Making Love - Published by PHR

بواسطة FGirlWriter

10.5M 188K 15K

Nalasing si Lana isang gabi at pagkagising niya ay nasa tabi na siya ng isang lalaki! She slept with a strang... المزيد

Content Warning & Disclaimer
Overview
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine (Part 1)
Chapter Twenty-Nine (Part 2)
Chapter Twenty-Nine (Part 3)
Finale Chapter: Chapter Thirty
Epilogue

Chapter Eleven

270K 4.9K 357
بواسطة FGirlWriter

CHAPTER ELEVEN

PAGKARATING nina Lana at Dylan sa village park na sinasabi niya ay ipinaparada niya kay Dylan ang kotse nito sa isang madilim na parte ng parke. Tinuro niya ang ilalim ng isang malaking puno na hindi naabutan ng liwanag ng light posts.

Wala ng tao sa village park nang mga oras na iyon. Siyempre, wala ng mga batang naglalaro sa playground at wala na ring mga residente ng village ang nakatambay pa roon.

Binuksan ni Dylan ang ilaw sa loob ng kotse dahil sa sobrang kadiliman sa pinaghintuan nila. "So, what's on your mind, honey?"

"Alam mo, cancer had taken my young adult years. I never get to experience things that twenties girls do," pagkukuwento niya rito. "I never experienced partying, enjoying college life, having a lot of friends, traveling, flirting with some boys... and," Tumingin siyang diretso sa mga mata nito. "After Reeve, I have no one to make out with. Imagine that twelve long years?"

Prenteng sumandal ito sa kinauupuan habang pinag-krus ang mga braso sa harap ng dibdib. Napangisi ito habang tumitingin sa kanya. "So... you want to make out now?"

She chuckled. "Y-yeah. I just want to feel the 'touching' thing... the cuddles, the fun kisses... Alam mo 'yung para 'kang nanakawan ng bagay na dapat ay iyo?" tanong niya pa rito.

Tumango si Dylan. "Ulila na 'ko, sanggol pa lang ako. Sabi sa ampunan, namatay daw sa isang malawakang sunog ang totoong mga magulang ko. Isang kapitbahay daw ang nagligtas sa'kin sa sunog. Since, hindi naman niya 'ko kayang palakihin, napunta ako sa ampunan. Doon ako lumaki kasama ng maraming bata na kahati ko sa lahat ng bagay. Kaya nga sobrang saya ko nang ampunin ako nina Mommy at Daddy kahit pa pitong taong gulang na 'ko noon. They gave me all the things that a child could ask for."

"Buti ka pa."

"You can still experience all the things you missed, Allana."

"Matanda na 'ko."

"Experience is for all ages."

She smiled at him. "I'm starting to like you."

Ngumisi ito. "Not just the sex?"

She laughed and removed her sandals. Pagkuwa'y lumipat siya sa likod ng kotse. "Well, I want to make out. I want to experience it with you," aniya habang nakaupo sa gitna ng backseat.

Umangat ang gilid ng labi nito. Nagtanggal din ito ng sapatos at saka siya sinundan sa likod. Magkatabi na sila ngayon sa backseat.

"So, what's next?" aniya rito.

Tumingin ito sa kanya. "Let's have a roleplay, like you said. You'll be the aggressive girlfriend, and I'll be your naïve boyfriend."

Napakunot-noo siya. "You don't look like a naïve boyfriend."

"Kaya nga magpapanggap," nakangising sabi nito pagkuwa'y nagbago ang expression ng mukha nito. Nagpatingin-tingin ito sa labas ng bintana.

Okay, then. Game!

Nanlaki ang mga mata ni Dylan nang bigla siyang paharap na kumandong rito. Nakaharap siya rito habang ang mga binti niya ay nasa magkabilang gilid nito. Mabilis niyang niyapos ito sa leeg at sinadyang idikit ang dibdib niya rito.

When they started their roleplay, imbes na maging mainit ang mga tagpo ay nagkakatawanan sila nang walang dahilan. Nawawala tuloy sila sa "character".

"Damn, I want to touch you everywhere!"

"Go, explore," aniya habang hinahaplos ang mukha nito. "Ilabas mo ang wild side mo. Roar!"

