CHAPTER 28
ELLE'S POV
Kinabukasan. Umalis ng mas maaga si Dylan. So iniiwasan niya ako ganun?!
Pag dating ko naman sa school wala din siya! Asan siya? Tinataguan niya ba ako? Ang childish naman niya!
"Elle!"
Paglingon ko sina Avan pala! Nangulit lang sila tapos inaya ako kumain. Sagot daw nila!
"Asan si Chase? Bakit hindi ko ata nakikita?"
Avan- Si Chase ang hinanap. Ouch.
Liam- Sakit ba pre?
Ethan- Nagtanong ka na ba kay Elle kung pwede kang manligaw?
Josh- Oo nga naman!
(_ _") Oo. Nagtanong na siya. Mga..
"Oo! 12 beses na nga eh! Si Elle palang gumagawa sa akin nito."
Tapos lahat sila tumingin sa akin at tumungo na lang ako.
Liam- Humanap ka na lang ng iba!!
Avan- Madaling sabihin sayo playboy ka eh!
Ethan- Ibig mong sabihin tinamaan ka talaga kay Elle?!
Josh- Di ba obvious? Lagi hinahanap. Lagi tinetext. Lagi tinatawagan. Bukambibig. Laging iniisip. May kulang pa ba?
-___- Nu ba tong mga to! Dito pa talaga sa harap ko nagheart to heart ah?? Speaking of text.. Hindi nirereplyan ni Dylan mga text ko ah! Anong problema nun?!
Maya maya..
O____O
"Chase?!?"
"SMP!!!!!!!!!!!!!!!"
Tapos tumakbo siya at yumakap sa amin. Ano ba yun?! Batang isip talaga si Chase! Pero ang nakakagulat..
"Girlfriend ko nga pala! Si Micah. ^___^"
Kaming lahat- ANO?!? MAY GIRLFRIEND KA NA?!
Umupo sila ni Micah sa tabi ni Josh na kasalukuyang kumakain..
"Oo. ^___^ Ganda niya noh? Love ko yan!!"
Sabay kurot sa pisngi ni Micaah. Woah Goosebumps sa sobrang kacheesyhan!
Kaso lahat kami isa lang ang tanong..
"PAANO?!?"
"^___^ Umm. Nakilala ko siya sa Park. Umiiyak siya noon. Binigyan ko ng ice cream tapos nginitian niya ako. Pagngiti niya nacute-an agad ako kaya tinanong ko kung pwede ko siya maging girlfriend."
"TAPOS?!?" --Lahat.
"Ayun. Girlfriend ko na siya!"
"KELAN PA?!?" --Lahat.
"Kahapon lang."
"ANO?!? KAHAPON?!?" --Lahat.
"Grabe naman kayo! Wag niyo sigawan si Micah ko baka mabingi hindi na makita ang kagwapuhan ko."
TOINKS. (_ _) Muntik na ata ako mahulog sa upuan ko dahil sa sinabi ni Chase! Ang baby ng grupo?! May girlfriend na?!
"Elle! Kelan mo ba ako sasagutin ha?! Naunahan pa ako nitong si Chase." --Avan.
Hayan na! Napressure na ang leader! Paano ba kita sasagutin eh ang crush ko nga eh si Yohann?!
Liam- Sakit sa pride pre. Ako playboy dito ah?! Itong si bugoy pa nakauna!
Ethan- Traydor ka sa samahan Chase.
Chase- ANO?!? Bakit??!?!?! T_T
Micah- Wag kang umiyak Bebe ko.
Lahat- BEBE KO?!?!?
Natatawa ako. Kasi ang lakas ng boses naming lahat at lahat ng nasa canteen nakatingin na sa amin.
Josh- Chase. SMP nga dapat tayo. Tapos may chicks ka?! Akala ko ba all for one?!
Chase- Kaya nga lima tayo eh ^___^ Kayong apat na lang sa all FOUR one!
(_ _") JUSKOOO. Ano ba namang hirit yun ni Chase! Pero wag ka. Hindi siya nagjojoke nun. Seryoso siya! Ganun lang talga si Chase!!
"Hay naku. Maging masaya na nga lang tayo para kay Chase and Micah!"
"Elle kasi sagutin mo na ako!"
"Avan! Pang 14th na yan! Sagutin agad e di nga kita pinapaligaw?!"
"Ouch pre. Burn!"
Tapos binatukan ni Avan si Liam! Tong dalawang ito talaga! Tawa lang kami ng tawa ng biglang napatingin yung mata ko sa kabilang table.
At naginit ang dugo ko bigla! Bakit?!
