Ang Syota kong Manhid! *HIATU...

By PastPharaoh11

2.5K 36 37

Naranasan niyo na bang magmahal isang babaeng manhid? Yung tipo na inaasar na siya ng lahat ng katropa mo say... More

His Prologue and Her Prologue
Chapter 2: Kuya Ice Cream
Chapter 3: Sudden Headache
Chapter 4: White Lies
Chapter 5: Set-up
Chapter 6: Photoshoot part 1

Chapter 1: First Day in A-Academy

395 7 9
By PastPharaoh11

Dedicated sa kanya! Hahaha, siya lang ata nagsupport sakin sa story na 'to hahaha. Kahit di ko pa nasusulat go go go lang daw at gusto niyang mabasa. Hahaha, ginanahan tuloy ako! :) Salamat po dahil tinutulungan niyo ako sa korean translations! Goodluck sa audition mo po! ^_^

~~~

Hay! Excited na akong pumasok sa bago kong school!

Ang OA ko ba? Hahaha, syempre naman! Sa Angel Academy na kaya ako mag-aaral eh puro mga elites lang nag-aaral dun! Oha! San ka pa! XD

Ako nga pala si Jana Cytherea (Si-te-rea) Kim, you can call me JC. I'm half-Korean and half-Filipina. My father is a korean. Sabi nila mas mukha daw akong Koreana kesa Pinay kasi daw ang puti ko tas ang kinis pa ng balat ko. Ah basta I'm proud to be a Filipina kahit di halata.

Kung iniisip niyo eh mayaman kami dahil school for elites ang papasukan ko, pwes mali kayo, ang pamilya namin ay middle-class lamang. Di kami mayaman pero di rin kami mahirap, tama lang...

Scholar ako dun but wait! Iniisip niyo siguro matalino ako noh! Hahaha, sayang hindi daw ako matalino sabi ni Author. Ni hindi ko nga ma-perfect yung quiz namin sa Math eh pero kahit papaano pasado naman ako sa ibang subjects. Well ganyan talaga ang buhay, nobody's perfect.

Kaya lang nman ako nakakuha ng scholarship a A-Academy (short for Angel Academy) eh dahil ako ang nag-champion nung huling sinalihan kong Archery competition. Yup you heard it, or should I say read it right. I'm an archer since I was a kid, yung gamit kong bow ngayon eh regalo pa sakin ni Tita Mae, yung tita kong nasa America. Yung mga arrow ko namang gamit eh binili ko gamit ang inipon kong pera, yung iba naman regalo nila Mama at Ate.

Di ko napansin na andito na pala ako sa tapat ng A-Academy masyado kasi akong excited kaya di ko na namalayan. Ayiiiieee! Eto na papasok na ako sa gate!!!

Lakad.

Lakad.

Lakad.

Wow!! Ang laki ng school! Ang lupet! May fountain pa! Hihihi, lalakad na nga ako ulit baka sabihin nila para akong baliw na nakatayo dun.

Lakad.

Lakad.

Lakad.

Boogsh!

"Aray ko naman." sabi ko habang nakaupo sa sahig dahil may nabunggo ako. Inayos ko lang ang mga gamit ko at tumayo ulit.

"Hoy! Wag ka ngang haharang harang sa daan kung ayaw mong--" sigaw nung isa pero di siya yung nabunggo ko kasi nasagilid yung siya tapos nasa harap ko ngayon yung nabunggo ko.

Pagtingin ko dun sa sumisigaw. Tsk, siya pala. Lagot sakin 'to sa bahay mamaya. Kaya naman pala di niya maituloy yung pagbabanta kasi ako yung kausap niya eh takot yun sakin. Kung tinatanong niyo kung sino ang tinutukoy ko, yung lang naman ang napaka cute kong kapatid na lalaki. Binigyan ko lang siya ng isang humanda-ka-sakin-sa-bahay look. Ayun napayuko lang siya hahaha.

Tumingin naman ako dun sa nabunggo ko.Mukha namang mabait yung mga kasama ng kapatid ko. Tsaka harmless naman ata yung nabunggo ko.

"Sorry." sabi ko tas alis na ko kasi naalala ko yung sabi nung Principal dito. Pumunta daw agad ako sa office niya pag nakarating na ako sa A-Academy.

Lakad.

Lakad.

Lakad.

Ayun na yung principal's office.

Lakad ulit.

*Knock knock*

"Come in."

Pumasok na ako.

Nakita ko naman dun si Mr. Reyes, siya yung may-ari ng school.

"Oh! Ms. Kim andito ka na pala! Tara dun muna tayo sa Archery Range, ipapakilala kita sa mga tiga Archery Club."

Sabay kaming naglakad ni Mr. Reyes papunta sa Archery Field ng school.

Konti lang pala mga archer dito sa school kaya siguro sila naghanap ng scholar na archer.

Pumasok na kami. Maganda naman yung field, malinis, malawak yun nga lang konti lang gumagamit. 5 lang sila, two girls three boys. Ako yung pang six.

