[Someone's POV]
Napaatras si Kaiser habang si Krystal naman ay hinawakan ang palad nito. Maya-maya ay hinila ng Lalaki ang Kamay at gamit ang matatalim na kuko ay kinalmot ang dalaga sa dibdib nito. Naghiyawan ang mga kasamahan ng dalaga na may halong lungkot at paghihiganti habang ang dalaga ay unti-unting bumabagsak.
Sumugod si Kai kay Kaiser pero sa kasamaan nakalayo na ng mabilis ito patungo sa lugar nila D.O. Nagsimula ng umatake ang Grupo nila Kai. Puno ng Galit ang puso ng mga ito dahil sa sinapit at ginawa ni Kaiser kay Krystal. Lahat ng makasalubong ng binata ay siyang inaatake niya at bumabagsak nalamang hanggang sa makarating siya sa pwesto ng 12 na tao. Isa roon si D.O, ang Ina ni D.O at si Kaiser.
"Ang tapang mo din naman na kalabanin ako." dahil sa galit ng lalaki sinugod niya si Kaiser. Napuruhan ng binata si Kaiser kaya ang sunod niyang ginawa, ibinaon ang pangil sa balat nito na siyang ikinamatay ng Lalaki. Naramdaman ng binata na tumilapon siya. Nang tingnan niya kung sino ang may gawa. Ang taong Mahal niya.
Eto na nga siguro ang mangyayari. Wala sa Prospesiya ang mga ito, pero sa pakiramdam ng binata ito at ito din naman ang mangyayari. Naramdaman ng binata ang kahirapan sa paghinga saka lang niya nalaman na ginagamit na ni D.O ang kakayahan niya.
Hindi makalaban ang binata dahil narin na pinanghihinaan siya ng loob bukod sa alam niyang wala siyang laban dito. Kita niya sa mata ni D.O ang Galit at Poot. Hindi niya ito masisisi dahil mismong Ama na niya ang pinatay ko.
"Wala ka talagang Puso!" madiin na sabi niya.
"Papatayin Kita tulad ng pagpatay mo sa Kapatid at Ama ko!/napangisi si D.O/ At gaya din ng hinihiling mo na patayin kita!" sigaw nito bago ipikit ni Kai ang mga mata niya.
*Biglang napasinghap si Kaiser dahil sa napanuod niya. Hawak parin ni Krystal ang kamay niya pero hindi siya makapaniwala na mamamatay siya sa Laban at mismong si Kai ang makakapatay sakanya.
[A/N: Reality na po to. Guys kung di niyo pa napapanuod ang same happening sa Twilight. Give yourself a break. Have a Kit-Kat! Joke! Nagagaya na naman ako kay IAN sa SITNOL-A! Basta ganyang ang ginawa ni Alice dun kay ... isip.. isip.. isip.. Basta dun sa lalaking may sore eyes. LOL. XD]
[D.O]
Lumapit si Kaiser sa pwesto namin na pinagpapawisan ng malagkit. Teka? Malamig naman dahil may Snow. Anyare sakanya?
"Bakit?" tanong ni Mommy sakanya.
"Nakita ko ang mangyayari Catherine." sabi niya.
Nakarinig kami ng mga yabag ng paa sa kanan sa di kalayuan sa pwesto namin. Kahit di ko pa man alam kung sino sila mukhang kilala ko na kung anong lahi ang dumadaloy sa dugo nila. They are the Vampire. Nakuha nila ang atensyon ng lahat.
"Kaiser ..." panimula ng isang lalaki na nasa harapan nila. Napakadami nila.
"G-Dragon.." tawag din ni Kaiser sakanya.
"Kailangan mo pa ba ang tulong namin?" nagsisimula na. Nararamdaman ko na.
"HINDI NAMIN KAILANGAN NG TULONG NG MGA TAKSIL!" sigaw ko. Nagulat si Mommy at Kaiser sa inasal ko. Hindi narin ako nagtaka kung bakit di siya nagulat. Bumaba ako sa pagkakaupo ko at naglakad papunta sa harapan ng mga Bampira. Ngumisi ako,ibinaba ang hood, at tumingin sa mga mata niya.
"G-Dragon ... /tingin sa katabi sa kaliwa/ TOP /tingin sa katabi/ Seungri /tingin sa katabi ni GD sa kanan/ Taeyang /tingin sa katabi/ Daesung" napasinghap yung apat except GD dahil nalaman ko ang mga pangalan nila. Napaka'easy kaya. May tattoo kasi silang lima sa dibdib. Hehehe.
"P..Pa..Paano mong ..." sabi ni Seungri na nanlalaki ang mga mata.
"Hindi niyo ba ako kilala?" pang-inis na tanong ko.
"Ikaw ang itinakda." matipid na sagot ni GD. Yumuko ako dahil may bigla akong naramdaman. Inangat ko ang ulo ko at nagulat silang lahat except parin kay GD.
"Patayin ang mga taksil!" sigaw ko at biglang tumilapon patalikod ang mga kasamahan ni GDragon.
