MAGICAL; A Charm's Tale

By JellymaeAngel08

505 159 1

Life is fair when you could get anything you want. When the happiness given to you. When everything agrees wi... More

PROLOGUE
CHAPTER 1: School
CHAPTER 2: What's with you?
CHAPTER 3: Past
CHAPTER 5: Flashbacks
LIST OF CHARACTERS
CHAPTER 6:Magical Land of Charmers
CHAPTER 7: Forgiveness?
Chapter 8: Danger?
Chapter 9: Orientation Comes

CHAPTER 4:Deep

31 13 0
By JellymaeAngel08


[Ayesha Krishna Miltray]

"May naumpisahan na ba kayo sa project na binigay ko?" blangko ang mga mata ni Miss H na nakatingin saamin. Pagkapasok niya ay agad na siyang nagtanong.

Nagkaroon ng mga bulung-bulungan sa buong room. Nagtatanong sa katabi kung may naumpisahan na o kung anong plano. Habang si Miss H ay blangko lang na nakatingin sa amin. Hindi mababakasan ng galit o inis.
"Based on your reaction, I therefore assume you haven't started yet" bigla ay sabi niya. Natahimik ang lahat.

"Our group Miss" napatingin kaming lahat sa direksyon ng President.
"We already exchanged suggestions and it's already finalized. We're just waiting for a good schedule" dugtong pa nito at hindi ko inaasahang titingin siya sa direksyon namin.

Nalipat ang tingin namin kay Miss H nang magsalita siya. "Naging maayos ang daloy ng usapan n'yo..." ngumisi si Miss H pagkatapos sabihin iyon. Napapikit ako sa sinabi niya. Batid kong hindi siya makapaniwala at doon ko napatunayang plano niya 'tong lahat.

"Very good group 2. Anyway, for your schedule. I'll give you 8 days as a gift. At magsisimula ang araw niyo bukas" literal na nanlaki ang mata ko sa tugon ni Miss H.

Bukas!? Bakit ang aga!?

Hindi ko alam kung anong laro ang gustong mangyari ni Miss H pero nasisiguro kong hindi ganoon kaganda ito.
"And for the remaining groups, dahil hindi kayo nakapaghanda ay bibigyan ko lang kayo ng limang araw. Accept the consequence" seryosong sabi nito at nagpatuloy sa discussion.

Halata sa mga kaklase ko na gusto nilang magreklamo pero wala silang nagawa nang magsimula na si Miss H sa discussion. Lahat kami ay kanya kanya ng sulat. Hindi tulad ng ibang school at ibang section, sa room namin hindi pwedeng nakikinig lang kami. We should write and remember every important details. Dahil kinabukasan, lahat ng nadiscuss ni Miss H ay itatanong saamin at kailangan naming masagot.
"Before i end the discussion and before i'll dismiss the class. I will leave you a short quote"

Naging tahimik ang lahat. Naghihintay sa sasabihin ni Miss H.

"When you know you can, do it. When you know there's a hope, take the opportunity. That will set you free.. Class dismiss. See you tomorrow everyone" pagkatapos n'on ay iniwan na niya kami.

Tumatak sa isip ko ang sinabi niya. At  alam kong pati sa mga kaklase ko ay tumatak iyon.

------

"Magtataka niyan si panget. Hahaha" rinig kong bulong ni Tristan kay Troy.

" Oo nga! HAHAHAHA" naging malakas ang tawa ni Tristan kaya naman nabaling sakanya ang atensyon naming lahat.

Nandito kami ngayon sa computer laboratory. Ang mga kasama ko? ang buong group 2. Napapayag kami ng President na mag-usap usap kami sa isang lugar kung saan tahimik at kami lang ang makakarinig sa project na gagawin namin. Hindi kami tumuloy sa Cafeteria dahil agad silang nagyaya.

"Yay. Sorry!" tinakpan ni Tristan ang sariling bibig at nagtago sa likod ni Troy. Tawa lang ang tinugon sakanya nung anim. Ako naman ay napailing. Habang si Liam ay masama ang tingin sa dalawa.

