A Beautiful DISASTER (Publish...

Door skycharm24

1.4M 36.6K 3.5K

(Instant Mommy Ako Book 2) Story of Chloe Alexandria D. Rosales " My world fell apart when you left me. You... Meer

Synopsis
1.Chloe
2. Zaide
3. Granny's Bday
4. Match
5. Newbie
6. Talk
7. Bakit?
8.Crush
9. Death
10. Grief
11.Feelings
12. Doubt
13. Fierce
14. Internship
15. Reasons
16. Truth
17. Grounded
18. Respect
19. Graduation
20. Vacation
21. Vacation 2
22. Monthsary
23. Party
24. Broken
25. Lies
26. Devastated
27. Plan
28. Wedding
29. Island
30. Olivia
31. Blackmail
32. Birthday
33. Goodbye
34. Distress
35. Hope
36. Sorrow
37. New Beginnings
38. New Life
39. Presentation
40. Ice cream
Ask Author
41. My Daddy
42. Your Daughter
43. DNA
44. Positive
45. Accident
46. Forgiveness
47. Jealous
48. Mistaken
50. Serenade
51. Jarred
52. Happiness
53. Vow
54. Upcoming Stories
Epilogue

49. Walk out

28.1K 677 108
Door skycharm24

Zaide Travis

Hindi muna siya nagpakita ng ilang araw kay Chloe at maging kay Maui, torture man sa kanya na hindi makita ang mga ito but he needs to sort things out. Mahal niya si Chloe pero naguguluhan siya sa dahil parang tinutulak siya nito palayo.

Pero hindi niya pinalagpas ang tungkol sa pagpapadala ni Jarred ng bulaklak sa ina ng anak niya.

" Zaide, good thing na nandito ka, the court granted your request, Maui can now use your surname. She's legally yours." anak niya si Maui, legal man o hindi pero masaya siya na finally magagamit na ng anak niya ang apelyidong Mondejo.

" Thank you Jarred, alam kong napabilis ang proseso niyan dahil sayo. Pero may isang bagay pa akong ipinunta dito." nawala ang ngiti nito sa mukha.

" Kung tungkol ito kay Chloe, yes liligawan ko siya. Alam mo naman sigurong noon paman may gusto na ako sa kanya. You had your chance, panahon na siguro para ako naman." pinipigilan niya ang sarili na suntukin ito.

" No Jarred, may anak kami at gagawin ko ang lahat para mabigyan ng isang buo at masayang pamilya ang anak ko. Kaya pasensya kana kung hindi ko isusuko si Chloe sayo." His daughter will grow up kasama siya at si Chloe at hindi ng ibang tao.

" Kaya ko ding gawin yan Zaide, hindi mahirap mahalin ang anak mo, she's adorable. Kaya ko maging ama sa kanya at bigyan siya ng buo at masayang pamilya." Jarred reminds him of Ethan.

Hinawakan niya ang kwelyo ng kaibigan. " Listen to me very carefully, Villamar. Ako lang ang ama ng anak ko, wala siyang ibang kikilalaing ama kundi ako lang, minsan na siyang naagaw sa akin at hindi na ako papayag na maulit pa yon! Mahal ko si Chloe at gagawin ko ang lahat para mabuo ang pamilya namin. Hindi ikaw ang makakapigil, para mangyari yon. Iba nalang Pare. Iba nalang." kinuha niya ang mga dukomento sa table nito saka umalis.

Umuwi siya ng bahay at nadatnan niya ang masayang boses ni Olivia at Kylie.

" Papa! Papa! Andito na ang Daddy ko." pagmamalaki ni Kylie sa kanya. Dumating na ang ama nito.

Seaman si Damon at kahit nag alok siya mg tulong  para hindi na ito lumayo sa mag ina niya, gusto parin nitong kumita sa sariling paraan.

Sinalubong siya ni Damon at nakipagkamay naman siya dito.
" Kuya, kamusta? "

" Gago ka! Huwag mo nga akong makuya Kuya! " bagay nga sila ni Olivia. Magkaedad lang sila nito.

" Zaide, language. " babala ni Olivia na pinandilatan siya. Nakalimutan niyang naroon si Kylie.

" Papa, ang dami kong pasalubong from Daddy." bitbit nito ang manika na nasa kahon pa.

