Married No More [#Wattys2019...

By SakuraYushi

584K 9.5K 1.8K

Wattys 2019 Winner under the Romance category . Be My Daddy's Sequel. Genre: Romance Status: Completed (Un... More

Married No More
Maraming Salamat!
Anong Klaseng Manunulat Ka
Characters
Simula
Kabanata 1: When She Was Gone
Kabanata 2: When She Returned
Kabanata 3: Welcome To The Demon's Den
Kabanata 5: Nowhere To Go
Kabanata 6: The Old and The New
Kabanata 7: The Eagle Eye
Kabanata 8: Haunting Promises (The Twin's Event)
Kabanata 9: Haunting Promises (Broken Ring)
Kabanata 10: Lost And Found
Kabanata 11: Her Man
Kabanata 12: Annoying Ex (Part 1)
Kabanata 13: Annoying Ex (Part 2)
Kabanata 14: That Man
Kabanata 15: Welcome To a New Hell
Kabanata 16: Bitter Sweet Ex
Kabanata 17: President's Girl
Kabanata 18: The Proposals
Kabanata 19: Be My Girl
Kabanata 20: Prince Charming and The Nightmare
Kabanata 21: Secrets of The Melendez
Kabanata 22: Cleanest Way Possible
Kabanata 23: Meeting The Baby
Kabanata 24: He's Gone
Kabanata 25: Dead
Kabanata 26: Evil Solution
Kabanata 27: The New Board Member
Kabanata 28: His and Hers
Kabanata 29: Mrs. Melendez
Kabanata 30: Had Enough
Kabanata 31: His Promise of Love
Kabanata 32: His Sacrifice
Kabanata 33: Overlook
Kabanata 34: The Ring on His Neck
Kabanata 35: His Thoughts
Kabanata 36: Returned
Kabanata 37: In His Arms
Kabanata 38: Her Love And Who Loves Her
Kabanata 39: Seeing Through Her Lies
Kabanata 40: The Bearing
Kabanata 41: A Choice Needed To be Made
Kabanata 42: King and Knight
Kabanata 43: Night of Hatred
Kabanata 44: Killing For Love
Kabanata 45: Last Farewell
Wakas
Author's Note
Questions
Deleted Chapter: How It Started
Special Chapter 2: Hating and Liking
A Taste of Love

Kabanata 4: Forgetting The Unforgotten

13.1K 216 5
By SakuraYushi

Matapos akong i-orient ni Miss Nancy sa mga kailangan kong malaman ay agad na akong bumalik sa department namin. Labis ang pasasalamat ko na hindi pa umaalis si Geoffrey sa Finance Department dahil kapag nakasalubong ko siya ay tiyak na hindi ko na talaga makakayanan pa ang sitwasyon. Baka takasan ko pa siya kapag nagkita kami.

Everyone is organizing their tables nang pumasok ako sa office namin. Agad pa akong nilingon ni Jessica na agad ko namang nginitian.

"Kumusta ang paglilibot mo sa M-Dez?" tanong niya.

Hindi agad ako nakasagot. Mabilis pa rin ang pagtibok ng puso ko at ang daming naglalaro sa isipan ko. Seeing Geoffrey is making my system go wild.

"Uhm...ok naman," simpleng sagot ko lang. Ang totoo ay hindi talaga maayos ang paglilibot ko lalo na't nakita ko si Geoffrey. I didn't expect to see him at wala talaga akong plano na makita siya.

When we ended everything 5 years ago, lahat ng magiging koneksyon namin ay tinapos ko na talaga at kasama na dito ang pakikipagkita sa kanya. But this time...magiging boss ko pa siya. Ano bang problema ng pagkakataon sa akin at pinagtagpo niya kaming muli?

"Uuwi ka na ba?" tanong ni Jessica kaya muli akong tumingin sa kanya. Tumango ako bilang sagot sa kanya.

"Oo, pero dadaan muna ako kay sir Chris para mag-report."

"Wow! First day palang...ang sipag na." Napangiti nalang ako sa hirit ni Jessica.

"Mauuna na kami." Napalingon kami ni Jessica sa mga kasamahan namin na sabay na naglakad papunta sa pinto ng office namin. "See you tomorrow," dagdag nila.

"Sige, bye!" ani Jessica at ako naman ay napangiti nalang. Kumaway pa sila bago sila tuluyang lumabas ng opisina.

"Uhm...Jess, mauuna na rin ako," paalam ko. Napalingon naman siya sa akin at tinanguan ako.

"O sige Khiana." Napangiti ako at tinanguan ko rin siya. "Welcome ulit sa M-Dez," dagdag niya kaya lalo akong napangiti.

