hindi na nakaabot kahapon kaya hindi ko na 'to napost. hehehehe
so here's the update! sana maappreciate niyo siya kahit lame XDDD hohoho.
osya~ aral muna ako, handame kong dapat gawin TT3TT HELP!!
VOTE.LIKE.POST COMMENT na lang po sa nakaappreciate :)))
dedicated kay Baby Inz na mahal na mahal ko ^_^ I miss you Baby Inz muamuamua :****
Thanks po ^_^
--sassyabhie05
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
[CZARINA’S POV]
Naglalakad ako ngayon sa hallway, as usual tulad ng nakasanayan ko, lahat sila, umiiwas sa dinadaanan ko, nagsisitabi sila sa daan ko. Nahahawi ang daan kapag parating na ako -.- Psh. Annoying! Ano ba naman itong mga taong ito?? Do I look like I’m going to eat them all? Argh. Sinisira nila ang umaga ko >.<
“Czarina Sy!!!” hindi ko na kailangan pang lumingon para mapagsino ang tumawag sa akin, sino pa ba ang tumatawag sa akin sa buong pangalan ko? >.< edi iyong madaldal kong best friend na si Carmela Lu. Psh.
Nung naabutan na niya ako, agad siyang yumakap sa braso ko, “kamusta ang pagiging slave ni Prince?” tanong niya wearing her sweetest but annoying smile =_=
“kapag hindi mo itinikom iyang bibig mo Carmela Lu, I swear baka kung ano magawa ko sayo!” tapos, tinanggal ko na iyong kamay niyang nakaangkla sa akin at nagdirediretso na sa classroom.
Agad kong tinungo ang upuan ko at naupo na, buti wala pa si Kaizer, kundi, sasama na naman talaga ang timpla ko, tho isipin ko pa lang siya, naiirita na ako.
*You have a message, you have a message*
Agad kong tiningnan kung sino ang talapandas na nagtext sa akin... -_________-++++
From: Alien.
Good Morning Cza, bili mo naman ako ng breakfast oh! Hintayin kita sa rooftop hah. Thank you ;)
>_______________<!!!! Hindi ko nga nakita, pati ba naman sa text nagpaparamdam pa, ee nakakabwiset namang talaga!!! ARGHHHHHHHH!!!
*You have a message, you have a message*
Binuksan ko ulit iyong sumunod na message! Kahit naman ayaw ko, wala akong magagawa, may pang blackmail sa akin ang loko, yamot lang.
From:Alien.
Nga pala, Hotcake at caramel ang gusto ko hah, tapos, pakibilisan para bago magbell nakakain na ako. Hahahaha, Isang text ko lang kay Mirko at sa Publisher ng ating Dyaryo tapos na ang usapang ito, kaya Cza, I’m giving you 10 minutes to do your job. Good Luck Cza ^____^
Err.. pwede bang pumatay ng Alien?? Dahil kung pwede talaga, aba, hindi ako magpapatumpik tumpik at papatayin ko talaga si Kaizer Lee, kahit pa sabihing siya ang magmamana ng trono ng Hari sa Hanguk Empire!!! BWIISEEEEEET siya, yung baklang Alien na iyon, wala ng ginawang tama! Lahat na lang puro kasamaan, badtrip!
Agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko. Ayokong maging talk of the town at mapahiya kay Mirko, kaya sa ngalan ng lahat ng santo sa mundong ito, please, pigilan niyo akong makapatay ng Alien na tulad ni Kaizer. Thank you po!!!
“Oh Czai, san ang punta mo?” tanong sa akin ni Carmela noong makasalubong ko siya sa pinto.
“sa Impyerno! Bakit? Sasamahan mo ako?” *rolled eyes* then, nagdirediretso na ako, iniwan ko si Carmela na impit na naman sa pagtawa >_< napakasupportive talaga ng best friend ko kahit kailan, ang sarap tirisin na parang kuto eh! Asar!
***
[KAIZER’S POV]
“HAHAHAHAHAHAHAHA! BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Sayang, hindi ko makikita kung gaano na kabusangot ang mukha ni Czarina ngayon, HAHAHAHAHAHAHAHAHA!” para pala akong baliw, tawa ng tawa mag-isa. Hahahaha, nakakatuwa naman kasi talaga si Czarina. I mean, bakit ba siya masyadong takot na malaman ng lahat na crush niya si Mirko? Which is normal naman, since ang gwapo naman talaga ng pinsan ko? Ewan ko ba kay Cza, may sayad talaga yun minsan, nagpapaalila sa akin para sa konting papel. Hehehehe
Pero, nakakatuwa din no, minsan na lang magkaroon ng babaeng ganun, iyon magsusulat ng letter para sa crush niya, sa school namin kasi, hayagan na yung mga babae, hindi lang halata pero, kapag napag-iisa kami ni Mirko, maraming nagtatapat sa amin ng feelings nila. Ang hirap din palang maging gwapo no? In demand. Hahahahaha, ok fine, ang hangin ko na.
So, ayun, kanina pa ako dito sa may Rooftop, maaga akong pumasok ngayon kesa sa normal kong pasok, gusto ko kasi talagang mauna para utusan si Czai, hahahaha, akala niya wala pa ako, nako, eh siya lang naman itong laging pahuli-huli dumating eh.
Hindi naman ako nagugutom, wala lang talaga akong maiutos sa kanya.
*BLAAAAAAAAG*
I guess, andyan na siya ^__________^
“Alien...” narinig kong tawag niya sa akin, hindi ako sumagot hinayaan ko siyang hanapin ako, nasa kabilang banda kasi ako ng rooftop, doon siya sa may center nagpunta kaya hindi niya ako nakita agad.
“Oh!” abot niya sa akin nung pinabili ko sa kanya.
