Collection of One shots

By iamyourlovelywriter

1M 14.2K 1.2K

These are stories na nagpop out lang sa aking utak. kayo na ang bahalang umintindi!!! A. Paige's Forever pt 1... More

Collection of One shots
A. PAIGE'S FOREVER part 2
A. PAIGE'S FOREVER part 3
B. Chasing You
C. LOVING MISS BRIDGE
D. Lucy Found Hers
G. Olive's not so fairytale Lovestory
H. They found love in... tetris battle?
I. i Love My Bestfriend's boyfriend's bestfriend
J. Hot Bachelor 3: Sweetest Trap (SPG) oneshot
K. One More Time part 1
K. One More Time part 2
First Love... Last Love
The Search is over...
Don't read, not a story
Substitute Nanny, Boss' Lover (ONE SHOT)
MARKED SERIES soon to be published under Fairy Publishing House

A. PAIGE'S FOREVER part 1

78.8K 959 58
By iamyourlovelywriter

TITLE: Paige’s Forever

“Will you allow me to be your happiness?”

“You are already my happiness”

“Forever?”

TEASER:

PAIGE VENTURA- Gloomy, scary, mysterious, ugly? That’s how they call her.

She is a mystery-horror writer and eldest of three siblings of the Ventura clan. A prominent family known because of their contribution to Philippine arts. Her mother is famous painter. Her father is a world-renowned musician. Her sister Kelly is an aspiring actress at the age of 24 and her youngest sister Nicole is a singer at 20. She is slightly introverted and loved to be alone. A person who doesn’t believe in love. She is hiding a painful past that leads her to what kind of person she is right now. Will Hunter’s presence to her life can change her views.

HUNTER CLAY SY- A bright person with a sunny disposition in life. A successful business owner at the age of 30. He is single but always not available. He happens to be the cousin of Kelly’s boyfriend Connor. He is someone who believed in his self more than God. He is treated like a royalty by woman, except Paige who doesn’t even want to see him in the first place.

At first he doesn’t really like Paige because of her scary personality. He even teased her because of how she looks and her cold treatment. He loves seeing her in pain with his words. But is he really the right guy whom Paige can lean on? Can he erase Paige’s sad past and be able to re-create her back again?

<3 <3 <3

CHAPTER 1

“I HATE YOU!”

Kulang nalang ay mabasag ng paulit-ulit ang puso ni Paige sa narinig mula sa bibig ng kanyang matalik na kaibigan. “I hate you Paige. Akala ko kaibigan kita.” Nakatingin sa kanila karamihan ng mga classmates and schoolmates nila sa high school department.

“Hansel, ano ba ang pinagsasabi mo?” Itinigil niya ang pagsusulat at hinarap ang umiiyak na kaibigan.

“I really hate you.” Sa tingin niya ay totoong galit nga ito sa kanya. Pero bakit? Wala naman siyang ginawa na ikakagalit nito. “I should have known it dapat hindi na ako nakipagkaibigan sa iyo.”

“Ano ba kasi ang nangyari? Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa iyo. Tell me.”

“You!” Dinuro siya nito. “Dahil sa maganda ka at matalino kaya lahat ng lalaki ang kaya mong pa-ibigin. Dapat ay hindi ka na dito nag-aral. Hindi ka naman bagay dito.”

Nasaktan siya sa paraan ng pagsasalita nito. Pero hindi naman niya magawang sumagot dito.

 “Nang dahil sa iyo kaya hindi ako mahal ni Philip.” Patuloy ito sa pag-iyak. “Sana hindi na ako nagtapat sa kanya. Sana hindi na ako nakinig sa iyo ng sabihin mong may gusto din siya sa akin. Dahil sa simula pa lang ay ikaw na ang gusto niya.” Pinunasan nito ang luha sa mga mata nito at saka nagpatuloy sa pagsasalita.

“O baka naman alam mo na talaga sa simula palang at gusto mo langtalaga akong mapahiya.” At ngayon pinagbibintangan na siya nito. “Ang sama-sama mo talaga. Kinamumuhian kita.”

Pinigilan niya ang sariling hindi maiyak sa harap nito. Alam niyang wala siyang ginagawang masama at nahihiya na rin siya sa mga pinagsasabi nito tungkol sa kanya. At nasasaktan siya dahil wala itong tiwala sa kanya bilang bestfriend nito mismo.

“Wala ka bang tiwala sa akin, Hansel? Hindi ko alam na ganyan mo pala ako tingnan.” Umalis na siya sa harap nito bago pa man siya bumigay. Nagmamadali siyang pumasok sa restroom at doon umiyak.

Ilang beses na ba ito nangyari sa kanya? Halos hindi na niya mabilang ang mga babaeng lumapit at umaway sa kanya dahil sa kadahilanan na sa kanila may gusto ang mga lalaking mahal ng mga ito. Wala naman siyang ginagawa, ah! Masama ba na pangarapin niya na maging isang normal na nilalang lang siya. At ngayon, ang taong pinagkakatiwalaan pa niya ng husto ang humusga sa kanya.

Galit na tiningnan niya ang repleksiyon sa salaman. Kung pwede lang, kung maaari lang sana ay matagal na niyang binago ang kanyang mukha. Hindi naman niya kasalanan kung nakakaangat ang mukha niya sa mga karaniwan. Hindi niya ginusto ang bagay na iyon.

Tumulo na naman ang luha sa kanyang mga mata. Wala na si Hansel, wala na ang taong pwede niyang kausapin ng maayos.

“HUWAG kang lalapit kay Paige aagawin niyan ang boyfriend mo gaya ng ginawa niya kay Paige.”

Bulong lang iyon pero sa tingin niya ay umabot iyon ng one hundred twenty decibels sa kanyang pandinig.

“Kawawa nga si Hansel dahil hindi na pumapasok.” Kulang nalang ay mapunit niya ang dala niyang textbook dahil sa namumuong galit sa loob niya. Magmula kasi ng araw na iyon ay hindi na pumasok si Hansel. Ilang beses na siyang nagpunta sa bahay nito pero ayaw siya nitong harapin. At ngayon siya na ang center of attraction ng buong campus. For a fifteen years old teenager like her, life is too complicated.

