Sinundo ako ni Kyle ng 2pm sa bahay para sa Get Together namin. Maaga kasi may pinagawa daw siyang mga bagtags na chibis namin. Naghati kami sa bayad kasi mura lang naman at saka mas malaki yung allowance ko this month compared dun sa dati.
Pagdating namin sa venue hindi muna kami lumabas ng kotse. Pinirmahan muna naming dalawa yung likod ng mga chibis na bagtag. 60 pieces rin yun. Hindi nga namin alam kung ilan yung pupunta ngayon eh. Sana hindi kulangin.
Ten minutes after the 3pm, tumatawag na sakin yung admin ng fanpage namin. Si Kyle naman ang pinasagot ko sa phone kasi hindi pa ako tapos magpirma.
Hi! Ni-loudspeak niya. This is Kyle.
Hi po! Itatanong ko lang po kung nasaan na kayo?
Malapit na. Complete na ba kayo diyan?
Yes po.
Ilan yung pupunta? Tanong ko.
We’re 55 po, kasama na po kayo.
Ahh okay, we’ll be there in five minutes. Sagot ko. Thanks. Bye! Pagbaba ng phone hiniwalay na namin ni Kyle yung limang sobra.
We used the other way in kaya siguro kami hindi napansin nung mga pumunta. Most of them siguro 13 to 18 years old.
Nung makita nila kami ni Kyle, they’re super speechless. Yung iba nakatitig lang. Hi! Bati ko sa kanila. Thanks for coming! Nasaan si Admin? Tanong ko.
Tumuro naman yung isa sa labas.
I’ll get her. Dito ka nalang. Bulong sakin ni Kyle saka niya inabot yung paperbag na may laman ng mga bagtags saka niya ako iniwan. The place is enough for all of us naman kaya okay. They offered me a seat.
Umupo naman ako agad at saka kumausap sa kanila. I usually suck at introductions pero buti ngayon naitawid ko naman ng maayos. Bumalik rin naman kasi agad si Kyle. Magkatabi kami sa upuan. For six kasi yung upuan namin eh.
So, what are we gonna do? Tanong ko sa kanila.
Mag-kwento ka naman po about sa inyo ni Kyle, Ate Ina. Sabi nung isa sakin.
Napatingin naman ako bigla kay Kyle. Kyle and I recently had a small fight. Kahapon lang talaga kami nagbati. Tapos natawa ako. Pero small misunderstanding lang naman yun, don’t worry.
Ano pong plans niyo ni Ate Ina sa vacation, Kuya Kyle? Tanong nila.
Pinag-iipunan ko pa. Sagot ni Kyle saka siya ngumiti. Naalala ko kami-kami nga lang pala nakakaalam na aalis na ako.
Ate Ina bakit po Puff tawag sa inyo ni Ate Ica? Tanong sakin nung isa.
Bakit nga ba? Napaisip tuloy ako. I don’t know, ganun lang talaga kami eh. Kung anong trip naming itawag sa isa’t-isa.
Kayo naman po, anong tawag mo sa kanya?
Nic.
Eh kay Kuya Kyle po? May tawagan po ba kayo? Tanong nung isa. Si Kuya Vince po kasi, Vicente daw po ang tawag niyo sa kanya.
Wala. Tumingin ako kay Kyle. Wala di’ba?
Tinaas naman ni Kyle yung balikat niya na parang sinasabing di niya alam. Sakin wala, kay Kuya meron.
Eh bakit nga po pala Vicente tawag niyo kay Kuya Vince? Tanong nung isa.
Ano kasi yun, nag-away kami ni Vince like for two or three years. Hindi talaga kami nag-uusap or anything. Kaya ayun nagpaka-alipin siya sakin para maging okay na kami. So, dun na lumabas si Vicente. Sagot ko. Pero don’t get me wrong, di ko naman siya inapi or anything. Ako nga daw pinakatamad na amo sabi niya eh.
Ano pong pinag-awayan niyo at tumagal ng three years? Aba’t nagiging presscon na ata itong GT namin.