Si Yohann!! May kasamang babae. Na nakabenda ang kamay! Don't tell me injured yun kaya niya dinala diyan?! Nakakainis! Kung sana ganyan siya palagi eh di sana nag nurse na lang siya! Dun siya sa clinic!!!
"Oh Elle! Bakit parang papatay ka?!" --Josh.
"SHUT UP JOSH!"
Tapos biglang napatihimik ang lahat. Psh! Nagiging Elle na naman ako!!
"Ammm. Sorry! Bad mood lang. Alam niyo na. Monthly thing ng girls. PMS."
Lahat- Ahhhhhhhh!
Tapos kumain at uminom ulit sila! Haaaay. Bakit nga ba ako nagagalit kay Yohann?! Ano ba niya ako? Wala naman akong karapatang magalit. Ako lang naman may gusto sakanya!
Isa pa! Mabait lang talaga si Yohann! Kaya wala akong dapat ipagalala sakanya. Sana. :|
Bumalik kami sa classroom. Break kasi. Yung iba naglalaro pero dahil hindi ako kasali sa Volleyball, break ko. Nakaupo lang ako dito. Nasaan na ba si Dylan?! Absent siya? Saan yun nagpunta?!
"Yo!"
"Ay kabayo! Ano ba Yohann!"
Nagsmile lang siya sa akin. Psh! Wag mo akong pagpacute-an!! Galit ako sayo! Kakaimbyerna yang kagwapuhan mo!
"Sungit mo."
"Hehe."
"Hmm. Kumain ka na?"
"Yah."
"Ahhh. May game ka pa?"
"Later."
"Ahhh. Gusto mo ng drinks?"
"Nah."
"May kasalanan ba ako sayo?"
Napatingin naman ako bigla sakanya. Bakit naman niya nasabi yun?
"Bakit mo nama--"
"Hindi ka naman ganyan kasungit sa akin eh. Kung may kasalanan ako.. Sorry na! Mamayang dismissal sabay tayo umuwi! Hatid kita ah?"
"Pero--"
"TALAGA? Sige mamaya ah! *wink*"
Sabay alis. Ano ba naman yun. Sira talaga yun. Hmmm. Sige. Sabay na nga kami. Bumawi siya sa akin!
Naglaro kami ng basketball. Nanalo ulit kami. 3 wins na so panalo na talaga kami! Yung boys Basketball 2-2. Bukas na ulit sila maglalaban para malaman kung sino panalo.
Uwian na ngayon. Pero 1 hour before matapos ang mini intrams this day nilapitan ako ni Yohann at sinabing..
'Hintayin kita sa Front Gate mamayang dismissal ah? *wink*'
Kainis yung wink niya!! Bumibigay ako eh! Bago umalis ng room nagretouch muna ako! Pabango. Paganda! Lahat na! ^___^V
Paalis na sana ako ng room ng biglang hinila ako ni Liezelyn!
"Liezelyn! Anong problema?!"
"Elle! Alam ko na expert ka sa ganito kaya pwede bang.."
"Pwede bang??"
"Eeeeh. Hiya ako >__<"
"Wag ka ng maginarte. Ano ba yun?"
"Make-up an mo ako? Ngayon lang please!! Date kasi namin ng crush ko ngayon eh gusto ko magpaimpress!"
Dahil sa sinabi niya ginanahan agad ako! Nakarelate ako eh!!
"Don't worry Liezelyn! Papagandahin kita! At kapag naman hindi mo pa napahanga crush mo ay ewan ko na lang?! Let's go!?"
Nagsimula na ako. Base, concealer, liquid foundation, face powder, cheek tint, eye shadow, eyeliner and mascara. Natural glow lang para hindi OA! Hnd naman paparty eh.. And Violaaaaa.
"WOW!! Elle! Super thanks!!!! ^___^"
"Welcome Liezelyn!"
Tapos hinug na niya ako at umalis! Bakit ba hindi ako magtayo ng salon ko?! Paalis na sana ako para pumunta kay Yohann ng biglang..
"ELLE ELLE!!"
"Oh Elah! Anong prob?!"
"Tawag ka na Sir!!"
"HUH?! Bakit daw?!?"
"Ewan! Punta ka sa P.E department! Bye Elle!"
"Bye Elah!"
Tapos tumakbo agad ako sa P.E Dept. Nalaman kaya nila na fake lang ang injury ko?!
"S--Sir."
"Miss Clemente."
Sobrang nakakatakot si sir. Baka nga alam na niya. OMG!
"B-Bakit po."
"IKAW!"
"Ako!!"
"Ay napiling kumanta para sa closing ceremony ng mini intramurals natin. Alam mo naman na sa friday na yun db?"