"Everyone please gather around." pagtatawag ni Mr. Reyes sa mga tao dun.

"Siya si JC Kim, simula ngayon kasali narin siya sa archery club."

"Mr. Reyes siya po ba yung scholar na sinasabi niyo?" tanong nung isang babae na parang iritado sa akin, obvious naman eh.

"Oo siya na nga. Bakit may problema ba?"

"Sir masyado naman po kasing unfair, kami nagbabayad dito sa school tapos siya libre lang? At isa pa parang hindi naman po siya ganun kagaling sa sport na ito." sagot nung babaeng ayaw sakin.

"Don't judge a book by it's cover Ms. Cruz, she may not look like it but Ms. Kim already won in a professional Archery competition. To prove that Ms. Kim deserves to be here, why don't we have a game between the two of you. Is that alright?"

"Yes Sir." nakangiting sagot nito kay Mr. Reyes, isang ngiting punung-puno ng confidence yung kala mo nanalo na siya. Hahaha siya ata pinaka magaling sa kanila eh, ayus two weeks narin akong walang practice sa field, laging sa kalye or sa bahay ang practice field ko.

Inayos na namin yung mga gamit, buti na lang lagi kong dala itong bow at mga arrow ko. Sinuot ko na yung quiver ko (yung lalagyan ng mga arrow) at sinimulan ko nang linisin ang recurve bow ko.

Jam's POV

 Hello! Ako po pala si Jamiel Chrysler Kim (Jam-yel Cry-sler po ang basa dyan), you can call me Jam, ang pinaka gwapo sa school na ito (A/N: Wow! Ang hangin dre!). Eto namang si miss author, I'm just stating a fact (A/N: Oo na sige na, ituloy mo na sasabihin mo ng matapos na ang POV mo. Hahaha) Si Author naman pinapalayas agad ako.

Kidding aside, kung si Ate scholar dito dahil sa archery, ako naman ay naging scholar dito dahil ako ay matalino. 2 mistakes lang kaya mali ko sa entrance exam, yun nga lang mahina ako sa sports. Baliktad kami ni Ate, siya mahina sa academics tapos ako naman sa sports. Mas nauna lang ako dito sa school dahil may mga kabarkada akong tumulong sakin para maka-take ng exam. Ako ang first scholar sa school na 'to pero di naman nila ako binully or inaway kasi bukod sa gwapo ako, kasama rin ako sa group na A-Prince, we are composed of 5 most handsome guys here in the school.

Kanina nung nakita ko si Ate JC parang nalunok ko ang dila ko, nakakatakot kaya magparusa yun. Ako kaya ginagawa niyang target pag nagpa-practice siya ng archery. Lagi nga akong kinakabahan eh, minsan nagloloko pa siya na papatamaan niya daw yung *toot* ko, pero alam ko namang joke lang yun. Mahal na mahal kaya ako ni Ate.

"Uy mga girls tara sa Archery Field! Meron daw maglalaban ngayon!" sigaw nung babaeng dumaan.

"Talaga?! Sino daw yung maglalaban?" tanong nung isa pang girl.

Nako masama pakiramdam ko. Feeling ko si Ate yung lalaban.

"Yung scholar daw tapos si Miss Yana."

Sabi ko na nga ba eh! Si Ate talaga lapitin ng disgrasya! Pero ok lang alam ko namang kaya niya yun.

"Ha? Diba si Miss Yana yung pinakamagaling dito sa school?"

"Oo siya nga. Tara na manuod na tayo." sabi nung girl sabay lakad papuntang Archery Field.

"Tol ano, nuod tayo?" tanong ni Ivan.

"Sige dre nuod tayo, mamaya pa naman start ng flag ceremony." sagot ni Kenneth.

Sabay sabay kaming limang pumunta sa field. Si LA dumiretso lang sa garden ng school malamang matutulog yun.

Nang makarating kami sa field, nakita ko si Ate na naglilinis ng bow niya. Mukha pa ngang excited, kung sabagay matagal na rin siyang di nakakapag-practice sa field eh. Hay feeling ko talaga may kakaibang mangyayari ngayon.

JC's POV

Natapos ko nang linisin ang bow ko. Hinanda ko na lahat ng gagamitin ko, sinuot ko na yung finger tab at yung iba pang kailangan.

"Players go to your positions. Okay ganito ang rules natin, magkakaroon tayo ng 3 rounds. Sa first round kailangan niyong tamaan ang target ng 3 times. For the second round kailangan niyo naman tamaan ang nasa pinaka dulo ng target board ng 3 times. And for the last round kukuha kayo ng isang student dito na papahawakin niyo ng apple. Pero don't worry meron naman silang shield kaya di rin sila masasaktan." sabi ni Mr. Reyes, ang alam ko mahilig siya manuod ng archery competition kaya alam niya ang mga rules.