“Bakit ka pa nandito? Hindi ka ba nahihiya sa mga tao o hindi ka lang talaga marunong mahiya?” Nakataas ang kilay na tanong ng class president nila na si Alice. Sa simula pa lang ay may lihim ng galit sa kanya.

“Excuse me?”

“Tama naman si Hansel hindi ka na dapat nag-transfer dito sa una pa lang. Gusto mo lang talagang maging stand out kaya napili mong mag-aral sa isang public school.” Matalas talaga ang dila nito.

“I don’t know what you are talking about.” Ipinasok niya ang aklat sa loob ng kanyang bag.

“Alam mo kung ano ka Paige? Isa kang fame sucker and attention getter.” Na-insulto na siya sa paraan ng pagsasalita nito. “No one needs you here by the way. Huwag mong ipagmalaki ang ganda mo dahil marami niyan sa tabi-tabi. Kung sasabihin mong matalino ka wala din

kaming pakialam dahil ginagamit mo lang iyan sa pang-aakit ng mga
lalaki.”

Sampalin kaya niya ito? Hindi pa niya nagagamit ang kanyang galing sa judo at taekwondo. Pwede niya itong maging target practice.

“Wala akong alam kung iyan ang nasa isip mo.” Pambabalewala niya sa sinabi nito.

“Hindi mo ma-gets? Look around you. Sa simula pa lang wala ng nagtangkang maging kaibigan mo. Nakakaawa nga si Hansel dahil sa pakikipaglapit niya sa iyo. Ang hindi niya alam nagmumukha lang siyang alalay kapag kasama mo.”

“Hindi ganyan ang iniisip ko kapag kasama ko si Hansel.” Galit na siya. At hindi siya papayag na may sabihin pa itong masama.

“Talaga lang, ha? Yourface will be your curse! You will never be happy. You will keep hurting people around you.”

“Miss Paige Ventura.” Sabay silang napatingin sa teacher na tumawag sa kanya mula sa pintuan. Mabuti nalang talaga at pumasok ito or else nasuntok na niya ito. “Nandiyan ang family mo sa labas.” Inayos niya ang sarili at saka kinuha ang mga gamit niya.

Yourface will be your curse! You will never be happy. You will keep hurting people around you.

Habang naglalakad papunta sa mga naghihintay sa kanya ay hindi mawaglit sa isip niya ang mga salitang sinabi ni Alice. May bahid kasi

iyon ng katutuhanan. She just clenched her fist as she sees her parents and her two little sisters.

“Ma, Pa.” Aniya sa mga ito ng makalapit na siya. Nasa kanila ang mga mata ng buong school campus. Sino ba ang may alam na siya ang panganay na anak ng isa sa pinakasikat na painter ng bansa na si Margaret Torrez Ventura at ang hinahangaang song writer and composer na Ricardo Ventura.

“Hindi namin alam na ito palang si Paige ay panganay na anak ninyo.” Nakangising pahayag ng principal niya.

“Gusto kasi ni Paige na walang makakaalam sa bagay na iyon. Gusto niyang mag-aral at mamuhay bilang isang normal na teenager.” Sagot ng mama niya. Tinanggal niya ang pintura na dumikit sa ilang hibla ng buhok nito. “Thanks baby.” Hinagkan siya nito sa noo nito.

“These two are her younger siblings. She is Kelly and she thirteen and our youngest Nicole she is nine.”

“Oh my! Ang gaganda ng mga anak ninyo. I really envy your family.”

Hindi na siya umimik. Kung alam lang ng principal ang pinagsasabi nito marahil ay hindi na nito sasabihin ang mga bagay na iyon.

Just like her, her family is transferring from place to place. Hindi sila mapirmi sa isang lugar dahil sa palagi nalang silang sinisiraan ng mga kapitbahay nila due to the same reason.

At ang dahilan kung bakit nandito ang kanyang mga magulang is because they need to transfer again. Kailangan na naman nilang lumayo at lumipat sa ibang school.

This is not good for her and her sisters. Ayaw niyang maging katulad niya ang buhay ng mga ito. She loves them too much. Sabi naman ng papa niya ay iyon na ang huling paglipat nila dahil may nabili na ang mga itong lupa at bahay na malayo sa mga kapitbahay.



“ATE.” Hinawakan ni Nicole ang mukha niya. Nasa loob sila ng sasakyan ng mga oras na iyon at hinihintay nalang ang mga magulang na inaasikaso pa ang mga school papers niya for transfer. “Why are you sad?” Malungkot na tanong nito.

“I am sad because I am transferring again.” She patted Kelly’s arms na nahiga sa may binti niya.

“I am not sad. Happy nga ako kasi aalis na ako sa school ko. Ang papangit ng mga ugali ng mga classmates ko doon.” Nakaismid na wika ni Kelly.

Just like what she thought. Binu-bully din ng iba ang kanyang kapatid na si Kelly.

“But I’ll miss my classmates in my school. They are all my

friends.”Saad ni Nicole. Ito lang yata ang masasabi niyang maswerte ang naging school life sa kanilang magkakapatid. Samantalang sila ni Kelly ay ang nasa hindi gaanong maswerte.

“Kelly, when someone bullies you at school. Don’t hesitate to fight back when you know you are right. Don’t let them step on you especially when they don’t know what they are talking about.” Advice niya sa kapatid.

“Eh? Baka ipatawag sina mama at papa.”

“Don’t worry, sabihin mo lang kapag nagkaawayan na. Ako ang haharap sa teachers mo.” Paninigurado niya dito.

“Kahit na sa akin, ate?” Ginulo niya ang buhok ng nakakabatang kapatid.

“Of course, diba ako ang ate ninyo? Ano ba ang ginagawa ng mga ate? Di ba pinagtatanggol ang mga kapatid?”

“SUSMARYUSEP!” Hinawakan ng ina ang dibdib nito ng makita ang hitsura niya paglabas ng kanyang kwarto. Mabuti nalang at hindi nito nabitiwan ang dala nitong pintura kundi baka kumalat na iyon sa karpet na nasa sahig ng kanilang sala.

It’s her first day in college at ayaw na niyang maulit ang nangyari sa kanya four months ago. Kaya kailangan niyang itago ang sumpa sa buhay niya.

