Ang Pag-ibig ng Aswang [PUBLI...

Bởi DyslexicParanoia

3.7M 64.4K 5.7K

Katropa Series Book 1 [Completed] Language: Filipino Ang nobelang Ang Pag-ibig ng Aswang, ay isang pinaghalo... Xem Thêm

Ang Pag-ibig ng Aswang [Wattpad Version]
PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
Ang Pag-ibig ng Aswang Part 2
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
EPILOGO
INTERCONNECTED KATROPA SERIES

KABANATA 40

54.8K 1.3K 211
Bởi DyslexicParanoia

Helga's P.O.V.

Miss na miss ko na ang Jason ko. Kamusta na kaya ang mahal ko sa tatlong araw kong pagkawala? Inaasahan ko nang malamang ay nag-aalala na siya. Malamang umiiyak na 'yun o nagwawala. Hindi bale

...malapit na naman kami. Mayayakap ko na rin siya ulit, maamoy...mahahagkan. Hindi na ako makapaghintay. Lalong tumindi ang aking pananabik nang matanaw ko na silang naghihintay nina Benj, Luke at Tristan sa labas ng aming bahay.

"Mitch!" buong pananabik na pagsugod ni Benj kay Mitch na pasugod din namang yumakap sa binata. "Akala ko hindi na kita makikita." Humahagulhol ito habang nakasubsob sa kaliwang bahagi ng leeg ni Mitch. "I missed you so much... Ummmmm!" At doon na talaga sila naghalikan na parang walang nakakakita sa kanila.

"Love!" sigaw ko naman kay Jason habang lakad-takbo akong lumalapit sa kanya.

Pero...

Unti-unti ang pagbagal ng lakad ko nang matanaw ko na nang mas malapitan ang hitsura niya.

Hindi siya kumikibo. Nakatayo lang siya roon habang nakatingin sa akin nang matalim na parang galit na galit siya sa akin. Mga sampung hakbang mula sa kinatatayuan niya ay huminto na rin ako sa paglapit. Ang pananabik ko ngayon ay napalitan na ng pagtataka.

"J-Jason?!" mahinang sambit ko.

Hindi siya umimik. Bagkus ay inilihis lang niya ang tingin sa aking likuran. Nilingon ko iyon at noon ko na napansing nakatitig siya kay Manuel na siya namang may buhat-buhat kay Jasper. Lalong kumunot ang noo niya habang pabalik-balik ang matatalim na titig sa akin, kay Manuel at sa anak naming si Jasper.

"J-Jason...nandito na kami." Nilapitan ko siya at ipinulupot ang aking mga braso sa kanyang katawan. "We missed you so much." Tiningala ko ang mukha niya at nakita kong nakasimangot pa rin siya.

Hindi man lang niya ako niyakap pabalik. Para lang siyang estatwang nakatayo habang nakikipagtitigan nang masama kay Manuel. Dahil dito ay kumalas na ako at umatras.

Ano ba ang nangyayari? Bakit ganito ang pagsalubong sa akin ni Jason?

Napalingon ako kay Benj at kay Mitch na hanggang ngayon ay naghahalikan pa rin. Nainggit tuloy ako. Hindi ganito ang pagsalubong na inasahan ko.

"Jason, n-nandito na kami..." pag-uulit ko na may pilit na ngiti.

"I can see that. Anong palagay mo sa akin, bulag?" Ang lamig ng pagkakasabi niya na medyo nangiginig pa. "Tingnan mo nga naman," tatawa-tawang sabi niya habang nakatitig kay Manuel at Jasper. "Magkamukha sila, hindi ba?"

"H-ha?!" bulalas ko.

"Si Manuel at si Jasper kako. Magkamukha na, magkakulay pa." Halatang fake ang ngiti at pagtawa niya. "Hindi ba mga pare?" sabay lingon sa mga kabarkada niya na nagtataka rin sa ikinikilos niya. Napahinto tuloy sa paghahalikan sina Benj at ni Mitch para lang tingnan siya. Hindi naman nagsalita ang kahit sino sa kanila. Nakakunot din kanilang ang mga noo sa kakaibang ikinikilos ng kabarkada nila. "Hindi kaya..." Nakangisi itong tumingin sa akin. "Sila naman talaga ang mag-ama?"