Nakalimutan ko na eh, pero normal thing lang naman yung na pina-OA ko. Palusot ko, alangan namang sabihin kong crush ko kasi si Vince before kaya inaway niya ako.
Mas close po ba kayo ni Kuya Kyle kaysa kay Kuya Vince? Tanong nung isang girl.
Same lang. May mga bagay na kay Kyle ko lang sinasabi and same din naman for Vince.
Kuya Kyle, di mo po ba talaga nililigawan si Ate Ina? Wala po talagang pag-asa? Tanong sa kanya nung isa. Wow ha. Ang lulupit ng tanungan dito pero less pa-showbiz effect kasi we treat them as friends naman.
Nililigawan ko yan everyday di’ba? Saka siya tumawa at tumingin sakin.
Na-meet niyo na po ba parents ni Kuya Kyle? Saka sila tumingin sakin.
Yes. Na-meet niya na rin naman yung akin. Parang lahat naman, kasi we usually hang out sa kung kani-kaninong bahay. Minsan sa place ko, tapos sa place nila, tapos dun sa iba pa naming friends.
Kuya Kyle, kwento ka naman po ng tungkol sa inyo ni Ate Ina. Parang binaliktad lang nila yung tanong kanina ah. Tinignan ko naman si Kyle.
Ano bang makekwento ko? Tanong ni Kyle sakin saka siya napahawak sa batok niya. Anong gusto niyo?
Yung Valentine’s Day po. Nakita po kasi namin yung pictures. Excited na sabi nung isa.
Valentine’s Day, school fair nila yun.
Ay nandun ako! Nakita ko po kayong dalawa! Naloloka ako sa segway nitong isa naming beki na kasama. Natatawa ako sa kanya. Love ko yung aura niya.
Before kasi nun di’ba yung school fair namin tapos siya yung host?
Ay nandun din ako! Winner po yung pag-hohost niyo! Segway ulit nung beki. Gusto ko na sana siyang iuwi bilang stress reliever.
Game na ba? Tanong ni Kyle.
Nagtakip naman na sila ng bibig at nakatututok kay Kyle. Kahit naman ako napatingin nalang rin kay Kyle. Bakit parang ngayon ko lang napansin na ang gwapo niya ngayon, pero gwapo naman talaga siya everyday eh.
Nung school fair namin, medyo may misunderstanding ulit kami nun kaya si Vince lagi niyang kasama. At saka may nagpapaturo sakin nun ng steps para sa prod number rin nila kaya busy rin ako. So nung Valentine’s day, feeling siguro niya di ako pupunta sa fair nila kahit may ticket ako. Nasa mall ako nun, dun kasi kami nag-prepare nila Lance ng surprise ko for her. When I called her na punta siya sa mall sabi niya di niya sure na ganito ganyan kasi dadating nga daw si Nic. Tinignan niya naman ako. Kaya ang ginawa ko, kinuntsaba ko na rin si Nic. Tinawagan ko siya, kwinento namin plans namin. Pumayag naman siya kaya napapunta agad siya sa mall. Nic sang for us, ako tapos sila Lance nag-flash mob kami, siya naman tulala lang. Halatang di niya alam yung mga nangyayari ganun. That’s how I asked her to be my Valentine.
Tapos po saan kayo nag-date?
Nag out-of-town kaming dalawa. Before 7pm naman nakauwi na kami kasi may dinner kaming magbabarkada sa bahay nung isa naming friend.
Ate Ina, ano naman pong reaction niyo dun sa ginawa ni Kuya Kyle?
Nagulat naman ako sa tanong bigla kasi nakatitig pa rin ako kay Kyle eh. Super busy talaga kasi ako that day, yung tipong naloloka na ako sa dami ng pinapagawa sakin. Si Vince may surprise din. Hindi ko naman kasi expected, last Valentine’s day kasi everything is just so normal for me. Kami-kami lang nung friends ko sa house, nood ng movie, di uso sakin yang date date na yan. Tapos this year, puno yung ref namin ng chocolate, yung kwarto ko mukha na daw flower shop tapos ang daming nagregalo. It was overwhelming for me. Nung nag-surprise din si Kyle nasabi ko nalang sa sarili kong ‘Grabe quota na talaga ako!’ kasi sobra-sobra na nangyayari sa akin. Feeling ko nga that day parang movie taping siya kasi parang sobra-sobra naman talaga yun for a normal girl.
