"Plans"
Manuel's POV
Nandito kami ngayon sa Grassy Plains ang unang lugar sa Ponfera na kung saan level 1-10 ang pwedeng makita at sa lahat ng mahilig sa RPG yes lahat ng mobs dito SLIME!!!!!!
Napansin ko na ito nung gamit ko si ✘Savior papunta sa Forest na yun di ko lang maalala ang pangalan
"Anong balak mga Idol?"
Tanong ng matabang ito
Ay oo nga pala kasama namin itong si Ghost na baboy isa siyang magi may blue na buhok at tingin ko ancient siya dahil sa nakalagay na mga parang tattoo sa mukha niya
Si Death naman ay isang Lancer nasa second job na siya kasi nasa level 11 na siya pero si Ghost ay level 9 pa lang nagkakilala lang daw sila dito sa laro at di sila magkakilala sa totoong buhay
Naaalala ko si Ghost siya palaging naghahamon ng PVP sakin sa Immortality Swords na lagi namang talo
"Idol naaalala ko lagi mo akong natatalo sa PVP sana dito dahil sa may advantage na ako kaya na kitang talunin"
Sabi ni Ghost
"Ahahaha siguro di naman masasabi, sige hahamunin kita pag level 10 na ako PVP tayo kahit may advantage ka na"
Sabi ko at ngumiti ito
"Sige ahahaha"
Sabi niya
Hays nakadepende pa rin siya sa numbers
Ewan
"Tama na yan SuperZero mag palevel na tayo gusto ko na rin makapag second job"
Sabi naman ni Cloud at mukhang seryoso siya ah
Mabilis itong sumugod dala ang iron wood branch niya at pinag hahahampas ang mga slimes na makita niya pero as usual di niya napapatay dahil mababa pa ang damage niya
Dahil isa akong hunter ang gamit ko lang ay isang Colt 45
"Calling upon the hollows, graveyard keeper: Mori"
Incantation po yun translated lang dahil sa di po ako marunong ng sinaunang salita
Biglang may isang kamay na lumabas malapit sakin kaya napalayo ako
Maya maya ay lumabas ang mala zombie na may hood pero sira sira na ito at may hawak siyang isang pala? Graveyard Keeper nga talaga
"Command:Attack"
Sabi pa ni Ghost at maya maya ay may tatlong kamay na lumabas at another zombies pero ito ang liit lang kung baga imp na zombie
Di na gumagalaw si Death dahil makakakuha siya ng exp dahil one hit niya lang ito pure agi kasi siya kaya mataas ang damage
"Decimating Strike"
Isang skill ni Cloud na hahampasin niya ang lupa at AOE skill niya ito
Lupit AOE skill pala ang unang skill ng Warrior di ko yun nalaman
"Heal"
Spell naman ni Star so heal pala ang unang spell ng isang Druid
H-neal niya si Cloud at may lumabas na maraming maliliit na green cross
"Triple Strike"
Skill naman ni Death na aatake siya ng mabilis ng tatlong at critical skill ito
Na one hit niya ang
Level 5
Green Slime
Lahat sila na ilabas na ang unang skill nila ako na lang
"Triple Shot"
Skill ko ito na sabay sabay na i titira ang bala sa aking baril at cone aoe skill ito at kung makaka one hit ito tatagos ito sa nasa likod na kalaban
Astig ang unang skill ng Hunter buti na lang baril na para sa Heavy Gunner ang nakuha ko ice na ice ito
~~~~~
After 1 hrs and 30 minutes
Nasa level 9 na ako pati si Star at Cloud kaso nga lang mag gagabi na kaya nag out muna kami para magpahinga
Tsaka pupunta na dito si Star kaya mag aayos muna ako ng bahay nakakahiya sa kaniya na datnan niya ang bahay kong madumi at magulo
Nag swipe ako sa ere at lumabas ang Virtual Tabs at clinick ko ang Log Out
Pag kadilat ko ng mata ko nadatnan ko na lang ang kisame
"Mag aayos na ako"
Sabi ko at tumayo na sa higaan
"Nica nanjan ka ba?"
Tanong ko habang nakatingin sa PC
At biglang umilaw ito
"Bakit po Master?"
