Ang Pag-ibig ng Aswang [PUBLI...

Autorstwa DyslexicParanoia

3.7M 64.4K 5.7K

Katropa Series Book 1 [Completed] Language: Filipino Ang nobelang Ang Pag-ibig ng Aswang, ay isang pinaghalo... Więcej

Ang Pag-ibig ng Aswang [Wattpad Version]
PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
Ang Pag-ibig ng Aswang Part 2
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
EPILOGO
INTERCONNECTED KATROPA SERIES

KABANATA 39

54.4K 1.3K 190
Autorstwa DyslexicParanoia

Helga's P.O.V.

"Ano po ang plano niyo sa mga ito, Panginoong Lucio?" tanong ng isa sa mga tauhan ni Lucio habang nakaturo sa aming tatlo.

"Kay Marietta," si Lucio habang nakatingin kay Mama. "Dalhin

ninyo sa Konseho. Hindi sapat ang kamatayan sa babaeng 'yan! Maraming artraso 'yan sa lipi ng mga Maligno at Aswang! Ibibigay ko sa kanilang mga kinatawan ang pagpapasya kung anong parusa ang nais nilang ipataw sa kanya." At sinenyasan niya ang ilang kalalakihan para damputin si Mama upang dalhin sa kung saan man 'yung Konsehong tinutukoy niya.

"Mama..." panaghoy ko. Kalmado lang naman si Mama bagama't bakas sa kanyang mga mata ang labis na pag-aalala.

"Eh sa dalawang ito?" sabi ulit ng bwisit na nagtanong din kanina.

"Pabayaan niyo na muna ang dalawang 'yan dyan," sagot ni Lucio. Sumulyap muna siya sa akin bago tumitig kay Mitch. "Isasabay ko na sila sa akin pagkatapos ng ating pagdiriwang."

Sa mga tingin pa lang niya ay para na niya kaming hinuhubaran. Kagat-kagat niya ang kanyang ibabang labi habang sinisipat ang aming mga binti. Naka-skirt kasi si Mitch habang ako naman ay naka-shorts na pangbahay.

Matapos niya kaming hagurin ng titig na may halong pagnanasa ay nilubayan na nila kami at saka isa-isang nagsipuntan sa hindi mabilang na lagusang papalabas sa 'Rukerium'. Sumama na rin sa kanila ang mga halimaw na nanggagahasa sa mga babae kaya naman medyo tumahimik na rin ang lugar na iyon. Tanging impit na daig na lamang ng ilang kawawang babae ang aming naririnig.

Napatingin ako sa kawawang batang pinugutan nila ng ulo. Hindi ko pa rin maiwasan ang hindi mapaluha sa habag sa batang iyon. Sumulyap ako kay Mitch at nakita kong doon din siya nakatingin.

Ilang minuto kaming nakatulala lang doon nang bigla kong napansing gumagalaw ang mga kamay ng bata. Nagkatinginan kami ni Mitch dahil nakita rin pala niya. Ilang saglit pa, mas lalong naging aktibo ang paggalaw nito kaya naman kinilabutan na ako.

"Helgaaa..." atungal ni Mitch. "Magiging zombie pa yata 'yung bata!"

Hindi ako makapagsalita habang nakatitig lang doon. Lalo akong nanghilakbot nang tumayo ang sanggol na walang ulo, bumaba mula sa patag na batuhang kinasadlakan nito, lumakad papalapit sa ulo niyang napugot at saka muli itong ikinabit.

"Waaaaaa...." tungal ni Mitch. Lumapit kasi ang sanggol sa aming harapan. Sabay naman kaming napangiwi ni Mitch nang ngumiti pa iyon sa amin.

"Huwag kang mag-alala..." sambit nito sa akin.

Waaahhh! Nagsasalita siya...syet! Kinakausap niya ako...syet!

"Ligtas po ang anak niyo. Dinala siya ni Manuel sa pangangalaga ng mga Engkanto."

"Tiyanaaaaakkk!" sigaw ni Mitch. "Nagsasalita ang tiyanak! Waahhh..."

"Paano niyo po nalaman na tiyanak ako?" kalamadong tanong naman ng sanggol kay Mitch.

"Eh sa smart ako eh, may problema ka ba don?" pagtataray ni Mitch saka muling umatungal.

"Wala naman po."

Aba! At magalang ang tiyanak na iyon, marunong manganupo.

"Hindi ko po kasi alam na ganoon na pala kami kasikat sa mga tao," dagdag pa nito sabay bungisngis.

"Oo na, sige na, sikat ka na! Pero matutulungan mo ba kaming makawala dito?!" tanong ni Mitch.

