He Doesn't Share

By JFstories

21.6M 703K 179K

Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. Howev... More

Prologue
Alamid Wolfgang
...
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
THE LAST CHAPTER
EPILOGUE
AKI

Chapter 5

581K 19.6K 4.2K
By JFstories

  Chapter 5


RED NOTE?

Wolf was standing in front of the gate. Nakatalikod siya at may kausap sa hawak na iPhone. Nasa tapat niya naka-park ang kulay itim na sasakyang pag-aari niya, that I am pretty sure na nagkakahalaga ng milyon-milyon.

English ang salita niya sa kausap niya. At kahit hindi ko gaanong naririnig mula sa pwesto ko ang sinasabi niya, alam ko at ramdam ko na bawat salitang binibitawan niya ay mabibigat. Powerful. Just like his aura.

There was an air of authority around him. And the way Wolf carry himself could intimidate anyone. He was larger than life. And he was sexy.

Semi fitted faded jeans, black vintage shirt and a leather shoes plus his tattoos. He was ravishingly handsome and sexy son of a gun!

Dahil nakatalikod ay nakikita ko ang kanyang likuran. Ang batok niya ay may tattoo na kulay pula, kahit nasa malayo ay kitang-kita ko ang pigura—red note.

Marami siyang tattoo sa braso pero hindi naman siya maruming tingnan. In fact, malinis tingnan ang tinamaan ng magaling.

"Anong sinisilip-silip mo diyan, ha?" tumabi sa akin sa bintana si Ate Helen.

Agad kong ibinaba ang kurtina. "W-wala..."

"Anong wala? Patingin! Oy, si cousin dear!"

"Hindi siya ang tinitingnan ko." Lumayo ako sa bintana.

Nasa apartment ko si Ate Helen dahil naghatid na naman siya sa akin ng ulam. This time ay hindi niluto kundi inorder lang sa restaurant. Ewan ko ba kung bakit ang dami nilang inorder na pagkain. Ang mamahal pa.

Sabagay, mapera si Wolf. Kanina nga lang ay may tag-iisang new iPhone na sina Ate Helen at Meryl. May tablet na rin si Totoy.

At mukhang wala nang problema sa mga pinagkakautangan niya si Ate Helendahil hindi na siya mukhang stressed ngayon.

"Ows?"

"Hindi nga..." iling ko.

Ngumisi siya. "Okay, sabi mo e!"

Naupo siya sa sofa. Walang balak umalis at mukhang ganado pang makipag-kuwentuhan.

"Sa inyo na ba natulog kagabi iyong pinsan mo, 'Te?"

"Mamaya pa. Bat interesado ka?"

"Natanong ko lang, 'Te..."

"Sigurado ka?" Nang-aarok ang tingin niya sa akin.

Lumabi ako. "Oo naman. Hindi ko naman kilala iyong pinsan mo para maging interesado ako sa kanya."

"Okay... May inaasikaso pa kasi siya. Saka idedeliver pa lang mamayang gabi iyong inorder niyang aircon at kama."

"Mag-a-aircon kayo, 'Te?"

"Oo naman." Dumi-kuwatro siya ng upo. "Pati nga iyong kuwarto namin ay papalagyan din ni Cousin ng aircondition. Siya naman ang magbabayad ng kuryente kaya oks na oks lang sa akin. Iyong renta nga ng bahay, siya na rin daw ang magbabayad. O di ba? Pati tuition ni Meryl ko, sasagutin niya raw!"

"Ganun karami ang pera ni Wolf?"

"Wolf?"

"Si Wolf, iyong cousin mo."

Natawa siya. "Oo nga, si Wolf nga! O di ba? Pati pangalan ni Cousin, yayamanin!"

"Matutuwa ang asawa mo, 'Te. Makakaipon ka habang nariyan ang pinsan mo."

Natahimik siya, mayamaya ay tumango. "Oo naman."

"Ah, 'Te, salamat nga pala sa hinatid mong ulam. Pati tuloy ako e nakatipid."

Hindi siya kumibo. Patingin-tingin lang siya sa akin na para bang pinag-aaralan niya ang itsura ko.

"Mag-ayos-ayos ka naman, Ingrid. Wag mong sayangin ang ganda mo."

"Bat ba bigla kang sumeryoso diyan, 'Te Helen? Parang di ka na nasanay sa akin. Ganito naman talaga ako dahil nasa bahay lang ako palagi."

"Ikaw ba, Ingrid, e may balak mag-boyfriend?"

"Bat mo naman natanong, 'Te?" natawa na ako. Bigla-bigla naman kasi iyong mga tanong niya.

"Palagi ka lang nasa bahay, e. Home-based ang work mo, tuwing nago-grocery ka lang lumalabas ng lungga mo, ni wala kang nakikitang lalaki maliban kay Aki at sa anak kong si Totoy."

Bakit ba bigla-bigla siyang naging interesado?

"Baka may ka-chat ka, ha?"

"Wala, 'Te. Kay Aki pa lang, ubos na ang oras ko."

"Mahirap mabuhay nang nag-iisa, Ingrid."