"Opo sir. Ano pong kakantahin ko??"
"MAGCOMPOSE KA!!"
"Po?! Bakit po?!"
"Kasi may injury ka daw? Hnd ka nakasali kaya diyan ko kukunin ang grade mo."
"Pero sir! Sa friday na yun!! Tuesday na po ngayon!! Ano pong--"
"No buts. Go Ms. Clemente. I expect a good performance. Or else I'll fail you."
FAIL MO MUKA MO!! Nakakainis!! Di naman ako magaling kumanta ako pa napili! For sure isa sa mga mahahaderang section C na patay na patay kay Yohann ang nagsumbong sa akin! KAKAINIS!!
Speaking of Yohann anong oras na ba--
BWAKANGINAMESH!!! 5:30 NA!!! Late ako ng 1 hour and 30 minutes!! Nandoon pa kaya yun?!
Grabe!! Tumakbo.. Nilipad ko hanggang sa Front Gate! Halos madry na yung throat ko at pumutok na puso ko sa bilis ng tibok.. Pero wala akong naabutan!! Umalis na siya?!
Aha! Itanong kay Manong!
"Kuya Guard! May nakita ba kayo ditong lalaking matangkad, gwapo, may muscles pero hindi buff, matangos ang ilong, basta super gwapo na lalaki?"
"Wala pa akong nakikita except sa akin "
=____=* Oh nooo. I'm being bipolar again!!
"Kuya umayos ka! Baka gusto mong sirain ko--"
Nanlaki na yung mata niya. Natakot na ata sa akin kaya nilambingan ko yung tono.
"--sirain ko yung upuan mo! Sige ka kuya!"
Sobrang pacute na ako! Kaya parang nabighani na naman siya.
"Eh kasi.. Kapapalit lang ng shift. Kaya wala talaga akong nakita."
"WALA KANG KWEN--Kwaenchanayo. Wala kang kasalanan!!"
Sabay talikod. Flip ng hair at roll eyes. Di pala siya dun kanina hnd pa niya sinabi. Nakakainis.
=___=+
After 10..
15..
20..
30..
45..
1 hour.
"YOHANN SALAZAR NASAAN KA NA?!?"
Gusto ko na talaga magalit pero kasi. Si Yohann? Iiwanan ako?! Hindi naman niya gagawin sa akin yun eh. I mean.. Hnd naman sa pagiging feeler pero kasi gentleman siya db?!
Sige maghihintay pa din ako. :|
1 hour.. 1 hour and thirty minutes.. 2 hours.. 3 hours.. 3 hours and thirty minutes--
Naiiyak na ako. :( 8:30 na. :(
Siguro naman hindi niya ako pwede sumbatan sa pagiging late ko db? Siguro naman bawing bawi na sa paghihintay ko. Asan na ba kasi siya?! Umuwi na ba siya?! Di man lang magtext o tumawag na nakauwi na siya! Imposible namang walang load yun! E ano bang problema niya?!
Naghintay pa ako ng 30 minutes. Noong 9PM na.
"Maam. Magsasara na po ang school. Tapos na po ang classes ng law students. May hinihintay pa po ba kayo?"
Apat na oras na akong naghihintay. Ayoko namang masyadong magpakatanga. Nakakainis na.
"Sige po. Sorry po kuya."
Umalis na ako pauwi. Naglalakad na ako. Wala na akong pakialam kung maholdap ako ngayon. Depress ako. Tapos tinatanong pa niya ako dati kung bakit siya naging paasa?! Eh tanga pala siya! Siya magsabi na ihahatid niya ako tapos di siya sisipot. Oo late ako kanina pero sana man lang nagtext siya! Piso lang?! Di makagastos?!
AISH!!!! NAKAKAINIS!!! NAKAKAINIS!!
Sa sobrang badtrip ko! Kahit nakita ko yung isa kong kaklase na lalaki na tinawag ako hnd ko na pinansin!! Isa pa. Chismoso un! Lahat ng mapadaan hinhellowan at kinkausap niya! Kaya hindi ko na pinansin kasi baka masabunutan ko siya!!
Sobrang badtrip kaya ako!!
O________O
Sa may malapit na restaurant..
Nakita ko siya..
May kasama..
Na babae.
Si Yohann?! May kasama na babae?! Ano yan?! Hindi ko naman kamukha!! Hindi naman ako yan!! Nakakainis!!
Maya maya. Paglingon niya nakita niya ako! Tapos nanlaki mata niya at dali daling lumabas ng restau. Ako naman.
