From A Distance

Bởi hunnydew

1.3M 24.2K 12K

From the moment his eyes laid upon her, she has started running in his mind. Curiosity must have killed the... Xem Thêm

Prologue: Laging Nakatanaw
1. Taga-hanga
2. Basketball
3. Idol
4. Kamangha-mangha
5. Crush
6. Yakap
7. Lakad-Takbo
8. Mabuting Kaibigan
9. Libreng Pakain
10. Kulog at Kidlat
11. Ulan at Luha
12. Selos
13. Ligaw
14. Inis
15. Tuliro
16. Punong Abala
17. Kaguluhan
18. Napagtanto
19. Pagtatapos
20. Bakasyon
21. Kaibigan o Kaaway?
22. Karibal
23. Asaran
24. Pagbabago
25. Pakikipag-Usap
26. Makita kang Muli
BONUS: Pelaez Brothers' Bonding Time (PBBT)
27. Maligayang Kaarawan
28. Ngiti
29. Parada
30. Husay
31. Emergency!
32. 'Di Kapani-Paniwala
33. Louie Antoinette Kwok
34. Unang Hakbang
35. Ayos
36. Hamon
37. Habilin
38. Paglabas
39. Susubukin
40. Pagsasanay
41. Pasado kaya?
42. Pamilyang Pelaez
43. Usapang Ligawan
44. PPP: Panliligaw sa Paraan ng Pelaez
45. Tama Na
46. Pangamba
47. Tulungan
BONUS: PELAEZ BROTHERS AGAIN (PBA)
49. Hayaan Muna
50. Ang Plano
51. Sanayan Lang
52. Pag-aalala
53. Puyatan
54. Gulatan
55. Sorpresa
56. Regalo
57. Pag-aalinlangan
58. Pagtitipon
59. Unang Pag-Ibig
60. Pagkakataon
61. Road Trip
62. Kakaibang Saya
63. Pinagkakaabalahan
64. Mga Alinlangan
65. Pamamaalam
66. Stalker
67. Sapio Girl
68. Paghihintay
69. 'Di Inaasahan
70. Pakikiramay
71. Biglaan
72. Pelaez Brothers Emergency Meeting
73. Panunùyo
74. Hudyat
75. Talento
76. Kasa-Kasama

48. Nakakailang

14.5K 369 197
Bởi hunnydew

Halos balutin ng katahimikan ang buong paligid nang bitawan ni Louie ang mga katagang iyon. Ilang beses pang inulit ni Mase sa kanyang isipan ang sinabi ng dalaga upang masigurong hindi siya pinaglalaruan ng kanyang pandinig.

...Date tayo, Mase...

Mataman niyang pinagmasdan ang kaharap na pasimpleng nagpapalinga-linga dahil hindi lamang siya ang hindi agad nakahuma. Maging sina Hiro at Charlie ay tila namatanda rin. Hindi kaya nabigla rin ang dalaga sa pagsambit ng mga salitang iyon?

Magkagayunman, hindi pa rin maitago ni Mase ang pagsilay ng ngiti. Ibang klase talaga si Louie. "Sige." Akmang aabutin na sana niya ang kaliwang kamay nito upang igiya palayo dahil napansin niya ang paniningad ni Hiro subalit bahagyang nagitla ang dalaga na siyang ikinapagtaka niya.

"Saan tayo magse-celebrate?!" malakas na tanong ng kapatid niyang si Charlie.

Sasagot na sana siya upang sabihing hindi na kailangang magdiwang. Nais muna sana niyang mapag-isa upang pag-isipang mabuti kung tama nga ba ang pagkakarinig niya sa paanyaya ng dalaga. Baka kasi nag-iilusyon lamang siya. Kung tunay kasing si Louie ang nag-ayang lumabas silang dalawa, bakit ito magugulat sa akmang paghawak niya rito?

