Sweetheart Series 3 (You Belo...

By MarthaCecilia_PHR

1.1M 25.6K 1.3K

"You belong to me, sweetheart, to my heart, now and forever." Hindi mapaniwalaan si Joana na makalipas ang p... More

Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 1

139K 1.9K 134
By MarthaCecilia_PHR

"WELCOME HOME, MR. FRANZ RAMIREZ"

Malungkot na tiningala ni Joanna ang banner na nakasabit sa gate ng pabrika. Darating si Franz Ramirez sa ika-sampung taong anibersaryo ng pabrikang pag-aari nito matapos ang pitong taong paninirahan sa ibang bansa.

Ngayon pa lang ay hindi na maunawaan ni Joanna kung ano ang dapat na maramdaman. Umalis ng San Ignacio si Franz kasama ang stepsister nitong si Cristy matapos mailibing ang ama nitong si Don Manuel Ramirez.

"Good morning, Miss Joanna."

Nilingon ni Joanna ang pinanggalingan ng tinig. Ngumiti siya nang mapagsino ito. Si Rigo dela Serna na hindi niya napuna ang pagparada ng pickup sa tabi niya.

"Hello, Rigo. Hindi mo ba kasama si Lacey?"

"Galing ako sa textile," nakangiting sagot nito. Hinagod ng tingin ang magandang dalaga. Matanda siya rito ng apat na taon sa beinte kuwatro ni Joanna. Subalit magkaibigan sila mula pa noong college. Pagkatapos ay naging magkapitbahay sila doon sa dating lumang bahay nilang tinitirhan.

Binalak rin nitong ligawan noon ang dalaga subalit mailap si Joanna kahit noong araw pa. One of the very few women na hindi nagsu-swoon sa pagiging guwapo nito. Pangalawa, hindi nito gustong mapagalitan ang dalaga ng ina nitong si Angelina. Sinabi sa kanya ng inang si Amelia na hindi gusto ni Angelina na may makakaabala sa pag-aaral ng anak. Pangatlo, hindi nito gustong kataluhin ang kaibigang si Arnel na nagpahayag na agad ng pagkagusto sa dalaga. Ang nakapagtataka'y hanggang ngayon ay hindi naging matagumpay si Arnel sa panunuyo kay Joanna makalipas ang mahabang panahon.

"Dadalo ka ba sa anniversary ng pabrika?" tanong ni Joanna sa guwapong binata. Which is a stupid question dahil ang textile company na pinamamahalaan ni Rigo ang siyang supplier ng tela ng export-import undergarment factory ng mga Ramirez. Bukod pa roon, si Rigo ay kaibigang matalik ni Franz Ramirez.

"Sure. Darating kaming mag-asawa. Isang malaking oportunidad para magkasama-sama at magkita kami ni Franz. I want him to meet Lacey." May kislap sa mga mata ng lalaki sa pagkabanggit sa pangalan ng asawa. "Matagal din siyang nawala, hindi ba?"

Tumango si Joanna. Umiwas ng tingin. "Nang mamatay si Don Manuel ay umalis na rin silang magkapatid sa San Ignacio. Ipinamahala nila kay Mr. Gabriel ang pabrika," ang tinutukoy niya ay ang bise-presidente na isang malayong kamag-anak ng mga Ramirez. At nitong nakaraang buwan ay nagpasabi si Mr. Gabriel na aalis patungong Amerika upang magpaopera ng prostate gland. At iyon marahil ang dahilan kaya napilitang bumalik ng Pilipinas si Franz.

"He is married, alam mo ba iyon?" tanong niya na pilit itinatago ang sakit na humihiwa sa dibdib. Tumango si Rigo.

"We have communicated this past two years. Nauna siyang nag-asawa sa akin," sagot ni Rigo na ikinagulat ni Joanna. Alam niyang magkaibigan sina Franz at Rigo pero hindi niya akalaing may komunikasyon ang dalawa lately. Kung sabagay ay hindi naman kailangang ipaalam sa kanya ni Rigo iyon. Baka ang iniisip ni Rigo na dahil empleyado siya ng kompanyang pag-aari nito ay alam din niya ang tungkol dito.

"Maliban na lang noong unang mga taong nawala ako sa San Ignacio ay regular na nagpapadala ng mga cards si Franz," patuloy nito. "At may isa siyang anak na babae na limang taong gulang. Baka silang mag-anak ang darating at sana'y dito na muli manirahan sa San Ignacio." May pag-asam sa tinig ni Rigo.