"Anak! Kakampi natin sila!" narinig kong sigaw ni Kaiser. Inangat ko ang Kamay ko, sisimulan ko ng sakalin si GDragon pero naramdaman ko ang pagtilapon ko. Narinig kong tumawa si GD.
"Hindi mo pa kayang gamitin ang kakayahan mo. Kapag nakuha kita sakanila, ipapaalam ko sayo kung paano dapat gamitin ang mga makakaya mo." saka na siya lumakad palapit sakin kaya mula sa pagkakaupo ko napaurong ako. Natatakot ako. Pero narinig ko ang hiyawan sa likod ko, ang grupo nila Kai. Sinugod na nila ang Bampira pero naramdaman ko na may nagtayo sakin. Si Luhan at si K..Kai.
"Ayos ka lang?" tanong mi Luhan at tumango naman ako. Hindi padin kumikilos ang Grupo ko. Humarap ako sakanila.
"Pag-isahin ang Magkakalahi! Tulungan niyo sila! Papatayin ko ang sinumang hindi tumulong!" sigaw ko, sa pagkakataon na to nagsimula na silang tumulong. Gagamitin ko ang nalalaman kong kakayahan para mapatay sila. Nasa Kanan ko si Luhan at sa Kaliwa si Kai.
"Sumama ka nalang sakin at tiyak na walang masasaktan." mahinahon na pahayag ni GD.
"Hindi ako Tanga para sumunod sa utos mo." madiin na sabi ko.
"Kai at Luhan ako ng bahala sakanya." bulong ko sakanila. Napatingin ako kay Kai. Nagtataka siya.
"Kaya ko na ang sarili ko, Kai." pagkasabi ko nun mabilis silang nakaalis at ngayon si GD nalang at ako ang magkaharap.
[3rd Person's POV]
(A/N: Ang hirap mag'narrate ng ganitong situation.)
Sinugod ni D.O si G Dragon dahil sa sobrang pagnanasa na matalo ito. Wala silang pakielam sa mga naglalaban sa paligid nila.
Sa kabilang banda naman kung saan nanunuod lang si Kaiser at Catherine ay lumapit ang isang babae at lalaki. Nagulat si Catherine dahil bigla siyang niyakap ng babae. Si Sarah.
"Mommy.." bulong nito sa tenga ni Catherine. Hindi nakapag'react ang si Catherine sa narinig. Tama nga ito ng iniisip. Siya si Keisha. Siya ang Anak na inakala nila ay patay na. Nagulat si Kaiser dahil akala niya ay pinatay nga ng binata ang dalaga, dahil ito ang misyon nito. Pero nagkamali siya. Nagpakilala naman si Suho bilang kanyang asawa. Nag'stay sila sa lugar nila Catherine, dahil nga nagdadalang tao ay hindi ito dapat lumaban.
"Alam na po ni D.O kung sino ang nasa propesiya." sabi ni Sarah kay Kaiser at Catherine.
"Alam?" balik tanong ni Kaiser kay Sarah.
"Isa pa nyang kakayahan ang magkaroon ng kutob at kakayahang malaman ang mga mapagkakatiwalaang tao." dire-diretsong sabi ni Sarah. Kung bakit di sila lumalaban? Masyadong madami ang lahi ng mga Wolf kaysa sa lahi ng mga Vampire. Alam nila na kaya ng lahi nila ito.
** Halos nasa Sampu mahigit nalang ang natitirang tao ng mga Bampira. Ang ibang Wolf ay umurong na dahil alam nilang hindi na sila kailangan. Maya-maya ay yung limang lalaki na nasa unahan nalang ng mga Bampira ang mga buhay. Marami ding kakampi nila D.O ang namatay.
"Hindi ko hahayaan na matupad ang nasa Propesiya." sabi ni GD. Tumingin siya sa likod ng binata kung saan nandun si Kaiser at Catherine.
[D.O]
Lumingon siya sa likod ko kung saan nakapwesto sila Mommy. Naramdaman ko ang isa sa mga kasamahan niya ay mabilis na nakapunta sa Pwesto nila Mommy. Nilingon ko ng mabilis ang pwesto at nakita ko na p..pinutol n..nila a..ang ulo ni K..Kaiser pero bago pa man ako makasigaw naramdaman ko na may yumakap sakin at unti-unti na siyang bumabagsak.
Parang slow motion ang lahat pagharap ko sa yumakap sa akin ay nakita ko si Kai. Nakabaon pa ang kamay ni GD sa likod niya. Nakatingin si Kai sa mga mata ko ng matagal at unti-unti nalang siyang bumagsak. Naramdaman ko ang mainit na likido na dumaloy sa mga pisngi ko. S..Si K..Kai.
Bigla kong naramdaman ang isang kakaibang pakiramdam. Nag-iinit ang katawan ko. Gusto kong pumatay dahil sa nangyari. Nararamdaman ko na nag-iiba ang physical appearance ko. Narinig kong napasinghap ang lahat sa nakikita nila. Kahit na si GDragon na kanina ay pa'Cool lang ngayon naman ay nanlalaki ang mata dahil sa pagkatulad. I transform into a Dangerous and Harmful Wolf.