Nang mawala na ang tawanan ay natahimik ulit. Pero binasag din iyon ni President at nagsalita. "Since we'll start the schedule tomorrow. Saang lugar ang gusto n'yong unang puntahan?"   tanong niya saamin ng nakangiti.

"Sa Laguna---"

"Hoy hindi! sa Pampangga muna!"

"Ulol mo Spade! Sa Laguna muna! Mas malapit 'don!"

"MAS MAGANDA NGA DOON----"

Natigilan ako at ang lahat nang malakas na hampasin ni Liam ang lamesa na nasa harap namin. He's too serious and i know what's the real reason. He's having a hard, making his self calm lalo pa't ang ingay nila Troy at Tristan.

"Sorry Boss. hehehe" mapaglarong sabi ni Troy sakanya.

Sumandal lang sa upuan si Liam at tumango bilang sagot. Nakakabaliw. Hindi ako kumportable. Kung sa ibang kaklase namin pwede pa, pero sakanila. Ang labo.
"Mga babae na lang papiliin natin" rinig kong suhestiyon ni Xander na noon ay nakangiti na malapit sa direksyon ko.

Sa tatlong lalaki, si Xander ang pinaka naging malapit saakin. He is like Troy. That's why everytime I'm with Troy, i remember him. Nakakainis dahil hindi ko siya makalimutan.. Hindi ko sila makalimutan.
"Well, gusto ko sa Laguna" Zoey answered in a cheerful way.

"Uhm. Gusto ko sa Pampangga. Hehe" si Kleo ang sunod na sumagot.

"Mas maganda sa laguna!" maarte pero natutuwang sabi ni Mia

Pagkatapos n'on ay tumingin silang lahat sa direksyon ko. They're looking at me, intently. They're waiting for my answer. "I prefer Pampangga" i answered without looking at them. Napahinga silang lahat. Maybe they're expecting na Laguna ang isasagot ko.

"Gusto ko din sa Pampangga" naging sagot ni Xander na hindi man mawala ang ngiti sa labi niya.

"Mas gusto ko sa Laguna. Refreshing" sagot naman ni Zach na noon ay nakaakbay kay Kier. "Ikaw kier?" baling niya sa President.

Ilang segundo ang naging katahimikan bago ito sumagot. "Liam's answer would be my answer" seryosong sabi nito na nagpatahimik saaming lahat at naging dahilan para lalong mamuo ang inis sa pagkatao ngayon ni Liam na katabi ko.

-------

6:00 am

I woke up early in the morning by the alarm clock. Agad na akong tumayo sa  kama at inayos ang sarili ko para makapag-almusal. Bago pa ako makalabas ng kwarto ay napansin ko ang pagbabago ng salamin.

Lumapit ako at hinintay kong lumabas siya doon. Sa totoo lang, hindi ko alam at hindi ko inaasahan ang biglang pagpapakita niya. "Magandang umaga" nakangiting bati nito saakin.

Tumango lang ako sakanya at hinintay ang sunod niyang sasabihin. "Hindi pa bukas ang puso niyong dalawa para sa pagbabalik nila" may pait sa boses ni Madame Serpentine pero pinanatili niya ang magadang ngiti sa labi niya.

I sighed. Gaano ko man kagustong kalimutan na ang lahat, hindi ko kaya. "Nakikita ko sa'yo ang pagkalito at pagtatanong. Mahirap hindi ba? Dahil sila ang nag-iwan saiyo sa kadiliman at sila din ang naging dahilan kung bakit tinanggap mo ang mabigat na responsibilidad na ayaw na ayaw mo" sambit nito saakin. Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Naging seryoso siya sa pagkakataong iyon.

"Kung hindi kaya ni Liam, mas hindi ko kaya Madame Serpentine. Ni hindi ko kayang makita sila. Tama na yung panahon na sinaktan at iniwan nila ako. Tinanggap ko na 'yon. Pero ang pabalikin sila sa buhay ko, pagkatapos ay maiiwan ulit ako sa dilim when they'll find out na iba ako? Hindi ko na kaya" tugon ko sakanya. Doon nagsimulang mangilid ang luha ko at sa ilang saglit lang ay tumulo ang luha ko.

