Say You Love Me

By dizzy-gurl

6.5K 162 96

The Irony: Dash has been chasing her first love of 5 years, Chase Conrad Villegas. Ginagawa niya ang lahat ma... More

Say You Love Me
CHAPTER 1: High School Love
CHAPTER 2: Hello Mahal, I Exist!
CHAPTER 3: Hindi Ako Stalker!
CHAPTER 5: Contract Signing
CHAPTER 6: Servant Duties
CHAPTER 7: Meeting Kyle
CHAPTER 8: Size Doesn't Matter!
CHAPTER 9: Failed Stalker!
CHAPTER 10: 1-on-1 with the (Future) Brother-in-Law
CHAPTER 11: My Ideal Guy
CHAPTER 12: Dash's Male Version
CHAPTER 13: Ai - "Love"
CHAPTER 14: Someday
CHAPTER 15: Emotions
CHAPTER 16: Unanswered Questions
CHAPTER 17: Kuya Headphones
CHAPTER 18: Gayuma
CHAPTER 19: Amazed
CHAPTER 20: Make Him Jealous
CHAPTER 21: Effort
CHAPTER 22: Best-est Day
CHAPTER 23: Cynical
CHAPTER 24: Ruckus
CHAPTER 25: One Time Big Time

CHAPTER 4: #OplanMakeChaseFallInloveWithMe

267 6 2
By dizzy-gurl

Punong puno ng nagsikalat na harina, asukal, kubyertos at kalat kalat na pan ang naabutan ni Mischa nung dumaan siya sa bahay namin.

Oo, sagad ako sa lungkot ngayon kaya napadami na naman ako ng bake. At as usual, masaya naman ang kaibigan ko dahil isa lang ang ibig sabihin nito para sa kaniya: MORE FOOD.

"Wow, ang dami mo na namang binake! And this time, may cupcakes na! Nag-cookies ka na, nag-cupcake ka pa." masaya nitong bati sakin. Kakarating pa lang niya ng bahay, pero yung cupcakes ko agad ang una niyang nilapitan. Define "True Friend". "Hulaan ko, nag-fail?"

"Sadista ka din no? Masaya kang nakikita talaga akong malungkot dahil alam mong magbabake ako ng sobrang dami ngayon." Sinabi ko sa kaniya habang hindi ako nakatingin sa kaniya. Busy kasi akong naglalagay ng last batch of cupcakes sa oven.

Isa isa kong nilinis ang mga kalat ko at nang natangal ko na yung mga kalat, umupo ako at nakasalumbabang tumingin lang sa cellphone ko. Isa isa kong tinitignan yung pictures ni Mahal sa phone ko. Yun na nga lang ang natatanging oasis sa nadi-disyerto kong love life eh. Huhubels.

"Alam mo, di na akong nagtakang nasabihan kang stalker ni Chase. Eh ang dami niyang pictures sa phone mo eh!" meron pa siyang icing sa bibig niya habang nagsasalita. Grabe talaga sa katakawan tong bestfriend ko. -_-

"Eh bakit ba? Eh sa dito ko lang siya kayang titigan eh. Alangan namang titigan ko siya pag nagkita kami sa school. Edi nag-freak out yung Mahal ko. Kung pwede ko lang sanang gawin yun, matagal ko ng ginawa!" isa-isa kong tinitignan ang mga pictures ni Chase sa phone ko habang patuloy pa din ako sa pagrarant ko. Hai, makita ko lang pictures niya, natutunaw na ako.

Naamoy ko bigla yung cupcakes na binebake ko. Bigla akong nakaramdam ng gutom kaya naisipan ko na din ang kumain. Kumuha ako ng isang piraso ng cookie. Masarap naman yung gawa ko, pero bakit ayaw siyang kainin ni Chase? D:

"Mischaaaa~ Anong gagawin ko? Ayaw talaga akong pansinin ni Chase. Huhuhuhuhu! Ni di man lang niya tinikman yung cookies na gawa ko. Eh masarap naman! :<" nagsisimula na naman akong magdrama sa bestfriend ko.

