Alipin with Benefits

By ohannapamela

97.1K 2K 1.1K

The story behind Sammuel Laxa Santos. Malalaman kaya niya ang kaniyang nakaraan? Magiging masaya kaya ang buh... More

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
a u t h o r ' s n o t e
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Final Chapter pt. 1
Final Chapter pt. 2

Kabanata 29

1.1K 24 27
By ohannapamela

"Ano ba 'yan, bakit may tag pa itong damit mo?" sabi niya at inalis ang nakasabit sa aking bestida.

Nakatingin lamang ako sa kaniya at nagpasyang magsalita na pagkatapos ng mahabang katahimikan.

"M-may problema ba? Sa ating dalawa, may problema ba?" tanong ko.

"Pinsan ka ni Brad? Akala ko ba magtatrabaho ka dito sa Maynila. Iyon ang sabi ng mama Sel mo." Pag-iiba niya. Ngunit hindi ako nagpatinag.

"Ayaw mo na ba sa akin? 'y-yung babae kanina, g-gusto mo ba siya?" tanong ko.

Nag-iwas naman siya ng tingin. "Hindi. Hindi ko siya gusto at alam mong ikaw lang ang nakalaan sa akin. Binilin ka ng inay mo sa akin, sa amin ni mama kaya hindi kita pababayaan." Ngumiti ako at niyakap siya.

"Akala ko'y ayaw mo na sa akin. Maniwala ka, ilang beses kong sinubukang tumawag sa probinsya pero hindi kita naabutan." Sabi ko habang yakap siya.

"At saka, hindi ko pinsan si Brad. Palabas lang iyon nang hindi daw ako apihin ng mga taga Maynila dahil galing ako sa probinsya at may pagka mangmang." Dagdag ko at tumingin sa kaniya. Kumalas naman siya sa aming yakapan.

"May ipapakiusap sana ako sa'yo." Mataman ko siyang tinititigan at hinihintay ang kaniyang sasabihin.

"Gusto ko sana na ilihim mo na magkakilala tayo. Alam kasi nila na anak mayaman ako." Sabi nito at nag-iwas nanaman ng tingin. Natahamik ako sa sinabi niya.

"Ang ibig mong sabihin, gusto mo ring ilihim ko na hindi tayo? N-na walang namamagitan sa ating dalawa?"

Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak o ano. Parang tumigil ng isang segundo ang pintig ng aking puso nang tumango siya. Sa isang banda, naiintindihan ko naman siya dahil maging ako ay may lihim na itinatago.

"Huwag kang mag-alala, hindi rin lalabas ang lihim niyo ni Brad." Dagdag niya na ikinayuko ko.

Ayokong makita niya na malapit na akong umiyak. Wala naman akong magagawa kundi ang um-oo. Tumango ako at naramdaman ko ang kaniyang kamay sa aking balikat.

"Lalabas tayo paminsan-minsan. Babawi ako sa'yo." Tila ba kahit konti ay nabawasan ang sakit na aking nararamdaman nang sabihin niya iyon kaya mabilis na nag-iba ang mood ko. 'yung ngiti ko ngayon, mas komportable na.

Lumabas na siya dala ang mga pulang lata pati na rin chichirya. Kasunod namang dumating ay si Sese.

"I heard everything." Agad ko siyang nilapitan at inaya na umupo.

"Huwag mong sasabihin kahit kanino ang narinig mo lalo na sa hyung mo, maliwanag? Kundi, mapapahamak din ako. Gusto mo ba 'yun?" Umiling naman ito saka sumagot.

"Basta, that man won't hurt you." Napa ngiti naman ako sa sinabi ni Sese.

"Magtiwala ka, hindi niya ako sasaktan. Mahal ako ni Paulo." Naka ngiti kong sabi.
Tumayo na ako at ipinaghanda ng hapunan si Sese.

Pagkatapos nitong kumain ay abala ako sa paghuhugas ng mga pinggan samantalang siya ay busy nanamang nakatutok sa kaniyang iPad.