Naglakad ng mabilis papalayo. Ano na naman bang excuse at kasinungalingan ang sasabihin niya sa akin?! Tama na! Napuno na ako ngayong araw na ito at wag na niyang dagdagan pa!! Kakaimbyerna!
"ELLE!! ELLE!!"
Tapos lumakad na ako ng mabilis!! Siya naman nagsimula na tumakbo. Hanggang sa naabutan niya ako tapos hinawakan niya kamay ko at iniharap niya ako sakanya.
"Elle!!"
"ANO?!"
"Galit ka ba?!"
"HINDI!!!!!!"
Tanga ba siya?! Di pa ba masyadong obvious?! Nakakainis!!
"Elle! Sorry na."
"Okay."
Tapos lalakad na sana ako papalayo kaso hinigit na naman niya ako.
"Elle. Wag ka namang ganyan oh."
Nagtitimpi talaga ako sumabog kasi si Yohann yan. Kahit papano crush ko yan!!
"Elle. Ano bang ginawa ko?!" At doon nagpantig ang tenga ko.
"Yohann. Please. Get. Out. Of. My. Way. And. Please. Let. Go. Of. My. Hand."
Yung pagsasalita ko. May pause per word kasi sobrang nagtitimpi ako na magalit. Kaso. Sobrang nagngingitngit na talaga ako kasi sobrang BV!!
"No. Elle!"
"ANO BA YOHANN!! Bakit ba ang kulit mo?! Bakit ba ayaw mong bitawan!!"
"Sabihin mo kasi sa akin please!!"
Huminga ako ng malalim. Hindi ko na kaya. Ngayon lang ako nakapigil ng inis ng ganito. Knowing I'm Elle!!
"YOHANN!! HINDI KA BA MAKAINTINDI NA PAGOD ANG TAO?! BITAWAN MO ANG KAMAY KO. UUWI NA LANG AKO KESA MAGHINTAY SA ISANG KATULAD MO!!!"
Nagulat talaga siya sa pagsigaw ko sakanya pero anong magagawa niya?! Gagu siya eh!!
"Elle. Bakit?"
"BAKIT PA DIN?! Di pa ba obvious?! Ano ba?! Naglolokohan ba tayo dito ha?! Sabi mo sa akin dismissal magkita tayo kasi ihahatid mo ako. Oo! Nalate ako! Pero yun ay dahil may humingi ng tulong sa akin at kinausap ako ng prof!! Sobrang nagmadali ako kasi nagalala ako na baka naghihintay ka! NAKAKAHIYA NAMAN SAYO HINDI BA?! Kaso wala ka!! Naisip ko. Baka late lang. May inayos din. Naghintay ako! HANGGANG APAT NA ORAS!! KASI ALAM KO HINDI MO AKO IIWAN MAGISA!! Hanggang sa kailangan ko na umalis kasi magsasara na! At eto, nakita kita may kasama na palang iba. Ang saya niyo pa!! Sana sinabi niyo naman sa akin! Hindi ako nasabihan! Mukha tuloy akong tanga!! Umaasa ako sa wala. Naghihintay sa taong kasama ang iba.. Kaya please? Pwede? Layuan mo muna ako Yohann kasi hindi ko alam kung paano.. Paano mawawala tong galit ko para sayo."
Bigla niyang nabitawan ang kamay ko at nakatingin lang siya sa akin. Di siya makaimik.
"Nga pala, wag ka ng magtaka kung bakit madaming nagsasabi na paasa ka. Isa lang naman ang dahilan eh.. Kasi.. Gagu ka!"
Tapos tinalikuran ko siya. Hindi ko na alam kung bakit pero nagtuloy tuloy na yung luha ko. Buti ngayon lang pumatak. Buti ngayon lang.
Bakit ganito?! Bakit ang sakit?! Dahil ba sa naghintay ako? Dahil sa umasa ako sa wala? O dahil sa nakita ko siyang kasama ng iba? Nakakainis. Bakit siya ganun?! Ang sama niya.
Umiiyak ako sa daan. Andaming nakakakita sa akin. Daming tumitingin pero wala akong pakialam. Dumeretso ako sa park malapit sa condo namin. Doon lang ako. Gusto kong palipasin ang sama ng loob ko. Kaya iniiyak kong lahat.
Sobrang iyak na ata ako ng iyak doon for 30 minutes. Ang sama sama talaga ng loob ko. Hindi lang dahil sa nangyari pero yung feeling na..
Kahit na ang lakas ng iyak ko, walang dumadamay at lumalapit sa akin.
Andami daming tao gustong mahawakan, makita, makausap, makasama ako. Pero bakit ganun?! Maling tao yung napili ko. Kung sino pa ang hindi nagpapahalaga sa akin siya pa yung gusto ko.