“Wow, ate. Ang cool ng dating, ah.” Nagthumbs up pa ang kanyang kapatid na si Kelly ng mapadaan sa harap niya. Itinago lang naman niya halos kabuuan ng kanyang mukha gamit ang kanyang mahabang bangs. Plus, her wide frame glasses make sure na makakakita pa rin siya ng maayos.

“Ate, si Sadako ba ang pino-portray mo? Ang galing, gayang-gaya mo.” Puri pa ni Nicole na mukhang wala namang pakialam sa kung ano ang magiging hitsura niya.

“Ma, hayaan mo na si ate sa kanyang sense of fashion.” Tinapik-tapik ni Kelly ang balikat ng ina nilang tulala pa rin hanggang sa ngayon.

“Hindi naman kasi fashion iyan. Look at that! Halos tinakpan na niya ang buong katawan niya!” Tiningnan niya ang kanyang suot. Naka-longsleeve siya na kulay black at black na pants at puting rubber shoes. Gusto nga sana niya ay itim na rubber shoes. Kaso baka hindi na siya papasukin ng guard sa university at isipin na member siya sa isang kulto.

“Anak, tell me. May nangyari ba sa’yo sa dati mong school? You can tell mama everything.” Mababakas niya ang pag-aalala sa mukha at mata ng kanyang ina.

“Ma, chill out okay. I’m just trying a new style since I am in college already. Don’t worry I’ll return back kapag nagsawa na ako.” Sinabi lang niya ang mga bagay na iyon upang hindi na mag-alala ang kanyang ina. Ayaw din naman niya itong nakikita sa ganoong state. “Besides we are family of an artist.” Dugtong pa niya.

But she doubted it. Wala na siyang balak na bumalik sa dating sarili niya. She is more comfortable with this look.

“Aalis na tayo. Honey, handa na ba ang mga bata?” Bahagyang natigilan ang ama ng masilayan siya. Pero agad din naman itong ngumiti at lumapit sa ina. “Hon, sa tingin ko bukas na ang aking third eye. I can see ghosts already. I think I need a career change.”

Her sister’s laugh echoed throughout the house. Napa-iling nalang rin ang ina na pinigilan ang pagngiti dahil sa mga corny na hirit ng kanyang ama.

“Honey, wala kang third eye. It’s your daughter’s new sense of fashion.”

“Really? Dalaga na nga ang panganay natin Margarita. Paige is on her rebellious stage already.” Nagkunwari itong malungkot at napabuntong-hininga ng malalim.

“Common dad. Hindi naman ako magda-drugs. Don’t worry about me. Just support me okay? Wala akong gagawin na ikakapahiya ninyo.” Pang-aassure niya sa mga magulang. Walang nagawa ang mga ito kundi ang hayaan siya sa gusto niyang gawin. They are just hoping for her to change her mind as soon as possible. Na sa tingin niya ay impossibleng mangyari pa. She happened to like this new style she chose for herself.






AS EXPECTED she become the center of attention ng mga freshmen na gaya niya. She decided to pursue a degree in fine arts for no particular reason. Since it’s all about arts malamang mahahanap din niya ang bagay na magiging future career niya.

She doesn’t have the passion for painting or drawing like her mother who happened to be a famous painter. She isn’t interested in singing too hence she can really sing well too. She didn’t acquire her father’s talent in composing. But Nicole is into it. She has been trained to be a singer and a musician. Just like her and Kelly, her younger sister is good in every music instrument. Kelly is an aspiring actress inspite of her young age. Napabuntong-hininga siya, it’s really hard to fit in.

“Excuse me.” Napalingon siya sa tumawag ng kanyang pansin.

“Yes?” She asked in a very low voice.

“Do you happen to know Room FN 2?” Through the spaces of her hair strands ay nagawa niyang masilayan ang mukha ng boses lalaking nagtanong sa kanya. Itinuro niya ang classroom na nasa unahan lang nila as an answer.

“Thank you very much.” Nakangisi pa itong nagpasalamat sa kanya bago naglakad papasok sa itinuro niyang classroom.

“What a sunny personality.” Na-iiling niyang tinungo ang naturang classroom.

Pagka-upo niya sa pinakasulok na upuan ng classroom ay may agad ng lumapit sa kanya.

“Hey, it’s you.” Hindi na niya kailangan pang tingnan ang nagsalita since kilala na niya ito. Boses pa lang. It’s the same guy who asked her questions awhile ago.

“Bakit hindi mo sinabi na classmates pala tayo. Sana magkasabay na sana tayong pumasok.

“Hindi mo naman itinanong at hindi ako obligadong sabihin iyon sa’yo.” Aniya. Sa halip na ma-offend ay mas lalo pa itong ngumiti.

“Sabagay, by the way I’m Connor Sy.” Pakilala nito sa kanya.

“Paige Ventura.” Aniya.

“Hi, Paige. Nice meeting you here.” Tumango lang siya bilang pagsagot. She doesn’t need to voice out. “Saang club ka member?”

“Club?”

“Yes, this school is famous because of the clubs that they offered.” Excited na paliwanag nito sa kanya.

“I don’t know yet.”

“I’m into the direct’s club. I want to be a famous director.”

“Ah, at least you have a dream.”

“By the way Paige. Hindi ka ba naalibadbaran sa bangs mo?” Iniwas niya ang ulo ng magtangka itong hawiin ang mahabang bangs niya.

“Don’t touch it and don’t mind me having it.” Inis niyang pahayag.

“Huwag kang magalit. Hindi ko na pakikialaman ang precious bangs mo.” Tumatawang wika nito. Tumango lang siya. Mabuti na at maaga palang ay nagkakaintindihan na sila sa bagay na iyon.

<3 <3 <3

CHAPTER 2

ABALA sa pag-aayos si Paige sa kanyang ipapasang story as project ng mapansing niyang nag-ri-ring ang cellphone niya. Agad niyang inipit sa kili-kili niya ang mga papel upang hindi iyon liparin ng hangin.

“Si Kelly?” Nagtaka siya kung bakit tumatawag sa kanya ngayon ang kanyang kaparid samantalang alam naman nitong may klase pa siya.

“Hello, Kelly?”

“Ate.” Bakit may kakaiba sa boses nito? Umiiyak ba ito?

