The Good Girl's Revenge (Publ...

By blue_maiden

176M 3.9M 1.6M

[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang mot... More

Prologue
Chapter 1: Welcome back
Chapter 2: Broken
Chapter 3: Breaking up
Chapter 4: Hidden feelings
Chapter 5: Big Brother
Chapter 6: Goodbye to you
Chapter 7: Half brother
Chapter 8: Queen bee's plan
Chapter 9: I'm coming home
Chapter 10: Dead and gone
Chapter 11: We meet again
Chapter 12: Selos much
Chapter 13: Threat
Chapter 14: Ex boyfriend
Chapter 15: Manliligaw
Chapter 16: Love and Anger
Chapter 17: Mystery girl
Chapter 18: 5th member
Chapter 19: Ginno
Chapter 20: Candice day
Chapter 21: Surprise gift
Chapter 22: Stranded
Chapter 23: Stuck with each other
Chapter 24: School project
Chapter 25: May The Best Woman Win
Chapter 26: Hello Korea
Chapter 27: Jeydon's reason
Chapter 28: My Sacrifice
Chapter 29: Her other side
Chapter 30: Second chance
Chapter 31: Miracle
Chapter 32: Wide Awake
Chapter 33: Confrontation (Part 1)
Chapter 33: Confrontation (Part 2)
Chapter 34: Letting go
Chapter 35: Reunion
Chapter 36: APAT
Chapter 37: Father and Son
Chapter 38: Truth
Chapter 39: Queen Bee's day
Chapter 40: Who and where?
Chapter 41: Independent
Chapter 42: Magical
Chapter 43: Late night convo
Chapter 44: Goodbye, Sweet Angel
Chapter 45: Reunited (Part 1)
Chapter 45: Reunited (Part 2)
Chapter 46: Abducted
Chapter 47: Mickey Mouse
Chapter 48: Stella & Bunny
Chapter 50: He's Gone
Chapter 51: Grandmother
Chapter 52: Battle for love
Chapter 53: Win or Lose
Chapter 54: Love or Hate
Chapter 55: Make a Wish
Chapter 56: Road to Forever
Chapter 57: The Heir
Chapter 58: The Choice
Chapter 59: Graduation Ball
Chapter 60: Goodbyes
Epilogue (1st part)
Epilogue (2nd part)
Author's Note
Playlist
The Good Girl's Revenge book!

Chapter 49: Tragedy

1.9M 51.9K 20.3K
By blue_maiden

CANDICE

Sa puntong 'yon, akala ko patay na ko.

"CANDICE!"

Minulat ko 'yong mata ko pero tanging dilim lang 'yong nakita ko. Hindi ko na alam kung ano bang nangyayari basta ang alam ko, hindi kami nahulog ni Jeydon sa aquarium. Nandito pa rin kami sa itaas at magkayakap. Patay na ba kaming dalawa? Ano ba 'yong nangyari?

"Are you okay?" Muntik na akong mapasigaw sa boses ni Jeydon. Ang husky ng boses niya kahit na alam mong nanghihina na siya.

"Anong nangyari? Hindi tayo nahulog?" nagtataka kong tanong.

Maya-maya, bumukas 'yong ilaw. Nakita ko agad sina Stacey na papunta sa lugar namin. Si Jeydon, nakayakap pa rin sa 'kin kaya hindi ko makita 'yong mukha niya. Kahit naka-lock 'yong kamay ko, pinilit kong iniharap siya sa 'kin. Sobrang nanlaki 'yong mata ko at literal akong napanganga no'ng nakita ko 'yong mukha niya. Hindi ko na rin napigilan na maiyak. Ang dami niyang kagat at nakakapanghina kung titignan mo siya.

"Jeydon..." bulong ko sa kanya. "I'm sorry... napahamak ka na naman nang dahil sa 'kin," sabi ko habang umiiyak pa rin ako. Naaawa ako sa lagay niya ngayon.

"Hey... I'm fine." Tiningnan niya ako pagkatapos ay ngumiti siya. "I'm still handsome, right?" Hindi ko tuloy naiwasan na tumawa. Malala na nga 'yong lagay niya, nagagawa pa niyang magloko. Tanging si Jeydon lang 'yong makakagawa no'n.