"Salamat Jess."

Nagpaalam na nga ako nang tuluyan sa kanya at tinungo ko ang opisina ni sir Chris. Binati ko si Miss Nancy nang madaanan ko siya sa table niya. Nasa labas lang ng office ni sir Chris ang table niya kaya siya agad ang unang makikita mo kapag pumunta ka sa office ng President.

"Good evening Miss Nancy," bati ko sa kanya. "Nasa loob pa po ba si Sir Chris?"

"Yes, he's still inside. Sandali lang, sasabihin kong andito ka." Tumango ako sa kanya kaya agad siyang tumayo sa inuupuan niya at pumasok siya sa office ni sir. Sandali lamang siya doon at agad din namang lumabas. "Sir Chris is currently talking to someone pero sinabi niya na maaari kang pumasok."

"Ah! O sige po Miss Nancy." Nginitian ko pa siya bago ako lumapit sa pinto ng office ni sir Chris at kumatok.

Nang makarinig ako ng "Come In!" ay dahan-dahan kong pinihit ang pinto at pumasok.

"Good evening sir," bati ko sa kanya nang makapasok ako. Agad akong nilingon ni sir pati na ng kasama niya. Natigilan ako nang makita ko ang lalakeng kausap niya. Maging siya ay nagulat din nang makita ako. Mabilis akong tumalikod pero huli na ang lahat dahil alam kong nakilala na niya ako.

"Miss Ricks, is there anything wrong?" tanong ni sir Chris na hindi ko nasagot dahil sa kaba.

"Khiana," ani naman ni Geoffrey na siyang nagpabilis sa pagtibok ng aking puso. Hindi ako lumingon sa kanila dahil sa takot. Nasapo ko pa ang aking noo dahil sa sitwasyong kinahinatnan ko. I tried to stay away from Geoffrey pero ang tadhana talaga ang gumagawa ng paraan para magtagpo kami. Nakakainis!

"Do you know Miss Ricks Geoff?" tanong ni sir Chris sa pinsan niya. Mas lalo akong kinabahan dahil sa tanong niyang iyon.

"Uhm..." Geoffry tried to answer pero agad ko siyang pinigilan. Wala akong nagawa kung hindi ang humarap sa kanilang dalawa para kausapin si sir Chris pero hindi ako nag-angat ng tingin sa kanila. Diretso ko lamang na tiningnan ang kanilang mga paa habang nilalaro ko ang mga daliri ko.

"Sir, I came her to report about my first day in M-Dez. But since you are kinda busy...bukas nalang po."

"No, you can..."

"Bukas na po ako magre-report sir!" buo sa loob kong sabi, pinutol ko pa nga ang sasabihin niya sana. "Sige sir...good evening!" Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at agad akong nag-vow at mabilis na lumabas ng silid.

"Miss Ricks!" narinig ko pang tawag ni sir Chris pero hindi ko na iyon pinansin. Medyo kinakabahan nga ako dahil baka may consequences ang ginawa kong pagputol sa mga sasabihin ni sir Chris. Ang nasa isip ko lamang ngayon ay ang layuan si Geoffrey kaya wala na akong pakialam kung may parusa mang naghihintay sa akin.

"Khiana..." ani Miss Nancy nang madaanan ko siya sa table niya. Ngumiti ako sa kanya at tinanguan ko rin siya.

"Goodbye Miss Nancy. See you tomorrow." Binigyan din niya ako ng isang ngiti kaya nagtuloy-tuloy na ako papaalis ng opisina ni sir Chris.

Malapit na ako sa elevator nang bigla nalang akong makarinig ng pagtawag sa pangalan ko.

"KHIANA!" ani nito. Napatigil naman ako sa paglalakad at saka nilingon ang taong may gawa noon. Nanlaki ang aking mga mata nang malaman kong si Geoffrey pala iyon.

Mabilis akong tumalikod sa kanya at tinungo agad ang elevator na ilang metro nalang ang layo sa akin. Agad ko pang pinindot ang button nang mapahinto ako sa tapat nito. Mabilis din naman itong bumukas kaya dirediretso na akong pumasok pero bago pa ako tuluyang makapasok ay nahila na ako ng isang kamay kaya napatigil ako.

"Khiana!" maawtoridad niyang pagtawag sa akin. Hinila niya ako paharap sa kanya kaya kitang-kita ko ang galit niyang mukha. "I'm calling you!" matigas niyang saad.

