MY LUKE

By crunchh

159K 4K 442

Namana ni Maureen Cassidy Solanor ang sumpa ng pamilya ng kanyang ina kaya nakikita niya ang hinaharap sa pam... More

Chapter 1: L.A.T
Chapter 2: Cassidy
Chapter 3: Model
Chapter 4: Call me
Chapter 5: Why so kind?
Chapter 6: Offer
Chapter 7: Loyalty
Chapter 8: Dreams
Chapter 9: As a woman
Chapter 10: L.A
Chapter 12: Lights... camera, action!
Chapter 13: Jealous
Chapter 14: My Luke
Chapter 15: Frustrations
Chapter 16: Bagay sila
Chapter 17 to Chapter 19
Chapter 20: Okay now
Chapter 21: Forever exist
Chapter 22: Queen
Chapter 23: Bangungot (Last 2 chapters to go)
Chapter 24: Goodbye?
Epilogue (The last chapter)

Chapter 11: Nothing special

5.4K 155 8
By crunchh

Nakasimangot na umalis si Luke nang sumama ako kay Lyndon. Hindi ko naman sinasadya na masaktan siya. Inisip ko na lang na baka kailangan niyang bumalik sa trabaho dahil panay ang tawag sa kanya kanina. Isa pa, babalik din talaga si Lyndon sa school dahil may klase rin sya katulad ko.

Habang nagkaklase ay panay ang tingin ko sa aking cellphone. Aish! Bakit ba nagu-guilty ako?! Wala naman akong ginagawang masama ah? Ginawa ko lang ang sa kung ano ang tama.

Pero... dapat bang i-text ko sya?

“Ms. Solanor! You're not paying attention to my class!” Lumapit sakin ang professor namin sa subject na ito. Ang buong atensyon ng klase ay nasa akin. Nakakahiya!

“S-sorry, ma'am.” Naku naman! Galit na galit sya sakin!

“Ibigay mo sakin ang cellphone mo. Kunin mo ito sakin mamaya, hanapin mo na lang ako sa department.”

Wala akong nagawa kundi ibigay sa kanya ang cellphone ko. Siguardong pag-iinitan pa ako nito sa mga susunod na araw.

Psh! Naging model lang, akala mo kung sino na. Buti nga sa kanya.”

Oo nga. Nakakainis talaga sya.”

Narinig ko ang mga kaklase ko na nag-uusap sa likod. Napabuntong-hininga na lang ako. Alam ko naman na hindi lahat ng tao ay ma-pi-please mo. Hindi ko na lang sila pinansin dahil hanggang salita lang naman sila.

Nang matapos ang klase ay dumiretso na agad ako sa department para kunin yung cellphone ko. Hinanap ko sa admin doon kung si ma'am pero nakaalis na daw sya.

“Ha? Paano po yan eh nasa kanya po ang cellphone ko?”

“Kunin mo na lang ulit sa kanya bukas. Baka nakalimutan lang nya.”

Nakakainis naman si ma'am! Kinalimutan nyang nasa kanya yung cellphone ko. Buti na lang at nakita ko sina Jane at Cha na mukhang papunta na sa parking lot. Tinawag ko sila.

“Mau! Kanina ka pa namin tinatawagan pero hindi ka ma-contact! Anong bang nangyari sayo?” Cha.

“Oo nga. Mag-ce-celebrate kami mamaya sa bar ni Cha. Sama ka ha? Kaya nga tinatawagan ka namin eh. Mabuti na lang tinawag mo kami!” Jane.

“Dala ko ang kotse ko ngayon. Hatid ka na namin sa apartment mo!” Cha.

“Congratulations, Jane! Sorry kung hindi nyo ako ma-contact. Na-confiscate kasi ng isa sa professors ko yung cellphone ko eh. Bukas ko pa makukuha kasi umalis na sya.”

“Salamat! Pero teka, text ka ata ng text sa klase mo ha? Sinong ka-text mo?” May panunuya sa ma titig nila.

“Wala! Tinitingnan ko lang yung cellphone ko.”

“Ayiiiieeee! May inaabangan kang tumawag o mag-text?”

Bago pa magsunod-sunod ang pang-aasar nila sa akin ay may taong kumulbit sakin sa balikat kaya napalingon ako. Bumungad sa akin ang cute na mukha ni Lyndon tapos nakangiti pa sya.

“Hello, Maureen! Uuwi ka na? Sabay ka na sa akin? Hindi umattend yung professor namin sa last subject kaya maaga kaming pinauwi eh.”

