P2: Reality (Last Part)

By xdamselindistress

85 0 0

Sa tatlong taon na nagdaan, marami na ang nagbago. Hindi na tulad nung dati, Wala na yung dating 'TAYO' dahil... More

A/N

Reality (Last Part)

22 0 0
By xdamselindistress

CHANNEL'S POV

..."Manager! May gustong kumausap sayo sa Table number 15" sabi sakin ni Gelai, waitress dito.

"Bakit daw?" Tanong ko

"Hindi ko po alam, Pinapatawag nalang po kayo ee." Sagot niya.

"Osge. Punta nako dun. Paki bantayan nalang tong mga papers dito" sagot ko at umalis na.

Nilingon ko yung table 15 at may nakita akong lalake, Nakatalikod....

Lumakad na ako papalapit sa table 15, Pero parang may iba ee. Hindi ko alam pero parang natatakot akong harapin yung taong naka talalikod. Ng nasa tabi na niya ako, nagsalita ako

"Sir? I'm the manager of this restaurant, Bakit po?" Tanong ko sakanya.

Unti unti niya akong nilingon, Sa pagkakataong iyon, gusto ko siyang yakapin. Gusto kong Sabihin sakanya kong gaaano ko siya namiss. Hindi ko maintindihan, pero imbes na galit yung maramdaman ko para sakanya, Nangingibabaw parin yung pagmamahal ko para sa lalaking kaharap ko ngayon... Josh.

"Chan, Can we talk?" Tanong niya sakin

"A-ano pa bang paguusapan natin Josh?" Tanong ko

"About 'US'" sagot niya. Walanjo! Nagpapatawa ba to?! Matagal na kaming WALA! Siya nga tong nang gago at umalis nalang! Nakakainsulto rin ee!

"Us? Wow! Really huh? May nag e-exist pa palang "US" sating dalawa Josh. You should've atleast told me para naman na inform ako, nakakahiya naman sayo ee" sarkastikong sabi ko sakanya. Tss.

"Look, Channel, I'm sorry okay? I'm really really sorry" Sabi niya at hinawakan pa niya ako sa kamay. Namiss ko to, Namiss ko yung kamay niya, pero hindi ee. NaMiss ko siya, pero wala ng spark. Wala na yung "Dati"

Inalis ko yung pagkakahawak niya sa kamay ko

"Sorry? Wow! Para san? Para sa mga pang gagago mo saken? Para sa mga katarantaduhang ginawa mo saken? Para sa mga pasakit na binigay mo saken noon? Fckshit huh. Kung sana ganon lng kadali ang magpatawad, ginawa ko na, Pero Josh, It takes time para magpatawad at para makalimot. 3 years Josh! Tatlong taon kitang hinintay! Gabi-gabi, umiiyak ako dahil sayo. Halos mabaliw na ako't lahat-lahat kakaisip kong may nagawa ba akong mali, Kung saan ba ako nagkulang" Sagot ko sakanya. Hindi ko na napigilan yung ma luha ko, tumulo nalang sila bigla. Akmang lalapit sana siya sakin para punasan yung mga luha ko pero agad agad akong umatras patalikod at pinunasan yung mga traydor kong luha

"Stop right there, Josh. Don't you dare come near me"

"Please, Chan. Hayaan mo akong magpaliwanag. Please" pagmamakaawa niya saken. Halatang nasasaktan na din siya. Gusto ko siyang yakapin at sabihing 'tahan na Josh. Wag kang magalala, Napatawad na kita' pero bat ko naman yun gagawin? Minsan na akong naging tanga at hindi ako ganon kagago para maging tanga ulit.

"Bat naman kita pagbibigyan? Nagmakaawa din naman ako sayo nun ee, pero anong ginawa mo? You chose to be with her, you didn't even bother fighting for me, and now you're infront of me asking to give you another chance? Wow! Just Wow!" Sagot ko sakanya at pumalakpak pa, nag tinginan lahat ng tao sa restau. pero hindi ko sila pinansin.

"Ano ba Chan! Hayaan mo lng akong magpaliwanag, hindi mo pa magawa?!"

