The Good Girl's Revenge (Publ...

By blue_maiden

176M 3.9M 1.6M

[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang mot... More

Prologue
Chapter 1: Welcome back
Chapter 2: Broken
Chapter 3: Breaking up
Chapter 4: Hidden feelings
Chapter 5: Big Brother
Chapter 6: Goodbye to you
Chapter 7: Half brother
Chapter 8: Queen bee's plan
Chapter 9: I'm coming home
Chapter 10: Dead and gone
Chapter 11: We meet again
Chapter 12: Selos much
Chapter 13: Threat
Chapter 14: Ex boyfriend
Chapter 15: Manliligaw
Chapter 16: Love and Anger
Chapter 17: Mystery girl
Chapter 18: 5th member
Chapter 19: Ginno
Chapter 20: Candice day
Chapter 21: Surprise gift
Chapter 22: Stranded
Chapter 23: Stuck with each other
Chapter 24: School project
Chapter 25: May The Best Woman Win
Chapter 26: Hello Korea
Chapter 27: Jeydon's reason
Chapter 28: My Sacrifice
Chapter 29: Her other side
Chapter 30: Second chance
Chapter 31: Miracle
Chapter 32: Wide Awake
Chapter 33: Confrontation (Part 1)
Chapter 33: Confrontation (Part 2)
Chapter 34: Letting go
Chapter 35: Reunion
Chapter 36: APAT
Chapter 37: Father and Son
Chapter 38: Truth
Chapter 39: Queen Bee's day
Chapter 40: Who and where?
Chapter 41: Independent
Chapter 42: Magical
Chapter 43: Late night convo
Chapter 44: Goodbye, Sweet Angel
Chapter 45: Reunited (Part 1)
Chapter 45: Reunited (Part 2)
Chapter 46: Abducted
Chapter 47: Mickey Mouse
Chapter 48: Stella & Bunny
Chapter 49: Tragedy
Chapter 51: Grandmother
Chapter 52: Battle for love
Chapter 53: Win or Lose
Chapter 54: Love or Hate
Chapter 55: Make a Wish
Chapter 56: Road to Forever
Chapter 57: The Heir
Chapter 58: The Choice
Chapter 59: Graduation Ball
Chapter 60: Goodbyes
Epilogue (1st part)
Epilogue (2nd part)
Author's Note
Playlist
The Good Girl's Revenge book!

Chapter 50: He's Gone

2.1M 51.4K 15K
By blue_maiden

CANDICE

Nakaupo kaming pareho sa harap ng puntod ni Paulo habang hawak-hawak ko 'yong kamay niya at nakasandal siya sa balikat ko. Hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak at ramdam ko 'yong sakit na nararamdaman niya. Kung nasaktan ako sa pagkawala ni Paulo, alam kong nasaktan din siya. Aminin man niya o hindi, alam gusto ko na rin niya si Juan Paulo.

Nakakalungkot lang na kung kailan umamin si Paulo ng nararamdaman niya para kay Stacey ay tsaka siya nawala. Hindi pa nga nila nasisimulan 'yong love story na sana meron sila ay natapos na lang agad ito nang gano'n.

Mapaglaro nga talaga ang tadhana.

Hindi ko namalayan na unti-unti na naman pala akong umiiyak. Masakit, sobrang sakit mawalan ng taong minamahal mo lalo na kung alam mong hindi na siya kailan man babalik pa. Sa pagkawala ni Paulo, para akong namatayan ng sariling kapatid.

Tiningnan ko si Stacey, napakalungkot niya. "Juan Paulo, miss na kita. Alam mo ba 'yon ha? Wala nang nang-aasar sa 'kin. Wala nang nangungulit sa 'kin... wala na... wala ka na e..." Hindi na naman napigilan ni Stacey 'yong matinding pag-iyak. "Bee, wala na si Juan Paulo... wala na siya."

"Shhh, tahan na. Ayaw niyang makita kang ganyan." Pinunasan ko 'yong mga luha ni Stacey. "Hindi ba sabi niya palagi ka lang ngumiti? Kaya tama na." Ngumiti ako sa kanya.

Simula nang mawala si Paulo, ang daming beses ko nang pinigilan na umiyak dahil alam kong ayaw niyang nahihirapan 'yong iba tao dahil sa kanya. Masiyahin siya at likas na komedyante. Tuwing nakikita niya ako na malungkot, naiinis siya dahil ang gusto niya, masaya 'yong mga taong mahal niya.

