El Gobernador General De Mi C...

By MariaEljey

1.7M 90.3K 49.3K

Wattys 2019 Winner in Historical Fiction Category Dahil sa isang pagkakamali, out of nowhere ay bumalik sa ta... More

Munting Paalala
Kabanata 01
Kabanata 02
Kabanata 03
Kabanata 04
Kabanata 05
Kabanata 06
Kabanata 07
Kabanata 08
Kabanata 09
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70 (Wakas)

Kabanata 35

22.1K 1.3K 515
By MariaEljey

KASALUKUYANG nauuna sa pakikipagkarera sa kabayo si Koronel Llerena kay Iñigo. Nakasalubong ng binata ang Koronel sa paglilibot-libot sa labas ng Calle Ezpleta upang ipasyal ang kaniyang kayumangging kabayo na si Asturia. Hindi kilala ng binata ang Koronel dahil iyon ang unang pagkakataon na makita ang matanda.

Mula sa naging salaysay ng Koronel, dati na itong naglingkod kay Espartero bago raw ito inilipat sa Sugbu (Cebu) upang makadagdag sa puwersang militar kung sakali mang may rebolusyong maganap. Hanggang sa napagpasyahan ng Koronel na lumuwas sa Maynila nang makarating sa matanda ang balitang nasukol ng hukbo ng Gobernador-Heneral ang mga rebelde sa Laguna.

Muling pinatulin ni Iñigo ang takbo ni Asturia. Hindi siya ang klase ng taong magpapatalo sa laban. Isa iyon sa mga aral na natutuhan niya sa kanyang ama. Na isang malaking kahihiyan ang magahis o maging mahina sa laban. Kaya isa sa mga hinahangaan niya sa militarya ang kanyang kapatid. Marami na kasi itong naipanalong mga laban sa digmaan at ang kapatid niya ang nagsilbing ehemplo sa kanyang buhay.

Subalit may mga pagkakataon na nakakaramdam siya ng kalungkutan sa kanyang sarili dahil kahit na sabihin niyang pumapangalawa na siya sa ranggo na sunod lamang sa kanyang kapatid ay mahina pa rin ang tingin ng kanyang ama sa kanya. Labis din siyang nabahala noong isang linggo para sa kanyang kapatid dahil iyon ang unang pagkakataong tinawag na mahina at basura ito ng kanilang ama kaya galit siya sa mga rebelde na naging dahilan kung bakit nagkakalabuan ngayon ang kanyang ama't kapatid.

"Ang buong akala ko ay mananatili ka na lamang doon sa dulo. Nagkamali pala ako ng aking akala." Natatawang puna ng Koronel sa kanya nang makahabol si Asturia sa kabayo nito.

"Hindi mo dapat minamaliit ang aking kakayahan Koronel. Kahit na sabihin pa nating mas matanda at maraming taon na ang iyong karanasan sa militarya, kayang-kaya kong higitan ang iyong kakayahan." Seryosong tugon niya rito.

Pantay na sila ngayon ng bilis ng kanilang itinatakbo kaya nakakausap na nila ang isa't isa.

Natawa ang Koronel sa kanyang sinabi. "Tila hindi maganda ang iyong araw, Heneral. Kanina lamang ay masayang-masaya ka subalit ngayon ay mayroong nagbago sa iyo. Hindi ako sanay na kasing seryoso mo na ngayon ang Gobernador-Heneral kahit na kanina lamang tayo nagkakilala."

"May bigla lamang sumagi sa aking isip na nakapagsama sa aking araw."

"Maaari ko bang malaman kung ano itong gumugulo sa iyong isip?" Usisa nito sa kanya.

"Tungkol ito sa mga rebeldeng tinulungan ng aking kapatid upang makaligtas sa kamatayan. Malaki ang aking galit laban sa kanila dahil sinisira nila ang aming pamilya lalo na ang maayos na relasyon ng aking ama't kapatid."

"Pareho pala tayo ng ating nararamdaman. Hanggang ngayon ay galit pa rin ako sa kanila. Sila ang dahilan kung bakit maagang namayapa ang dati kong kaibigan na isang tenyente na pinalitan ni Rafael." May halong kapaklaang wika nito nang banggitin nito ang pangalang iyon.

Agad kumunot ang noo ni Iñigo sa narinig. Parang narinig na niyang binanggit iyon sa kanya ni Choleng noong nasa merkado sila.

"Rafael? Sino naman ang taong iyon?"

Kahit pangalan pa lamang ang binanggit ng Koronel ay nakaramdam na siya ng iritasyon sa lalaking binanggit nito.

Mayamaya ay nagtaka si Iñigo nang biglang bumagal ang pagpapatakbo ng Koronel sa kabayo nito. Nalagpasan tuloy niya ito sa tulin ng takbo ng kanyang kabayo. Subalit agad din niyang pinahinto sa pagtakbo si Asturia at pumihit pabalik kung saan kasalukuyang nakahimpil ngayon ang Koronel na may kung sinong tinatanaw sa kabilang kalsada.

"Mayroon ba ng suliranin, Koronel?" Takang tanong ni Iñigo rito.

"Ang lalaking nakatayo sa labas ng himpilang gusaling iyon ay si Rafael Antonio de Lara y Ruiz. Siya ang Tenyente na aking tinutukoy na pumalit sa aking kaibigan." Pakilala nito sa kanya na hindi binabali ang tingin sa kabilang kalsada.

Sinundan naman ni Iñigo ng tingin ang direksyong tinatanaw ng Koronel. Mula sa kabilang kalsada ay natanaw niya ang lalaking tinutukoy nitong Rafael. Nakasuot ito ng uniporme at nakikipaglitan ng usapan sa limang guwardiya sibil na tila nagkakatuwaan.