Natawa ito at saka siya hinapit sa baywang. He started leaving lovebites on her shoulder and neck. Parang nanggigil ito sa balat niya. He'll bit her hard, then his tongue would lick the bite and suck it. Again and again. Hanggang sa bumaba pa ang mga labi nito sa puno ng kanyang dibdib at doon naman nag-iwan nang mas marami pang kissmarks.

Impit siyang napatili nang mabilisan itong naihiga siya sa backseat. Pumaibabaw ito sa kanya at sinimulang halikan siya sa mga labi. Natawa si Lana nang may maramdaman siyang pagkiliti sa kanyang tagiliran.

"Don't tickle me!" natatawang saway niya rito at saka itinulak ito ng malakas. Mabilis na dinamba niya ito kaya ito naman ang napahiga. Hindi sinasadyang tumama ang ulo nito sa pintuan ng kotse!

"Oh, my gosh!" nakangiwing sabi niya at saka minasahe ang tumama nitong ulo. "I'm sorry, Dylan."

He just chuckled and held her by the waist. He kissed her chin.

Hinalikan naman ni Lana ang nasaktan nitong ulo. She kissed his forehead, nose, then lips. Bumalik sila sa una nilang puwesto kung saan paharap siyang nakakandong rito.

She brushed his hair using her fingers. Lana wanted to give him a French kiss. Kaya lang ay napansin niya sa labas ang mga rumurondang village patrols!

"Oh, my gosh!" Mabilis siyang lumayo kay Dylan at bumalik sa tamang upuan. Paano niya bang nakalimutan na sa ganoong oras may umiikot na patrols sa loob ng village?

"Why?" nagtatakang tanong ni Dylan.

Mabilis niyang inayos ang sarili. "The village patrols, Dylan. Nagra-round sila. Mahuhuli tayo!"

Imbes na maalarma ay tumawa ng malakas si Dylan.

"Anong nakakatawa?! Mag-ayos ka na kaya diyan," naiinis na sabi niya. Pawis na pawis si Lana sa nangyari. Wala siyang makitang panyo sa bag.

"Here." Inabot ni Dylan ang panyo nito sa kanya, naglalaro pa rin ang ngisi sa mga labi nito.

Nakita ni Lana na umikot sa kabilang street ang tricycle ng village patrol. Nakahinga siya nang maluwag. Akala niya mahuhuli na sila!

Pinupunasan niya ang pawis sa mukha at leeg gamit ang mabango nitong polo.

"Nakakabitin," nasambit nito nang paandarin na nito ang kotse paalis sa pinagtataguan nila.

Natawa si Lana. "Oo nga," she agreed. "But that was fun!"

"Mahirap magpigil. Masakit," parang naiinis na sagot ni Dylan.

Nang ma-realized ang tinutukoy nito ay tumawa ng malakas si Lana.

"Next time, let's try making love in here," pilyong sabi nito.

Napahinto sa pagtawa si Lana at nanlaki ang mga mata. "Sa backseat?"

"Yeah."

"Masikip kaya!"

"That's what makes it more thrilling. Plus the roaming village patrols," sabi pa nito sabay kindat sa kanya.

Pinigilan ni Lana ang mapangiti. Gosh! She felt the thrill inside her! Parang naglalaro sa isip niyang gawin na iyon ngayon. Pero inalis niya iyon sa isipan.

"Thank you, Dylan," pasasalamat niya rito nang nasa tapat na sila muli ng gate nila. "I had a great time."

He reached for her lips. "I love you, honey," he murmured.

Muling naramdaman ni Lana ang munting kislot sa puso niya. Ngunit hindi niya na pinansin iyon. She smiled at him. "Take care."

Pagbaba niya ng kotse nito ay hindi muna ito umalis hanggang sa hindi siya napagbubuksan ng gate. Nang makapasok na siya at saka lang ito umalis.

Hindi mapawi ni Lana ang mga ngiti sa labi hanggang sa maka-akyat siya sa sariling kuwarto.

Geez! She felt like a teenager once more!

***

LANA let out a sad sigh. Matamlay na itinago niya na ang cellphone niya nang hindi niya pa rin ma-contact si Dylan. It's been two weeks since the last time she saw him. Pagkatapos ng "make out" session nila sa kotse nito ay hindi niya na ito nakita pa.

Sinubukan niyang tumawag sa opisina nito sa gym pero sabi ng sekretarya nito doon ay hindi daw pumapasok si Dylan. She also called his office in Anderson-Monteverde Hotel pero hindi rin daw ito nagre-report doon.

