Life After You

Por beywitched

228K 7.8K 2.6K

After ten years of being together, what would life be without you? A KathNiel story 101617 Más

Life After You
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56

Chapter 14

3.9K 161 74
Por beywitched

"Pwede ba tayong mag-usap?" Daniel asked Kathryn after she ended the last phone call she answered. May mga reservation details kasi syang kinaklaro.

Nakaupo si Daniel sa upuan sa labas ng counter habang nasa loob naman si Kathryn.

"Pwede naman. May gusto din akong sabihin sayo eh."

"Okay, saan mo gusto mag-usap? Here or somewhere else?" Tanong ulit nya.

"Ngayon na ba?" Tanong naman ni Kathryn habang umiiwas ng tingin, abala sa pag-aayos ng mga papeles.

"Ikaw bahala. Free naman ako today eh. Kung gusto mo after na lang ng ginagawa mo."

Hindi maisip ni Kathryn kung paano sila nag-uusap na parang walang nangyari.

Napatingin si Kathryn sa kakapasok lang. Agad na nanunukso ang mga tingin ni Albie ng makita kung sino ang ang kausap nito. Tinaasan naman sya ng kilay ni Kathryn. Unang araw nya ngayon bilang performer at naisip din nyang tumulong sa mga gawain bilang paraan nya para makalimutan ang iniisip.

"Sino 'yon?"

"Bago."

"Ah, close na agad kayo?"

"I'll explain later." She smiled. Umiiwas pa rin.

"Okay.."

***

5:25 PM

Gustong murahin ni Kathryn ang sarili habang naghahanap ng parking space si Daniel. Sumakay sila sa kani-kanilang kotse at nauna naman syang dumating.

"Bakit ba kasi.." Hindi nya alam bakit pinili nyang dito sila mag-usap. Hindi nya alam bakit ito ang sinagot nya nang tinanong sya kung saan nya gustong makipag-usap.

"Tara?" Mahinang tanong ni Daniel.

She nodded.

Parang binibilang naman nila ang bawat lakad dahil sa sobrang bagal.

God knows how hard it is for the both of them.

"Pinatigil ko na muna yung construction." Unang sinabi ni Daniel.

"Bakit? Wala ba kayong plano na tumira dito?"

Umarteng walang narinig si Daniel. "Bakit ba dito tayo mag-uusap? Wala tayong uupuan."

"Dito." Umupo sya sa sahig at sumandal sa dingding.

He turned on the light at kinuha ang dala nilang beer. Pagkatapos ay umupo sya sa tabi ni Kathryn.

"Ang weird nito." Sabi nya.

"Anong weird?"

"Yung ganitong set up." Daniel answered.

"Ginagawa naman natin to dati." Sabi ni Kathryn at uminom. "I remember yung first time mo kong dinala dito. Wala pa yung mga walls nito. Plano lang lahat. Naglalagay tayo ng mat dito tapos nilalagyan ng kumot at unan tapos we'll cuddle under the stars." Tumigil sya bago magsalita ulit. "Those were the days.. We made plans and we made memories and we're happy."

He smiled. "Ano nga pala yung gusto mong sabihin?"

"Ikaw, diba may sasabihin ka din?"

"Yes. Pero ikaw muna."

"Ah, it's about Albie. Yung guy kanina? Kinuha ko syang regular performer. Wala, 'yon lang naman.. Tsaka yung christmas party pala next week. Okay na lahat, ako na nag-asikaso. Alam ko namang busy ka tapos meron nang Luisa. Wala na ako sa eksena kayo 'di na ako eeksena." Tumawa sya pagkatapos nyang sabihin iyon.

"Kathryn.."

"Bakit? Tama naman ah."

"Hay, bahala ka."

Sabay silang napainom. Nabulunan si Kathryn matapos nyang uminom kaya natawa silang pareho.

"Ang pait kasi.." Inirapan sya ni Kathryn.

Tumawa lamang si Daniel.

"Tumigil ka nga. Para kang tanga." Binato sya ni Kathryn ng tissue.

"Tanga naman talaga."

"Tanga talaga. Pinakawalan mo ko eh." Kathryn said and rolled her eyes. "Pero seryoso, bakit ba ayaw mo na sakin?"

"Hindi ko sinabing ayaw ko na sa'yo. Hindi ganun 'yon." Paliwanag ni Daniel.

"So ano 'to? Gaguhan?"

"Actually, tungkol nga dun yung gusto kong sabihin."

"Oh?"

"Naisip ko lang kasi na.. siguro kailangan ko lang ipaliwanag sayo kung bakit ganito.. kung bakit napunta tayo sa ganito.. Kasi alam ko ang unfair ko dahil iniwan na lang kita basta basta."

Natahimik sila nang tila naging seryoso ang paligid.