"Yes, you are," nakangiti kong sagot.

"Candice!" Lumapit sa 'kin si Stacey tapos hinawakan agad ako sa mukha ko. Kitang-kita ko sa kanya 'yong pag-aalala. "Sandali lang, gagawa kami ng paraan para makaalis ka riyan."

"Jeydi!" sigaw ni Marky. Nilapitan din agad nila ni Troy si Jeydon pagkatapos ay inalalayan nila siya pababa ng aquarium.

Tumabi sa 'kin si Lucas. "Noona, sisirain ko 'yong lock gamit 'to. 'Wag mong igalaw 'yong kamay mo," sabi niya pagkatapos ay may hawak siyang malaking pamutol. "One, two, three." Pagbilang niya ng tatlo, inipit niya 'yong lock ko tapos bumukas siya. Inalis ko agad 'yong kamay ko roon.

"Hay, salamat naman!" sigaw ni Stacey tapos bigla niya akong hinila at niyakap. "Nag-alala ako sa 'yo nang sobra, Bee."

"Ayos na ako. Hindi naman ako nasaktan e."

"Mabuti naman dahil kung hindi, baka kung anong magawa ko kay Juan Paulo!" inis niyang sabi. Naalala ko tuloy sila ni Stella. Nasaan na ba sila? Parang alam na ni Stacey 'yong tumatakbo sa isip ko kaya sinagot na niya 'yong tanong ko. "Hinahabol na sila ngayon nina Blake at Menchi, kasama 'yong mga pulis."

Inalalayan ako nina Lucas at Stacey pababa. Nakita ko si Jeydon na nakaupo tapos nanghihina at duguan pa rin. Nilapitan ko agad siya. "Mabuti pa, pumunta ka sa hospital. Kailangan mong magamot." Hinawakan niya 'yong kamay ko.

"And where do you think you're going?" Inalis ko 'yong kamay niya sa braso ko.

"Kailangan kong sundan si Paulo. Kailangan ko siyang makausap."

"No, you're not doing that. It's too dangerous, Candice! Just stay here and wait for them to be caught." Hinawakan ko 'yong mukha ni Jeydon at ngumiti ako para hindi na siya mag-alala sa 'kin.

"Hindi. Kailangan kong gawin 'to. Pinsan ko siya at mahalaga siya sa 'kin. Hindi na ako makakapaghintay pa na mahuli siya. Isa pa, babalik din ako. Pumunta ka na sa ospital."

"Sasama ako." Hinawakan niya ulit 'yong braso ko pagkatapos ay pinilit niyang tumayo pero pinigilan ko siya.

"'Wag na. Hindi mo na kaya. Sumunod ka na lang sa 'kin. Pumunta ka na sa ospital." Tiningnan ko sina Troy at Marky para tulungan si Jeydon. "Kayo nang bahala sa kanya." Tumango silang dalawa.

"Hindi ako papayag na umalis ka!" Pagpipilit pa rin ni Jeydon. Kaya si Lucas, pumagitna na.

"Sasamahan ko siya kaya 'wag ka nang mag-alala. Pwede ba, Jeydon? 'Wag ka nang magpabigat pa at sumunod ka na lang."

Nagkatinginan nang masama sina Jeydon at Lucas. Pambihira! Ngayon pa ba naman sila mag-aaway? Papagitna na rin sana ako pero naunahan na ako ni Stacey.

"Tumigil na nga kayong dalawa! Wala nang oras. Kami na ni Shawn ang sasama kay Candice at ikaw Jeydon, pumunta ka sa ospital," pagtataray niya.

"Jeydon, hayaan mo na sila," dagdag pa ni Troy. Napakamot na lang si Jeydon ng ulo niya.

"Fine, but Shawn..." Tiningnan niya ulit nang seryoso si Lucas. "Make sure she's safe."

"Hindi mo na kailangang sabihin pa 'yan." Seryoso rin niyang sagot. "Hanggang nandito ako, hindi siya masasaktan."

