A PAST WITH AN ALIEN #wattys2...

By Ae_december

131K 1.5K 9

Sabik na sabik si Erier nang makatapak sa planetang Earth sa unang pagkakataon. Bilang natatanging mamamayan... More

DISCLAIMER
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
Meet the characters
Meet the characters part two

CHAPTER 44

2.4K 23 0
By Ae_december


ERIER

Nang ma-abswelto kami sa paglilitis, pinayagan na kaming bumalik sa aming pangkaraniwang buhay.

Confidential pala yung nangyaring paglilitis na iyon. At wala ring nakaka-alam sa buong mundo namin na dumating kami at pumalpak ang misyon. Nagkaroon daw nang news blackout, basta babalik kami sa dati naming mga buhay na masosorpresa nalang ang mga mamamayan na heto nagbalik na kami.

Matapos mahuli at makulong si chieftain Basar, nagpalabas ang gobyerno nang wanted list para sa mga hybrid. Na ikinagulat nang buong planeta. Ang akala talaga nang lahat isa lamang itong myth. Ngunit alam naman nang buong planeta na minsan ay may isang alien race na muntik nang sumakop sa aming planeta noong unang panahon. Ang hindi lang nila pina-alam kung anong alien race ito. Hindi kasi ito pinangalanan at naging isang misteryo sa kasaysayan nang mundo namin. Ginawa itong isang malaking cover up nang aming gobyerno para huwag maglikha nang takot sa lahat at hindi maapektuhan ang aming pamumuhay. Kaso wala kasing lihim na hindi nabubunyag lalo na nang malaman nang lahat ang tungkol sa mga hermit cities.

Nakatulong yung pagsasawalat nang lihim kasi nagkaroon nang public concern at cooperation. Mas mapapadali ang pagtugis sa mga sinasabi nilang natitirang hybrid. Ngunit sa isang banda hindi rin naging maganda dahil nagsimula namang huwag magtiwala ang lahat nang mamamayan sa bawat isa. At since wala namang nag-eexist na pamilya sa planeta namin, bawat isa ngayon tamang hinala na. Pwera lang kaming anim sa misyon dahil alam namin ang totoong nangyari.

Nang matapos ang paglilitis, nagtungo muna kami sa Merila bago umuwi sa aming mga hometown cities. Eto yung hometown city ni kapitan Zegyr, idineklara kasi siyang isang bayani nang kanyang mga kapwa citizen. Naging emosyonal pa nga ako sa ginawang heroic declaration. Mami-miss ko talaga si kapitan dahil siya ang itinuring kong ama nang matutunan ko ang word na iyon.

At nang matapos ang pagbisita namin doon, pinayagan na kaming bumalik sa aming mga pangkaraniwang pamumuhay at dito na nagbago ang lahat. Tumaas kasi ang ranggo at posisyon nang lima kong nakasama sa kanilang larangan.

Si Avara na-atasan na maging isa sa mga head engineer sa central base nang aming planeta. Kasama siya sa binubuong grupo nang mga scientist at astronomers na gagawa ng faux pattern sa labas nang aming solar system para maging proteksyon daw laban sa mga mananakop na alien race. Siyempre lalong-lalo na sa mga Alpha-Draconian. Sa isip ko, kailangan pa ba iyon, eh may nag-eexist namang Alien Convention. Ayaw lang kasing tanggapin ng gobyerno namin ang organisasyong iyon.

At sa sitwasyon nang mga leader namin ngayon, mukhang imposibleng makipag-kasundo sila rito. Na-alala ko yung sinabi ni Gaeia na nirerespeto nila ang government namin. Ganyan talaga kapag isang Socialist Tenochracy ang inyong gobyerno. Hindi mawawala ang tinatawag na pride sa council.

Sina kapitan Okron at Mamir na-promote sa aming air and space defense ministry. Sina Sok at Alta naman ay nabibilang na sa mga elite scientist. Eto yung crème of the craft, ang authority nang scientific community ng aming planeta. Ang scientist ang may pinaka-malaking porsyento nang aming populasyon. Wala kaming tigil sa pag-imbento nang maraming bagay para sa pagpapabuti nang aming pamumuhay.

