Royale Series 10: Let The Hea...

By iamyourlovelywriter

2.2M 36.9K 1.5K

note: This contains scenes that aren't suitable for young audiences. (SPG) TEASER: Sa bawat ulan, may araw Sa... More

BOOK 10: Let The Heart Knows
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine-A
Chapter Nine-B (spg)
Chapter Nine-C (spg)
Chapter Ten-A
Chapter Ten-B
Chapter Ten-C (END)
Extra #1: The Wedding
EXTRA # 2: The honeymoon

EXTRA #3: The baby Girl

149K 2.5K 114
By iamyourlovelywriter

 EXTRA#3: Baby Girl

 

           Kanina pa niya hindi pinapansin ang asawa niyang kanina pa titig na titig sa kanya. He is drinking his coffee and pass the sides of his lips using his tongue na para bang takam na takam sa hindi malamang bagay.

           “Bakit?” takang tanong niya napansin niyang napalunok ito and suddenly his eyes showed her his answer. She silently shook her head and glared at her husband. “No.” tanggi niya na ikinasimangot nito.

           “Why?”

           “Hindi na pwede.”

           “Ginagawa naman natin iyon ah.” Reklamo pa nito.

           “Of course love kaso kabuwanan ko na and I won’t risk my baby with your insatiable lust over me.” Pinanlakihan niya ito ng mata. Yes, she is pregnant and she will give birth any time soon. Wala siyang naging problema sa paglilihi niya dahil hindi naman siya naging ganoon kaselan. Walang morning sickness sabi nga ng mga friends niya nakakainggit daw siya, wala nga pero feeling niya si Gleian ang naglilihi.

           Hindi sa pagkain, nagiging mas horny pa yata ito since nalaman nilang buntis siya. Ang hirap pa naman nitong tanggihan dahil hindi ito nagpapatanggi except for today dahil tinakot ito ni Wess na baka hindi lumabas si baby kapag pinilit siya. Sinabihan talaga niya si Wess na sabihin iyon sa asawa dahil baka masobrahan na naman ito.

           “It is not my fault that you look so beautiful even if you are pregnant.” At siya pa ang nablame pero dahil sinabihan siya nitong maganda kaya okay lang. Nakapagleave na rin siya sa Elite at babalik three months from now or kung hanggang kailan niya gusto total asawa naman siya ng may-ari at saka since nagbuntis siya ayaw na ni Gleian na magtrabaho siya. Kulang nalang ay may bodyguard siya everywhere she go.

           “Maghintay-hintay muna tayo love ha, it will be worth waiting kapag nakalabas na si baby Zhandra.” She console him at saka linapitan ito para sana halikan kaya lang ay hinila siya nito at pinaupo sa kandungan.

           “I will wait and yes I know it will worth the wait.” Hinawakan nito ang nakaumbok na tiyan niya sa kanilang dalawa ito ang pinaka-excited na manganak siya. Siya naman kasi may halong takot dahil hindi naman madali ang manganak. “Baby, labas ka na sa tummy ni mommy at ng makagawa kami ng baby brother mo or another baby sister.” She playfully tugged his ears.

           “Ang dama mo talaga natatakot na nga ako dito tapos paanakin mo uli ako.”

           “Joke lang angel mga one year lang ang gap nila.” anitong ngumisi.

           “Bahala ka basta ikaw ang mag-alaga sa kanila.” Tatayo sana siya dahil alam niyang mabigat siya kaya lang ay pinigilan siya nito. “Mabigat ako.”

           “Nah, you are as light as a feather my dear wife.”

           “And you never failed to boost my ego my dear hubby.” She said kissing him on the tip of his nose.

           “I love you.”

           “Same here.” Nagpout ito na ikinatawa nalang niya. “I love you too.”

           “Much better.” Hinaplos nito ang tiyan niya at napangiti siya kasi ininsist nitong baby girl talaga ang panganay nila. Ewan ba niya kung bakit may frustration ito sa anak na babae.

           “Bakit gusto mo ng baby girl?”

           Tumingin ito sa kanya. “Kahit ano naman ang gender ng baby angel ay gusto ko basta galing sa iyon, iyong tayo ang gumawa.”

           “Para kang sira syempre sino pa baa ng ibang gagawa puputulan kita ng happy ever after kapag niloko mo ako.”

           “Silly, ikaw lang ang gusto kong kasama sa pagawa ng baby at wala ng iba.”

