Luha Ng Tinta (SPOKEN WORD PO...

By Aspenz18q

411 18 8

Hayaang dumaloy ang ideya ng puso at isip para sa isang maaagos na biyahe ng paglimot at muling Magmahal. More

SPOKEN WORD--POETRY
TULDOK
MALI
Sa Malakas na buhos ng Ulan
P A A L A M
sapat na ang Patawad
Unang dalawang salita sa blankong Papel
Iisang Hantungan
Kung sinabi ko

SAKALanan

19 2 1
By Aspenz18q

® All Rights Reserved 2018, Aspenz18q@AspensBasco
------
Ilang beses ka nang lumayo ngunit hinabol kita
Sa isandaang hindi na "kita mahal", nanatili ang isang "kaya pa"
Sa marami mong dahilan pinantayan ko ng mga " baka naman"

Katulad ng oras at minuto na minsan lang maging magkapareho
Hinintay ko na ang maging tibok ng puso mo ay ako
Pero sumobra yata at diko napansin
Katulad nang ikaw at akong di pwedeng pilitin.

Alam kong ang Ulan at lupa man ay nagtatagpo
Ngunit naisip ko na kaya siguro nangyari iyon para mabuo lang ang isang pagtatagpo
At hindi para magmahalan sila ng buo.

Ang pangarap kong kasalan ay nauwi sa kasalanan
nanatili akong nagmamahal kahit ayaw muna
Naging makasarili ako sa pangarap na ako lang ang bumuo
Diko naisip na nakakulong kana pala sa lahat ng gusto ko, plano ko, sa puros nalang ako.

Kasalanan kong kumapit
sa puso mong matagal ng bumitaw
Kasalanan kong mangarap
na kasama ka at diko naisip may iba karing pinapangarap
Kasalanan kong lumapit
sa mundo mong pinilit ko na pasukin.

Kasalanan kong mahalin ka ng sobra hanggang dina pala pagmamahal ang aking naipapadama.

Kasalanan ko na ipilit palambutin ang matigas mong puso
sa mainit na pagmamahal ko.

Dimo mapipigil ang anay na gawing marupok ang kahoy
Dimo malalaman kung kailan gagawa ng bahay ang gagamba, at kung hahayaan ko man ito, kasalanan ko..

Pero alam mo ba kung ano ang kasalanan mo??
Kasalanan mo na Hayaang mahulog ako sayo
Hanggang ang lahat ng ikaw ay naisin ko
Unti-unting naupos sa mga pangarap na nabuo
Dumating ang pagkakataong wala nang ikaw at puro nalang ako, ako na tanging iniisip ay ikaw.

Ikaw na isang kasalanan,
kasalanang ikaw ang dahilan at ako ang bumuo...

Continue Reading

You'll Also Like

37 11 12
a collection
6.5K 383 54
A part of the whole. A collection of random thoughts and poems. March 24-May 18, 2021
869 144 13
A book of messy words, thoughts, and everything in between.