"Ang kapal din naman ng mukha mo ee no?! Ee bakit ikaw? Hinintay kita noon ng tatlong taon para puntahan ako at magpaliwanag pero hindi mo nagawa! Ang gago mo josh! Bakit ha? San ba ako nagkulang?! Ano bang ginawa ko sayo para parusahan mo ako ng ganito kagrabe?!"

"Channel, Please. Kahit ngayon lng. Hayaan mo akong magpaliwanag. Hindi ka nagkulang, Naduwag lng talaga ako nun, Please. Let me explain my side" sabi niya at pinaupo niya ko sa kaharap niyang upuan. Nanghihina na ako kaya umupo na rin ako. Kunting kunti nalang talaga mag bre-break down na ako.

"Ganito kasi yun noon Channel. Nasa park na ako noon nung nagpakita si Katie. It all started nung sinabi niyang balikan ko siya. That it's much better kung layuan kita dahil kung hindi ko yun gagawin, Something bad might happen to you or kahit family mo at ayaw ko yung mangyari. Hindi ko kaya. I choose to be with her because I don't want to take all the risks. Hindi ko alam kong ano yung gagawin ko noon. Believe me, I didn't even had the intention to kiss her. Chan, I want you back. I want the old us back. I still love you. I still do"

Noong narinig ko yung paliwanag ni Josh, Dun na ako naiyak ng sobra. Pero ang sakit ee. Hindi niya ako pinaglaban.

"Bat mo sinasabi lahat ng yan ngayon sakin?" Tanong ko kay Josh

"Kasi hindi ko na kayang itago pa. Ang sakit na kasi Channel ee. Hindi ko na kaya" sagot niya, habang may tumutulong luha sa mga mata niya.

Pinagtitinginan na nga kami nga mga tao dito ee, Pero hindi ko sila pinansin.

"Ee ako Josh? Anong akala mo? Hindi ako nasasaktan?!"

"Gulong gulo ako nun Channel, Hindi ko alam ang gagawin ko. Naduwag ako. Hindi ko alam kong ano yung magiging desisyon ko"

"Bat di mo sinabi saken yun noong nasa park tayo? Bat ka nag desisyon ng mag-isa mo? Hindi mo alam ang gagawin mo nun? O natakot ka lng? Nung araw ding yon nakapag desisyon ka na Josh, Hindi mo man ma amin sa sarili mo pero mas pinili mo yung mali kesa sa tama, Pinaniwala mo yung sarili mo na pwede kahit hindi naman talaga. Alam mo kong ano yung masakit? Yun yung, Pwede naman nating harapin yung problema na tayong dalawa ee, pero nagpaka hero ka, Akala mo kaya mo kong iligtas pero hindi! Niligtas mo yang sarili mo!"

"Channel please! Utang na loob! Hindi mo alam kong gaano kasakit para saken na iwan ka. Hindi mo alam kong gaano kahirap talikuran yung taong mahal mo"

"Putangina Josh! ALAM KO! ALAM NA ALAM KO!" Sigaw ko sakanya. Tangina niya ee. Nagtinginan lahat ng tao sa paligid pero wala akong pakealam sa kanila. "Nung araw na iniwan mo ako at pinili mo siya, Doble yung sakit na naramdaman ko noon! Alam mo kung ano yung pinakamasakit dun? Yun yung, bumitaw ka na lng bigla sa laban na dapat ay haharapin nating dalawa. Problema lng yun noon Josh, pero bumitaw ka. Naduwag ka! Ang sakit isipin na yung taong minsan ko ng minahal at pinagkatiwalaan ay siya pa yung taong nang iwan at binali yung pangako niyang 'Hindi Niya Ako Iiwan' ikaw yun Josh! IKAW!"