Hindi niya naibigan ang kanyang nakikita. Oras ng trabaho ay pagkukuwentuhan ang inaatupag ng mga guwardiya ng kanyang kapatid.

"At ang limang guwardiya sibil na kanyang kausap ay kanyang mga kasapi sa dati nilang kilusan at si Rafael ang pinuno niyon. Lahat sila ay binigyan ng katungkulan ng iyong kapatid at si Rafael naman ang nakinabang sa posisyon ng namayapa kong kaibigan. Sa katunayan heneral, hindi ako pabor sa naging pasya ng iyong kapatid. Kung tutuusin, mas matagal na sa serbisyo bilang Sarhento si Manriquez at siya ang masasabi kong karapat-dapat na maging Tenyente dahil marami na siyang naging kontribusyon at karanasan. Minsan napapaisip ako kung ano ang ipinakain ng lalaking iyan sa Gobernador-Heneral at kung bakit mabilis niyang nakuha ang loob ng iyong kapatid. Nakababahala."

"Sang-ayon ako sa iyong mga tinuran, Koronel." Pinukulan niya nang masamang tingin ang direksyon ni Rafael na ngayon ay nabangga ng isang paslit.

Agad tinulungan ni Rafael na makatayo ang paslit. Ito pa ang pumagpag sa suot na kamiso ng bata na bahagyang nadumihan. Humingi ng paumanhin ang bata na tinanggap naman ng Tenyente at nakangiting tumakbo paalis ang bata para habulin ang mga kalaro nito.

"Nakababahala na inilagay agad siya ng aking hermano bilang Tenyente at isang malaking insulto iyon para sa ating mga nagmula sa ibaba na maraming pinagdaanang hirap, pagsasanay at digmaan bago natin narating kung na saan tayo ngayon. Hindi ko palalagpasin ang maling gawain na ito." Pagkasabi ay sinimulan nitong palakarin si Asturia upang tumawid sa kalsada.

"Heneral, saan ka pupunta?"

"Kakausapin ko ang magaling nating Tenyente."

Kahit nakabakasyon siya, hindi niya hahayaan na may mababang opisyal na hindi sumiseryoso sa iniatang na tungkulin. Kung malakas ang loob ng Tenyente na maghari-harian habang hindi nakabalimg ang pansin ng kanyang kapatid dito, puwes, ibahin siya nito.


"ANO pa ang ginagawa ninyong lima rito?" Tanong ni Rafael sa lima niyang kaibigan na naabutan niyang nakatayo at nakaupo lamang sa baitang ng hagdan ng himpilan. "Bakit wala kayo sa mga pook na ibinigay sa inyo upang magbantayan?" Sita pa niya sa mga kaibigan nang makalapit na siya sa mga ito.

Sabay-sabay na tumayo mula sa pagkakaupo ang lima.

"Magandang umaga, Pinuno." Bati ng mga ito sa kanya.

"May hinihintay daw kasi si Joaquin." Tugon ni Karyo.

"Hinihintay? Sino?" Sabay baling niya kay Joaquin.

"Ah," lang ang naitugon ni Joaquin ngunit si Santiago ang sumalo rito.

"Hinihintay niya si Clarita." Nakangising tugon nito.

Doon na nagsalubong ang kilay niya nang balingan niya si Joaquin.

"Bakit mo naman hinihintay ang aking kapatid, Joaquin?"

"Kasi gusto raw niya si Clarita-"

Biglang tinakpan ng kamay ni Joaquin ang bibig ni Santiago at isang pilit na tawa ang pinakawalan nito.

"Ang ibig sabihin ni Santiago, Pinuno..." sabi nito habang humihigpit ang pagkakatakip sa bibig ni Santiago, "nagustuhan ko ang biko na ginawa kahapon ni Clarita." Paglilinaw nito. "Kaya nagbabaka sakali kaming lima na baka dumaan siya rito na may dala uling makakain."

"Anong kami? Ikaw lamang ang naghihintay sa kanya. Tanging pagkain lamang ang pakay namin kay Clarita." Panlalaglag ni Ignacio rito na pinanlisikan lamang ng mga mata ni Joaquin.

"Hindi ko akalain na palabiro ka na pala ngayon Ignacio. May palagay ako na naimpluwensiyahan ka na ng kakulitan ni Santiago."

"May nais ka bang sabihin sa akin Joaquin?" Salubong pa rin ang kilay na tanong niya rito.

Naninibago lamang siya sa gawi ni Joaquin at may pakiramdam siyang may nais itong sabihin sa kanya.

"Ha? W-Wala. Wala naman akong sasabihin sa iyo bukod sa bakit ngayon ka lamang dumating?" Puna nito sa kanya. "Mahirap na baka sitahin ka na naman ng masungit nating Koronel at pag-isipang nagpapabaya uli kahit hindi naman."

Matapos maganap ang kaguluhan noon sa merkado ay ipinatawag agad silang anim ni Koronel Llerena sa himpilan nang araw na iyon. Puro sermon ang kanilang natanggap mula sa Koronel at napahiya sila sa harap ng mga guwardiya sibil na nasa loob ng himpilan. Si Rafael ang labis na nakatanggap ng masasakit na salita.

Walang silbi, pabaya at walang kakayahang mamuno. Ilan lamang iyan sa mga narinig ni Rafael. Nagawa pa siyang pagtawanan ng iba nilang mga kasamahan-isa na si Derio-na sa simula pa lamang ay ayaw na sa kanyang pamumuno.

