The Fan

By DorchaLuna

74.3K 3.1K 1K

A famous celebrity worshipped by all... A shadow who is obsessed with the star... Will the shadow be a foe... More

CHAPTER ONE
Chapter Two
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
Chapter 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
A/N
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
CHAPTER 34

Chapter 22

1.9K 76 23
By DorchaLuna

Glaiza rammage her trunk hidden under her bed. Rhian standing behind the stopped woman, peeking what could be hidden inside the big wooden container. Glaize pulled something long container, pushed the trunk back to its original place and sat on the bed. The container has been untouched for uncountable years. Huli niya itong ginamit when she was still learning martial arts. Pinagaralan din niya ang weapon na ito, but she excell in archery.

"Lablab, ano yan?" asked Rhian curiously.

Glaiza pulled the top and took out the contents that is covered with a yellowish cheesecloth.

"Arnis ang tawag dito," she answered as she uncover two long and thick sticks. "Binigay ito sa akin ng kaibigan ni tatay na ninong ko. Bihasa siya sa paggamit nito at siya rin ang nagturo sa akin. I have not used this for so long," she continued habang sinisipat ang dalawang makintab na kahoy.

"Anong gagawin mo dyan?"

"Wala akong baril. My bow and arrows are back at the martial arts school,"

"Bakit? Para saan ba yan?"

"Its a kind of weapon,"

"Why do we need a weapon?"

Maingat na ibinalik ni Glaiza ang arnis sa loob ng lalagyan nito at inilapag sa ibabaw ng kama, then stood up and faced Rhian. She tucked her hair behind both ears and sighed. Sa kabila ng mahinahon nitong pananalita, she knows na may kaba at takot itong nararamdaman dahil sa komusyon na narinig nang tinawagan nila ang tiyuhin ng dalaga. Ni hindi man lang pinagpaliban ng mga damuhong ang kanilang balak at talagang sa bisperas ng bagong taon nila ginawa ang kanilang kagaguhan. She wanted Rhian to feel confident. Na mawala ang pangamba niya. No words between them but she understands her completely.

"First, I am your bodyguard. Second, mahal kita. My hands may be my lethal weapon but I will not take any chances na masaktan ka," her fingers traced Rhian's face, sliding down from her jaw down to her chin and held her still.

Para silang mga magnet that both ends attract each other hanggang sa magdikit ito. Under Glaiza's lips, she can feel the other woman quiver. She wrapped her arms around Rhian at umikot, having Rhian's back at the bed. Pushing her gently until her back touched the surface of their thin yet soft mattress having her front pressed against the woman beneath her. 

Their kiss was kind, mild, compassionate and assuring. Glaiza absorbing Rhian's fear of their situation, promising her protection and security. Sa paghagod ni Rhian sa kanyang likod ang naging senyales ni Glaiza that she accepted her encouragement, na hindi niya ito pababayaan. She is her shield, her fortress.

Her HERO.

"Glaiza, anak," pagtawag ni nanay Cristy sa labas ng kanilang kwarto. Glaiza immediately stood up at inayos ang sarili leaving Rhian na ngiti-ngiti dahil sa naudlot nilang pagniniig.

"Nay," Glaiza opened the door.

"Nakapag-ayos na ba kayo?" sumilip ang nanay nito at nakita si Rhian na nakaupo sa gilid ng kama.

"O...opo. May pinag-uusapan lang po kami ni Rhian," she moved aside upang papasukin ang ina.

"Kinausap ko na ang tatay mo. Hindi pa rin niya tanggap pero hindi na siya galit. Pagpasensyahan n'yo na ang tatay ninyo," then she fished  something inside her bestida na nakabalot sa puting tela. "Ito, gamitin ninyo ito," kinuha niya ang kamay ng anak at inilipat ang hawak sa kamay nito. Glaiza opened it, nakita ang isang makapal bulto ng tig-lilibuhing pera. "Mag-eroplano na kayo para mas mabilis ang byahe. May kamahalan ang ticket kapag ngayong araw kayo luluwas. Bisperas pa naman ngayon,"

"Nay, ang laking halaga nito. May pera pa naman po kami ni Rhian. Hindi ko po ito matatanggap,"

"Sige na anak. Kung magbabarko pa kayo, baka hindi n'yo na maabutan ang tiyuhin niya. Sige na,"

"Pero...."