"That's the point! Iniwan kita noon pero hindi ibig sabihin nun na mas pinili ko siya! Kung tutuusin nga ikaw yung pinili ko ee. Channel, Hindi lng ikaw ang nasaktan, Ako din! Intindihin mo naman ako"

"Ano Josh, Mag gagaguhan nalang ba tayo dito? Maglalaro nalang ba tayo dito? Isusugal natin lahat nga mga kasinungalingan?! Tama na! Sinasabi mo na sa ginawa mong pag iwan sakin, ako pa yung pinili mo? Tangina, Ang labo mo! Oo na! Hindi lng ako yung nasaktan, Pero ako yung naagrabyado dito! Kasi kayong dalawa ni katie, Alam niyo yung totoo! Ee ako? Hindi!" Sigaw ko sakanya! Patuloy pa rin akong umiiyak. Ang sakit kasi ee. Hindi niya ako nagawang ipaglaban.

"Channel, I'm sorry. Sorry kung nasaktan kita. Sorry. Hindi ko yun sinasadya"

"Ganun na lng yun? Sa tingin mo ba sa isang 'sorry' mo lng mawawala na lahat?"

Hindi siya nagsalita, Hinawakan niya lng yung kamay ko na nakapatong sa lamesa pero tinanggal ko rin agad yun.

"Ikaw yung mahal ko Channel. Please. Ikaw yung gusto k---" hindi na natuloy ni Josh yung sasabihin niya ng biglang mag ring yung cellphone niya na nasa ibabaw ng mesa

Nagulat ako nung makita ko kung ano yung nandun. Gusto kong tumakbo palayo sa lugar na yon, Gusto kong sumigaw ng sumigaw hanggang sa mawalan ako ng boses, Gusto kong pagsampalsampalin si Josh, pero nanghina nalang ako bigla.

(Calling... Fiancée)

"Shit" mahinang sambit ni Josh, Pero rinig na rinig ko pa rin dahil sa katahimikan na bumabalot sa loob ng restaurant. Lahat ng tao nagmamasid at nakikiramdam,

"S-sagutin mo na, Mukhang importante ee" Sabi ko sakanya at umiwas ng tingin.

Nagaalangan pa niyang sinagot yung tawag...

J: "hello? Bakit Katie?"

So, si Katie pala. Tangina! Tangina talaga! Sasabihin niya saken na ako yung mahal niya ee engaged na pala ang loko! Sinong tinotorpe nito?!

J: "ge. Mamaya nalang kita susunduin, bye"

Agad agad na binaba ni Josh ang tawag at lumingon saken. Nakatitig lng siya sa mga mata ko

"Uhmm. I-I'm sorry about t-that channel" Seryosong sabi ni Josh.

Ngumisi lng ako sakanya. Kala niya ha!

"Why are you saying sorry?" Patay malisya kong tanong sakanya. Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy lng ako sa pagsasalita. "You're saying sorry because of that 'Fiancée-thingy'?" Tumawa ako ng pilit. "Don't be. Wag mo kong alalahanin. I'LL BE FINE. Btw, Who Am I in your life in the first place for you to say sorry at? I'm just the girl you dump three years ago. Baka nakakalimutan mo, I'm CHANNEL NICH DE GUZMAN, Your EX" sabi ko sakanya at tumayo na.

Nagulat siya nung nakita niya akong nakatayo at papaalis na sana kaya dali dali siyang pumunta sa harap ko at niyakap ako ng mahigpit.

Ohgaaaadddd! I miss this. I miss his hugs.

"Channel please" pagmamakaawa ni Josh. Halatang umiiyak na din siya.

Bumitaw ako sa pagkakayakap niya sa akin at hinarap siya.

"You know what Josh, Let's end this. Pareho na tayong nahihirapan ee"

"No. No. No. Please No! I love you" pagmamakaawa ni Josh saken.

Pakshit. Wag naman ganito. Nahihirapan na ako ee. Mas mahihirapan lng akong palayain ka Josh kong patuloy mo yang sasabihin

"You don't love me Josh. You only think you do but you really don't. Pilit mo kasing kinukulong yung sarili mo sa nakaraan, Pinapaniwala mo yang sarili mo sa salitang 'MAHAL KO SI CHANNEL' pero Josh, Open your heart and face REALITY. Siguro pinagtagpo nalang ulit tayo ng tadhana para magkaroon tayo ng Closure hindi ng Second Chance" tumigil ako saglit sa pagsasalita at pinunasan yung luha na tumutulo sa mga mata niya. Ngumiti ako sakanya, yung totoong ngiti... "So, i guess... This is now the right time for us to say goodbye to each other and let go" Patuloy pa rin ako sa pagsasalita habang may mga tumutulong luha sa mga mata ko. "Please, Don't leave Katie, Don't hurt her. Goodbye Josh" and with that, Unti unti kong binitawan yung kamay niya na nakahawak sa kamay ko, Tumalikod na ako sa kanya...