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"Alam mo na ang ibig kong sabihin, Helga!" bulyaw niya habang nanlilisik ang kanyang mga mata.

Hindi ako makapagsalita sa sobrang gulat. Ilang sandali pa, unti-unti naman akong nakaramdam ng tila may masakit na sumasaksak sa aking dibdib.

"Kung sa bagay..." dugtong niya. "Naging kayo naman bago naging tayo, hindi ba?" Naroon na naman ang fake na ngiti niya. "Hindi ba..." Tatawa-tawa siya na halatang peke rin. "Nahuli ko pa nga kayo noon sa sinehan?" Sumulyap siya sa lahat ng taong nakapaligid sa amin. "Malay ko ba kung ganun talaga kayo kapag nakatalikod ako."

"Hoy Jaze!" sigaw ni Mitch. "Anong katarantaduhan ba 'yang pinagsasasabi mo, ha? Nalagay na nga ang buhay ng mag-ina mo sa panganib, ganyan pa ang salubong mo?!"

"Ah, oo nga naman pala..." nang-uuyam na sagot ni Jason kay Mitch. "Kinidnap kayo ng lalaking ito," sabay turo kay Manuel. "Na siya rin namang nag-sauli sa inyo ngayon!"

"Hindi mo alam ang sinasabi mo, Jason," pagsingit naman ni Manuel.

"Bakit ka sumasagot?! Kinakausap ba kita?!" galit na galit na bulyaw ni Jason kay Manuel. "Tatlong araw mong nasolo ang asawa ko ah!" sambit niya habang nakangisi. "Ano? Masarap ba siya?!"

'Yun na ang sukdulan ng pagtitimpi ko kaya naman nilapitan ko na si Jason at...

*PAK!* sabay iyak.

"Kung alam ko lang na ganito ang isasalubong mo sa akin...sana hindi na lang ako bumalik." Nahihirapan pa akong magsalita dahil hindi ko mapigilan ang aking paghikbi. "Kung alam ko lang na ganyan pala talaga kababa ang tingin mo sa pagkababae ko...sana... Sana—"

"Sana ano?" habang nakangiti nang peke. "Sana 'yang Aswang na 'yan na lang ang pinakasalan mo?" Muli niyang dinuro si Manuel.

"Sana siya na lang ang minahal ko."

Ayokong sabihin iyon. Pero nasagad na ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko. Sino ba naman ang hindi magdaramdam? Ako na nga itong napagod nang tatlong araw dahil sa kung anu-anong aberya habang sobrang nami-miss ko siya, tapos imbis na ipakita niyang na-miss din niya ako, ang isinalubong pa niya ay mga pagbibintang at pagdududa?

"Eh di siya na ang mahalin mo simula ngayon." Nakabungisngis pa ito. "Ano? Gusto mo ng hiwalayan? Let's do it then! Ngayon na! Pero teka...mas maganda yata kung ipawalang bisa na rin natin ang ating kasal para naman nang sa ganun, eh mapakasalan mo na ang Aswang na 'yan." Humalukipkip pa siya na may sobrang angas na tindig. "Di yata't ako pa ang sagabal sa inyo. Tutal mas bagay naman talaga kayo. Pareho naman kayong hindi purong tao, hindi ba? At saka...blah...blah...blah..."

Salita pa siya nang salita pero halos wala na akong marinig. Wala na kasing nangingibabaw sa akin kung hindi ang sobrang sakit sa aking dibdib.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2013, All rights reserved.

Sakit na nakakabingi. Sakit na nakakaiyak. Sakit na mas gugustuhin kong mamatay na lamang kesa maramdaman ko pa.

Nanlulupaypay ako. Nanghihina. Wala akong makapitan kaya't lumapit na lang ako kay Manuel at tumuon sa kanyang kanang balikat.

"Manahimik ka na nga!" galit na galit na sigaw ni Manuel kay Jason.

Natahimik si Jason at nakipagtitigan na lang kay Manuel.