" That's nice princess. I'm happy for you." ginulo niya ang buhok nito.

" Thank you Zaide, salamat sa pagaalaga sa kanila habang wala ako." si Damon.

" In two days magiging isang pamilya na tayo. Kahit wala pa nga ang kasal n'yo pamilya na tayo Damon, kaya hindi kana dapat magpasalamat. Ang gusto ko lang alagaan mo sila." gusto niya lang maging maayos ang kapatid at pamangkin niya.

" Makakaasa ka Bro." nakipagkamay itong muli at saglit siyang niyakap.

Naiwan sila ni Olivia ng umalis si Damon para bumisita sa pamilya nito.

" Ilang araw na naming hindi nakakasama si Maui dito sa bahay. Namimiss na namin yong bata lalo na si Kylie, ano bang pinagagawa mo?" nakapamewang na hinarap siya ni Olivia.

" Nagiisip isip lang, hindi ko kasi maintindihan si Chloe, sa tuwing mag uusap kami parang may isang malaking pader sa pagitan namin, ang hirap tibagin." natawa ito. Minsan talaga wala sa ayos itong kapatid niya.

" Bopols ka kasi, yon lang yon. Hindi mo parin ba maintindihan hanggang ngayon? " naiinis na naman siya dito.

" Ano bang pinagsasabi mo?" noong nakaraan pa siya nito tinatawag na Bopols.

" Akala ni Chloe may relasyon tayo at iniisip niya na anak natin si Kylie. Iniisip niya rin na tayo ang magpapakasal." napanganga siya sinabi ng kapatid.

" What?! Seriously?!" kaya ba sinasabi ni Chloe na ayaw nitong masaktan si Kylie at Olivia?

"  May kasalanan ka rin, kaya wag kang mag what what dyan!" maang na napatingin siya dito.

" At bakit ako? "

" Kasi po hindi mo rin siya naitindihan, kung nakuha mo agad na yon ang iniisip niya, di sana naipaliwanag mo sa kanya ang totoong sitwasyon natin, na pamangkin mo si Kylie at magkapatid tayo." naihilamos niya ang isang palad...

" I need to go and tell her na mali ang iniisip niya." pero pinigilan siya ni Olivia.

" Not yet, wait untill my wedding day, she needs to realized things baka sakaling magkaroon siya ng tapang na ipaglaban ang pagmamahal niya sayo.  Hindi ko din sinabi sa kanya ang totoo, nakita ko na nasaktan siya ng pagusapan namin ang tungkol sa kasal, kaunting push nalang bibigay na yong si Chloe kaya sana don't messed up this time, brother."  maybe Olivia was right, Chloe needs a push kahit ayaw niya itong nasasaktan.


Chloe Alexandria

Napatingin siya sa anak na nakaayos na. Siya mismo ang nag ayos dito. Dumating na ang araw ng kasal nila Olivia at Zaide.

" Gusto mo bang kami nalang ang pupunta ni Maui? Ayos lang anak kung hindi ka sasama." ang Mommy niya. Nakabalik na sila ng bahay, natapos niya na ang paglilibot sa mga Resort ng RGC.

" Mom, I'm fine. I want to be there for Maui. Saka isa pa tanggap ko naman na." niyakap siya ng ina.

" Tumawag nga pala ang Mama mo, nangangamusta, namimiss na niya kayo." she's been preoccupied lately at hindi na sila nagkakausap ng Mama Choleen niya.

" Mommy let's go please, I don't wanna be late." kanina pa sila kinukulit ni Maui na umalis na. Excited na ito na pumunta ng simbahan. Ang anak niya minsan parang hindi five years old. Sabagay malapit na ang 6th Birthday nito.

" Asus, akala mo naman Baby, ikaw ang bride." pinisil ng Mommy niya ang ilong ni Maui.

" Wow! Parang ikaw ang ikakasal Ate ah? Ganda.." puna ng kapatid niya sa kanya.

" Baliw! Ayaw mo ba talagang sumama? Maraming pagkain mamaya sa reception." kinindatan niya si Xhan.

" Ikaw lang naman ang PG at si Ate Isha sa ating apat Ate..." nalungkot ito ng banggitin si Isha, namimiss na nila ang pasaway nilang kapatid. Pero palaban si Isha, tiwala siyang kung nasan man ito ay maayos ang kalagayan nito.

