Sweetheart Series 3 (You Belo...

By MarthaCecilia_PHR

1.1M 25.5K 1.3K

"You belong to me, sweetheart, to my heart, now and forever." Hindi mapaniwalaan si Joana na makalipas ang p... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 9

48.7K 1K 4
By MarthaCecilia_PHR

TANGHALI na nang magising kinabukasan si Joanna. Hindi niya gustong bumangon pero magtataka ang mga kasambahay niya. Her body sore and tender. The first time was like death pero binawi iyon ng binata sa sumunod na mga pag-aangkin. And she couldn't believe such ecstatic pleasure possible. So that was sex.

At kung hindi pa siya nakatulog sa pagod at antok habang kinakausap pa siya'y hindi siya ipapanhik ni Franz sa silid niya.

"Don't go..." she whispered with her eyes closed. Hindi alam ang sinasabi sa matinding antok nang ilapag siya ni Franz sa kama niya.

He smiled tenderly. "I want to stay beside you, sweetheart, pero baka hindi ako magising nang maaga at abutan tayo dito ng mga maids," sagot nito. Kissed her forehead at kinumutan.

And now she is worried and pleased. Pleased because if there's one man that she would like to share her body with, si Franz iyon. Worried, dahil paano na ngayon? Magiging kabilang ba siya sa mga babaeng sinabi ni Franz kagabi? Here today and gone tomorrow. At alam naman niyang para kay Franz, women are for fun. Part of growing up. Nasa mga babae na lang iyon kung pahihintulutan nila ang sariling maging laruan ng mga lalaking ito.

Itinapat niya ang katawan sa shower na para bang mahuhugasan ng tubig ang pagkakamaling ginawa.


PAGBABA niya ay nasa dining room na si Don Manuel. Si Franz ay nalaman niyang pumasok. At sa ikalawang pagkakataon ay nakita nito si Cristy na dumating nang umagang iyon galing Maynila. Matangkad at maganda. Parang modelo ang dating. Matalim siyang sinulyapan.

"Talaga bang ganitong oras gumigising ang nag-aalaga sa iyo, Papa?"

"Nag-aaral sa gabi si Joanna, Cristy," sagot ng matanda na tumingin kay Joanna. "Maupo ka na at magkape, hija. Ano na bang oras ka natulog kagabi at sabi ni Seling ay hindi mo kinain ang pagkain sa tray at nasa library pa paggising niya? Naroon pa rin ang mga gamit mo sa escuela?"

Mabilis na nagyuko ng ulo ang dalaga upang hindi makita ng matanda ang pamumula ng mukha. Nakadama ng matinding guilt. Bago pa siya may naisagot ay muling nagsalita si Don Manuel.

"Huwag mong masyadong puyatin ang sarili mo sa gabi, Joanna. Maaari ka namang gumawa ng mga term paper mo sa hapon 'pag natutulog ako."

Tumango si Joanna. Bigla ay wala siyang masabi sa harap ng matanda. Hindi niya gustong magsinungaling kaya minabuting hindi na lang kumibo.

"Ang akala ko ba, Papa, ay sandali lang si Joanna dito," patuloy ni Cristy. "Sabi mo'y kukuha ka rin ng talagang nurse."

"Bastante na sa akin si Joanna, Cristy. Nagagawa naman niya ang mga kailangan ko. Besides, I really enjoyed being with her. Why, the last time I laughed was years ago. But this young woman here really is a joy to be with."

Hindi na kumibo si Cristy. Pagkatapos ay iniba ang usapan. "Kaya nga pala ako narito, Papa, ay para hingin nang advance ang allowance ko for the next two months."

Nagsalubong ang mga kilay ng matanda. "At ano ang dahilan para gawin mo iyon? Sobra-sobra ang allowance na tinatanggap mo mula sa akin, Cristy."

"Alam naman ninyo ang standard ngayon ng buhay sa Maynila, Papa."

Hindi kumibo ang matanda at nagpatuloy sa pagkain pero dumilim ang mukha.

Continue Reading

You'll Also Like

13.5K 834 16
"Palagi na lang ba tayong ganito? Na pagkatapos ng ilang araw na pagsasama ay magkakahiwalay uli ng landas? Kailan tayo uli magkikita? After another...
94.4K 2.5K 20
Lovefinder book 13 Unedited First draft.
544K 8.6K 22
Sweetheart 2: Lavender Lace By Martha Cecilia "My old faded blue jeans would be out of place. It'll never fit in to your world of lavender lace." The...
1.4M 29.6K 28
Siyam na taon si Lara nang una niyang makita si Jaime, ang binatilyong ampon ng lola niya. Kinaiinisan niya ang pagiging malapit nito sa sarili niyan...