"Sabihin mo, Bee... sa langit siya pumunta 'di ba?" Tiningnan ko siya at tumango ako. "Hindi naman siya gano'n kasama e. Kaya pwede pa rin siya roon, 'di ba?" Hinigpitan ko 'yong pagkakahawak ko sa kamay niya.

"Mabait siya at alam ko na nasa piling na siya ng Diyos ngayon." Humarap sa 'kin si Stacey tapos niyakap niya ako. "Magiging maayos din ang lahat, Stacey." Niyakap ko rin siya pabalik. Isang mahigpit na yakap.

Nagpalipas pa kami ng isa pang oras sa puntod ni Paulo. Inuwi ko muna si Stacey sa kanila bago ako umuwi sa amin.

Pagdating ko sa amin, nadatnan ko sa sala sina Mama at Auntie. Nakatulala silang dalawa at parang wala sa sarili. "Nandito na po ko," pagbabasag ko ng katahimikan nila.

Napatingin silang dalawa sa 'kin. Hindi ko naiwasan na tignan si Auntie Pia. Naaawa ako sa kanya dahil alam ko ngayon ay sobrang sinisisi niya 'yong sarili niya sa pagkamatay ni Paulo. Gustuhin ko mang ilihim sa kanya 'yong totoong dahilan ni Paulo, naisip ko na mas mabuti nang malaman na lang niya ang lahat. Sabi nga nila, the truth will set you free. At least, nakahingi na si Auntie ng tawad kay Paulo dahil sa mga pagkukulang niya.

"Kumusta na si Stacey?" tanong sa 'kin ni Auntie.

"Malungkot pa rin siya pero alam kong magiging okay rin naman siya," sagot ko.

"Juan Paulo really liked her. Sayang..." Nagsimula na naman siyang maiyak. Lumapit agad sa kanya si Mama para yakapin siya. "Sorry, ayokong maging pabigat sa inyo."

"Pia, it's okay. Alam naman namin 'yong pinagdadaanan mo. Nandito lang kami para sa 'yo." Pinunasan agad ni Auntie 'yong mga luha niya at pilit na ngumiti. "Everything will be okay."

Sana, sana maging maayos na rin ang lahat.

Umakyat na ako sa taas ng kwarto ko. Humiga agad ako sa kama ko dahil pakiramdam ko, pagod na pagod 'yong katawan ko. Isang linggo na rin simula nang mawala si Paulo at simula noon, hindi pa ako nakakatulog nang maayos. Isang linggo na rin pero 'yong sakit nandito pa at hindi ko alam kung mawawala pa ba 'yon.

"Pwede kang istorbohin?"

Napaupo agad ako sa boses ni Kuya Charles. Nakatayo siya sa pintuan ng kwarto ko at ang seryoso ng mukha niya. "May problema ba, Kuya?"

Lumapit siya at umupo sa kama ko. "Gusto lang kitang kumustahin." Hinarap ko siya.

"Sabi nga ni Mama, everything will be okay." Ngumiti siya sa 'kin tapos ginulo niya 'yong buhok ko. "Wae?"

"Alam kong malaki ka na, Candice, pero sana 'wag mong solohin 'yong problema mo. Naiintindihan ko naman 'yong ginawa mong paglihim sa 'min noon ng tungkol sa pagbabanta sa 'yo pero sana sinabi mo sa 'kin. I should have stopped these things from happening. Kuya mo ako at dapat ako 'yong nagtatanggol sa 'yo." Umiwas agad ako ng tingin kay Kuya. Siguro dahil guilty ako sa mga sinasabi niya. "Candice, mangako ka..." Kinuha niya 'yong kamay ko. "Mangako ka na magsasabi ka sa 'kin ng kahit anong problema. Mangako ka na hindi ka na maglilihim sa 'kin. Arasso?"

Tiningnan ko siya. "Pangako."

Niyakap ko si Kuya Charles at hindi ko na napigilan na umiyak. All this time kasi ay sinosolo ko lahat ng problema ko at wala na akong mapagsabihan ng sama ng loob ko.