Mabilis akong napayuko para iwasan ang titig niya. I don't have any plan of talking to him. Alam kong sinabi ko noon na balang-araw ay magkakausap din kami ni Geoffrey to have our closure pero ngayong nandito na ang pagkakataon...parang hindi ko pa rin siya kayang harapin. Five years have passed pero ang sariwa pa rin ng sakit na dinulot niya sa akin, ayaw ko pa siyang makita at makausap.

"You disappeared five years ago...anong nangyari sayo?" tanong niya na hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. Naikunot ko tuloy ang aking noo.

Nagtatanong siya tungkol sa akin...kung bakit ako nawala? Why does he care? Ano naman kung pinili kong magpakalayo? He chose to let me go kaya wala siyang karapatang tanungin ako nang ganito ngayon. He is the one who pushed me away so why is he asking? Hindi ba iyon ang gusto niya, ang magpakalayo-layo na ako sa kanya?

"Let go of me," mahina kong saad. Dahan-dahan ko pang hinila ang kamay ko para bitawan niya ito pero mas humigpit lang lalo ang hawak niya rito.

"Saan ka nagpunta? Where are you for that five years na wala kaming balita sayo? Stephanie and Rita are really worried about you...I'm also worried about you."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya dahil sa sinabi niya. I'm well aware of the fact that Rita and Stephanie lied about knowing where I am. Ipinakiusap ko sa kanila na huwag ipaalam kina Stephen, Andrew at lalong-lalo na kay Geoffrey ang tungkol sa patuloy naming communication kaya nagsinungaling ang dalawa sa tatlo na wala din silang balita sa akin. Pero labis akong nagulat nang sinabi niyang nag-aalala siya sa akin. Geoffrey is worried about me? Why? Why is he worried?

Napapikit ako at pilit kong kinalma ang sarili ko. My mind and heart is in chaos right now. Gumugulo ang utak ko dahil sa napakaraming tanong. Ang puso ko naman ay nakaramdam bigla ng puot at galit...at isang kakaibang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag.

Nagmulat ako ng mata at kunot noo ko siyang tiningnan.

"You don't have to know about where I have been. Ano naman sayo kung umalis ako? Pinagtabuyan mo nga ako noon kaya bakit nagtatanong ka pa?" I gritted my teeth to suppress my anger pero nakakainis lang talaga, seeing him is letting out the beast in me.

Worried? Tss! Worried his face!

"Stop being a jerk Geoffrey! Don't act like you and I are still a thing. Pinutol mo na ang lahat sa atin five years ago, kaya ngayon ay hindi na tayo magkaano-ano!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nailabas ko na ang mga tumatakbo sa isipan ko.

Marahas kong hinila ang kamay ko at napadaing pa ako nang maramdaman ko ang sakit sa paghila ko dito. Ang higpit ng hawak niya sa akin kaya ngayon ay ang pula na ng kamay ko.

Nakita ko ang pagbuntong hininga niya at ang pagsuklay niya ng kanyang kamay sa kanyang buhok. Naikunot ko lalo ang aking noo nang makita ko kung gaano siya ka-frustrated ngayon.

"I'm just..."

"Just stop it! We're done kaya hindi mo na kailangan pang mag-alala sa akin. I've taken good care of myself for the past five years. Naging ok naman ako ngayon. I managed to get by nang wala ka..."

"Khiana..." malungkot niyang saad. Pilit kong iwinaksi sa isipan ko ang ipinapakita niya sa akin ngayon. Maayos na ako ngayon eh, kaya ayaw ko nang guluhin pa ang puso ko.

"Sinusubukan ko nang ayusin ang buhay ko Geoff...kaya please! Pwede bang kalimutan nalang natin ang mga nangyari noon. Let's act like nothing happened between the two of us. Can we just be civil with each other?"

Napalunok ako at pinilit ko talagang huwag maiyak. Hindi ko nga maintindihan kung bakit nakakaramdam ako nang ganitong sakit sa dibdib ko.

"And as you can see, I'm now working here at M-Dez. I didn't know that your family owns the company." Napapikit ako at saka ako napahinga nang malalim. Muli akong nagmulat at tiningnan ko siya. "I just want to work here peacefully-without a heavy heart and any trouble kaya sana ay..."

"Don't worry! Kung iniisip mo na papaalisin kita dito sa kompanya...hindi ko iyon gagawin," pagputol niya sa akin kaya natuon ang tingin ko sa kanya. "I didn't run after you to tell you to leave M-Dez Khiana. Gusto lang kitang kamustahin."

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa sinabi niya kaya hindi agad ako nakasagot. Nang ngumiti siya ay doon palang ako natauhan.