"...Magbihis kaya muna kayo?" narinig niyang mungkahi ni Hiro. "Sobrang pawis mo na," puna nito patukoy sa basang damit ng kapatid.

"Wala akong ekstrang shirt eh,"tugon naman ni Louie.

"May ekstrang t-shirt ako," agad na saad ni Mason. Nakagawian na kasi niyang magdala ng isa pang pamalit tuwing may ensayo ang kupunan nila. Bukod sa jersey at shorts at sa nauna na niyang isinuot nang pumasok sa paaralan ay lagi siyang may reserbang damit. Hangga't maaari kasi ay ayaw niyang muling isinusuot ang damit na pinagwisan na niya.

Subalit sabi nga ng marami, there will always be an exception. Tulad na lamang ngayon.

Nang maiabot niya ang puting shirt sa dalaga ay pinauna na niya ito sa locker room. Dahil na rin iyon sa paghawak ni Dexter sa balikat niya bago bahagyang iginiya si Mase papunta sa men's locker room kung saan naghihintay ang isa pa nilang mga kasamahan sa CBA Team.

"So...magkakilala pala kayo ng ex ni Jem?" paunang bati ng isa nilang kasama.

Nais man niyang pabulaanan ang sinabi nito sa pagkakaroon ng 'relasyon' ni Louie at ni Jeremiah, hindi na lamang niya pinansin iyon dahil sigurado namang walang katotohanan iyon. "Best friend siya ng kapatid ko."

"Ahh, yung magaling na commentator?" natatawang kumento ni Dexter at tumango naman si Mason bago tumuloy sa isang cubicle upang magbihis. "Buti na lang talaga naka-focus si Jem sa laro kanina, kundi baka sinugod na niya yung kapatid mo, hahaha. Pero ang galing talaga eh. May future yung kapatid mo bilang announcer."

"Panalo yung naniwala yun na Hipon at Higad ang mga pangalan nina Jem at Stella eh, hahaha," dagdag pa ng isa nilang kasama. "Sa'n na pala kayo after? Nood tayo ng sine!"

"May appointment na ako, pare. Next time na lang," tanggi ni Dexter dito. "'Kaw, Mase?" pasigaw na tanong nito.

Sandaling natigilan si Mason sa pagliligpit ng pinagbihisan niya. "May class pa ako ng 5:30PM."

"Boo. I-cut mo na 'yan. May limang free cuts naman sa klase diba? O baka naubos mo na?"

Tunay ngang pinapayagang lumiban ang mga mag-aaral sa bawat klase hanggang limang beses. Subalit ni minsan ay hindi siya gumamit noon dahil bukod sa wala naman siyang ibang pagkakaabalahan, mas nanaisin pa niyang matuto kaysa magliwaliw.

Iyon nga lang, tila nagbabadyang rason para lumiban sa klase sa unang pagkakataon kung matutuloy nga ang paglabas nila ni Louie sa hapon na iyon. Ang inaalala lamang niya ay ang kapatid niya at kung ano ang iisipin nito.

Ilang hakbang lamang ang layo ni Louie nang makalabas si Mase mula sa locker room at nauna na ring umalis sina Dexter. At hindi niya mawari kung ano ang mararamdaman habang pinagmamasdan ang dalagang naglalakad at suot ang kanyang damit.

Bahagyan umiling na lamang siyang sumunod dito. Kahit ano yatang isuot ay babagay kay Louie.

Tila nagtatalo naman sina Charlie at Hiro nang makabalik siya sa huwisyo.

"...Makikisawsaw ka pa sa date ng may date."

"DATE?! Masaya 'yon! Double date tayo! Saan ba?"

Labis na natuliro si Mason sa sinabing iyon ng kanyang kapatid. Mas gugustuhin sana niyang hindi ito kasama kung lalabas nga sila ni Louie. Ngayon pa lamang ay nangangamba na siya sa kung ano ang isisiwalat ng bunso sa mga kuya nila. "Uhm..." bulong niya kay Louie. "Gusto mo... next time na lang? Para walang maingay."