At ako, may ibibigay sanang posisyon si chieftain Arim sa akin mula sa kanyang seat of government, pero tinanggihan ko ito. Mas pinili ko pa rin ang maging isang guro. Kapag na-aalala ko na naging teacher ako minsan sa planet Earth, na-realize ko naroroon talaga ang aking puso.

Ngayon, after nang misyon, feeling ko may silbi na ang aking pagiging guro. Kung dati pinili ko ang career na ito dahil may gusto lang akong patunayan sa mga nang-aapi sa akin, ngayon may sense of fulfilment na ako. Gusto kong magturo sa mga batang Xyle-ver at ituro sa kanila ang kahalagahan nang self-love. 

Love, ngayon ko rin na-realize na minamahal din pala ang sarili.

Sabik na sabik akong nagbalik sa mini-city. May nag-escort pa sa akin mula sa aming defense ministry. Halos lumuwa ang mga mata ko dahil hindi ko expect na ganito kadami ang sasalubong sa akin. Kamusta naman yung mga nang-mamaliit sa akin noon dito pero binalewala ko na iyon. Bago ako magbalik dito, pinag-aralan ko munang isantabi ang pride sa isip ko. Na nagbalik ako dahil gusto ko ang aking propesyon at na-miss ko rin ang aking mga estudyante.

Magmula ngayon, hindi na ako ma-oofend kapag minaliit pa rin nila ako. Kilala ko na kasi ang aking sarili. Na capable pala akong lumaban at mag-survive, sila ba, kaya ba nila ang ginawa ko sa Earth? Gusto kong maging humble at the same time. At gusto ko na rin makita si Pako.

Pagbukas nang higanteng space ship na korteng hipon ay dumaan ako sa buntot nito na nakasayad sa lupa. Na-sorpresa ako dahil tumalon kaagad si Pako sa akin. Na-alerto pa nga ang mga nag-escort sa akin buti nalang nakapag-explain agad ako sa kanila. Nag-sparkle ang mata ni Pako na halos ayaw nang bumitaw. Niyakap ko siya nang mahigpit at binitbit habang dahan-dahan akong tumapak sa lupa. Masaya akong sinalubong nang mga nag-aabang na crowd sa akin.

Yung pinunong guro namin na lalake ang nangunguna. Suot niya ang kulay dark green na robe na siyang kasuotan naming mga guro. Pati pananamit namin dito sa Xyleveria, regulated at color coded base sa propesyon at antas. Kaya nga nakaka-aliw lang yung mga sinusuot ko sa planetang Earth, kasi paiba-iba siya.

Nilagay niya ang kanyang kanang kamay sa ulo at nag-bow sa akin tanda nang paggalang. Sumunod ang maraming mga ka-guro ko na maayos na naka-pila sa right side. Naka-hiwalay ang mga estudyante na nasa left side. One foot apart ang line formation nang lahat. Iyon kasi ang number one panuntunan nang mini-city, order and discipline. Kahit hindi ko masyadong makita ang aking mga estudyante dahil nasa dulo sila nang formation ay batid kong masaya at proud sila para sa akin.

No need nang magmayabang walang magandang maidudulot ito sa akin. Nilagay ko rin ang aking kanang kamay sa aking ulo at nag-bow sa lahat. "Mahal ko kayong lahat!"

Natahimik ang lahat sa sinabi ko at nagkatinginan. Nagbubulungan sila dahil alam kong hindi nila ako na-gets.

"Yun kasi ang natutunan ko sa Earth, pagpasensyahan niyo na," saka palang sila tumango.

Magmula nang bumalik ako sa normal kong pamumuhay dito sa aming planeta, para akong naninibago. Malakas kasi ang naging impact nang mga natutunan ko sa planetang Earth. Nang maranasan ko yung personal attachment sa planetang iyon doon ko na-realize, ang cold pala ng planeta namin. For the first time naramdaman ko ang kalungkutan kahit na't itinuring akong bayani ng aking grupo.

Binigyan nila ako nang isang heroic welcome gaya nang aking inaasahan. Balak pa nga akong ilipat sa isang espesyal na living quarter pero tinanggihan ko iyon. Mas hinahanap-hanap ko pa rin kasi ang aking tirahan dahil dito ako bumuo nang mga pangarap. Tinanggihan ko rin ang lahat nang mga privileges sa mini-city. Gusto kong mag-set nang magandang example sa mga ka-guro ko lalong-lalo na sa aking mga estudyante.