*plok*
Aray! Sinong nagbato sa akin ng papel?! Wala namang tao.
"Iyak ka na naman ng iyak. Ano bang trip mo sa buhay?"
Napatingin ako. Nakita ko si Dylan naglalakad papalapit sa akin. Bakit yan nandito?! Isa pa yan! Nangiiwan din! Lahat na lang!!
"Anong ginagawa mo dito?! Pwede ba. Umalis ka na nga! Ayaw mo ako makita db?! Galit ka db?! Umiiwas ka db?? Kaya pwede. Wag mo akong lapitan."
Napatingin ako sakanya. Naging seryoso mukha niya.
"Kung sa tingin mo maawa ako sayo sa paganyan ganyan mo eh mali ka. Hindi ka na 12 years old Elle. Alam mo yan. Sabi mo namatayan ka ng fiancee. Pero unti unti kinakaya mo.. Tapos ngayon, ganyan lang iiyakan mo?! Parang wala kang natutunan sa pagkawala ng ex mo."
O___O
nagulat na naman ako sa sinabi niya. May laman na naman. Lagi na lang. Lagi akong natatamaan. :|
"Tumawag si Ate Ising sa akin. Pinuntahan ka daw niya sa bahay natin kaso wala ka. Gabi na nun. Hinanap kita kung saan saan. Nakita ko yang si Yohann at sinabi skn kagaguhan niya."
Napatingin ako. Nakakainis. :| Ayoko na nga maalala yun eh. Binanggit pa.
"Anong plano mo? Umiyak na lang? Ilang beses ko bang sasabihin sayo na walang magagawa yang pagiyak iyak mo?!"
Tapos tumalikod siya sa akin.
"Dylan! Saan ka pupunta?!"
Humarap siya sa akin at tumalikod ulit. Iiwan niya ba ako?!
"Basta. Diyan ka lang."
Tumakbo siya. Maghihintay na naman ako. Ano ba naman yan. Kinakarma na ata ako sa lahat ng ginagawa ko. :| Nakakainis lang.
After 30 minutes.
*pant pant*
"Oh anong nangyari sayo?!"
"Akala ko umalis ka na. Oh."
Tapos binigay niya sa akin ang jacket ko.
"Kinuha mo sa bahay?"
"Malamig Elle. Sisipunin ka. Mamaya lagnatin ka pa. Pag di ka nakapasok anong sasabihin ng Yohann na yun?! (~~.)"
Tapos inabutan naman niya ako ng tubig.
"Ano to?"
"Can't you state the obvious??"
Napasmile ako. Namiss ko si Dylan. Wala siya sa tabi ko eh. Namiss ko din siya.
*HUG*
"Dylan!! Saan ka ba nagpunta?! Namiss kaya kita!! :( Wala ka sa bahay! Wala ka sa school! Pero kapag nangangailangan ako ikaw ang susulpot! Pwede bang wag ka ng aalis? Ha? Ha?"
Tapos tinulak niya ako.
Tapos yung 7steps. Pero di walkout.
"(~////~) Hoi. Wag ka ngang ganyan. Pag ikaw nainlove sa akin!"
"HAHAHAHA! Pwede ba Dylan!! Ikaw! Ikaw ang bawal mainlove sa akin!"
"Sus. May ibang--"
Ibang????
"Wala. Nevermind. Inumin mo na yang tubig na binili ko sayo. Madehydrate ka pa."
"Salamat talaga! Matanong ko lang.. Nasaan ka ba?? Bat di kita nakikita lately??"
"Ah. Ako?"
"Oo."
Naglong pause siya. Tapos tumingin sa akin.
"Kasama ko si Denise."
O___O
Hindi ko alam kung bakit nashock pa rin ako. Siguro dahil nalaman ko na nasa Manila na si Denise. :| Muntik ko pa nga mabitawan ang tubig na bigay niya.
"Si--De--Denise?!"
"Oo. Tinulungan ko siya. Papasok na siya sa school natin. Kinausap ko na Lahat ng prof at inayos ko lahat ng papers niya."
"Ahhhhhh. Good to know."
NOT. Hindi ko alam kung bakit pero namutla ako sa sinabi niya. Friend ko si Denise pero.. Tsss. Ang damot ko talaga! :<
Nandoon lang kami. Nakaupo sa swing. Nakatingin sa stars. Walang umiimik. Naging awkward eh..
"Ammm.. Elle?"
"Oh?"
Tapos tiningnan niya ako tapos tumungo.
"Baka.. Baka.."
"Baka??"
Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa sasabihin niya.
"Amm.. Aalis na ako sa bahay mo."