"Simula nang mawala si Papa, nangako na ako sa sarili ko na ako na 'yong tatayong tatay sa pamilya natin. Ako na 'yong magbabantay sa inyo ni Mama kaya nga kapag nalalagay kayo sa panganib, sinisisi ko 'yong sarili ko dahil wala man lang akong nagawa. Candice, pamilya tayo kaya 'wag kang maglilihim sa 'min lalo na sa akin." Tama si Kuya. Pamilya kami.

"Sorry, Kuya. Sorry kung naging pasaway man ako sa 'yo. Pangako, magsasabi na ako sa 'yo ng lahat." Hinawakan na naman niya 'yong ulo ko tapos ginulo-gulo niya 'yong buhok ko.

"Matulog ka na at magpahinga," utos niya sa 'kin.

Humiga ako at si Kuya naman, nasa tabi ko lang habang kumakanta ng favorite kong lullaby. Katulad lang ng dati, papanoorin ako ni Kuya na matulog habang kinakantahan niya ako. Ang sarap sa pakiramdam ng ginagawa ni Kuya Charles, parang unti-unting nawawala 'yong sakit na nararamdaman ko.

"Salamat, Kuya Charles..." bulong ko pagkatapos ay hinayaan ko na 'yong sarili ko na makatulog.

Pagkatapos ng ilang oras na tulog, ginising ako ng sikat ng araw. Tumayo agad ako sa kama ko at nag-ayos. Masakit pa rin pero sa bawat araw na dumadaan, mas lalong gumagaan 'yong pakiramdam ko. Ayoko rin naman na magmukmok na lang nang matagal. Nangyari na ang lahat at kagaya ng naaalala ko sa sinabi ni Jeydon, everything is with reason.

Life goes on.

Bumaba ako ng kwarto at bumungad sa 'kin sina Mama. Nakita ko si Auntie Pia na dala-dala 'yong mga maleta niya. Ngayon na ba siya aalis?

"Candice, aalis na ang Auntie mo. Marami pa siyang kailangan asikasuhin sa Korea," sabi ni Mama.

Lumapit ako kay Auntie at niyakap siya. "Mag-ingat po kayo roon, Auntie."

"Salamat, Candice. I need to make myself busy para mas madali akong maka-recover. Alam kong ayaw ni Juan Paulo na nakikita akong malungkot at nasasaktan." Pinilit niyang ngumiti pero naiyak pa rin siya. "I will be fine. Sana kayo rin." Pinunasan niya 'yong mga luha sa mata niya. "Mag-ingat kayo. Hindi pa rin nahuhuli si Stella. Kapag nahanap na siya ng mga pulis, babalik agad ako rito." Kinabahan ako sa pagbanggit ng pangalan ni Stella.

"Manang maiwan ka na muna rito. Ihahatid namin si Auntie sa airport," bilin ni Kuya Charles. Tumango ako tapos umalis na sila kasama si Yaya.

Pumunta na lang ako sa kusina para kumain. Pakiramdam ko, gutom na gutom ako dahil sa isang linggo kong pagluluksa sa pagkamatay ni Paulo. Kailangan ko nang ayusin ang sarili ko. Tapos na ang sem break at bukas, pasukan na naman. Kailangan ko na ulit mag-focus kung gusto kong maka-graduate.

"Roo!" kahol ni Cholo.

Tinapos ko agad 'yong pagkain ko pagkatapos ay pinakain ko siya. Mukhang matagal pa sina Mama sa paghatid kay Auntie. Ayokong mag-isa rito sa bahay kaya minabuti ko muna na pumunta sa puntod ni papa.

Naglakad lang ako papunta roon since malapit lang naman siya sa amin. Pagdating ko, malinis pa rin 'yong puntod niya at may bulaklak pa. Malamang galing kay Auntie 'yong mga white roses na 'to.

"Hi, Papa." Umupo ako sa harap ng puntod niya pagkatapos ay nagsindi ako ng kandila. "Kasama niyo na ba riyan si Paulo?" Napatingala ako sa langit. Malapit na pala umulan. "Pakikumusta na lang po ako sa kanya. Tell him I miss him. I badly miss the both of you."

Humiga ako para mas lalo kong makita 'yong langit. Madilim siya na parang dinadamayan pa ako sa sitwasyon ko.

Kung iisipin, ang bilis ng mga pangyayari at hindi man lang ako nakapaghanda nang kahit konti. Sino nga bang makakapaghanda sa kamatayan?

