PRINCESS POWER

By AillexSkcy

109K 2K 72

Magicae Orbis is one of the most powerful planet in Curax Universe, every individual have their own abilities... More

Reminders
Prologue:
Characters:
Chapter 1: Late As Always
Chapter 2: Red Key
Chapter 3: Gella at Academy
Chapter 4: Good she
It's not an UPDATE!!!
Chapter 5: Wakeful
Chapter 6: Training
Chapter 7: Group
Chapter 8: Dark Room
Chapter 9: Jewel the LOYAL
Chapter 10: Force
Chapter 11: Worried
Chapter 12: 2nd week of training
Chapter 13: The comeback
Chapter 14: Trainee
Chapter 15: Reaction
Chapter 16: Ultimate Crush
Chapter 17: Painting
Chapter 18: Abstract
Chapter 19: Sure
Chapter 20: Cousin
Chapter 21: I'm happy
Chapter 22: New Abstract
Chapter 23: Memory lost
Chapter 24: Happy Birthday
Chapter 25: Friendsary
Chapter 26: Ability Performance
Chapter 27: Escape
Chapter 29: Moonage Forest
Chapter 30: Hypnotize
Chapter 31: Twin Town
Chapter 32: Four Magus Place
Chapter 33: Just One Week
Chapter 34: Blue Moon to Green Moon
Chapter 35: Love is
Epilogue
Extra Chapter

Chapter 28: I Just Want To Help

1.4K 26 0
By AillexSkcy

Chapter 28: I Just Want To Help


.
.
.
.
.
.

Third Person

"Oh Lliyah bakit ngayon ka lang?"

"May may kinu kinuha lang ako sa do dorm." Napakunot ang noo ni Ice ng sagutin ni Lliyah ang tanong niya.

"Tara na."

"Hindi na kailangan Lliyah, nahanap na si Carly."

"Ganon ba, sige babalik na ako sa dorm."

"Wait lang Lliyah." Napatigil sa paglalakad si Lliyah matapos tawagin ni Ice ang pangalan niya.

.
.
.
.
.

8:56 na ng gabi pero hindi pa rin nila nakikita ang Prinsesa, kaya nag alala masyado ang lahat. Ang bawat Reyna at Hari ng ibang kaharian ang maagang umalis sa Academy dahil sa bawat appointment na meron sila. Naiwan naman ang Hari at Reyna ng Magicum Kingdom dahil sa nalaman.

"Your Majesty I'm sorry pero hindi namin makita ang Prinsesa."

"Anu?"

"Honey calm down, calm down okay."

"Nalibot niyo na ba ang buong Academy?"

"Opo your majesty, natanong ko na rin ang mga kaibigan niya pero wala po silang idea kung nasaan ang Prinsesa."

"Si Gella? Nasaan si Gella?"

"Nasa office po siya ni HM, nakausap ko na rin po siya. Katulad po ng iba, hindi niya po alam kung nasaan ang Prinsesa."

"Search every forest and every building of this Academy, at hanapin niyo ang anak ko!"


Agad ding umalis ang lalaking inutusan ng Hari na hanapin ang Prinsesa. Napaluhod siya matapos ang lahat ng iyon.

"Razzel calm down ka lang, maha mahahanap din nila ang anak natin." Napaluha na lang ang Reyna sa mga nasabi niya habang nakayakap sa nakaluhod na Hari.

"Bakit? Bakit siya umalis? Hu hu hu!"



.
.
.
.
.

"Your highness dumating na po ang kabayo ninyo." Nakatungong sambit ng isang guwardiya sa Reyna ng Darvil.

"Viana okay lang ba ang lahat?"

"Oo naman po your highness, huwag niyo na po kaming alalahanin sa kaunting abirya."

Napatungo ang Reyna bago siya sumakay sa kabayo na kulay brown.
"Salamat nga pala sa pag imbita, sige aalis na ako."

"Salamat din po your highness." Agad ding umalis ang Reyna matapos nitong mag paalam kay Viana, napabuntong hininga naman si Viana habang nakatanaw sa papalayong Reyna.

.
.
.
.
.

"Gene, Lhux sumama kayo sa akin." Sambit ni Eron habang hawak ang jacket na isusuot.

"Lliyah Ice at Ellie subukan ninyong tingnan ang Prinsesa sa bawat dorm."