" How about me, Tito Xhan? Maganda po ba ako?" umikot si Maui sa harap niya.

" Abah sympre! Ikaw ang pinakamaganda sa lahat Baby Maui." binuhat pa nito ang pamangkin at inikot ikot.

" Aalis na kami, Xhan yang likod mo ha. Baka matuyuan ka ng pawis." bilin ng ina sa bunso nila. May practice ito ng basketball kaya ayaw sumama.

Pumalakpak si Maui ng papalapit na sila sa simbahan. Hindi naman niya maipaliwanag ang nararamdaman. Mabuti nalang at naroon ang Mommy niya. Hinawakan siya nito sa kamay.

" Yehey! Andito na tayo." itinuon niya na lamang ang pansin sa anak na halatang excited.

Halos hilahin siya nito pagbaba ng sasakyan. " Baby, slow down baka madapa ka."

" Kylie! Kylie!" tili nito ng mamataan si Kylie, pareho ang suot ng dalawa.

Ngumiti nalang silang mag ina sa mga naroon. " Hello Tita Chloe. Sino po siya?" binati siya ni Kylie.

" She's my MommyLa, Kylie. " sagot ng anak niya.

" Hello Kylie." inayos ng Mommy Trisha niya ang ribbon nito sa buhok.

" Hello din po. Maui look, andito nandito na si Papa.."  hinila nito si Maui palapit kay Zaide.

Muli niyang naramdaman ang kirot sa dibdib. Napakagwapo nito sa suot na tuxe. Just the way he imagined him to be sa araw ng kasal dapat nila.


Kinarga nito ang anak nila at pinupog ng halik. Mahal nito si Maui at nakikita niya iyon. Noon palang alam niyang magiging mabuti itong ama dahil mabuti ang puso nito lalo na sa mga bata.

" Anak, ayos ka lang?" naramdaman niya ang pagpisil ng ina sa kamay niya. " Ang lamig ng kamay mo." puna nito.

" I'm fine Mommy." tipid na ngumiti siya sa ina.

Mayamaya ay nakita niyang inaayos na ang mga entourage ng tingin niya ay wedding coordinator, bumalik si Maui sa kanila at kinuha ang basket nito na may bulaklak.

" Galingan mo Baby." bilin niya dito. Naturuan na niya ito kung anong gagawin.

Excited na bumalik na ito sa pila kasama si Kylie. Hindi nagtagal ay nagsimula ng patugtugin ang wedding march.  Isa isang naglakad ang mga Ninong at Ninang kasunod ng mga abay. Cute na cute sina Kylie at Maui na halatang umagaw ng atensiyon. Nakangiti si Maui habang isinasaboy ang laman na bulaklak ng basket nito.

Lumalaki na ang anak nila, proud siya dahil napakaganda ni Maui at napakabait na bata.

Humugot siya ng hininga ng si Zaide na ang naglalakad kasama ang Mommy niya. Ang lalaking pinangarap niyang makasama sa altar ay ikakasal na sa iba. Hindi niya akalaing magiging ganito kasakit ang nararamdaman niya. Ngayon niya naisip na sana, hindi nalang siya umalis at  nagpaka selfish nalang sana siya.

When your legs don't work like they used to before
And I can't sweep you off of your feet
Will your mouth still remember the taste of my love
Will your eyes still smile from your cheeks

Nagiba na ang tugtug hudyat iyon na papasok na ang bride. Olivia was there for him ng mga panahong nasasaktan ito dahil sa pag alis niya.

And darling I will be loving you 'til we're 70
And baby my heart could still fall as hard at 23
And I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways
Maybe just the touch of a hand
Oh me I fall in love with you every single day
And I just wanna tell you I am

She was stunning in her wedding gown. Napakagandang bride. Hindi na niya hinintay na makaabot ito ng altar. Nagpaalam siya sa ina na lalabas lang.

" Mommy si Maui. " tumango naman ang ina niya. Alam niyang naiintindihan siya nito.

So honey now
Take me into your loving arms
Kiss me under the light of a thousand stars
Place your head on my beating heart
I'm thinking out loud
Maybe we found love right where we are

Olivia and Zaide found each other. She's there for him at alam niyang ito ang naging sandalan ni Zaide ng umalis siya.