           Bigla siya nitong binuhat at dinala siya nito sa sala and sit on their favorite couch. Syempre may favorite sitting position din sila kailangan ito muna ang nakaupo tapos nakaupo siya sa lap nito habang pinapakinggan niya malakas na tibok ng puso nito.

           “Tinatanong mo kung bakit gusto ko ng baby girl? Ang mga anak na babae kasi hindi nila natitiis iyong mga magulang nila kahit gaano man sila kagalit at kasama ang sama ng loob nila sa mga magulang nila, they will always leave a big space in their heart for forgiveness and acceptance. I am a son myself, matigas ang ulo ko at mapride din ako madalas kong binibigyan ng sakit ng ulo ang mga magulang ko at minsan nakakaya ko silang tiisin. I love my parents masyado lang talaga akong mapride.”

           Hinaplos niya ang pisngi nito. “You don’t have to choose between a girl and a boy love, dahil palalakihin natin sila na may takot sa Diyos at mahal tayo ng pantay-pantay. We will teach them to respect us and we will remind them how much we love them at ng hindi nila tayo matiis kung may away man tayo.”

           He cringed when she said the word away. “Hindi maiiwasan iyon Gleian may hindi pagkakaintindihan at hindi pagkakaunawaan pero isa lang ang pwede nating gawin at iyon ay unawain sila.”

           “That’s why I am very thankful na ikaw ang naging asawa ko at ang magiging nanay ng mga anak ko.”

           “You will be a great father love.”

           “Sana nga.

           Napangiti siya dahil alam niyang magiging mabuting ama ito, she still remember the day he learned that she is pregnant.

           Nasa Royale siya ng mga oras na iyon at kinukulit si Chrome, trip lang talaga niyang kulitin ang kaibigan paano ba naman kasi the past few weeks ay natatypan na niya ang style nito. Kasama din niya si Gleian na mas lalo niyang hindi maintindihan ang ugali dahil kapag nalaman nitong nasa labas siya ay kusa itong susulpot bigla tapos tinitingnan ng masama iyong mga kawawang lalaki na tumitingin sa kanya. Sabi nga nila mas nagiging possessive ito sa hindi malamang dahilan.

 

           “Ang kulit ng asawa mo Gleian please lang ilayo mo na siya sa akin.” Muntik na siyang matawa ng kulang nalang ay hatawin siya ni Chrome ng tasa na may lamang tea. “Kung gumaganti ka sa pamemera ko sa asawa mo hindi ako magsosorry.”

 

           “Nah, hindi mo mauubos ang kayamanan ng asawa ko.” Ngumisi siya. “Hindi k aba naiinggit? May asawa na kami.”

 

           “May pera ako.” Anito.

 

           “Hindi mo makakasama hanggang sa pagtanda ang pera mo.”

 

           “Uhuh, isasama ko ang pera ko kahit na sa libingan ko.”    

 

           “Hindi mo maeenjoy ang sarap ng buhay.” She said and wink at her husband.

 

           “Hindi ako utak berde.”

 

           “Kaya pala naiintindihan moa ng sinabi ko. So, payag ka ng makipagblind date?”

 

           Tinaasan siya nito ng kilay. “Never.”

 

           “Bakit ba ayaw mo? May asawa ka na ba? May boyfriend? May kalive-in?”

 

           “Sayang lang ang oras ko sa mga lalaking iyan.” Malakas siyang napasinghap ng sabihin nito iyon na para bang wala lang.

 

           “Hindi kaya!”

 

           “Mas trip kong kasama ang mga orchids ko sa bahay, si Lizzy na aso ko at young rocking chair ko and of course a cup of tea will suit me better.”

            “Hindi ka niyan mabibigyan ng anak.”

            “Bakit ikaw magkakaanak ka na ba?” Chrome asked.

            Napatingin sa kanya ang mga tao sa Royale dahil sa sinabi ni Chrome. Ilang buwan na rin silang kasal ng kanyang asawa and they never missed a night doing it maliban nalang kapag may period siya.

            “May asawa ako kaya malamang mabubuntis din ako at saka baka nga buntis na ako dahil two months na akong delayed…” her mind stopped on tracks when she suddenly realized something. Pero impossible naman kasi hindi naman siya nagsusuka, wala siyang morning sickness at kung anu-ano pang sign na buntis siya.