Nanlaki ang dalawang mata nina Jane at Cha dahil kay Lyndon. Siguradong may mga iniisip na sila sa amin.

“OMG! Sino sya?!” Jane.

“May boylet ka na, Mau?! Bakit hindi namin alam?!” Cha.

“Teka nga! Bago kayo mag-react, hindi ko sya boylet. Kaibigan ko sya. Lyndon, mga kaibigan ko nga pala... si Cha at si Jane. At kayong dalawa, sya si Lyndon. Kaibigan ko sya. Kaibigan okay?”

“Ikaw yung nanalong vice-president ng CBA 'di ba? Congrats! Binoto kita!” sabi ni Lyndon kay Jane.

“Salamat! Ayos pala ang new friend mo, Mau ha?”

“Alam ko na! Gusto mo bang sumama mamaya samin? May celebration ng pagkapanalo ni Jane sa bar. Tristan's tayo?”

“Sure! Game ako dyan!”

Nine o'clock daw nila ako susunduin sa bahay. Si Lyndon naman ay didiretso na sa Tristan's bar at doon na lang kami hihintayin. Nagpahinga muna ako sa apartment. Pagkatapos ay nag-ayos na ako at nagsuot ng simpleng maong shorts. Ginandahan ko na lang ang aking damit dahil siguradong bongga ang suot nina Jane mamaya. Ayaw ko naman magkaroon ng katakot-takot na sermon sa dalawa kapag nakita na naman nilang hindi maganda ang aking damit.

May bumusina na sa labas kaya isinuot ko na ang heels ko. Nang buksan ko ang gate ay hindi kotse ni Cha kundi isang pamilyar na sasakyan... parang... Teka, kay Luke yan ah?

And there I saw him getting out of his car. Hindi ko mapigilan mapatingin sa buong detalye ng kanyang mukha. Lord, bakit po ang perpekto ng pagkakagawa nyo sa mukha nya? Napatingin ako sa kanyang damit. Damn it, Maureen Cassidy!!! Keep Calm, okay? Just keep calm.

Pero bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko? Naiisip ko na naman ang katawan nya noong unang beses na nag-photo shoot kami sa studio. Naalala ko ang jaw dropping abs niya at kung paano naglapat ang mga katawan namin nang panahon na iyon.

“Hi.” Ang ganda ng boses! Bakit simpleng bati nya lang ay parang nang-aakit sa pandinig ko?! I seriously need help!

“Hello.” Ngumiti ako sa kanya pero agad din iyong nawala nang may ma-realize ako. “Wait! Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?!”

Nagkibit balikat siya at ngumiti.

“Paano nga?”

“It's a secret, Cassidy. Hm... Let's go?”

“Let's go where?”

“Tristan's bar?”

“Wait! Stalker ka na ngayon? Paano mo nalaman na doon ako pupunta? Pati nasaan ba sina Jane at Cha? Sabi nila, sila ang pupunta sa akin! Hay! Kung nasa akin lang sana ang cellphone ko ngayon!” Tumawa siya kaya may na-realize na naman ako.

“Don't tell me sina Jane at Cha ang may pakana nito?!” Nag-nod siya at ngumiti kaya napa-roll eyes ako.

“Hindi ko napigilan kaya sumunod ako sa school mo kanina. Nakita ko sila kaya itinanong kita sa kanila. Fortunately, they are your friends and...”

“And?”

“And... sila lang ata ang taong nakilala ako habang nakasuot ako ng pang-disguise ko?”

Humagalpak ako sa tawa. Kakaiba talaga sina Cha! Malakas talaga ang mga sense nila pagdating sa mga ganung bagay. Ang nakakaloko lang ay plinano na pala nila ang lahat ng ito kanina pa lang.

Sumakay ako sa kanyang sasakyan. Naamoy ko na naman ang amoy ni Luke nang dahil dito. Nakakaakit ang kanyang amoy. Habang nasa byahe kami ay napansin kong panay ang tingin niya sa akin.

“I got mad. I hate it when you're around other boys, Cassidy. I didn't like your friend. It's obvious he is hitting on you.” Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko alam ang isasagot. Nakatingin lang ako sa kanya na pabaling-baling ang tingin sa akin at sa daan. “But I realized I can't stay mad so I followed you again. Tell me you don't like that guy.”