Hindi raw nagustuhan ng Koronel ang ginawa niya. Dapat daw pinaslang na raw nila agad ang indio upang hindi na iyon lumala at nakapanakit pa ng sibilyan. Sinubukan naman niyang depensahan ang kanyang sarili at mangatwiran na hindi tama ang ganoong ideya ngunit hindi nito iyon tinanggap.

"Nasobrahan ako sa aking pagtulog kaya ngayon lamang ako nakarating. Pangako, hindi na ito mauulit."

"Ayos lamang sa amin Pinuno. Mabuti nga ay wala sa paligid ang matandang iyon at hindi ka niya natiyempuhan. Halata ring mainit ang ulo niya sa iyo kaya palagi na lamang ikaw ang kanyang nasisita sa halip na ang kakulitan ni Santiago."

Mabilis namang naalis ni Santiago ang kamay ni Joaquin na nakatakip sa bibig nito.

"Ako na naman ang nakita mo Joaquin at saka ang alat ng iyong kamay."

"Bakit? Totoo namang makulit at madaldal ka, hindi ba?"

Isang makahulugan, mapanganib at pilyong ngisi ang pinakawalan ni Santiago.

"Sige, paninindigan ko ang aking kadaldalan."

Dali-dali itong bumaba sa baitang ng hagdan. Huli na upang pigilan ito ni Joaquin sapagkat nakalapit at nakatabi na ito kay Rafael.

"Pinuno, may itatanong sana ako sa iyo. Papayag ka ba na mayroong manliligaw kay Clarita?"

"Hoy Santiago! Anong klaseng tanong iyan?-"

Hindi pinansin ni Santiago ang sinabi ni Joaquin na tila mauubusan ng kulay sa mukha.

"Mayroon kasi akong kakilala dito lamang sa paligid-ligid natin na may lihim na pagtatangi sa iyong kapatid. Ano ang iyong masasabi roon, Pinuno? Payag ka bang paligawan si Clarita sa taong kakilala ko?"

"Kung sinuman ang lalaking iyong tinutukoy Santiago, dadaan muna siya sa ibabaw ng aking bangkay bago niya mahawakan ang kamay ni Margarita."

Si Clarita na lamang ang nag-iisang babae sa buhay niya bukod kay Choleng at hindi niya basta-bastang ipapaligaw sa kung kani-kaninong lalaki ang kanyang kapatid.

Sabay-sabay namang nagsibalingan sina Segundo, Karyo at Ignacio kay Joaquin.

"Ano naman ang mayroon at nakatingin kayong tatlo sa akin?" Depensang tanong ni Joaquin sa kabila nang paghulas ng kulay sa mukha nitong may halong iritasyon.

"Nais lamang namin makiramay sa kakilala ni Santiago." Tugon ni Karyo.

"Bakit sa akin kayo nakitingin? Bakit hindi ninyo iyan sabihin sa kakilala ni Santiago?"

Subalit muling nagsalita si Santiago kaya muling nabaling ang atensyon ng lahat kay Rafael sa sunod na naging tanong ng kanilang makulit na kaibigan.

"Ibig mo bang sabihin, Pinuno, ay may pagsubok munang pagdaraanan ang lalaking magtatangkang ligawan ang iyong kapatid?"

"Kung anuman ang pagsubok na iyon, sa akin na lamang muna iyon. Kung talagang nais niyang ligawan ang aking kapatid, magpakita at magpakilala siya sa akin. Saka kami mag-uusap...nang masinsinan." Makahulugang sabi niya sa mga ito. "Kaya mo ba naitanong sa akin ang tungkol sa bagay na iyan Santiago ay dahil isa ba sa inyong lima ang may balak ligawan ang bunso kong kapatid?"

Wala namang kaso sa kanya kung isa sa mga kaibigan niya ang magkakagusto sa kanyang kapatid. Kilala na niya ang mga ito at mapagkakatiwalaan. Subalit nais lamang niyang siguruhin na hindi sasaktan ang kanyang kapatid. Mahal niya si Clarita kaya gagawin niya ang lahat para hindi ito umuwing luhaan lamang.

Sabay-sabay na nagpalitan ng tingin ang apat maliban kay Joaquin na mukhang kinakabahan. Bakit naman kinakabahan si Joaquin?

"Joaquin?" Tawag niya rito.

"Ako!" Pasigaw na sambit ni Joaquin na para bang nilayasan ng kaluluwa bago muli napagtanto kung ano ang sinabi nito. "Ay babalik na sa aking gawain upang magbantay sa merkado." Mahinahon at kalmadong wika nito. "Doon na lamang siguro kami sa madaraanang pansiterya kakain. Hiling ko na sana mayroon din silang kasing sarap ng biko na gaya sa ginawang biko ni Clarita kahapon. Hindi ba MGA KAIBIGAN?" Pagbibigay-diin pa ni Joaquin sa apat na para bang nais nitong dagukan ang mga ito.

Napailing-iling na lamang si Rafael kay Joaquin pero nakaramdam na laman siya nang kung anong bagay na para bang bumangga sa kanya.

Nang balingan niya iyon ay nakita niya ang isang paslit na napaupo sa lupa at sunod niyang napansin ang iba pang mga paslit na masayang nagtatakbuhan. Mga kalaro siguro iyon ng paslit na nakabangga sa kanya.

"Ayos ka lamang ba bata?"

Mula sa kanyang pagkakatayo ay kumilos siya upang tulungan ang bata na tumayo. Pinagpagan pa niya ang pang-upong bahagi ng paslit upang alisin ang mga duming dumikit doon.

