Castillion Brothers Series 2:...

By iamhopec

1.1M 25.1K 1.4K

If you want to read the whole story, you can read it on Dreame (@yourhope15) or Goodnovel (Hope Castillana) o... More

Second Series
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Epilogue
Special Chapter
Hope

Chapter 4

27.3K 620 17
By iamhopec


"Mission accomplish!" Natatawang tugon ni Gale sa katawag nito sa telepono. "Sus, duda ka pa talaga boss na yakang yaka namin 'to ni Anton." Bumunghalit pa siya ng tawa na parang hindi dumaan sa patayan kani-kanina lang ng sumugod kami sa isang sikat na bar dito sa New York dahil nandoon ang lungga ng target sa misyong ito.

"Kung si Anton panatag akong hindi pa man siya pinagpapawisan ay agad niyang matatapos ang misyon pero kung kasama ka aba malaki ang syansa na pumalpak." Sagot sa kabilang linya. Kung magkausap ang dalawa ay parang hindi heneral ang nasa kabilang linya.

Napapailing na pabagsak akong umupo sa single couch bago bumaling sa floor to ceiling na glass wall dito sa loob ng hotel suit kung saan kami nakacheck in ngayon. Nalilibang akong pagmasdan ang maliwanag at maingay na syudad ng New York na kahit napakalalim na ng gabi ay buhay na buhay pa rin.

Isang linggo na kami dito at ngayon ang huling araw namin dahil nahuli na sa wakas ang isang Fil-Am drug dealer na tauhan ng malaking sindikato para maipuslit ang mga droga papuntang Pilipinas. Anim na araw din ang tinagal namin para magmanman at humanap ng magandang tyempo na hindi na ito makakatakas pa tulad ng palaging paglusot nito sa ilang ulit na pagkadakip.

Kasama ko si Desiree Gale Park, ang partner ko sa lahat ng mission na hinahawakan ko. Halos limang taon na kaming magkasama sa trabaho at dahil halos pareho kami ng likaw ng bituka ay nagkakasundo kami sa lahat ng bagay maliban nalang sa pagiging taklisa nito habang ako ay tamad na magsalita.

"Miss mo na alaga mo 'no?" Kunot noo akong bumaling sa kanya na ngayon ay tapos ng makipagyabangan sa Uncle nitong heneral na siyang nag-assign sa'min ng mission na ito.

May mapang-asar itong ngisi sa labi na lagi niyang ginagamit kapag gustong makipagchismisan sa'kin. Pabagsak rin siyang umupo sa single couch na kaharap ko at matamang nakatitig sa mukha ko.

"Alaga?" Litong balik tanong ko. Wala naman akong aso dahil hindi ako mahilig sa mga gan'on bagay lalo na ang pusa kaya wala akong matandaan na alaga na tinatanong niya.

Tumango siya at humuhikab na sumandal sa kinauupuan niya bago ipatong ang paa sa glass center table na pumapagitna sa'min. "Yup, si Second Castillion."

"Ah."

"Anong 'ah'? Gaga, tinatanong kita kung kumusta na ang alaga mo. Akala ko ba hindi ka tatanggap ng mission on field hanggat hindi mo natatapos ang mission na hawak mo ngayon. So bakit bigla mo nalang tinanggap ang misyon na ibinigay sa'yo ni boss, actually, hindi pala binigay inagaw mo sa isa nating kasamahan na dapat siya ang tatapos nito." Napabuntong hininga nalang ako dahil sa bilis ng pagkibot ng nguso niya na parang pwet ng manok.

"Bored na ako." Simpleng sagot ko.

Totoo ang sinabi niya na hindi ako tumatanggap ng misyon hanggat hindi pa tapos ang isa ko pang misyon na ngayon ay magdadalawang taon ko ng hindi natatapos. Pinakamatal na project na hinawakan ko pero hanggang ngayon nganga pa rin.