"Kailangan ba talagang saktan mo pa siya kung ayaw mo na talaga sa kanya?" mas kalmadong dugtong ni Manuel. "Ako na ang nagsasabi sa iyo na walang namamagitan sa amin ni Helga!" Sumulyap siya sa akin. "Ikaw ang mahal niya. Ikaw ang pinili niya. Ikaw ang pinakasalan niya. At ikaw ang ama ng anak niya!"

"Huwag ka nang makipagtalo sa kanya, Manuel..." nanghihinang bulong ko. Huminto naman siya. "Ayoko nang ipilit ang sarili ko sa kanya. Kukunin ko lang ang ilan sa mga gamit at damit naming mag-ina sa loob. Pakihatid mo na lang ako sa condo ni Mama."

Mukhang namang hindi gaanong narinig ni Jason ang ibinubulong ko kay Manuel kaya't nasulyapan kong medyo napakunot siya.

"Gusto mo bang samahan kita?" bulong niya pabalik.

"Oo," sabay hila ko sa braso niya papasok ng bahay.

"Saan kayo pupunta?!" tanong ni Jason na ngayon ay natataranta naman sa pag-aalala lalo na nang magsimula na akong mag-impake.

"Ano naman sa iyo?" nanghihinang sabi ko habang iwas ang tingin sa kanya. "Hindi ba't maghihiwalay na naman tayo?" Tuloy-tuloy ang pag-iimpake ko sa dalawang maleta naming mag-ina. "Huwag kang mag-alala, ako na ang magpa-file ng annulment natin para hindi ka na magastusan." Isinara ko na ang maleta ni Jasper. "At huwag ka na ring mag-alala dahil hindi rin kita hihingan ng sustento..." Isinara ko na rin ang maleta ko. "Tutal, hindi mo naman siya anak hindi ba?" Tumunghay na ako at tiningnan siya.

Malungkot ang kanyang mukha. Mababakas ang pagsisi sa iniasal niya kanina.

Basang-basa ko na ang ugali ni Jason. Alam kong nagseselos lang siya kaya siya nag-inarte nang ganoon. Masyadong matalas ang dila niya at nakakapagsalita ng kung anu-ano subalit alam ko namang hindi niya iyon sinasadya. Iyon ang medyo tagilid sa ugali niya na madalas ay pinalalampas ko na lamang.

Pero...

Hindi ngayon. Masyadong masakit ang mga sinabi niya lalo na nang pagdudahan niya na siya ang ama ng anak naming si Jasper sa harap pa mismo ni Manuel, Mitch at ng mga kaibigan niya. Mabuti na lang at hindi pa nakakaintindi ang anak namin. Paano pala kung nakakaintindi na siya? Sigurado akong masasaktan 'yun.

"I'm sorry, Helga..." umiiyak na pagsusumamo ni Jason habang kinukuha ko si Jasper kay Manuel upang mabuhat niya ang dalawang maleta naming mag-ina na dinala naman agad niya sa compartment ng kotse niyang sinakyan namin ni Mitch kanina.

"I'm sorry din, Jason," kalmadong sagot ko sa kanya. "Pero hanggang dito na lang ang kaya ko. Hanggang dito na lang talaga siguro tayo."

Umiyak na ako at saka tuluyan nang lumakad paalis.

"Grabe naman pala ang tabil ng dila ng Ilocanong 'yun," pabirong sabi sa akin ni Manuel habang nagmamaneho papunta sa condo unit ni Mama.

"Sinabi mo pa. Ang hilig nung magsalita ng kung anu-ano na pagsisihan din naman niya pagkatapos."

"Paano na? Hiwalayan na ba talaga?!"

"Ewan ko. Para ngang gusto ko na naman siyang patawarin kanina dahil miss na miss ko na talaga siya. Paano naman kasi, kilala ko na siya. Alam kong hindi bukal sa loob niya ang kanyang mga sinabi. Grabe lang kasi talaga ang pagkaseloso ng taong 'yun, lalo na pagdating sa'yo. Pero alam mo kasi, kailangan niyang matuto na itikom ang bibig niya kapag nagagalit siya. Paano na lang pala kung malaki na si Jasper at naiintindihan na 'yung mga sinasabi niya? Baka magrebelde pa 'yung bata sa kanya sa katabilan ng dila niya."

"Napakasuwerte talaga ng negrong 'yun sa iyo." Iiling-iling si Manuel.