"Paumanhin po, Tenyente. Hindi ko po sinasadya na kayo ay aking mabangga. Huwag ho sana kayong magalit." Natatakot na paumanhin nito sa kanya.

"Hindi naman ako galit. Sa susunod ay palagi ka ng titingin sa daang iyong tinatakbuhan upang hindi ka nadidisgrasya." Binalingan ni Rafael ang mga kasamahan nitong paslit na tila naghihintay. Muli siyang tumingin sa kausap na paslit. "Sige na. Tila hinihintay ka na ng iyong mga kalaro."

"Maraming salamat po, Tenyente!" Nakangiting paalam ng paslit sa kanya bago nito tinungo ang mga naghihintay na kalaro at nagpalitan muna ng usapan ang mga ito.

"Abel, ano ang ginawa sa iyo ng Tenyente?"

"Sinaktan ka ba niya?"

"Tinakot?"

"Pinagbantaan?"

Umiling ang paslit na tinawag na Abel.

"Hindi. Siya ang tipo ko na maging Gobernador-Heneral. Napakabait niya. Tara na! Maglaro na tayo. Sino na nga pala ang taya?"

Isang tapik sa balikat ang nakuha nito sa katabing paslit na babae.

"Taya!"

Nagtatawanang kumaripas ng takbo ang mga kalaro ng paslit na si Abel bago nito hinabol ang mga kalaro.

Natatawang napailing-iling naman ang limang kaibigan ni Rafael habang minamasdan ang masayang habulan ng mga bata.

"Subalit may punto ang sinabi ng paslit na iyon, Pinuno." Tatango-tangong sambit ni Joaquin.

"Ha? Ang alin?"

Bumaling sa kanya si Joaquin.

"Na bagay sa iyo ang maging Gobernador-Heneral. Nasa sa iyo na kasi ang lahat ng katangian ng isang mabuting pinuno kaya sang-ayon ako sa sinabi ng paslit na iyon."

"Tama ka sa iyong sinabi Joaquin." Sabi naman ni Karyo. "Subalit napakaimposible. Sa aking pagkakaalam ay mga dugong Kastila lamang na ipinanganak sa bansang Espanya ang nabibigyan nang ganoong pagkakataon."

"Hindi magiging Gobernador-Heneral si Lucas kung wala siyang dugong Kastila." Pangangatwiran naman ni Segundo. "Kaya kaya rin ng ating Tenyente ang maging Gobernador-Heneral dahil may dugo rin siyang Kastila."

"Sa aking nagugunita sa mga naikuwento sa atin ng ating Pinuno, isa siyang mestizo. Samakatuwid, kalahating Kastila ang nananalaytay sa kanyang dugo." Pag-imporma naman ni Ignacio sa mga kaibigan.

"Kung ganoon, wala ring karapatan maging Gobernador-Heneral si Lucas dahil hindi siya peninsulares-"

"Joaquin," lalong sumeryoso ang anyo ni Rafael nang sawayin nito ang kaibigan. "May naging usapan na tayo na hindi ninyo dapat pinag-uusapan ang ganyang paksa lalo na kung naririto tayo sa labas. Maaaring may makarinig sa usapan na ito. Ayaw kong mapahamak ang aking kapatid nang dahil lamang dito."

Naikuwento na rin kasi ni Rafael sa kanyang mga kaibigan ang buong pangyayari kung paano niya naging kapatid ang Gobernador-Heneral noong nasa hacienda pa sila ni Lucas. Sa nakalaang silid para sa kanilang anim, doon nila iyon lihim na pinag-usapan. Binilinan din niya ang lima na huwag magbabanggit ng kahit ano o pag-uusapan ang tungkol sa natuklasan ng mga ito dahil maaaring marinig iyon ng mga Kastila. Baka mapahamak pa ang kanyang kapatid lalo pa at mainit ang mga mata ng mga prayle rito. Maaaring gawin iyong sandata laban kay Lucas.

Subalit hindi talaga mawawala ang kadaldalan ng isa sa kanila.

"Basta para sa akin bagay na bagay sa iyo Pinuno ang ganoong titulo. Gobernador-Heneral Rafael Antonio de Lara y Ruiz. O hindi ba? Kay gandang pakinggan?" Buong pagmamalaki pang sambit ni Santiago na may kalakasan pa ang tinig.

"Gobernador-Heneral Ruiz?" Isang tinig mula sa di-kalayuan ang kanilang narinig na may halong disgusto. Kaya naman sabay-sabay silang anim na napabaling sa pinanggalingan ng tinig ng isang bagong dating na lalaki.

May nakita silang isang matangkad na lalaking Kastila na kabababa lamang nito sa kayumanggaing kabayo.

Ang Kastilang lalaki ay nakasuot ng puting damit na may mahabang manggas habang nakabukas ang tatlong butones sa harap. Nakaipit naman ang laylayan ng damit nito paloob sa suot nitong itim na pantalon at tinernuhan ng itim na bota na umabot sa ilalim ng tuhod nito. Nagmukha itong mayamang haciendero sa kasuotan.

"Hindi pa tumitirik ang araw sa tanghali ay kay aga-aga niyo nang mangarap." Pinukulan si Rafael nang masamang tingin ng Kastilang lalaki. "Ito na ba ang bago ninyong libangan sa gitna ng inyong trabaho? Ang magkuwentuhan at mangarap na maging Gobernador-Heneral, Tenyente?" May kabigatan ang pagkakabanggit nito.