Habang nagdadrama, tinitignan ko yung mga stolen shots ko ni Chase. Kahit yung super wacky candid shots, meron ako. Hindi ko dinelete! Hai. Sobrang lakas talaga ng tama ko sa lalaking yun. :'(

"Ano ba yan Tiffy! Pati yung pag-kamot ng ilong niya, meron ka! Bakit hindi mo na burahin mga yan? Ang pangit naman niya jan." nasa tabi ko na ngayon si Mischa at tinitignan na din niya yung mga collection ng pictures ni Chasie my Labs.

Pakelaman daw ba mga trip kong pictures kay Chase? Ang cute kaya niya!

"No! Ayokong idelete! Kahit yung distorted and blurred pictures niya, nasakin pa!" agad kong nilayo yung cellphone ko sa kaniya. Feeling ko kasi idedelete niya yung collection ng pictures ko ni Chase eh!

"Wah! Grabe ka! Don't tell me, meron ka din pati nung pagkakamot niya ng pwet, paglilinis ng ilong, and other awkward shots jan. -_-"

"Tada!"

"Wah! Meron ka nga!!!!" nanlaki ang mga mata ni Mischa ng pinakita ko sa kaniya yung laman ng"Embarassing Adorkable Chasie" folder sa phone ko.

"At hindi lang yan! Meron din ako nito!" may nilabas akong CD at isinalang ko ito sa DVD player namin. Kaka-start pa lang ng video, sobrang wagas na ng tawa ni Mischa.

"BWAAAAHAHAHAHAHA!!!! Si Chase ba talaga yan?! Yung naka-wig?! Yung nagpangap na Princess? Bwahahahaha!!!!" halos mangiyak-ngiyak si Mischa sa kakatawa. Ako naman eh nag-i-sparkle ang mga mata ko dahil sa maliban na sa magaling umarte si Chasie my Labs, ang ganda din niya sa suot niyang wig, make-up at gown. Kinikilig ako.

Pinanood ko kay Mischa yung video ko ni Chase na nakunan ko nung HS pa kami. Video iyon ng Play nila ng Org na sinalihan niya Subdivision nila. Nagperform sila para sa mga Less Fortunate Kids nung panahong iyon.

Nang nalaman ko iyon mula sa isa sa mga reliable source ko, hindi ako nagdalawang isip na nanood ng play nila! Napakaswerte ko dahil open for all ang event. I got to watch the play ng walang hassle! :3

Dahil halos lahat sila ay lalaki sa Org na iyon, napagdesisyunan nilang gawing "Prinsesa" yung Mahal ko. At kung bakit hindi siya pumalag, who knows. Basta one thing's for sure, maganda siya pag naging babae siya! <3 Sa sobrang daming beses ko ng napanood yung video, kabisado ko na yung mga lines niya.

"You have no idea how long I've dreamed of the day when we could be together."
"I wanna keep you in my life forever."
"I want you forever, forever and always. Through good and the bad and the ugly, we'll grow together. Forever and always."

"OMG, just like, how many time have you watched this video?" pagtatakang tanong sakin ni Mischa.

"Forever." maikli kong sagot habang nag-di-dreamy eyes ako. Napailing na lang si Mischa sa sagot ko.

Kinuha ko ang mga pictures sa loob ng "Stash of Lovely Photos of my Chasie" Envelope at isa-isa ko itong inilatag sa harap ni Mischa. Mas lalo pa siyang natawa sa kaniyang mga nakita.

"Gee, Tiffy! Anong kalokohan to? Bakit hindi ko to alam??!! Hahahahaha! This is really funny! OMG, CHASE!" halos mangilid ngilid na ang luha nito sa kakatawa. Nakahawak pa ito sa tyan niya habang tumatawa. "Grabe, ang sakit talaga ng tyan ko dahil dito! Bwahahahaha!!!!"