"Sige mauna na kami," sabi ko sa kanila pagkatapos ay bumaba na kami ng stage. Pero bago pa kami makalayo, may humawak sa braso ko.

"Mag-ingat ka, Candice." Biglang tumaas 'yong mga balahibo ko no'ng nakita ko si Margot. "Kailangan pa nating mag-usap." Tumango na lang ako sa kanya tapos dumiretso ako sa kotse ni Lucas. Marami pa nga kaming pag-uusapan pero mas mahalaga ngayon na makausap ko si Paulo.

Nakasakay na kaming tatlo ni Stacey sa kotse ni Lucas. Sinundan lang namin sina Blake gamit 'yong GPS ng phone nila at hindi sila nalalayo sa 'min.

"Hindi ako makapaniwalang magagawa 'yon ni Juan Paulo!" frustrated na sabi ni Stacey. "I trusted him!" Hinawakan ko 'yong kamay niya.

"He has a reason. Mahirap man pero iniintindi ko siya at alam kong kailangan niya lang maliwanagan."

"Ano pa man 'yon, traydor siya at napakasama niya. Isa pa 'yong Stella na 'yon! Pagbubuhulin ko silang dalawa e!" inis na inis na sabi ni Stacey.

Hinayaan ko na lang siya maglabas ng sama ng loob. Sa kabila ng mga ginawa sa 'kin ni Paulo, wala akong sama ng loob sa kanya. Alam ko na nabubulagan lang siya ng galit at paghihiganti.

Mababaw man o hindi 'yong dahilan niya, nasaktan pa rin siya. Hindi ko siya pwedeng sisihin kung naisip man niya na gawin 'to. Ibang usapan na kapag pamilya 'yong involved at saksi ako sa pangungulila niya sa pagmamahal ni Auntie. Kasalan ko rin siguro na hindi ko 'yon nakita no'ng una pa lang. Hindi ko siya natulungan sa problema niya kay Auntie. Sana lang maayos pa namin ang lahat. Kahit anong mangyari, mahalaga pa rin siya sa 'kin.

Huminto 'yong kotse nina Paulo at 'yong motor nina Blake at Menchi sa tapat ng isang mataas na building. Bumaba agad sina Paulo at Stella sa kotse nila tapos nagmadali silang pumasok sa loob ng building. Gano'n din 'yong ginawa namin nina Stacey at Blake.

Hinabol namin sila pero huli na dahil nakaakyat na 'yong elevator.

"May helicopter sa itaas na naghihintay sa kanila. Susubukan namin 'yong ibang way," sabi nina Blake. Tumakbo sila ni Menchi papunta sa fire exit.

Naghintay kaming tatlo nina Lucas sa baba pero hindi na ako mapakali pa. Naghanap na ako ng paraan para makaakyat sa taas. Nakita ko 'yong maliit na elevator na ginagamit lang ng mga staff ng building. Pumasok agad ako roon bago pa 'yon magsara at makaakyat. Hindi ko na naisip na tawagin pa sina Stacey dahil alam kong madadamay lang sila rito.

Dere-deretso lang siya sa pinakaitaas ng building. Alam ko na maaubutan ko pa sila roon at tama nga ako kasi kasabay lang ng pagdating ko roon 'yong pagdating nina Stella at Paulo.

Nanlaki 'yong mata nilang dalawa no'ng nakita nila ako. Akala siguro nila napahamak na kami ni Jeydon sa mga piranha.

"Buhay ka pa?!" inis na inis na sabi ni Stella. "Ilang buhay ba meron kayo ni Jeydon ha?!"

"May siyam siyang buhay dahil pusa siya,"pang-aasar ko sa kanya tapos napatingin ako kay Paulo. "Paulo, mag-usap tayo!" sigaw ko sa kanya.

"Usap? Para saan pa? Hindi ko na kailangang makausap ka pa!" Lalapit sana ako sa kanila pero biglang naglabas ng baril si Stella pagkatapos ay tinutok niya sa 'kin 'yon.

"'Wag kang magkakamali na lumapit sa 'min dahil kung hindi, hindi ako magdadalawang isip na barilin ka!" sigaw niya sa 'kin.