"Bakit ba negro ang tawag mo kay Jason, eh hindi naman siya maitim. Kayumanggi po ang tawag dun. Katulad ko...kayumanggi din."

"Pagbigyan mo na ako. Doon na lang nga ako nakakaganti sa pang-aagaw niya sa iyo sa akin eh."

Natatawa ako dito kay Manuel. Sino ba kasi ang mag-aakalang ang gwapong mestisong ito ay isang Aswang?

"Manuel, magmadali ka!" bungad ni Mama pagbukas pa lang niya ng pinto. Hinila niya kami pareho papasok sa kanyang condo.

"Nakaabot na kay Lucio ang nangyari sa Konseho. Kailangan mong bumalik agad doon para hindi ka pagdudahan."

"Ngayon na ho?"

"Oo, ngayon na! Sinabihan ko na ang mga kasamahan natin para pagtakpan ka sandali pero kailangan mong magmadali. Kailangang naroon ka na bago pa siya makahalata."

"Opo."

Tumango naman muna sa akin si Manuel bago siya humagunot paalis.

"Mama...mapapapahamak po ba si Manuel sa pagkampi sa atin?"

"He will be...kung hindi siya mag-iingat."

Samantala...

Jason's P.O.V.

"Anong iniiyak, iyak mo dyan?" mataray na singhal sa akin ni Mitch.

"A-anong gagawin ko Mitch? Saan kaya niya dinala si Helga?"

"Magpakamatay ka na! 'Yun ang gawin mo!" bulyaw ni Mitch habang pinandidilatan ako ng mata. "At ano naman sa iyo kung saan siya dinala? Hindi ba ikaw ang naghamon ng hiwalayan? O ayan, nakuha mo na ang special request mo! Kaya para que pa na malaman mo kung saan sila nagpunta? Use your imagination na lang siguro. Hindi ba 'nag-aano' naman kamo sila kapag nakatalikod ka? Oh di baka ganun nga. Anong oras na ba?" Tumingin siya sa relo niya. "Oh yan, mag-iisang oras na. Baka nakaka-ilang round na rin sila! Maluwag naman 'yung kotse ni Manuel kaya baka doon na rin nila ginawa. Hmp."

"Hindi ko naman sinasadyang sabihi—"

"'Yun na nga ang hirap sa iyo, pare eh," si Luke. "Matalinong tao ka naman...pero bakit may mga pagkakataon na nagsasalita ka muna bago ka mag-isip? Nakakaawa naman ang mag-ina mo. Imbis na matuwa ka at nakabalik sila nang maayos, inuna mo pa ang pagseselos mo."

"At tama ba namang pagdudahan mo na anak mo si Jasper?" pagsingit naman ni Benj. "Dahil lang ba sa iba ang kulay niya?"

"FYI, Jaze!" pabulyaw na sabat naman ni Mitch. "Right from Tita Marietta's elegant mouth, nagmana si Jasper sa lolo niya dahil may dugong Aleman daw ang father ng biyenan mo. Hmp. Kawawa naman si baby Jazz. 'Wag lang sana niya itong malaman paglaki niya."

Diyos ko, ano ba naman kasing pag-uugali meron ako? Lalo tuloy akong nangungulila sa mag-ina ko. Ngayong gusto ko na silang mayakap, wala naman sila. Iniwan na nila ako. Gago kasi ako.

Paano na kaya ito?

***

"Mama, nagbabakasakali lang po ako." Pinuntahan ko ang aking biyenan sa bagong condo unit niya. "Nariyan po ba ang aking mag-ina?"

"Oh Jason!" nakangiting bati niya. Mukhang wala siyang alam sa tampuhan namin ni Helga. "Pasok ka." Pinatuloy niya ako at pinaupo. "Natutulog pa ang iyong mag-ina. Ilang araw na rin kasing walang tulog ang iyong asawa. Gusto mo ba ng maiinom?"

"Hindi na po... Salamat na lang po, Mama. Gusto ko lang po silang makita at sunduin."

"Ganun ba? Oh siya halika, ihahatid kita sa silid nila."

Nauna siyang maglakad habang sinusundan ko lang siya. Huminto kami sa ikalawang pinto at saka niya iyon binuksan para sa akin.

