Ynna’s POV
“Ayaw, ayaw! Ibaba niyo ako ditoooo!!” Huhu! Ayoko naaaa! Takot ako sa matataas! Lalo na sa gumagalaw sa mataas!!
“Woooooo! Ang saya saya! Sabay tayong sisigaw lahat ah!” Brian
“Sheeeeeeeeeeeeeet! This is so fuuuun!” Haera
“Chugu chugu chu chu!!” Myko
Apparently, nakasakay kami sa roller coaster. At ayaw nila akong iwan dahil ako lang daw ang hindi sasakay pag nagkataon.
“Sayang wala si Ry! Akala ko pa naman kahapon lang siya may shoot. Last day na lang natin ngayon eh.” -3- Jianne
“Don’t worry about him, Ji. I’m sure susunod din yun mamaya, baka may ginawa lang. For now, let’s gooooooooooooo!!!”
AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!! Gumalaw na yung roller coaster! Ayoko naaa! Mamamatay na ako! Good bye world! T______T
.
.
.
Swear. Hindi na talaga ko sasakay sa ganun ulit. Huhuhu. T__T
“Okay ka lang ba?” tanong ni Grey sa akin.
“Nagkanda bali bali ‘tong leeg ko, tapos tatanungin mo ako kung okay lang ako? Ikaw, okay ka lang?!” sabay sabi ni Brian habang naka boses pambabae. Kumakain kaming lahat dito sa isang stand sa may amusement park.
“Dude, the hell’s wrong with you?” Myko
“Dude, line yan ni Anne Curtis dun sa movie niya kasama si Sam Milby. Di mo ba naaalala? Kakapanood lang natin yan last week ah, sabi mo pa nga nakaka turn-on dun ang role—“
Hindi pa natapos magsalita si Brian eh sinaksak na ni Myko ang isang malaking hotdog sandwich sa bibig nito.
“Masarap diba? Kain pa, kain pa!”sabay push pa ng hotdog. “Eto pa popcorn!” Haha! Kaya naman pala eh, nanlisik yung mata ni Haera sa kanila nung sinabi ni Brian yun. XD
“Arfhfsdhgfasgjdasgjgda!” pag mumble ni Brian! Hahaha! Mamatay talaga ako kakatawa sa dalawang ‘to!
“Greeeeeeey!” Sabay uyog uyog ko nung kamay niya kasi hindi pa rin ako maka get over sa lecheng roller coaster na yun.
“Sorry nahuli ako ng dating, sana nasamahan na lang kita habang nasa roller coaster sila.”
“Waaaaaaaaaaaaaah! San ka ba galing?”
“I just had to take care of something. Sorry talaga Ynna. Promise, hindi na talaga kita iiwan kasama ‘tong mga mokong na ‘to.”
“Narinig niyo yun?” sabay turo ka sa kanilang lima. “Hindi niyo na ako mapapasunod sa inyo! Muahaha!”
“Aiiishhh. And the knight in shining armor appears.” Sabi naman ni Jianne. “KJ ka rin Grey eh! We were just having fun with Ynna, you know.” Tapos nag wink siya sakin. Huhu! Ang sama ni Jianne! T__T
After that, kung ano ano pang rides ang mga sinakyan namin. And true to his word, hindi ako iniwan ni Grey nung ginusto nanaman ulit sumakay sa kung anong matataas na rides ang 5 musketeers na yun. Nag ikot ikot lang kami at kumain ng kung ano ano. Nanood din kami sa parang 3d na movie house at nanood ng parade ng mga animated animals na hindi ko alam kung sino. May sarili naman kasing animation ang Korea na hindi namin alam eh.
“Ang cute mo!” sabi ko kay Grey. Nakasuot kasi siya ng black na dog ears na headband habang ako naman kulay pink.
“Doesn’t it look weird?” tanong niya.
“Hindi kaya! Para kang… hmm… oversized Chihuahua!”
“Sabi mo eh. Arf arf!” sabay gawa niya nga dog movements. Hahahaha!
.
.
“That was one hell of a ride!!!” Jianne
“Nandito na kayo?” Grey
“Wala! Nandun kami sa kabila, gusto mo kaming salubungin?” ^__^V Ailee
“Sorry to interrupt you, lovebirds, pero we can’t leave you out of the fun! Maggagabi na oh, we need to play one last game bago tayo umuwi!” Jianne
“Alam ko na!” sigaw ni Haera. “Let’s play that!” habang tinuturo yung binebenta ng isang manong.
.
.
.
“What’s up with these animal masks Haera?” tanong ni Ailee.
“Mag hahayop-hayupan tayo! Diba babes?” Myko
“Hayop your face! Mas hayop pa ang mukha mo kesa sa mga animal masks na ‘to!” pag-inis naman niya kay Myko. “Anyway, I just thought we could play hide and seek around here! Ang dami kasing naka animal mask at naka head band, mukhang masaya!!”
Ay nako na lang talaga! Sino naman ang papayag sasobrang childish na game na—
“Ang sayaaa!” Ailee
“That sounds cool!” Jianne
“Dun ako sa ilalim ng fountain!” Myko
“Dun ako sa likod ng halaman!” Brian
-____-
Talaga.
Di nagtagal eh nag decide na kami kung sino yung unang ‘it’ at minalas din naman si Haera na siya yung na una. Ako may cat mask, si Haera may pig, si Jianne may tiger, si Ailee may chicken, si Myko may monkey, si Brian may bird, at si Grey may dog mask.
“Okay, I’ll remember all your masks. Mag bibilang lang ako hanggang 30!”
Kanya kanya na kaming nagtatakbo at naghanap ng matataguan. San ba magandang magtago? HELP! Ahhh! Natataranta na ako! >__<
“Dito, dito—ay hindee! Ang obvious. Teka, teka…” tapos tumakbo naman ako sa kabila dun sa likod ng isang building. “Yes! Wala nang makakahanap sakin dito!”