"Well, that's good to hear...t-thank you." Mabilis akong napalunok matapos sabihin iyon. It's hard for me to say thank you lalo na't hindi naman talaga ako natutuwa o nagagalak. "If you don't have anything to say ay aalis na ako."

Nang hindi siya nagsalita ay agad na akong tumalikod at naglakad ulit papuntang elevator, pero napatigil ako nang magsalita siya ulit bigla.

"Khiana...you don't know how glad am I to see you. I'm happy to know na ok ka lang," aniya. Narinig ko ang pagtunog ng elevator at kasunod ang pagbukas nito.

Bago pa man siya may sabihin ulit ay mabilis na akong pumasok sa loob ng elevator. Nang magsara ang pinto ng elevator ay agad akong napaupo sa sahig, tuluyan nang nanghina ang tuhod ko. Mabuti nalang talaga at wala akong ibang kasama dahil hindi ko na talaga kaya ang panghihina ko.

Napapikit ako at napahawak sa dibdib ko nang maramdaman ko ang hindi inaasahang sakit dito lalo na't nagsisimula na namang pumasok sa isipan ko ang mga alaalang pilit kong nilimot.

---

(5 Years Ago)

Kakatapos lang ng second subject namin at ngayon ay hinihintay naman namin ang susunod naming klase. May 30 minutes vacant lang kami kaya hindi ko na naisipang lumabas pa ng classroom. Masyadong maiksi ang oras para magbreak ako at baka ma-late pa ako sa susunod kong klase.

Naupo nalang ako sa isang bakanteng upuan sa likuran ng classroom namin at inilabas ko ang sketch book ko mula sa aking bag. Aayusin ko nalang ang final draft ng logo ni Geoff kesa magsayang ako ng oras.

Napahinto ako sa aking pagdraw-drawing nang biglaang tumunog ang cellphone ko. Ibinaba ko muna ang hawak kong lapis at kinuha ang cellphone mula sa bag ko.

Naitaas ko ang aking kilay nang makitang nagtext sa akin si Geoffrey. Agad ko naman itong binasa dahil baka tungkol ito sa pinapagawa niyang logo.

From: Geoff
Hi Khiana, Good morning. May free time ka ba ngayon?

Mabilis naman akong nagreply sa kanya. I texted him that I have a 10:30 am class kaya hindi ako pwedeng makipagkita ngayon sa kanya. Kung mag-uusap kami tungkol sa logo ay tiyak na kulang ang 30 minutes para makapag-usap kami nang maayos.

To: Geoff
I have a 30 minutes break pero sa tingin ko ay hindi ako pwedeng makipagmeet sa iyo ngayon. Baka hindi ako makabalik agad, may 10:30 class pa ako. Pwede naman tayong magkita mamayang lunchtime.


Binasa ko pa ulit ang message ko bago ko ito isinend sa kanya. Hindi naman nagtagal ay agad din siyang nagreply sa akin kaya binasa ko din naman ito.

From: Geoff
Ganoon ba? May klase din kasi ako mamayang 12 at ngayon lang ang free time ko.

Napakamot pa ako sa ulo ko dahil sa text niya. Conflict ang schedule namin, baka hindi kami makapagmeet nito.

Magtatype na sana ulit ako ng message nang muling tumunog ang phone ko kaya ni-cancel ko nalang ang pagtatype ng reply para sa kanya. Binuksan ko agad ang text niya at binasa.

From: Geoff
Sa CFD building ba ang klase mo?

Naikunot ko naman ang aking noo nang mabasa ko ang nilalaman ng text niya. Nagtataka ako kung bakit siya nagtatanong kung saan gaganapin ang klase namin. Ano naman ang kinalaman nito sa meeting namin?

Kahit na naguguluhan ay hindi na ako nagtanong pa at nagtype nalang ako ng simpleng "oo" sa kanya. Agad din naman siyang nagreply kaya binasa ko ulit ito.

From: Geoff
Ok!

Hindi ko na napigilan pa ang muling pagkunot ng aking noo. Hindi ko kasi maintindihan ang mga naging huling text niya. Magtatype na sana ulit ako ng message sa kanya nang mapatigil ako dahil sa pagtawag sa akin ng isa kong kaklase.

"Khiana! May naghahanap sayo," aniya na dahilan para mapatingin ako sa taong tinutukoy niya. Nakatayo ito sa may pinto at nakadungaw sa akin. Napatayo naman ako agad at gulat na tiningnan siya.

"Geoff?" nagtataka kong bulalas at saka ako napalapit sa kanya. Bakit nandito siya? Magkatext lang kami ngayon-ngayon lang. How come na nandito na siya ngayon sa harapan ko?