Pero noong isang linggo ay nagkainitan kami Second kaya nagpasya muna ako mag-unwind sa pamamagitan ng on field mission na natapos namin kanina para naman mawala ang inis ko sa batugan na 'yon.

"Wow bored? So cool off kayo?" Tila stars ang mga mata niya na nagliwanag dahil sa sarili niyang tanong.

"Ano kami in a relationship?"

"Pwede." Bumunghalit siya ng tawa dahil sa pagkalukot ng mukha ko. "Dalawang taon mo ng hawak ang trabaho mo sa alaga mo pero hanggang ngayon wala pa ring lead, minsan nga naiisip ko na sinasadya mong patagalin para magkasama kayo ng matagal e. The fuck! Si Agent Queen Antonia Santez nagkaroon ng halos dalawang taong mission tapos hanggang ngayon wala pa ring pinatutunguha. Para mo na ring sinabing may pakpak ang mga baboy." Litanya niya syaka ako dinamba ng yakap at tinapik tapik ang balikat ko na parang kinikilig sa kung ano man ang laman ng walang kwenta niyang utak.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit nasali siya sa hanay ng mga Agent na magagaling sa aming departamento. Kung magsalita parang tambay sa kanto at kahit nakikipagbarilan panay ang daldal kung gaano kagwapo ang mga foreigner na nakikita niya.

"Malapit ko ng matapos." Sabi ko nalang para matapos na.

Natigilan siya at muling umayos ng upo kung maayos ba talaga ang pag-upong nalabukaka at halos kita na ang singit.

"Bakit parang mabigat sa loob mo ang katotohanang malapit ng matapos, don't tell me nahulog ka na rin sa nakapaglalaway bagag na alindog ng alaga mo?"

Binato ko siya ng unan na nakapa ko sa couch na hindi niya nailagan kaya nasapol ang mukha niya. Napangiti ako dahil sa gulat na reaction niya. "Nahulog? My ass, hindi pa ako baliw para pumasok sa gan'ong bagay."

"Ang bitter mo!" Asik niya sabay balik sa'kin ng unan pero nasalo ko kaya mas lalo siya napasimangot. "Hindi dahil nabigo ang bestfriend mo ng umibig siya ay kailangan mo ng matakot na mahulog sa isang tao. Sadyang gan'on lang ang tadhana niya pero ang sa'yo ay iba, give your self a break Anton para maging masaya ka naman."

Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Bumalik sa isip ko ang alaala ng mga sandaling hindi ko napigilan ang matalik kong kaibigan na tapusin ang kanyang buhay dahil sa pagmamahal sa isang lalaki. Sa isang Second Castillion.

"Kung mahuhulog ako sa lalaking bumigo sa mahal na mahal kong kaibigan ay para ko na rin siyang pinatay sa pangalawang pagkakataon." Puno na lamig ang boses ko ng sabihin ang mga katagang 'yon.

Siya naman ang natahimik dahil siguro ngayon lang nagsink in sa utak niya kung ano ang mga bagay na lumabas sa bibig niya. Hindi ako sensitive sa ganitong usapan na tungkol sa nangyari sa bestfriend ko pero naroon pa rin ang sakit kapag naaalala ko ang pangyayaring iyon.

Masakit dahil wala akong nagawa para ilayo siya sa pagkahulog sa lalaking iyon. Wala akong nagawa at huli na ng malaman ko na nasasaktan na pala siya dahil sa pagiging busy ko sa trabaho.

Tumayo na ako at tumuloy sa sarili kong kwarto habang si Gale ay tahimik pa rin. Iyon naman ang magandang parte ng pagiging madaldal niya dahil kapag alam niyang off limit na ang mga salitang lumalabas sa bibig niya ay siya na mismo ang nagapatahimik sa sarili.

Padapa akong humiga sa kama nang makapasok sa kwarto dahil sa pagkayamot. At nang lumapat ang likod ko sa malambot na higaan ay doon ako nakaramdam ng sobrang pagod sa nangyaring engkwentro.