Agad ko namang tinanggap, “salamat Cza.”
“salamat ka dyan, ano ka? Hilo? Bayaran mo ako para dyan, tagasunod lang ako ng utos mo, pero hindi ako ang sugar mommy mo!” tapos, inirapan niya ako, hahahaha, kailan kaya hindi mang-iirap mata nito? Habit na kaya niya iyon? Hohoho.
“utang muna!” sabi ko then nagstart na akong kumain.
“ang kapal ng mukha!” sabi niya, tapos, akmang aalis na siya kaya lang pinigilan ko. Hahahaha, hindi pa ako Masaya sa pang-aasar ko ee, wait lang naman.
“dyan ka lang, panuorin mo ako!”
“Aba’t sumusobra ka na talagang Alien ka, gusto mong---”
“ipapakita ko kay Mirko yung sulat??” natatawang putol ko sa kanya.
*Czarina’s deadliest glare* “You Beast!” tapos umupo siya sa may katapat ko at sumandal sa may pader doon. Nakapamaywang siya habang simangot na simangot, ang cute niya talaga, hahaha, wala sa itsura niya na ganito siya kasungit.
Inilabas ko ang cellphone ko at maingat na pinicture’an siya.
*CLICK*
Nung Ok na ako, itinago ko na yung phone ko, baka mahuli pa ako ee, lagot ang cellphone ko panigurado. Bayolente pa naman yang si Czarina. Hahahaha
“anong nginingiti ngiti mo dyan?” =__________=+++++
^______________^”wala naman Cza, ang kyut mo lang kapag nagtataray ka!” sagot ko naman sa kanya.
“Badtrip ka talagang Alien ka, may Araw ka rin sa akin!” tapos, tiningnan na naman niya ako ng masama. Hahahaha, lagi naman eh.
“araw? Kailan? Lunes? Martes? Miyerkules? Huwebes? Biyernes? Sabado? Linggo? Kelan Cza? Sabihin mo lang hah ^__________^” pang-aasar ko ulit.
“ARGGGGGH. I HATE YOU ALIEN KA!” sagot na naman niya.
“I LOVE YOU TOO CZA, sabi ko na may gusto ka sakin. Hahahaha” nakita kong pulang pula na siya sa inis at pakiramdam ko pinapatay na niya ako sa isip niya kaya tumigil na ako at kumain na lang ng kinakain kong hot cake ^_^
Nakakatawa talaga si Czarina, ewan ko ba, mainis lang siya napapasaya niya na ako. Hahahahaha
***
[CARMELA’S POV]
“tingin mo Czarina, bakit tayo pinatawag ni Miss ngayon?” tanong ko kay Czarina na kanina pa tahimik at parang papatay dito ng tao.
Yung totoo, minumurder na ba niya si Prince sa utak niya? Hahahaha, criminal talaga itong si Czarina eh. Bwahahahaha.
Tumingin siya sa akin, as usual, wearing her deadliest glare. “ewan ko, parehas lang tayong nasa room nung pinatawag tayo ee, malamang hindi ko din alam *rolled eyes*”
Bwahahahahahaha, ewan ko ba kung maiinis ako o kung matatawa ako sa kanya, parang hindi tinatanong ng matino eeh, sabagay, kailan ba kami nag-usap ng matino? Hahahaha.
“baka naman alam na ni Miss yung tungkol sa love sghdfgdhfgdjfhdgf” yan, dyan siya magaling, ang magtakip ng bibig ng nagsasalita, ang bait talaga -_-!!!
“yang bibig mo Carmela Lu, sasapakin talaga kita -__________-++++”
“eto na nga oh, tatahimik na.” Sabi ko tapos, nizipper ko yung bibig ko as sign na hindi na ako mag-iingay. Hahahaha, pero, inirapan lang ako ni Czai, ang saya niya talagang kausap, bait pang bespren, hahahahaha. Note the sarcasm! Lol. ^_______________^
Later on, dumating na din si Miss.
“Good Morning Ms. Lu and Ms. Sy!” bati sa amin ni Miss.
“Good Morning din po Ma’am ^_______^” bati ko \(*O*)/
“Good Morning.” Wala namang kabuhay buhay na bati ni Czarina. Hahaha, opposite talaga kami, we’re the living proof of opposite attracts XDDD nyahahahha.
“I’ll be straight to the point na hah!” sabi samin ni Ma’am.
Nag-nod naman kaming dalawa ni Czai.
“The thing is, nagkamali kasi ako ng computation ng grades niyo.” Biglang sabi ni Ma’am, mukhang nacatch ni Ma’am ang attention ni Czarina, kaya napaupo ito ng ayos.
“anong ibig sabihin niyo Ma’am?” tanong namin ni Czarina.
“kasi, nagkapalit kayo ng Grade ni Carmela Lu, Ms. Czarina Sy, ikaw ang 93 while Carmela Lu is 90. I am very sorry, nalilito kasi ako sa inyong dalawa kaya ganun, sabay ko kasing nacheck’an yung papers niyo, yung grade mo Czarina, naisulat ko kay Carmela while yung grade mo naman Carmela naisulat ko kay Czarina, I’m sorry girls, buti na lang nagrecheck ako ng papers niyo.”
O__________O
Nagkatinginan kaming dalawa, tapos biglang.
“AAAAAAAAAAAAAAHHHHH! HINDI PWEDE TO!!!” sabay na sigaw namin ni Czarina.
Hindi talaga pwede ito... bukod sa bumaba ang grade ko....
Ayokong idate si Xiu Min Chen, ang dakilang weirdo >____________<!!!
Uwaaaaaaaaaaaaa... Karma ba ang tawag dito?? Dahil kung OO, ayoko na, promise, magiging good girl na ako TT3TT
**************************************************************************