"Eron, sa bawat gubat na lang kami nina Jasper, Whint at Maige." Sambit ni Jhielou.

"Kami naman ni Lhex at Cenver sa bawat hall." Sambit ni Gell.

"Sige mag iingat kayo, sina Ystaice, Therrie at Gella na lang ang bahala sa location nating lahat."

"Students." Napalingon ang lahat sa Principal ng marinig nila ang boses nito.

"Mag iingat kayo."


"Opo Principal Jean, kayo na lang po ang magsabi kay HM."

"Hanggang 12:00 midnight lang ang paghahanap."

"Okay po."Agad ding umalis ang lahat para hanapin ang Prinsesa.


.
.
.
.
.
.
.

Maghahating gabi na pero wala pa ring balita sa Prinsesa, halos nalibot na nila ang buong Academy pero bigo ang lahat sa paghahanap.

Ang lahat ay nagkita kita sa harap ng main gate para magpahinga.
Habang si Lliyah ay kinakabahan sa iniisip niyang pwedeng mangyari sa Prinsesa dahil sa huli nitong narinig about sa Prinsesa.

"Lliyah okay ka lang ba? Bakit pinagpapawisan ka?" Tanong ni Lhex sa Prinsesa.

"Pwede bang magpahinga muna tayo? Kanina pa ako nauuhaw."

"Heto Lliyah." Kumuha ng dahon si Lhex at sa isang hawi ng kamay ay nagkalaman ang dahon ng tubig. Agad din iyong ininom ni Lliyah at sa pagmamadali nabasa na ang damit niya.

"Lliyah dahan dahan, bakit ka ba kasi pinapapawisan?" Tanong ni Maige sa Prinsesa.

"Hi hindi ko alam, ewan ko ba kung kailan malamig ang simoy ng hangin dito sa labas tsaka ako pinagpapawisan."

"May alam ka ba kung nasaan si Demi?" Napalingon si Lliyah kay Ellie ng itanong niya iyon.


"Kaya nga ako tumutulong sa paghahanap dahil hindi ko alam kung saan ba siya sumuot." Mataray na sagot ng Prinsesa.

"Lliyah!" Napalingon si Lliyah kay Lhex at Ice ng sabay nilang tawagin ang pangalan ni Lliyah.

"Nagtatanong lang naman."

"O bakit ninyo ako pinaghihinalaan na may alam sa pagkawala ng Prinsesa!"

"Lliyah." Malamig na sambit ni Ellie.

"Bakit? Dahil ba hindi ako sumama sa inyo sa paghahanap sa kapatid ni Luwisa! Iyon ba!"

"Lliyah, I'm just trying to asked you, at hindi ko naman agad inisip na may alam ka sa pagkawala ni Demi."


"Pinsan ko si Demi at hindi ko kayang tanggapin na nawawala siya ngayon sa mismong espesyal na araw niya."

"It's already 12:21 in the midnight meaning hindi na birthday ni Demi." Walang emosyong sambit ni Whint. Kaya napalingon ang lahat kay Whint habang sinusuot nito ang jacket.

"Hanggang 12:00 midnight lang ang curfew natin, wala ba kayong balak na bumalik sa dorm." Sunod na sambit ni Whint habang naglalakad palayo sa karamihan.


.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Ystaice's POV


"Hayy nasaan ba kasi si Princess Demi?"




"Magdadalawang araw na pero hindi pa rin siya nakikita."

"Ginising niyo na po ba si Ellie?"
Napatayo ako sa kinauupuan ko at nagtungo sa kusina.

"Ikaw na muna Gella ang gumising kay Ellie, maghuhugas lang ako ng pinagkainan ko." Pagpapalusot ko kay Gella, ayaw ko munang pumasok sa kuwarto ni Ellie sa ngayon lalo pa at hindi pa malinaw sa akin ang mga nangyayari lalo na kung bakit tila nakalimutan ni Ellie ang pagsigaw ko sa kanya noong nakaraang araw.

"Ako na lang ang gigising." Napalingon ako sa bandang pinto, nagulat ako ng makita ko si Ice na nakatayo sa tapat ng pinto. Napansin ko naman si Gella na napatigil sa paglapit sa pinto ng kuwarto ni Ellie.

"Ice, ba bakit nandito ka?"
Sa halip na sagutin niya ang tanong ko ay dirediretsyo niyang pinasok ang kuwarto ni Ellie. Napatungo akong tila napahiya matapos iyon kaya ipinagpatuloy ko na lang ang paghuhugas.