"Hi Khiana!" nakangiti niyang sabi na ikinangiti rin ng kaklase kong nakatayo sa tabi niya. Para ba itong kinikilig na ewan.

"Sino siya Khiana? Boyfriend mo? Ipakilala mo naman sa amin," ani pa nito na tinitigan pa si Geoff. Napabuntong hininga nalang ako. "WOAH!" bigla nitong sabi kaya pareho kaming napatingin ni Geoff sa kanya.

"O, anong problema?" nagtataka kong tanong sa kanya. Gulat na gulat kasi ang itsura nito habang nakatingin sa akin. Nakatakip pa sa kanyang nakabukang bibig ang kanyang mga kamay at mukhang hindi talaga ito makapaniwala sa ano mang kanyang nakita. Ano ba kasi iyon?

"You're Geoffrey Melendez right?" tanong niya kay Geoffrey na ngayon ay mukhang naweweirdohan na rin sa aking kaklaseng si Nathalia.

Tumango naman si Geoff sa kanya at saka siya nagtapon nang naguguluhang tingin sa akin. Muli kong tiningnan si Nathalia at binigyan ito ng nagtatanong na mga tingin. Mukhang na-gets naman niya ang gusto kong iparating kaya mabilis siyang nag-explain.

"I'm sorry! Hindi lang ako makapaniwalang kilala mo pala si Mr. CGB!" Hindi ko napigilan ang pagkunot ng aking noo sa sinabi niya.

"Mr. CGB?" naguguluhan kong tanong saka ako napatingin kay Geoffrey. Si Geoffrey ba ang tinutukoy niyang Mr. College of Governance and Business?

"Si Mr. CGB, iyong nanalo sa pageant noong foundation day," sabi nito at saka siya napaharap kay Geoffrey. "Diba ikaw ang nanalo sa pageant?" sabi pa ni Nathalia na ngayon ay nagpapacute na. Napangiwi naman si Geoffrey at saka napatango.

Napabuntong hininga naman ako at saka ko hinila si Geoffrey papasok ng classroom namin.

"Mamaya na tayo magkwentuhan tungkol sa pageant-pageant na yan. May kailangan pa kasi kaming pag-usapan kaya excuse na muna ha." Tumango-tango naman si Nathalia bilang pagsang-ayon sa sinabi ko kaya tuluyan ko nang dinala si Geoffrey sa inuupuan ko kani-kanina lang.

"Bakit ka pala napapunta rito?" tanong ko nang tuluyan na kaming nakaupo. Napangiti naman siya sa akin.

"Naisipan ko nalang na puntahan ka dito dahil ang sabi mo ay wala kang vacant. Conflict kasi ang schedule natin kaya baka hindi tayo makapagmeet mamaya. Nasa malapit lang ako nang magtext tayo kaya dumiretso na ako dito," aniya na tiningnan ko pa nang seryoso. Tumango nalang ako at inilabas ko na ang mga drafts na ginawa ko kagabi at ipinakita ito sa kanya.

"Pwede naman tayong magmeet mamayang hapon eh," sabi ko saka ko siya tiningnan ulit. Nabigla pa ako nang makitang nakatingin din pala siya sa akin. He smiled dahilan para kabahan ako bigla.

"Well, hindi rin ako pwede mamayang hapon. Nagpromise kasi ako sa mommy ko na sasamahan ko siya mamaya," aniya at ibinaba na rin niya ang kanyang tingin sa mga drawings ko. Napahinga naman ako nang malalim.

"Ah! Ganoon ba?" simpleng sagot ko nalang. Ilang beses pa akong huminga ng malalim dahil ayaw pa ring tumigil ang kakaibang pagpintig ng puso ko, kinakabahan talaga ako na hindi ko maipaliwanag kung bakit.

"Wow! This is cool!" aniya habang sinusuri lahat ng mga drafts na ginawa ko.

"Do you like it?" tanong ko sa kanya. Tumango-tango naman siya kaya napangiti ako.

"Hindi ko inaasahan na makakagawa ka agad ng design. I was only expecting for a concept pero mukhang tapos mo na nga ito eh," aniya at muli siyang napatingin sa akin at nginitian ako nang ubod nang lawak. Hindi ko na rin napigilan ang mga ngiti ko.

"I'm really glad na nagustuhan mo."

"Ang ganda naman kasi," sabi niya pa at muli niyang tiningnan ang mga gawa ko. Napangiti nalang ako.

