Hearts Never Lie (Party of De...

By dwayneizzobellePHR

243K 6.1K 445

"Destiny is something you don't find. It comes to you at the right place and the right time. And right now, I... More

Best Friends
The Party
Last Dance
Kiss of Destiny
Chick Boy
The Target
Pictorial
The Show
Dessert
Backseat
Sleepover
Baby Ahrkhei
Big Boy
Resthouse
The Visitor
The Choice
Closure
Confrontations
Feud
Realization
Last Shot
Car Key
Photos
Intruder
Landscape
The Bride

Mission Failed

7.1K 195 8
By dwayneizzobellePHR


PAREHAS na nakatitig sa bilog na buwan sina Gelo at Deejay habang nakaupo sa bubong ng bahay.

Pagkatapos nilang i-google search ang dating beauty queen na si Mayreen Mercado-Salvador, natuklasan nilang simpleng maybahay ito ng former producer turned international businessman na si Karl Randall Salvador. Ina ito nina Renz Karlo at Ralph Karlo na eleven months lamang ang pagitan nang iluwal sa mundo.

“Kasalanan ko lahat ito, Gelo. Eh, ano ba kasi ang malay ko na dalawa pala silang Karlo? Anak ng baka! Bakit ba kasi hindi natin naisipan na magresearch muna nang maayos bago sumugod sa mission? First time ko nga lang mang-akit ng lalaki, mali pa ang nabiktima ko.”

“Kung nagkataon ba na ang totoong Karlo ang nakaharap mo, magagawa mo ba sa kanya ang mga ginawa mo kay Ahrkhei? Obviously ay effective 'yon kay Ahrkhei. Pero maaakit mo ba sa gan'on din mismong paraan si Karlo?”

Hindi siya nakasagot. Physically ay wala siyang itulak-kabigin sa dalawa. But there was something about Ahrkhei that she couldn’t ignore and she couldn’t forget. Something that drew her like a moth to a flame. Noong una pa lang na nagtama ang mga paningin nila, naramdaman na niya agad iyon, bagay na wala kay Karlo.

  Magpapahalik at hahalikan din ba niya si Karlo ng ganoon? Naiisip pa lamang niya na hahawakan siya ni Karlo sa ganoong paraan ay nagpo-protesta na ang mga lamang-loob niya. Natitiyak niya na wala ding mangyayari sa mission niya, kung nagkataon. 

“So, what now?” tanong ni Gelo.

“Ano'ng gagawin mo?” balik-tanong niya dito.

“Tatanggapin ko nang hindi kami ang para sa isa't-isa ni Cherry. If they really love each other, they deserve to be happy together." Nilingon siya nito. “And you? Ngayong nalaman mo na seryoso si Ahrkhei sa 'yo, what's your next step?”

“How about leaving for our Asian tour? Matagal na nating balak iyon, 'di ba?”

“That's not wise, Deejay. Why don't you just explain—”

“He would never forgive me. Lahat ng sinabi ko sa kanya mula umpisa ay kasinungalingan, why would he believe me now? Besides, kung noon nga ay hindi ako matanggap ng reyna, eh 'di mas lalo na ngayon.”

Nagbuntonghininga si Gelo. “Okay. Kailan mo gustong umalis? Sagot ko ang tickets. Maybe we can also stay in Singapore for a while. O baka gusto mo naman ay doon na rin tayo maghanap ng bagong trabaho?” Nandoon ang parents at mga kapatid ni Gelo. Engineer ang ama nito at Pharmacist naman ang ina.  Sila lang naman ni Cherry ang hindi maiwanan ni Gelo dito sa Pilipinas.

Nagkatinginan sila ng kaibigan, and in that moment ay nagkaintindihan sila nito.

“Resign!” sabay nilang bigkas.

Paglipas ng apat na araw ay sabay na lumipad papuntang Hong Kong ang dalawa. Pareho nilang iniwan ang kanilang mga trabaho. Para kay Gelo, kailangan nito ng panibagong environment para makalimutan nang tuluyan si Cherry. Para kay Deejay, kailangan niya ng bagong boss dahil sawang-sawa na siya sa bunganga ng matandang dalagang boss niya… at para kalimutan si Ahrkhei.

Bago sila umalis ay mahigpit siyang nagbilin kay Madonna. Kung sakaling may maghanap na lalaki sa kanya, huwag nitong sasabihin kung nasaan siya. Dahil malaki ang utang niya dito at hindi pa siya handang pagbayaran iyon.

🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋

For  ErmieTrosio and Lhalalookaret 😘

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
759K 32.5K 70
Matagal ng may gusto si Yohan sa bestfriend n'yang si Phil. Hindi s'ya sigurado kung kailan nagsimulang mag-iba ang pagtingin n'ya dito. Basta ang al...
191K 4.5K 14
published under PHR 2012 (Modified version) Natanim sa isip ni Daphne ang hula sa kanilang mag-ina noong bata pa siya. Bakit ba hindi, eh lagi...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...