Ilang minuto siguro akong tahimik na nakatingin sa kisame nang marinig ko ang tili ni Gale. Hindi ako natinag dahil may pagkakataon talagang tumitili siya lalo kapag nanonood ng korean drama o kapag nang-i-stalk ng mga modelo ng mens magazine.

Kinikilig siguro.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko habang siya ay humahangos na lumapit sa'kin bitbit ang laptop.

"Tingnan mo dali." Aniya sabay lahad sa'kin ng laptop niya.

Umirap ako. "Aanhin ko 'yan?"

Hinila niya ako paupo syaka ipinatong sa mga hita ko ang laptop kaya napatingin ako doon, may video siyang nagplay at doon tumambad sa'kin ang nagwawalang si Second.

"Trending siya dahil sa pagwawalang ginawa niya sa set ng shooting ng bago niyang teleserye." Paliwanag ni Gale.

Halata nga sa background na nasa location ito ng shooting. Napapailing akong napahawak sa aking sentido ng baghagya itong pumitik dahil sa stress sa mga nakita ko.

Tumayo at iniabot muli kay Gale ang laptop niya, hindi na ako nag-aksaya ng panahon para tapusin ang video dahil hindi na naman iyon bago sa'kin. Sa sobrang katigasan ng ulo ng lalaking 'yon ay nasanay na ako, siguro may hindi na naman nagustuhan sa mga taong nasa paligid niya.

"Mag-ayos ka didiretso tayo sa airport para makauwi agad sa Pinas." Utos ko at nauna ng maghanap ng masusuot. Hindi na naman kailangang mag-impaki dahil tag-isang backpack lang naman ang dala namin papunta rito.

"Ngayon na?"

"Oo." Walang lingong sagot ko.

ILANG minuto lang ang naging biyahe namin papuntang airport. Rountrip ang ticket namin at ang destinasyon nito ay ang mga kalapit na bansa na maaaring puntahan ng target namin kung sakaling hindi kami nagtagumpay na dakpin siya dito sa New York. Naiturn over na namin iyon kanina sa mga iba pa naming kasamahan na dito nakabase kaya bukas na sana ang uwi namin pero dahil kailangan kong sapukin ang alaga ko kuno sabi pa ni Gale ay mas mapapaaga kami.

"Bakit naman biglaan? Wala pa nga tayong pahinga." Reklamo ni Gale ng makapasok kami sa eroplano matapos ang ilang proseso.

"Kung hindi mo ipinakita ang video ide sana natutulog na tayo ngayon."

Napakamot siya sa batok. "Duh! Hindi ko naman akalain na kaya mong hamakin ang lahat para lang mapuntahan agad ang alaga mo. Sorry naman 'no, hindi ko alam na gan'on ka mag-alala kaya imbes na magpahinga ay tatawirin natin ang himpapawid sa ganitong oras. Mabuti sa'na kung sa Pinas tayo dahil maaga pa doon ngayon." Mahabang depensa niya.

Pumikit nalang ako habang siya ay patuloy sa pagtalak ng kung ano anong reklamo dahil sa napaaga naming uwi patungong Pinas.

"Hindi ka pa inlove sa alaga mo sa lagay na iyan, paano pa kaya kapag minahal mo 'yong tayo baka kahit nasa Mars ka uuwi ka papuntang Earth kapag kailangan niyang pakalmahin sa pagwawala. Naku, naku Agent Antonia malala ka na."

Hindi pa rin ako umimik, ano ba ang dapat kong maging reaction sa pagiging madaldal niya, dapat ba akong matuwa dahil sa bibig niyang 'yan na parang machine gun minsan ay nawawala ang boredom ko o dapat ba akong mainis dahil nakakarindi ang matinis at maarte niyang boses?

Queen, namin kasi ano na naman ang pumasok sa kukute mo para magwala ka na naman.

