My Boyfriend is a Gay (Comple...

By EynJey

113K 2.8K 416

Well, the title says it all, that My Boyfriend is a Gay More

My BOYFRIEND is a Gay
Prologue
Chapter 1: New Teacher
Chapter 2: The Locker Scene
Chapter 3: Chray Japer Agundo
Chapter 4: The Garden Scene
Chapter 5: Singing Contest
Chapter 7: Meet the boyfriend and my brothers' girlfriend
Chapter 8: Adventure Time and Lunch Time
Chapter 9: Plan, Dinner and Encounter
Author's Note (IMPORTANT)
Chapter 10: Unexpected Result
Chapter 11: Deal
Chapter 12: Love...
Chapter 13: Preparation
Chapter 14: Party
Chapter 15: Strange
Chapter 16: Torn
Chapter 17: Facebook
Chapter 18: Sci-Math Week
Chapter 19: Booth
Chapter 20: Truth
Chapter 21: Weird
Chapter 22: Momentum
Chapter 23: New Friendship
Chapter 24: 10 Ways
Chapter 25: Surprise
Chapter 26: The Admirer
Chapter 27: Revelation
Chapter 28: The Real Story
Chapter 29: Happy and Contented
Chapter 30: Reunion Party
Chapter 31: What is Real?
Chapter 32: Palawan Vacation (Part I)
Chapter 33: Palawan Vacation (Part II)
Chapter 34: Palawan Vacation (Part III)
Chapter 35: Palawan Vacation (Part IV)
Chapter 36: Chiara Jill Agundo
Chapter 37: Wretched Situation
Author's Note
Chapter 38: Gloomy
Chapter 39: He's finally ok
Chapter 40: Will You Be My Date?
Chapter 41: J.S. Prom
Chapter 42: She Kissed Him
Chapter 43: Favor
Chapter 44: Confrontation
Chapter 45: Departure
Chapter 46: Welcome Back!
Drama ni Author
Chapter 47: He's Courting
Chapter 48: Change of Heart?
Chapter 49: Lucky Girl
Chapter 50: Goodbye
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter 2.0

Chapter 6: Lies

2.6K 81 7
By EynJey

© EynJey 2014

Chapter 6

Halos umilalim na ako sa desk ko para lang pagtaguan ‘yung teacher ko at ng hindi ako maka-kanta sa harapan dahil ayaw na ayaw ko talaga.

"Bilis na Jill, ipakita mo na sa kanila ‘yung itinatago mong talent." sabi sa akin ni Dara na kanina pa talaga ako kinukulit at ang dahilan kung bakit ako mapapasabak ngayon.

Kaya ko nga tinatago para ‘di makita ng iba tapos sasabihin niya na ipakita ko? Ano pang silbi ng pagtatago mo kung ipapa-alam mo rin sa iba? (A/N: May pinanghuhugutan lang? LOLs. #HUGOT)

Halos ipagtulakan na ako ni Dara papunta sa harap pero kumakapit talaga ako sa may upuan ko para hindi niya ako maitulak ng malakas.

"Go on Ms. Agundo, show us your talent." sabi ni Sir Sy kaya naman mas lalong ayaw kong kumanta. Nakakahiya naman kasi.

"’Di na po Sir, ‘di naman po ako marunong kumanta e." sagot ko nalang kay Sir tapos ngumiti ako ng konti habang nakakapit pa rin dun sa may upuan ko.

"Sir marunong po ‘yang si Jill, nahihiya lang po talaga." kung pwede lang talaga na makasabunot ng kaibigan e kanina ko pa talaga nagawa dito sa katabi ko. Ayaw ko nga e tapos pinipilit niya pa ako.

"Go in front Ms. Agundo, don't waste our time." medyo seryoso ng sabi ni Sir kaya naman napatahimik na lang ako. ‘Yung katabi ko naman e sinisiko na ako para pumunta sa harapan. "Sige na Jill, kaya mo ‘yan."

Medyo nag-aalangan pa akong tumayo dahil nga hindi ko naman hilig ‘yung mga ganito e atsaka isa pa, wala akong balak na sumali sa singing contest na sinasabi nung teacher namin.

"Ano ba ‘yan ang arte-arte pa, malamang wala naman talagang talent, nagpapapilit lang talaga." narinig kong bulong ni Yuri dun sa may likuran ko na sa tingin ko e sinadya niya talagang iparinig sa akin. Pakiramdam ko e nagpantig ‘yung tenga ko dahil sa sinabi niya.