Di ka naman po normal girl lang, Ate Ina… sabi nung isa.
Sabagay, I’m abnormal nga pala most of the time. Naalala ko nalang bigla. Lalo na pag friends ko lang kasama ko.
Bigla nalang dumating yung food na inorder nila kaya naging okay na rin naman lahat. After eating, we gave them all our gift. Buti nga natuwa sila. May gifts din pala sila ni Kyle for us. Before leaving, di naman mawawala yung picture-taking. Nakakiss pa nga yung iba kay Kyle. We left before 7pm tapos dumeretso kami sa mall para mag-dinner.
[ VINCE’S POV ]
Ayaw i-kwento sakin ni Tin yung nangyari sa GT nila n Kyle. Pero pinakita niya sakin yung souvenir na pinamigay nila. Syempre, ako pa ba yung magpapatalo sa creativity? Pinaghandaan ko ng malupit na effort at budget yan!
Nagpagawa ako ng shirt. Syempre ako yung nag-design. Hindi pa nga lang nakikita ni Mela. Lumabas na si Mela ng bahay nila at sumakay na sa kotse. Ngayon na kasi yung GT ng mga VinTins. Unlike dun sa GT nila ni Kyle, sa amin ata nag-rent pa sila ng function room.
Yaman po ng VinTins!
Anong ibibigay natin? Tanong ni Tin sakin.
Nagpagawa ako ng shirt.
Really? Tanong niya tapos sumilip siya sa likod ng kotse at nakita yung mga off white shirt. Wow effort! Binuklat niya yung shirt at saka tinitigan yung drawing. Ngumiti lang siya. Naghihintay ako ng violent reaction pero wala naman. Penge ah! Small ba ‘to? Tinignan niya naman yung size. Sakto!
Sixty shirts all in all ang pina-print ko. Buti nalang friend ko yung may-ari kaya may 40% discount ako. At saka di naman masyadong madami yung print. Nakadoodle lang na VinTin. Di yung puchu-puchu na doodle ha? Detailed yung amin kasi ako yung gumawa.
Lagay ko nalang sa account mo yung share ko ha? Magkano ba? Tanong niya sakin.
Kahit wag na. Okay lang.
Okay, treat nalang kita ng dinner later. Ngumiti siya at saka binalik ulit yung tingin sa damit. At saka ako nalang bahala sa lunch mo next week. Wag kang magrereklamo. Dagdag niya pa.
Dinner palang masaya na ako tapos may pahabol pang lunch? Bawing-bawi ah. Masaya akong binibigyan niya ako ng time. Tin, gusto ko steak.
Okay lang, mura lang naman steak sa Jollibee. Saka siya tumawa.
Seeing her happy is more than enough. Talaga lang, Tin?
Joke lang. Basta ako na bahala.
Pagdating namin sa venue, inapproach agad kami at binigyan ng upuan. Nagsimula na kaming mag-ingay ni Tin. Halatang may experience na siya sa ganito before kaya konti nalang yung hiya niya kung meron pa.
Nakakaloka yung mic, Vince. Bulong niya sakin.
Para kasing presscon yung ayos namin ngayon. Medyo elevated yung table namin ni Mela. Ang galing ng pagkakaayos ng mga VinTin. May tatlo kasi kaming ‘fan’ na working na kaya medyo napaghandaan daw nila.
Ate Tin, nag-date po ba kayo ni Kuya Vince nung Valentine’s day? Tanong nung isa sa kanya. Hinawakan niya naman yung mic at tumingin sakin.
Kyle kidnapped her nung Valentine’s. Sagot ko bago pa siya magsalita. Natawa naman sila sa sinabi ko. Pero nag-dinner naman kaming magkakasama nung gabi na. Syempre, di naman pwedeng di kami mag-moment nito.