"Sandali nga, sino ka ba?" Tanong ni Joaquin dito na para bang nayayabangan sa pagsasalita ng lalaki. "Kung pagsalitaan mo ang Tenyente namin ay akala mo kung sino ka na."

Gaya ng ginawa kay Rafael ay tiningnan din nito nang masama si Joaquin.

"Hindi ko gusto ang tabas ng iyong dila guwardiya. Lalong hindi mo kilala kung sino ang iyong pabalang na kinakausap."

"Aba ay bakit hindi ka magpakilala?" Hamon ni Joaquin dito.

"Siya ang nakababatang kapatid ng ating Gobernador-Heneral. Si Heneral Iñigo Borromeo Rueda." Pakilala nang bagong dating na si Koronel Llerena na naglalakad na papalapit sa kanilang puwesto matapos makababa sa ibabaw ng kabayo at tumabi sa lalaking tinawag na Iñigo. "Siya ang general segundo cabo na sumunod sa ranggo ng ating Gobernador-Heneral. Kaya ibig kong magbigay galang kayo sa ating Heneral at humingi ng paumanhin sa inyong kalapastanganan."

Kitang-kita sa mukha ng mga kaibigan ni Rafael ang gulat sa narinig kaya dali-daling sinunod ng mga ito ang sinabi ng Koronel.

"Magandang umaga, Heneral." Sabay-sabay na bati ng mga ito habang walang kabuhay-buhay namang bumati si Joaquin. "Ikinagagalak naming makilala ang bunsong kapatid ng Gobernador-Heneral. Paumanhin din sa inasal ng isa naming kasamahan."

Kung ganoon, ang lalaking ito ang tunay na anak ng mag-asawang Rueda. Hindi naiwasang sambitin ng isip ni Rafael habang pinagmamasdan niya ang Kastilang Heneral.

Nagkaanak din pala ang mag-asawang Kastilang umampon sa kanyang kapatid. Sa pagkakatanda niya, kaya inampon si Lucas ay dahil wala raw kakayahang magdalang-tao ang maybahay ng kinalakihang ama ni Lucas kaya pumayag ang mag-asawa na kupkupin ang kanyang kapatid kapalit ng malaking salapi na kakailanganin ng kanilang ina para sa pambayad sa tributo at pagpapagamot noon ni Clarita.

Kuhang-kuha ng binatang Heneral ang ilang katangian ng ama nitong Kastila kaya hindi na siya magtataka.

"Hindi ko ikinagagalak na makilala ang mga rebelde na kaaway ng aming pamilya. Kayo ang dahilan kung bakit nagkaroon nang hindi magandang imahe ang pangalan ng Rueda sa mga kapwa namin Kastila." Kalmado ngunit seryoso na pagkakasabi ni Iñigo sa kanilang anim. "Simula sa araw na ito, susubaybayan ko ang bawat kilos ninyo. Wala akong katiwa-tiwala sa mga taong binigyan ng katungkulan ng aking kapatid. Kahit na nakaligtas kayo sa inyong kamatayan, nagkukubli ang mga lihim ninyong hangarin laban sa aking kapatid. Alam kong kapangyarihan lamang ang habol ninyo kaya habang maaga pa ay susupilin ko iyon. Nagkakaintindihan ba tayo mga guwardiya sibil?"

"Naiintindihan namin, Heneral." Tugon ng lima na may halong paggalang pa rin.

"Magsilayas na kayo sa aking harap at gawin na ninyo ang inyong mga gawain. May pag-uusapan pa kami ng inyong magaling na Tenyente. Ayaw ko na uling makita kayo na nagkukuwentuhan sa gitna ng inyong trabaho. Hindi kayo sinasahuran ng aking kapatid upang bayaran iyang mga katamaran ninyo."

Walang kumilos sa lima.

"Hindi niyo ba narinig ang sinabi sa inyo ng Heneral?" Ani ng Koronel sa lima. "Sundin ninyo agad kung ano ang kanyang utos kung ayaw ninyong maparusahan."

Nang hindi kumilos ang lima ay muling nagsalita ang Koronel.

"Sinabi nang bumalik na kayo sa inyong mga gawain!"

Mga pasaway talaga. Sambit ng isip ni Rafael at alam niyang hindi kikilos ang mga ito hangga't hindi siya ang kakausap sa mga kaibigan niya kaya bago pa magkagulo ay humalo na siya sa usapan.

"Joaquin, sundin na ninyo ang utos ng ating Heneral. Bumalik na kayo sa inyong mga binabantayang pook."

Sa utos lamang niya kumilos ang kanyang mga kaibigan bago nagsimulang umalis ang mga ito sa tapat ng kanilang himpilan.

Nang malayo-layo na ang mga kaibigan ni Rafael ay muli niyang tiningnan si Iñigo.

Sa totoo lamang, pareho nila hindi kapalagayan ang loob ng isa't isa. Hindi niya gusto ang ugali nito. Nayayabangan siya rito at may halong iritasyon siyang nararamdaman kapag pinagmamasdan niya ito.

"Tungkol saan ang pag-uusapan natin Heneral?" Kahit paano ay may paggalang pa rin ang kanyang tanong dito.

"Ako na ang magsasabi sa iyo, Tenyente. Tigilan mo ang iyong ilusyon na maging Gobernador-Heneral. Isa ka lamang mahirap na indio at walang puwang ang katungkulang iyon sa mga kagaya mo."

"Kung anuman ang iyong narinig kay Santiago ay hindi niya iyon sinasadya. Alam ko naman kung saan ako lulugar at huwag kayong mangamba. Wala akong balak na umangat pang lalo sa aking katungkulan. Sapat na sa akin at kuntento na ako kung ano ang biyayang ipinagkaloob sa akin ng Panginoon."