Ang bilis ng pintig ng puso ko. Nagseselos ba siya? Totoo ba talaga ang mga sinabi niyang gusto nya ako? Ayokong maniwala pero natutuwa ako sa mga naririnig ko. Ang sarap sa tenga ng mga sinabi niya. Siguro ay hindi ko na lang sasabihin sa kanya na ngayong araw ko lang nakilala si Lyndon. Natatakot din kasi ako na magbago ang tingin nya sakin. Baka isipin pa nya na ang bilis ko sumama sa isang taong hindi ko pa lubos kilala.

Magaan lang talaga ang loob ko kay Lyndon. Sa buong buhay ko ay hindi pa ako nagkakaroon ng kaibigan na lalaki. Hm... hindi pala. Isang beses ay nagkaroon ako ng lalaking kaibigan pero napakabata ko pa noon. Sayang lang at hindi ko nasabi sa kanya na kaibigan ang turing ko sa kanya noon dahil parati ko siyang iniinis.

“Kaibigan ko lang siya.” Tahimik lang sya. “Luke...” Plano ko sana itanong sa kanya kung totoo bang gusto nya ako. Na sana hindi nya ako planong paglaruan lang pero tumigil na ang sasakyan. Nasa tapat na pala kami ng Tristan's bar.

“We're here.”

Hindi ako malimit pumunta sa mga bars pero ang sabi ni Cha ay hindi raw madaming tao kapag hindi Friday at Saturday pero bakit parang ang daming magagarang sasakyan ang nakagarahe sa bar na ito? May event kaya? At ngayon na naisip kong madaming tao, paano na lang kung makit si Luke?

“Paano kung makita ka nila? Hindi mo suot ang hood at salamin mo ngayon?”

Ngumiti siya at hinaplos ang aking mukha. “I'm glad you're concern about me. Don't worry because I know the owner of this bar and the people inside. Nobody can leak what's happening in the party.”

“So may party nga?”

“Yes. It's actually just for fun. There are celebrities and models inside. Actually, I'm the one who invited you're friends here. Narinig ko kasi silang naghahanap ng place na pwedeng mag-celebrate ng pagkapanalo ng friend mo sa eleksyon so naisip ko na sumama na lang kayo sakin since siguradong mabo-bored lang ako.”

“Naku! Kaya naman pala kumagat sila! Gusto kasi nila ang mga artista. Baka sa mga oras na ito, madami na silang naka-selfie na artista.”

Nang pumasok kami sa loob ay naabutan nga namin sina Cha na masayang kinukuhanan ng pictures ang ibang tao. Masaya rin si Luke hanggang sa naabutan nang kanyang mga paningin si Lyndon. Sumimangot siya at bumulong sa akin.

“What is he doin' here?” mariin na bulong niya. Nakalimutan ko na kasama nga pala si Lyndon!

“Uh... yung mga ininvite mo kasing kaibigan ko, ininvite din siya. Hindi ko naman alam na party pala talaga ito. Don't worry, hindi ka nya kilala. Sigurado akong ang alam nya ay magkaiba kayong tao ni L.A”

“But that's not it... hay. Okay. I just... don't like him here.” Hindi ko na narinig yung mga huli niyang sinabi dahil nagsigawan ang mga tao.

“Ano yun?”

“Nothing.” Naglakad na siya patungo sa table nina Jane. Pinagkaguluhan siya ng mga kaibigan ko.

“Hi Luke! Thank you sa pag-invite! Ang saya dito! Teka, tanda mo pa ba ako ha? Ako si Cha! Tandaan mo ang pangalan ko ha?”

“Ako naman si Jane! Huwag mo din akong kalimutan ha? Ay, ang saya talaga dito!”

Nang mapansin nila ako ay agad silang tumikom ang bibig.

“Alam ko na ang lahat kaya huwag na kayo umarte dyan. Plinano nyo ito!” sabi ko sa kanila.

“Sorry na! Pati mabait naman si Luke eh. Biruin mong nakasama tayo sa ganitong party? Wow!” Cha. Umiling na lang ako. Binati ako ni Lyndon.

“Hi Maureen! Mabuti nandito ka na!” masayang sabi nya.

“Kanina ka pa nyan hinihintay.” Makahulugang ngumiti si Jane sa akin. Pagkatapos ay tumingin siya kay Luke. Naku! May binabalak ang mga ito sakin!

“Ganun ba? Matagal ba kami?” Nang sinabi kong kami ay saka pa siya napatingin sa katabi ko. Nagulat pa siya nang makita si Luke.

“Woah! Si Luke? Close pala kayo nyan? Hello, pare!” Hindi sumagot si Luke kaya siniko ko sya.