Alam kong tama tong ginawa ko, Sa bawat hakbang ko papalayo sa kanya, Mas lalo akong nahihirapan, pero okay na rin yung ganito. Kesa naman bigyan pa namin ng isa pang pagkakataon yung dating 'KAMI' kasi sigurado ako na pag ginawa namin yon, may masasaktan, manghihinayang, maaagrabyado. Okay na sakin na ako lng yung nasaktan nung iniwan ako ni Josh, Kesa naman yung dalawa kaming masaya samantalang may mga taong nasasaktan lalo na't ngayon na ikakasal na pala yung Bestfriend ko, Ikakasasal na pala yung First Love ko, Ikakasal na pala si Josh. Hindi man ang apelido niya ang dadalhin ko balang araw, Okay na saken na yung mga ala-ala naming dalawa ang dala dala ko araw-araw.

Pumunta ako sa counter na umiiyak pero hindi ako nanghihinayang sa naging desisyon ko.

"M-manager, okay ka lang?" Tanong saken ni Gelai nong kinukuha ko yung bag ko. Gusto ko ng umalis sa lugar na yon.

"I'll be" maikling sagot ko sakanya. I just gave her a weak smile at lumabas na sa restaurant.

Tumakbo ako ng tumakbo, Hindi ko alam kong saan ako patungo. Basta ang gusto ko lng gawin ngayon ay ang lumayo sa lugar nayon.

Unti unting bumuhos ang malakas na ulan. Hinayaan ko nalang na mabasa ako. Lahat ng tao may Payong na dala upang protektahan ang sarili nilang hindi mabasa. Ako? Nasa gilid lng ako ng kalsada at umiiyak pa rin.

Akala ko tumila na yung ulan, pero nilingon ko yung paligid bumubuhos pa rin naman ang ulan. Tumingala ako at nakita ko yung payong sa itaas ko.

Hindi ko na nilingon yung nagpapayong sa aking lalaki, Nagsalita nalang ako

"Leave Me Alone, Josh" sambit ko.

Hindi pa rin siya nagsasalita, Kaya nilingon ko nalang kong sino yung nag papayong saken.

Nagulat ako nung nakita kong ibang lalaki pala yung nagpayong saken kanina, AKALA ko kasi si josh.

"P-pano mo nalaman pangalan ko?" Manghang tanong ng lalake saken.

"So Josh din pala ang pangalan mo?" Gulat na tanong ko sakanya. "A-akala ko kasi ikaw si Josh, Yung kakilala ko" sagot ko sakanya at tumungo, nahiya ako bigla sa inasal ko. "Sge. Iwan mo na ako" utos ko sakanya.

AKALA ko sasabihin niya saken 'Hindi, Dito nalang ako at sasamahan ka'

AKALA ko, Hahawakan niya ako sa kamay at sasamahan na sumilong sa waiting shed

AKALA ko hindi niya ako susundin

Pero... Aba! Ang loko iniwan lng akong mag isa dito?! Tangina! Ang angas niya ha! Matapilok ka sanang unggoy ka! Tss ><

Nagpatuloy lng ako sa pag iyak ng biglang kumidlat!

*BLOOOOOOOOG* (Kidlat yan xD)

Omg. Takot ako sa mga kulog at kidlat. Pag kasi kumikidlat ee niyayakap ko yun unan ko, O di kaya tatawagan ko si mama at magpapayakap sakanya.

Tuloy tuloy parin yung pag kidlat.

*Blooog*

*blooooooog*

*blooog*

Hindi ko namalayan na tumatakbo na pala ako papunta kay Josh na naglalakad parin sa unahan ko at niyakap ko siya ng mahigpit.

Hindi ko namalayan umiiyak na pala ako.