"Mabuti naman kung ganoon. Subalit, hindi ako pahuhulog sa iyong mga salita, Tenyente. Nakasisiguro ako na pakitang-tao lamang ang iyong mga sinabi upang hindi ko masilip ang tunay mong layunin. Alam ko kung paano umiiral ang ugali ninyong mga mahihirap. Kukunin mo ang tiwala ng Gobernador-Heneral at gagamitin mo iyon upang umangat. Sayang. Gagawin mo pa lamang ang iyong binabalak ay nabuking na agad kita, Tenyente." Isang ngiting tagumpay ang binigay nito sa kanya.

"Ikaw lamang ang nag-iisip nang ganyan, Heneral. Malaki ang utang-na-loob ko sa iyong kapatid ngunit hindi ko sasamantalahin ang kabutihan niya sa akin." Pagtatanggol niya sa kanyang sarili na hindi tinanggap ng Heneral.

"Ito lamang ang iyong pakatatandaan, Tenyente. Ang aking hermano lamang ang nababagay na humawak sa ganoong titulo at poprotektahan ko siya laban sa iyo."

Hindi na lamang nagbigay ng kahit anong komento pa si Rafael dahil wala rin namang saysay kung makikipagtalo siya rito.

"Koronel," tawag ni Iñigo rito.

"Ano iyon, Heneral?"

"Ikaw ang mag-uulat sa akin ng lahat ng mga ginagawa ng ating Tenyente. Gusto ko ring basahin ang mga dokumento tungkol sa kanya upang makilala ko nang husto ang aming kaaway." Sinasabi nito iyon na hindi binabali ang mga tingin sa kanya.

"Masusunod, Heneral. Ipadadala ko sa iyo ang mga dokumento na nakalap noon ni Alferez Almanza."

"Mahusay, Koronel. Ipagpatuloy na rin natin ang ating naudlot na karera."

Iyon ang huling sinabi ni Iñigo saka siya nito tinalikuran. Pinuntahan nito ang sarili nitong kabayo at sumakay doon. Ganoon din ang ginawa ng Koronel na binalikan nito ang kabayo nito sabay na umalis ang dalawa.

Napabuntong-hininga na lamang si Rafael sa nangyari kanina. Ngayong nakilala na niya ang nakababatang kapatid ni Lucas, nakatitiyak siyang hindi siya nito titigilan hangga't wala itong nakikitang ginagawa niyang mali. Kinakailangan niyang maging maingat sa kanyang ikikilos. Masasabi niyang hindi madaling kalaban si Iñigo batay sa ipinakita nitong ugali sa kanya.


MASAKIT ang ulo ni Choleng habang naglalakad siya sa gilid ng kalsada. Hindi kasi naging maganda ang tulog niya kagabi. Ni-wrestling pa kasi niya si Lolita sa kanyang isip habang tinatanggalan ng kilay, mga mata, lamang-loob at binabalatan nang buhay. Imbyerna pa rin kasi siya sa naging usapan nila kahapon ni Lolita at kahit man lang sa imagination ay makaganti siya rito. Worth it naman dahil nakatulog naman siya. Subalit hindi niya lang inasahan na dadalawin uli siya ng dati niyang napanaginipan na nagpakaba sa kanya nang husto.

Kilala na niya kung sino ang lalaking pinaslang sa kanyang panaginip at walang iba kundi si Lucas 'yon. Malinaw na malinaw niya iyong nakita. Para siyang nanonood ng isang pelikula habang nakikita niyang ilang ulit pinagbabaril ang walang buhay na katawan ni Lucas.

Sa kasamaang palad, unknown pa rin kung sino ang killer ni Lucas dahil iyon lang ang bahaging ipinakita sa kanya ng panahinip at isa iyon sa dahilan niya kung bakit maaga siyang nagpaalam kay Clarita para hanapin ang kapatid nito. Hindi nga siya pinayagan ng kaibigan noong una dahil napansin nitong namumutla raw siya kaya para hindi ito mag-alala ay inubos muna niya ang agahan na inihanda nito para sa kanilang dalawa bago umalis sa kanilang silid.

Wala naman siyang pasok ng araw ng Martes. Lunes, Miyerkules, at Biyernes kasi ang schedule na binigay sa kanya sa pagtuturo kaya may oras siyang hanapin ang missing boyfriend niya.

"Sheet!" Wala sa oras na sambit niya nang bahagyang umikot ang paligid niya sa hilo.

Mabuti na lang ay may kung sinong sumalo sa kanya upang alalayan siya dahil kung wala, maaga siyang maliligo sa kanal.

"Kahahabilin ko lamang sa iyo kahapon na mag-iingat ka."

Biglang nawala ang hilo niya nang marinig niya ang taong nagsalita. Nang pakatitigan niya kung sino iyon, nakita niya si Lucas.

"My honey bunch sugar pop I miss you..." sabay yakap niya rito nang mahigpit. Hindi niya naramdamang pumalag ito kaya ibinaon niya rito ang kanyang mukha sa dibdib nito. "Tutulog muna ako sa matipuno mong katawan."

"Bakit ka pa lumabas ng iyong silid kung hinihila ka pa pala ng antok?" Anito na para bang pinapagalitan siya na parang bata.

"Pupunta kasi ako sa palasyo. Nagbabaka sakali ako na naroon ka. Gusto kasi kitang makausap dahil may kasalanan ka sa akin."

"K-Kasalanan? Wala akong ginawang kasalanan sa iyo."

"Talaga lang?"

"Wala nga."

