Space Between the LINES (girl...

By fuza_1010

225K 6.6K 3.3K

akala natin sa bawat desisyon na ating ginawa ay matatakasan natin ang kahapon, ang nakaraan, ang sakit at an... More

Author's Note - Pls. Read this first :)
Prologue
I
I I
I I I
I V
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
Author's Note
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII (Paalam)
XIX
XX
XXI
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
--ESPACIO ENTRE LAS LÍNEAS--
Author's Note
--EPILOGUE--
BONUS Chapter

XXII

3.6K 119 79
By fuza_1010

Cathy P.O.V.



"Happy Birthday Desiree!" ang sigaw ng lahat dito sa aming condo. 

Birthday ni Desi ngayon, tamang tama at natapat ng sabado, half day lang sila desi at frenzy, pati sila ate jossie at kuya mike, hindi naman ako pumasok kahit may pasok ako, kaarawan ng girlfriend ko, i shouldn't missed this day,

kanya kanyang batian ang mga bisita kay desi pagkatapos namin syang kantahan ng happy birthday song at iblow ang candle ng cake na ako na rin ang bumili kaninang tanghali.

"salamat guys sa pagpunta!" ang sabi ni desi sa piling bisita na dumating.

hindi naman na kami nag-invite ng marami, or rather hindi sya nag-invite ng mga kaibigan, tanging si claire, si frenzy, ate jossie, kuya mike at ako lang naman ang nandito sa unit namin. 

ako na rin ang nagluto ng ilang putahe na kakainin namin. si ate jossie ang gumawa ng buko pandan samantalang bumili si kuya mike ng ice cream-- mango flavor which is ito ang favorite ni desi.

"sus, paanong hindi ako pupunta eh kasama kita sa office, saka etong si claire, dyan lang ang trabaho isang sakay lang" ang natatawang sabi ni frenzy.

"asan si anne?" ang tanong ni ate jossie.. "bakit hindi mo sinama, tagal na rin namin hindi sya nakikita ah?" ang patuloy na sabi ni ate jossie.

bigla na lang nawalan ng imik si frenzy at napatingin kay claire at desi. panakaw na tumingin sya sa akin ngunit agad din naman itong binawi, natatakot siguro na mabasa ko sa kanyang mata ang nasa loob nito.

"naku ate, wag mo ng hanapin ang wala, sabado ngayon baka maraming tanggap yung tao" ang sabi na lang ni desi.

"hapon naman na ah" ang sabi ni ate jossie na parang nagtataka na rin.

"tara na, wag nyo na yan problemahin, dalhan mo na lang ng food frenzy mamaya kung may matitira pa" ang pagputol ni kuya mike sa aming pag-uusap.

nagsitanguan na lang sila claire at frenzy habang si desi ay busy na sa kanyang phone, wari'y may tinetext.

"may darating pa ba?" ang bigla kong tanong na nakatingin ng deretso kay desi.

umupo na ang lahat sa harap ng lamesa at kanya kanya ng kuha ng kanilang pagkain.

tumingin sa akin si desi na parang nag-aalangan ang mga mata nito.

tumingin din si frenzy kay desi na parang nagtataka na rin.

"ah o-oo, si mica" ang nag-aalangan na sabi ni desi ngunit hindi makatingin sa aking mata ng deretso.

"sinong mica?" ang tanong ni frenzy na parang ngayon lang nya narinig ang pangalang iyon. 

habang busy sila claire, ate jossie at kuya mike sa pagkwe-kwentuhan para naman wala akong naririnig na ibang boses sa akin paligid kundi ang boses ni frenzy na katabi ni desi habang katapat ko si desi na parang hindi na mapakali.

"hindi ko ba naikwento sa'yo?" ang kunwaring tanong ni desi kay frenzy, tumingin ito sa akin sandali at ibinalik na ulit kay frenzy ang mga mata.

"hmmm, wala akong natatandaan" ang parang nag-iisip na sagot ni frenzy at napakunot pa bahagya ang kanyang noo.

napahinto na rin si claire sa pagkain nya habang sila ate jossie at kuya mike ay nagpunta sa sala para duon kumain habang nanunuod ng movie.

"sino?" ang tanong ni claire.

halos sabay-sabay kaming tatlo na tumingin kay claire, tumingin ako kay desi at tumingin din ako kay frenzy na ngayon ay nakatingin sa akin, ngunit ng nagtama ang aming paningin, ibinalik nya ang tingin nya kay desi.

magsasalita na sana si desi ng biglang tumunog ang doorbell. nakita kong tumingin sa akin sina claire at frenzy habang si desi naman ay biglang tumayo upang pumunta sa main door ng condo.

"sino daw yun?" ang bulong ni claire kay frenzy na halos dinig ko naman dahil katabi ko sya.

"mica daw eh" ang kibit balikat na sagot ni frenzy at tumingin ulit sa akin kasabay ng pagsubo ng kanyang pagkain.

"kilala mo?" ang tanong sa akin ni claire.