Pumasok siya ng adoration Chapel. Mabuti nalang at walang tao sa loob liban sa kanya. She let her tears flow. Ang sakit sakit pala talagang makitang ikinakasal sa iba ang taong mahal na mahal parin niya hanggang ngayon.

Nagulat siya ng may kamay na nag abot sa kanya ng panyo. " Silly.." anito. Maang na napatingala siya dito ng makilala ang boses nito. Nandito ito sa harap niya at wala sa altar?

" Anong ginagawa mo dito? Bumalik kana sa loob." pumiksi siya ng pahirin nito ang mga luha niya gamit ang panyo nito. " Iniwan mo si Olivia sa altar?" ano nalang ang mararamdaman ng isa?

" Oo, hinatid ko lang siya sa altar." nagsalubong ang kilay niya sa ngisi nito. " Kung hindi ka sana nagwalk out, di sana nakita mo na hinatid ko siya kay Damon, sa groom niya." ano daw?

" Mahal na mahal mo parin talaga ako Lovey, para umiyak ka ng ganyan? " umupo ito sa tabi niya at muling pinahid ang mga luha niyang patuloy sa pagpatak.

" Alam mo na ayokong nakikita kang nasasaktan at umiiyak ng ganito. Olivia and I are siblings, inampon silang magkapatid ni Daddy at pareho kami ng apelyido. Pasaway lang talaga si Olivia dahil Alvarez ang sinabi niya noon sa atin na surname niya turns out middle name niya pala yon. Sabi nga sa commercial ng Rightmed, Lovey, wag mahihiyang magtanong. " pinagdikit nito ang noo nila.

" Paano ako magpapakasal sa iba kung ikaw parin ang tinitibok nito." nilagay nito ang isang kamay niya sa tapat ng dibdib nito. " Ikaw parin, ikaw lang. Kayo ni Maui ang pinakamamahal ko." hinalikan siya nito sa noo saka niyakap.

Tuluyan na siyang napahagulgol at niyakap din ito. How she missed hugging this man, her man. Kung panaginip man ito, hindi na niya gugustuhing magising. Siya parin ang mahal nito, sa kabila ng mga nagawa niya.

" Tama na, I love you so much Chloe Alexandria." wala siyang pakialam kung halos hindi na ito makahinga sa higpit ng yakap niya. Kulang ang salitang namiss niya ito.

" I love you too, Zaide Travis." saka niya ito hinalikan sa pisngi. Hilam ang luhang ngumiti siya dito. Muli nitong pinahiran ang mukha niya pagkatapos ng yakap na yon.

" Kailan ka pa naging iyakin, Lovey?" natawa siya sa sinabi nito.

" Ikaw kasi! " marahan niya itong sinuntok sa dibdib.

" I'm sorry kung nasaktan kita ng hindi ko man lamang namamalayan. Malay ko bang fast forward ka mag isip." nakahilig na siya sa balikat ni Z at yakap naman siya nito.

" I'm sorry din. Si Kylie? " tanong niya dito. Kung wala silang relasyon ni Olivia kaninong anak si Kylie?

" Si Kylie ay anak ni Ate Kayla, natatandaan mo ba siya? Kapatid siya ni Olivia, namatay sila ng asawa niya sa car accident, himala nga na nabuhay Kylie, na nasa sinapupunan ng tunay niyang ina ng mangyari ang aksidente." napasinghap siya sa nalaman.

" Ayaw ni Olivia na lumaki si Kylie na walang magulang dahil alam niya ang pakiramdam na lumaking walang kumakalinga. Kaya siya na ang tumayong ina dito at maging si Damon ay pumayag na maging ama ni Kylie. Nakasanayan lang niya na tawagin akong Papa, dahil nasa malayo ang Daddy niya." Kung ano ano ang iniisip niya sa mga ito, hindi naman pala totoo.

" I'm sorry, tama ka dapat nagtanong ako." mas nagsumiksik siya sa leeg nito, nahihiya siya sa maling assumptions.

" Sayo pala nagmana ang anak natin, ganyan din si Maui, mahilig singhutin ang leeg ko." natatawang hinampas niya ito sa balikat.

Hinuli naman nito ang kamay niya at hinalikan. " Ngayong  nandito tayo sa banal na lugar na ito, gusto kong hilingin na magsimula tayong muli at kalimutan ang nakaraan." Tumango siya dito.