Magkasing-edad sila ni Franz bagaman noong nasa third year ito sa kolehiyo ay nasa second year lang siya. At magkaibigan bukod kay Arnel pero naunang nawala sa San Ignacio si Franz bago pa nangyari ang iskandalo sa kanya may kinalaman sa ama ni Lacey.

Ni hindi nagpaalam sa kanya si Franz nang umalis ito ng bayang iyon. Wala ring communication mula rito. Kung hindi dahil sa pabrika ng pamilya ay iisipin ni Rigo na naglaho ang kaibigang parang bula. Hanggang nitong nakalipas na tatlong taon kung saan ay nakausap nito ang kaibigan sa overseas.

They used to do wild things together. Womanized together. Fight together. Bagaman banayad nang bahagya si Franz sa kanya noong panahong iyon dahil sa ama na maysakit sa puso. Nang umalis ng St. Ignatius College si Franz sa kalagitnaan ng semester ay nasolo ng binata ang pagiging infamous, which he didn't really like.

They were poor at mayaman si Franz. Kung noong mga panahong narito si Franz sa iskadanlo ng buhay nito ay natitiyak nitong hindi magagawa ni Augusto na ipakulong siya. Franz' family has more power in this town kaysa kay Don Augusto noon.

But all's well that ends well. Nakatulong ang bahaging iyon sa pagsulong ng buhay nito.

"I don't think so," sagot ni Joanna. "Sanay sa ibang bansa si Franz. At natitiyak kong hindi gugustuhin ng napangasawa niya ang San Ignacio. Balita ko'y American-Filipina ang pinakasalan ni Franz."

"Ano ang malay natin. Kilala ko si Franz, Jo. In fact, mahilig sa simpleng buhay ang kaibigan kong iyon. And he loved the sea and the mountain," sagot nito na inaalala sa isip ang panahong magkasama sila ng kaibigan. "Imbitado rin ba si Arnel?" dagdag ni Rigo.

"Oo, naman. Katunayan he offered himself to be my escort."

"At kailan ba naman tayo makakahigop ng mainit na sabaw," tukso ng lalaki. "Aba'y naaawa na ako sa kaibigan kong iyon, ah. Ilang taon ka na ring sinusuyo. Bakit hindi mo pa sagutin gayong guwapo naman at may matatag na trabaho."

Lumapad ang ngiti ng dalaga. Lumitaw ang malalim na dimple sa kabilang pisngi. "Bukod sa pagiging mechanical engineer at mekaniko sa literal na paraan ay abogado ka na rin pala ngayon ni Arnel, Rig."

"Come to think of it, you are really so beautiful when you smile like that," wika nito na hindi pinansin ang sinabi ng dalaga. "Bakit wala akong natatandaang nginitian mo ako nang ganyan noong araw or I would have swept you off your feet," tukso nito.

Natawa si Joanna. "You're married now and I feel safe sa lethal charms mo, Rigo dela Serna. At kung hindi ko pa alam how you worship and love your wife."

"Sshh... huwag mong iparinig kay Lacey iyan. Lalaki lalo ang ulo noon," dagdag biro nito sa kumikislap na mga mata.

Umirap siya. "Ikaw talaga. Nandito ka na rin lang, ihatid mo na nga ako sa amin."

"With pleasure, sweetheart." Mabilis nitong binuksan ang kabilang pinto at sumampa sa pickup si Joanna.

"Alam mo, dalawang tao lang ang malimit kong karinggan ng endearment na iyan sa buong buhay ko." Wala sa loob niyang sinabi.

"Sino-sino?"

"Ikaw, and of course, iyan tiyak ang tawag mo kay Lacey." Matanda siya ng isang taon kay Lacey at hindi niya ka-batch. High school ito at nasa college siya. Bukod pa sa langit at lupa ang agwat ng pamumuhay nila. But they became friends nang magpakasal si Rigo at ito. "At si Fran—" she stopped on time. "Kumusta na nga pala si Bea?" Mabilis niyang iniba ang usapan. Sa Maynila nag-aaral ang bunsong kapatid ni Rigo kasama ang ina nitong si Amelia.

Subalit matiim siyang tinitigan ni Rigo. Pagkatapos ay muling ibinaling ang tingin sa daan. Pagkatapos ay tahimik na nagtanong.

"Do you mean, Franz, Joanna?"

Umiwas ng tingin ang dalaga. Itinuon ang pansin sa mga punong nasa tabi ng daan.

"Siya ba ang dahilan kung bakit hindi magkapuwang sa puso mo si Arnel?"

"Ano ba ang sinasabi mo, Rigo?" Painosenteng natawa ang dalaga pero hindi tumitingin sa lalaki. "Alam mo namang pagtinging-kapatid lang ang turing ko kay Arnel. At walang kinalaman ang kahit na sinong lalaki sa damdamin ko sa kanya."