"hindi" ang matipid ko lang na sagot.

bigla akong nanlamig sa mga oras na'yon, pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig sa ulo. nanginginig ang aking mga kamay habang hawak ang kutsara at tinidor, walang humpay ang pagkabog ng aking dibdib.

"okay ka lang ba cathy?" ang tanong sa akin ni frenzy at hinawakan nito ang aking braso.

napatingin ako sa kamay nya na nakahawak sa akin, malamig ito, nakita ko ang pangingilabot ng aking balahibo sa bahagi ng aking braso na kanyang hawak.

tumango lang ako dito at pinipilit kong ngumiti na hindi mahahalata ang aking kaba. hindi ko mawarian ang aking pakiramdam, para akong bulkan na nag-iipon lang sa kaloob-looban ko.

"pasok" ang narinig kong sabi ni desi 

nagsilingunan sila frenzy at claire sa gawi ni desi na ngayon ay naglalakad pabalik sa table at nasa likod nito ang isang babae.

dahan-dahan akong lumingon sa kanila at nakita kong malapit na ito sa pwesto namin.

"guys, si mica.. michaela alvarez" ang pakilala ni desi sa babaeng nakatayo sa tabi nya.

pinagmasdan ko itong mabuti, hindi sila nagkakalayo ng tangkad ni desi, bagsak ang lagpas balikat at maitim na buhok, may salamin din ito sa mata, may retainer din ang kanyang pantay na pantay at mapuputing mga ipin. may kaputian ito kesa sa kay desi, mukhang may kaya sa buhay ang kanyang tindig at pananamit.

"uy cathy, hello daw!" ang sabi ni claire sa akin. naipakilala na pala ni desi sa iba si mica pati kina ate jossie at kuya mike na kumaway lang sa pwesto namin at tumango.

"ikaw pala si cathy, madalas ka ikwento ni desi sa akin" ang sabi ni mica na nakangiti, nawawala ang mga mata nito kapag ngumingiti sya.

"oo di ba, nakita mo na sya one time nung nagchat tayo" ang nakangiting sabi ni desi. wala sa mukha niya ang pangamba bagkus ay mukhang masaya pa ito ng dumating si mica.

"eto plate mo, tara kain ka na, pasensya ka na sa condo namin, hindi ito kalakihan" ang sabi ni desi habang inaabot ang plate na binigay nya kay mica.

"sus, okay lang, at least may condo, kami bahay lang... kubo pa" ang nakangiting sabi ni mica 

"sus, kubo ba yun, may internet?" ang natawa namang sabi ni desi

"wala ah, free data lang lagi damit ko" ang pacute naman na sabi ni mica

"wow, pati laptop may free data na rin?" ang natawang sabi ni desi.

nagkatawanan silang dalawa, habang kaming tatlo nila claire, frenzy at ako ay nakatingin lang sa kanilang dalawa na para bang sila lang ang tao sa mundo.

siniko ako ni claire at tumingin sa akin, wari'y parang gustong magtanong.

kumunot naman ang noo ko at itinuon ko na lang ang aking atensyon sa plato kong puno ng pagkain na hindi ko na alam kung mauubos ko pa ba ito. bigla kasi akong nawalan ng gana.

ilang sandali pa ay may naramdaman akong bahagyang sumipa sa akin paa, sinilip ko ito at nakita ko ang paa ni frenzy.

tumingin ako sa kanya, nakita ko sa kanyang mata ang tanong na "sino sya?" 

kinuha ko ang aking phone na nasa gilid ng aking plato at tinext ko si frenzy na nasa harapan ko.



"sya na lang tanungin mo, hindi ko rin sya kilala personally eh :(" - cathy

"oh, i see.. wala rin kasi kinukwento si desi about her eh" - frenzy

"nabanggit lang nya sa akin nung nakita kong magkavideo call silang dalwa" - cathy

"ah okay, sige ask ko na lang si desi about her.. pero are you okay, mukhang balisa ka?" - frenzy

"i'm good.. don't worry" - cathy

"uy, magkaharap na kayo, nagtetext pa rin kayo, ano yan?" ang pabulong na tanong ni claire sa aming dalawa ni frenzy.

tumingin kami ng sabay ni frenzy kay claire at halos sabay din naming binaba ang phone na hawak namin.

"did i missed something here?" ang nakangiting tanong ni desi sa aming tatlo.

"hmm, baka kami ang nakamissed-out dito?" ang naka smirk na tanong ni claire kay desi.

batid ko na ang tinutukoy nya ay si mica na hindi man lang nya naikwento sa amin, at heto sya ngayon kaharap namin.

"sus, kain na nga lang tayo, tara mica dito ka na lang umupo" ang sabi ni desi na itinuro ang bakanteng upuan na nasa gilid nya.

halos si claire, desi at mica lang ang madalas magsalita sa aming lima, si frenzy ay panaka-nakang nagtatanong pero madalang din itong magsalita. 

ako naman ay nagmamatyag lang din sa kilos ni desi at sa mga gesture nya habang kausap si mica. minsan ay sumasagot ako kapag naisipan nilang tanungin ako, pero halos sa buong session ng kainan, sila lang ang nag-uusap.