"Oh siya, pasok na, anak," bulong niya. "Pero hayaan mo na muna siyang makatulog ha? Umidlip ka na lang sa tabi ni Helga kung gusto mo."

"Salamat po, Mama," bulong ko pabalik.

"Walang anuman. Nasa labas lang ako kung may kailangan ka, ok?"

"Opo."

At isinara na niya ang pinto.

Hinubad ko ang aking sapatos at dahan-dahang gumapang sa kamang hinihigaan ng mag-ina ko. Humiga ako sa kabilang tabi kaya't napapaggitnaan na namin si Jasper.

Tulog na tulog sila pareho. Wala akong ginawa kundi ang pagmasdan sila. Napaluluha ako kapag naalala ko ang masasakit na salitang ibinato ko sa kanya kani-kanina lang. Hindi ko mapatawad ang sarili ko. Ngayon ko labis napapagtanto na masasakit nga talaga ang mga naging paratang ko.

"Jason..." tinig iyon ni Helga na umalingawngaw sa pandinig ko.

Nakatulog pala ako at ngayon ay si Helga pa ang gumising sa akin. Si Jasper naman ay gising na rin. Kaya naman pala mainit-init at mamasa-masa ang dulo ng ilong ko. Isinusubo pala ito ni Jasper.

"Helga?" umiiyak na bungad ko sa kanya na halos kasabay ng pagbangon ko habang yapos-yapos ko si Jasper at hinahalikan ang ulo nitong wala pang masyadong buhok.

Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa akin.

"Helga, I'm sorry... Hindi ko sinasadya." Humagulhol na ako habang hinahalikan pa rin si Jasper sa ulo. "Patawarin mo na ako. Umuwi na tayo."

"Hindi naman parati na lang ganon, Jason." Malungkot ang kanyang mga mata. "Buti kung ako lang ang masasaktan mo sa mga pananalita mo."

"Patawarin mo na ako. Hindi na ako uulit, Helga. Pangako. Hindi na mangyayari ulit 'yun."

"Hindi ko alam, Jason. Sa ngayon, mas makabubuting maghiwalay na lang muna tayo. Masakit pa kasi eh. Pero bago iyon, gusto kong maunawaan mo na ang salita, kapag binitiwan mo na, hindi mo na mababawi. May mga salitang nakakagasgas lang kaya't madaling balewalain. Pero meron din namang nakakapanaksak at nag-iiwan ng malaking sugat na matagal bago gumaling at maghilom. At kung maghilom man, may pilat na. Kaya naman kahit anong gawin mo ay hindi mo na makakalimutan ang sugat na pinagmulan noon."

"Pero Helga..."

"Igalang mo ang desisyon ko, Jason. Umuwi ka na. Hintayin mo na lang ang liham na ipapadala ng abogado ko."

"Ayokong maghiwalay tayo, Helga. Please naman. Patawarin mo na ako. Isang pagkakataon pa, kahit huli na ito."

"Umalis ka na, Jason," malumanay na sabi niya.

"Pero Helga....hindi ko na kayang mabuhay nang wala ka."

"Sana inisip mo muna 'yan bago ka nagbitaw ng mga masasakit na salita." Hindi siya nakatingin sa akin.

"Helga..."

Kinuha niya si Jasper sa akin at lumayo paatras nang ilang hakbang.

"Ayoko na, Jason. Hanggang dito na lang tayo."

[Itutuloy]

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

4.3M 121K 114
Katropa Series Book 9 [Completed] Language: Filipino Bago pa man maipanganak si JASPER, itinakda na ng propesiya mula sa aklat ng angkan ng mga Vill...
286K 3.3K 59
Hindi ako maganda , DYOSA ako. Hindi ako matalino, GENIUS ako. Hindi ako maldita, BITCH ako. Huwag ka nang umangal, basta sadyang pinagpala lang ako...
69.5K 1.8K 32
Read at your own risk!
505K 3K 7
Nangarap ka na rin ba na magkaroon ng boyfriend? Paano kung nasobrahan ang bigay sa 'yo ni Lord? Meet Eden, ang nawawalang prinsesa mula sa Planet Ma...