"Nagsasawa ka na ba sakin kaya mo ko iniwan? Nakakapagod ba kong mahalin?"

Matagal pa bago makapagsalita si Daniel. He's a little bit confused of what to say. Iniisip nya kung tama ba ang mga salitang gagamitin nya.

"Bakit hindi ka makasagot?" She asked softly and faced him.

"Honestly, yes." Daniel said. Finally.

Tears started to fall from her eyes and she hates it. Masakit ang maiwan pero mas masakit ang maramdaman mo na ikaw siguro ang dahilan.

"Why?" She was brave enough to ask.

It took him a few minutes to find the right words to say but hell no, there are no right words because every word will still hurt her and wtf is right with that?

"You're the kind of woman who got everything figured out. I'm the man who loved you, made plans with you and promised to stay for as long as you want me to. I was man enough to fight for us pero hindi ko maamin sa sarili ko na I am also just a boy. Ang dami ko pang hindi nagawa o gustong gawin."

"Wow, ang poetic." She laughed sarcastically.

"Please listen."

"Straight to the point, please."

"Halos kalahati ng buhay ko noon ikaw ang nakasama ko. Ikaw ang kasama ko sa lahat hanggang sa dumating tayo sa mga panahong hindi na tayo nagkakasundo. Hindi ko din alam kung paano.. kung bakit. Naramdaman ko na lang na nakakasawa na lagi mo kong pinipigilan sa lahat. Parang wala kang tiwala sa akin."

"May history ka ng cheating, may I just remind you." Mataray na singit ni Kathryn.

"Iyon na nga eh. Nasaktan kita noon pero ginawa ko naman lahat para mapatunayan sayo na ikaw yung mahal ko, diba? Pinatawad mo na ko diba? Alam mo.. yung buong akala ko magsisimula tayo ulit pero hindi rin naman nangyari. Paulit ulit mo lang binibring-up ang nakaraan. Kapag mag-aaway tayo lagi mong isusumbat sakin yung ginawa ko. I mean, naiintindihan ko naman na natatakot ka na baka gawin ko ulit 'yon pero bakit mo pa ba 'ko pinatawad kung lagi mo namang binabalik yung kasalanan ko sayo?"

She bowed her head as she listens.

"Tuwing aalis ako kailangan alam mo, kailangan ipaalam ko sayo bago mo ko payagan. Kung ayaw mo sa mga kasama ko magagalit ka. Dumating sa point na, pinili ko na lang magsinungaling kasi ayoko na ng gulo. You see? Nahihirapan ako. Sa trabaho, sa atin, sayo.."

Nakikinig habang umiinom si Kathryn. Kasing talas ng lasa ng beer ang mga masasakit na salitang binibitawan ni Daniel. Tila mas mapait ang mga salita nito kesa sa inuming dumadalay sa kanyang lalamunan.

"Hanggang sa yung isa, naulit ng naulit. Hindi ko namalayan na ang dami ko nang hindi nasabi sayo. Tapos naisip ko, siguro deserve ko nga pagdudahan. Parang gago? Alam mo 'yon. Sa sobrang ayaw ko na pinagbibintangan ako, hindi ko namalayan na ginagawa ko na nga pala talaga."

"Ayokong mag-away tayo pag pinipilit ko yung gusto ko at sasabihin mong ayaw mo. Tuwing may events na pupuntahan hindi ka pupunta pag hindi mo ko kasama na minsan masasabi ng mga kaibigan mo na baka pinipigilan kita pero hindi naman.. Tuwing may kausap akong babae magseselos ka na wala namang sapat na dahilan. Nakakasakal. Nakakasawa na para tayong nakakadena."

"Tapos minsan isusumbat mo sakin yung pinili mo ko over your family. Nakakapagod lang kasi.. At nahihiya ako sa sarili ko kapag naaalala ko lahat. Lahat lahat ng ginawa mo para sa atin. Tapos napaisip ako, deserve ko ba? Kasi sa totoo lang, kung sa akin nangyari iyon, hindi ko alam kung kaya kong magsacrifice for us."

Kathryn had to touch her face to make sure this isn't a nightmare. This is happening.

"Gago ko din kasi no? Bakit ba kita pinigilan noon na umalis? Sana hindi ka na nasasaktan ngayon. Sana ngayon you're already living your dream life. Your dream life before I came."

He paused for a while and stared at her, checking if she's okay because what he's about to say will hurt her even more.

"Nagkaroon ako ng sarili kong buhay, na wala ka, without me knowing it. Masaya ako, masaya naman ako and then pag nandyan ka na parang.. ito na naman, pwede bang huminga?"

Sunod sunod ang masasakit na salita. Sunod sunod din ang pagpatak ng mga luha ni Kathryn. Pilit nilulunok ang beer habang pinupulutan ang mga dahilan kung bakit sya iniwan.