"so pa'no, it's getting late na, uwi pa kami sa amin dahil feeding program bukas" ang paalam ni frenzy sa amin ni desi. 

pumasok na kasi sila ate jossie at kuya mike sa kanilang room after nilang kumain. si mica naman ay andito pa rin sa condo. wala yatang balak umuwi sa kanila.

"sige, ingat na lang kayo sa byahe.. salamat sa pagpunta, at iregards mo na lang ako kita tatay at nanay frenzy" ang nakangiting sabi ni desi.

"sure, happy birthday ulit sa'yo toyo" ang natatawang sabi ni frenzy

"ikaw, humanda ka sa monday sa akin!" ang dagdag pa nito at binatukan pa ng bahagya si desi.

"ano?" ang parang nagmamaang-maangan na tanong ni desi.

"wala.. tara na claire" ang nagpaalam na ito, kumaway lang si frenzy sa akin pero ang tingin nito ay parang nagsasabing.. "okay lang yan cathy" .

"ikaw mica, what time ka uuwi?.. laguna ka pa di ba, medyo late na" ang tanong ko habang pabalik kami sa table upang magligpit ng mga pinagkainan namin.

"ah, maya maya na, susunduin ako ng pinsan kong si cyrill, sa kanila muna ko stay." ang sagot ni mica.

"saan sya nakatira?.. bakit gabi na ikaw susunduin?" ang tanong ko

"nagdate sila ng boyfriend nyang si patrick, after movie dito na sila deretso, sinabi ko na yung address sa kanila kanina" ang sagot naman ni mica.

"okay" ang sagot ko at nagsimula na'kong maglinis ng table.

"cathy, dun muna kami sa sala ah, birthday ko naman, ikaw na bahala dyan" ang nagpapacute na sabi ni desi sa akin. at tumango lang ako.

nagligpit ako ng table at ng aming kinainan habang si desi at mica ay masayang nag-uusap sa sala namin. parang ang dami nilang kwento sa isa't-isa.. hindi nauubusan ng sasabihin si mica at eto namang si desi ay parang interesadong interesado sa lahat ng sinasabi ni mica.

ilang saglit pa ay natapos ko na ang ligpitin, papunta na sana ako sa sala para makisali sa kanila ng biglang tumayo na sila desi at mica.

"nasa baba na sila cyrill daw," ang sabi ni desi

"oh, sayang, gusto ko pa naman sanang sumali sa inyo," ang pilit kong tawang sabi ko.

"next time, labas tayong tatlo" ang nakangiting sabi ni mica..

"tambay tayo, kwentuhan lang.. bonding" ang dagdag pa nito

"sige ba" ang sagot ko na lang, pero sa isip isip ko, at "talagang may susunod pang bonding?"

"uwi na'ko cathy, nice meeting you and sila frenzy din" ang paalam ni mica at nagbeso ito sa akin.

'ano ito, halik ba'to ni hudas?'

"ingat ka na lang pauwi, kayo ng pinsan mo" ang nabanggit ko na lang dito.

"hatid na kita sa baba" ang offer ni desi sabay lakad palabas ng unit namin.

"sama ko?" ang sabi ko

"hindi na, saglit lang naman ako, pahinga ka na lang, pagod ka sa pagliligpit" ang seryosong sagot ni desi sa akin.

magsasalita pa sana ako pero naglakad na sila papunta sa elevator ng condominium.

napailing na lang ako habang tanaw silang naglalakad palayo. nakaramdam ako ng konting kirot sa aking puso.

bakit parang may kirot sa puso ko ang tanawin na magkasabay silang dalawa, bakit parang nakaramdam ako ng biglang takot sa aking puso.

kinapa ko ang aking dibdib at ramdam ng aking kamay ang mabilis na pagtibok nito na parang may mumunting tumutusok dito.

bumalik ako sa loob ng unit namin, naglakad patungo sa room namin ni desi, bigla akong nakaramdam ng emptyness sa sarili ko. 

bakit ganun?, bakit parang may something kay mica na hindi ko mawarian kung ano. bakit ganito ang pakiramdam ko? bakit may takot? bakit may pangamba?, alam kong mahal ko si desi, at mahal nya ako... --- mahal pa rin kaya nya ako?. 

























Continue Reading

You'll Also Like

331K 12.3K 163
"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk o...
28.5M 854K 79
Every embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book...
3M 130K 21
(Yours Series # 2) Julienne Salvacion definitely didn't think that she'd reach the age of 32 and still be unmarried. She was sure that she'd, at leas...
27.3K 770 23
ser·en·dip·i·ty /serənˈdipədē/ the occurrence and development of events by chance in a happy or beneficial way. "a fortunate stroke of serendipity" s...