Nagpapapilit? Wow a! E wala naman kasi talaga akong balak sumali e atsaka wala naman din akong balak na magpapilit. Atsaka talent lang pala ah? Kung pag-uusapan lang naman ‘yun e 'di naman sa pagmamayabang pero marami akong talent na kayang ipakita sa iba, ang problema nga lang e ayaw kong ipaalam sa kanila. Pwes dahil iniisip niya rin naman na wala akong talent e ipapakita ko sa kanya kung anong talent meron ang isang Chiara Jill Agundo.

Tuluyan na akong tumayo dahil nainis lang talaga ako sa sinabi ni Yuri, masyado naman yata niya akong minamaliit para sabihin ang mga bagay na ‘yun.

Kahit 'di ako prepared e nag-isip na lang ako ng kantang alam ko dahil sabi naman ni Sir e pwedeng kahit random song lang ang kantahin e.

Now playing: Everytime (A/N: Paki-play po 'yung video sa side and imagine na lang na si Jill ang kumakanta, hehehe.)

♪♪ Notice me

Take my hand

Why are we

Strangers when

Our love is strong

Why carry on without me

Chorus:

Everytime I try

To fly I fall without my wings

I feel so small

I guess I need you baby

Everytime I see

You in my dreams

I see your face

It’s haunting me

I guess I need you baby

I make believe

That you are here

Is the only way

I see clear

What have I done

You seem to move on easy

Chorus:

And everytime I try

To fly I fall without my wings

I feel so small

I guess I need you baby

And everytime I see

You in my dreams

I see your face

You’re haunting me

I guess I need you baby

(Bridge)

I may have made it rain

Please forgive me

My weakness cause you pain

And my song my sorry

At night I pray

That soon your face will fade away

Chorus:

Everytime I try

To fly I fall without my wings

I feel so small

I guess I need you baby

Everytime I see

You in my dreams

I see your face

You’re haunting me

I guess I need you baby ♪♪

/song ends here/

Nagbow ako pagkatapos kong kumanta at napansin kong halos matulala silang lahat dahil sa pagkanta ko. Dumiretso na nga ako sa upuan ko at siguro mga 10 seconds after kong umupo e nagsimula na silang magpalakpakan at nagtayuan pa talaga.

"Grabe, ang galing mo Jill."

"Ang ganda ng boses mo, pwede ka ng sumali ng mga Singing Contest."

"Ang lambing nung boses mo, sarap pakinggan."

Sari saring komento ang naririnig ko mula sa mga classmate ko at medyo nahiya naman daw ako dun dahil first time kong kumanta sa harap ng maraming tao at mabigyan ng mga compliment na ganun.

Ang sarap lang sa pakiramdam na natuwa sila sa pagkanta ko, kala ko pa naman e i-boo-boo nila ako at paaalisin na agad dun sa harap pero napansin kong tulala lang sila sa akin habang kumakanta ako. Napansin ko rin na titig na titig sa akin si Yuri habang kumakanta ako at nakabukas ng kaunti ‘yung bibig niya, 'di niya siguro ini-expect na may ilalabas din akong talent ‘di tulad ng inaasahan niya.

Pumunta na si Sir sa harapan nun dahil ako ‘yung pinakalast na nagperform. Pumapalakpak pa nga siya at ngiting ngiti na akala mo e mapupunit na ‘yung labi niya.

"That was an extremely amazing talent Ms. Agundo, I never expected that." sabi pa ni Sir. Isa pa ‘tong teacher ko e, makasabi naman ng 'I never expected that' e kala mo wala naman akong talentong mailalabas.  Well, ngayon alam na nila.

"So I guess you already know who will be our representative for the singing contest?" tanong ni Sir sa buong klase. Sabay sabay naman silang sumigaw ng 'yes' na akala mo e sabayang pagbigkas ‘yung ginagawa nila.

"Ms. Agundo and Mr. Naval, prepare for the contest and I know that both of you could take home the trophy for your section. Ok class, I'll dismiss you early, you may go." pagkasabi ni Sir nun e nag-uunahan ng maglabasan ‘yung mga classmate ko pero ako e tila na estatwa sa kinauupuan ko.

T-teka nga, tama ba ako ng rinig? Ms. Agundo and Mr. Naval? Sa pagkaka-alam ko e iisang tao lang ang kilala kong Naval ang apelyido e, at ‘yun ay ang pinaka kinaiinisan ko sa lahat ng nilalang dito sa mundo.