"Paulo, patawarin mo ako. Hindi ko intensyon na saktan ka. Pakiusap naman. Tama na at mag-usap tayo." Humakbang ako palapit. "Ayusin natin 'to." Hahakbang pa sana ako pero tinutok ni Stella 'yong baril sa ulo ko.

"Sinabi nang 'wag kang hahakbang e!"

"Paulo, please naman o. Hindi pa huli ang lahat. Ayusin naman natin 'to. Hindi ikaw 'to e. Hindi ito 'yong Juan Paulo na nakilala ko. Masaya naman tayo dati 'di ba?" Nakatingin lang ako sa kanya at wala akong pakialam kung nakatutok man sa 'kin 'yong baril ni Stella. "Tama na, Paulo." Tumawa siya.

"Ikaw ang tumigil, Candice." Nilapitan niya ako at ang sama ng tingin niya sa 'kin. "Sinira mo 'yong buhay ko e! Alam mo ba 'yong pakiramdam na walang pakialam sa 'yo 'yong nanay mo? Na lahat ng atensyon na dapat sa 'kin, napunta sa 'yo? Ikaw na lang palagi 'yong bukambibig ni Mom e! Gabi-gabi akong lango sa alak, makalimutan ko lang 'yong sakit na nararamdaman ko! Gumamit pa ako ng drugs. Naging walang kwenta 'yong buhay ko dahil sa 'yo! Kung wala ka, sana nabigyan ako ng atensyon ni Mom! Mababaw na kung mababaw pero hindi mo alam kung anong hirap at sakit 'yong napagdaanan ko! Pakiramdam ko, mag-isa lang ako at wala akong pamilya!" Sa galit ko, lumapit pa ako sa kanya at sinampal ko siya nang malakas. Pareho silang nagulat sa ginawa ko.

"Anong tingin mo sa 'kin? Hindi pamilya? Oo, aaminin ko no'ng una pa lang, alam ko nang ampon ka pero kahit kailan hindi kita tinuring na iba!" Umiyak na ako sa puntong 'yon. Halo-halong emosyon na 'yong nararamdaman ko ngayon. "Pamilya tayo e..." Ang bigat-bigat na ng pakiramdam ko kaya napaupo na lang ako sa sahig habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

Hindi ako nakarinig ng kahit ano kay Paulo. Nagsalita na lang ulit si Stella. "Ang drama mo. Mabuti pa, tapusin na kita ngayon." Napatingin agad ako sa kanya at tinutok ulit niya 'yong baril sa ulo ko.

"Paalam, Candice." Sa puntong 'yon, akala ko katapusan ko na pero mali ako. Kinuha ni Paulo 'yong kamay ni Stella at naiputok niya sa ibang direksyon 'yong baril. "Anong ginagawa mo?!"

"'Wag mo siyang patayin." Natawa si Stella sa sinabi ni Paulo. "Tumakas na lang tayo."

"Nahihibang ka na ba? Tatakas na lang tayo nang gano'n? Nandito na tayo e. Pwedeng-pwede ka nang maghiganti kay Candice! Ano, lumambot na ba 'yong puso mo ha, JP?!"

"Sabi nang tama na e!" sigaw ni Paulo.

"Hindi! Tatapusin ko na siya!"

Tinutok na naman ni Stella 'yong baril sa 'kin pero hinawakan ulit ni Paulo 'yong kamay niya para pigilan siya. Hindi nagpatalo si Stella kay Paulo kaya nag-agawan sila sa baril. Susubukan ko sana na tumulong pero bigla na lang pumutok 'yong baril. Nanlaki 'yong mata ko no'ng nakita ko si Paulo na unti-unting bumabagsak sa sahig at puno ng dugo sa.dibdib niya.

"Paulo!" Lumapit agad ako sa kanya. Nanginginig 'yong buong katawan ko sa takot at kaba. Tiningnan ko si Stella at pati siya, gulat sa nangyari. "Paulo, 'wag kang bibitiw ha!"

"CANDICE!" Napalingon ako sa pintuan at nando'n na sina Lucas at Blake.

