tinig niya.

"Sisingilin ko ang utang mo sa akin, Kimberly, ang pangako mo sa akin. Lamang, sa pagkakataong ito ay walang obligasyon mula sa akin na panagutan ka. Kung noong araw na halos hindi ka pa humihiwalay sa kabataan ay naipagkaloob mo sa akin ang iyong sarili, bakit hindi ngayon?" May banta sa tinig nito na nagpatayo sa mga balahibo m Kimberly.

"A-ano ang sinasabi mo?"

"Isa ka nang biyuda ngayon, Kimberly. Biyuda sa buhay. Kung bakit ka iniwan ng asawa mo'y isang misteryo para sa akin gayong ayon sa balita ay wala pa kayong isang taong nagsama. It suits me fine, dahil alam mo na kung ano ang sinasabi nila sa mga biyuda. Mainit daw ang mga ito. At dati ka nang mainit, sweetheart."

Punong-puno ng pagkasuklam ang tinig at anyo ni Renz. At walang salitang namutawi sa mga labi niya. Nanunuyo ang lalamunan niya sa galit, pagkapahiya sa mga insulto, at takot sa sinasabi ng binata. Gusto niyang pagbuhatan ito ng kamay pero hindi niya magawa.

"G-gusto ko nang lumabas, Renz, please..." Nagsusumamo ang tinig niya. May mga luhang nagbabadyang pumatak. Kung magtatagal pa siya sa harap nito ay alin na lamang sa dalawa ang mangyayari. Mauupos siyang tila kandila o maghihisterya siya.

Bahagyang lumambot ang mukha ni Renz nang matitigan siya. "Pumanhik ka sa silid mo, Kimberly, at ayusin mo ang sarili mo. Namumutla ka," mariing utos nito.

Mabilis niyang nilakad ang patungo sa hagdan na nakataas ang ulo. Sinikap panatilihin ang dignidad. Papanhik na siya nang muling magsalita si Renz

"Magkikita tayong muli, Kimberly." Naroon ang katiyakan sa tinig nito bago ito humakbang palabas ng kabahayan.

Sa silid niya'y ibinagsak ang sarili sa kama at umiyak nang umiyak. She doesn't deserve all the anger and insult. Bakit parang nagkabaligtad ang mga pangyayari?

Makalipas ang ilang sandali ay marahan siyang tumayo at binuksan ang drawer sa night table. Kinuha ang jewelry box at binuksan ito. Mula roon ay dinampot ang dalawang sulat. Isang kulay rosas na nakatupi paayon sa hugis ng jewelry box. At isang puting papel na kung paano na lamang niya itinupi at isiniksik doon.

Ang rosas na papel ay simbolo ng kaligayahan nang una niyang tanggapin iyon. Ang ikalawa'y simbolo ng kamatayan ng pag-ibig at mga pangako ng lalaking minahal.

Kung bakit kailangang itago ang mga iyon ay hindi niya alam. Muli niyang binuklat ang kulay rosas na papel. Sa may bandang ibaba ay ang bahagyang nanlalabong salita. Pinatakan iyon ng luha niya noong araw na una niya itong basahin.

Limang taong mahigit na ang lumipas...

Continue Reading

You'll Also Like

547K 8.6K 22
Sweetheart 2: Lavender Lace By Martha Cecilia "My old faded blue jeans would be out of place. It'll never fit in to your world of lavender lace." The...
146K 3.1K 40
Meet Ico Abella, celebrity chef. Paano niya susuyuin si Missy na labis nagmahal sa kanya at labis ding nasaktan sa masakit na bintang niya? Nam...
103K 2.4K 17
WG CAROLINE - The Florist Hindi niya alam ang eksaktong sagot sa tanong ng kapatid niya. Mahigit isang buwan na silang palaging magkasama ni David-a...
22.1K 857 50
"Tuwing makikita kita, kinakabahan ako pero ang saya-saya ko." Matagal nang inililihim ni Cassie ang damdamin niya sa kanyang boss sa Roxy City na si...