Alam ko na ang parusa ko kay Jam, bwahahaha. Lagot ka sakin mamaya!

"Okay na ba?"

"Yes Sir." sagot naming dalawa nung kalaban ko.

"Sige, ready your bow and arrow."

*prrrrttt*

Pumito na si Sir meaning start na.

*puusshhkk*

*puusshhk*

(A/N: sound effects po yan ng pag-release ng arrow. Hahaha, di ako magaling sa sound effects eh)

"First set, draw! Bullseye pareho."

Tapos tinanggal nila yung arrow namin kasi same place lang naman tatarget-in namin.

*puusshhk*

*puusshhk*

"Second set, draw ulit."

*puusshhk*

*puusshhk*

"Third set, draw nanaman."

Ang dali lng naman pala eh, yung pinapractice ko dati mas malayo pa. Kung sabagay hindi naman ito isang formal competition.

"Okay, next round kailangan niyong patamaan yung white paper na nilagay namin as a mark sa dulo ng board."

*puusshhk*

*puusshhk*

"Draw."

*puusshhk*

*puusshhk*

"Draw."

*puusshhk*

*puusshhk*

"Draw ulit, ang gagaling ng mga players natin ah. For the last round kunin niyo itong apple at ibigay niyo sa pinipili niyong target. Dito talaga masusubukan ang galing niyo sa archery."

Ito na yung masayang part.

Hihihi!

Hinanap ko ang aking napaka-cute na little brother. Patay ka sakin ngayon. Lumapit ako sa kanila. Si Jam halatang kinakabahan na.

Binigay ko sa kanya ang apple. Lahat ng tao nagulat dahil sa kanya ko binigay ang apple. Siya naman ayun kabado lang.

"Ppalliwa! (hurry up)" sigaw ko sa kanya.

"Noona... (Ate...)"

Hahaha, nagmaka-awa pa!

"Ngayon ka pa kinabahan eh lagi naman ikaw pinagp-practisan ko. Bilisan mo pumunta ka na dun." bulong ko sa kanya.

"Arasseo. (Fine.)" sagot niya sakin pero halatang kinakabahan parin siya.

"Hala, pano kung tamaan si Prince Jam?"

Ba"t ko naman tatamaan yan eh kapatid ko yan, shunga.

"Pag nasaktan si Prince Jam tatamaan sakin yang babaeng yan."

Eh kung ikaw kaya ang patamaan ko.

"Makalapit naman yung girl kay Jam my loves kala mo close sila."

Close kami bakit angal ka?

"Siguro binlack mail niya si Jam ko. Oh-em. Kinakabahan ako."

Binlack mail? Oo bakit palag? Tsaka maka 'Jam ko' namin siya kala mo siya may-ari ng kapatid ko. Nako kung di lang ako bagong transfer dito kanina ko pa pinatulan tong mga 'to.

Kabanas lang. Pero di ko na lang papansinin yang mga yan. Hahaha, pake ko sa kanila.

Pumwesto na sila. Merong transparent shield sa harap nila kaya di halatang may shield. Yung apple nasa ulo nila, hahaha. Di maipinta mukha ni Jam. Sa round na ito ang kailangan lang naman eh kalmado ka kasi pag kinabahan ka manginginig yung kamay po tapos di mo matatamaan yung target kaya dapat calm lang ako.

"Players ready.."

*prrrrttt*

*puusshhk*

*puusshhk*

Si Jam nakapikit lang, nung natamaan ko yung apple dumilat na siya tapos sobrang saya kasi di siya natamaan. Eto namang kapatid ko walang tiwala sa akin. Tampo na ko.

Chineck na nila.

"We now have a winner...

....Ms. Kim, congratulations!" sabi ni Mr. Reyes.

Natahimik lahat ng manunuod di sila makapaniwala na natalo yung pinakamagaling nilang player.

Lumapit sakin yung kalaban ko.

"What you did is just pure luck. Wag kang masyadong mayabang, you're still miles away from me. Wala ka pa sa kalingkingan ko." bulong niya sakin.

Tinignan ko lang siya mula ulo hanggang paa, tapos umalis na ako para ayusin ang gamit ko.

Siguro iniisip nilang mataray ako, hindi kaya. Mabait ako kaso naiinis lang talaga ako sa kanya.

Nang maligpit ko na ang gamit ko, bumalik na ako sa principal's office. Nakabalik na pala si Mr. Reyes dun.

"Ms. Kim dito ka muna wag ka munang pumunta sa room niyo. Antayin nalang natin ang first subject dahil baka awayin ka ng ibang students dito." sabi ni Mr. Reyes.

After a few more minutes...

"Ms. Kim pwede ka ng pumunta sa room niyo, wag mo kakalimutan IV-B ka."

"Opo."