Kumusta naman po yung moment niyo nung Valentine’s? Ano po bang ginawa ni Kuya Vince? Tanong nila kay Mela.
Pinahiya niya ako nung Valentine’s Day. Sagot ni Tin ng seryoso tapos tumingin sakin. Napakunot naman agad yung noo ko. Pero char lang yun. Tapos tumawa na siya. May pakanta-kanta siya sa stage nung school fair namin eh, tapos ayun. Nahihiya nga ako kasi never kong inasahan na magiging ganun. Sa school kasi di niyo ako mapapansin…
Ninja kasi yan sa school. Dagdag ko pa. Di mo mapapansing dumaan na pala siya sa harap mo. Yung mga ganun. Hustler yan sa ganun.
Paano nga po pala kayo nagkakilala, Kuya Vince?
Nagsimula ang lahat sa grocery, natapos sa grocery at muling nagsimula sa Room 401 – A. Sagot ko. Hinampas naman ako ni Tin ng mahina tapos inagaw niya yung mic sakin. Isa lang kasi yung mic namin dito.
Una kaming nagkakilala sa grocery tapos parang naging friends lang kami nung nasa school na. Paglilinaw niya sa mga sinabi ko.
Pag nag-aaway po kayo gaano katagal? Tanong nung nakapink na babae at medyo naka-curl ang dulo ng buhok.
Pinakamatagal na yung 31 months siguro. Takot na si Vince na awayin ako lately kaya wala na ulit ganung mga eksena. Sagot ni Tin.
Ate Tin, kung Vicente po ang tawag niyo kay Kuya Vince. Ano pong tawag niya sa inyo?
Tin lang. Ako lang naman kasi mahilig magpaikli at magpahaba ng pangalan ng mga tao saming magkakaibigan kaya ganun.
Kung si Kuya Kyle po sinabi na pinag-iipunan niya pa po yung summer vacation nila ni Ate Tin, eh ikaw po Kuya Vince?
Pag-iipunan ko palang rin. Sagot ko. Ang mahal naman kasi ng ticket sa London, baka one way lang mabili ko. Pero siguro naman willing si Tin na ampunin ako pansamantala.
Close ka rin po ba kay Kuya Kyle? Tanong nung isang babae sakin. Wala po ba kayong conflict or wala po bang competition sa inyo?
Oo naman. Magkaramay kami ni Kyle sa pangungulit kay Tin. Competition? Siguro dati pero ngayon okay lang kami.
Sa tingin niyo po kanino mas close si Ate Tin? Sa inyo or kay Kuya Kyle? Dagdag niya pang tanong.
Mas close siguro siya sa Kuya ni Kyle. Sagot ko.
Natawa naman si Mela. Siguro yung closeness ni Mela samin ni Kyle, 97%. Pero yung closeness nila ni Jake 99%. May sarili kasi silang mundo pag nagsama kahit tahimik lang sila madalas.
May ibang treatment ba si Ina sa inyong dalawa ni Kyle? Tanong nung medyo 19 years old na siguro.
Mas mapanakit si Tin pag ako yung kasama niya. Mahilig kasi si Tin na sabunutan ako o kaya magpapasan. Hindi ko alam pero gusto niya yung nahihirapan ako.
Hoy Vince umayos ka diyan ah. Sabi ni Tin na sapat lang para ako ang makarinig.
Joke lang yun. Kung sa ganung factor, mas close kami ni Tin. At saka ako naman mas madalas niyang kasama kaysa kay Kyle. Pero pag sila naman ni Kyle ang nag-bond, iba rin eh. May mga bagay kasi sa buhay ni Tin na si Kyle lang ang may alam katulad ng code ng phone niya. May mga bagay rin naman sa buhay ni Tin na ako lang ang may alam, katulad ng combination niya sa locker. Ganung mga bagay lang naman. Sagot ko sa kanila.
After nung tanungan, pinamigay na namin yung t-shirt. Surprised nga daw sila kasi akala nila wala kaming dala. Buti nga sobra yung nadala namin at okay ang sizes. Binigyan rin naman nila kami ni Tin ng gifts. Tapos may pa-photobooth and syempre kumain na rin kami. Nagpadeliver sila ng pizza.