"Tahan na iha. Alam kong masakit. Pero alam ko ding kakayanin mo. Kakayanin n'yo. Subukan mo lang. Subukan niyong dalawa na buksan ang puso niyo" bumalik ang matamis na ngiti sa labi niya habang nakatingin saakin. Pinunasan ko ang luha ko nang magsalita ulit siya. "Walong araw niyo silang makakasama. Wala mang kasiguraduhan ay alam kong may magaganap na kahit papaano ay magpapaginhawa ng kalooban niyo at magpapasaya sainyo. Mag-iingat kayo at maging masaya ka Ayesha Krishna. Tandaan mo"

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay naglaho na siya mula sa salamin. Lumabas na ako ng kwarto pagkatapos kong ayusin ang sarili ko at bumaba para mag-almusal. Nagulat pa ako na nandoon na sa dining room si Liam at kumakain na.

"Wala bang pagkain sa bahay n'yo?"  pang-aasar ko sakanya at saglit na natawa.

Tumingin siya saakin at tatawa tawang kinakain yung bacon. He's totally eating with just his bare hands. "Sinusubukan ko lang kung masarap pagkain dito. AHAHAHHAHAHAH" Natigil siya sa pagkain dahil sa sobrang tawa niya. Iiling-iling akong umupo sa isang upuan katapat siya at naghain ng pagkain para sa sarili ko.

"Ready?" nawala ang ngiti niya sa labi nang tanungin ko iyon.

He stared at me and smirked. "We can do this" pagkatapos ay kinindatan niya ako.

Dinamay pa ako. Gusto kong sabihin sakanya ang nasa isip ko pero hinayaan ko na lang at nagpatuloy sa pagkain. "8 days din 'yon. 8 days with the dark hell" pagkatapos ay sarkastiko siyang tumawa. Iba talaga ang galit niya sakanila.

If i could just explain what is the whole reason behind his anger. If i could just tell you everything. But i'm not in the position.

------

Lahat ng kaklase saamin ay nakatingin, nanonood at nag-uusap tungkol sa pag-alis namin. Tinatanaw nila kami mula sa malaking gate ng Brint Kingdom. At kami? inilalagay ang gamit namin sa exclusive school bus. Ngayon ay bibyahe kami papunta ng Laguna.

Nang maiayos na namin ang gamit namin sa bus ay isa-isa na kaming pumasok. Kumaway pa sila Troy, Tristan, Xander at Zach na naging dahilan para tumili ang mga kaklase naming babae, hindi lang sila kundi pati na rin ang ibang estudyante na nakatanaw din saamin. Sa school kasi ay sikat ang mga lalaking ito.

"All ready?" tanong ni Miss H na narinig namin kahit na maingay sa paligid, isama na ang makina ng bus.

Tumango kaming lahat na nasa loob na ng bus. Nagawa naming sumagot sakanya kahit na ang iba saamin ay naghahanap ng magandang uupuan, kasama na ako doon pati na si Liam na hinihila ako. Ilang saglit lang ay nakahanap ng pwesto si Liam. Pinili niyang puwestuhan yung upuan na malapit sa dulo ng bus kung saan may bintana pa din. Sa pwestong ito ay hindi namin tanaw ang mga estudyante na pinanonood kaming paalis. Ang mga nakaupo sa pwestong tanaw ang mga estudyante pati na ang school ay yung dalawang loko at sila Xander.

Habang kami ni Liam ay nakapwesto kung saan tanaw namin ang tanawin sa labas ng eskuwelahan. "Take care everyone. I'm watching you" sa pagkakataong iyon ay natahimik kami. Napatango lang kami at nagpaalam na bago tuluyang umandar paalis ang bus.

Ilang minuto lang pagkalayo namin sa school ay naramdaman ko ng nakaakbay saakin si Liam. "You okay?" may pag-aalala sa tono ng boses nya at sa mukha niya nang tignan ko siya.