"Dinadagdagan mo ang kasalanan mo sa 'kin Lucas." Tatanggi pa eh huli na. Tss! Mga lalaki talaga oo.

Bumuntong-hininga ito. "Hindi tayo maaaring mag-usap dito sa daan."

"Alam ko. Sinabi sa akin ni Lolita na may mga taong binayaran ang tatay mo para sundan ang bawat kilos mo."

"Nagkita kayo ni Lolita?"

Tumango-tango siya habang ganoon pa rin ang ayos niya nakasubsob ang mukha sa dibdib nito.

"Kaya buking na kita at kailangan mong ipaliwanag ang kasalanan mo sa 'kin."


"NGAYON, sabihin mo sa akin Gobernador-Heneral kung bakit mo 'yon ginawa? Bakit ka nagsinungaling sa 'kin?"

Doon sa opisina sa palasyo siya dinala ni Lucas nang mapagdesisyunan nitong maghanap nang maayos na pook kung saan sila mag-uusap. Pero nagmukhang interrogation room ang opisina nito dahil daig pa niya ang isang imbestigador na naglalakad-balik sa tapat ng lamesa nito habang tahimik lang siyang sinusundan ng tingin ni Lucas.

"Ano iyang ginagawa mo, Maria?"

"Hinihingian ka ng salaysay, Gobernador-Heneral."

Halatang guilty ang mukha ni Lucas kaya sa huli ay sinagot siya nito.

"Dahil alam kong magagalit ka."

"Galit ako ngayon Lucas." Kalmadong sabi niya rito. "Kahapon pa ako naiinis at dumagdag pa 'yang Lolita mo na masyadong feeling."

"Kaya nga hindi ko sinabi sa iyo dahil ganito ang mangyayari." Depensa nito.

"Hindi ba sumagi sa isip mo akusado na mas lalo akong magagalit kung sakaling malaman ko 'yon sa iba? Lalo na at si Lolita pa ang nagsabi sa akin kahapon na ikakasal ka na sa kanya."

Nahilot ni Lucas ang kanang sentido nito.

"Paumanhin," ang tanging nasabi nito.

Huminto si Choleng sa kakalakad-balik niya at padabog na nilapat ang dalawa niyang kamay sa ibabaw ng lamesa nito.

"Ganyan naman kayong mga lalaki! Hihingi kayo ng paumanhin o sorry sa aming mga babae pero pagkatapos niyon ay uulitin niyo lang ang kasalanan niyo! 'Tapos idadaan niyo lang kami sa matatamis niyong pick lines o cheesy words makuha niyo lang uli ang tiwala namin! That's trust abuse, Gobernador-Heneral."

"Ha?"

"Ha?" Gaya niya rito. "'Ha?' lang ang isasagot mo? Kunsabagay, diyan naian talaga kayo magagaling. Ang magmaang-maangan. Minsan nga isi-seen niyo pa ang message namin sa messenger at simpleng letter 'K' lang ang isasagot niyo sa amin kapag tine-text namin kayo. Pero mas malala ang 'ha?' mo sa seen at 'K' ng iba. Halatang hindi ka nakikinig. Kapag alam niyo nang mabubuko na kayo sa kasinungalingan niyo, pasok sa isang tenga at labas kabilang tenga ang peg niyo sabay 'ha?' Pinagmumukha mo lang akong tanga."

"Paano kita sasagutin nang maayos kung hindi ko naman maintindihan ang iyong sinasabi?"

"'Yan! 'Yan na nga ba ang sinasabi ko eh!" Naiiling na umayos uli siya sa kanyang pagkakatayo. "Maghahanap ka ng idadahilan mo 'tapos ako ang lalabas na may mali sa 'tin. Grabe ka. Hindi ko keribels ang mga palusot mo Gobernador-Heneral Rueda. Ako itong napagkaitan ng katotohanan. Ako na nga itong nanakawan ng isang linggo ni Lolita na para sana sa official date natin. Ako 'yong legal, original, tunay, tapat at wagas mong kasintahan pero sa ibang babae ka ikakasal. Na saan ang hustisya kay Ka Choleng, ha akusado?"

In fairness mga baks ha? Naluluha siya. Sakit lang kasi.

Tumalikod siya rito para hindi nito makita na malapit na siyang umiyak pero trinaydor siya ng boses niya dahil nakalabas doon ang mahina niyang paghikbi.

"S-Sandali, wala akong sinabing tumangis ka."

"Bakit bawal bang umiyak?" Padaskol na tugon niya rito. "Eh sa gusto kong umiyak sa pagsisinungaling na ginawa mo at hindi mo ako mapipigilan do'n. May payakap-yakap ka pa kahapon. Meron ka pang palinya-linya riyan sa 'kin na 'adik na marahil ako sa iyo' 'yon pala nasa piling ka na pala ni Lolita ng isang linggo." Sinasabi niya 'yon habang padabog niyang pinupunasan ng kamay niya ang luha sa pisngi niya.

Narinig niyang tumayo si Lucas mula sa kinauupuan nito at lumakad papunta sa harap niya.

"Paumanhin," ang sabi uli nito sa kanya bago niya naramdaman ang kamay nito na pinapahid ang mga luha niya sa kanyang pisngi.

Sa ginawa nito ay hindi niya naiwasang tingalain ito habang pinupunasan nito ang luha niya.

"Hindi na mauulit."

Nag-iwas lang siya rito ng kanyang tingin.