"Ang ganda ni Chase no? I wonder kung ganito siya kaganda kapag naging babae siya..." iniangat ko ang isa sa mga favourite photo ko ni Chase - close up na candid shot niya na naka-smile siya habang ang dalawang kamay niya ay nakahawak malapit sa dibdib niya - at tinitigan ito.

"Shiz, ano kayang magiging reaction ng mga fangirls ni Chase kapag nakita nila tong mga pictures na to? Naku, baka masira ang reputasyon ni Chase. Bwahahahaha!" walang tigil pa din si Mischa sa pagpahid ng mga luha nito.

At sa sinabi na iyon ni Mischa, biglang may light bulb na nag-appear sa utak ko. Bigla akong may naisip na sa tingin ko ay may malaking chance of success!

"Mischa! Alam ko na! May naisip na akong plano para mapansin ako ni Chase! Hindi lang iyon, mas mapapadalas kaming magkasama.. mapapalapit pa ako sa kaniya!" excited kong sinabi sa kaniya.

Humanda ka Chase. Panigurado, wala kang takas ngayon sa akin. Bwahahahahaha!!!!

With full confidence, pumasok ako sa classroom ng class 2EE-A at agad akong nagpunta sa table ni Chase.

"Hello!" masaya kong bati sa kaniya.

"Hi Ms. Chaser! May pagkain ba ulit kami?"
"Ms. Chaser, patikim ulit ng cookie mo!"
"Hahahahaha!"
CHASE: *ignores*

Keh. As usual, hindi niya ako pinansin -_- Cold! Buti pa mga kaklase niya sobrang hospitable sakin. Welcome na welcome ako sa section nila!

"Ui Cookie Girl, nandito ka ulit! Mukhang may pagkain ka ulit na dala ah." bati sa akin ni Art. Teka, hindi Cookie Girl nickname ko! Nung isang araw, Ms. Chaser. Ngayon naman ay "Cookie Girl" na. Binyagan daw ba ako ng pangalan >_<

"Penge! Bitin yung last time eh!" singit naman ni Josh na busy pa din sa pagtetext. Malamang babae ang katext nun. -_-

"Oh, it's you again. Kelan ka ba magsasawang kulitin si Chase?" argh! Nawala sa isip ko, nandito din pala sa klase na ito si Queenie!

Okay Tiffany, kalma ka lang. Kaibigan pa din sila ng taong mahal mo. Kalma lang!

Kahit labag sa puso ko, ngumiti pa din ako sa kanila at iniabot ko sa kanila yung cupcakes na binake ko kahapon. Sa sobrang dami ng na-bake ko, buong klase nila ay mabibigyan ko ng cookies and cupcakes. Kesa naman sa masayang lang at mapanis, naisip kong ibigay na lang sa kanila. Well, tactic na din yun para makuha ko ang mga loob nila.

"Nandito ako para bigyan kayo ng cupcake and cookies. Napadami kasi ang bake ko kahapon kaya naman naisipan ko kayong bigyan lahat. And pa-thank you ko din ito sa inyo dahil naging mabuti kayong kaklase ni Chase. Thanks for taking good care of him!"

After kong magsalita ay nag-bow ako sa harap nila, as a sign of my sincerest gratitude sa kanila.

Part pa din ng tactic ko yan para makuha ko ang loob nila. Muhahahaha!

#Paraparaan
#OplanMakeChaseFallInloveWithMe

After kong mag-speech ay isa-isa kong binigay sa kanila yung pagkain. Nakakataba din ng puso ang makita sila na nakangiti dahil sa pagkain na bigay ko. Yung iba naman hindi na makapaghintay, kinain na nila yung bigay kong cupcake. Sa awa naman ni Lard, lahat sila ay nasarapan sa binake ko. Kahit sina Art, Josh at Queenie ay nasarapan sa gawa ko.