“Bakit parang ngungo iyang boses mo? Nasa kweba ka ba?” Hindi niya napigilan na haluan ang boses niya ng pagtataka.

“Ate, help me please.” Bigla siyang kinabahan. Umiiyak nga ang kapatid niya. Pero bakit?

“Why are you crying?”

“Ate, I hurt someone. I punched her and pulled her hairs.” Sumigok pa ito. “Ayokong tawagan sina mama at papa. Natatakot ako.”

“Okay, pupuntahan na kita sa school mo. Wait for me there, okay? And don’t cry.”

Iyon lang at nagmamadali na siyang lumabas ng campus pero natigilan siya ng may biglang humarang sa kanya.

“Best, magka-cutting classes ka? Sama ako.” Nakangising

tanong ni Connor.

“Oo, magcu-cut ako ng class at ikaw dito ka lang.”

“Saan ka pupunta?”

“Sa kapatid ko.” Ibinigay niya dito ang mga hawak na papel. “Diba sabi mo ako ang bestfriend mo?” Tumango-tango ito. “Pwede bang ikaw na ang magpass nito for me?” Tumango lang ulit ito ng ilang beses. Hindi na ito nakapagsalita pa dahil sa bilis ng mga pangyayari. Nakatanga lang ito habang nakatingin sa kanya na papalabas na ng campus.

Agad siyang pumara ng masasakyan papunta sa all girl’s school kung saan nag-aaral si Kelly. Naabutan niya ito na nakahalukipkip sa isang tabi habang umiiyak naman ang biktima marahil nito.

“Excuse me, I am Paige Ventura. Kelly’s sister.” Napansin niya ang pagkunot ng noon g mga tao doon. Hindi marahil nila inaasahan na ganoon ang hitsurang ihaharap niya sa mga ito.

“Ako nga pala ang principal ng school.” Pakilala ng may katandaang babae na naka-upo sa desk na nasa gitna ng kwarto.

“Sorry but my parents can’t be here dahil nasa province pa sila.” She bit her tongue secretly. Totoo naman kasi na nasa probinsya ang mga magulang niya pero walang alam ang mga ito sa nangyari. Nagsimula ng magpaliwanag ang mga ito sa tunay na nanyari.

“Sorry for the inconvenience, Miss Ventura.” Hingi ng paumanhin ng legal guardian ng estudyanteng nasapak ni Kelly. “I didn’t know that my daughter would do such thing.” Kiyemeng ngumiti ito na tila ba hiyang-hiya sa ginawa ng anak.

“My sister is at fault too since she hurt your daughter too. But I guess tama lang naman siguro ang ginawa niya as self-defense, right?” Marahan itong tumango sa sinabi niya.

Nalaman kasi nila na may masamang balak talaga ang anak nito sa kapatid. Kelly has been harassed and bullied by them because of her name as an actress. Lumaban lang ang kanyang kapatid ng hindi na ito makatiis, medyo napa-sobra nga lang.

“Ate.” Kumapit sa mga braso niya si Kelly. “Thanks.”

“Kendra Ellison Ventura, next time you fight for your rights huwag kang umiyak.” ANiya dito. “Don’t cry or else iisipin nila na ikaw nga ang may kasalanan.” Tumango ito sa sinabi niya.

“Sorry ate, umabsent ka tuloy sa klase mo.”

“I don’t mind. I told you before than I’m always here for you whenever you need me.” Ginulo niya ang buhok ng kapatid.

“Eh, ate. Ganyan nab a talaga ang magiging look mo forever?”

Tinutukoy nito ang kanyang long bangs and black long sleeves attire. “Yeah, I am fine with it.”

“Ate naman, eh. Nakakahiya.” Reklamo nito.

“Huwag mong tingnan. Madali lang naman iyon. At saka babae, iniligtas ka ng mukhang ito.” ANiya.

“Hindi naman nila nakita ang mukha mo. What they saw are your hairs.”

“Much better. Ilibre mo ako, nagugutom na ako.”

“Hindi ka ba babalik sa school?” Umiling siya sa tanong nito.

“Tapos na ang last class ko.”

“How about your things?”

“Kaya na ni Connor iyon.”

“Connor? Boyfriend mo?”

“Nope. Impossible iyon.” Natatawang saad niya. “Ilibre mo na ako. Gusto ko ng pizza.”

“MISS PAIGE!

Miss Paige!” Iminulat niya ang kanyang mga mata ng marinig ang pagtawag ni Imelda sa kanya mula sa labas ng kanyang silid.

“Hmn, I’m already awake.” Hindi na niya ito pinagbuksan ng pinto o kaya naman ay nagtangkang tumayo mula sa kanyang kinahihigaan.

“Nandito na sina Miss Kelly at Miss Nicole.”

“Okay, I’ll be there in a while.”

Narinig niya ang papalabas na mga yabag ng kanilang katulong. Nanatili siyang nakahiya sa kanyang kama habang nakamasid sa madilim na silid kung saan siya naroroon. “It’s really refreshing to see this kind of darkness.”

Isang kadiliman na walang kahit na katiting na liwanag na makikita. Ilang minuto pa ay nagsawa na siyang mahiga kaya bumangon na siya ay agad na nagpunta sa banyo without turning the lights on. Sanay na siya sa dilim at kahit nakapikit pa siya ay hindi na niya mababangga ang mga furnitures na nasa silid niya. She washes her face with the cold water and opened the shower.

It’s been twelve years already. She’s been in the darkness for twelve long years. Hindi nga niya inaasahan na ang pagbabago niya ng style ay makakalakihan na niya. Everything did change especially people and things around her. But she her self doesn’t want to change what she had started. Unti-unti na niyang naaachieve ang inner peace.






“ISASAMA mo ako? Saan?” Itinigil ni Hunter ang pagbabasa ng mga papeles ng pumasok sa kanyang opisina ang pinsan na si Connor at basta nalang nagyayang gumala na naman. His cousin is one of the best directors in the Philippines.

“I want you to see my bestfriend.” Tiningnan lang niya ang mukha ng pinsan na mukhang walang balak na tigilan siya hanggat hindi siya pumapayag sa gusto nitong mangyari. “And-.” Naputol ang anumang sasabihin nito ng pumasok sa opisina niya ang fiancée nito. One of the Philippine’s top actresses and starts to havoc international scene, Kelly Ventura.