"Glaiza, wag ka na tumanggi. Sige na. Ihahatid kayo ni Solen hanggang saTugdan Airport.  Kinakausap niya ngayon ang tatay ni Jayson para ihatid kayo sa Tablas ng ferry boat niya,"

"Maraming salamat nay," yumakap ito ng mahigpit sa ina.

"Mag-iingat kayo ha. Glaiza, wag kang susugod ng mag-isa. Wag kang makikialam sa operasyon ng mga pulis. Hayaan mo silang humuli at magligtas sa tiyo ni Rhian. 

"Opo nay. Didiretso po kami sa mga pulis,"

"Maraming salamat po nanay Cristy. Pasensya na po sa nangyari. Nagalit pa po si tatay Boy ng dahil sa akin," pagsasalita ni Rhian na lumapit sa mag-ina.

"Huwag mo nang alalahanin ang tatay ninyo. Matanda na yun at makitid ang utak. Basta't mag-iingat kayo ha. At gusto ko, bumalik kayo dito. Kahit huli na, magse-celebrate tayo ng bagong taon pagdating ninyo. Glaiza anak, kung sa relasyong ito ikaw masaya, doon din ako, at gusto ko si Rhian para sa'yo," nagkatinginan ang magkasintahan sa sinabi ng ina. Masarap pakinggan na tanggap ng magulang ang taong pinili ng anak na mahalin. It gave Glaiza a surge of new source of strength upang ipaglaban at ipagtanggol ang babaeng kanyang katabi. They both gave the older woman a tight and loving hug.

"Glaiza! Rhian!" Solen came in running, hawak ang teleponong nagri-ring and showed the name on the screen.  Glaiza took the phone and tapped the answer button, putting it on loud speaker.

"Tito," Rhian spoke.

"Hawak ko ang tito mo at ang girlfriend niya," isang nakakapangilabot ng bises robot ang nasa kabilang linya, gamit ang cellphone ng tiyuhin.

"Sino ka?!" tanong naman ni Glaiza, nagkatinginan silang magkakasama sa loob ng silid. Hindi nila alintana na sumunod ang ama nang makitang tumatakbo si Solen.

"You don't have to know who I am,"

"Ikaw ang may pakana ng lahat! Ang muntikang pagkidnap kay Rhian, ang pananaksak kay Solen, ang pagkamatay ni Warren, at ang panunugod sa bahay nila at sa condo ni Mildred. Tama ako?" sunod na nagsalita si Glaiza.

"Para kang SOCO, Galura. Tama ka. Ako nga,"

"Ano bang gusto mo? Kailangan mo ng pera? Ibibigay ko lahat ng perang gusto mo. Pakawalan mo lang ang tito ko at lubayan mo na kami!" Rhian negotiate.

"Wala kang karapatang magbigay ng kasunduan, Howell. Baka gusto mong matulad sa kapatid mo! Hindi ko kailangan ng pera mo o ng kahit sino. Ikawnang kailangan ko, Rhian. Ikaw lang,"

"Anong kailangan mo sa kanya?" muling tanong ni Glaiza na nagtitiim ang ngipin sa kanyang narinig.

"Wag mo nang alamin dahil ako lang ang may karapatan sa kanya. Ako lang. Kaya"t kung gusto mo pang mabuhay ang tito mo Rhian, pumunta ka ng mag-isa condo ni Mildred sa Sto. Niño, Parañaque. Itetext ko ang exact address,"

"Kung sa tingin mo pababayaan ko siyang pumunta mag-isa, nahihibang ka. Isa kang malaking gago!" Glaiza was shaking sa sobrang galit. Nag-iinit at namumula ang kanyang mukha.

"Alam ko, Galura. Bodyguard ka niya, bukod don ay kasintahan mo pa, hindi ba?"