Tumango ako at ngumiti. Lagi naman e. Lagi namang ganito ang sinasagot ko kahit na hindi totoo. I'm used to it, anyway. Pretending that i'm fine. I'll be fine. Maya-maya pa ay maririnig ang musika sa buong bus. Maybe they used a medium speaker para malakas iyon at saktong sakto sa laki ng bus.
But the music ain't good for me. And it'll never be. Listening to that music makes me feel dizzy and makes me remember the past.

Pinatugtog nila ang song na 'Tuloy pa rin'. That song was our barkada's favorite song. We always sing that song especially the chorus part. Goodnesss. Tinignan ko si Liam na noon ay nagpipigil ng inis at galit. I could clearly see that on his face.
"Calm down" i whispered. Napatingin siya saakin at saka mariin na napapikit. Pinagsalikop ko ang mga daliri namin at pinisil ang kamay niya. That made him open her eyes, i took that chance to give him a sweet smile.

-----

"Hey babe. Your face looks disgusting. Tumayo ka na diyan" unti unting nagigising ang diwa ko at rinig ko pa ang tawa niya.

"Hmm" mahinang ungol ko dahil hindi ko pa magawang bumangon.

Maya-maya ay narinig ko ang magkakasunod na pagpipigil ng tawa at kahit nakapikit ako at inaantok ako ay alam ko kung sino ang mga iyon.
Kinusot ko ang mga mata ko at unti unting dumilat. Only to see how Liam's face really close to my face. Naiatras ko ang ulo ko sa gulat at nahampas ko siya. Kasunod n'on ay tumawa ulit sila nila Troy at Tristan.

Tinulak ko sila nng makatayo ako at kahit inaantok ay naglakad ako. Wala na dito ang mga kasama namin, senyales na nasa Laguna na kami. "Hey, take care. You look dizzy" rinig kong sabi ni Liam na alam kong nasa likod ko at nagpipigil ng tawa. Damn this guy. Binadtrip ko na lang sana siya kanina, ako tuloy ngayon ang napapagtripan. Hell!

Speaking of hell.....

"Woooohhh! Fresh air pre!" tuwang tuwa na sigaw ni Tristan, nakaangat pa sa ere ang dalawang kamay niya na ninanamnam ang sariwang hangin.

"Hindi lang yan Spade! Lul mo!" sagot sakanya ni Troy na tuwang tuwa ding ninanamnam ang hangin dito sa Laguna. Nauna pa silang nakababa kesa saakin dahil sa excitement. Napailing na lang ako.

Kinilabutan ako nang maramdaman ko ang kamay ni Liam na ngayon ay nasa bewang ko na habang ang kaliwang kamay niya ay dala yung bag ko at nakasukbit sa balikat niya yung bag niya. Wala na akong nagawa nang marahan niyang itulak ang bewang ko pababa ng bus.

Awtomatiko akong napatingin sa kung nasaan kami ngayon. Isang mansyon. Classical mansion. Halata, dahil sa itsura pa lang mula dito sa labas ay halatang matanda na ito pero maganda pa din. It's a 2-story house/mansion at malawak. Sa harap nito, sa bandang gilid ay nandoon ang malawak na swimming pool. Walang gate. It's a free space.  May malaki at mataas na arko papasok at sa gilid nito makikita ang hallway papasok.

Halata sa mukha nila Troy ang excitement kaya't nauuna silang maglakad sa hallway habang ako ay nagmumuni muni habang nakatingin sa buong paligid. Nang makarating kami sa loob ng mansion ay tumambad saamin ang napakalawak at napakagandang sala. Lalong napatunayan na classical mansion ito dahil pati mga gamit, sofa at iba pa ay classic. Nakaupo sa mahabang sofa pati doon sa dalawang maliit na sofa na magkaharap sila Kier. Halata sa mga mukha nila na namamangha sila sa mansion.

Natigilan kaming lahat nang marinig namin ang mga yabag na papunta dito sa sala. Sinalubong kami ng isang matandang babae na sa tingin ko ay nasa mid-50's na. Kahit pa matanda ito dahil sa pagkakulubot na ng balat, maganda pa rin siya. Lalo na ang ngiti niya. "Magandang umaga at maligayang pagdadating" nakangiting bati nito saamin.