"Chase, ito nga pala yung cupcake mo. Masarap yan. Tikman mo!" inilapag ko sa table niya yung cupcake ko.

Hindi siya nagsalita at tinignan lang niya ako. Medyo matagal niya akong tinitigan, mga 5 seconds! At tila nag-pause ang mundo ko dahil doon! Ang lalim ng mga titig niya sakin. Kya! Kinikilig ako XD

Maya maya ay hinawakan niya na yung box ng cupcake at binuksan nito ang box. Yes! OMG, mukhang kakainin na niya yung cupcake ko. This time, matitikman na niya ang binake ko!!!

NOT.

Tumayo ito at nagpunta sa may trash can. Nakita ko kung paano niya tinapon yung cupcake sa trash can. WAAAH!!! Bakit niya ginawa yun?! Ni hindi man lang niya natikman yung cupcake bago niya itapon! For the second time, dinurog niya ang puso ko sa ginawa niya!

"Ayoko ng kahit ano galing sayo." Malamig niyang sagot sa akin.

"Dude, masarap yung cupcake. Subukan mo kayang tikman." go Art! Ipagtangol mo ako sa kaibigan mong malamig pa sa yelo!

"Oo nga. Even I agree with Art. Masarap yung cookies and cupcake na ginawa ni Dash." kahit pa naiinis ako kay Queenie, masaya ako nung sinabi niya iyon. Go Queenie!

"Kung di mo kakainin, sana binigay mo na lang sa akin." may panghihinayang sa boses ni Josh. Aww. Ang lakas ng cupcake ko sa kanila ha, infairness.

"Okay lang, may extra pa naman akong dala *u*" kinuha ko yung spare cupcake at ipinatong ko ito sa lamesa niya.

And for the 2nd time, tumayo siya ulit at tinapon ang cupcake sa trash can. At dahil nakutuban ko na din na mangyayari ito, gumawa ako ng madaming spare cupcake! Nagpatong ulit ako sa lamesa niya. Itatapon niya. Magpapatong ulit ako. Itatapon niya. Mga naka-limang cupcake din kami na nasayang.

Pinigilan na kami ni Josh dahil napansin niyang nakakaraming tapon na ng cupcake si Chase. "Woah woah woah dude! Wag kang magsayang ng pagkain. Ang daming batang nagugutom oh. Tapos nagsasayang ka lang?"

"Pag ba kumain ako, hindi na ba magugutom yung mga bata?" mas malamig pa sa kanina ang tono ng boses ngayon ni Chase. Wah! Nakakatakot, pero nakakakilig! Ang lalim kasi ng boses niya. Huuu~

#FangirlMode

"Hai, Chase. Fine. Kung ayaw mo nung cupcake, wag mong itapon. Ibigay mo na lang sakin. Sayang eh."sinukuan na ni Josh si Chase. Bumalik na siya sa table nito at tahimik na lang niya na kinain yung cupcake niya.

Inilabas ko ung huling natitirang cupcake sa paperbag at inilapag koi to sa table ni Chase. Huling spare cupcake ko na iyon. Wag na sana niyang itapon dahil fudge, ang mahal ng ingredients no! Grabe siya kung magsayang ng pagkain! >_< Nanghihinayang din ako sa mga tinatapon niyang cupcakes. Hindi lang nadudurog puso ko dahil sa pang-i-ignore niya sakin eh, nanghihinayang din ako sa perang ginastos ko sa cupcakes na walang puso niyang tinatapon. Huhuhu!

"Chase, last spare cupcake ko na to. Wag mo na sanang itapon to, please?" pagsusumamo ko sa kaniya. Please lang, wag niya na sanang itapon to. T^T

"Josh, sayo na to." Pinatong niya sa table ni Josh yung cupcake.

Wenk. Hindi nga niya tinapon, pinamigay naman niya T_T well, mas okay na siguro yun kesa itapon niya yung cupcake.