Nabigla ang magkasintahan. They just officiated their relationship the moment Glaiza and German broke up, pero tila alam na ng kanilang kausap ang kanilang relasyon. Who is this goddamn person who is one step ahead of them?

"If you know what's good for you Galura, kung mahal mo pa ang sarili mo at ang pamilya mo, hand over Rhian," the busy tone came next.

"Glaiza," Solen spoke with shivering voice. Natatakot siya para sa kanyang kaibigan at kay Rhian.

"Hindi ako natatakot sa gagong 'to. Hindi kita iiwanang mag-isa," Glaiza turned to face Rhian at niyakap ito ng mahigpit giving her assurance sa kanyang pangako.

"Anak," they all turned sa may pintuan where the old man Galura is standing. Umatras ang asawa nito at si Solen giving him space to walk in. "Dalhin mo ito," iniabot niya ang isang maliit na kutsilyo na nasa sheath nito. Matagal ko nang ginawa yan. Nawili ako sa paggawa ng kutsilyong yan. Gamitin mo,"

Glaiza took the smaller weapon from her father and pulled it out of its sheath. It has two handle both bended on separate sides, shiny, sharp, narrow and unscathed blade indicating that it was never used.

"Breast dagger ang tawag dyan. Nakita ko yan sa isang magazine ng ninong Felipe mo, tatay ni Jayson. Nagandahan ako kaya't ginaya ko,"

"Kaya pala lagi kang abala nung mga nakaraang buwan. Yan pala ang ginagawa mo," sambit ng kanyang asawa.

Boy Galura took the sheath from her daugther.

"Itong sinturon na ito..." he showed Glaiza. "...itatali mo sa ilalim ng dibdib mo," pagkatapos ay kinuha ang dagger sa anak at inilagay sa sheath, giving his daughter a demo. "Itong hawakan ng kutsilyo ay nakasabit sa dalawang dibdib mo, sa ilalim ng iyong damit. Hindi iyan makikita at hindi rin babakat," when Glaiza knew how to conceal the dagger, hinubad na ng ama nito ang belt ng sheath at muling ibinalik sa anak.

"Tay, salamat po. Maraming salamat po," she hugged her father with tears in her eyes. Sa kabila ng pagtanggi nitong tanggapin ang kanyang preference, inaalala pa rin siya nito by giving her a fighting chance.

"Mang Boy...."

"Tatay Boy," he corrected Rhian. Sa pag-uusap nilang mag-asawa, unti-unti niyang binuksan ang isipan. Mahalaga sa kanya ang paniniwala niya sa kanilang relihiyon, pero hindi ito dapat maging hadlang sa kaligayahan ng kanyang anak lalo na't kung ang nararamdaman nitong pagmamahal, kahit pa sa isang tulad niyang babae ay walang halong kabastusan bagkus ay tapat, wagas at totoo.

"Ta...tatay Boy, sa..lamat po," she offered her hand for a shake but the old man has something different in mind. Ibinuka nito ang kanyang mga bisig that Rhian stepped in upang hayaan bigyan siya ng isang yakap ng ama ng kanyang pinakamamahal na babae.

"Mag-iingat kayo. Glaiza, makinig ka sa bilin ng nanay mo. Hayaan mo ang mga pulis na gumawa ng paraan at bumalik kayong dalawa dito,"

"Opo, tay," sagot nito pero sa kanyang isip ay humihingi ito ng patawad dahil hindi maaaring hindi rin siya kumilos ng sarili niya. Si Rhian ang gusto ng taong tumawag sa kanila kanina lang.

"Rhian, you might need this," inabot ni Solen ang isang maliit na sackbag.

"Ano yan?" tanong nito habang inaabot ang bag.

"Sa airport mo na yan buksan. Just in case, atleast magagamit mo yan para makakuha ng ticket,"

Rhian and Glaiza was puzzled sa sinabi ng kaibigan. Hindi naman siguro granada ang laman ng bag para manakot na bigyan sila ng ticket. But for sure ay mahihirapan silang makakuha ng chance passenger seat dahil bisperas ng bagong taon.