"O best, tinatawag ka ni Sir sa may unahan." nabalik yata ako sa sarili ko dahil sa sinabi nung katabi ko. Wait lang, tinatawag pala ako ni Sir.

Tumayo na ako at lumapit sa harapan kung saan nandun si Sir at ang nag-iisang si Yuriel Xan Naval na parehong nakatingin sa akin.

Narinig ko pa ngang may binulong si bakla pero sobrang hina kaya 'di ko narinig ng maayos. Tumingin na lang ako kay Sir na mukhang may i-e-explain tungkol dun sa contest.

"The two of you will do a duet song and you really need to prepare for it and show some chemistry to the audience and judges. Act like a couple and better choose a nice song that the both of you could sing. I'll just inform you for some details if we already set a date for the contest, just always be prepared. You may go now." siguro e natulala ako ng mga ilang seconds dahil sa narinig kong sinabi ni Sir.

Ano bang kasalan ang nagawa ko nung past life ko at grabe naman yata ang paghihirap na nararanasan ko ngayon? Bakit sa lahat e si Yuri pa ‘yung naka partner ko? May magawa kaya kaming maayos nito o puro pang-aapi lang ang gagawin niya sa akin?

Maya-maya e hinila na lang ako ni Dara dahil kanina pa daw ako nakatayo at umalis na si Sir maging si Yuri. "Bilisan mo at baka maglabasan na rin ‘yung ibang section." sabi sa akin ni Dara habang kinakaladkad niya ako pababa papuntang cafeteria. At oo, kinakaladkad niya talaga ako ng mga oras na ‘yun.

Laking pasasalamat ko nga ng kahit papano e hindi naman ako nagkagalos dahil sa paghila sa akin ni Dara. Wala pa rin masyadong tao sa cafeteria dahil ang section palang namin ang nadi-dismiss.

Pumila na si Dara para makabili ng pagkain naming dalawa, ‘yun talaga ang trabaho niya dahil pag ako ‘yung nandun e malamang abutin ng siyam siyam bago pa ako makabili kaya naman ako ang nakatoka sa paghahanap ng mapu-pwestuhan namin. Nakahanap naman ako ng malayo-layo kanila Yuri at maya-maya e dumating na si Dara na ang daming dala.

"Para ‘to sa pagiging representative mo sa singing contest." sabi niya pagkalapag niya nung mga pagkain sa lamesa. "Ang galing galing mo talaga best, I’m so proud of you."

Medyo nahiya naman ako dahil halos ‘di na rin natigil ‘yung mga compliment na natatanggap ko simula pa kanina.

Ngumiti ako ng konti dahil sa sinabi niya. "Salamat best."

Nagsimula na nga kaming kumain at buti na lang e nauna kami dahil saglit lang e nagdagsaan na ang mga estudyante sa cafeteria at nagkaka-ubusan na rin sa pwesto.

Kain lang kami ng kain at saktong nagbell nung matapos na kami. Bumalik lang kami sa room at nakinig sa klase. Mag pu-4 na yata ng palabasin na kami ng teacher namin sa Economics, himala nga at hindi ako nahuli na ina-antok antok sa klase niya e dahil pag nagkataon e mapapalabas na naman ako.

Gaya ng napag-usapan e umalis na kami ni Dara papunta ng Mall. Nakapagpa-alam na rin ako kanila Mommy kanina na magdi-date kami ng girlfriend ko at pinayagan naman niya ako dahil kilalang kilala na niya si Dara.

Siguro mga 30 minutes lang e nasa Mall na kami at dumiretso na agad kami sa Building B, kung saan nakalocate ang sinehan. Pagkalapit namin dun sa Cinema 3 e bumili na agad ng ticket si Dara at may 1 hour pa kaming time na hihintayin kaya naman pumunta kami ng food court, tutal malapit lang ‘yun sa sinehan at bumili kami ng pagkain para kahit papano e hindi kami gutumin pag nanonood na kami. Hassle pa kasi ‘pag ganun dahil malamang ‘di kami makakapag concentrate sa pinapanood namin.

Mga 15 minutes na lang siguro nung makabalik kami ng sinehan at bumili na rin ng dalawang pop corn si Dara, tag-isa kami nun dahil parehas kaming matakaw, atsaka bumili na rin siya ng mineral water, ‘yung medyo malaki para matagal maubos dahil uhawin kaming pareho.