“Yo,” walang ganang sabi ni Luke na halatang napilitan dahil ko. Nagtawanan naman sina Jane at Cha kaya sinamaan ko sila ng tingin.

“Nasaan pala yung isa mo pang kaibigan, Maureen? Yung si L.A? Sana sinama mo sya. Mukhang idol pa naman nun itong si Luke eh.” Tumawa si Lyndon. Feeling ko ay naalala niya yung sinabi ni Luke kanina sa restaurant na mas gwapo siya kaysa kay Lyndon.

Napakunot sina Jane at Cha dahil hindi nila kilala si L.A. Sumenyas na lang ako sa kanila na manahimik. Saka ko na lang siguro sasabihin sa kanila ang mga nangyari.

May mga lumapit sa amin na kakilala ni Luke. Sikat talaga siya. Ang daming nag-iiimbita sa kanya na magsayaw pero hindi siya umaalis sa table namin. Sina Jane naman ay nagsasayaw na naman sa dance floor. Medyo nakainom na sila. Isang vodka pa lang ang iniinom ko at pinapanatili na hanggang doon lang iyon. Ayokong malasing.

“Hey... don't drink too much, 'kay?” bulong sakin ni Luke.

“Maureen! Sayaw naman tayo!” Hinawakan ni Lyndon ang braso ko pero hinawakan ni Luke ang kamay nito.

“She's not going anywhere.”

“Pero okay lang naman sayo 'di ba?” tanong sakin ni Lyndon.

“Hm... sorry Lyndon. Hindi ko kasi gustong sumayaw. I'm okay here.” Mukha siyang nalungkot hanggang sa may babaeng dumikit sa kanya at niyaya siyang sumayaw. Halata sa mukha niya na ayaw niya pero wala siyang nagawa. Chineer ko na lang sya.

“Yo, Maureen!” Nagulat ako nang makita si Lloyd na nandito rin sa party.

“Anong ginagawa mo dito?” Luke.

“Chill! Hindi ikaw ang ipinunta ko dito kundi si Maureen. I just want to say hello to her.”

“Nandito ka rin pala, sabi ko. Ngumisi siya.

“Yeah. A friend invited me. I didn't expect you'll be here... and with him,” sabay tingin niya kay Luke na makahulugang nakangiti. Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. “Hindi mo pa rin ako tinatawag. Didn't like working with me?”

Hindi ako interesado maging extra at lalong-lalo na isa sa mga magiging gaganap na babae niyia sa kanyang movie. Hindi na lang ako sumagot.

Naghiyawan ang mga tao.

“Someone's here. You're in trouble, Luke Anthony Trias.” Humalakhak si Lloyd tapos tumingin sakin. Pagkatapos ay tumingin din siya sa isang babaeng nakasuot ng kulay pula. Ang halos lahat ng mga tao ay nakatingin sa kanya. Napakaganda niya na para siyang anghel. Kilala ko siya. Siya si Jasmine Du. Ang ganda pala nya sa personal.

“Luke! You're here! I've been calling you but it looks like you're busy. Itatanong ko sana kung pupunta ka rin dito. Luckily, you're here,” sabi ni Jasmine. Pero hindi lang basta sinabi dahil sinabi nya iyon habang nakayakap. Yes, nakayakap! Para akong natigilan. Hindi ko alam kung paano magre-react so I looked away. I didn't know I can be hurt by that.

“I'm busy.”

“I know... I know... That's why hindi na kita kinulit pa. Lets have a drink? I missed you! I heard from Sachi you ditched your shooting earlier. Nagkaroon ka ba ng problema? Hinahanap ka raw ng mga staffs pati ni Direk Choi.”

“Sorry Jasmine... I don't have time for that. Isa pa, may kasama ako.” Hinawakan ni Luke ang braso ko at inilapit sa kanya. Napasipol naman si Lloyd. “I'm with Maureen.”

“Who is she?” Kitang-kita ko ang pagtingin ni Jasmine sakin mula ulo hanggang paa. “Oh, never mind. She's nothing special! So let's go, Luke? We'll have a good time!”

What. The. Hell. Sinabi ba talaga nyang She's nothing special? I think I'm in trouble here. I need to get out of here!

==

Author's Note:

Thank you for reading this story. :) 

-Crunchh

Continue Reading

You'll Also Like

106K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
1.1K 245 43
Lucifer, the most powerful and beautiful angel, cast out of heaven and became the ruler of hell. He became the devil and hated by almost everyone, bu...
12.8K 367 28
"I love to hear lies when i already know the truth" - Sierra Lexine Carter Ragucci
226K 14.7K 74
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...