More Than A Feeling

Oleh iris_unicorn

28 1 1

"Minsan may mga bagay na abot kamay mo na, pero ayaw mong kunin. May mga bagay rin namang abot kamay mo na at... Lebih Banyak

2

1

10 1 0
Oleh iris_unicorn

Nasa RP kami ngayon ni kuya Bern, bumibili ng stocks sa dorm ko. Parang timang kasi to kailangan pa ko samahan jusko para namang ang litol ko pa :(( kyah naman matanda na ko third year college na ko fyi grrr

Sabagay, feel ko kaya sinamahan ako ni kuya mamili ay dahil sa baka waldasin ko nanaman yung laman ng credit card nya HAHAHHAHAHAH

Opening nanaman ng school in a few days, at parang kulang pahinga ko???

Takte umutot lang ako tas pasukan na agad aaaAAYOKO NAAAAA HUHUHU

"Hoy Berberana utang ng loob tipirin mo tong stocks mo okay? kung ppwede pagkasyahin no na sila ng kahit tatlong buwan lang." pag papangaral sakin ng kuya ko habang naglalagay sa cart ng kutakutakot na tissue rolls, detrgent, fabric conditioner, dishwashing liquid.....tila mamamasukan ah parang ewan talaga.

Pati mga napkin at panligo siya na kumuha anakng. Ano pang silbi ko dito?

"Kuyaaa magtigil ka nga kaya ko na yan!!! nakakahiya ka naman eh!!!!" sabi ko. Pano ba naman kase kung makapag suri ng mga sanitary napkin kala mo siya yung gagamit gOSH!!!!! Tas pinagtitinginan na kami oh my gulay!!!! Dati sure na sure ako na kapag tinitignan nila tong gwapo kong kuya ay isa lang ang dahilan, yun ay dahil pogi siya at pinagpapantasyahan nila. Pero ngayon, sa mga tingin nung babae sa gilid, di ko na alam kung may nakikita pa ba silang kapogian sa pinag gagagawa nitong pagbili sakin ng mga napkin JOSQ LORD.

"Anong nakakahiya???? Ano ngayon kung lalaki ang bumibili ng gento???? Yan ang panget sa panahon ngayon eh, ANDAMING JUDGER! ANG HILIG MANDISCRIMINATE! CANT PEOPLE MIND THEIR OWN BUSINESSES?????" pagpaparinig niya sa nga babaeng jinujudge siya HHAHAHAHAHHA YAN BUTI NGA.

Nagbayad na kami at kutakutakot na dada nanaman ang ginawa ng kuya ko. Gento ba talaga pag lagi kang nasa construction site at nagsisigawan kayo ng mga karpintero at enhinyero??? nakakarindiiiiii!

"Tara na hahatid na kita tas magiimpake narin ako" sabi niya. Luh san nanaman punta neto? "San punta?" tanong ko pagka sakay ko sa kotse niya habang nilalagay niya sa likod yung mga pinamili.

Donya ko bakit ba

"May site visit sa Mindanao. At pag ok naman lahat, magtatayo kami dun ng community. Para sa nadamay sa Marawi, kaya kung ma approve, matagal akong mawawala after. " pageexplain niya habang stinastart na yung sasakyan.

Tumango nalang ako kase wala naman akong pake.

oops HAHHAHAHAHA DEJK kase di naman talaga mapirmi to sa isang lugar kase laging may trabaho. May sariling condo narin to kaya di kami nagkikita madalas.

Pagkadating ko sa condo ko na inuupahan, kaya dorm narin siya, humiga na ko at umidlip saglit.

Pagkagising ko gabi na. Kumain lang ako at nahiga ulit. Ready to sleep na tutal 11pm narin naman na.

Buhay tamad.

Baket ba, magpapasukan nanaman na lulubus lubusin ko na pahinga ko diba. Habang naglalaro ng sims sa phone at nakikinig sa spotify, may tumawag sakin at nainterrupt buong katawang lupa ko na lunod na sa mga kanta ni Camila Cabello grrr

"HELLO?" padabog kong sagot. Letche to kung sino ka man galit ako!!!

"hi," sabi ng lalaking boses. Teka nga..... tinignan ko kung sino yung tumatawag.... huh? eh si Megan to eh. Jowa niya ba to? Tatanong ko na sana sino siya and kung asaan si Meg pero nagsalita siya agad. "Your friend passed out here sa Elexir. Napadami ata ang inom and wala siyang kasama." Punyeta. Oo punyeta ka talaga Megan.

"Elexir? Im on my way. Please watch her for a moment, wait lang eto na im running.Who's on the phone by the way?" I asked while changing into my pang rakrakan outfit. Patay ka sakin Megan.

"This is Ken" Nagpasalamat nalang ako and went off.

Pagdating sa Elexir, kutakutakot na usok at amoy ng alak yung bumungad sakin hay nako mga manginginom na to tsk.

Tatawagan ko na ulit sana si Meg nang makita ko siya sa gilid na single seats. Tulog. Asan si Ken?