Nagkibit ako ng balikat.

"Iba pa rin kapag may humihimas sa 'yo."

"Andiyan si Aki, hindi lang himas ang nakukuha ko sa batang iyon, may kasama pang tadyak at hampas."

Umingos siya. "Iba namang himas ang sinasabi ko!"

Hindi ko lang ma-imagine ang sarili ko na hinihimas ng kahit sino. Iisang lalaki lang ang nakagawa non sa katawan ko, pero wala na siya.

Patay na siya...

"Pero guwapings ang pinsan ko, di ba?" sabi pa niya bago tuluyang lumabas ng bahay. "Pag niligawan ka, alam mo na ang gagawin mo!"

Hindi ko kailangan ng guwapo para sumaya ako.

Si Aki lang, sapat na sapat na sa akin. Si Aki lang, kompleto na ang buhay ko.

Saka ang ambisyosa ko naman kung iisipin kong magkakagusto sa akin ang pinsan ni Ate Helen. Iyong guwapong iyon? Iyong mayamang iyon? Paano magkakagusto iyon sa isang katulad ko na—

"Ano ba 'tong iniisip ko!" ipinilig ko ang ulo ko. "Pakialam ko ba sa kanya?"

Malamang maraming babae ang Wolf na iyon. Baka mayayaman at magagandang babae pa ang mga naghahabol sa kanya.

Nagligpit-ligpit na ako ng kalat ni Aki. Sabado kaya tambak ang kalat ng bubwit. Saktong alas-tres ng hapon ng lumabas ng kuwarto si Aki, naka-briefs lang at may bitbit na tuwalya.

"Ate, pwede po ligo?"

"Hapon na! Saka naligo ka na kanina di ba?"

"Mainit po, Ate. Ligo na ako, please po?"

"O sige na nga. Basta bibilisan mo lang, ha? Saka wag ka ng maglaro sa banyo."

"Opo. Promise po!" Ngumiti ang paslit saka pumasok sa banyo.

Napabuntong-hininga ako. Sana ay palagi siyang ganito kabait at kagalang para naman hindi ako naha-haggard.

Lumipas lang ang sampung minuto, bumukas ang pinto ng banyo at lumabas mula ron ang nakahubong si Aki. Puno ng bula ang katawan ng bata.

"Aki, mababasa ang sahig!"

"Sira ang gripo! Natanggal!" sigaw rin niya. Kanda-dulas siya sa sahig.

"Ano?!" Agad akong napalapit sa kanya. Saka ko nakitang pabaha na ang sahig ng banyo dahil bumubulwak ang tubig mula sa natanggal na gripo.

Natanggal nga ang gripo at kasalukuyan na iyong nasa sahig. Patuloy sa pagragasa ang tubig at kaunti na lang ay lalabas na iyon papunta sa sala.

"Ano bang ginawa mo? Bakit natanggal iyan?!"

"Di ko alam! Natanggal lang!" malakas pa ang sigaw niya sa akin.

Hindi ako naniniwala. Tiyak na nadiinan niya iyon kaya natanggal. Iisa pa naman ang tubig namin nina Ate Helen kaya damay sila kapag pinatay ang metro ng tubig.

"Magbanlaw ka, bilis!" Utos ko kay Aki. "At magbihis ka na! Sa kuwarto ka muna at nanggi-gigil ako sa 'yo!"

Dali akong lumabas ng bahay. Hindi naman ako marunong mag-ayos ng gripo kaya wala akong choice kundi humingi ng tulong sa katabi kong apartment.

"Bakit, Ate?" Ang dalagitang si Meryl ang nagbukas sa akin ng pinto.

"Nasira ni Aki iyong gripo sa banyo namin, e."

"Ha? Kaya pala humina ang tubig sa lababo." Lumitaw si Ate Helen, nagpupunas siya ng kamay sa suot niyang palda. "Naghuhugas ako ng mga pinggan, e."

"'Te, pano kaya? Tatawag ako ng tubero ang kaso baka bumaha na sa bahay namin."

Saglit siyang nag-isip saka biglang nanakbo. Pagbalik niya ay bitbit niya na ang cell phone niya. "Tatawagan ko si Wolf! Nandiyan pa iyon!"

Nag-dial siya at mayamaya ay nakangiti na siyang tumatango. Pinatay niya ang cell phone at hinarap ako. "Mabuti na lang at di pa siya nakakalayo. Pabalik na siya rito."

"T-talaga?"

Nakarinig kami ng swabeng pagsagitsit ng sasakyan. "O ayan na siya! The Flash si Cousin!"

"Ikaw ba naman naka-Jaguar, e!" nakangising sabi ni Meryl.

Bumalik ako sa apartment ko na abot-abot ang kaba. Agad akong naghanap ng suklay at nagsuklay. Ilang minuto na hindi ako mapakali nang may kumatok sa pinto. Nanginginig ang mga kamay ko ng buksan ko ito.

Bumungad sa akin ang kaguwapuhang akala ko noon ay sa libro lang nag-e-exist. Napatulala pa ako sa kanya ng ilang segundo.