“Connor, are you pushing your cousin to see my sister again?” Nakangiting tumabi si Kelly sa fiancé nito saka mabilis na humalik sa pisngi nito. “I told you already. She is not interested in meeting someone.” Dugtong pa nito.

Five years ago ay ipinakilala sa kanya ni Connor si Kelly bilang babae na nililigawan nito. Ng mga panahon na iyon ay pumayag na ang kapatid ni Kelly na liwagan ito ng pinsan. He was shocked and surprise ng makilala ang babae nito. She is one but the rising star Kelly.

Wala din naman siyang tutol since Kelly comes from a good family. She is a perfect addition of the Sy family. Base sa mga naririnig niya mula sa mga ito Kelly is the younger sister of Connor’s bestfriend na hanggang ngayon ay hindi pa niya nakikita. She seems to be too mysterious, well it’s really normal since she is a mystery writer too.

“Nagbabakasakali lang naman ako na mag-iba ang ihip ng hangin. Matanda na ang kapatid mo.”

“Hey, mas matanda ka sa kanya. She is still twenty seven.”

“Matanda na ang twenty seven. Kaya hahanapan ko siya ng boyfriend.”

“And you called your self her bestfriend?” Napabuntong-hininga si Kelly at tumingin sa kanya mula ulo hanggang paa.

“Your cousin is perfect, but my sister is weird. Kahit

Diyos pa ang iharap mo sa kanya hindi niya iyon papansinin. No offense meant kuya Hunter but my sister is really different.” Depressed na saad nito.

Bigla tuloy siyang na-curious sa babaeng kanina pa naging center ng kanilang topic. Hindi naman sa pagmamayabang but he can get any woman whom he likes at wala pang mintis iyon. He can get them kung hindi sa loob ng isang araw ay sa loob ng dalawa o ang pinakamatagal na tatlo. A woman who won’t even look to a God, she is a big challenge to his pride and ego.

“But at least go with us not because of that reason.” Kambiyo ni Kelly. “Pista kasi sa amin. Mag-unwind ka naman kuya, you know fresh air.”

Sumang-ayon naman ang pinsan sa pamamagitan ng pagtango. “My baby is right, insane. Wala ka rin namang gagawin. You don’t have to worry about your business since stable naman ang mga ito.”

Bahagya siyang napa-isip sa pagyaya ng mga ito. Sasagot n asana siya ng may narinig siyang mga yabag mula sa pinto.

“Ate Kelly.” Nakita nilang papunta na sa kanila ang nakakabatang kapatid ni Kelly na si Nicole. She is a famous singer too. “Sasama ako sa pag-uwi. Gusto ko ng Makita si ate Paige.” May nahimigan siyang lungkot sa boses nito. Base from Kelly and Nicole’s reaction mukhang mahal naman ng mga ito ang nakakatanda nilang kapatid. So, what makes her different from them? Magaganda naman ang dalawa and there is no doubt about that. Their spanic and asian features are really well

blended.

“Why are you worrying your sister’s love life? When I look the two of you, malamang maganda din ang kapatid niyo, or is she?”

Umiling si Nicole. “Ate Paige is more beautiful than me.”

“And me too. You will fall in love with her the moment you look at her eyes.” That’s too much for a description. Malamang nagiging exaggerated lang ang magkapatid sa sinabi.

“By the way, paano kayo nakapasok sa office ko without my permission?” natigilan ang mga ito saka napangisi. Nasa 38th flooring HCS building ang kanyang sariling opisina at okupado niya ang buong floor na iyon. At iilan lang ang pwedeng umakyat at pumasok sa kanyang opisina and the others required permission from him. At isa sa mga hindi permitted ay ang pinsan niyang palagi nalang siyang ginugulo ng walang appointment.

“Secret. We won’t tell you.” Ani ng mga ito.

“ATE!”

Masayang sinalubong ni Paige ang mga kapatid na pumasok sa madilim niyang lungga.

“Bakit ba ang tagal mong bumaba?” Reklamo ni Nicole.

“Bakit dito ka lang sa bahay? Kalian ka uuwi sa Manila?” Si Kelly.

“At bakit ganyan pa rin ang style mo?” Natawa siya sa huling

tanong ng mga ito.

“I’m used to this style already at mas komportable ako kapag ganito. I need this for my next novel.” She is a mystery writer by profession and at dahil may iba-ibang trip ang mga writers like her kaya hinayaan nalang siya ng kanyang mga kapatid although hindi naman talaga kailangan.

“Bakit napaaga kayo sa pag-uwi?”

“Pagod na ako sa mga tapings ko. I need to rest.” Humiga sa binti niya si Kelly.

“Tapos na ako sa aking mga singing engagements. I told my manager to give me a two weeks break.” Ganoon din ang ginawa ni Nicole.

“Hindi ba sumama sa inyo sina mama at papa?”

“Susunod nalang sila sa amin. Baka by tomorrow uuwi na ang mga iyon. They are too busy with the gallery.” Tumayo si Nicole at binuksan ang ilaw ng kanyang silid. Pumunta ito sa mga nakadisplay niyang book collections na siya mismo ang author.

“Ate, kailan ilalabas ang next book mo? Excited na ako.” Her sisters are her avid fans too. Sila ang nagpo-promote ng mga iyon sa para sa kanya.

“By the end of this week baka ilabas na sa NewYork ang book, then by the end of the month sa ire-release na sa Philippines.” Pumalatak ang mga ito kasabay ng pagsimangot.

“Ang daya! Bakit ang tagal nilang i-release dito? Hindi dahil sa new york ang publisher mo ay ihinuhuli nila tayo. Darn! Nang-aasar ba sila?”

Napakamot siya ng ulo. Her works were published in NewYork Book Collections. A famous and the top publishing company in the whole world. Kasabayan niya ang mga sikat at bestseller authors sa America at sa ibang panig ng mundo.

Her works become a phenomenon hit because of the interesting plots, mind twisting and unpredictable turn of events. Ika nga nila her works captured the suspense-jerker readers. And in an instant she become of the bestseller authors too and gain fame within a short period of time.