"W-wag mo akong *sniff* iwan please... Natatakot k-kasi ako sa k-kidlat ee.. Dito ka lng sa tabi ko" pagmamakaawa ko kay Josh

Mukhang nagulat siya sa pagyakap ko sakanya kasi hindi pa rin siya nagsasalita.

"T-t-tara don" nauutal utal na sabi niya saken at tinuro yung coffee shop na malapit sa kinaroroonan namen

Hindi na ako nagsalita at sumunod nalang ako sakanya. Mahigpit ang kapit ko sa braso niya dahil hindi pa rin tumitigil yung kidlat.

Nakita kong napangiti siya pero agad naman siyang na pa-pokerface nung nakita niya akong nakatingin sakanya. Anong problema non? Ngingiti ngiti mag isa. Muntanga lng ee.

Nagkwentuhan lng kami ng nagkwentuhan ni Josh, Ang saya saya ko kasi nagpapatawa lng yung ginagawa niya. Nalaman ko din na Dustin Josh Gonzales pala yung totoo niyang pangalan, Kaya Dustin nalang yung tawag ko sakanya.

Hinatid niya ako sa bahay namin, malapit lng pala yung bahay nila sa tinutuluyan ko, dalawang kanto lng yung pagitan.

Araw araw na kaming magkasama ni Dustin, ewan ko pero sa tuwing magkasama kami ang komportable ng pakiramdam ko. Pinaparamdam niya sakin na espesyal ako sa kanya. Unti unti na ring nahuhulog yung loob ko sakanya

Isang araw niyaya niya akong mamasyal, pumunta lng kaming SM,

"Hoy! Channel, M-may sasabihin sana A-ako sayo" sabi saken ni Dustin habang nagakakamot ng ulo

"Ano yun?"

"P-pwede b-ang manligaw?" Namumulang tanong ni Dustin saken.

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Aish. Ano ba naman to! >< ><

"Kung ayaw mo naman, o-okay lng" sabi ni dustin at umiwas ng tingin

"H-hindi okay lng" ewan ko pero bigla nalang yan yung nasabi ko sakanya

Ngumisi lng siya ng mapangasar. Bwiset! >,< hahaha!

"Talaga? Edi girlfriend na kita?" Nakangiting saad ni Dustin

"Ee loko ka pala ee! Manligaw ka muna! Letche!" Natatawang sagot ko

"Oona. Oona." Namumulang sabi ni Dustin at hinawakan yung kamay ko, Nakita kong nakangiti siya kaya napangiti na rin ako. Hays. Ang saya saya ko. :))

Simula ng araw na yon mas naging sweet na si Dustin saken. Araw araw may dala siyang surprises, kilala na rin siya ng parents ko.

Pati mga co-workers ko kilala na rin siya, Lagi niya kasi akong sinusundo sa work ko

After 5 Months...

Limang buwan ng nanliligaw si Dustin saken. Plano kong sagutin na siya ngayon kaya niyaya ko siya na maglakad lakad nalang muna sa park malapit sa bahay namin

Habang naglalakad kami, Nakasalubong namin sila, Nakangiti at magkahawak kamay, halatang masaya sila sa isa't isa. Lalo na't ngayon na magkakaanak na pala sila. Sina Katie at Josh

Wala na akong nararamdaman pa para kay Josh. Masaya ako dahil namulat na siya sa katotohanan. Namulat na siya sa reyalidad at sa takbo ng tadhana

"Kumusta na kayo?" Tanong ko sa kanila.

Nagulat silang dalawa nung nakita nila ako pero agad agad din naman silang ngumiti

"Okay lng" sagot ni Katie,

"Uhmm. Chan. Sorry nga pala sa nangyari noon" nakayukong sabi ni Katie saken.

Ngumiti nalang ako.

"Okay lng yun"

"Kamusta ka na, Bestfriend?" Nakangiting tanong ni josh sa ken, mababakas sa mukha niya na sobrang saya niya. Masaya rin ako para sa kanilang dalawa ni Katie at sa magiging anak nila.

Tumawa ako,

"Okay na Okay lng ako!" Masiglang sagot ko

Tinignan ko lng si Katie na binibigyan ako ng 'sino-yang-kasama-mo-look'

"Ah. Dustin pala, Boyfriend ko" nakangiting sabi ko sakanila. Ngumiti lng sina Josh at Katie pero si Dustin?