At sa nakalipas nga ng dalawang linggo ay wala na siyang narinig mula rito. Laging naka-off ang cellphone nito.

Napasandal siya sa kinauupan niya at napabuntong-hininga. Nilaru-laro niya ang chocolate cake na in-order niya sa isang pastry shop kung nasaan siya ngayon.

Napalabi siya. Kung kailan naman hindi niya na ito pinagtaguan saka naman ito ang hindi niya mahanap.

"Lana?"

Napatingala si Lana at nawala ang lungkot sa mukha. "Reeve," nakangiting bati niya rito.

"Hey," bati nito at saka siya hinalikan sa pisngi. "Are you alone?"

Tumango siya. "Lumabas lang ako sandali kasi lunchbreak ko sa foundation. Ikaw?"

"May I join you?"

"Of course. Upo ka lang diyan," aniya rito. Umupo nga ito sa tapat niya. "Mag-isa ka lang rin?"

"Actually, I'm with Agatha pero may binibili pa siya sa isang fashion botique near by. Pinauna niya lang ako rito," he said.

Tumangu-tango siya. "So, may date pala kayo ng asawa mo?" tanong niya rito.

Ngumiti ito. "Dapat date ito. Pero napunta sa shopping."

"You hate shopping, right?" Naalala niya noong teenage years na hindi niya talaga mahila si Reeve sa mall para samahan siyang magshopping. Mas gusto nitong nag-aaral sila or sometimes play in the arcade with Prince. But he'll never shop.

Nagkibit-balikat ito. "Kapag kasama ko si Agatha, hindi naman. She can really teach me how to be patient," natatawang wika nito.

"That's good." Nagpatuloy siya sa pagkain ng cake nang mapansin niyang nakatingin ito sa kanya. "W-Why?"

Dumukwang ito at dumaan ang hinlalaki nito sa gilid ng kanyang labi. Napahinto siya sa ginawa nito. Napakura-kurap.

"May chocolate icing lang sa gilid ng labi mo. Tinanggal ko lang," anito nang mapansin ang reaksyon niya.

Napayuko siya at naalala na gawain iyon ni Reeve noon sa kanya. Mahilig kasi siya sa chocolate cake at hindi niya napapansin minsan na may natitira pa lang icing sa mga labi niya. At si Reeve ang laging nagtatanggal niyon noon.

"Old habits die hard, huh?" biro niya na lang rito dahil para silang biglang nagka-ilangan nito.

"You're still messy while eating your chocolate cake. Baguhin mo iyan. Thirty ka na, hindi sixteen," panunukso nito.

Napasimangot siya at sinipa ito sa ilalim ng table. "Paalala mo pang matanda na 'ko. Para kang si Prince, eh," naiinis na wika niya rito.

He just chuckled. "By the way, kumusta na kayo ni Dylan?"

Lalo siyang napasimangot nang maalala ang lalaki. "Hindi ko alam..."

"Nanliligaw siya sa'yo, hindi ba?"

Iyon ang press release nito sa lahat. "Y-Yeah... pero ewan ko ba. I cannot contact him for two weeks already."

Kumunot ang noo nito. "Hindi mo ba alam?"

Napatingin siya rito. "Ang alin?"

"Nagka-problema ang mining company ng Guevarra sa Benguet. Now, he's there to help and see the operations. Nag-indefinite leave siya sa hotel dahil hindi niya alam kung hanggang kailan siya doon," pagbibigay impormasyon nito sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya. Umalis ito nang hindi sinasabi sa kanya?

Bakit? Ano ba kayo?

"I'm his wife!" she didn't know that she said it aloud.

"Huh?"

Bigla siyang napatingin kay Reeve. "Ha?"

"You said something."

"Ha? W-Wala. Wala," umiiling na tanggi niya. "Ahm... t-thank you for telling me. Hindi niya kasi nasabi. Basted na sa'kin iyon."

He chuckled. "Ang alam ko biglaan kasi. Hindi naman siya parte ng management pero matagal din siyang nag-training at nagtrabaho sa Guevarra Minings."

Hindi na siya kumibo pa at inubos na ang kanyang cake. Saktong dumating si Agatha nang matapos siya sa pagkain. Nakipagkuwentuhan lang siyang sandali bago tuluyang umalis. Iniiwasan niya rin na makita ang paglalambingan ng mag-asawa dahil baka makaramdam na naman siya ng selos tapos magpapanggap na naman siyang parang hindi siya apektado.