Napatayo ang mga nakaupo at bumati din habang nakayuko sakanya. "Ako si Aleng Cecilia. Housekeeper ako sa mansion na ito, matagal na. Wag kayong mag-alala, libreng libre kayo dito. Feel at home mga iho't iha" nakangiting pagpapakilala nito.

"Maraming pagkain Manang--- ARAY!"

"TANGINA KA LIMACO! PURO KA PAGKAIN KAYA KA TUMATABA E!" Napating kaming lahat kina Troy at Tristan. Nag-aaway na naman sila. Binatukan ni Tristan si Troy dahil sa sinabi niya kanina. Napailing pa ako dahil narinig ko yung pagmumura ni Tristan. Napatakip ito sa bibig nang maalala ang lumabas sa bibig niya pero tawa lang ang tugon sakanila ng matanda.

"Oo. Wag kayong mag-alala. Lahat ng kailangan n'yo sa dalawang araw ay nandito na. Mag enjoy kayo. Osya, aalis na muna ako. Kailangan ko pang mamalengke" paalam nito saamin at may bagay na pinulot dun sa gilid ng maliit na lamesa sa sala. Doon namin napagtanto na mamamalengke talaga siya dahil dala niya ang bayong niya.

Matamis itong ngumiti saamin bago tuluyang umalis.

--------

Naiwan kami ni Manang Cecilia na may kanya kanyang ginagawa. Sila tristan at troy ay naglalaro sa dala nilang ipad, nandoon sila sa sofa at tuwang tuwa sa nilalaro. Sila Kier, Zach at Xander ay dinig kong nagtatawanan sa loob. Sila Mia, Zoey at Kleo ay kung saan saan naglalakad. Nagkakataon pang pati dito napapadaan sila. Si Liam? I guess he's inside a room. Hindi ko nga lang alam kung saang kwarto.

Saaming lahat, s'ya lang ang naglakas-loob na umakyat sa second floor ng mansion. At ako, nandito sa veranda at matamang nakatingin sa paligid pati na sa direksyon nung pool.
Wala naman akong ibang magawa at ito rin naman ang hilig ko. Magmasid sa paligid.

"Relaxing, diba?"

[ Liam Grae Bourge ]

I hardly closed my eyes while talking to her. I heard her sighed from the other line. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa mga tanong niya kanina lang. Hindi ko kayang sagutin ang mga iyon.

"I don't know what to say bro. Just.. Just be safe and enjoy" nawawalang pag-asang sabi niya sa kabilang linya. She sighed heavily.

"Ate, hindi ko kayang mag-stay dito. Hell no" i exclaimed seriously.

Sa aming magkakapatid, mas naging malapit saakin si ate Leanna. Leanna Marchessa Bourge. Lalo kaming naging malapit nang masaktan ako, masaktan kaming dalawa ni Ayesha. I cried at her arms and she never left me. Until now. She has been my parent through these years though we have our parents.
"I know. I really know my brother but atleast endure it. Pft. haha" nagawa pa nitong tumawa sa pinag uusapan namin.

She's the type of person who is really care-free." Mag-ingat kayo. Someone's following you" sa sinabi niyang iyon at sa base din ng pagsasalita niya ay natigilan ako. Sandaling katahimikan ang namayani bago ko marinig ulit ang pagbuntong-hininga niya.

"Why?"

"Babalik ako sa lugar na 'yon ngayon"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni ate. Pupunta siya don? Tch.  But why!?

"Don't worry, kasama ko si Grandma" kahit na hindi ko siya nakikita ay alam kong nakangiti siya ngayon. I let out a sigh.

"Sige na. Ayesha's waiting for me i guess. Take care ate" pagpapaalam ko.

Narinig ko pa ang pagtawa niya na parang kinikilig bago ma-end yung call. Pagkababa ko ay sumalubong saakin ang mga kasama ko na may kanya-kanyang ginawa. Pero wala sakanila ang hinahanap ko. Inikot ko ang paningin ko sa buong mansion pero hindi ko siya makita. Maybe she's with herself again, enjoying the nature.