Muli pa kaming nag-usap tungkol sa mga kailangan pa naming gawin. Ipa-finalize ko nalang ang design ko at ise-send ko ito sa kanya via email. Nang dumating na ang professor namin ay nagpaalam na rin siya sa akin. Ititext ko nalang siya ulit kapag natapos ko na ito.

Three weeks passed. Natapos ko na rin ang logo ni Geoffrey at nakapag-propose na rin siya. Ang sabi niya sa amin ay malaki ang nakuha niyang grade lalo na't maganda daw ang pagkakagawa ko sa logo niya. Tinawanan ko naman siya noong sinabi niya iyon. Mukhang binobola lang naman niya kasi ako.

Simula nang maging client ko si Geoffrey ay naging magkaibigan na kami. We keep in touch. Lagi kaming nagtetext at kung ano-ano lang ang topic namin. Nakakatuwa din naman kasi siyang maging textmate dahil napapatawa niya ako lagi.

"Khiana, pwede mo ba akong samahan sa college of Engineering?" tanong sa akin ni Nathalia. Magkasama kami ngayon habang hinihintay namin ang susunod naming klase.

"O sige!" pagsang-ayon ko. Wala rin naman akong gagawin eh.

Napangiti si Nathalia at naglakad na kami papunta sa College of Engineering na katapat lang ng college namin. Hindi ko na tinanong si Nathalia kung ano ang gagawin niya doon, tahimik lang akong sumunod sa kanya. Nang marating namin ang building ay may tinawagan ito sandali at sinabing nandito na kami. Sandali pa itong nag-usap hanggang sa binaba na niya ang telepono at hinarap ako.

"Tara na Khian!" aniya at hinila pa ako paakyat. Naglakad kami papuntang third floor kaya medyo napagod ako.

"Nathalia!" Naagaw ang atensyon namin nang may tumawag sa kanya. Mabilis akong hinila ni Nathalia palapit sa isang lalake na nakatayo sa isang pinto at kinakawayan kami.

"O nasaan na?" agad na bungad ni Nathalia sa lalake at ngumiti naman ito.

"Pumasok na muna kayo. Kukunin ko lang ito kay Benj!" aniya na pinukulan pa ako ng tingin. Nangilabot ako sa tingin niya dahil ang lagkit nito. Napangiwi naman si Nathalia at umiling-iling na tiningnan ang lalake.

"Naman eh! Akala ko nasayo na!" reklamo nito at hinampas pa ang lalake na walang tigil sa pagtitig sa akin.

"Uhm... Nat, sa labas nalang ako maghihintay," sabi ko dahil hindi ko na ma-take iyong nakakadiring titig ng lalake sa akin. Nababastosan ako sa kanya.

"Ha? Uhm... o sige." Tumango pa si Nathalia kaya nagmadali akong naglakad papunta sa may hallway malapit sa dinaanan naming hagdanan kanina.

Tiningnan ko sina Nathalia mula dito sa kinatatayuan ko. Halos magkadikit na ang katawan ng dalawa habang nag-uusap at bumubulong pa ang lalake sa tenga niya. Nakaramdam ako nang hindi inaasahang kilabot sa aking leeg.

"Binabastos ba ng lalakeng iyan si Nathalia?" naitanong ko at nagsimula na akong kabahan. Napagdesisyonan kong muling lumapit sa dalawa at kung binabastos na nga si Nathalia ay tutulungan ko siya.

"Nat, is there something wrong?" naitanong ko nang lapitan ko sila. Hindi pa siya nakakasagot ay may tatlong lalake pa ang lumabas mula sa classroom at pinalibutan ako.

"Hi pretty baby!" ani ng isa na sumipol pa. Matangkad ito at maputi, sa tatlo siya iyong mukhang mabait tingnan pero mukha hindi din. Napangiti naman iyong isa na mas maliit, mahaba ang buhok nito at may pagka-mestizo. Kumaway pa ito sa akin.

"Anong pangalan mo miss?" tanong naman ng ikatlo at nag-abot ito ng kamay sa akin. Kasing taas niya iyong una, kayumanggi ito at matangos ang ilong, malaki ang katawan at halatang playboy.

Nainis ako sa ginawa nila. Hindi ko sila sinagot at sinubukan ko pang umalis sa harapan nila pero mas lumapit sila sa akin kaya hindi ako makatakas.

"Hey! Stop that!" sigaw pa ni Nathalia na ngayon ay nasa likuran na nila. "Huwag niyo ngang takutin si Khiana!" ani nito na ikinangiti ng tatlong lalake.

"Oh! So Khiana is the name," ani ng isa. Mas naikunot ko ang aking noo. Lalapit pa sana ang isa sa akin nang matigil ito dahil sa pagsalita ng isang lalake.