Subalit hindi maawat si Rigo. "Ngayon ko lang napag-isip-isip, Joanna. Wala akong natatandaang may tinanggap kang manliligaw sa panahong magkakilala tayo. Although, hindi naman tayo close dahil mailap ka. I consider you my friend. Komportable ako sa iyo dahil sa palagay ko'y hindi ka kasali doon sa mga babaeng kung makatingin sa akin ay tila gusto akong kainin nang buo."

Natawa nang malakas ang dalaga na nagpahinto sa sinasabi nito. "Hanggang ngayon ay conceited ka pa rin, Rodrigo dela Serna. But you're right, hindi kasi ako interesado sa iyo o kahit na kanino pa mang lalaki."

"At iyon ay dahil sa kaibigan kong bigla na lang nawala sa bayang ito nakatuon ang pansin mo?" Pananalakab ni Rigo na nilingon si Joanna na biglang umilap ang mga mata at bahagyang nawalan ng kulay ang mukha. "Franz was so secretive and protective pagdating sa iyo noong araw. Mayroon ba akong hindi nalaman?"

"Now, where did you get that idea?" Pinilit niyang maging kaswal sa kabila ng bahagyang panginginig ng tinig.

"Come now, Joanna. Your secret is safe with me. I was just curious. Noong panahong iyon ay sa kanila ka nakatira, 'di ba?" Alanganing tumango ang dalaga. She wished maiba niya ang usapan nang hindi mahahalata ni Rigo na umiiwas siya.

"Natatandaan ko noong araw na lagi na lang nagmamadali ng uwi si Franz pagdating ng uwian mo na sa escuela. Kahit saan kami naroon, kahit na may kasama kaming ibang babae. I asked him one time about it, even teased him. Pero sabi niya naipangako niya kay Tito Manuel na gawin iyon dahil babae ka at malayo din ang bahay nila mula sa main road. Konsensiya niya 'pag may nangyari sa iyo and I believed him. Franz was so sweet and protective kahit kay Bea at lalo na kay Cristy.

"But for no reason at all ay umalis ng San Ignacio si Franz at si Cristy nang mamatay ang Papa nila. Without even saying good-bye. And we are friends, higit pa sa magkapatid ang turingan naming dalawa. At hindi dahilan iyon upang iwan nila ang klase sa kalagitnaan ng semester. What happened, Jo?" Lumawak ang kuryusidad nito. At hindi rin naman pumasok sa isip nito ang tanungin ang kaibigan noong nagkaroon na sila ng komunikasyon dahil na-focus na ang usapan sa buhay nila sa kasalukuyan at lalong higit tungkol sa negosyo.

"C'mon, Rigo. Hindi bagay sa iyo ang detektib." Pinilit niyang maging kalmante at ngumiti. "Dinamdam ng magkapatid ang pagkamatay ni Don Manuel, kaya hayun, umalis ng San Ignacio. May kataka-taka ba roon."

"May negosyo sila dito na pinamamahalaan ng mga bayarang tao. Dapat ay si Franz ang direktang mamahala ng multimillion garment business nila. Why, his family is one of the richest in this town."

"Oh, well, the company is doing well. Mahusay ang ginawang pamamahala ni Mr. Gabriel," kaswal niyang sagot. Kung maaari lang ay hindi na nila pag-usapan ang topic na iyon pero hindi niya gustong maging obvious ang pag-iwas niya.

"Oh, well, whatever it was, I really missed him. Miss the days when we used to paint the whole town red. Arnel is a friend, a real friend. Pero kilala mo naman ang isang iyon, konserbatibo. And I am so sorry na hindi ko napagtuunan ng pansin ang pagkawala ni Franz nang walang paalam dahil sa problema ko noon sa ama ni Lacey. I hope he well explain some things when he comes back."

I hope not! bulong niya.

Continue Reading

You'll Also Like

372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
141K 3.1K 12
The Legardas Book One - Lynd's Story Lynd was a playboy, born a playboy's son, and raised a playboy. Isang normal na gawain na para sa kanya ang magp...
162K 3K 15
"Wala ka bang balak magpalit ng boyfriend, Lady Picachu?" Hindi na mapapalampas ni Hiromi ang latest na panggigipit sa kanya ng mga miyembro ng kakom...
237K 5.4K 21
May misyon sa Bud Brothers Farm si Betsy: Susubaybayan at aalamin ang lahat-lahat tungkol kay Wayne Alban, ang misteryosong boyfriend ng kanyang amo...