Maya-maya pa e pinapasok na kami sa loob ng sinehan. Excited na excited naman si Dara at akala mong kiti kiti na hindi mapakali. Dun kami sa may taas pumwesto para daw kita. Nagsimula na ‘yung palabas at talaga namang nag-enjoy kami sa panonood.

Mga 2 hours yata kami sa loob ng sinehan at paglabas namin e halos feeling ko e nagye-yelo na ako at nanginginig pa ako ng sobra. Kung sana e naremind ako ng mas maaga ni Dara e dapat talaga nakapagdala ako ng jacket e, kaya ayaw na ayaw ko masyadong tumatagal sa loob ng sinehan dahil masyadong malamig.

Balak na naming umuwi ng biglang may tumawag sa akin na isang pamilyar na boses.

"Chiara."

Sa itinawag niya sa akin at sa boses niya pa lang e kilalang kilala ko na kung sino ‘yun kaya naman paglingon ko sa likuran namin e hindi na ako nagtaka sa nakita ko.

"Maureen." tapos ngumiti ako, ngiti na halatang labag talaga sa loob ko.

Nasa may gilid siya at mukhang may hinihintay tapos bigla siyang lumapit sa amin at niyakap ako saka bineso beso. "Kamusta ka na?" masayang tanong niya sa akin.

"Ok naman ako." nakangiting sagot ko sa kanya. "Pero nawala na ako sa mood ng makita kita." dagdag ko naman na hininaan ko lang at buti na nga lang at hindi niya narinig.

Nakita niya si Dara sa tabi ko at niyakap niya rin ito at kinamusta. Halata namang iritado rin si Dara sa presensya ni Maureen dahil pareho kaming inis sa babaeng ito. Best friend nga kami ‘di ba?

"Saan kayo galing? At pareho pa kayong naka-uniform na dalawa?" tanong niya.

"Nanood lang kami ng sine saglit, medyo bored kasi e." sagot ko sa kanya.

Bigla niya naman akong sinundot sa tagiliran. "Uuy, nanood kayo ng sine ng ‘di man lang nagpapalit ng damit at galing pang school? Siguro kasama niyo siguro jowa mo noh?" nakakalokong tanong niya sa akin. At dahil inis talaga ako sa babaeng 'to e pinatulan ko na lang.

"Oo kasama namin siya, may binili lang siya saglit at hihintayin na lang daw namin siya sa may baba." nagmamalaking sagot ko. Nakita kong nagulat si Dara dahil sa totoo lang e kaming dalawa lang naman talaga ang magkasama e.

"Wow! Talaga? Pakilala mo naman ako sa kanya. Nasan ba siya?" tapos luminga linga pa siya sa paligid.

Pagkasabi niya nun e medyo nataranta ako dahil makulit pa naman ang taong ‘to at talagang ‘di ka niya titigilan hangga't hindi niya nagagawa ‘yung gusto niya. Dapat yata e hindi ko na lang sinabi na may kasama kaming lalaki para hindi na nagtanong ang isang ‘to.

Tumingin tingin naman ako sa paligid na kunware e hinahanap kung nasan na ang ‘boyfriend’ ko, hanggang sa may isang taong nahagip ng mata ko.

"Yuriel!"

~~~~~~~~~~

A/N: SOOOOOOOOBRANG tagal na ng huling update ko dito, wala na kasing time mag post e, sensya naman.

Medyo inis pa ako dahil sa kapatid kong napakakulit, tsk. tsk. tsk.

Anyway, here's another update, enjoy!

Thanks for reading! ^_^

~~> EynJey <~~

Continue Reading

You'll Also Like

4.3K 102 24
GayxLesbian series #1 Pwede bang ma bakla ang mga tomboy sa mga bakla? Pwede din bang ma tomboy ang mga bakla sa mga tomboy? Read the story of ene...
173K 8K 15
[A Wattpad Featured Story] Jeisa hasn't used her technopathy for years. If anything, she's basically been forbidden to use it. When she is forced to...
31.7K 3.8K 30
It all started with a text from an unknown stranger....... " I wanna tell you a secret. What if I told you that someone really close to you was hi...
410K 12.8K 37
💛COMPLETE 💛 Forth Jaturapoom is a cold Head Hazer rules whole engineering under his finger. People call him cold prince. But that doesn't mean he d...