Kakasimula pa lang ng school year, ilang beses na niyang dinudurog ang puso ko ha. Ang dami ko ng rejections na nakukuha mula sa kaniya. What more pa kaya sa mga susunod na buwan pa? Hmp. Dibale, sa naisip kong idea, ewan ko na lang kung makapalag pa tong lalaking to. Mapapansin niya ako, sa ayaw niya at sa gusto!

"Ahm Chase, pwede ba kitang makausap saglit? Kung okay lang sayo, sa labas tayo mag-usap." tanong ko sa kaniya.

"Kung yung cookies at cupcake mo nga, hindi ko tinangap, sa tingin mo papayag akong sumama sayo? Hindi ka din makulit no? Makiramdam ka nga. Ayoko sayo!" ang lakas ng pagkakasabi niya, lalo na yung sa huling part. Narinig tuloy ng buong klase nila na ayaw niya sa akin :< At ni hindi man lang niya akong kayang tignan sa mga mata ko!

Pero di ako susuko! Hindi ko siya susukuan. Nandito na ako eh. Nasa harap ko na siya. 5 years kong kinimkim to, kaya hindi ko siya susukuan!

"You have no idea how long I've dreamed of the day when we could be together."

Nagsimula akong mag-recite ng mga linya niya. Napatingin siya nung una sa akin. Para bang iniisip niya kung namalik-rinig ba siya. Pero wala pang 5 seconds, inalis niya agad ang tingin niya sa akin.

"I wanna keep you in my life forever."

Nagsalita ulit ako. And this time, tinitigan na niya ako ng sobrang tagal. Kahit na kinikilig ako sa titig niyang iyon sa akin, hindi ako nagpatinag. Nagpatuloy ako sa pag-re-recite ng mga lines niya doon sa play nila!

"I want you forever, forever and always..."

Nakatingin pa din sa akin si Chase. Kahit yung tatlong niyang kaibigan ay nakatingin lang din sakin. Malamang sa alamang, clueless sila sa mga sinasabi ko. Pero one thing's for sure, it caught Chase's attention.

Yes, his attention. Finally, nakatingin na siya sa akin!

"Oi oi oi, bakit mo alam yan?!" nagkaroon ng halong kaba sa tono ng boses ni Chase, something na bago lang sa panrinig ko! Madalas kasi ay monotone ang boses niya kapag kausap niya ako.

Aha! Effective ngang talaga itong ginagawa ko!

Nagpatuloy pa ako sa pag-rerecite ng mga lines na for sure, ay pinilit na niyang ibinaon sa limot. Pero dahil desperado akong mapansin niya ako, ipinapaalala ko ulit sa kaniya yung masamang nakaraan na pinipilit na niyang kalimutan.

"Through good and the bad and the ugly..."

"Oi, itigil mo yan!" biglang nagtaas ng boses si Chase. Natoon na naman sa amin ang atensyon ng mga kaklase niya. At dahil doon, lalo siyang nagpanic. Alam kasi niyang kapag nagpatuloy pa ako sa pagsasalita, maririnig ito ng mga kaklase niya.

"We'll grow together..."

"Sinabing itigil mo na yan eh!" mas impatient na ngayon ang boses niya. Natatakot ako, pero nagpatuloy ako sa ginagawa ko. Last resort ko na ito! Pag hindi pa ito gumana, hindi ko na alam ang gagawin ko!!

"Forev--"

"Halika na nga!" hindi na niya ako pinatapos sa pagrerecite ko. Hinawakan niya ako sa kamay ko at walang pagdadalawang isip na hinatak palabas ng classroom...


YES! EFFECTIVE ANG GINAWA KO!!! Finally, kasama ko na ngayon si Chase.. at kami lang dalawa ang magkasama ngayon! Makakausap ko na siya!

Continue Reading

You'll Also Like

12.5K 773 24
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
81.7K 2.3K 30
| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is just an ordinary girl who's studying at N...
12.4K 163 23
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...