"Bakit kaya gano'n, Papa? May mga taong hindi talaga kayang manatili sa buhay mo kahit anong pilit mo. Aalis at aalis pa rin sila sa tabi mo kahit na anong gawin mo."

Natawa na lang ako sa sarili kong tanong. Gano'n naman talaga ang ikot ng buhay ng tao e. May aalis at may darating. Ang importante na lang siguro ay kung paano mo papahalagahan 'yong mga oras na kasama mo sila. Bagay na hindi ko na-apply sa buhay ko dahil hindi ko nasulit 'yong mga panahon na sana kasama ko si Papa.

Pinikit ko sandali 'yong mga mata ko. Inalala ko lahat ng mga sandali na kasama ko si Paulo. Wala akong ibang maisip kung hindi 'yong mga ngiti at tawa niya. Lahat ng mga kalokohan at masasayang alala namin na lang 'yong pumapasok sa isip ko. Kahit papaano, masaya ako na 'yong masayang Juan Paulo ang naaalala ko at hindi 'yong Juan Paulo na duguan at malapit nang mamatay.

Kung tutuusin, pareho kami noon na nakaramdam ng galit sa taong akala namin ay nakasakit sa amin. Ako kay Jeydon, siya sa akin.

Pareho rin kaming naghangad maghiganti pero pareho lang din naman kaming nabigo.

"Tama ka, Papa. Walang magandang maidudulot ang paghihiganti," bulong ko habang nakapikit pa rin 'yong mga mata ko.

Maya-maya lang, unti-unti nang bumuhos 'yong ulan. Hindi ko minulat 'yong mata ko at hinayaan ko lang na mabasa ako ng ulan.

Minsan talaga, nakakagaan na mag-isa ka lang. Minsan, mas comforting pa 'yong katahimikan. Mas relaxed at mas peaceful.

Bigla na lang akong hindi nabasa kahit na rinig ko pa 'yong pagpatak ng ulan. Sa pagtataka ko, minulat ko 'yong mga mata ko.

"Baka magkasakit ka." Tumingala ako para makita kung sino 'yong nagsalita. Nakita ko si Jeydon na may hawak-hawak na payong. "Sumilong muna tayo?" Tumayo agad ako at inayos ko 'yong sarili ko. Sumunod na lang ako kay Jeydon at sumilong kami doon sa malaking puno na malapit.

"Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong ko sa kanya habang inabutan niya ako ng pamunas.

"Alam ng puso ko kung nasaan ka." Tinaasan ko siya ng kilay tapos tumawa siya. "Naisip ko lang na kung wala ka bahay niyo o kaya sa park, dito ka lang pwedeng pumunta." Hinawakan niya agad 'yong kamay ko. "Maayos ka na ba?" Biglang sumeryoso 'yong mukha niya.

"Ayos na ko. 'Wag ka nang mag-alala sa 'kin."

"Hindi pwede. Palagi akong mag-aalala sa 'yo." Habang sinasabi niya 'yon, nakatingin siya sa mata ko. "Mahal kita, Candice, kaya palagi akong mag-aalala para sa 'yo." Sa puntong 'yon parang namula bigla 'yong pisngi ko kaya umiwas agad ako ng tingin sa kanya. Natawa tuloy si Jeydon.

"Anong nakakatawa?" patay-malisya kong tanong. "Pinagtatawanan mo ba ako?" Hindi pa rin ako makatingin sa kanya. Nakakainis.

"Natutuwa lang ako kasi may epekto pa pala sa 'yo 'yong mga sinasabi ko." Napatingin ako sa kanya. "Akala ko kasi, balewala na ako para sa 'yo." Napatingin ako sa mata niya papunta sa labi niya. Sa puntong 'yon, parang gusto ko siyang halikan pero hindi ko lang magawa. Bakit ko nga ba siya hahalikan in the first place?

"Ah... hindi... ano..." Hindi ko na tuloy alam kung anong sasabihin ko. "Ah, wala." Ngumiti na lang si Jeydon sa 'kin. Ang stupid ng sagot ko. Baka isipin niyang balewala na siya sa 'kin.

"Candice..." Tiningnan ko ulit siya. Nakasandal siya sa puno at ang layo ng tingin niya. "Pwede bang dito lang ako sa tabi mo?" Magsasalita pa lang sana ako pero nagsalita na naman siya. "Hangga't hindi pa nahuhuli si Stella, alam kong nasa panganib ka pa kaya kung pwede sana, dito lang ako sa tabi mo para bantayan ka."