Dumating si Mang Felipe, ang ninong ni Glaiza at may-ari ng isang ferry boat na maghahatid sa kanila sa Tablas Island from Sibuyan island kasama si Solen. They both used Solen's clothes dahil dumating sila sa isla suot ang damit na pinagalisan nila ng Batangas.

Habang lumalayo ang ferry boat, walang puknat ang pagkaway ng mga magulang ni Glaiza. May lungkot at kaba sa kanilang mga dibdib sa maaaring mangyari. Knowing Glaiza, may katigasan ng ulo at katapangan ito. Despite of telling her na wag makikialam sa mga gagawin ng mga pulis, hindi ito basta na lamang maghihintay ng resulta. She will make her own move, kaya't mataimtim na panalangin ng kaligtasan ang dasal ng mag-asawa habang papalayo ang anak.

Arriving at Tugdan Airport, hindi na pumasok pa si Solen sa loob. She gave the couple a tight hug at iniwan sa kanila ang cellphone nito before they left her outside the airport.

Ilang ticketing booth ang pinuntahan ng dalawa pero wala na silang makuhang ticket. The next available flight are 2-3 days pa. Fully booked ang mga airlines na may local flight.

"Paano ba ito? Kahit mag-barko pa tayo, aabutin tayo ng atleast 2 days bago tayo makarating ng Manila," Glaiza said na nakaupo sa isang fastfood joint sa loob ng airport.

***...Just in case, atleast magagamit mo yan para makakuha ng ticket***  naalala ni Rhian ang sinabi ni Solennng iniabot sa kanya ang maliit na bag. Binuksan niya ito seeing make-ups.

"Bakit ako binigyan ni Solen ng make-up kit?"  Rhian silently asked herself.

Nakapalumbaba si Glaiza nang tinignan ito ng kasintahan. Malayo ang tingin, malayo ang iniisip kung paano sila makakasakay ng eroplano kung fully booked ang lahat ng airlines.

I just want to be with you....

Pamilyar kay Rhian ang mahinang tugtog sa maliit na fastfood joint. Pinakinggan niya ito ng maigi hanggang sa makilala niya ang awitin. Ang awitin niya. Ang HEAR ME.

"Lablab, punta lang ako ng CR," tumayo ito dala ang bag na ibinigay sa kanya ni Solen.

"Sasamahan na kita," umakma itong tumayo pero pinigilan siya ni Rhian.

"Sandali lang ako. Mabilis lang,"

"Baka kung ano pang mangyari sa'yo. Di kita pwedeng hayaan mag-isa,"

Rhian sighed. Touched by her beloved's worry and concern. Mukhang kahit train ay haharangin nito upang di siya masaktan.

"Nakaka-inlove naman ang lablab ko. Don't worry. Wala namang nakakaalam na nandito tayo except tito Ronnie. Sandali lang ako,"

"Bilisan mo ha," tumayo ito at hinalikan sa labi ang kasintahan.

Pagkaalis ni Rhian, sinundan siya ng tingin ni Glaiza, kabado siyang mawala ang kasintahan sa kanyang paningin, pero may punto naman si Rhian. Wala nga namang nakakaalam kung nasaan sila. Siguro nama'y walang sanggano na magpapahamak sa kanila.

Rhian as she said, went to the comfort room. She locked herself sa loob ng palikuran at sinimulang gamitin ang mga laman ng bag. The moment she heard her song, nagkaroon siya ng idea. Solen must have thought na hindi talaga sila makakakuha ng ticket back to Manila kaya't kailangan niyang gamitin si Calliope. Desperate situations needs desperate measures, ika nga. Mabuti na lang at mukhang mamahalin ang damit na pinasuot ni Solen sa kanya. Yung tipo ng damit na isinusuot ng isang tulad niya.

"Ay diosko! Si Calliope!" bati ng isang turista sa loob ng comfort room. Inilabas nito ang cellphone at nakipagselfie. Pinagbigyan ito ni Calliope pero hindi na niya pinagbigyan ang iba dahil nagmamadali umano siya.

Sa bawat lakad niya, hindi maaaring hindi siya harangan ng kanyang mga tagahanga. Magalang niyang tinanggihan ang mga request na picture at papirma. Dahil sa kaguluhan, dalawang security guard ang lumapit upang alalayan ang sikat na artista.