“Makakakuha rin naman ako ng complementary copy within this week kaya mababasa din ninyo iyon ng mas maaga.”

“Mabuti naman. Mas lalo mo lang kaming pinapakaba sa susunod na mangyayari.” Ani

ni Nicole na kumalma na.

It started when Connor submitted her story to the publishing company without her permission. Sobrang galit nga niya dito dahil napagalitan siya ng kanyang professor dahil sa hindi niya pagpasa ng assignments niya samantalang iniwan naman niya iyon sa lalaki bago umalis at puntahan si Kelly sa school nito.

Mabuti nalang at binigyan siya ng chance to submit one kahit late na. Later on ay nagulat nalang siya when she received a confirmation letter telling her that she won the contest and first place. That

event become the start of her writing career.

“”Being a Filipino International writer is really amazing. We are proud of you, sis.” Yumakap sa kanya si Nicole.

“Thanks, proud din naman ako dahil sa success niyo. Kaya dapat ninyo akong ilibre ng maraming pagkain.”

“Ang takaw mo talaga. Magagalit sa iyo ang nagluluto ng mga kinakain mo dahil hindi man lang sila nakakakita ng sign na tumataba ka samantalang todo diet na ang ginawa namin.” Reklamo ni Kelly.

“Nag-e-exercise ako everyday. I practiced my martial techniques.”

“Ate naman, eh. Kaya walang nanliligaw sa iyo dahil napaka-brusko mo. Daig mo pa ang lalaki.” Ngumisi lang siya.

“Sandali lang Kelly, akala ko kasama mo ang gago mong fiance?”

Ang self-proclaimed bestfriend daw niya na si Connor Sy na na-inlove sa kapatid niya ang tinutukoy niyang fiance ng kapatid. Kahit anong pamimilit ng lalaking iyon na ligawan si Kelly noong nag-aaral pa sila ay hindi siya pumayag. Isa lang naman ang naging kondisyon niya at iyon ay ang maging magaling na director muna ito. Natupad naman nito ang pangarap nito kaya pumayag na rin siya. Sa tingin naman kasi niya ay mahal din ito ni Kelly.

“Darating din sila tomorrow morning, isasama niya si Kuya Hunter.” Matagal na niyang naririnig ang pangalan ng Hunter na tinutukoy nito. He is Connor’s cousin na unfortunately ay hindi pa rin niya nakikita mapasa hanggang ngayon. Sabi ni Connor ay may-ari ito ng isang sikat na chain ng hotels and restaurants sa Pilipinas. At sumisikat na rin sa buong Asia. The last time she heard ay sisimulan na rin nitong i-conquer ang Europe.

“Dapat pala ay ipalinis natin kay Imelda ang isa pang guestroom.”

“Bilib din kami kay Imelda ate. Siya lang ang tumagal sa iyo.” Si Imelda ay matagal na nilang katulong. Magmula kasi ng lumipat silang mag-anak sa probinsya at nakita ang kanyang hitsura at weird na mga kilos ay hindi na nagtatagal ang mga ito. Si Imelda lang ang nakatiis. She is an old maid at the age of forty, wala itong pamilya kaya sila nalang ang pinaglalaanan nito ng oras at ang mga alaga nitong aso at pusa.

“Magaling talaga siya. Kayo na rin ang umaliw sa kanila bukas.”

“Aalis ka?”

“Pupunta ako sa tops, magsusulat ako at baka gabihin ako ng uwi. At hindi kayo pwedeng sumama dahil walang sasalubong kina mama at papa.”

Ang tops ay isang pangpang na nasa di kalayuan ng kanilang bahay. Kailangan pang pasukin ang masulok na gubat para lang makarating doon. But the travel and the hardship will be paid once she arrive there dahil sa tunog ng ilog at magandang kapaligiran.

<3 <3 <3

CHAPTER 3

“DAMN!”

Napamura siya ng malakas habang mabilis na natapakan ang preno ng kanyang sasakyan ng may mamataang pusa na dumaan sa gitna ng kalsada. Dahil sa nangyari ay tuluyan na ring nagising ang kanyang kanina pa ay natutulog na diwa. “We should have used the plane Connor. Travelling this early is not good for my body.” Reklamo niya.

“Hindi pwede.”

“Bakit? Wala bang pwedeng pagbabaan doon?”

“Meron naman. Pero baka magalit lang si Paige.”

“What?” Ipinagpatuloy niya ang pagda-drive. Maaga pa lang kasi ay ginising na siya ng kanyang mabait na pinsan. Kailangan nilang iwasan ang traffic kaya maaga silang bumiyahe.

“Makakalbo daw ang mga carabao grass nila.” Anito.

Mas lalo siyang nainis sa naging dahilan nito. “What a pity reason. Tutubo lang naman ulit ang mga basurang damo na iyon.”

“Kapag narinig ka ni Paige baka tumilapon ka na sa labas ng solar system. Pero bago niyon ay magno-nose bleed ka muna dahil sesermunan ka niya about food chain and food web.”

Napailing nalang siya. “Dapat ay naging science teacher nalang siya instead of being a mystery writer.” Sarkastikong pahayag niya.

“Hindi rin pwede.”

“Bakit naman?”

“Malalaman mo rin mamaya.”

“Why do I have this gutsy feeling na mukhang type mo ang ate ng fiancee mo?” Bigla niyang naitanong. Pumalatak ito sa narinig at tumawa ng malakas.

“You know ‘insan. I love Kelly for almost ten years. Oo nga at una kong nakilala at mas matagal kong nakasama ang kapatid niya pero hindi na humigit sa respeto at paghanga ang nararamdaman ko sa kanya. Let’s see, para akong nagkaroon ng kapatid. Her unique personality is different too. She didn’t treat me like an idol because I am a Sy. Para sa kanya pantay-pantay lang kami.

Besides malaki ang utang na loob ko kay Paige dahil kung hindi sa kanya hindi ko makikilala si Kelly. At kung hindi dahil sa pagmamagitan niya hindi rin ako magiging sikat na direktor ngayon. Gusto niyang may mapatunayan ako bago ko yayaing pakasalan si Kelly.”