Hahahahaha! Gulat na Gulat at namumula pa! Yieee :)) Ang kyoot naman ng boyfriend ko. Hindi ko pa kasi na sasabi sakanya ng Sinasagot ko na siya kasi biglang dumating sina Katie.

"Ganun ba? You look cute together" sabi ni Josh na nangaasar.

Sabi ko na nga ba ee! Hahaha! Mangaasar lng to.

"Hahaha! Oona! Oona! Mauna na kami ha? May date pa kami ee" pag papaalam ko sakanila

Tumango lng sila at ngumiti

Umalis na kami ni Dustin, Hahaha! Namumula parin ang loko :)

Malayo layo na kami kina Josh nung nilingon ko sila

Hindi talaga tayo para sa isa't isa josh, Siguro kong hindi ka dumating sa buhay ko noon, hindi ko makikilala ang taong babago ng pananaw ko sa buhay ngayon. Salamat at iniwan mo ako, Salamat at ginawa mo yung hiling kong wag mong iwanan at sasaktan si Katie. Masaya ako at nahanap na natin ang talagang para sa atin, Hindi ko man sigurado kong si Dustin na ba ang para sa akin, Okay lng, Atleast ngayon, Nahanap ko na yung nawawalang bahagi ng puso at buhay ko. Salamat Josh, at pinagtagpo tayo ng tadhana. Salamat din dahil kung hindi ka nagbalik noon, malamang sa malamang hindi ko makikilala tong lalaking hawak hawak ang kamay ko ngayon...

Tumingin ako kay dustin at ngumiti,

"Sinasagot na kita, Dustin"

Ngumiti siya at niyakap ako...

"I love you, Channel" kahit paulit ulit ko ng naririnig kay Dustin ang mga salitang yan, Hindi pa rin ako nagsasawa...

"I love you too, Dustin" Sagot ko sakanya.

Mahal na Mahal ko si Dustin, siguro ito na yung sinasabi nilang True Love, Si josh man ang naging First Love ko, Okay na sakin na nahanap ko na rin yung better half ko <3 Masaya ako dahil yakap yakap ko na yung taong mahal ko. Hindi ko man masabi kong talagang kami pa rin hanggang sa huli, Okay na saken yun basta ang mahalaga ee ang NGAYON. Kung Kami, Kami. Kung Hindi, Hindi.

-- THE END

a/n: yeeeyy! Tapos na! :) Pangit ba yung ending? Hahaha! Okay lng yan.

Ang ending sana nito is, Magkakatuluyan sina Josh at Channel, pero naisip ko na gawing realistic nalang yung ending, Yung tipong hindi magkakatuluyan yung unang nagkakilala. Kasi ganun naman talaga diba? Mapaglaro ang tadhana. Kung hindi ka tataya, Ikaw yung mapaglalaruan. ☺️ Sabi nga nila, Hindi lahat ng nagmamahalan, nagkakatuluyan. Meron lng talaga yung pinagtagpo kayo ng tadhana pero hindi kayo para sa isa't isa dahil ginawa lng kayong instrumento ng destiny para mahanap niyo ang talagang para sa inyo. <3

Thanks!

Continue Reading

You'll Also Like

922 14 11
hi guys ;) new story again.. 10 Chapters lang po ang balak ko sa story na ito kaya sana... BASAHIN niyo na utang na loob! hahahah BTW, Namimigay ako...
54 1 9
Hi po sa lahat! Lalo na sa aking mga co-Bts Army This is my very first time to write a story kaya di ko alam kong magugustuhan nyo. pero sana magus...
76.4K 3.2K 103
Hello Roses! After a three year hiatus, I am finally back! To the readers of The Rose, I apologize for the not updating the story for a long time - r...
6.8K 116 18
Akala ko sya na pero hindi pa pala Puro nalang akala.... Minsan hindi naman talaga Hinahanap ang the one Kasi pag tatagpuin at pag tatagpuin kayo ng...
Wattpad App - Unlock exclusive features