Masaya naman siya para sa mga ito. Sarili lang talaga niya ang problema niya.

Pagkalabas niya ng pastry shop ay may dala-dala siyang strawberry shake na may whip cream sa ibabaw. Habang naglalakad papunta sa kotse niya ay iniisip niya si Dylan.

Naintindihan naman niya ang rason sa biglaang pag-alis nito. Pero sana man lang ay nag-iwan ito ng kahit isang text message—

"Shit!"

Dahil sa pag-iisip ay hindi napansin ni Lana na may nakabunggo siya. Malakas siyang napasinghap nang tumapon ang inumin niya sa lalaking nakabunggo!

"Oh, my! I'm so sorry!" natatarantang sabi niya at saka mabilis na kumuha ng tissue sa bag niya. Sinubukan niyang punasan ang suot nitong polo-shirt na nabuhusan ng buo niyang strawberry shake.

"Miss, it's okay. Ako nang bahala," anito sa malalim na boses.

"P-Pasensya na. Pasensya na talaga. Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko," paulit-ulit na sabi niya habang pilit pinupunsan ang shirt nito. Hindi niya na pinansin ang mga talsik din ng shake sa kanya.

"Miss..."

"Sorry talaga, ha? Sorry talaga." Nako! Napapahamak siya dahil lang naiisip niya si Dylan! Argh!

"Miss," saway nito sa kanya at saka hinawakan ang dalawa niyang kamay.

Napatingala siya rito. A pair of serious eyes darted hers. Guwapo ang lalaki at mestizo. Wala nga lang kangiti-ngiti sa mga labi nito.

Para siyang naputulan ng dila.

"I told you it's okay," sabi ulit nito. Binitiwan na nito ang kamay niya at tinignan ang damit nito. Mahinang napamura ito nang maging kulay pink ang puting polo nito.

She bit her lower lip. "I'm really really— ay!" Nagulat siya nang bigla siyang hilahin nito.

"Wait! Saan mo 'ko dadalhin?" tanong niya nang wala siyang magawa kundi sumunod rito.

"You're really sorry, right? Then, fix your mess," masungit na sabi nito.

"Ang sungit. Guwapo pa naman sana," bulong niya sa sarili. Sumunod na lang siya rito dahil mukha nagi-guilty siya sa pagkabuhos ng inumin niya rito. At mukhang harmless naman ito. Lana can't sense any danger.

Maya-maya ay pumasok sila sa isang malaking building. Hila-hila pa rin siya nito at pinagtitinginan sila ng mga tao roon pero parang walang pakialam ang lalaki. Mabilis silang nakapasok sa isang elevator. Nagtaka siya nang walang nakisabay sa elevator kahit maraming empleyado ang nakapila.

Tahimik silang pareho ng lalaki hanggang sa makarating sila sa twenty-third floor. Binitawan na siya nito kanina pa kaya naman nang mabilis itong lumabas ay sinundan niya ito.

"Good afternoon, Sir," bati rito ng sekretarya siguro nito. "What happened to your shirt, Sir?" nagtatakang wika ng babae.

"Pakisabi sa ka-meeting ko na male-late ako ng thirty minutes." diretsong sabi lang nito sa sekretarya at saka siya binalingan. "Pumasok ka sa opisina ko," maawtoridad na utos nito.

Napataas siya ng kilay niya pero wala na siyang sinabi. Pagpasok niya sa loob ng opisina nito ay sumunod naman ito at sinarado ang pintuan.

"Paano ba kita matutulungan?" tanong niya agad rito. Nagtataka siya kung bakit nabasa lang ang polo-shirt nito ay biglang hinila na siya nito sa opisina pala nito. At mukhang ito pa ang big boss roon!

Pagharap niya ay nanlaki ang mga mata niya nang bigla nitong hubarin ang damit nito sa harap niya!

"W-What are you doing?!" natatarantang tanong niya at saka napaatras. Wala naman siyang naiisip na masama nitong gagawin sa kanya pero nagulat lang talaga siya sa pagbabalandra nito ng katawan sa harap niya!

Binatos nito sa kanya ang hinubad na damit. "Wash that. May small laundry sa personal comfort room ko," anito sabay turo sa isang wooden door sa isang gilid ng opisina nito. "May dryer din kaya after ten minutes ay matutuyo iyan."