*******************************************
[32] [29] Kean.. Three Words, and one last cry.
*******************************************
HELLO GUYS! I'M BAACCCKK =) YEEEY! GUYS! Announcement lang muna.
HAPPY BIRTHDAY ILOVE38. Ang 38 ba ay THREE WORDS EIGHT LETTERS!? :)
OFFICIAL CHARACTER ACCOUNTS :)
Dumadami po kasi ang poser. Guys. Sila na po sina Chanel. Wag na pong magpose. Kapag naman kailangan ng character magaannounce ako eh? Okay? :)
http://www.facebook.com/theofficialCHANELCHUAofthreewordseightletters
http://www.facebook.com/theofficialKEANPADUAofthreewordseightletters
http://www.facebook.com/theofficialCALVINKLEINGOofthreewordseightletters
http://www.facebook.com/theofficialDYLANLAGUAofthreewordseightletters
http://www.facebook.com/theofficialDARAKOLEENLAXAofthreewordseightletters
http://www.facebook.com/theofficialGABRIELROXASofthreewordseightletters
http://www.facebook.com/theofficialJANOHANSJIMENEZofthreewordseightletters
http://www.facebook.com/theofficialTRAVISLAURELofthreewordseightletters
OFFICIAL FACEBOOK GROUP:http://www.facebook.com/groups/170600272991410/
OFFICIAL TUMBLR SITE: http://threewordseightletterswattpad.tumblr.com/
OFFICIAL FACEBOOK ACCOUNT: http://www.facebook.com/GirlinloveWattpad
P.S Most of the characters at ako rin po ay FULL na ang FRIEND REQUESTS. Pero may SUBSCRIBE buttons po sila so please.. SUBSCRIBE na lang. =) Thanks guys!
Enjoy the chapter. Next update?? =) Siyempre not that loooong :D Ako na bahala! Abang lang :D Yey! I'm back <3 LONG COMMENTS AH!
_____________________________________________________________________________
CHAPTER 29
ELLE'S POV
O____O
*blooog*
Nabitawan ko na nga yung tubig.
"AY!! ANO BA YAN!! NABITAWAN KO SAYANG NAMAN!! AALIS KA NA?! WOW!! SALAMAT!! MASOSOLO KO NA BAHAY KO!! HAHAHAHAHAHA."
"Ayos ka lang ba? ANG IBIG KONG SABIHIN. Ayos lang talaga??"
"OO NAMAN!! MAS OKAY NGA!! SA WAKAS!! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH!!"
"Oo nga. Mukhang masaya ka nga oh. Lilipat ako kina Denise. Wala yung kasama. Engot din yun eh. Di ko naman yun kayang iwan magisa."
"Pero sabi mo din sa akin dati di mo din ako iiwan magisa--"
Napatingin siya sa akin..
"--ANG IBIG KONG SABIHIN.. SINUNGALING KA TALAGA!! PERO AYOS LANG TALAGA! OKAY NA OKAY AKO!!"
Tumayo ako sa swing. Bakit ako nadedepress?! Bakit ganito?! Bakit pakiramdam ko iiyak na naman ako?!
"HAHAHAHAHAHA GABI NA!! HAHAHAHAHA. UUNA NA AKO HA!! WAG KA NA MUNA UMUWI SA BAHAY HA!! BUKAS MO NA KUNIN MGA DAMIT MO AH?! HAHAHAHAHAHA. ANG SAYA TALAGA!! AALIS KA NA!! Solo ko na ulit yun!!"
"Ah. Talaga? Parang ang saya mo nga ah. Sige. Di na muna ako uuwi. Bukas ko na lang kukunin mga damit ko. Ingat ka ah.."
"OO NAMAN!! SIGE ALIS NA AKO!!"
Tumalikod na ako sakanya. Pagtalikod ko.. Tumulo na naman yung luha ko.
Hindi ba ako napapagod?! Ano ba naman!! Iyak na lang ako ng iyak. :(
Aalis na pala siya bakit ngayon lang niya sinabi?! Ang sama talaga niya!! :( Tapos titira na siya kina Denise. Sabagay makikita ko pa naman siya sa school!! Wala namang problema doon eh!!
Pero ang bigat talaga sa pakiramdam. Ayoko ng ganito.
Nasaan na si CK?!
Tinawagan ko si CK.
"ELLE!! Why?! I'm in the middle of taping for a drama! When I saw your name sa phone ko sinagot ko agad! Is something wrong??"
"Hehe. Wala naman! Namiss lang. Kita. *huk*"
"Are you crying?!??"
"No!! Gwaenchana!! I just missed you that's all. When are you coming back?? HAHAHAHAHAH. I really missed you!!!"