"Hey! What are you doing here?" rinig kong sabi ni Sese kaya humarap ako.

Ngunit saktong pagharap ko ay nasa harapan ko na din ang isa sa mga kaibigan ni Brad. Naka ngisi ito at papalapit ng papalapit sa akin kaya ako ay paatras.
Naramdaman ko na ang lababo sa aking likuran kaya naman tinulak ko ito.

"Ano bang ginagawa mo?!" singhal ko sa kaniya. Bigla niyang hinawakan ang aking tagiliran kaya nasampal ko ito.

"Pakipot ka pa e." sabi niya sa akin at hinila ako ng mas malapit sa kaniya.

"Get off with her! Leave my noona alone!" si Sese na sinusuntok ang lalaking nasa harapan ko ngayon ngunit para bang wala lang ito sa kaniya dahil hanggang pwetan lang naman niya si Sese.

"Bitawan mo sabi ako!" sigaw ko.

Ikinulong niya ako sa kaniyang mga braso at hinalikan ang aking leeg. Pilit akong kumakawala sa kaniya ngunit lalo lamang niyang hinihigpitan ang kaniyang yakap sa akin.

"Bibigay ka rin maya-maya." Sabi niya sa gitna ng paglapa sa aking leeg. Mula sa kaniyang likuran nakita ko si Paulo.

"P-paulo, tulungan mo ako! Nagmamakaawa ako!" halos humagulgol na ako. Nakatayo lamang siya doon hanggang sa makita kong paparating si Brad at hinila ang kaibigan niya mula sa pagkakayakap sa akin.

"Tama na 'yan, Val." Bumagsak ako sa sahig habang umiiyak at agad naman akong linapitan ni Sese.

Pinupunasan nito ang aking pisngi na may luhang tumatagas mula sa aking mga mata.
"Hush now, noona." Niyakap pa ako nito.

"Hoy, tumayo ka na diyan." Sabi ni Brad.

"Can't you see noona was been harassed with that asshole!" sigaw naman ni Sese.

Tumayo ako at dali-daling tumakbo papunta sa kwarto. Agad akong umupo sa kama at hindi parin natigil ang aking paghikbi. Sa tanan ng buhay ko na kasama si Paulo, lagi niya akong pinagtatanggol. Kahit na simpleng sipol lang sa akin ng mga kalalakihan sa probinsya ay binabangga niya. Pero ngayon, nakita na niya akong binababoy nanatili lamang siyang nakatayo at walang ginawa. Pumasok naman si Brad sa kwarto at umupo rin sa kama. Pero malayo sa akin.

"Hoy, it's just a kiss. You can't blame my friend, ang ibig kong sabihin hindi mo siya masisisi dahil napag utusan lang siya. Naglalaro kasi kami ng truth or dare..—"

"Eh bakit ako pa!?!" sigaw ko.
"May mga kasamang babae naman kayo bakit hindi nalang sila?!" Bigla namang dumating sa eksena si ma'am Elise na kasama si Sese.

Napaka sama ng tingin nito sa kaniyang anak maging si Sese ay ganoon din.

"Brad! What is this mess?! At ano itong isinumbong ni Sehun na hinayaan mong maharas ng mga kaibigan mo itong si Paula?!" sa tono ngayon ng boses ni ma'am Elise ay sobrang galit ito.

Hindi din ako makatingin sa kaniya dahil nahihiya kong ilantad ang pangit kong mukha dahil sobrang naiyak nga ako. Sigurado akong dinaig ko pa si Rudolf sa sobrang pula ng ilong ko.

"Eomma, it is not Brad's fault. Lumabas siya that time na mangyari 'yun. They are just having fun at natipuhan lamang ng mga kaibigan ni Brad itong si Paula." Sabat naman ni choco like Miley.

"You! I heard that you're the one who commanded that maniac to kiss my noona!" sigaw naman ni Sese sa kaniya.

"W-what? I didn't say anything! Maybe hindi ako 'yung narinig mo, sese. It's Val's sisiter and..—o-ouch." Kaagad na tumayo si Brad upang lapitan itong best actress na si choco like Miley.
Puro ka 'ouch!' Nyeta ka!