Nag-tricycle lang kami ni Tin pabalik sa mall kung saan nag-park yung kotse. Ang cool nga eh, okay lang kay Tin kahit anong sakyan. Wala talaga siyang arte sa katawan, kung meron man napakakonti.
[ MELA’S POV ]
Buti nalang at wala na masyadong ginagawa sa school kaya officers nalang ang pumapasok. Kaming barkada nagbakasyon sa Baguio for three days. Kakauwi nga lang namin. Bukas flight ko na, aalis na ako.
Di ko alam kung paano ba dapat ako magpaalam sa kanila. I prepared a letter for each upon waking up this morning. Di ko kasi alam kung kaya kong masabi lahat yan in words sa kanila. Matrabaho rin kasi ilan ba ang barkada ko? More than 10? Mas nahirapan ako sa letter para sa tatlong pinaka-importanteng lalake sa buhay ko na sina Jake, Kyle at Vince.
5am ng madaling araw ang flight namin ni Nic at 4pm na ngayon. Ang hirap pala ng ganito. Alam ko namang nilubos-lubos ko na yung bonding naming lahat pero bakit parang kulang pa din. Pumunta ako sa bahay nila Kims para makipag-kwentuhan ng sandali. Tapos dumeretso ako sa bahay nila Cha. Pagtapos sa bahay naman nila Vince.
Oh miss mo na ako agad? Kahapon lang magkasama tayo ah. Bungad niya sakin pagbukas niya ng gate. Binungaran ko nga rin siya ng batok. Si Nic nasan?
Nag-aayos ng gamit sa bahay. Si Yaya Em kasi susunod samin kinabukasan.
Ako nga din, mag-aapply na akong maid sa inyo! Para susunod na rin ako.
Di ka nga marunong maglaba, Vince. Tigilan mo nga ako.
Dito lang kami tumambay sa labas ng bahay nila kasi may maliit na bench naman. Napatingin ako sa relo ko 6pm na. 11 hours to go, flight ko na. Niyakap ko nalang bigla si Vince. Vince, promise mamimiss kita. Saka ako tumawa pero di ako bumitaw sa kanya.
Alam mo ang lakas mo maka-sunggab sakin ah. Bukas pa naman, cool ka lang. Pupuntahan ka pa namin sa airport noh.
Loko.
Skype ha wag mong kakalimutan. Paalala niya sakin.
Oo na. Pagbaba na pagbaba ko, Skype agad.
Tumahimik kami and I treasured every moment. Halos ten minutes siguro akong nakayakap kay Vince. Pero ang lakas pa rin niyang magpatawa kahit na ganun. Sige Vince, uwi na ako. Text nalang kita bukas.
Sure ka? Baka gusto mo akong iuwi, okay lang.
Natawa naman ako. Hindi na noh. Sige. Bye! Pagtalikod ko, ilang hakbang palang ang ginagawa ko tumulo na ang luha ko. Di ako tumigil kasi baka mapansin niya at habulin pa ako. Nung makalayo ako, naupo muna ako ng saglit at nagsimula na ulit maglakad papunta sa bahay nila Kyle.
Bago pa man din ako mag-doorbell, nagbukas na agad yung gate. Si Kyle lalabas ata. Saan ka pupunta? Tanong ko sa kanya.
Sa inyo sana.
Naku, makalat dun kaya nga ako pumunta dito eh.
Umiyak ka? Tanong niya agad sakin.
Alam mo naman may allergy ako sa maalikabok di’ba. Kaya ako umalis ng bahay. Palusot ko sa kanya at saka ako nagdire-diresto papasok na para bang bahay ko lang ang pinasok ko.
Si Tita Xhai agad yung nakakita sakin kaya binata ko siya at saka ako nagbeso. Kinumusta niya rin yung parents ko at saka nagtatanong siya tungkol sa school ko dun. Magdidinner palang rin daw sila kaya sumabay na ako.
Kyle, pakitawag yung Kuya mo sa taas. Utos ni Tita Xhai.