"W-Wala ka bang ibang damit?" Nilayo niya ang tingin sa katawan nitong... okay, fine, he's well built, okay? Magkasing-katawan siguro ito at si Dylan.

"Wala na 'kong ibang white polo-shirt," anito at saka umupo sa likod ng malaking lamesa nito. "Hindi ko alam kung maniniwala ka pero gusto ng ka-meeting ko na nakasuot ng puti ang mga ka-meeting niya."

"May fashion botique naman sa malapit. Bakit hindi ka na lang bumili?" aniya rito.

"I just bought that from the shop you're pertaining to. That's their last stock at nadisgrasya mo pa." Sumandal ito sa black swivel chair nito. Wala itong pakialam kung half-naked man ito sa harap ng isang babaeng katulad niya.

"Akala ko ba, okay lang sa'yo?"

"Until I realized that I badly need to wear that white polo-shirt."

Napalabi siya.

"Puwede bang kumilos ka na, err—"

Lihim na inirapan niya ito bago pumunta sa tinuro nitong banyo. "Lana," mahinang pagpapakilala niya habang papasok sa banyo.

Agad niyang sinimulan ang paglalaba sa polo-shirt nito. Marunong naman siyang magkusot-kusot ng damit. After a few minutes, tapos na niyang labhan ang damit at saka piniga iyon. Pagkuwa'y nilagay niya sa isang maliit na laundry dryer. Lumipas ang ilang minuto at tuyo na ulit at mukhang bago ang polo-shirt. Hindi iyon gaano nakusot kaya naman lumabas na siya ng banyo at inabot rito ang shirt nito.

Tahimik na kinuha nito iyon at sinuot. "Thanks. Now, you're really forgiven."

Nabasa niya ang pangalan nito sa harap ng lamesa nito. "Eugene Lorenzo Arguelles," she read aloud.

Napalingon ito sa kanya.

"May pangalan ka pala," sarkastikong sabi niya rito. "Akala ko ikaw si Mr. Sungit." Wala na siyang kasalanan rito kaya may lakas na siya ng loob na tarayan ito. Kinuha niya ang kanyang bag at tinalikuran na ito. Lumabas na siya sa opisina nito.

Hindi siya makapaniwala na pinaglaba siya ng hindi niya kakilala! Ang sungit-sungit pa nito.

"Hey, Lana!" habol nito sa kanya nang malapit na siya sa elevator.

She rolled her eyes bago siya huminto at nilingon ito. "Bakit?"

Hindi na seryoso ang mukha nito. Mas lumambot ang ekspresyon nito. Napabuntong-hininga ito. "I'm sorry. I was in a bad mood even before you spilled your drink on me. Forgive me for lashing it out on you," he sincerely apologized.

Nagkibit-balikat siya at nginitian na ito. Mukha naman kasing mabait ito. Masungit lang talaga. "Okay. You're forgiven. Good luck with your meeting," nakangiting sabi niya rito.

Hindi ito sumagot at bagkus ay nakatingin lang sa kanya ng mataman.

"Mr. Arguelles?" untag niya rito.

Para itong nagulat at kumurap-kurap. Tumikhim ito. "Eugene. Call me 'Eugene'."

Tumango siya. "Okay. Nice meeting you, Eugene... Kahit natapunan kita ng shake ko at pinaglaba mo 'ko ng shirt mo."

Mahina siyang napasinghap nang makita sa unang pagkakataon ang pagngiti nito. Sumama pati ang mga mata nito sa pagngiti nito. "Nice meeting you, also, Lana."

Kinuha nito ang kamay niya at hinalikan ang likod ng palad niya. "And I hope this won't be the last."


***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

452K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
3.4M 86.8K 21
Kasal-kasalan. Bahay-bahayan. Paano bang hindi mahuhulog ang loob nina Erica at Charlie sa pagpapanggap nila bilang mag-asawa? Written ©️ 2015-2016 (...
3.2M 88.2K 21
Ang fangirl na si Pamela, paanong makikipag-agawan ng lupa sa car racer idol niyang si River Avilla? Ipaglalaban niya ba ang karapatan ng pamilya nil...
14.6M 50.2K 10
#StanfieldBook2: ZekeSteele (#Wattys2016Winner Collector's Edition) "I've made mistakes out of my rebellion. But I embrace t...