"Don't stress yourself, baby." Sabi ni Brad habang inilalabas ito sa kwarto.

"Noona, please do anything. I don't want to see those maniacs ever again inside our house. They will harass my noona Paula again." Naka ngusong sabi ni Sese kay ma'am Elise.

"Yes, Sehun. Those people will never go back here."

Pinunasan ko na ang aking pisngi at ngumiti kay Sese.
"Salamat sa pag-aalala, Sese." Naka ngiti kong sabi sa kaniya. Lumapit siya sa akin at niyakap ako nito.

Nakakagaan ng loob dahil alam mong may kakampi ka parin kahit na may pagka moody at masungit 'yung kakampi mo.
Sobrang gabi na at tulog na si Sese. Lumabas ako ng bahay upang makalanghap ng sariwang hangin. Hindi kasi ako makatulog kaya inilabas ko iyong cell phone na binigay ni Ouen. Dinial ko ang numero nito.
Matagal-tagal bago nito nasagot.

"Hello?" halata sa boses niya na nagising ito sa tawag na nagmula sa akin.

"Naku, pasensya na kung nagising kita. Sige na, matulog ka na ulit." Sabi ko at akmang ibaba na ito.

"No. It's ok. May problema ka ba?" tanong niya sa akin. Napabuga ako ng marahas na hininga. Sasagot na sana ako nang may magsalita...

"Retard?" Agad kong ibinaba ang cell phone at humarap sa kaniya.
Itinago ko ito sa aking likod at ngumiti.

"Bakit gising ka pa?" tanong ko.

Lumapit siya sa akin at dumudungaw sa likuran ko ngunit mabilis akong umiwas sa kaniya.

"What's that?" tanong niya at pilit na tinitingnan ito. Bigla naman niyang hinila ang aking kamay nakita kung anong hawak ko, cell phone. Napa ngiwi ako dahil baka ipagbawal niya sa akin ang pag gamit nito.

"Where did you get that? Nang snatch ka?" Inirapan ko naman siya at binawi ang aking kamay.

"Hindi 'no! Binigay 'to ni Ouen." Sagot ko. Umiba ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Mukhang hindi niya nagustuhan ang pangalang binanggit ko.

"So, siya ang kausap mo kanina?" Tumango ako. Bigla siyang nag "tss" at umirap sa akin. Epal 'tong alien na 'to! Inirapan ko din siya at nilagpasan na siya. Hindi pa ako nakakapasok ng bahay nang magsalita siya.

"Sorry." Dahan-dahan akong humarap sa kaniya.

"Ano kamo?" tanong ko saka mataman na naka tingin sa kaniya.

"Ang sabi ko, sorry. Pati ba naman English ng patawad hindi mo alam?" pagsusungit niya at inirapan nanaman ako.

"Alam ko! Alam ko ibig sabihin nun!" inis na sabi ko at iniwanan ko na siya doon sa labas. Kaasar 'to! Hindi naman ako ganoon kabobo para hindi malaman ang ibig sabihin ng 'sorry!' Akala mo naman e napaka perfect din niya! Psh

Continue Reading

You'll Also Like

10.6K 161 42
#ROMANTIC #DRAMA #COMEDY #FANTASY #FICTION Paano kung ang taong minahal mo sa nakaraan ay ang taong mamahalin mo parin sa kasalukuyan? Pagmamahal na...
19.7K 628 6
Hanggang kailan mo nga ba kayang ingatan ang puso mo?. Sapat naba sayo ang Anak lang?.
2.1K 24 12
"But I'll abide for my time right now. Pero darating din ang araw na mas bibigyan pa kita ng mas higit pa sa nakukuha mo mula sa trabaho mo ngayon...
611K 8.9K 51
Isang ulilang lubos si maria ceilo may dalawa syang kapatid si angela at april Isa rin syang masipag na empleyado sa mga trabahong napapasukan nya.. ...
Wattpad App - Unlock exclusive features