Pinigilan ko naman si Kyle at nag-volunteer ako na ako nalang ang pupunta. Di ako kumatok at pumasok nalang ako agad. Nadatnan kong naglalaro si Jake ng Temple Run sa phone niya habang nakaupo sa kama niya. Niyakap ko naman siya bigla katulad nung pagyakap ko nalang ng biglaan kay Vince.
Anong problema? Tanong niya sakin pero niyakap niya rin naman ako.
Fifi, miss na kita agad eh. Sagot ko sa kanya.
Ang OA mo. Magkikita pa tayo bukas okay? Sabi mo 5 di’ba?
Oo. Text nalang kita. Tuloy-tuloy na yung pag-agos ng luha ko pero pinigil ko kasi makikita ako nila Tita Xhai sa baba. Oo nga pala, kakain na daw sabi ni Tita Xhai. Bumaba na tayo.Saka ako bumitaw sa kanya.
Pagbaba namin nakaayos na yung table at nakaupo na sila. Kami nalang pala ang hinihintay. Parang family ko nalang rin sila kaya ang saya rin ng kwentuha after dinner. Nang mag-9pm na nag-volunteer na si Kyle na ihatid ako sa bahay.
Pagdating namin sa bahay, maayos na lahat ulit. Tinanggal na yung isang family portrait sa living room. Niyaya ko pa si Kyle na manood ng movie para magkaroon pa ng time. Nanonood kami ng suspense, Bait yung title. Australian movie. Binigay lang talaga siya sakin ni Nic kanina kung baka daw gusto kong panoorin, sakto nandito naman si Kyle.
After naming manood, almost 11pm na. Mela, una na ako ah. Paalam niya sakin. Ang hirap pala talaga pag aalis ka tapos maalala mo yung mga maiiwan mo. Parang walang enough na time para masabi mong ready ka na. Pupunta nalang ulit kami nila Kuya bukas.
Wait lang Kyle.
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Katulad ng ginawa ko kay Vince at Jake, niyakap ko rin siya ng mahigpit. Pero iba yung ngayon, mas ayaw kong bumitaw. Kung pwede lang ihinto yung oras, ginawa ko na. Hindi katulad ni Vince at Jake, tahimik lang si Kyle. Nakayakap siya sakin pero hindi siya nagsasalita.
Kyle, mamimiss kita.
I’ll miss you, too. Sabi niya. Di mo naman ako kakalimutan di’ba?
Syempre naman. Nakangiti ako pero yung luha ko tuloy-tuloy pa rin sa pagtulo. Mas matangkad kasi talaga sakin si Kyle kaya hindi ko man lang mapatong yung ulo ko sa balikat niya. Hanggang chest lang abot ko.
Do you want me to stay longer? Tanong niya sakin.
Gusto ko pero kailangan kong pigilan. Ang tanong kaya ko bang pigilan? Maya-maya lang aalis na rin kami nila Nic. Hindi na nga ako natulog eh. Naisip kong sa flight nalang ako matutulog. Pwedeng kahit 12 ka na umuwi? Papahatid nalang kita. Tanong ko sa kanya. Why am I so clingy in an instant?
Sure. I’ll text Kuya.
Nag-stay si Kyle for another hour. Wala kaming ginawa kung hindi mag-usap, nag-gitara din siya at kumanta, tapos bigla nalang lumabas ang pagka-vain namin kaya napuno ng puro selfie namin ang phone niya.
Ten minutes before twelve, kinausap ko si Kuya Driver para ihatid si Kyle. Nagbilin rin ako na huwag magbabanggit ng kahit ano tungkol sa flight namin ni Nic mamaya. Pumayag naman siya at saka hinatid na si Kyle.
Ngayon ko lang naramdaman yung ganito, akala ko kasi nung una hindi ako masasaktan ng ganito. Akala ko kasi madali lang magkunwaring okay lang sa akin ang lahat. Pero kahit ano palang makasanayan ko , kahit ano pang pilit ko, hindi na ulit ako pwedeng maging si Miss Numb…
… kasi humina ako, kasi nasasaktan ako at higit sa lahat kasi nagmamahal na naman ako.