Lumapit ako sakanya and hinanap yung phone niya, baka ninakawan eh. "Hoy Megan!" sigaw ko sa tenga niya nung nakita ko namang nasa table lang yung phone niya at mukhang di naman nanakawan. Hayop to nagiinom ng walang kasama feeling strongsht. Sinubukan ko siyang itayo at gisingin pero no effect. Bahala to sa buhay niya. Kinaladkad ko nalang ng lowki at dinala sa kotse ko. San ko naman to dadalhin? sa bahay nila? Sige para masaya. Joke mabait naman ako, ayaw ki namang itakwil siya ng pamilya nya kaya sakin muna siya magsleepove- AH! potek

May lalaking tumilapon sa harap ng kotse ko gags tinulak ng lasing! Anakng inom pa more! Bumaba ako kase parang balak pa ata nila magsuntukan sa ibabaw ng makina ng kotse ko. "Vade! Magtino ka nga!" sabi nung tinulak sa kotse ko. "P*ssy ka! Umuwi ka na nga!" sabi nung nanulak. Pareho silang matangkad pero mas matangkad yung nanulak and mukhang sumabak sa matinding inuman, di naman sila mukhang sobrang magkagalit, parang naglalaro laro lang ganon.....boys.

Mind you, did I mention, ang pogi nila. Pero parang mas bet ko yung nanulak RAWR.

Last silip sa dalawang pogi bago kami umalis ni Meg, nakabukas lang yung bintana ko habang nag mamaniubra palabas. Biglang sabi nung nanulak sa tinulak "GO AWAY KEN!"

baka siya si Ken???? hmp bahala nga sila diyan.

Pagkauwi namin, nagising narin si Meg at nakakapag lakad na. "Ano bang trip mo ha???" tanong ko sakanya sa elevator. Bored siguro to. Nung nakarating na kami sa unit ko, bigla nalang siyang umiyak at niyakap ako. "Ano bang nangayyare say-" WAAACK

"PUNYETA MEGAN ININTAY MO LANG BANG MAKARATING TAYO SA UNIT KO PARA MASUKAHAN MOKO????????"ngumiti lang siya at naglupasay na sa sahig. Hudas bahala ka diyan matulog sa sahig!

Ewan ko na nakakaloka. Gusto ko lang matulog. Ngayon papaliguan ko pa tong bruhang to AHHHHHHH DAPAT NATUTULOG NA KO EH

Pagkatapos naming maligo nilagay ko na siya sa kama at natulog na. Kawawa naman. Baka gumanti Hhahahah

Noong pagka umaga, napag alaman kong ang dahilan niya sa pagiinom ay dahil sa...... "Yung crush ko, bakla" paguulit niya, natatawa nalang ako juskoo megan. "Sino ba don?" natatawa kong tanong HAHHAHAHAHAHAH ANG BENTA KASI. "Bawal. Secret muna daw." sabi niya habang saklop yung ulo niya at nakasubsob na yung bungo niya sa tasa ng kape. Yan inom pa.

"Btw Meg, nakakakuha ka na ba ng sched mo?" I asked her. Balak ko sanang kumuha na ngayon para last chill day na bukas bago mag pasukan. "Not yet, kunin natin mamaya?" tumango nalang ako at nagligpit na ng pinagkainan namin. Wala atang balak tong bruha na to umuwi at magpalit ng damit sakanila. Hihiram nalang daw siya sakin ang kapal talaga.

Tinatamad akong magdrive kaya nag uber kami papuntang university. Pagka kuha namin ng schedules namin tumambay muna kami sa school grounds. "Ano balak mong salihang org this sy?" Tanong ni Meg habang nagpapaka baboy sa burger niya. "Hanggang grumaduate akong magsstay sa vball team Meg baka nakakalimutan mo. How bout you?" I said. True love ko na ata vb hay. "I want to try sa theatre Rana, posible kaya?" she asks me this with her dreamy eyes. Pacute yuck. "Of course. Try auditioning. Wala namang imposible."tumango nalang siya as if she made up her mind already.

After ng konting chikahan at lamon sa school, naisipan na naming umalis at mag lakwatsa some more. Nung papalabas na kami sa gate ng school, nakasalubong namin yung Football team.

Spell umay sa gwapo...S I L A.

At parang automatic na saaming mga atleta, lahat sila nag apir sakin nung nadaanan nila ko with their hi's and hello's. Tumigil naman sa harap ko yung team captain nilang si Leo. "Rana wala pa kayong training?" tanong niya.Umiling ako "Wala pa, dami niyong bago ah" sabi ko pagcchange ng topic. Mga 4 yung new faces sakin. "Kulang pa yan. May isa pang dadating. Import namin kaya nanganganib yung skills ko baka masapawan niya HAHHAHAH joke" luh ang pacute talaga nito, effective naman. Then we parted ways na.

Kung sansan kami nakarating ni Meg waldas pera kung waldas, kala mo naman kumikita kami ng pera eh no? Hay goodbye baon.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

40.3K 224 38
In life, you don't know if you're always on top. Hindi mo alam kung kailan ka mananalo o matatalo-kung kailan ka paglalaruan ng tadhana. Destiny is o...
1.7K 207 34
"Bakit kailangan pang sabihin? Hindi pa ba sapat na pinaparamdam ko sayo na mahal kita. Ganon ka na ba kamanhid na hindi mo maramdaman. Daig mo pang...
1.4M 22.7K 60
"She Fell Series Book One" ** "I-I'm sorry!" Nabigla ako dahil nasampal ko si Elise. "I mean no, why the hell did you do that?" I asked giving her a...
1.1K 142 26
Hanggang kaibigan lang naman dapat pero bakit mo minamahal? Dahil ba sa mga motibo o likas na sa ating mga tao ang maging assuming? Being friendly i...
Aplikasi Wattpad - Akses fitur eksklusif