Napaisip tuloy siya ng malalim tungkol sa Paige Ventura na naririnig niya mula sa mga kakilala niya. Is she really that great? If she is, she’ll be an interesting toy for me for the rest of the vacation week. Lihim siyang napangiti. Matagal-tagal na rin magmula ng ma-challenge siya ng ganoon. Sana nga lang ay hindi siya madissappoint dito.

ISANG MALAKING ancestral house ang hinuntuan nila. The place is nice kahit na hindi pa niya ito nakikita ng may liwanag dahil sa hindi pa sumisikat ang araw. Medyo may kalumaan na rin iyon pero mas lalo lang iyong nakadagdag sa buong lugar. Parang sa mga post cards lang niya ito nakikita. It’s cozy, elegant and warm. Its landscapes, the wide yellow green meadow na unti-unti ng napapalamutian ng kaunting liwanag sa araw ay tila mga diyamanteng kumikinang sa ilalim ng langit.

Minsan lang siya makakita ng mga ganito since he used to stay in America. The fresh morning air that he is breathing is really calming. Even the carabao grasses are so fragile to his eyes.

“See that meadow, walang magtatangkang maglanding ng eroplano diyan.” Turo ni Connor sa mga damo na nasa paligid nila. They are busy admiring the place when he feels like someone is watching them from afar. Napatingin siya sa itaas ng bahay. The last window is the only frame that is open.

Pakiramdam niya ay nanlamig ang kanyang sikmura ng may makitang tao na nakatayo doon. Kung tao man iyon o multo hindi niya alam.

It is a girl and he is pretty sure about it. Her black hair is covering her entire face. Ibinaling niya sa ibang panig ang kanyang paningin pero agad ding ibinalik doon. Nanayo ang balahibo niya ng wala na ang babaeng nakatayo doon.

Hindi nga niya namalayan na lumabas na pala ng bahay ang magkapatid upang salubungin siya.

“Kuya, bakit ka namumutla?” Kunot-noong tanong ni Kelly.

“Haunted ba itong bahay ninyo?” Wala sa sariling tanong niya.

“Hindi. Wala naman kaming nararamdamang kakaiba sa bahay.”

“May nakita akong kakaiba kanina.”

“Baka naman dala lang iyan ng pagod kaya kung anu-ano nalang ang nakikita mo.” Biro ni Connor na hindi man lang pinigil ang malakas na pagtawa.

“I am pretty sure I saw someone. Maybe my third eye is open.” Seryoso niyang saad. Mas lalo lang siyang naasar ng tumawa ng malakas ang mga ito.

“I heard that line before when my father saw my sister’s weird taste in fashion.” Natatawang wika ni Kelly.

And speaking of sister, wala siyang nakikitang ibang tao na sumalubong sa kanila maliban sa magkapatid. She should have showed her face as hospitality.

“Saan mo nga pala nakita iyong nakita mo kuya?”

He pointed out the last window. “That’s our sister’s room. Malamang siya ang nakita mo.”

“Hindi multo iyon?” so, hindi nga multo ang nakita niya. Damn it! nagmukha siyang tanga dahil sa maling akala. What kind of look is that by the way?

“That’s why we keep telling you that Paige is weird.”

“That’s not weird, that’s scary!” Tumwala lang ang mga ito sa sinabi niya.

“Sana naririnig ka ni ate Paige, Kuya Hunter at marealize niyang nakakatakot talaga ang hitsura niya.” Si Nicole. “Kapag narinig niya iyan sa ibang tao other than us, she might change her mind. Masasanay ka rin kuya, mabait naman si Ate kahit ganoon iyon. Feel at home.” Napabuntong-hininga ito.

Kaya pala ganoon nalang ang concern ng mga ito sa lovelife ng nakakatanda nilang kapatid. No wonder.

“I haven’t seen her face for the last twelve years.” Pag-amin pa ng magkapatid.

“I haven’t seen it too.” Maging is Conner?

“That challenged me.” Napatingin ang mga ito sa kanya. “You will support me, right?” Tumango lang ang mga ito kahit hindi pa man naririnig ang mga nasa isip niya.

NAPAKAMOT ng ulo si Paige ng maalala ang mukha ng lalaking kasama ni Connor kanina. Gusto kasi niyang matawa sa naging reaksyon nito kanina ng aksidenteng dumako ang mga mata nito sa kanya. Wala naman talaga siyang balak na magpakita sa kahit sinuman kanina. But she didn’t know na naramdaman pala nito ang presensya niya. There is an obvious fear on his eyes.

“So that guy is the envitable Hunter Clay Sy.” Itinigil niya ang pagtipa at tiningnan ang kulay dalandan na ulo ng araw na unti-unti ng lumabas mula sa kapatagan.

“He is a perfect hero for my novel. He can be a texas serrif or a courageous cop.”

Kaya nga gusto niyang mapag-isa kapag nasa kalagitnaan siya ng kanyang pagsusulat. Kapag nakakakita kasi siya ng pwedeng maging new material niya ay nababago ang takbo ng kanyang isip. Kaya ang nangyayari sa halip na tapusin ang unang ginagawa ay nagsisimula siya ng bago. Nangangamba siyang baka hindi na matapos ang kanyang ginagawa.

Magshift kaya siya ng genre? From mystery-horror to love and romance. Natigilan din naman agad siya sa kanyang naisip at saka marahang napailing. “Impossible.” Naibulalas lang niya.

Tinanggal niya ang suot na salamin at ipinatong iyon sa ibabaw ng mga keyboards ng laptop na dala niya at saka nahiga sa ibabaw ng mga carabao grass. Napapaligiran siya ng maraming bulaklak. Last few years ay nagdala siya ng mga buto ng mga rosas at isinaboy iyon sa lugar na iyon. Then after that buto ng mga sunflower naman at kung anu-ano pa. Hindi naman niya inaasahan na tutubo ang mga iyon. And now she can even smell the mixture of their fragrances as well as the sweet scent of the mist from the trees.

Napahikab siya ng ilang beses at hinayaan nalang ang sariling tuluyan ng maidlip. Her sanctuary brought her security that she can’t even find at home.

“TITA, TITO.” Binati ni Hunter ang mga magulang ni Kelly at

Nicole na dumating rin kasunod nila. Matagal na niyang kakilala ang mga ito kaya hindi na rin iba sa kanya ang mga magiging magulang ng pinsan niya.