"Hindi po."

"Hindi? Bakit naman hindi?" si Mitch ulit.

"Eh..."

"Eh?" sambit ko.

"Hindi po kasi kasama iyon sa ibinilin sa akin ni Manuel eh. Ang sabi niya sa akin, magpanggap lang daw po akong anak ninyo pero siya na daw po ang bahala sa iba. Kaya sige po, aalis na ako. Baka mahuli pa po ako ni Lucio. Tiyak! Malalagot ang mga kalahi ko kapag nahuli niya ako. Sige po...paalam na!"

At nagtatakbo na nga ang tiyanak na iyon papalayo.

"Buwisit kang tiyanak ka! Wala kang silbi!" pagmamaktol ni Mitch. "Paano na tayo, Helga? Mukhang gagawin na tayong sex slave ng Luciong 'yon. Well...cute naman siya pero..."

"Pero ano?"

"Hindi ko type ang masyadong old! Isang libong taon na siya, di ba? Eh di anim na beses na mas matanda pa siya kay Jose Rizal at Andres Bonifacio?!" Nakangiwi siya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Mitch kaya naman nanahimik na lang ako.

"But in fairness..." dagdag niya. "Mas bata naman siya kay Hudas kaya...pwede na rin siguro."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2013, All rights reserved.

"Lukaret ka talaga! Kung anu-ano pa ang pinagsasasabi mo dyan. Kahit pa kasing bata pa siya ni Justin Bieber, ayoko po ring maging sex slave niya, 'no!? Sandali..." sabay usog ko nang kaunti papalayo kay Mitch.

"Anong ginagawa mo?"

"Itatapat ko lang itong gapos ko sa likod ng matalas na batong 'yun oh!" sabay nguso ko sa matalas na batong tinutukoy ko. "Baka sakaling mapagtiyagaan kong putulin itong lubid sa likod ko."

"O sige... Gusto mo bang tadyakan kita para mapabilis ka?"

"Gaga! Eh kung ikaw kaya ang tadyakan ko, gusto mo?!"

"Hmp. Para nagsa-suggest lang naman eh."

"Nagsa-suggest? Pwes, may suggestion din ako sa iyo..."

"Ano 'yon?"

"Manahimik ka na! Nakukulili na kasi ako sa bunganga mo eh."

"Hmp," sabay ismid niya sa akin.

Hindi pa man din ako nakakalayo, namataan ko na agad ang dalawang aswang na bumabantu-bantulot papalapit sa amin. Maiitim ang balat ng mga ito at kakila-kilabot ang kanilang mga itsura. Kapwa sila may pakpak na parang sa uwak at may mga ngusong parang sa ibon.

"Helgaaaaa..." atungal ni Mitch. "Mukhang from sex slave, made-demote pa tayo sa panghapunan."

Hindi pa naman gaano nakakalapit ang dalawang Aswang na iyon nang may pumana sa mga ito. Kapwa sila tinamaan sa braso.

*IIIIKKKKKKKKK* *IIIIIIKKKKKK* daing ng mga Aswang habang tumatakbo papalayo.

Sinuyod ko ng tingin ang direksyon kung saan nagmula ang pana at sa sukdulan ng direksyong iyon ay biglang sumulpot ang isang babae na...parang nakita ko na noon pa subalit hindi ko lang maalala kung saan. Nagmamadali itong lumapit sa amin at dali-daling kinalas ang aming mga gapos.

"Huwag kayong maingay," sabi nito. "Kailangang makalabas tayo rito nang hindi nila namamalayan." Lilinga-linga ito.

Binabagtas na namin ang isa sa mga lagusan nang kunin ko ang pagkakataon para tanungin siya.

"Parang pamilyar ka sa akin," sabi ko rito. "Nagkakilala na ba tayo noon?"

Nilingon niya ako habang tuloy pa rin ang pagbantulot namin papalabas ng lagusan. Nasa unahan namin siya ni Mitch.

"Oo," sagot naman nito.

"Anong pangalan mo?" sabat naman ni Mitch.

"Ako si Astrid," sagot nito. "Pinsang buo ko si Manuel."

Aba, teka. Parang naaalala ko na. Siya 'yung antipatikang may gusto sa Jason ko ah!

Lumingon siya sa akin at mukhang napansin na biglang tumalim ang aking mga tingin. "Alam ko kung bakit masama ang tingin mo sa akin," tatawa-tawang sabi niya.

"Talaga lang ha!" medyo paismid kong utas sa kanya.