            Natilihan siya ng biglang may bumagsak na kung ano at nagtsk si Chrome. “Mahal ang basong iyan Gleian dapat mo akong bayaran.” Napatingin siya sa asawa niya na nakatulala lang habang nakatitig sa kanya with matching wide eyes pa. Tumayo ito tapos ay hinila siya palabas ng Royale.

            “Saan ba tayo pupunta?” tanong niya.

            “Sa doctor.”

            “Bakit?”

            “Magpapacheck up ka baka buntis ka nga tapos ang likot-likot mo pa paano kung may masamang mangyari sa iyo. Mas mabuti ng alam na natin agad at ng mapagsabihan ka ng doctor ng kung ano ang dapat gawin alam kong hindi ka nakikinig sa akin at hindi naman kita kayang pagsabihan kaya mas mabuti ng ang doctor ang gumawa niyan sa iyo.” Walang hinga-hingang sambit nito. Halata kasi na natetense ito sa posibilidad nab aka nga buntis siya.

            “Ako na ang magdadrive.”

            “No!”

            “Baka maibangga moa ng kotse kapag ikaw ang nagdrive masyado kang tense na tense ayoko pang mamatay at paano kung buntis ako eh di mapapahamak ang panganay natin.”

            Mas lalo itong namutla. “Hindi ako pwedeng magdrive kapag kasama ka yeah.. yeah… I should hire a driver then.” Anitong parang nakikipag-usap sa sarili. “I should buy a bigger house para makatakbo ang anak natin, magsa-shopping tayo ng mga gamit niya and it will be a baby girl!” kung siya ay super relax lang kapag kinakabahan at excited kabaligtaran naman ang lalaking ito dahil halatang-halata na kinakabahan. “Teyka lang…” nag-excuse muna ito sa kanya tapos ay pumunta sa gilid saka nagsuka.

            Napatanga nalang siya sa asawa, kumuha siya ng tubig sa Royale tapos narinig niya ang tawanan ng mga kaibigan nitong lalaki. “Naranasan na rin ni pareng Gleian ang magsuka dahil sa kaba.” Si Pierce.

            Hindi niya pinansin ang mga ito at linapitan si Gleian na hapong-hapo na at kung anu-ano na ang pinagsasabi.

            “Should we name our baby, Sandra? It’s my grandma’s name pero gusto ko unique kaya Zandra nalang para mas cool, nope… lagyan natin ng H para mas cute tama, Zandrah, parang mali ang hirap ipronounce, Zhandra nalang, unique iyon tapos lagyan natin ng second name. How about Zhandra Nathanielle, maganda nga iyon hindi pa siya mahihit sa NBI kapag kumuha siya paglaki niya-.”

            “Love, punta muna ako sa hospital para magpacheck up.” Saka lang ito napatitig sa kanya.

            “Kailangang kasama ako.”

            “Eh di ako ang magdadrive.”           

            “No, we will take a taxi—on the other hand magpapatawag ako ng driver baka kunin ka pa ng taxi driver sa akin kapag hindi ako nakatingin.”

            “Masyado ka ng OA promise.”

            “Hmmph!” hindi siya nito pinansin at tinawagan ang driver nito na mabilis namang dumating. Para nga siyang manganganak habang yakap-yakap nito papunta sila sa hospital. Nakaramdam din siya ng takot lalo pa at baka pwedeng false alarm lang wala naman kasi siyang nararamdaman.

            “If it’s false alarm we have all the time in the world to make one.” Napangiti siya sa asawa niya na mukhang nababasa ang laman ng kanyang isip.

            Nang makarating sila sa hospital  ay muntik na niyang itapon si Gleian dahil nateterorize ang mga tao doon. Mabuti nalang at nandoon si Wess na kasalukuyang kumakain ng Spanish bread. Napangisi pa nga siya sa isip ng maalala si Chrome na trip na trip din ang Spanish bread.

            Isang may edad na babae ang naging OB niya kasi ayaw ni Gleian ng lalaki baka daw kasi silipan lang siya. Yup, ewan lang niya sa future anak nila kapag ganyan pa rin iyan kapossessive. Baka masakal ang baby nila sa paghihigpit ng tatay nito.

            Napahawak siya sa kanyang impis na tiyan at para bang may kung anong init ang bumalot sa puso niya sa ideya nab aka may buhay na nga sa kanyang sinapupunan. Pagkatapos ng ilang test ay hinintay nilang dumating ang result.

            “Mr and Mrs. Vasquez?”