Kung noon walang pumapansin sa akin dahil maliit ang tingin nila. Ngayon ganoon pa rin dahil ang dahilan na-intimidate naman daw sila. Pero hinayaan ko nalang at pinagpatuloy muli ang aking buhay. Hindi na ako masasaktan kung ayaw pa rin nila sa akin. Marami akong naging kaibigan after nang journey kong ito at hindi na mahalaga kung ipilit ko pa ang aking sarili na magustuhan nila ako. Mas naging malapit nalang ako sa aking mga estudyante.

Isang araw nasa kalagitnaan ako nang pagtuturo nang biglang lumitaw ang 3d hologram nang aming pinunong guro. "Erier pumunta ka rito sa office ko, may bisita ka ata,"

Bisita? Nag-iisa lang daw siya kaya hinuhulaan ko kung sino siya sa limang naging kasama ko sa misyon. And it turns out na si Alta pala ito. Na-sorpresa ako sa pagbisita niya, pinayagan kami nang pinunong guro na makapag-usap nang matagal.

Dinala ko siya sa pinaka-mataas na structure nang mini-city, ang paborito kong tambayan. Tanaw namin ang kabuuan nang lugar pati na yung transparent barrier na pumoprotekta sa amin. Sa di kalayuan, matatanaw mo ang lungsod nang Emeria na kumikislap dahil sa dami nang ilaw mula sa mga nagtataasang building nito. Sa right side namin ay yung kabundukan nang Viahara, yung bundok kasi ang nagsisilbing border sa bawat region. Yung ulap sa kabundukan kulay dark grey at may nagkikislapang kidlat, palagi nalang may bagyo roon. Samantalang sa Emeria, red orange ang kalangitan.

"Sinorpresa mo naman ako Alta," wika ko. Napansin kong may kakaiba sa kanyang mukha. "Kamusta ka na?"

Kasama naming dalawa si Pako na sa simula ay shy pa, pero nang kargahin na siya ni Alta ay nagustuhan niya rin ito.

"Okay lang, hindi rin kami madalas magkita ni Sok kasi malayo yung lugar niya," sambit niya. Magkaiba yung kanilang research facilities. At yung kanilang facilities ay sobrang laki na ang bawat pagitan ay one mile.

Napansin kong ang tipid niyang magsalita kaya ako nalang ang madalas mag-open nang discussion.

"Hula ko, na-miss mo ang mga pinapanood mo sa Earth ano," biro ko sa kanya. Nahihiya siyang ngumiti sa akin. Sobrang may kakaiba talaga sa itsura niya. "Hindi ka pa rin ba maka-move on,"

"Medyo, grabe nga yung naidulot nito sa akin eh!"

"Ows talaga! Bakit naman?" hindi siya maka-sagot. Napansin kong huminga pa siya nang malalim.

Lumingon siya sa akin. "I think, I like you Erier,"

Ako naman ang sunod na hindi naka-sagot. Napa-yuko ako at natawa sa aking sarili. "Seriously?"

"Nang matutunan ko sa Earth na pwede pala yung ganoon. Nagkaroon ako nang attraction sa iyo. Lalong-lalo na nang sagipin mo kaming lahat. I like you,"

Hindi ako maka-kibo dahil hindi ko alam kung papaano ba ako mag-rereact sa sinabi niya. Naisip ko pa nga, mas marami pa ba siyang nalalaman tungkol sa love na yan? Bigla kong na-alala yung sinabi sa akin ni Iris noon.

"Kaibigan kita Alta," 

Na-alala ko kasing sinabi ni Iris dati na ang love, hindi pinipilit. Ayokong ipag-pilitan ang aking sarili sa kanya.

"Okay lang," malungkot niyang sagot. Nag-alala pa nga ako dahil alam kong nasaktan ko siya. "Sinubukan ko lang naman kung effective ba ang love sa mundo natin,"

Tinitigan ko siya. Naka-ngiti siya sa akin ngunit mukha siyang napa-hiya. Bumuntong hininga ako. Sa ngayon Alta pero baka malay mo maging effective na siya sa susunod.

Nag-iwan nang marka sa isip ko ang sinabi niyang iyon hanggang sa umalis siya nang mini-city. Na halos iyon na ang naging laman sa bawat sandali nang aking buhay kaya madalas akong distracted lalo na sa aking pagtuturo. Minsan napagisip-isip kong, natututunan ba ang love? Bigyan ko kaya nang chance si Alta.