"Huwag kang mag-alala, Helga. Napag-utusan lang ako na gawin iyon noon. Pero wala naman talaga akong balak na agawin sa iyo si Jason."

"Eh saan mo ba kami dadalhin?" masungit kong tanong sa kaya.

"Dadalhin ko kayo sa kinaroroonan ng anak mo."

Lumukso sa tuwa ang puso ko dahil marahil sa panananbik na makitang muli ang mahal na anak ko.

Maya-maya pa'y natanaw na namin ang liwanag. Salamat at malapit na kaming makalabas sa mabaho at kulob na kuwebang ito.

Nang makalabas kami, natantiya kong hapon na dahil medyo makulimlim na ang buong paligid. Mahigit isang milya din ang aming nilakad bago namin natanaw sa wakas, ang mga naghihintay sa amin sa aming patutunguhan.

Natanaw namin si Alfonso na buhat-buhat naman si Jasper. Nasa likuran niya ang ilang tropa ng Engkanto, mangilan-ngilang puting duwende at limang Lambanang lumilipad-lipad na parang mga alitaptap.

Halos madapa ako sa pagmamadaling mahawakan ang aking pinakamamahal na anak. Tuluyan namang umagos ang aking luha sa tuwa nang sa wakas ay nabuhat at nayakap ko siyang muli.

"Maraming salamat, Astrid," wika ni Alfonso kay Astrid.

"Walang anuman, Alfonso," medyo nagpapa-cute pa nitong sagot kay Alfonso.

Medyo malagkit ang kanilang pagtitinginan kaya naman medyo napalingon ako kay Mitch na tumingin din naman sa akin.

"Ehem..." tikhim ni Mitch nang medyo napansing tumatagal na ang kanilang pagtititigan. "Eh...paano si Tita Marietta? Kailangan din natin siyang iligtas!"

"Huwag kayong mag-aalala," sagot naman ni Astrid kay Mitch na medyo pasulyap-sulyap pa rin kay Alfonso. "Miyembro ng Konseho ang Kuya Manuel... Kasama talaga sa plano ang pagdakip kay Marietta. Alam na ni Marietta ang gagawin. Kasama siya nang planuhin namin ang lahat ng ito."

Napatingin ako kay Alfonso na tinapunan naman ako ng tingin ng pagsang-ayon sa tinuran ni Astrid.

"Anong ibig ninyong sabihin?" tanong ko kay Astrid at kay Alfonso. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. "Na kasabwat ang Mama sa pagpapadukot sa amin?"

"Huwag kang magdadamdam sa Mama mo, Helga," sagot ni Astrid. "Ito kasi ang naisip naming paraan para isipin ni Lucio na patay na ang anak mo. Dagdag pa rito ang kunwari'y pagsunod ng Kuya Manuel sa utos ni Lucio na dukutin kayong mag-ina para mailigtas naman ang aming angkan sa kapahamakan. Binantaan kasi kami ni Lucio na kapag hindi susunod si Kuya Manuel sa utos niya ay may tiyak na kapahamakan na naghihintay sa aming pamilya."

"Pero...papaano ang Mama? Makakaya niya ba iyong mag-isa? May inatasan ba kayong tutulong sa kanya?"

Napansin ko naman na medyo nagbulungan ang mga Engkanto. Ang iba pa sa kanila ay tila bahagyang natatawa.

Ano naman kaya ang nakakatawa sa sinabi ko? Para nag-aalala lang naman ako sa kalagayan ng Nanay ko.

"Hindi mo pa nga talaga kilala ang Mama mo, Helga," nakangiting sabi ni Alfonso sa akin.

At ano naman kaya ang ibig sabihin noon?

Samantala, sa konseho ng mga maligno, demonyo at aswang...

Author's P.O.V.

"Pahirapan 'yan hanggang sa mamatay!" sigaw ng kinatawan ng lahing Manananggal.

Nakatayo ngayon si Marietta sa harapan ng bawat kinatawan ng iba't ibang lahi ng Aswang, Maligno at Demonyo. Nakagapos sa tanikala ang kanyang mga kamay at magkabilang bukong-bukong. May kung anu-anong maruruming bagay tulad ng putik, nabubulok na lamang-loob at dugo ang kabi-kabilang ibinabato sa kanya ng mga kinatawan.

"Sa dami ng pinatay mo sa lahing Ek-ek..." panimula ng kinatawan ng lahing binanggit. "Kulang pa ang buhay mo para pagbayaran iyon!"

"Patayin na lang natin 'yan at baka makawala pa!" sigaw naman ng kinatawan ng lahing Tik-tik.

"Oo! Patayin na lang!" pagsegunda naman ng kinatawan ng lahing Sigbin.

