The Right Boss

De Benyaj95

11 0 0

Not all men are perfect, although sa tingin ni Ms. Elli Margaret Ocampo there exist a perfect boss in the for... Mai multe

Judging the Book

11 0 0
De Benyaj95


Title: The Right Boss

Author: Inu

Editor: ArthurIglesias

Genre: Romance, Drama, Comedy, Family

****

Summary: Not all men are perfect, 'ika nga nila. Subalit, sa tingin ni Ms. Elli Margaret Ocampo, there exists a perfect man in the form of her boss, na kahit medyo makulit at masyadong 'malambing' ay sincere, mabait, at totoong tao.

Ang problema lang ay sa tingin niya, hindi totoo ang feelings niyang mas matamis pa sa latik.

In short, in denial.

****

Chapter 1

"Good morning, sir!" bungad ng mga empleyado sa matikas at matangkad na lalaking dumaraan. 'Di man lang niya pinansin ang mga bumati sa kaniya.

May dalagang biglang lumapit sa kaniya. "Sir, you have a meeting with Engineer Xian Selorio for the finalization of the building's design."

"ELLI!" bulalas ng lalaki. Talagang 180-degree turn ang ugali ng supladong boss ng kompanya nang makita sekretarya niya. Ikinagulat na lang ito ng iba kasi nang napatingan sila, ang kani-kanina lamang na simangot ay naging napakalaking ngiti.

Sinundan ng paningin nila ang dalawang nangungusap ukol sa mga meeting kay ganito at tawag kay ganoon. Bakas pa rin ang manghà sa mukha ng mga tinarayang empleyado dahil magkasabay pang pumasok si Ellie at ang boss nila sa elevator. Nang magsara ang pintuan nito, nagtinginan sa isa't isa ang lahat dahil sa ka-weirdohan na ito ng boss nilang walang-hanggang asim ng mukha.

"Wow... ganda ng umaga ni bossing, nakita lang si Ma'am Elli" sabi ng guwardiya sa floor nila.

"'Pag napa-amo ni Ma'am Ellie 'yang si boss, 'Kumander' na ang tawag ko sa kaniya!" hirit naman ng isa sabay halakhak ng iba.

Sa loob ng elevator, napalayo bigla si Ellie sa boss nang humahaplos na ito sa baywang niya. "Sir, can you please avoid touching me? It's not in the contract," sabi niya nang palaban.

"Sso-sorry." Sumimangot at tumahimik ang lalaki. Napabuntong-hinga na lamang si Ellie nang pumasok na ng opisina ang boss niya at siya naman pumasok na rin sa lugar niya. Napaupo siya sa silya niya at nag-ayos ng mga kalát na papeles habang hinihintay ang tawag mula sa isa pang sekretarya ng Iniuugnay.

~Ellie's PoV~

Nagtataka na yata kayo kung bakit ganoon 'yung magaling kong boss. Actually, 'di ko inexpect na mapapadpad ako rito, pero pinasok ako ni Ate Susan, ang dati niyang sekretarya. Hindi nito kinaya pa ang pagkasuplado't estrikto ni boss kaya naghanáp ito ng kapalít.

At dahil kailangan ko talaga ng trabaho noong panahong 'yun, nakilala ko rin ang natatanging si Hirotori Anthony Hondrado. Kagalang-galang man ang bihis at tunog ng apelyido niya, hindi ganoon kabait si boss. Noong mga unang araw ko nga, natatakot ako na baka kainin niya ako nang buhay.

Para mas maintindihan ninyo, iku-kwento ko na lang.

FLASHBACK~

"Hija, kinakabahan ka ba?" tanong ng matandang sekretaryang si Ate Susan na mukhang naka-wrestling si Dumbo.

"Okay lang po ako, Ma'am." Halata yata sa boses ko ang aking pangangatóg.

"Don't worry; okey naman 'yang si Ser Anthony. As long as alam niyang qualified at matiyaga ka, he'lll give you a chance."

"Ganoon po ba, Ma'am? Salamat..." Medyo nawala naman ang kaba ko, ngunit biglang bumalik ito nang tumunog ang desk phone ni Ate Susan. Napatingin na naman ako nang binaba ng matanda ang receiver.

"Miss Elli, tawag ka na ni Ser," matamis niyang anyaya. Sinamahan niya ako papasok sa maaliwalas na opisina ng bago kong amo.

Agad ko naman tinanggal ang takot ko habang mistulang unti-unting binuksan ni Ate Susan ang pinto. Naka-chin up and proud ang tindig ko since nais kong i-project na I adhere to professional standards sa trabaho ko and, at the same time, na knowledgeable ako dahil hindi ito ang unang beses ko sa isang malaking kompanya.

"Good morning, Mister Hondrado." I tried a pleasant yet confident tone, pero medyo na-offend ako nang 'di man lang niya sinuklian ang bati ko. Wala pang limang minuto, tinaasan ng boses ng mokong na lalaking 'yun ang sekretarya niya.

"Just get out of my office and leave her here!" Walang imik na lumabas si Ate Susan, na nanliliit sa hiya't takot. Bumaling naman ang tingin ng lalaki sa akin. Tinitigan niya ako nang matagal, tahimik na sinusurian ang aking anyo't bawat kilos.

Nairita ako nang kaunti. "A, excuse me po, sir. Bakit po ganoon ang trato niyo sa sekretarya ninyo at parang ang sama naman?" Sinimangutan ko lang siya dahil wala na akong paki kung paalisin niya ako.