"Ha? A-Ahh...ano...sige...?" tila nag-aalangang sagot naman ng dalaga na hindi makatitig sa kanya. Mas lalong naguluhan tuloy si Mase sa kung ano nga ba talaga ang pinag-uusapan nila.

Samantala, nagpumilit si Hiro na magdiwang raw silang apat sa pagkapanalo ng kupunan nina Mason at Louie. Kaya naman napagkasunduan nilang pumunta sa Chocolate Kiss gamit ang magarang sasakyan ng binata kung saan pinayagan nitong si Louie ang magmaneho.

"Hoy, bubuwit. Dito ka sa likod," utos ni Hiro kay Charlotte.

"Eeeeh... passenger seat," nakangusong angal ng huli. Nais din kasi nitong maupo sa harap.

"'Wag ka na! Si Kuya Mase dun," asik nito.

Tila nagmamakaawang tumingin naman kay Mase ang kapatid. "Eeeehh...Mase...ako na lang."

"Ang kulit mo ah! Alam mo ba kung paano pumunta do'n?"

Tuluyan nang bumusangot si Charlie at nagmamaktol na tinungo ang back seat. Bago nagbuntong-hininga si Mason at sumakay na lamang sa harapan na siyang ikinagulat naman ni Louie na nauna nang sumakay upang kilatisin ang loob ng Ferrari ng kapatid nito.

"Ako raw magtuturo ng daan," tipid na sagot ni Mason.

Subalit pagkarating nila sa Bahay ng Alumni kung saan nagpresenta siyang tignan ang kainan upang makapagpa-reserve habang naghahanap ng parking space ang mga kasama, napag-alaman niyang naka-book ang buong Chocolate Kiss.

"Hmmm... bili na lang kaya tayo ng makakain tapos, tambay somewhere?" mungkahi ulit ni Hiro na tila pursigidong makapagdiwang. Marahil ay labis din itong nangulila sa kapatid.

Kaya kahit nabigla si Mason sa napagkasunduang lugar kung saan sila magpapalipas ng oras, at datapwat may klase pa siya ng alas singko y media ng hapon, handa siyang lumiban upang makakwentuhan pa si Louie. Saka na rin niya iisipin kung paano patatahimikin si Charlotte upang wala itong sabihin sa mga kuya nilang usisero.

Habang binabaybay nila ang Academic Oval para makarating sa Sunken Garden, tumingin na lamang si Mason sa labas ng bintana upang itago ang ngiti kasabay ng panunumbalik ng alaala niya sa parehong lugar na si Louie rin ang nakasama niya.

Pinaglalaruan ba siya ng tadhana?

"Saan pala dito ang parking?" tanong ni Hiro mula sa backseat nang bumagal ang pagpapatakbo ni Louie dahil nasa tapat na sila ng Sunken Garden.

"Sa Benitez o kaya sa Vinzons Hill," sagot niya rito bago sabay-sabay na bumaba ng sasakyan dahil iminungkahi ni Hiro na isama si Charlie na bumili ng makakain.

Nang magtalo-talo na ang tatlo niyang kasama kung sino ang pares na maiiwan at bibili ay pumagitna na siya. "Ayaw mo ba?" tanong niya kay Louie. Naisip kasi niyang magandang pagkakataon na iyon para makausap niya nang masinsinan ang dalaga at upang maisaayos na rin kung kailan nga ba sila lalabas. At mula sa pilyong ngiti ni Hiro ay batid niyang iyon ang pakay ng binata.

"Ha? Ng ano?" tila naguluhang sagot ni Louie.

"Pahinga muna. 'Di ka ba napagod?" muling tanong niya.