Agad akong lumabas ng mansion hanggang sa marating ko ang veranda.

[Ayesha Krishna Miltray]

"How are you?"

Iyan ang sunod niyang tanong nang hindi ako sumagot sakanya kanina. Gusto kong mainis, magalit, magwala dahil sa nakikita kong ngiti sa labi niya. I want this person in front of me to just dissapear or leave me.

"You're better now--- ay hindi. Best pala. Haha" hindi ko alam kung nagbibiro siya o ano dahil nakuha niya pang tumawa.

Napaatras ako nang makita kong naglakad siya palapit sa'kin.  What's his problem this time? bakit ba nandito 'to? I gave him a cold stare.
Napailing siya habang natatawa. He's being crazy. Insane.

"Ilag ka na talaga saamin. Ngayon ko mas napatunayan na ayaw mo kaming makasama o makita man lang" awtomatiko akong napangisi sa sinabi niya. Ngisi na may kasamang galit.

"What do you expect? Matuwa ako?"

"Yes! Yes you should be!"

Saglit na nanlaki ang mata ako at sarkastikong natawa. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya ngayon lang. "Huh! Matuwa!? HAHAHAHAHA. Are you crazy? Hinding hindi ako matutuwa na makasama kayo kahit isang segundo lang" pinilit kong kumalma habang tumatawa ng sarkastiko sa harap niya.

Pero natigil iyon at naging masama ang tingin ko. "Could you just please leave me?" i hissed. I don't want to see him, nor talk to him. Baka kung ano pang masabi ko.

Napaatras ulit ako nang maglakad na naman sya palapit at yumuko. Pagkaharap niya saakin ay nandoon na ang malungkot pero seryoso niyang mukha. "Bakit Krish? masaya kaming makasama ka.. makasama ulit kayo. I'm very happy----"

"Shut up Alexander Chua. Pwede ba wag na tayong magplastikan? Let's just finish the project para matapos na lahat" pagputol ko sa sasabihin niya. Xander. Xander. Xander. Ayaw na kitang makita.

Naglakad ako at nilampasan ko siya pero hindi ko pa man naitutuloy iyon ay hinila niya ang braso ko paharap sakanya. "Ganyan ka ba kagalit samin? G-Ganyan ba talaga nabuo yung sakit Krish?" gusto ko ng maiyak. Hindi dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko kundi dahil sa mga tinanong niya. Pati na rin sa pagkabasag ng boses niya at pangingilid ng luha niya.

Parang nalunok ko ang dila ko at di ko magawang makapagsalita. Ni hindi ko kayang gumalaw, kumilos para alisin yung kamay niya na nasa braso ko. Hindi ako makakilos ng maayos. At hindi ko alam kung kailan ko pa mapipigilan 'tong mga luha na 'to.
I just want to dissapear right now.
"Yes! Yes she is! Yes we are. May magagawa ka pa ba 'don Chua? Bitawan mo si Ayesha!"

napayuko na lang ako nang marinig ko ang galit na galit na boses ni Liam. Naramdaman ko ang marahas na paghila ni Liam sa braso ko para matanggal yung pagkakahawak ng kamay ni Xander doon at di ko na namalayan na nasa likod na ako ni Liam.

"Ano pang gusto n'yo? Ipaalala yung nangyari noon? Isn't it enough that you left her in the dark?" seryoso at may galit sa tono ng boses ni Liam na hindi pa makapaniwala.

Gusto kong kumilos para hilahin na lang si Liam paalis pero pakiramdam ko nanghihina ako. Tinakasan yata ako ng lakas after what Xander asked me. "Liam. Hindi gan'on---"

"That's it Chua! Just let us live in peace! At tapusin na ang putanginang project na 'to!"

Sa pagsigaw ni Liam ay doon na nagsimulang tumulo ang luha ko. May diin bawat salita niya. Alam kong hindi niya kayang magpatawad. At ako din. I can never forget everything. Being with them makes me remember every pain i had in past. Being with them makes me feel really weak. And being with them makes me feel I'm still in the darkness.