"Hi," bati nito sa isang lalaking nakatayo sa ticketing booth ng isang airline.

"Mi...miss... Ca...calliope!" gulat nito na namilog ang mga mata. Hindi makapaniwalang ang kanyang idolo ang nasa kanyang harapan.

"Ahm, I'm just wondering kung may available flight pa kayo to Manila today. Kahit mamayang hapon na flight okay na sa akin,"

"Pa..sensya na po Miss Calliope, fully booked na po kasi kami," the guy said na maaaninag sa boses na isa itong gay.

"Kahit chance passenger lang,"

"I'm very sorry po talaga, mam,"

"Wala ka bang magagawang paraan? Baka pwede akong tulungan ng manager mo. I know he or she can do something. Have you heard yung pagatake sa house ng manager ko? The truth is, he is my uncle. Ako yung sinasabing pamangkin na kasama niya na nakatakas. Dito ako dinala ng bodyguard ko para itago. Then inatake ulit sila ng girlfriend niya sa condo today. Kailangang-kailangan kong makabalik ng Manila. Please tulungan mo ako," Calliope pleaded letting tears fall out of her eyes. She has to act. Katotohanan man ang sinabi niya tungkol sa kanyang tiyuhin, she needs to cry upang lalong makuha niya ang simpatya ng kanyang kaharap.

The ticketing agent felt pity. Nabalitaan nga niya ang pagatakeng nangyari sa bahay ni Ronnie Henares sa Batangas. Hindi niya alam na siya pala ang pamangking binanggit sa balita kaya't laking pasalamat din niya na hindi napaano ang kanilang idolo. The agent turn around at pumasok sa loob ng isang kwarto sa kanyang likod. Calliope was puzzled and worried na baka nilayasan na lang siya ng kanyang kausap, pero muling lumabas ang agent na may kasamang isang di naman katandaang babae.

"Hello po miss Calliope. Ako ang manager,"

"Hi po mam. Sana matulungan ninyo ako. Kailangan ko talagang makabalik ng Manila for my tito Ronnie. Manager ko rin siya,"

"Nabalitaan ko nga po ang nangyari. Thank God na ligtas ka. Idol na idol ka ng anak ko,"

"Salamat po. Sana matulungan ninyo ako. 2 tickets para pabalik ng Manila,"

"Tignan ko po ang magagawa ko," tumingin ito sa kanyang relo and it says 5mins to 1pm. "Ang next flight po namin is 3:15. 10mins before the flight dapat lahat ng mga pasahero ay naka-check in na. Alam yan ng lahat ng pasahero. They can check-in online or sa check-in counter. If ever po na may pasaherong hindi nakapag-check-in, yun yung time na pwede kaming magpapasok ng chance passenger," the manager explained.

"I'll take that chance. Please paki-book ako ng 2 tickets to Manila sa next flight ninyo as soon as may hindi nag-check in,"

May ilang mga taong nagtatakbuhan, nagbubulungan at hiyawan sa di kalayuan. Napatingin si Glaiza sa direksyon na tinatakbuhan ng mga tao. Kinabahan siya at doon niya napansin na mga katagalan nang wala si Rhian. Hindi pa ito bumabalik. Agad siyang tumayo upang hanapin ang kasintahan sa palikuran kung saan ito tumungo. The comfort room was empty. Inisa-isa niyanang mga cubicle pero walang tao.

"Bilisan mo! Si Calliope nasa ticketing booth. Papicture tayo, bilis!!" hiyaw ng isang babae sa kanyang kasama.

"Calliope?" natanong nito sa sarili.

She didn't waste time. Agad tinungo ang ticketing booth. Napakaraming tao. Halos hindi siya makasingit sa siksikan na mga katawan na nagpupumilit makalapit pero dahil sa dagdag na security, hindi makalagpas ang mga tao sa barikadang inilagay. Nagsisigawan sila hoping that their idol will turn and look at them.