"Hindi ko sinabi sa iyo ang tungkol sa nalalapit namin kasal ni Lolita dahil ayaw kong iyon ang maging dahilan upang layuan mo ako. Ayaw ko ring sumama na naman ang loob sa akin ng aking ama kaya sinusunod ko ang kanyang nais na huwag makikipagkita sa iyo dahil ang pagsasama naman namin ang maaapektuhan. Pareho kayo ng aking ama na mahalaga sa akin at natatakot akong masaktan kayong pareho kaya hangga't maaari ayaw kong malaman mo ang tungkol doon."

Sa sinabing iyon ni Lucas ay nakaramdam siya ng awa rito. Gusto niya itong yakapin at aluin ang nararamdaman nito. Alam niyang nahihirapan ito ngayong lumugar kung sino ang dapat nitong sundin. Ang dikta ba ng ama nito o dikta ng nais ng puso nito. Pero ang kanya lang kasi, sana sinabi nito para hindi siya nagmumukhang ewan at umaasa kung kelan siya nito dadalawin.

Kaya niyang maghintay pero masakit ang umasa na walang katiyakan kung kelan magpapakita ang taong hinihintay mo.

"So, kailan mo sa akin 'yon sasabihin? Kapag kasal na kayo ni Lolita?"

"Sasabihin ko naman sa iyo subalit naghahanap ako ng pagkakataon kung paano ko iyon sasabihin sa iyo na hindi sasama ang iyong loob sa akin."

"Kahit na. Dapat sinabi mo pa rin. At least hindi gaanong masakit pero mas masakit kung lalo mong patatagalin pero sobrang to the highest level na mas masakit kapag ikinasal kayo na wala akong kaalam-alam."

"Ano ba ang aking gagawin upang humupa na iyang galit mo sa akin?" Sumusukong tanong nito sa kanya.

"Kiss mo 'ko." Mabilis niyang tugon.

"Ha?"

"Halikan mo 'ko o hagkan mo 'ko. Kahit 'yon lang pambawi sa isang linggo na dapat ako ang kasa-kasama mo."

Mga nakaw na sandali ang peg nila ng mga oras na 'yon at mukhang walang balak talaga itong gawin ang munti niyang kahilingan.

"Okay fine. Kahit 'wag na lang. Ayos na sa 'kin na sinabi mo sa 'kin ang dahilan. 'Yon lang naman ang gusto kong malaman mula sa 'yo. At next time, 'wag mo na uli 'yon gagawin at pakisabi na rin kay Lolita na kapag sinolo ka na naman niya na hindi ako papakabog sa kanya. Hangga't hindi pa kayo kinakasal ako pa rin ang kasintahan mo at gagawa ako ng paraan para pigilan 'yang kasal niyo. Just give me time to think. " She sighed. "Sige na, aalis na 'ko. Baka mamaya may makakita pa sa atin. Magsumbong na naman sila sa kay Lolita at baka mamaya sugurin na naman niya 'ko sa tinutuluyan ko."

Nagsimula na siyang kumilos sa kanyang kinatatayuan at maglakad palayo rito. Subalit huminto rin siya sa kanyang paglalakad nang maramdaman niya ang pagpigil ng kamay nito sa braso niya. Napapihit tuloy siya paharap dito and did not expect his next action.

He gently grabbed her nape.

Pulled her to him. Closing the space between them.

And he kissed her on her lips.

Nagwala uli ang bawat neurons sa utak niya. Nawindang na naman siya sa ginawa nito.

At dahil isang linggo ang ninakaw sa kanya ni Lolita, sasamantalahin na niya ang moment na 'yon at kinawit niya ang mga braso niya sa leeg nito bago niya tugunin ang halik nito.

My gosh! 'Yong puso niya, ang bilis na naman ng tibok at walang ibang chini-cheer kundi pangalan ni Lucas!

Si Lucas ang tumapos sa kiss nila.

"Hindi ka na ba galit?" He said lovingly looking at her.

"Konti na lang-hep!"

Hinarang na ni Choleng ang isa niyang hintuturo sa labi nito nang akmang hahalikan uli siya.

"Magtipid tayo. Meron pa namang next time. Okay na 'ko." Inalis na niya ang hintuturo niya sa labu nito at nasilayan niya ang maganda nitong ngiti.

"Mabuti naman. Ayaw kong magkaaway na naman uli tayo." Anito na tila nabunutan ng tinik sa dibdib.

"Pero may sasabihin pa ako sa 'yo."

"Akala ko ba hindi ka na galit?"

"Hindi na nga pero iba naman itong sasabihin ko sa 'yo."

"Tungkol saan?"

"Naaalala mo pa ba ang huli kong sinabi sa 'yo na may napanaginipan akong binaril na Gobernador-Heneral?"

"Oo." Sinabayan nito ng marahang tango. "Bakit? Napanaginipan mo ba uli?"

Seryoso siyang tumango. "Oo at kilala ko na kung sino siya."

"Sino?"

Bumuntong hininga muna si Choleng. Nang mahanap ang lakas ng loob ay saka siya nagsalita at tuwirang tiningnan si Lucas.

"Ikaw."

Ipinaskil: January 14, 2018

Continue Reading

You'll Also Like

5.1M 58K 106
Kanina may nakita akong DYOSA~ Nung nilapitan ko Naumpog ako.... - Shuteng inerns SALAMIN LANG PALA! - #DyosaProblems #LoveProblems #InCrushProblems...
3.5K 86 65
Book 2 of Hey, My love When Rein already let go his feelings towards Uno, is she ready to love again? Is she ready to open his heart to someone again...
M By Maxine Lat

Historical Fiction

6.6M 294K 17
#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical viole...
440K 12.6K 68
Editing || Not your typical "best-friend-turns-to-lover" love story. ;)