"Oh, tara," agad naman nitong pagsang-ayon kasabay ng paghawak sa braso niya. "Tara na nga. Tayo na lang maiwan," ulit nito bago binalingan ang kapatid nito. "Sige, alis na kayo. Bilisan niyo ah," mariing paalala nito kay Hiro.

Sa pagbabangayan ng magkapatid na Kwok bago muling sumakay sa kotse sina Hiro at Charlie, hindi yata namalayan ng dalaga ang bahagyang pagkakaluwag ng hawak nito sa braso ni Mase kaya dumausdos ito pababa sa kamay niya.

Naalala tuloy niya ang ginawa nilang 'pagsasanay' ni Elay. Ito kasi ang kusang humahawak sa kamay niya. At sa isang pagkakataong siya ang naglahad ng kamay ay agad iyong tinanggap ng dalaga.

Ganoon din kaya si Louie?

Bago pa tuluyang kumawala ang palad ni Louie ay hinawakan na niya ito. "Tara," nangingiting pag-aya niya rito bago bahagyang hinila ang kamay nito upang igiya papunta sa pamilyar na puno ng akasya.

Iyon nga lang, agad niyang naramdaman ang bahagyang pagpiglas ng kasama kaya agad din niyang binitawan ang kamay nito. Hindi na rin siya sumugal na sulyapin ang reaksiyon ng dalaga sa ginawa niya. Mukhang hindi talaga applicable kay Louie ang mga natutunan niya kay Hayley. "Upo tayo?" pag-iiba niya at tumalima naman ang kasama.

Pinauna niya itong makahanap ng kumportableng pwesto sa nakausling ugat ng punong akasya bago siya umupo sa tabi nito. At sa kabila ng malakas mga pag-uusap at tawanan ng mga taong dumaraan at ng mga hiyawan ng mga naglalaro ng Frisbee sa ilalim ng sikat ng araw sa Sunken Garden, nanatili silang tahimik ni Louie.

Ilang beses niyang sinubukang kausapin ito, subalit tila nalulon yata niya ang dila't hindi makapagsalita. Bakit nga ba ganoon ang naidudulot ng dalaga sa kanya gayong normal naman niyang nakakausap si Elay at Clarisse? Hindi rin niya alam kung saan siya mag-uumpisa. Kung dapat ba niyang tanungin ang tunay na namamagitan sa dalaga at sa kinalaban nilang si Jeremiah?

At bakit ba tila napakalaing bagay para sa kanyang marinig mismo mula kay Louie na itanggi nito ang kumakalat na balitang karelasyon daw nito si Jem gayong batid naman niyang purong kasinungalingan lamang iyon ng lalaki?

Huminga ng malalim si Mason at iwinaksi ang inisip. Nagpasya na rin siyang magsalita kahit naiilang pa rin. "Mmmm... gusto mo ba ng inumin?"

"I-Ikaw?" balik-tanong ng dalaga.

Batid niyang siguradong bibili naman ng inumin sina Hiro. Inaalala lamang niya ang pagkauhaw ng dalaga lalo pa't hindi naman tubig ang huling ininom nilang dalawa. "Ayos lang."

"Ayos din lang ako."

Bahagyang kumunot ang noo niya. "Sigurado ka?"

"Oo. Ikaw ba?"

"Oo. Okay lang din."

"Mabuti kung gano'n."

"Oo, mabuti nga," natatawang pag-uulit niya dahil naalala niyang nagkaroon na rin sila ng ganoong uri ng pag-uusap. Kailan ba sila magkakaroon ng normal na usapan? Muli siyang napangisi habang nagkakamot ng ulo. Hindi pwedeng ganito na lang lagi. "Ano... nice game pala kanina."

"Mmmm..." bahagyang pagtikhim ni Louie. "Onga eh. Thank you pala ah," sagot nitong tila hindi pa rin makatingin sa kanya. Siguro ay naiilang ito dahil nga suot ang shirt ni Mason.

"Wala yun," simpleng tugon na lamang niya at bumaling sa mga naglalaro upang hindi na mapansin ang anyo ng dalaga.