Glaiza jumped. Paulit ulit niya itong ginawa hanggang sa makita niya ang pinagsisigawan ng tao. Calliope is at the ticketing booth, kausap ang dalawang tao. Anong ginagawa niya doon? Why did she pose as Calliope? Not that she is not Calliope. Rhian is Calliope, pero bakit niya inilabas ang kanyang other side?

"CALLIOPE!!" sigaw niya habang tumatalon. Ngunit dahil sa sumisigaw rin ang iba pang mga tagahanga, hindi siya marinig ng kanyang tinatawag.

"CAAALLIOOOOPEEEE!" muli niyang sigaw at the top of her lungs pero hindi siya marinig nito. She looked around to find something na maaari niyang tuntungan until she finds an empty pail of water. Kinuha niya ito, ibinaliktad at tinuntungan.

"RHIIIIAAAAN!!!" she was suppose to shout Calliope pero maling pangalan ang kanyang nabanggit.

Calliope turned seeing Glaiza standing nang mas mataas pa sa ibang mga tao. She waved na sinundan ng tingin ng mga tao. Their eyes are questioning na kung bakit lumingon ito pero hindi naman niya pangalan ang isinigaw.

Calliope called a security guard at bumulong. Tumango ang lalaki upang lapitan si Glaiza and escorted her pabalik kay Calliope.

"Siya ang kasama ko," she told the agent.

"Anong ginagawa mo? Why are you posing as Calliope?" bulong ni Glaiza.

"Lablab, ako naman talaga si Calliope," sagot nito na pabulong din.

"Okay na miss Calliope. We placed your name as priority para sa inyo maibigay ang chance seat,"

"Sige, babayaran ko na para later wala nang aabalahin pa," she turned to Glaiza asking for money for payment na sinunod ng bodyguard.

"Ahm, later na lang po kasi wala pa pong open seats. Hindi ko po mapa-process ang purchase ng ticket ninyo," tanggi ng agent.

When everything was settled, namroblema naman sila kung paano lalagpasan ang makapal na bilang ng mga taong nag-aabang sa sikat na artista.

"Miss Calliope if you want, you can wait inside our office," alok ng manager.

"Oh God, thank you so much," sagot ng dalaga.

The manager opened the door of the booth letting Calliope and her companion in and lead them to the office. Isang maliit na kwarto na may 4 seater table sa gitna, isang long couch sa may wall malapit sa pinto at isa pang office table sa may dulo ang kanilang napuntahan. Mas okay na ito kesa sa bumalik sila sa fastfood joint na open at malamang na pagkaguluhan pa si Calliope.

"If kailangan ninyong mag-CR, dito po. May sariling CR kami," sabi ng manager na lumakad patungo sa isang maliit na lamesa na pinapatungan ng mga baso, electric kettle at garapon ng mga kape, creamer, chocolate drink at asukal. Nagtimpla ito para sa dalawa. "Magkape muna kayo," she placed 2 cups of hot coffee sa harap nila.

"Thank you so much for helping us out," Calliope said habang iniabot kay Glaiza ang isa pang cup.

"Walang anuman iyon. Like I said, idolo ka ng anak ko. Naluha nga siya dun sa nangyari sa concert mo. Nagpapaalam yun sa akin na dumalo pero hindi ko pinayagan kasi malayo ang Maynila. Eh grade 10 pa lang yun. Nabalitaan ko rin ang nangyari sa manager mo. Sino kaya ang may kagagawan nun? Mga masasamang tao talaga hindi na lang mawala sa mundo. Di kaya may galit yun kay Mr. Hinares at nadamay ka lang?"

"Hindi ko lang po alam. Mabait na tao ang tito ko. Sa akin lang naman yun mahigpit kasi sa kanya ako ibinilin ng mommy ko before she passed away,"

"I'm so sorry," malungkot nitong tugon nang marinig ang pagpanaw ng ina.