Naglakad na ako papuntang room IV-B.

Tumayo ako sa gilid ng pintuan at nakita naman ako ng teacher.

"Ok class, we have a transferee." tapos sumenyas siya na pumasok daw ako.

Yung iba medyo nainis, sabi ako daw yung mayabang na babae, yung iba sabi bitch DAW ako kasi feeling close ako kay Jam, yung iba sabi ang ganda ko at marami pang iba.

"Please introduce yourself."

"I'm Jana Cytherea Kim, JC for short. 16 years old."

"Uhm, excuse me Ms. Kim but by any chance are you related to Jamiel Chrysler Kim of IV-A?" tanong sakin ni Mam.

"For everyone's information Jamiel Chrysler Kim is MY YOUNGER BROTHER." binigyan ko talaga ng emphasis yung 'my younger brother' para matigil na yung mga nagsasabi na bitch DAW ako.

 "Oh, really. Well any follow up question class?" tanong ni Mam.

"Ms. JC ano pong cellphone number ni Prince Jam?"

"Ms. JC may girlfriend na ba si Jam ko?"

"Ms. JC magkasama po ba kayo sa iisang bahay? San po ba kayo nakatira?"

"Ano pong schedule ni Prince Jam?"

"May lakad po ba siya bukas?"

"Ms. JC pwede niyo po ba akong ikuha ng signature ni Jam?"

Wow, ngayon feeling close sila. Imba dre, kayo na! Kayo na ang mga plastic. Psh.

"Ahm. Di ko po masasagot yang mga tanong niyo pero ang alam ko walang girlfriend si Jam pero may nililigawan siya." sagot ko sa kanila.

Ayun di maipinta yung mukha nila. Totoo naman sinabi ko eh may nililigawan si Jam, si Aila yung bestfriend ko. Pag si Jam may ginawang kalokohan dito isusumbong ko siya kay Ai para di siya sagutin. Whahaha! >:D

Fastforward.

*Kriiiinnng*

Ok recess na. Ibibigay ko pa pala yung wallet ni Jam na nakalimutan niya, buti nakita ko ito. Ibibigay ko na lang pag nakita ko siya.

Jam's POV

"Okay recess na." sabi ni Ivan.

Kinapa ko naman ang bulsa ko para kunin ang wallet ko. Shoot! Naiwan ko yung wallet ko sa bahay! Anu ba yan! Di pa naman ako nagbaon ng kanin! Tsk.

"Oh Jam? Ano nangyari sayo? Bakit parang binagsakan ka ng langit at lupa?" sabi ni Kenneth.

"Naiwan ko yung wallet ko sa bahay."

"Okay lang yan! For sure may mga girls na magbibigay sayo ng cookies or cake mamaya." sagot ni Chan-Chan (name niya kasi Christian kaya Chan-Chan).

"Hay, bahala na. Pumunta na nga lang tayo sa cafeteria." sagot ko.

Nang makarating kami sa cafeteria, dating routine. Tilian nang mga babae ang sumalubong sa amin, eto naman kami ngiti dito, kaway diyan. Umupo na kami sa table na lagi naming inuupuan.

Maya-maya nakita ko si Ate JC papunta sa amin.

"Jam wallet mo. Naiwan mo sa sofa." inabot niya sakin yung wallet ko.

Kinuha ko yung wallet at tinignan ang laman.

"Oy! Bakit kulang 'to?"

"Kinuha ko lang yung baon ko." sagot niya sakin.

"Eh bakit sakin pa?! Pwede ka namang humingi kay Ate Charizza ah!" sagot ko.

"Jam alam mo ba yung salitang 'RESPECT'? Makasigaw ka sakin parang hindi mo ako Ate ah!"

Sina Ivan, Kenneth at Chan-Chan naman nakitingin lang sakin na gulat na gulat.

"Ikaw kasi Ate kumukuha ka ng pera ng may pera. Isusumbong kita kay Ate Cha mamaya." sabi ko.

"Eh si Ate kaya nagsabi na kumuha daw ako ng pera sayo. Utang daw muna, wala kasing barya si Mama. Ano magsusumbong ka pa?" sabi niya.

"Edi isusumbong nalang kita kay Mama, sasabihin ko na first daw mo palang dito sa school may kaaway ka na agad." sagot ko sa kanya.

"Isusumbong na lang kita kay Aila nang hindi ka na niya sagutin. Sasabihin ko di mo manlang sinasabi sa mga tao dito sa school na may nililigawan ka na, nakikipag-flirt ka pa sa kanila. Maka-kaway at maka-ngiti ka sa kanila wagas. Ano papalag ka pa?" ang sama talaga ni Ate!

"Tss." Yun na lang nasabi ko.

"Baby Jam bawi ka na lang bukas. Hahaha, babye!" sabi niya sakin na parang nang-aasar.

Nakalabas na siya ng cafeteria.

"Whahahahaha!" nagtawanan yung tatlong ugok.

"Jam wala ka pala sa Ate mo eh! Hahaha." Kenneth.

"Basag!!" Chan-Chan.

"Nice one Baby Jam." pang-aasar ni Ivan.

"Whahahah."

"Ahahaha.. Sige tawa pa!" nag-fake laugh ako. Nako! Si Ate talaga!