"Can you back off!" ani nito kaya napalingon ang lahat sa kanya. Namilog pa ang aking mata nang makita ko si Geoffrey, Stephen at isa pang lalake na nakatayo na sa likuran ng tatlong lalake.

Nagkunot ng noo iyong malaki ang katawan at sinamaan ng tingin sina Geoffrey.

"Bakit ka ba nakikialam?" ani nito na naging dahilan para tingnan siya nang masama ng tatlo. I'm really glad na nandito silang tatlo.

Tiningnan pa ako ni Geoffrey bago niya nilingon ulit ang tatlong asungot sa harapan ko. Napabuntong hininga ito bago muling nagsalita.

"That's my girlfriend you jerks!" ani nito na ikinagulat ko at ng lahat nang andito, lalo na sina Stephen na hindi na alam kung saan ibabaling ang tingin.

Nagkatinginan naman ang tatlong lalakeng pumalibot sa akin at saka nagbulungan.

"S-Sorry," ani noong maputi na tumabi agad at saka napayuko. Pati iyong dalawa ay nag-sorry na rin at tinabihan na rin ang kasama nila. Agad namang napalapit sa akin si Geoffrey at hinila ako papunta sa likuran niya. Magsasalita pa sana ito nang pumagitna na sa amin si Nathalia at tingnan ang tatlong lalakeng binastos ako.

"Mga jerks talaga kayo!" ani nito. Lumapit ito sa tatlo at pinagkukurot ang mga tenga nila. Natigilan naman kami sa aming nakita.

"Aray naman! Sorry na! Sorry na!" sabay-sabay na sabi ng tatlo.

"Nat, tama na iyan," awat naman noong lalakeng kausap lang ni Nathalia kanina. Napabaling naman si Nathalia dito at ito naman ang kinurot nito.

"Isa ka pa! Ano bang pinakain sa inyo at naging ganyan kayo?" sabi niya pa at pinaghahampas na niya itong isa. "Mahiya naman kayo sa akin!" dagdag niya pa. Nagkatinginan nalang kami nina Geoff dahil sa nangyayari.

Nang mahimasmasan si Nathalia ay humarap ito sa amin. "Khian, sorry talaga! Mababait naman ang mga 'yan eh, maloko lang talaga," aniya na napakamot pa sa kanyang ulo. Naikunot ko naman ang noo ko at tiningnan ko pa ang apat na lalake na nakayuko ngayon sa may likuran niya. O-kay, what's going on? "Magsorry kayo sa kaibigan ko!" utos niya na sinunod naman agad ng apat.

"Uhm... what's going on?" Hindi ko na napigilang itanong. Ilang beses na napabuntong hininga si Nathalia bago sumagot.

"Sa totoo niyan, mga kuya ko ang apat na iyan," aniya kaya nagulat kami nina Geoffrey.

"K-Kuya? Kapatid mo?" gulat na tanong pa ni Stephen.

"No! Itong dalawa lang ang kapatid ko, and the other two are my cousins," aniya. Tinuro niya iyong una naming nakausap kanina at iyong malaki ang katawan bilang kuya niya, at iyong maputi at medyo maliit ay pinsan naman daw niya.

Nang sinabi niya iyon ay napansin kong magkamukha nga si Nathalia at iyong dalawa pa. Mukhang kambal nga iyong dalawang kuya niya dahil parehas talaga ng mukha.

"These are my twin brother, Nathan and Nathaniel," pakilala niya sa kuya niya na kumompermang kambal nga ito. "Ito naman si kuya Zack-" sabi niya sabay turo doon sa medyo maliit. "-and kuya Lance," saka pakilala niya sa huli. Napatango naman kaming apat sa kanya awkwardly. Sa lahat nang nangyari ay hindi ko inaasahang mauuwi kami sa ganitong pagpapakilala. Ano bang trip nang magpipinsan na ito?

Muling hinarap ni Nathalia ang apat niyang kuya at senermonan ito ulit. May kinuha ito sa kuya Nathan niya at saka tuluyan nang lumapit sa amin. Mukhang yun ang ipinunta namin dito, iyon ang hinihingi niya dito kanina.

"Mag-behave kayong apat kung ayaw ninyong isumbong ko kayo kina daddy at tito!" aniya na ikinatango ng apat. Napatingin naman siya sa amin at saka ngumiti. "Tara na?" aniya na tinanguan nalang namin.

Habang papalabas kami ng building ay kinausap ako sandali ni Geoff. Nauna na sa paglalakad ang tatlo na ngayon ay magkausap, mukhang nagiging magkaibigan na nga ang mga ito.