"May cellphone po ba kayo?" Rhian asked that broke a few minutes of silence. The manager fished out her phone at iniabot kay Calliope. "As a thank you, magpicture po tayo tapos ipakita nyo po sa anak n'yo. Magvideo greet din ako for her para sumaya siya,"

"Ay talaga?! Naku, maraming salamat ha. Siguradong matutuwa yang anak ko! Tama ang sinabi niya, mabait ka nga talaga. Marunong kang mag-appreciate ng mga tagahanga kahit hindi mo pa sila nakakaharap lahat,"

Glaiza assisted. Siya ang kumuha ng ilang litrato. Nakayakap si Calliope sa manager at ganun din ito sa artista. Pagkatapos ay kinuhanan din niya si Calliope ng video greeting the manager's daughter sa phone. After watching, the manager excused herself from the room dahil sa marami pa umano itong trabaho. She will just inform the two kapag nakiha nila ang seats.

Rhian was leaning towards Glaiza na tahimik na nag-iisip sa kung ano ang maaari niyang gawin upang mailigtas ang tiyuhin ng kasintahan. Yes, she is brave. She is used to physical pain dahil sa makailang beses na nadisgrasya when she was still a martial arts student. Mga wrong turns, bad landings at wrong foot. Ilang beses na siyang na-sprain sa maling flying kicks at punches kaya't hindi siya takot masuntok, mahampas at masipa kung sinuman ang makakaharap nila. Ang hindi siya sanay ay makitang masaktan ang babaenh mahal niya. She is a hardcore chick with a soft spot for Rhian. 

"Bakit?" nabigla siya nang makitang may sinisilip si Rhian sa loob ng kanyang damit.

"I was wondering how it feels like na may nakatagong kutsilyo sa loob ng damit mo,"

"A bit uncomfortable at first pero nakakasanayan ko na rin. Buti na lang ibinigay ni tatay to. Who knows, baka kailanganin natin,"

"Very skilled pala si tatay. Kaya niyang gumawa ng ganyan. What else can he do?"

"Marami. Too many to count," 

"Glaiza, kinakabahan ako. What's waiting for us pagbalik natin ng Manila? Parang baliw yung tumawag na tao kanina. What does he want from me?" 

Glaiza took her cold hands and jailed it inside hers. Squeezing and rubbing them at the same time.

"Don't worry too much. Maililigtas natin ang tito mo at mapaparusahan kung sinuman ang gumagawa nito sa'yo. I will never let anything happen to you," she lightly kissed her forehead. "Halika,  dun tayo sa couch para makahiga ka. Mag-nap ka muna habang hinihintay natin ang flight natin," 

"Sana makakuha tayo ng flight today," Rhian said sa kanayng paghiga having Glaiza's lap as her pillow and their hands clasped on her chest.

"Pahinga ka muna. I'll wake you up kapag paalis na tayo. Stay positive na makakalipad tayo pabalik ng Manila,"

Rhian don't know if she can sleep even for just a few minutes. Nag-aalala pa rin siya sa kaligtasan ng kaniyang tiyuhin. But when Glaiza hummed, first time niyang kumanta ito. Not exactly with words, pero sa pag-hum nito, nakaramdam siya ng paggaan ng kanyang kalooban. Malamig ang kanyang tinig na parang idinuduyan siya. She hums like an angel singing praises.

(imaginin nio na lang na hum yan. walang humming eh - author)

The way Glaiza hums, Rhian felt that they are laying on a grassy hill. Gentle breeze brushing through her skin. Warm sun kissing her cheeks. Its an ideal feeling na gusto niyang maranasan with Glaiza. Freedom from all of the craziness na nangyayari sa kanila ngayon. Maybe someday kapag nailigtas na ang kanyang tito at mahuli ang salarin. But for now, Rhian dozed off to her ideal scenery sa duyan ng tinig na umaawit para sa kanya.

----------

3:11pm...

The manager came back and gently tapped Glaiza's shoulder to wake her up.

"Mam, naibook ko na po kayo ni miss Calliope," mahinang sabi nito.

Glaiza slowly straighten her back at ginising ang dalagang nakaunan sa kanyang kandungan and relayed the manager's message. Dahan-dahan namang umupo si Rhian rubbing the sleep off her eyes.

"Thank you so much sa tulong ninyo," Rhian took the manager's hand for a shake at niyakap niya ito.