"What happened?"

Iyon pa rin ang suot niya. Wala siyang suot na alahas maliban sa kulay itim na relo. Magulo ang buhok niya pero ayos lang, hindi naman nakabawas sa kanya iyon. Nakadagdag pa nga yata.

"Ha? Ah... N-nasira kasi iyong..." hindi ko na natapos ang pagsasalita dahil agad na siyang pumasok sa sala.

"Let me see," Pagbukas niya ng pinto ng banyo ay nasiritan siya ng tubig sa harapan ng t-shirt niya.

"Naku, nabasa ka!"

Hindi niya ako pinansin. Lumabas siya ng bahay at nang makabalik siya ay tumigil na ang pag-agos ng tubig. Pinatay niya siguro iyong metro ng tubig sa tapat ng gate. Kinuha niya ang nasa sahig na gripo saka niya ikinabit ulit.

Sa bawat kilos niya ay nakamasid lang ako sa kanya. Nakatulala.

"Hindi hinigpitan nong naglagay," aniya. "Matibay na siguro iyan."

Lumabas ulit siya. Nang bumalik siya at tinesting niya ang gripo, okay na iyon. Parang magic. Parang nagdahilan lang.

"Salamat."

Bahagya siyang tumango.

Napatingin ako sa suot niya. Basa ang unahan ng t-shirt niya. "Ah, nabasa ka..." basa rin ng pawis ang leeg mo pero mukha ka pa ring mabango. Syempre sa isip ko na lang sinabi iyon.

"Do you mind?" hinawakan niya ang laylayan ng t-shirt niya.

Para akong timang na umiling. Nang hubarin niya ang t-shirt ay napanganga ako. Paano'y ngayon lang ako nakakita ng ganitong katawan.

Matangkad siya, malaking tao, pero hindi pa rin ako makapaniwala na ganito kaganda ang katawan niya. Katulad ng mga men's underwear and designer apparel models sa mga fashion magazine ang hulma niya.

Naghahalo ang pagiging moreno at tisoy sa makinis niyang kutis. Halatang matigas ang dibdib niya at perpekto ang pagkakasalansang ng abs sa kanyang patag na sikmura.

Nahihiyang tumalikod ako kay Wolf dahil nakatingin pala siya sa mukha ko. Malamang na nakita niya ang pagkatulala ko sa katawan niya kanina.

Sa peripheral vision ko ay nagpupunas siya ng leeg gamit ang hinubad niyang t-shirt. Nang tumagilid siya ay napansin ko ang kulay itim niyang tattoo sa torso.

Sa lahat ng tattoo niya sa katawan, iyon ang pinaka-kakaiba. Simple lang kasi iyon. Parang logo, katulad ng nasa batok niya. Pero hindi nga lang iyon music note, parang bilog na may guhit sa loob.

Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako ron. Iyong mismong balat niya na kinalalagyan ng tattoo ay may peklat na hindi gaanong halata kung hindi mo pa pakatititigan. Siguro kaya doon inilagay ang tattoo ay para matakpan ang malabong peklat.

"Anong ibig sabihin niyan?" wala sa loob na natanong ko.

Nang tingnan ko ang mukha ni Wolf ay nakatitig siya sa akin. Parang hindi siya makapaniwala na tinanong ko sa kanya ang meaning ng tattoo niya.

Tinuro niya iyon. "'You wanna know what it means?"

"Oo sana..."

"Itong peklat na 'to, gawa ng isang pagkakamali na hindi ko pinagsisisihan." Mababa ang boses na kwento niya.

Kumunot ang noo ko. Anong pagkakamali? Nakapatay ba siya ng tao?

Agad kong binura ang naisip kong iyon. Kahit naman mukhang deadly si Wolf dahil matangkad at pailalim siyang tumingin, ay hindi naman siya mukhang killer. Lagyan nga lang siya ng pakpak ay papasa na siyang si San Miguel Arkanghel.

"Iyong tattoo ang itinatanong ko, ano ang ibig sabihin niyan?" At bakit nasa ibabaw siya ng peklat mo? Dugtong ko sa isip ko.

Nagkibit siya ng balikat at muling isinuot ang t-shirt niya. "Okay na ang gripo niyo, Ingrid."

"S-salamat..."

"You're welcome."

Nauna na ako sa pintuan para pagbuksan siya. Pero bago siya lumabas ay tiningnan niya pa ako.

"Je suis plus que mon péché."

"Ha?"

"The meaning of my tattoo."

"And it means..?"

Ngumiti siya na ikinatunaw ko. "I am more than my sin.  

JAMILLEFUMAH

@JFstories

Twitter: @AlamidWolfgang

Continue Reading

You'll Also Like

10.9M 39.6K 7
Aya used to live her life normally. Living with her parents and sister who always hurt and humiliates her is fine as long as she has a complete famil...
4.7M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
13.6M 386K 41
Macario Karangalan Sandoval
671 71 9
Synopsis: Angelica thought that her relationship with Noe already ended for good - not until they cross each other's paths again when they were both...