"Elle. I know you. More than you know yourself."
Dahil sa sinabi niya naiyak na ako. Ganun naman si CK eh. Alam niya lahat. Kahit di ko sbhn. Alam niya. Kaya iyak na ako ng iyak sakanya.
"CK. Miss na miss na kita. Lahat ng tao dito iniiwan ako. :'( Dati kapag umiiyak ako nasanay ako na nandito ka sa tabi ko tapos ililibre mo ako ng ice cream. Kanina.. Iyak ako ng iyak. Wala man lang lumalapit sa akin. Kelan ka ba uuwi? Miss na talaga kita CK ko."
Tapos iyak na ako ng iyak. Yung iyak na may tunog. Yung parang bata. Spoiled ako kay CK eh.
"Elle. :( nomu bogoshipo. I really want you back here. But I do understand that this world is not the world you want. :( I really want to stay with you.. But. I also have to stay with ICL Koala. And JM. :("
Ayun na naman. Hati na naman. Alam ko masamang papiliin siya. Pero gusto ko akin lang si CK :(
"Alam ko naman yun. I just miss you. :("
"Are you crying because of Kean?"
Napatigil ako. Hindi ko alam kung magandang sign ba ito.
Pero..
Hindi na si Kean ang dahilan ng pagiyak ko.
"So.. It's not him? Are you falling for someone already?"
"There's this guy na sobrang kamukha ni Kean. Pero it's not hik. Inexplain sa akin ni Papa lahat about Kean. And hindi si Yohann si Kean. Pero.. Everytime I see him, he reminds me of Kean. Yung feeling na.. If I could just bring back the time na kami ni Kean. Tapos biglang nagkatotoo. Anjan si Yohann. Baka pwede maging kami. Yun. Kaso.. Masyado siyang gentleman. Na hindi mo mafefeel na special ka para sakanya. Tapos pinaghintay niya ako. And then malalamn ko lang na may kasama siya. Ayun."
Tapos hindi nagsasalita si CK. :|
"CK?"
"Elle. That's it?"
"What do you mean?!"
"I feel that there's more. I know you."
:| Bakit ganito si CK?! He knows me much. :(
"Si Dylan. Yung kasama ko sa bahay. Lilipat na siya.. Sa bahay ng friend niya. Si Denise. Ewan ko. Nalungkot din ako."
"Hmmmm.."
"CK?!"
"Who do you like more? Dylan or Yohann?"
"Si Yohann of course!"
"Why??"
"Kasi.. Si Dylan! Masungit! Tapos lagi niya ako inaasar! Tapos ang moody niya. Minsan super sungit minsan sobrang sama naman! Hindi ko na maintindihan!!"
"And you're telling me na si Yohann ang gusto mo? Pero si Dylan dinescribe mo?"
Nagstop ako.
Naguluhan ako sa sinabi ni CK.
"Maybe.. Yohann looks like Kean. But Dylan.. He is Kean. He acts like Kean. Nakikita mo si Kean physically kay Yohann pero ang ibang attributes ni Kean nakay Dylan."
CK. Bakit mukha ka namang engot pero pag serious ka ang gwapo mo?! At ang talino mo!
"But the bottom line is.. Binabase mo lahat ng magugustuhan mo kay Kean. Hindi ba ang unfair noon Elle?"
"But.."
"Elle. Think about it. Like lang ba. O love na? At sino sa kanilang dalawa?! At mahal na ba? O nakikita mo lang si Kean sa kanilang dalawa?"
"I--*toot toot*"
Naputol. Baka wala na akong load :| badtrip nman! Pero mas nakagaan ng loob ang pakikipagusap ko kay CK. Pero tumatak sa akin ang sinabi niya..
Kaya kahit 11PM na. Pumunta ako sa seaside.
Kung saan isinaboy ang labi ni Kean.
"Hi. Kean. Ang tagal na. Na pinuntahan kita dito. Kasi.. Dati pag pupuntahan kita sobrang sakit talaga."
"Hanggang ngayon masakit padin naman. Hanggang ngayon ang hiling ko bumalik ka sa akin. Even if it means that I need a miracle."
"Ngayong gabi.. Andami kong iniiyak. Noong una. Akala ko nakakalimutan na kita. Pero sabi ni CK. Umiiyak ako dahil naalala kita sakanila. Siguro naman kilala mo si Dylan at Yohann. Kasi diba sabi mo babantayan mo ako forever? Alam ko kilala mo lahat."
"Ayos lang ba sayo? Na nagkakagusto ako kay Yohann? Kamukha mo siya! Nakikita kita sakanya. Pero iba siya sayo. Kasi siya.. Umpisa pa lang sinaktan na ako. Ikaw naman.. Never mo akong nasaktan na sinadya mo."