Sinugod ko ang pumatay kay Kaiser at sinunod-sunod hanggang si GDragon nalang ang natitira.
"P..Pa..Paano m..mong ..." hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil sinakmal ko siya dahilan para bawian na siya ng buhay. Tiningnan ko ang katawan ni GDragon na ngayon ay nakahiga at wala ng buhay. You deserve that. Huminga ako ng malalim bago humarap s..sakanya.
This is not my Plan. Ang plano ko lang ay saktan siya the way kung paano niya ako sinaktan. Lumakad ako papalapit sakanya when I felt na bumabalik na ako sa pagiging tao. Naramdaman ko na naman ang mainit na likido sa pisngi ko. Lumapit ako sakanya na ngayon ay concious pa. Inihiga ko ang Ulo niya sa Lap ko. Tinitigan ko siya sa namumungay niyang mata.
"H..Hi..Hindi t..tayo m..magka..magkapatid D..D..D.O." napangiti siya. Alam ko Kai. Sinabi ni Mommy. Nahihirapan na siya. Darn! Ang layo ng hospital dito.
"D..Dadalhin kita sa hospital Kai." sabi ko sa pagitan ng mga hikbi ko.
"H..H..Hindi n..na k..kailangan D.O. S..Si A..Ate m..mo /lumunok sya/ H..Hindi s..siya p..patay D..D.O. /umubo si Kai/ S..Si S..Sarah a..ang Ate mo." nagulat ako pero hindi ko mapigil na mapa-iyak habang nakikinig sakanya.
"TULUNGAN NIYO AKO!!" sigaw ko.
"A..Alam m..mo b..bang M..Mah-Mahal n..na M..Mahal k..kita D.O?" sabi nya.
"Please!! Help me!!!" sigaw ko padin. Pero walang tumutulong samin.
"Wag ka ng magsalita. Ililigtas kita." sabi ko. Umiling siya.
"H..Hindi n..na k..kailangan. S..sasabihin ko n..na s..sa..sayo /cough/ y..yung m..mga n..nara..nararamdaman ko." Huli na ba ang lahat? Ayoko .. Ayoko! Ngayon na alam ko na. Na sobrang mahal na mahal ko siya.
"Sabi mo diba ayaw mong mahiwalay sakin Kai? Tutuparin mo yun diba? Diba?" pagco'convince ko.
"O..Oo n..naman. L..Lagi l..lang ako sa t..tabi mo." sabi niya saka ngumiti.
"Nung una kitang makita mahal na kita D.O. Ayaw ko ng malayo sayo. Pinilit ko na ilayo ka sa lugar na to at samaham ka habang buhay pero di ko nagawa. *cough* Wala akong pinagsisisihan sa lahat ng ginawa ko. Mahal kita yan ang lagi mong tatandaan D.O *cough* I..Iingatan mo ang sarili mo ah." pagkatapos niyang sabihin ang mga yun unti-unti niyang hinawakan ang pisngi ko at pinahid ang luha. Maya-maya ipinipikit na niya ang mga mata niya kasabay ng pagbagsak ng braso nya hudyat na sumuko na siya.
"NO KAI! WAG .. WAG MO AKONG IWAN .. NANGAKO KA DIBA? TUTUPADIN MO PA YUN. PAPAKASALAN PA KITA DIBA? KAI .. KAI NAMAN WALA NAMANG IWANAN. NAKAKAINIS KA NAMAN! KAI! GISING NA! UUWI NA TAYO, TAPOS NA YUNG LABAN *hikbi* K..Kai n..naman .. M..Mahal m..mo a..ako d..diba?" nag-unahan ng bumagsak ang mga luha ko dahil sa katotohanan na wala na siya. Why did you leave me Kai? Why?! sigaw ko sa isip ko. Naramdaman ko na may humawak sa balikat ko. Si Sarah. Si Ate Keisha. Bigla nalang niya akong niyakap.
"Ate wala na si Kai. Ate iniwan na niya ako! Ate hindi niya tinupad yung pangako niya na hindi siya aalis sa tabi ko!" sumbong ko kay Ate sa pagitan ng mga hikbi ko.
"Hindi ka niya iiwan D.O. Kahit wala na siya, He's still always by your side. Trust me." sabi ni Ate at sa huling pagkakataon hinalikan ko ng mariin sa labi si Kai.
***
Waaaaaah! So haba nito! XD
Di ako makapaniwala na makakatapos na naman ako ng isang Fanfic. Hihihi! Next na Fanfic ko po ay sa Hunhan. :)
Im so sad :(
Nasabi ko ba na mapait ang Ending nito? Hindi naman ako nag.promise ng Happy Ending, right? Choooos. Pwede naman magbago ang isip right. Basta Abangan ang Unexpected Ending nito. Chos lang! XD
Vote.Comment.BecomeAFan.
Ang hindi magcomment lagot kay Author! Hahahaha. XP
Epilogue is Next ♥
#GePushNatinYan.
#MyImmortalBoyfriendEnding.
#Exo__Princess Sarah.