"Do you realize that I can dismiss you just for talking to me with that demeanour?" tanong niya habang nakasandal sa kaniyang leather na upuan. Nanlilisik ang mata niya kaya pinrangka ko na.

"Sir, wala po akong pakialam kung 'di ako matanggap sa kompanya ninyo. Mas mabuti na nga 'yun kaysa sa itrato ninyo ako na parang alila!" Bigla na lang ako tumayo at tumalikod na dahil sa sobrang panggagalaitì.

"No, wait!" dinig kong sigaw niya. Napahinto ako pero may humatak sa akin nang paatras sa siko ko at humawahawak sa baywang.

"I was just trying to...test you..." sabi ng boses sa likod ko. Nanglumingon ako ay nakatingin siya sa akin. Mata niya'y biglang umamo, parang tutang nag-mamakaawa.

"Sir, ano po'ng nangya–AY SI SER NAG LANDI!" Sigaw ni Ate Susan sabay takip sa bibig. Namula kaming tatlo dahil nadatnan niya kami nina boss sa posisyong kakaiba. Magkadikit lang nga naman ang mga katawan namin.

Kalmado bigla ang sagot ni boss. "It's nothing, Susan, and I'm sorry about earlier."

"Ay, okey lang po, Ser. Kayo nga po nagbigay-permisyo sa resignation ko, e..." sabi naman ni Ate Susan. "It's okay, I've found the right person to take over once you leave me." Dito ko narinig si Ate Susan na humihikbi.

"P-please, Susan, no more crying," saad naman ni boss, Nagtaka ako lalo sa lambing ng boses niya dahil kanina lang ay abot-langit ang pagpapagalit niya kay Ate Susan.

"Ay 'naku, Miss Elli! Alagaan mo 'yang si Ser, ha? Parang anak ko na rin 'yan–" inihabilin pa tuloy sa akin si boss, na siyang ikinagulat ko.

"Sue...you need not worry about looking for another job to pay for your daughter's treatment. I already made arrangements with the hospital; if you need anything, just call me. I also sent some gifts to Adriana to make her feel better. What you need to do now is be with her as her mother."

"Thank you po talaga, Ser–" Humagulgol ulit si Ate Susan, na nilapitan ni boss upang iabot ang mamahaling panyo nito.

"Su... we talked about calling me Hiro now... you're like a mother to me and Adie's like a sister. Just make sure she gets better so she studies hard. I also took care of her tuition, so you needn't worry about anything. Now go, be there for her. Manong Ruben will drive you to Mercy Children's Hospital, where she's been transferred to a private room as per my instructions."

"Salamat talaga, hijo!" bulalas ni Ate Susan, at niyakap niya ang mala-trosong mamang hindi nagatubiling yumakap din sa kaniyang matagal nang sekretarya.

"Elli," utos ni boss, "Samahan mo muna si Susan sa mesa niya tapos bumalik ka rito sa akin."

Pagkasara ko ng pinto, tumungo si Ate Susan sa akin. "Miss Elli, hija, mabait talaga 'yang si Hiro. 'Wag kang madala sa pagkasuplado niya," mahinang ngiti niya sa akin. "At saka, mukha yatang natipuhan ka niya!" Namula ako nang lubusan sa sinabi niya.

Nang pumasok ako ulit sa tanggapan ni boss, naging seryoso muli ang tono niya. Nakatalikod siya sa akin, nakadungaw sa bintanang mula sahig hanggang kisame. "So, would you like to start tomorrow? What I meant is it's better if you started today since I have a slew of meetings." Napabuntong-hinga ito.

"Wait, sir...'Di mo pa nga po nakita 'yung applic–"

"Sorry to cut you off, Elli, but as far as I am concerned, Susan is already attending to more urgent matters and I need someone to fill in for her now. As long as you are able to speak your mind, the hell with school awards and work experience!" Umikot siya para harapin ako, sabay hampas ng palad sa kaniyang mesa. "All I need is someone reasonable, with ethics, values, and confidence. And after experiencing your little 'outburst' earlier, you're more than qualified to be my secretary. Welcome to the Hirotoki Group, Ellie!" inabot nya kamay niya sabay ngumiti ito.

Flashback end~

In fairness, kung titingan siya nang mabuti, ang cute niya, parang tuta~

~PoV End~

"Elli?" Nagulat si Ellie ng biglang sumulpot ang boss niya sa pinto ng opisina nya.

"S-Sir?"

"It's quite stuffy inside today. Let's lunch outside. Pleaaaaaase?" Nabahala si Elli nang mag-pout ang boss niya.

"Saan niyo po gusto kumain?" tanong ng sekretarya.

"Anywhere you want, as long as it's nearby and gives as space to walk around," saad naman ni Hiro na nakangiti.

"All right, let me call to book us seats." Pakiramdam ni Elli parang masayang tuta ang malaking lalaki sa harap niya.

~Chapter End~


Continuă lectura

O să-ți placă și

362K 9.5K 32
Princess Marie, a renowned troublemaker of Paris has entered the Ton. Marriage, children and any prospect of love have always been a 𝘥𝘦𝘵𝘦𝘴𝘵𝘦𝘧...
wlw oneshots 💋 De morgan ‼️

Ficțiune adolescenți

598K 2.3K 63
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
170K 6.4K 62
An Indian brother-sister/family story. The Singhania family is the most prestigious family in the country. Together, they seemed to be invincible...
103K 4.2K 190
This story follows the early life of James also known by his street name Headshot or Shooter. James had an extremely rough childhood, one that turned...