"Anong nangyayari dito?" napalingon ako sa nagsalita. Doon ko nalaman na nandito na lahat ng kagrupo namin. Tristan and Troy were worriedly looking at Liam's expression right now. They really know when Liam is fine or not. Nang mapatingin silang lahat sa direksyon ko, maliban sa dalawang nag aaway ngayon ay agad akong nag-iwas ng tingin at yumuko ulit.

"Tangina Liam, wag ka namang selfish----"

"PUTANGINA! KAMI PA ANG SELFISH!? TARANTADO KA! Kami pa ang selfish!!? Kami ang sinaktan at iniwan n'yo noon! Hindi ba pagkamakasarili yon!? Gago ka!"

In just a split of a second, nakahiga na sa lupa si Xander at pinupunasan ang labi. Hindi ko napigilan ang pagsuntok sakaniya ni Liam dahil sa bilis ng pangyayari. Nandoon na sa tabi niya si Kier at Zach. Pati na sila Zoey, Mia at Kleo na nagulat at nag alala sa nangyari.

Tinulungan nilang tumayo si Xander at humarap saamin. Nasa likod na agad namin sila Tristan at Troy para pigilan si Liam sa kung ano pang magagawa niya.
"Ganyan ka na ba talaga Liam? Ganyan na ba talaga kayo?"

Sa tanong na iyon marahas kong pinunasan ang luha ko at natawa ng malakas. Lahat sila ay nalipat saakin ang atensyon. Naging masama ang tingin ko at pakiramdam ko lahat ng dugo sa katawan ko umakyat at kung hindi ko mailalabas, baka mahimatay na lang ako dito at lalong magwala.

"How dare you to ask that Konazaki?  Hahahah. May puso ka pa ba? O kayabangan lang ang nandyan sa katawan mo?" may diin sa bawat salitang binitawan ko. And that made them quiet. Napangisi ako. Naging matunog iyon dahil sa galit ko.

"Una, tinawag niyo kaming SELFISH? Putangina. Bago n'yo ipasa saamin ang ugali n'yo, baguhin nyo muna ang sarili n'yo. Pangalawa, ang kwestyunin kami sa pagbabago namin. Why do you care? Why the hell do you care!? WALA.KAYONG.PAKIALAM. AT MAS LALONG WALA.KAYONG.KARAPATAN! SO DON'T QUESTION US" galit na galit na ako. Sobrang sobra na at hindi ko na kaya.

"Noong simula pa lang, ramdam n'yo ng hindi pwede na maging magkagrupo tayo diba? Pero puta, ni hindi kayo nagreklamo kahit minsan lang. Simula pa lang, sinabi na namin na hanggang project lang at wala ng iba. Pero ano? Binabalik n'yo lahat! Bakit? Tuwang tuwa kayo na nasaktan kami ganon? E kung ganyan lang din, let's just make our own ways. I will do the project on my own. Punyeta!"

Tinulak ko sila Tristan at Troy na noon ay nasa likod ko at tumakbo ako papunta sa kung saang kwarto at di naman ako  nabigo dahil nandoon sa kwartong napasukan ko ang mga gamit namin. Binuhat ko iyon habang nagpipigil ng iyak at nagmadaling bumaba at lumabas ng mansion.

"Krish!"

"Krish!"

"Krishna! Bumalik ka dito!

"Krish!

Ni isa wala akong pinakinggan. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa gate. Sarado iyon at nakalock pa. DAMN IT!
"Ayesha. Ssshh" naramdaman ko na lang na yakap na ako ni Liam at pinapakalma ako. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Ayoko na dito Liam" I cried out. I want to go home now. Hindi ako tatagal dito. Everything here will make me feel miserable again.

Ilang saglit lang ay nakaramdam ako ng panghihilo at tuluyang nanlabo ang mata ko. Everything went black at alam ko na kung bakit...