Hanggat hindi ako nakakauwi ay hindi ko malalaman ang dahilan niya. Gosh, isang linggo lang akong nawala ang dami na agad niyang nagawang kalokohan para sirain ang career niya. Parang hindi artista kung umasta, but in a second thought ayos na rin na ipakita niya ang tunay na siya sa harap o likod man ng camera dahil ayoko rin kung pipilitin niya ang sarili na maging anghel kahit ang totoo ay mahaba ang kanyang sungay.

"By the way Anton." Kinalabit ako ni Gale makalipas ang ilang minuto niyang pagtalak habang ako ay walang imik na nakapikit.

Dumilat ako para tingnan ang mukha niyang napakaaliwalas na naman ibig sabihin may kalokohan na naman na gustong gawin.

"Di ba kapatid ng alaga mo ang asawa ko?"

Doon nanlaki ang mga mata ko. "May asawa ka na?"

Tumawa siya ng malakas hindi alintanan ang iba't ibang lahi na nakasakay rin sa eroplano. Pinalo niya ang balikat ko. "Yan ang napapala mo sa pagiging boring mo hindi mo alam ang mundo ng pagiging millennial, wala pa akong asawa. Ang ibig kong sabihin na asawa ay 'yong crush ko, si Third Castillion." Paliwanag niya.

"Meron o wala lang naman ang sagot sa tanong ko ang dami mo ng sinabi."

"Ee, sagutin mo na ako, di ba kapatid niya 'yong alaga mo?"

Tumango ako dahil tama siya, kapatid ni Queen si Third na mas bata sa kanya ng isang taon. Ang lahi kasi nila ay parang hagdan isang taon lang ang pagitan. "So?"

Napahawak siya sa magkabila niyang pisngi na ngayon ay klarong klaro ang pamumula. "Hmm. Kailangan niya ba ng bodyguard or something na maaari kong apply-an para mapalapit sa kanya?"

Kung umasta siya para siyang teenager na kinikilig, wala na talagang pag-asa ang babaeng 'to.

"Malay ko hindi naman ako nakikialam sa buhay ng iba."

Nalukot ang noo niya at padabog na nag-iwas ng tingin. "Tsk. Malapit ka kay Second so dapat alam mo rin ang tungkol sa kapatid niya." Kibot na naman niya.

"So meaning kapag may boyfriend ka at nagsex kayo dapat makasex mo rin ang kaibigan o kapatid niya?"

"No way! Hindi 'no, dapat kung sino ang boyfriend mo siya lang."

"Exactly my point, kay Second lang ako malapit hindi sa kapatid niya."

Napailing siya. "Ewan ko sa'yo, weirdo ka." Asik niya pero hindi ko pinansin.

Bumalik ako sa pagkakapikit habang naririnig ang ilang ulit niyang pagbuntong hininga na parang napakalaking problema ng malaman niyang hindi ako malapit kay Third meaning wala siyang pag-asang mapalapit doon.

Nakakausap ko naman kahit papaano ang kapatid na iyon ni Second ayoko lang talagang maging dahilan para magkaroon sila ng ugnayan dahil ayokong matulad siya sa bestfriend ko.

Wala sa vocabulary ng magkapatid ang mahulog sa isang babae kaya alam kong masasaktan lang si Gale kapag nagpumilit.

At kahit hindi man halata ay nag-aalala ako para sa kanya kaya tutol ako sa ideyang mapalapit siya sa isang lalaking hindi siya kayang mahalin pabalik.

Please vote and comment.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 58.9K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
845K 7.5K 41
WARNING: Mature | R-18 | SLIGHT BDSM THEME | CONTAINS MORALLY QUESTIONABLE ELEMENTS AND BEHAVIORS THAT GO AGAINST SOCIETAL MORES THAT SOME PEOPLE MIG...
1.1M 30.3K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
132K 2.1K 34
WARNING! SPG| MATURE CONTENT| READ AT YOUR OWN RISK! Kainuyan Island Series #2 (Completed) Annalise Athena Marcadi is a beautiful and fine lady. Her...