Tanong nito sakin
"Paki monitor sa CCTV sa labas kung may parating na itim na kotse"
Sabi ko dito at bigla na lang namatay ang PC at nawala siya
(Syempre namatay nga ang PC mawawala talaga siya)
Okay LINK START!
Ahahahaha adik talaga
~~~~
After 30 minutes
Sa wakas tapos na din mala 24th Century na bahay ko wahahaha daming kasing technology dito na masasabi mong high tech
Hays makapag pahinga nga muna makapanood nga ng T.V.
"Television Open"
Bigkas ko at bumukas ang TV
Sa game channel kaya may bago kaya?
"Game Channel"
Bigkas ko at lumipat ang channel ng T.V.
"Nababalita po ngayon na ilalabas ang pangatlong event sa larong Sacred Weapons Online, at ito po ang CEO o Developer ng laro si Mr. Lee"
Anunsyo ng isang t.v. host kaya mas nakuha ang sight ko dito
"Katulad po ng sabi ni Mr. Manicad, may new event po kami para sa all levels sa larong ito sa sabado po namin ilalabas ito sa saktong oras na 9am ito ay battle of parties kung saan kailangang walong tao ang nasa inyong party at nasa inyo kung ano ang ipapangalan niyo dito yun lamang at malalaman niyo ang ibang details sa loob ng laro, yun lamang at magandang araw"
Sabi ni Mr Lee na isang developer ng laro
"Narinig niyo yun mga manlalaro sa sabado sa ganap na 9am sa larong Sacred Swords Online ay meron event na Battle of the Parties, live po naming ipapalabas lahat ng laban sa pag sisimula ng laro, dito niyo lang po yan mapapanood sa Gaming Channel, at para naman po sa-"
Di na natapos ang sasabihin ng T.v. host nang bigkasin ko ang
"Television Off"
Battle of the Parties hmm. gustong sumali pero sa lagay na ito sa level ko mukhang di pa kakayanin dapat talaga bilisan na ni Star ang pagdating dahil sasali kami sa Battle of the Parties
Nawalan ako bigla ng gana kumain at kumaripas ng takbo sa kwarto ko sabay bukas ng PC
"Nica help me, find best locations na mapapadali ang pag level up ko sa level ko at kakayanin namin"
Sambit ko at auto na naghanap na siya
Mukhang marami
"Nica, ideretso mo na sa pag lelevel up ko hanggang 2nd job"
Sambit ko ulit
"Okay Master"
Binalik niya pala ang master thingy hays
Umalis na muna ako habang nag hahanap pa siya, hintayin ko kaya muna si Star sa labas baka maramung gamit na dala yun
Naglakad ako pababa galing sa kwarto ko
Ay teka maayos na ba ang kwarto niya
Mukhang nalimot ako mag linis dun ah?
Tumingin ako sa likod at bumalik dito kasi sa second floor ng aking bahay puro kwarto na pero bawat kwarto may terrace
At meron itong apat na kwarto in case na magkaroon ng mga gantong pangyayari
Papunta na ako sa kwartong papagamit ko kay Star ng mapatingin ako sa katabing kwarto nito
"Ang masasayang alaala ay di mawawala kung sa bawat nakikita ko ang kwartong ito ay napapaiyak ako"
Sambit ko na lang sa aking isipan at di ko napansing tumulo pala ang luha ko
"Hays makakalimutan din kita, maglilinis muna ako"
Bulalas ko at binuksan ko ang pinto sa kwartong papagamit ko kay Star
Ay malinis na pala alisin ko na lang yung mga gamit na di niya kailangan
Katulad na lang nito, ito pa at ito
Lalagay ko na lanh sa bodega
"Master may huminto po na kotse sa labas, sa tingin ko po sila na po yung sinasabi niyo"
Boses ni Nica
Binitawan ko muna ang mga gamit na kinuha ko sa kwarto na yun at mabilis na bumaba sa sala at pinabuksan ito ng pinto
At tumambad sakin si Star na may kakaibang kasuotan
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
To Be Continued
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
Lame Update
Announce ko lang simula po ngayon hanggang sa sumusunod na araw
Gabi gabi po ako mag a-update
Salamat sa pagbabasa
Then click that star in the bottom to vote this episode
Nasisiyahan po ako pag may nag boboto sa bawat episodes or chapters
Maraming salamat po