[Liam Grae Bourge]

Damn them! I'll do everything, makalabas lang kami dito at makauwi. Wala na akong pakialam kahit mawalan kami ng grade.

Nag-aalala ako kay Ayesha. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kanina nang mahimatay s'ya. Gusto kong magwala at gusto kong ibuntong lahat ng galit ko dun sa anim. Damn them! Kasalanan nila 'to.

"Boss! laro tayo! hehe!"

"Gusto mong ibato ko 'yan sayo?"

Sila.. Sila Tristan at Troy ang napagbubuntungan ko ngayon habang hinihintay na magising si Ayesha.

Ilang saglit lang ay nakarinig kami ng magkakasunod na katok mula sa labas. Tumayo si Tristan at nag aalinlangan pa kung bubuksan ito. Tumango lang ako sakanya at binalingan ulit si Ayesha.

"P-P-Pwedeng pumasok?" natigilan ako at tumama sa pader yung sama ng tingin ko. I need to calm myself.

Hinarap ko ang pintuan kung saan sila nakatayo at tumango na hindi sila tinitignan.

Ramdam kong nag-aalinlangan pa silang lumapit pwera kay Kleo na nasa tabi ko na ngayon at nang tignan ko siya ng pasimple ay malamlam na ang mata nyang nakatingin kay Ayesha at nag-aalala.
Sinipat niya ang katawan ni Ayesha at nag-aalinlangang hinawakan si Ayesha at sinalat ang leeg nito.

"Pinagpapawisan siya. Pwede bang-- p-palitan yung damit niya?"

Ramdam ko ang pagtingin saakin ni Kleo para magtanong. Wala akong nagawa kaya't tumango na lang ako tumayo.
"Kayong dalawa, sumunod kayo sa'kin" seryosong wika ko at naglakad palabas ng kwarto.

Nakasalubong pa namin yung tatlong lalaki na noon ay nakatingin din sa direksyon ni Ayesha at napatingin saamin. Seryoso lang silang nakatingin habang si Xander ay malamlam ang mata. Nagtiim ang bagang ko at pinilit na kumalma hanggang sa makarating kami sa kusina.

[Kleobella Maine Minchi]

Nanginginig akong binihisan at pinalitan ang damit na suot niya. After those years, ngayon ko lang ulit siya nalapitan ng ganito. I admit, i missed her. I miss my bestfriend.

Tahimik lang sila Mia at Zoey na nakamasid dahil ayaw naming magising si krish. Natatakot kami. Natatakot ako na baka paggising siya ay magalit at magwala siya.
"Hays" I heard Zoey sighed.

Napalingon ako sakaniya. Nakatingin lang siya kay Krish na mahimbing na natutulog. Napatingin din ako kay Krish at doon ko lang napansin ang damit na sinuot ko sakanya. The signature shirt. Our shirt.
"I miss her" I know, Mia whispered.

"Kasalanan naman natin e" dugtong pa niya. Yes, our fault. Hindi kami makalaban sa mga binibintang nila dahil totoo naman. It's our fault. We left them in the dark and shame on me... Shame on me because I left my very bestfriend.. Shame on me because I lost her. Shame on me because she's now a bestfriend of someone.

Gusto ko ng maiyak pero hindi ko magawa. Ayokong umiyak at baka makita pa niya.

Humarap ako kina Mia at Zoey na noon at malungkot ang mga mata.
"The wound is already deep. And we can't easily cure that. I'm afraid, we can't have her, them.. anymore" i exclaimed. Napapikit pa ako dahil sa nagbabadyang pagtulo ng luha ko.

"Kleo"

Literal akong natigilan, ganoon din sila Mia at Zoey. Sunod n'on ay paglaki ng mga mata ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam..

---------&&&&----------

Continue Reading

You'll Also Like

20.8M 762K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
7.3M 434K 114
Isa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademi...
394K 1.1K 200
Isang seksing artista at napakagandang si Ysla Paraiso ang nagbakasyon sakay ng isang cruise ship, ngunit nagbago ang lahat nang mapadpad sila sa isa...
2.4M 185K 109
In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students are divided into four classes: Alpha, B...