“Hunter, mabuti naman at naisipan mo na ring magbakasyon. Sasayangin mo lang ang gandang lalaki mo sa opisina.” Nakangiting wika ng ama ng pamilya.

“Oo, nga hijo. I am pretty sure you will enjoy your vacation here.”

“Thanks, tita, tito.” Nakangiting pasasalamat niya.

“Nasaan nga pala ang ate ninyo? Bakit hindi ko na naman siya nakikita, hindi man lang niya kami sinalubong.” Nagtatampong tanong ni Margarita.

“Nasa tops si ate, ma. Nagsusulat malapit na kasi ang deadline niya. Tumawag na nga dito ang editor niya kanina. Nakakainis.” Reklamo ni Nicole.

“Sabi ko naman kasi sa iyo na si Imelda na ang kumausap sa kanya.”

“Wala naman si Imelda pumunta sa palengke. Nakakainis kasi iyong editor ni ate, ang slang mag-english ang bilis-bilis pang magsalita. Nakakainis itong mga pareners ha.” Daing nito.

YOUR face will be your curse! You will never be happy. You will keep hurting people around you.

Gabutil ang pawis niya sa kanyang noo ng magmulat siya ng mata. Naalala na naman niya ang mga salitang iyon. It’s been already twelve years pero nanatiling multo pa rin iyon mula sa kanyang nakaraan.

“Is she still alive?”

“Maybe she has been poisoned by the wicth. Hanapin mo iyong orange.”

“Anong orange? Pineapple iyon.”

“Iyon ba ang kinain ni Snow man?”

“Snow white.”

Guni-guni lang ba niya iyon or talagang may naririnig siyang maliliit na boses sa kanyang tabi. She moves.

“She’s awake. She wasn’t poisoned.” Umayos siya ng upo upang tingnan ang kanyang maliliit na bisita.

“Yikes! Sadako!” Hiyaw ng dalawa na hindi pa siya nakakapagsalita. Grabe ang mga batang ito, napaka-judgemental.

Saka lang niya napansin na magkamukha ang dalawang nilalang na nasa harap na niya. Ang pinagkaiba lang ng mga ito ay ang kulay ng suot nilang t-shirt. Ang isa ay naka-blue while the other one wear green.

Bigla siyang nataranta ng nakitang nanunubig na ang mga mata ng dalawa at handa ng umiyak ng malakas,

“Wait! Teyka lang, huwag muna kayong umiyak.” Nanginginig na hahawakan sana niya ang mga ito pero mas lalong lumala. Wala siyang nagawa kundi hawiin ang bangs na nakatabing sa kanyang mukha. Effective naman ang kanyang ginawa dahil natigil na ang mga ito. Pinunasan niya ang mga luhang nakaalpas sa mga mata ng mga bata.

“See, I am not a monster.” Ngumiti siya.

“I told you she is a princess like snow white.” Anang naka-green na shirt.

“She is a forest fairy, the one with peter pan.”

“Wendy?”

“No!”

“Twinkerbell.”

Pinigilan niya ang pagtawa sa nakakatuwang pag-aaway ng mga ito. “I think that’s tinkerbell.” Pagtatama niya. “Nawawala ba kayo? Delikado ang magpunta dito.”

“We smelled something sweet so we followed it here and we lived there.” Turo nito sa bahay ng mga Lizardo na nasa ibaba ng pangpang.

“Kids, just keep this place a secret okay? And don’t tell anyone that you saw my face.”

“Why?” They both ask in chorus.

“Because it would be dangerous if the wicked witch found where I am.” Sinakyan nalang niya ang fairytale imaginations ng mga ito.

“Wahh! We will protect you from the witch like what we did to mama. We protected her from granny Lo, because you are the prin-, ahm.” Mukhang hindi alam ng mga ito ang itatawag sa kanya.

“Ate Paige and I lived there.” Turo niya sa bahay nila.

“Oh, we are neighbors. I am Duke Seigfred Lizardo, four.” Pakilala ng naka-green.

“And I am Duke Simoun Lizardo, four.” Ganoon din ang ginawa ng naka-blue. “But mama called me Sime and Seigfred as Sej because it’s shorter.”

“I heard that your lolo and lola are coming today. Why are you all here? Dapat sinasalubong niyo sila.”

Agad na lumunkot ang mga mukha ng dalawa sa sinabi niya. “We hate granny Lo.” Saad ni Sej.

“Yeah, because she hates mama too. She hurt Mama because papa chose her over tita Joan.” Oops! Mukhang mapipipilitan siyang makinig sa mga ito.

“She hurt mama and hurt us. But papa came and help us too.” Bakas ang takot sa boses ng mga bata habang nagsasalita. They are all here because they are scared to be hurt again and see their mom being hurt too.

“Pero malaki na kami kaya magiging knight din kami ni mama.” Matapang na wika ni Simoun.

“Then, dapat ay nasa side lang kayo ng mama niyo. So that kapag dumating ang lola niyo ay i-po-protect ninyo siya agad.” Napatingin ang mga ito sa isa’t isa.

“Can we still see you here, Ate Paige?”

“Of course, this is our secret hideout right? Pwede din kayong pumunta sa bahay namin. Bibigyan ko kayo ng pass.” Pumunit siya ng ilang pahina sa kanyang organizer and draw something and give it to them. “Call me in advance too so that I can bake cakes and cookies.”

Nakita niya ang saya sa mga mata ng mga bata. This is the first time as she remembered that look at her with pure happiness on their eyes. Kids are innocent and pure.

Pagkatapos niyang ihatid ang mga ito sa may gate ng mismong bahay ng mga Lizardo ay nagsimula na rin siyang maglakad pabalik sa bahay nila. Siguradong magugulat ang mga ito sa maaga niyang pagbalik.

TBC

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 154K 145
Collection of short stories dedicated to my angels. Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
7.6K 235 43
University Series #01: Charlotte Grace Reyes & Flair Keyne Ross "She's the girl who own my lips." ©shaitamad Allrightreserved2K21
420K 15.9K 35
"If someday, when you realize that I could somehow be a part of your life , I'll always be your shooting star." Santi X Martee
93.2K 140 15
Smut May mga wrong grammar lang po dyan pag pasensyahan nyo🙂