Chain Message (Short Story)

By LeonLynx

6.2K 141 18

Paano nga ba mapuputol ang isang sumpang walang katapusan? Makaligtas kaya sila sa isang sumpang hindi sina... More

Paunang Salita
Author's Note
Page 2
Page 3

Page 1

761 32 6
By LeonLynx

Chain Message

Habang nasa isang outing ang isang grupo ng kabataan mayroong isang kakilakilabot na pangyayari ang hindi nila inaasahang mararanasan nila sa araw na iyon.

Masayang nag-kwentuhan ang mag-kaibigang Anna at May habang nag-swimming naman si Josh nang nakita nila May at Anna na mayroong biglang humila pailalim sa  kanilang kaibigan na si Josh.

            “Hala, anong nangyari kay Josh? Bigla siyang lumubos sa tubig.” Sabi ni May habang nakaupo siya sa tabi ng pool.

            “Naku, baka malunod siya. Dali tumawag tayo ng tulong!” Sabi ni Anna.

Kasalukuyang kumakain ang iba nilang kasamahan ng oras na iyon, nagkataon pa na hindi marunong lumangoy sina Anna at May.

Tinawag ni May ang lifeguard na nasa malapit lamang.

            “Kuyang lifeguard, yung kaibigan po namin biglang lumubog sa gitna ng pool hanggang ngayon hindi pa umaangat.”

Tumakbo naman agad ang lifeguard patungo sa swimming pool na sinasabi ng dalaga. Nakabantay naman sa tabi ng pool si Anna habang hinihintay si May at ang lifeguard.

Pagkadating ng lifeguard agad itong tumalon sa tubig upang hanapin ang sinasabi nilang kaibigan.

Ilang minuto na ang nakakaraan ngunit hindi pa din nakikita ang kaibigan nila.

Nag-tataka sila dahil wala naman butas sa ilalim ng pool at maliit lang naman ang pool na iyon.

Nagdatingan na ang mga kasama nila na kumain kanina.

            “Anong nangyari?” Tanong ni Alex.

            “Si Josh hindi makita ng lifeguard, bigla siyang lumubog na parang may humila sa kanya tapos biglang nawala!” sabi ni May.

            “Sigurado ba kayo na lumubog ang kaibigan nyo? Wala kasing tao sa ilalim ng tubig eh.” Sabi naman ng lifeguard.

            “Sigurado po kami kuya, hindi nga po ako umalis dito para mabantayan eh.” Sabi ni Anna.

Nag-simula na ding tumulong mag-hanap ang iba nilang kaibigan na sina Alex, April at Miguel na kapwa magagaling lumangoy.

Ngunit sa kasawiang palad wala talaga ang kaibigan nila na si Josh.

Nag-simula nang umiyak si Anna dahil kitang kita nya talaga ang pangyayari at siya mismo ang nandoon na nakabantay sa tabi ng pool habang tinatawag ni May ang lifeguard.

            “Wag kana umiyak Anna makikita din natin si Josh, baka nasa tabi tabi lang siya, babalik din yun.” Sabi ni April habang hinahagod ang likod ni Anna.

Continue Reading

You'll Also Like

6.7K 599 22
MHST Volume 3: ANG BALON - Sa mahabang panahon ng pangangasera ng isang pamilya sa siyudad, malaking surpresa ang pagdatal ng isang biyaya mula sa ka...
1.9M 105K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...
123K 3.9K 50
FEROCIOUS The exhibiting or given to extreme fierceness and unrestrained violence and brutality. Kung malapit na ang katapusan ng sangkatauhan, mamam...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...