And the next thing to happen, ayun, ako naman ang dumadalaw sa kanya. Yung ganoong gesture very rare kasi iyon sa planeta namin. Dadalaw ka lang kung mayroon kang mahalagang proffessional errands, at siyempre one time lang ito. Introvert kasi kami at sanay sa isolation. Pero yung madalas na pag-dalaw, pihadong pagdududahan ka na. Ngunit wala na akong pake alam pa sa bagay na iyan basta naging madalas na nga ang pagkikita namin ni Alta.

Hanggang sa subukan naming maging lovers gaya nang mga napanuod namin sa planet Earth. Binago nito ang naging takbo nang aming buhay ngunit naging maligaya naman kaming dalawa. At first time naming naranasan ang ganoong kaligayahan kung kaya't nagustuhan agad namin ito. Hindi pa naging ganoon kadali ang lahat dahil inakusahan pa kami ng kanyang research facilities na may ginagawa raw kaming illegal act at conspiracy. Pero hindi kami natinag, mas naging stronger pa kami kaya nga ngayon alam ko na kung bakit napaka-powerful nang love, willing kayong suwayin ang lahat alang-alang sa nararamdaman ninyo. Hanggang sa napag-desisyunan ko ang isang bagay na magpapabago na talaga nang aking destiny.

"Bakit mo gustong bumalik nang planetang Earth?" tanong ni chieftain Arim.

Nasa office niya ako. "Gusto kong maging kinatawan nang ating lahi sa Alien Convention. Heto nalang siguro ang maari kong I-request sa inyo chief. Gusto nila tayong maging kaibigan,"

"Kailangan nang masusing deliberation tungkol diyan sa request mo. Medyo complicated kasi ang relasyon natin sa organization na iyon," sagot niya. Alam kong ito ang isasagot niya pero hindi problema sa akin iyon. "May consultation pang mangyayari sa lahat nang chieftain at pag-bobotohan pa ito namin,"

Dahil sa love, naisipan namin ni Alta na magtungo sa Earth. Yung naiisip ko rati na paano kaya kapag nagkaroon ako nang sarili kong pamilya, mukhang matutupad pa ata. Halos tumagal ang pag-aantay ko sa naging desisyon nang council hanggang sa ipatawag na ako ni chieftain Arim sa kanyang opisina.

Natapos ang desisyon at nakita ko nalang ang aking sariling naglalakad mag-isa sa mahabang transparent na tube passageway. Kalalabas ko lang nang council building at hindi ko sinasadyang makita si Alta na nakaharang sa aking daraanan. Hinihintay pala niya ako. Tahimik akong lumapit sa kanya at huminga muna nang malalim. Nag-aantay siya nang aking isasagot.

Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi. "Matutupad na ang ating pinapangarap!" bulalas ko sa kanya.

Pinayagan kaming magbalik sa planet Earth. Sa sobrang tuwa naming dalawa hindi naming maiwasang yakapin ang isa't isa. Hinalikan ko siya sa labi sa unang pagkakataon sa aming planeta.

Natigilan kami dahil napansin naming marami na pala ang nakatingin sa amin na halos lumuwa ang mga mata at naka-nganga pa ang mga bibig. Nagkatinginan kami ni Alta at kapwa natawa. Hindi nalang namin sila pinansin bagkus muli naming itinuloy ang mahigpit naming mga yakap sa isa't isa.

Continue Reading

You'll Also Like

96.1K 1.7K 51
(Completed!) Highest rank Achieved#40 in fantasy (05/12/18) Lahat ng tao pwedeng masaktan, karamihan sa kanila ipinapakita ito sa pamamagitan ng pag...
302K 5.5K 59
She is a princess who once lived in Ice Land, because of war she was lost and lived in the human world. When she turns 16 she found out that she pos...
3.2K 58 63
ang paaralang ito ay para sa mga estudyanteng may kakaibang kakayahan, mga estudyanteng may magic, na gustong mahasa ang kakayahan upang magamit sa h...
58.3K 1.4K 22
A girl with a special ability. At first she didn't believe that she had an ability. At the academy,she knows that she had a responsibility to be done...