"May nagawa ba ako?" Pabulong kong tanong sa sarili.

.
.
.
.


Lhex's POV


Napapailing lang ako habang kumakain sa mini table habang nakatingin kay Lliyah na tahimik na nagbabasa ng libro sa sofa.

Baka totoo ang kutob ni Ellie na may kinalaman si Lliyah sa pagkawala ni Demi.

Blagggg

Nagulat ako ng may bumagsak na libro, pagtingin ko galit na nakatingin sa akin si Lliyah. Nakalimutan ko, kaya niya nga pala magbasa ng isipan ng iba at kaya niya rin iyong marinig.

"Kailan ko ba paulit ulit na sasabihin na wala akong kinalaman sa pagkawala ni Demi!" Nabitawan ko ang kutsarang hawak ko ng hilahin ni Lliyah ang damit ko at napatiyad din ako. Nanlilisik ang mga mata niya na tila may gustong kumawala sa mga matang iyon.

"Hayyy bwisit!" Agad naman niyang binitawan ang damit ko ng sunod kong mahulog ang tinidor na hawak ko sa kabilang kamay. Biglang nagbago ang hitsura ng mata niya ng bitawan niya ako.

Ibinato niya ang libro sa sofa pero sumala iyon at nahulog sa sahig, sabay labas ng dorm at hindi pa iyon kinalampag pa niya ang pinto pagkalabas na pagkalabas.
Kaya nagulat akong inaayos ang damit ko.
Ngayon ko lang nakita ng ganoon si Lliyah, and hindi ko pa siya nakitang magalit ng sobra before.

.
.
.
.
.
.
.

Lliyah's POV


Anu ba ang kasalanan ko? Bakit nila ako pinagbibintangan? Hayy saan ka ba kasi Demi pumunta? At sino ang kausap mo noong nakaraang araw sa restroom na tumutulong sayo? Nalilito na ako sa mga nangyayari. Noong nakaraang araw hindi man lang nila sinabi sa akin ang nangyari sayo hindi tuloy kita nadalaw, hindi na kita nasusubaybayan magmula ng iapoint ako ni HM na maghanap ng apprentice sa bawat Kingdom.


"Lliyah saan ka pupunta?" Hindi ko pinansin ang nagtanong sa akin niyon sa halip ay dirediretso lang akong naglalakad kung saanman ako dalhin ng aking mga paa.
Nakakasawa na ang pagmumukha ng Ellie na iyon, nakakasawa na siyang pakisamahan sa ugali niya. Bakit kasi naisipan ko pang ipakilala ko ang pinsan ko sa brat na babaeng iyon. Then ako pa ang lumalabas na masama ngayon sa lahat, dahil sa naging reaction ko nung nakaraang araw ng tanungin ako ni Ellie kung may kinalaman ba ako sa pagkawala ni Demi.


.
.
.
.
.


Maige's POV

I'm Maige Rivera, kilala niyo naman kung sino ako. Ako ang naging kasama ni Lliyah sa paghahanap ng bagong apprentice ng Academy.

Magmula ng hindi makita si Demi tila nag aaway away na ang lahat. Then si Lliyah, naninibago ako sa mga kilos niya ngayong mga nakaraang araw. Napaaisip tuloy ako na may kinalaman siya sa pagkawala ni Demi, pero ayaw ko munang magsalita ng tapos habang hindi ko pa alam ang totoong nangyari sa Prinsesa.

Kahit kailan talaga hindi ko maintindihan ang iniisip ng Prinsesang iyon, mismong kaarawan niya lalayasan niya.

"Maige nakita mo ba si Lliyah?" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Hingal na lumapit sa akin si Lhex.

"Hindi niya nga ako pinansin, hayon dirediretso sa paglalakad. Anu ba ang nangyayari sa babaeng iyon?"

"Tingnan mo ito." Inagaw ko sa kanya ang librong iniabot niya sa akin, at tinuro naman niya ang isang litrato sa libro.

Napalaki ang mata ko ng mabasa ang nakasulat sa litratong iyon, form ni Lliyah ang naksulat. She vandalism the book but the message have a lot of meaning when you read slowly. Mabilis kong naintindihan ang gustong sabihin ni Lhex. Kaya tatakbo kaming nagtungo sa office ni HM, busy kasi ngayon si Principal Jean dahil sa pag update sa Reyna kung anu na ba ang balita kay Demi.