After 5 minutes…
Zzzzzz…
Zzzzzz….
ZZZ…..
A/N: Nakatulog siya. -__-
“Ano ba! Natutulog yung tao eh!” nakakainis, sino ba ‘tong umuuyog sakin?!
*uyog* *uyog*
O________________O
“Aissshh! Bakit ako nakatulog?!” sabay hampasng ulo ko. Nakakainis talaga akooo!
Lumingon naman ako sa nandun sa likod ko at isang dog mask ang nakita ko.
“Grey—“ isisigaw ko na sana yung pangalan niya nung bigla siyang nag sign na tumahimik at bigla niyang tinuro na malapit pala si Haera kung nasaan kami. Nakatulog na ako, wala pa rin siyang nahahanap?! -__-
Hindi na siya nagsalita at kinuha yung kamay ko para tumakbo.
(Play music at multimedia! )
Dito na kami nakarating sa parang kakahuyan sa likod ng park. Siguro nga ito na yung safest place para sa amin. Pero sa kinagitnaan ng pagtatakbo namin, nadapa si Grey! May bato kasi na nakaharang tsaka madilim pa.
“Grey! Okay ka lang?!” Napatingin naman siya sa akin at nag nod.
“Yeah.”mahina niyang sabi. Ganun siguro niya kagusto manalo at ayaw niya talagang magparinig. Pero ang dumi dumi na ngayon ng mask niya pati ng polo niya, tapos nagkagalos galos yung kamay niya.
“Naman kasi. Pwede naman tayong magpahuli na lang. Akin na nga yang kamay mo…” Tinanggal ko yung mask ko at kinuha ko yung kamay niya sa left tapos ni wrap ko gamit ng handkerchief na dala ko. Meron din siyang maliit na galos sa right hand pero hindi ko na ginalaw kasi hindi naman ganun ka laki.
“Ganda ko ‘no?” I jokingly said. Kanina pa kasi nakatingin eh. >_<
Tumawa siya ng mahina.
*booooom!* *booooooom!*
“Uwaaaaaaaaaah! Fireworks! Tignan mo Grey! Ang ganda!!!” sabay tingala ko para tignan yung madaming colors ng fireworks. Namamangha talaga ko kung paano sila nakakagawa ng ganitong ganda. Para bang hindi gawa ng tao.
“Grey?”
Nung hindi na siya nagsalita, ibinalik ko yung tingin ko sa kanya only to find him raising the lower part of his mask. Sa dilim ng paligid at sa ilaw na binibigay ng fireworks, tanging ang bibig lang niya ang napansin ko habang lumalapit ito sa mukha ko.
And he kissed me on the cheeks.
“Ynna!!” sigaw ng isang babae. Parang boses ni Jianne?
Lumingon ako para siguraduhin na siya nga yun at hindi ako nagkamali.
“Grey, halika na, baka hinahanap na nila tayo!” Don’t be awkward, Ynna.
Shet. Hinalikan ako ni Grey. Sa cheeks lang naman pero… pero… ayaw tumahimik ng tibok ng puso ko.
“Ynna!” sabi ni Jianne. “We were worried about you! Kayo na lang ni Grey ang hindi namin nahahanap, akala namin kung ano na ang nangyari sa inyo!”
“Hala! Sorry talaga! Ang galing kasi mag tago ni Grey eh!”
“Haha! Si Grey pa! The best sa hide and seek yan eh! Walang nakakatalo diyan
maliban kay Ry! Hayop sa hide and seek ang dalawang yun!” sabi naman ni Myko.
Natawa na lang ako, at nung lumingon ako, nakita ko rin si Grey na nakasuot pa rin ng mask niya habang papalapit sa amin.
“Whew! Ang tagal niyo naman, yan tuloy, lumabas na lang ako. Akala ko iniwan niyo na ako!!”
Pawis na pawis si Grey pagpasok niya. Pero may isang bagay akong napansin. Malinis na yung mask niya. Siguro nilinis niya on the way. Ang bilis talaga nito!
“The best ka talaga dude!” tapos nag handshake sila nina Myko at Brian.
Teka… yung… ha?
“San ka ba nagtago?!” Myko
“Just around the corner. You know I don’t tell anybody my hiding place.” tapos tumingin siya sakin at nag wink. Napangiti na lang ako. Naalala ko naman yung ginawa niya kanina. >///<
Napagdesisyunan na naming bumalik sa hotel kasi pagod na rin kaming lahat. Pagdating namin, tamang tama din ang pagdating ni sungit. Nauna lang siya ng konti sa amin kaya nung tinawag siya ni Brian eh lumingon naman siya.
“Bro, nandito ka na pala. How’d the shoot go? Mukhang haggard ka ah?” tanong ni Brian sa kanya.
“Yeah. Cool. Just tired.” Sabi niya.
“Ry! What happened to—“ sabi ni Jianne tapos bigla na lang siyang nagsalita habang mabilis na may pinasok sa bulsa niya na para bang may tinatago.
“Let’s go in.”
Pero may isang kamay siyang hindi natago, hindi din pwede diba? Walang sugat sa right hand. At least, wala akong nakita. Buti naman.
“Miss! Miss!” sigaw ng isang lalaki sa likod ko.
May sinabi siya kay Ailee na katabi ko at may binigay na paper bag.
“Naiwan daw nung lalaking pasahero niya kanina. Kasama daw natin. Baka siguro kay Ry. Give this to him, I’m going to the store first. Okay?”
Sa hindi ko alam na curiosity eh binuksan ko yung paper bag na bigay ni manong taxi driver.
A dirty dog mask and polo.