"Khian, sorry sa kanina ah! I didn't mean to say that," aniya na agad nagkamot ng batok. Agad ko naman siyang inilingan.

"No! Dapat nga ay magpasalamat ako sa iyo. Thanks for saving me," sabi ko sabay ngiti. Napangiti din naman ito sa akin. "O nga pala, anong ginagawa niyo rito?" bigla kong naitanong. Hindi naman sila engineering student kaya bakit nasa CE building sila.

"Sinamahan lang namin si Stephen, may imi-meet daw kasi," aniya na ikinakunot ng aking noo.

"Talaga?" paninigurado ko pa. Naalala ko kasi iyong sinabi niya na kapag may ipapameet si Pen ay nauuwi ito lagi sa blind date. "Baka nakipag-blind date na kayo," pagbibiro ko na ikinangiti niya.

"Eh kayo nga diyan eh, apat na lalake pa ang ni-meet niyo." Natigilan naman ako sa sinabi niya at narealize kong wala ata akong karapatan para pagdududuhan siya. Pumunta rin kami sa CE building kahit hindi naman kami engineering students.

"Well, you are right but I didn't know na pupuntahan ni Nathalia iyong mga kuya niya. Sinamahan ko lang naman siya," depensa ko na ikinatawa niya.

"O ba't nag-eexplain ka?" Muli akong natigilan. Oo nga, bakit ba ako nag-eexplain sa kanya? Muli siyang tumawa kaya nahiya tuloy ako. "I'm sorry, I'm just teasing you," aniya at mas lumakas pa ang kanyang pagtawa kaya napasimangot na ako.

"Hoy lovers! Saan kayo pupunta?" Napahinto kami sa paglalakad nang bigla iyong sabihin ni Stephen. Napalingon kami sa kanila at doon lang namin narealize na nadaanan na namin sila at naglalakad na kami patungo sa exit ng school.

Nagkatinginan kami ni Geoffrey at hindi na namin napigilan ang pagtawa.

"Mamaya na kayo mag-date, may klase pa kami ni Khiana at baka ma-late pa kami!" sabi pa ni Nathalia na lumapit sa akin at hinila na ako. Pati sina Stephen ay lumapit na rin kay Geoff.

"O sige, mauuna na kami. Salamat ulit sa kanina," sabi ko na tinanguan ng tatlo. Napatingin ako kay Geoffrey na ngayon ay nakangiti pa rin. Nginitian ko siya at saka kumaway ako. Tuluyan na kaming naglakad ni Nathalia at tinalikuran na ang tatlo.

"Boyfriend mo nga si Mr. CGB!" sabi pa ni Nathalia na halatang tuwang-tuwa. "May paechos-echos pa kayong dalawa eh kayo naman pala talaga!" dagdag nito na nginitian ko nalang.

Hindi ko lubos maisip na sa isang iglap lang ay magkakaroon ako ng isang instant boyfriend dahil sa kalokohan ng apat na kuya nitong si Nathalia. That was all an act pero mukhang seneryoso niya nga. Hay naku!

---

Tuluyan na akong naiyak nang sunod-sunod na pumasok sa isipan ko ang mga alaalang iyon. Hindi ko inaasahang sa limang taong pilit kong kinalimutan ang lahat ay bigla nalang itong magbabalik dahil lang sa mga sinabi ni Geoffrey.

Shit! Khiana, akala ko ba nagkapag-move-on ka na? Bakit ngayon ay naaapektuhan ka pa rin?

Tsk!

~❇️~

I'm trying to update as much as I can pero hindi ko talaga magawa. Sorry talaga kung ang tagal ng bawat update ko. Babawi ako and I'll update more soon, but still I won't promise dahil baka hindi ko na naman matupad.

If you want me to be your friend on facebook i-add niyo ako, Sakura Yushi WP. Mabait naman po ako at hindi nangangagat.

Once again, thanks for waiting and sana ay nagustuhan niyo ang kabanatang ito. Sa susunod ulit! Don't forget to leave your comments and vote for this chapter. Thank you!

ate sak

Continue Reading

You'll Also Like

198 62 27
[SHORT STORY] [COMPLETED] Your love wasn't enough to trust me.
220K 2.4K 38
Published! Now available in all Precious Pages Stores, National Book Stores, Pandayan Bookshops, Expressions nationwide. 119.75 php Grab your copy...
3.6K 153 27
"I don't have the rights to disobey them. I should always follow." **** Garrett Vinze Mendoza a.k.a Gavin, a 23 years...