"Mmm...kumusta ka na pala?" narinig niyang tanong nito.

Subalit sadyang hindi niya maialis nang matagal ang tingin kay Louie. "Ayos lang. Ikaw? Dito ka pala nag-aaral?" balik-tanong niya.

"Mmm-mmm...umuwi na rin kasi si Mama."

Ibig bang sabihin niyon ay dito na mananatili sa Pilipinas ang dalaga? Sa kawalan ng matinong isasagot ay napatango na lamang si Mason. "Ano'ng course mo?"

"ECE."

Saka niya naalalang nabanggit na nga pala nina Dexter iyon bago dumating si Louie sa gym kanina. Gayunpaman, maganda na ring marinig niya iyon mula kay Louie. "Kumusta ang... bakasyon mo sa Canada?" pagpapatuloy niya. Tila determinadong masanay si Mason na kausapin ang dalaga nang hindi naiilang o nauubusan ng sasabihin.

Naging aligaga naman ang kausap na lubos-lubos ang paghingi ng paumanhin dahil hindi pala talaga nito agad na nabasa ang mensahe niya noon. Hiningi na rin nito ang bagong cellphone number niya.

Hindi pala talaga siya tinanggihan ni Louie noon. Kaya siguro siya inaya ng dalaga na lumabas bilang paghingi ng dispensa. Maaari pa rin pala silang lumabas.

At sa susunod na itinanong ni Mason ay napakamot na siya sa batok. "Uhmm...Hmmm.... A-Ano...K-Kailan ba tayo lalabas?" naiilang at nahihiyang tanong niya rito. Sa labimpitong taon ng buhay niya, ngayon lang niya gagawing mag-aya ng isang dalaga upang lumabas. At kahit pa nauna na siyang inaya ni Louie kanina, 'di pa rin niya maiwasang makaramdam ng kaba na maaari pa siyang tanggihan nito.

"I-Ikaw...kailan ba maganda?" balik-tanong nitong nakayuko subalit nabanaagan pa rin naman ang pagngiti.

Sa pagkakataong iyon, lalo pa yatang kinabahan si Mason. Dapat bang siya ang magbigay ng detalye? Ayos lang naman sa kanya kung si Louie ang magsasabi kung kailan nito gusto para siya na lamang ang mag-adjust. "Ikaw, kailan mo ba gusto?"

"Ikaw-"

Nabulabog ang pag-uusap nila nang marinig nila ang pagbulalas ni Hiro mula sa likod. Sabay nilang nilingon ang binata at natigilan nang makitang naroon hindi lamang ang mga pinsan ni Louie kundi maging sina Kuya Chino, Kuya Mark at Kuya Chad na pawang may mga nakakalokong ngiti sa mga mukha habang ipinapakita ang bote ng C2 Red sa kanya. Napabuntong hininga na lamang siya.

Kani-kanina lamang ay nag-iisip na siya kung paano patatahimikin si Charlotte. Huli na pala siya. Mukhang naisiwalat na ni Charlie sa mga ito na magkasama sina Mason at Louie.

Habang hindi magkandaugaga ang mga tsismosong kalalakihan sa pagpapalusot kung bakit sila napadpad sa Diliman kahit may mga klase o mga hanapbuhay pa ang mga ito, nag-isip na si Mason kung paano iiwasan ang tirada ng mga kapatid. Batid niyang pagtutulungan na naman siya ng mga kuya nila sa lalong madaling panahon.

"Bakit nandito sina Kuya? Ayusin mo ang sagot mo," pagbabanta ni Louie sa kapatid habang nakahawak ito sa kwelyo ni Hiro nang makaalis ang mga kalalakihan.

"Akala ko kasi mapapaaway ka kanina. Tumawag lang ako ng reinforcement. Nag-text blast lang naman ako kung sino unang darating. Hindi ko inakalang full force silang pupunta," paliwanag ni Hiro na nagpipigil ng ngisi.