Sinandal ko na lang din 'yong sarili ko sa may puno. Pawala na rin 'yong ulan. "Hindi mo naman kailangang gawin 'yan, Jeydon, e. Ayokong maging pabigat sa 'yo."

"Kailan ka ba naging pabigat sa 'kin?" Napatingin na naman kami sa isa't isa. "Pakiramdam ko, tungkulin ko nang protektahan, alagaan, at mahalin ka." Unti-unti siyang lumapit sa 'kin. "Para sa 'kin, isa kang prinsesa at ako 'yong prinsipe mo."

Nakasandal pa rin ako sa may puno habang si Jeydon, sobrang lapit na sa 'kin. Bumilis agad 'yong tibok ng puso ko. Sobra akong kinakabahan, lalo na ngayon na sobrang lapit namin sa isa't isa.

"You know what? I want to kiss you so badly."

Napakagat ako bigla sa labi ko. "Ano bang sinasabi mo?"

"Shut up or I'll kiss you."

Ano bang naiisip ni Jeydon? Sa sinabi niya, may choice ba ako roon? Wala naman e.

"Jeydon, ano ba—"

"Do you really want me to kiss you?"

That question made me shut my mouth. Hindi ko na sinubukan na magsalita pa. Nakatingin lang siya sa mata ko na para niya akong tinutunaw. Tanging paglunok na lang ang nagagawa ko. Mahirap na baka kapag nagsalita ako, halikan niya nga talaga ako. Ano ba kasing binabalak niya?!

"Good girl," bulong niya. "You can speak now. I won't kiss you." Kusa siyang lumayo sa 'kin.

"Ano sa tingin mo 'yong ginagawa mo?!" tinarayan ko nga siya. "Weirdo mode ka na naman ba ha?" Akala ko tatawa siya pero naging seryoso siya tapos tiningnan na naman niya ako.

"I miss kissing you. Damn, I miss it."

Hindi ko alam kung bakit pero ang lakas ng impact sa 'kin ng bawat salitang sinabi ni Jeydon. Idagdag mo pa na ang sexy-sexy niya kapag nag-i-English siya. Nakakainis! Jeydon, what are you doing to me?

"Don't worry. I won't do it. Not now. I'll just wait for the right time and place," sabay kindat sa 'kin. Ako naman, nganga na lang ang nagawa ko. "But if you really want me to kiss you, why not?" Nag-evil smile siya tapos lumapit na naman siya sa 'kin. Sinamaan ko agad siya nang tingin kaya hindi na siya lumapit pa.

"Weirdo ka talaga."

"I'm just kidding. Miss ko lang na asarin ka." Ah gano'n? So 'yon talaga 'yong miss niya sa 'kin? 'Yog pang-aasar niya? Hmpf! "Miss ko lang 'yong kulitan natin."

"Miss ko na rin 'yon." 'Yong bibig ko, may pagka-weirdo na rin 'ata, automatic na sumasagot e. "Mabuti pa, umuwi na tayo."

Tumango siya tapos inalalayan niya akong tumayo. Nagpaalam ako sandali kay Papa tapos umuwi na kami ni Jeydon. Naglakad lang kaming dalawa papunta sa bahay.

No'ng nasa tapat na kami ng bahay, may nakita akong isang sasakyan. Nanlaki na lang 'yong mata ko no'ng na-realize ko kung kanino 'yon. At no'ng bumaba siya sa kotse niya, tama nga ako.

Siya nga 'yon. Oh, boy.

"Halmoni."

Continue Reading

You'll Also Like

59.6K 1.3K 25
Jansport High School is opened once again and this time Cody and his friends are out to save the souls of students from their fears. Will they be abl...
88.2M 2.1M 50
[BAD BOY 3] Si Jeydon Lopez ay isang certified bad boy. Buong buhay niya ay wala siyang ginawang tama. Bisyo, bulakbol at pakikipag-away ang palagi n...
37.7K 2.7K 11
A killer author. Gwapo sya pero sobra syang mapanakit. Ilang baldeng luha na ang aking naipon dahil sa mga Fictional Character na pinatay nya. Pano...
2M 76.6K 164
Sml? An epistolary.