"Sana po mahuli na yung umatake sa bahay ninyo. Napakasama ng taong yun kung sino man siya,"

"Rhi... I mean Calliope, baka dumugin ka ulit ng tao paglabas natin. Mahuhuli tayo Sa flight. Pati sa eroplano malamang na lapitan ka,"

"Magrerequest po ako ng security para i-escort kayo sa boarding,"

"No, hindi na kailangan. Sandali lang," she went to the comfort room. 

It took a few minutes nang muling lumabas si Calliope na wala nang make up. Ibang-iba ang mukha niya nang inalis na nito ang kanyang make-up. There's still a touch of Rhian's face sa likod ng makulay ng koloreteng inilagay sa mukha nito pero mas lamang ang mukhang ipinapakita kapag siya ay nasa harapan ng camera.

"Wow, ang galing ng make-up n'yo miss Calliope. Parang magic!" the manager was astounded sa pag-iba ng mukha nito. Parang mala-Paolo Ballesteros na kayang ibahin ang itsura sa pamamagitan ng pagmemake-up.

"Hindi na siguro nila ako makikilala. Binura ko na yung make-up ko,"

Nagmamadaling lumabas ang tatlo sa office. They settled the payment for the tickets and the manager override the system to have them checked-in dahil wala nang 5mins ang natitira para sa paglipad ng eroplano. The manager herself lead them to the boarding upang masiguradong mapapasok ang dalawa kahit pa ma-late ito ng ilang minuto.

The gate was about to closed nang makarating sila pero sumigaw ang manager upang pigilan ang pagsasara. Pinakiusapan ang guard na hayaang makapasok ang dalawang kasama dahil nagkaroon ng aberya sa kanilang checked-in system kaya umano na-late ang dalawang pasahero that she claimed her nieces. Pinagbigyan naman ito ng guard na tumingin muna sa paligid bago pinapasok ang dalawa dahil kapag may nakakitang iba na pinapasok ang late passengers, maaaring magkaroon ng problema at gayahin ng ibang pasahero. When the coast was clear, pinapasok niya agad ang tatlo dalawa. While running to the bridge, muling sumigaw ang manager to get the attention of the stewardess na magsasara ng pinto. The stewardess waved, pinamamadali ang mga humahabol makasakay. Rhian suddenly hugged the manager as a thank you bago tuluyang sumakay ng eroplano. 

Rhian and Glaiza took their seats indicated sa kanilang plane ticket. Hapong-hapo sila sa kanilang adventurous plane ride pabalik ng Manila. Nang matapos ang safety demo ng mga stewardess, Glaiza waved to get the attention ng isang stewardess at umorder ito ng 2 mineral water. 

----------

Yung cover ko has nothing to do with this chapter. Gusto ko lang iparinig sa inyo ang OST ng TOTGA, sung by Nar Cabico. Nakaka-LSS kasi eh. Meron ba ditong "GAGA" sa pag-ibig? hahahaha....

Aminado ako kasi may TOTGA ako from 13yrs ago... haaay... sana lang mameet ko ulit si ex tapos maging kami ulit... pero sana wala akong kasabay na ex din niya na makakakita kay ex ko.

Shout out kay GracieGuevarra sa kanyang pagjoin sa twitter party sa pilot episode ng THE ONE THAT GOT AWAY last January 15!!! LODI!!! PETMALU ka tlaga!!!

Araw-araw ipatrend natin ang HTs ng TOTGA! Suportahan natin ang ating diosa as ZOE! Sabay-sabay nating alamin kung sino ba ang TOTGA ni Liam.

THE ONE THAT GOT AWAY every Mondays to Fridays pagkatapos ng Kambal Karibal!





Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 58.5K 105
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
105K 3K 35
[itto x reader] He was famous around your village. During a thunderstorm one night, you saw him outside on the ground barely alive. After aiding him...
210K 8.6K 32
What would you do if the love of your life left without telling you why? Jathea story. AU. COMPLETED.
4.8K 521 14
"I met a guy when I was coming out the restroom bwoy nice yuh fret." She whispered to her bestfriend so the other members of the group couldn't hear...