Hindi pala si Charlotte ang dahilan nang pagsugod ng mga Kuya sa Diliman kundi si Hiro.

Saka niya naalala ang kapatid na tila hindi umiimik. Iginala ni Mason ang tingin bago nakita ang bunso na nakaupo sa sidewalk at tila may kinakain na naman. Napansin din niya ang malaki at mabalahibong higad na gumagapang sa may manggas ng uniporme ng kapatid. "Charlotte, 'wag kang gaga-"

"Ano ba 'yun?" iritadong pakli ng bunso sabay kamot sa manggas kaya naman kumalat ang balahibo ng insekto na dapat sana ay pipitikin palayo ni Mason. "HIGAAAD! Nahigad ako!" palahaw nito at nagtatalon kaya nabuhos ang nilagang mani na kinakain pala nito.

Hindi na natuloy ang pagkain nila sa ilalim ng puno ng akasya dahil kinuha na ni Hiro ang sasakyan upang dalhin si Charlotte sa condo nito. Doon na nila binuhusan ng suka ang braso nito. At dahil ayaw pasakayin ng binata sa bagong kotse si Charlie na amoy-suka para ihatid ito pauwi, nagmagandang loob na si Louie na tawagan si Tatay Tonyo dahil may pag-uusapan pa raw silang magkapatid.

"Hindi ka sasama?" tanong ng bunso nang makababa na sila ng condo at naghihintay na si Tatay Tonyo.

Umiling si Mason. "May class pa ako," sagot niya rito bago tuluyang umalis si Charlotte saka siya tumawid ng footbridge upang sumakay ng UP-Katipunan jeep para maabutan pa niya ang isang GE subject.

Maganda ring pampalipas-oras iyon dahil malakas ang kutob niyang may mga naghihintay sa kanya sa apartment nila ni Kuya Chino. Naglagi na rin siya ng ilang oras sa Main Lib para siguraduhing wala na ang mga kapatid.

Subalit hindi nga siya nagkamali dahil kahit alas otso na ng gabi siya nakauwi, naroon pa rin ang mga kuya niyang halatang naghintay sa kanyang pagbabalik. Kasama na rin ng mga ito ang panganay na maluwag ang ngiting umakbay sa kanya pagkapasok niya ng pinto at iginiya siya papunta sa mesa kung saan may ilang litro na naman ng C2 Red Apple.

===

A/N: Sorry naman at na-late ako ng pang-update! hahaha. Kung pwede lang kaming magpa-video reaction sa bawat update, waynats. Congratulations pala kina Ara Kim at Yanivodka na nagsipagwagi sa nakaraang video reaction contest!!!

Siya nga pala... may bumuo ng FB Group para sa Confused Trio and Friends. Nasa external link lang po. Dalaw lang para ma-accept kayo ng mga admin. Medyo ilang linggo na silang nagkakalat ng kung anu-anong pictures nina Louie, Charlie, Chan-Chan, Mase, Hiro, Elay, Aidan, Marcus, Van, Sand, etc. Makigulo na rin kayo :) huehuehue. Dun nakapost yung link sa reaction video ni Ara Kim :D

Ang chapter na ito ay dedicated sa napaka-proactive at creative na artist na si Ate Joyce! Siya po ang gumawa ng kasalukuyang cover ng FAD :) Check niyo rin yung CTAF group :) siya rin ang nagdesign ng mga ship-arts--as in MaLou, ChanLie, HenLie, Shoti-Shorty, VanJan, VanChang, VanLyn, MarLie, LouDan, LouZeke, LouJem, etc!!! Sali na't i-bash ang mga di niyo type na ship! BAHAHA.. chararats lang :D --Hunny aka PN Blue

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

15.3K 882 26
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
621K 39K 58
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
13.3K 176 24
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
2.8M 53.5K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...