"Ano? Kamusta ka na diyan?? Ayos ba?! May chicks ba?! Subukan mong palitan ako.. Lagot ka sa akin. Pero.. Unfair ba? Kasi gusto ko na si Yohann?? Hnd!! Iniwan mo ako! Manigas ka diyan!!"
Maya maya. Habang nakaupo sa may seaside napaiyak na ako.
"Miss na kita. Ayos ba? Ngayon.. Nakakpagkwento na ako sayo ng hindi ako nasasaktan sa pagkawala mo. Bakit kasi ang bilis mong nawala?! Sabi mo pa naman sa akin dati walang iwanan. Daya! Talo ka! Iniwan mo ako! Unfair!"
"Nakakainis! Miss na kita! Miss ko na yung Mambabara sa akin kapag waley ang jokes at mga tanong ko.. Na kahit mahal na niya ako susungitan pa din ako. Pero.. Alam ko. Ako lang sa puso mo. Hindi mo ako pinalitan. Hindi mo ako sinaktan. Si Yohann kasi kahit saan ako lumingon may babae. Buti di ka ganoon. Noh??"
"Tanda mo ba noong pinakain kita ng isaw? Sabi mo ayaw mo.. Pero the next day ikaw nagaya sakin magisaw. Eh tanda mo noong tinuruan mo akong umakyat sa puno? Takot na takot talaga ako noon. Kaso, noong nakita kita noon, alam ko.. Hindi ka aalis. Hindi mo ko bibitawan. Hindi ako malalaglag kapag nandito ka."
"Kaso.. Ngayon wala ka na. Nahulog na ako sa puno. Masakit. Pero unti unti kinakaya.. At ito. Umaakyat ulit."
"Stick to one. Loyal. Sweet. Malambing. Spontaneous. Gwapo. Mayaman. Perfect boyfriend ka na nga eh! Kaso.. Nangiwan ka naman! Sayang.. Ready pa man din ako ikasal sayo. Ready akong ialay ang buhay ko at tumandang ako ang nasa tabi mo."
"Pero siguro nga wala na ako magagawa. Wala ka na eh. Basta promise mo.. Babantayan mo lang ako ah?? Promise mo.. Promise mo! :'( "
"Kean. Miss na kita. Kanina. Noong umiiyak ako pakiramdam ko mgisa ako. At namiss kita. Dati noong andito ka pa.. Never kong nafeel ang magisa :( Kahit nasaan ako nandoon ka. Kapag kailangan kita lalabas ka.. Pero bakit ngayon, kahit ilang beses kita tawagin wala ka? Kahit isigaw ko ang pangalan mo di kita makita? Bakit ngayon.. Iniwan mo akong magisa :("
"Pero alam kong hindi mo yun gusto. Nandito lang ako.. Kasi miss ko na presensya mo. Ganito pala kasarap makipagusap sayo. Nawawala lahat ng bigat ng pakiramdam ko."
"Siguro nga ikaw ang greatest love ko. At wala sino mang papalit sayo. Sayong sayo lang ang Three Words and Eight Letters ko. :)"
"I love you Kean Patrick Tolentino Padua. Three Words. Eight Letters."
"Pero this time.. If some other guy ask me that thing.. Will you let me say those three words and eight letters back?? Can I give you up? Since I know that you're not coming back. Pwede bang.. Angkinin ako ng iba? At magmahal ako ng iba? Pwede bang.. Ang three words.. Ibigay ko sa iba??"
Naghintay lang ako doon. Nakaupo.
Ang lamig. Sobra.
Pero ang warm sa feeling na kasama ko yung alaala ng mahal ko.
"Siguro nga.. Silence means yes. So. Tinatapos ko na ang pagasa ko sayo dito. Ah? Wag kang magagalit kapag nagkaroon ako ng iba. Kasi.. Never naman kitang makakalimutan. Hayaan mo lang muna ako sumaya. Kasi nakakapagod na minsan na isipin ka. :( At humiling na sana bumalik ka."
One last cry.
One last cry for you Kean Padua. :(
__________________________________________________________________________
Yiee. Long Comments! Ano? Tulungan niyo akong bumalik sa WHAT'S HOT =) Babalik na tayo! Go! Go! GO!
*******************************************
[33] [30] Leaving on a jet plane.
*******************************************
Updated na ulit! Long Comments lang =) Enjoy! <3 Salamat kay Dianne Samonte for making the video. Hiya naman daw ako sa boses ko! =) Pagbigyan! <3 Hihi!