Wari'y nag-uusap naman ang mga mata nina Marietta at Manuel habang abala sa pagtatalo ang iba pang mga myembro ng Konseho. Lumingon si Manuel sa kinatawan ng lahing Tiyanak at tinanguan ito, hudyat na dapat nang umpisahan ang kanilang mga plano. Lumingon naman ang kinatawan ng lahing Tiyanak sa kinatawan ng lahing Amalanhig at tinanguan din ito. Ipinasa naman nito ang pagtango sa kinatawan ng lahing Bungisngis na ipinasa naman sa kinatawan ng lahing Tahamaling. Ipinasa rin nito ang hudyat sa kinatawan ng Kibaan. Kibaan sa kinatawan ng Mantahungal at Mantahungal sa kinatawan ng Busaw.

Matapos nilang maipasa ang hudyat sa kahuli-hulihang kasabwat ay palihim na ikinampay ng makapangyarihang kinatawan ng lahing Tahamaling ang kanyang kamay. Ito ay para gamitin ang kanyang mahika upang makawala si Marietta sa pagkakagapos nito mula sa matitibay na mga tanikala.

Habang nagkakagulo pa rin ang ibang mga kinatawan, palihim namang umatras ang kinatawan ng Busaw sa pinakalikod na bahagi ng Konseho kung saan ang lahat ay nakatalikod sa kanya. Nang masiguro na nito na walang nakapansin sa kanya, noon na niya buong lakas na ibinato paitaas sa direksyon ni Marietta sa kabilang dako ng lugar na iyon ang pares ng makinis na kahoy na maihahalintulad sa 'Arnis'.

Ang pagkakaiba nga lamang ng mga kahoy na iyon sa 'Arnis' ay...

*KACHAKH*

May lumalabas sa dulo nito na mahabang patalim na yari sa pilak.

Natahimik ang lahat nang biglang bumagsak ang kinatawan ng lahing Tik-tik na pira-piraso na ang katawan. Hugis ekis ang linya ng pagkakatadtad dito.

Ang unang linya ay nagmula sa kanang leeg nito na gumuhit pahilis sa kaliwang tagiliran habang ang ikalawang linya naman ay nagmula sa kaliwang leeg na gumuhit pahilis sa kanang tagiliran. Nang dahil doon ay humiwalay ang magkabila nitong braso at ulo sa kanyang katawan.

Mga nakanganga nilang tiningnan ang direksyon ni Marietta at nakita na nga ng mga ito na nakatikas na ang babae at handang-handa na sa matinding bakbakan. Ito ay habang nakangisi nitong sinasaksak ng mga tinging may angas ang bawat isa sa kanila!

*YAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHH* sabay-sabay na sigaw iyon ng mga Aswang na papasugod lahat kay Marietta.

Sinulyapan ni Marietta si Manuel at sinenyasan ito na tumakas na kasama ng lahat ng kanilang mga kasabwat sa Konseho. Sumunod naman si Manuel kasama ang kinatawan ng lahing Tiyanak.

*Kachakh!* *Kachackh!* *Kachackh!*

Walang humpay ang pagkilos ni Marietta na halatang sanay sa pakikidigma sa pamamaraan ng 'Eskrima'.

*Kachakh!* *Kachackh!* *Kachackh!*

Wala siyang kasukat dahilan para ang lahat ng mga Aswang ay bumagsak habang ang kapangyarihan naman ng mga Maligno ay walang gaanong magawang pinsala sa isang katulad niyang...may dugong Anghel. Nang dahil dito ay mas minabuti na lamang nilang tumakas.

*Kachakh!* *Kachackh!* *Kachackh!*

Walang natira sa abot ng kanyang mga mata. Kaya naman hingal na hingal man ay nakangisi pa rin niyang nilisan ang silid-pagtitipon na iyon.

[Itutuloy]

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

1.5M 51.7K 99
[COMPLETED] Ako si Eliana, isang college student na aksidente na naging werewolf. To avoid being stuck in a werewolf form, I was forced to marry a we...
832K 33.7K 49
King Brothers, these boys are well known at school as the cuties brothers/athlete and campus heartthrobs. Damon King - The Oldest son, Football(Socce...
494K 12.9K 55
Everly Sanchez was a she-wolf with an extremely distinctive appearance. Some people thought she was hideous, while others thought she was exceptional...
43.4K 3.9K 31
Ika-apat na aklat. Hindi makapaniwala si Jake sa kanyang pinagmulan. Mula nang tulungan niya si Carol na sagipin si Zandro, hindi na niya muling naal...