Naging saksi ang adoration Chapel sa pagkakaayos nila, pagkatapos ng mahabang panahon. Pareho silang lumuhod at magkahawak kamay na nagdasal. 

" Tara na sa labas, let's sealed this promise with a kiss." inalalayan siya nitong tumayo.

Sumunod naman siya dito. At paglabas na paglabas nila ng Chapel ay hinalikan nga siya nito. Nakarinig sila ng sipol ng kung sino. Napansin niyang nakatingin sa kanila ang ilang tao sa simbahan, nakaramdam siya ng hiya pero hindi niya maitago ang saya. Magkahawak kamay silang bumalik sa loob ng simbahan.

Agad namang tumakbo palapit sa kanila ang anak ng mamataan sila. Binuhat naman ito ng ama.

" Where have you been, Mum, Dad?" takang tanong nito.

" May pinag usapan lang kami ng Mommy mo, baby. " hinalikan ito ng ama sa pisngi. Yumakap naman ito sa leeg ng ama.

Masaya siyang pagmasdan ang mag ama niya. May chance na silang maging isang buong pamilya.

Nasa reception na sila ng lapitan siya ni Olivia na hila hila ang asawa nito.

" Chloe, naalala mo ba itong gwapong asawa ko?" tanong nito sa kanya.

" Yeah, sa birthday mo noon, Damon right? Congratulations nga pala sa inyo guy's. Ang ganda ng wedding ninyo." nakangiting bati niya sa mga ito.

Nagpasalamat naman si Damon saka iniwan silang dalawa ni Olivia. " Nako naiinis ako sayo, inagawan mo ako ng eksena kanina sa simbahan. First you walk out, then you and Zaide kissed kahit wala pa namang, you may kiss the bride." nakanguso nitong sabi.

" I'm so sorry Olivia. I'm so sorry sa lahat. " hinila siya nito at niyakap.

" Tsk! Isa pa yan sa ayaw ko sayo, napakabait mo, should I start calling you Ate? Yaman din lamang na nagkaayos na kayo ni Kuya." saka ito humalakhak at bumitiw sa pagkakayakap sa kanya. " Pero nagtatampo parin ako sayo, I did what you asked me to do noong umalis ka pero nagawa mo parin kaming pagdudahan ni Zaide. Alam mo bang binakuran ko yan sa mga babaeng gustong mapalapit sa kanya, tapos iba pala ang iniisip mo samin." saka naman lumapit si Z at inakbayan siya.

" Ano na naman ang sinasabi mo sa Lovey ko?" sabi nito sa kapatid.

" Ay iba din, may pa Lovey at may ko, di wow Kuya."

" Tsk! Wag kang nagpapaniwala sa mga kalokohan niyang si Olivia, Lovey." inikotan naman ito ng mata ng isa.

Inasikaso niya ang anak ng umungot itong nagugutom na. Ang ama nito ang kumuha ng pagkain. Panay ang tingin sa kanila ni Maui at pangiti ngiti ito.

" What's with the smile, baby?" hindi niya napigilang itanong.

" It's family day again." saka nito nginuya ang pagkain. Nagkatinginan sila ni Zaide. " I love seeing you and Daddy together Mum." dagdag pa nito.

" Mommy and I will always be together from now on." sagot nito sa anak saka pinisil ang ilong nito.

" Really, Mommy? " tuwang pumalakpak ito.

" Yes, anak. " natutuwa siya dahil alam niyang simula na iyon ng marami pang magagandang bagay.

She loves Z and he still loves her, they will make things work this time, hindi lang para sa kanilang dalawa kundi para kay Maui. She was given a second chance para mahalin ito and she plans of making it up to him, to the only man, who's smile can make her heart skip a beat and who's presence can make her life complete..

Itutuloy...


Few Chaps to go and Chloe's story will bid goodbye. Shukran everyone.😘 Thank you from my heart to yours.❤❤❤

SKYCHARM24

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

61.1M 943K 65
(Formerly "The Playboy Billionaire's Queen") [WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED. This is the FIRST STORY I've ever writt...
133K 3.2K 52
What will you do if you end up in someone else body?
69.8K 2.2K 36
Lalaine Cassidy Casuro is the definition of the word Perfect. Nasa kaniya na ang lahat; beauty, friends, brain, and a perfect family. As the spoiled...
100K 1.6K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...