            “Doc, ano po ang resulta ng test?”

            Ngumiti lang ang doktora. “Congratulations you are two months expecting.”

            “Bakit wala po akong naramdamang kakaiba? Hindi po ako nagsusuka at wala naman akong kinicrave na pagkain.”

            “May ibang nagbubuntis na maswerte at hindi nakakaranas ng morning sickness at cravings you are one of the few Mrs. Vasquez. But I guess your husband needs more attention now.” Turo nito sa asawa niya, paglingon niya ay nanlaki ang mga mata niya ng umiiyak na pala ito.

            “Anong nangyari sa iyo?”

            “I am just too happy thank you, thank you for coming into my life and making me feel complete. I love you.” Natawa nalang siya dito dahil hindi lang naman ito ang nakakaramdam ng ganoon dahil maging siya ay super thankful sa pagdating nito sa buhay niya. and now they are expecting to have a baby making her more complete. She is going to be a mother, really soon.

            “Ang lalim ng iniisip mo.” Untag ni Gleian sa kanya.

            “May naalala lang ako.”

            “Baka naman ibang lalaki na iyan ha.”

            “Seloso mo talaga ikaw lang naman ang lalaki ko. Well, now you talk about it naisip kong bigla si Chrome.”

            “Si Chrome?”

            “At si Wess.”

            “Bakit?”

            “Bagay naman sila hindi ba?”

            Napaisip ito. “Not really, magkaibang-magkaiba ang personality nila. Masyadong makaluma si Chrome para siyang isang old soul kung hindi ko siya kilala baka isipin kong galing siya sa medieval times at naligaw lang sa modern time.”

            “Ganoon lang talaga ang trip ni Chrome dahil nagtagal siya sa England.”

            “Hindi na naman nagsusuot ng ganoon ang mga Brit unless she lives there one hundred years ago.”

            “Bagay naman sa kanya.”

            “Chrome is a princess and Wess is not your typical prince charming.”

            “He isn’t a prince charming love, but he could be a knight in shining armour. Doctor  din naman siya hindi ba? Baka siya na ang makakapagpabalik sa alaala ni Chrome na nawala eight years ago.”

            Tumitig ito sa kanya. “May amnesia si Chrome?”

            “Yeah, why?”

            “Nasabi ko na ba sa iyo na may ex-girlfriend si Wess na namatay dahil sa brain cancer eight years ago.”  

            “Really? Wait, parang nasabi nga niya iyon so that was eight years ago.”

            “And his ex and dead girlfriend’s name is also Chrome.”

            Napakurap siya at biglang gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi sa mga impormasyong narinig niya.

            “Love.”

            “Hmmn, si Wess at si Chrome ang nasa top list ng magiging ninang at ninong ni baby Zhandra ha.”

            “Sure angel anything for you.”

<3 <3 <3

a/n: heto na ang last part ng extra chapter meaning icoclose ko na ang book 10 para tuluyan ko ng masimulan ang book11 tapos ang next series na mga anak nila. The next series will be titled, The Marked Series kung saan ko nakuha ang title na iyan sa next series ko na eexplain. And yes, iyong mga batang nakikigulo sa chapter na itey ang nasa next series. Pero bago iyan simulan ko muna ang book 11 and while it is ongoing sisimulan ko na talaga ang ilang parts ng next series sa katauhan ni Allyxel Cash Ventura, yep, anak po siya ni Cash at Alleysha iyong sa hot bachelor series churva ko.

Salamat sa walang sawang pagsupport dito sa book 10 kahit na paiba-iba ang trip at plot ko sa story na ito still sinabayan niyo pa rin. Haleleleleleellabyu people.

STATUS UPDATE: Kain tayo ng french fries, nagpabili ako ng mcfloat tapos may libreng french fries at cheeseburger may free snack na ako, pero sabi ni father dear lunch ko na daw iyon. Hanuuu naman kaya iyon?

PPS: BOOK 10: LET THE HEART KNOWS is finally closing and SIGNING OFF!

Continue Reading

You'll Also Like

7.4K 849 23
R-21 MATURE CONTENT Wonderland Series #3 ..... A kiss from someone who labeled me as a liar was all it took to undo me. Kahit gaano man kataas, kala...
233K 2.3K 50
Slylexia Yvinisse Rodriguez is a daughter of half spanish and pure australian. Her dad is well-known as a great congressman and retired general in 20...
1.9M 129K 46
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...