~~~

Hay! Natapos narin ang first chapter. :D

Eto pasilip sa Chapter 2:

"Hoy! Anong ginagawa niyo." may nagsalitang isang lalaki.

"P-Prince LA." sagot naman ng mga babaeng takot na takot.

Hinila ako nung lalaki papalapit sa kanya.

"Sa susunod sa may gawin pa kayo sa kanya na masama mananagot kayo sakin."

~~~

 Ang haba pala ng update ko hahaha.

Sorry po sa typo errors!

Wait niyo nalang next update ko! ^_^

Salamat sa pagbabasa ^_^

Continue Reading

You'll Also Like

2M 75.5K 46
"People really do wrong decisions when it comes to love. Nagiging matapang, minsan naman ay nagiging duwag. I kept on saying that I love him but I wa...
14.1K 63 5
Emma, an 18 year old school girl, lost her brother's cat due to negligence. Edward, the 20 year old older brother, was upset at first until he realiz...
1.4M 33.5K 64
"Love is like war,easy to begin but very hard to stop." Alastair Gray McKlein- a wealthy young-man guy with an epitome of God except to his personali...
3M 61.2K 58
Caroline Vixelle De Carlo, a 23-year-old woman, finds herself heartbroken after being dumped by her first boyfriend. Seeking solace, she drink alcoho...