"Lumawak ang mundo ko at naisip ko na hindi lang sayo iikot ito, na marami pang mangyayari sa buhay nating dalawa. At dadating ang araw na hindi na lang din sa akin iikot ang mundo mo. Ang dami nating pinalampas.. And dami nating hindi nagawa individually."

She laughed softly and sarcastically. "Cut the crap, Daniel! Naghanap ka ng iba. Pinagsabay mo kami and worst, you.." She blinked her tears down trying to look fine but she failed. "You broke up with me just to be with her. You said you don't love me anymore. Diba? You said it right in front of me. You're happy with her while I was there staring at you like I wasn't your bestfriend and your long time girlfriend before she came. You chose her over me."

"No, I didn't chose her over you. Pinili kong kumawala, pinili kong maging malaya."

"Hindi kita maintindihan. I did everything to be the best girlfriend for you kasi ayoko na.. ayoko na maulit.. yung.. nangyari noon. When you cheated on me.. Hindi mo alam kung.. gaano.. ka..hirap." She walked slowly and he followed her. "I tried.. ang hirap hirap.. kasi.. kasi.. lagi kong naalala.. yung nagawa mo.. nahirapan akong.. ka..limutan.. pero ginawa ko.. ginawa ko."

Now, it's Kathryn's turn to speak.

"Siguro nga ako yung may problema.. kasi lagi.. lagi akong talo.. when all I wanted is to make you happy.. make you stay.. make you feel how much I love you."

"You made me happy, Kathryn. You made me feel loved.." He said that made her stop.

But I can't make you stay. She thought.

"Then why do you always have to find someone else?"

"Hindi ako naghahanap ng iba." He said.

"Alam mo, noong pinatawad kita noon, I felt like I was the strongest. Tapos nandito tayo ngayon.. I suddenly felt so weak." Tumalikod si Kathryn at dumungaw sa bintana. "Ang unfair.. why am I always.. left behind?"

"Actually, ako din. I don't want you to blame yourself pero pakiramdam ko din ang unfair eh." He stood near her. "Mali bang magpakatotoo? Is it unfair to be fair? Ayoko lang naman na magbigay ka pa ng magbigay kung alam ko nang wala naman na akong maibabalik sayo bukod sayo.. all I can give you back is you.. the you in the "us"."

Kathryn smirked. "The me in the "us." She laughed. "Ibinalik mo nga pero hindi naman buo."

"I should've given it back before it was shattered into pieces."

"You know what's wrong? It's when you know that something's wrong but you never said it and never tried to fix it because you just want to escape. Pag nagsawa ka na, basta basta mo na lang itatapon. Kung sinabi mo sana sa akin ang mga mali ko, hindi tayo magkakaganito. Pero wala na eh.. Sirang sira na."

"Kathryn, I'm sorry. Sorry sa lahat lahat. Alam ko kulang yung sorry lang. Kung gusto mo ko saktan ngayon gawin mo. Kung ikakagaan ng loob mo, sampalin mo ko, sapakin mo ko."

"I'm too weak to do that." Kathryn almost whispered and started crying silently.

"Sorry din ha?" She said and turned to look at him. "I'm sorry for letting my world revolve around you. I'm sorry for being a nagger girlfriend sometimes. I'm sorry for not giving you enough space and time for yourself. I'm sorry for my trust issues. I'm sorry for not letting you grow on your own. I'm sorry for depriving you from all those things. I'm sorry for giving you too much love. And I'm sorry for still having so much love to give."

"I guess we can still be friends naman for the sake of our connections. Our business.. our friends.. our families." She looked at him and memories came flashing.

All those years of being young and inlove.

Wala na talaga. The end is about to begin.

"Let's be civil na lang siguro." She smiled and wiped her tears. "I have to go."

Mabilis syang lumayo ngunit napahinto sya pagdating sa pinto. "Pero sana respetuhin natin ang mga alaala nating dalawa. Hindi pa ako handa na makita kayong magkasama."

"I understand." He smiled.

***

XIV. "MEMORY"

I met this guy, summer 2011
His eyes are rays of sunshine,
his smiles are cool sea breezes
He's made of galaxies
He's made of thunders
He's made of warm sunday mornings
He can talk about the universe in hundred different ways
He sees beauty in the biggest and littlest things
He's full of questions and answers
He's home and adventure.

-Kathryn







---------

Sa mga nagsasabi na sana makamove on na si Kathryn. Don't worry guys, chapter 14 pa lang tayo. Akong bahala 😋

Twitter: beywitched

Or use this ht 👉👉 #lifeafteryouwp para nakapag-usap tayo (hahahaha feeler)

Seguir leyendo

También te gustarán

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...