Tiningnan ko ulit si Stella at tumakbo na siya papunta sa helicopter. Hinabol siya nina Blake at Menchi. Lumapit naman agad sa 'min sina Lucas at Stacey.

"Candice..." bulong sa 'kin ni Paulo. Tiningnan ko siya at punung-puno pa rin siya ng dugo sa dibdib niya. Iyak na ako nang iyak habang hinahawakan ko 'yong mukha niya. "Patawad..."

"'Wag ka nang magsalita. Dadalhin ka namin sa ospital ha? Kumapit ka lang." Bubuhatin ko na sana siya pero pinigilan niya ko. "Bakit? May problema ba?"

"'Wag na...Hindi na rin ako aabot pa." Sa sinabi niya, mas lalo lang akong naiyak. Hinang-hina siya at ang lala na ng tama niya sa dibdib. "Nakakatawa lang na all this time, I'm looking for a family, for love, but I never looked at you, Candice. Minahal mo ako na parang kapatid na kahit alam mong hindi mo talaga ako kadugo." May mga luha na unti-unting tumutulo galing sa mata niya. "Sorry, nabulag ako sa galit at sa paghihiganti. Candice, sorry.." Hirap na siyang magsalita pero pinipilit pa rin niya. Niyakap ko siya.

"Shhh...'Wag kang humingi ng sorry. Wala kang kasalanan..."

"Naalala mo pa ba no'ng mga bata tayo? Palagi akong nagka-cut ng class para lang makanood ng magic shows at dahil do'n, palagi akong pinapagalitan ni Mom. Ikaw lagi 'yong nagre-rescue sa 'kin. Palagi mo akong nililibre ng ice cream para gumaan 'yong loob ko..." Habang inaalala ko 'yon, mas lalo lang akong naiyak.

"Pwede pa rin natin gawin ulit 'yon. Basta lumaban ka pa. Dadalhin ka na namin sa ospital..." Hinawakan niya ulit 'yong kamay ko para pigilan ako.

"Alam kong panahon ko na. Salamat sa lahat. Masaya na akong mawawala. Tell Mom I'm sorry for doing this. Mahal na mahal ko siya..." Tiningnan ko ulit 'yong mukha niya at nakita kong nakangiti na siya. Kahit na umiiyak ako ngayon, napangiti na rin ako nang makita ko siyang nakangiti. "Stacey Marie..." Nilingon ko agad si Stacey at umiiyak din siyang lumapit sa 'min.

"Ano ba 'tong ginawa mo, Juan Paulo?" Iyak din nang iyak si Stacey.

"Stacey Marie... gusto kita at totoo 'yon... Sayang lang mawawala na ako... Patawad din dahil na-disappoint kita..." Lumapit sa kanya si Stacey at hinawakan niya 'yong kamay ni Paulo. Si Paulo naman, nilagay 'yong kamay niya sa likod ng tenga ni Stacey tapos may hawak na siyang maliit na bulaklak. "Palagi ka lang ngumiti. Arasso?" Tumango na lang si Stacey sa kanya habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak at hawak ng bulaklak. "Paalam na..."

Pinagmasdan ko na lang na sumara 'yong mata niya. Niyakap ko siya ulit at sa puntong 'yon, alam ko nang wala na siya.

Tama nga si Lola. May isang taong malapit sa 'kin yung mawawala at si Juan Paulo 'yon. Sobrang sakit at parang ayokong tanggapin na sa isang iglap lang, nawala nang gano'n 'yong isang taong malapit at mahalaga sa 'kin.

"Goodbye, Juan Paulo..."

Continue Reading

You'll Also Like

463K 14.6K 33
This is my life... Jeydon Lopez is the epitome of the word 'bad boy'. He doesn't care about girls and romance. Not at all. But what people don't know...
3.5K 870 62
Broken-hearted? Bitter? Realist? Whatever you may call yourself who doesn't believe in happy endings, this compilation is for you.
97.7M 2M 87
TEEN CLASH BOOK 2: Just when you thought they finally got their happily-ever-after, a twist in the story will occur. (Completed. Published under Pop...
2.7M 52.9K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...