Naabutan namin sina Cenver at Gell sa office pero dirediretso kaming lumapit kay HM. Inilapag namin agad ang libro at ipinabasa kay HM.
"Kailan niya ito sinulat?" Nangangatal na tanong ni HM.

"Ilang oras lang ang nakakalipas." Napalingon ako kay Cenver sa malamig niyang boses.

"Medyo basa pa ang tinta ng black pen na ginamit niya, and halatang nagmamadali siya or nangangatal habang sinusulat iyan. Hindi ayos ang pagsulat niya sa bawat letra, alam ko ang hitsura ng form ni Princess Lliyah. Malinis siya magsulat pero diyan nangangatal siya at tila kinakabahan."
Alam kong matalino si Cenver pero hindu ko akalain na napapansin niya pala ang kahit maliit na bagay kapag na classroom kami. Pati form ni Lliyah alam niya ang style. I smile at him after he said everything.

"Gell Cenver, ipaalam ninyo ito kay Principal Jean. Lhex and Maige sumama kayo sa akin sa dorm ni Prince Eron."
Agad ding lumabas ang dalawa, napahabol tingin naman ako sa kanila ng lumabas sila.

"Wala po si Prince Eron sa dorm niya, I checked it before kong ipakita ito kay Maige." Napatigil sa pagsuot ng coat si HM ng sabihin iyon ni Lhex.


"HM wala po si Eron sa dorm niya, gayundin si Jasper, Therrie at Whint.  Una kong pinuntahan si Ice kasama niya sina Gella, Ystaice at Ellie. Si Jhielou naman kasama ni Gene at Haydes. Umalis naman si Lliyah matapos niyang ibato sa sofa ang librong ito."


"Hayyy anu ba ang problema ng mga kasama ninyo?"


"HM mas inaalala ko po si Lliyah, tila may hindi magandang mangyayari. Galit siyang umalis sa dorm kanina at first time kong makita iyon sa mukha at mata niya, before kahit galit siya sa isa sa amin iba ang hitsura ng mata niya pero kanina tila nanlilisik at gusto kumawala ng kapangyarihan niya sa akin."






.
.
.
.
.
.
.
.
.
.


Someone's POV

Nagkakagulo na sila dahil sa problema ng pagkawala ni Demi. Dapat ko na bang sabihin sa kanila kung saan at anu ang dahilan ng pag alis ni Princess? O hindi muna.

Natatakot ako na mahalata nila ako, at mapagtulungan tulad ng nangyari kay Lliyah. Gusto ko lang naman na tulungan si Demi na takasan muna ng problemang kinakaharap niya, matagal ko ng alam na walang espesyal sa kanya kaya lagi akong nakatingin sa bawat galaw niya. Pero naniniwala akong magagawa niya ring ipalabas ang kung anong meron sa kanya. Dahil siya ang Prinsesa ng Magicum Kingdom sigurado akong magagawa niya rin iyon.

Pero nag aalala ako baka kung saan na siya napunta, hindi niya kabisado ang lugar na sinabi ko sa kanya. Tsaka hindi siya sanay na walang kasama kapag umaalis. Sana mahanap niya ang kubong pwede niyang pagtigilan ng ilang araw para makapagconcentrate siya pagpapalabas ng kapangyarihan niya. Sure akong magagawa niya iyon pero nag aalala lang talaga ako na mabuking nila ako, kailan kong magpanggap na walang alam sa pag alis ni Demi. Ilang araw lang ang sinabi niya sa akin kaya sana matapos ang araw na iyon na hindi nila ako mahalata.

Continue Reading

You'll Also Like

212K 8.5K 50
I just escaped from life threatening situation. But I found myself in another situation that is difficult for me to handle. In a place where powers...
45.1K 2.3K 63
Leopardess Academy is a prestigious school where you can find the smartest and richest students. Here Intelligence is power and IQ is important. But...
1M 27.7K 145
'' She will come and she will rule her own kingdom. And when the right time comes she will sacrifice her own life and will rise again this time more...
972K 41.5K 131
She keeps souls but where? (COMPLETED) Rank #4 in Fantasy (Feb. 18, 2021) Rank #4 in Fantasy (April 13, 2021) Rank #1 in souls Rank #1 in stories (Ju...