Hearts Never Lie (Party of De...

By dwayneizzobellePHR

243K 6.1K 445

"Destiny is something you don't find. It comes to you at the right place and the right time. And right now, I... More

Best Friends
The Party
Last Dance
Kiss of Destiny
Chick Boy
The Target
Pictorial
The Show
Dessert
Sleepover
Baby Ahrkhei
Big Boy
Resthouse
The Visitor
The Choice
Closure
Confrontations
Mission Failed
Feud
Realization
Last Shot
Car Key
Photos
Intruder
Landscape
The Bride

Backseat

8K 211 9
By dwayneizzobellePHR

Chapter Five

NAKULTA na naman ang pag-iisip ni Deejay sa pangungulit ni Gelo.
"Pilitin mo siya na isama ka sa Puerto Galera."

"Naman, Gelo! Ano ang magagawa ko kung si Cherry talaga ang gusto niyang isama sa out of town project n'ya?"

"Marami!"

"Ako ba, eh talagang gusto mong mapariwara? Akala ko ba best friend kita?"

"No, no, no! Deejay, I wasn't referring to that! I just know kung gaano kabagsik ang convincing power mo, bakit si Karlo lang ay hindi mo mapasunod?"

"Well, because si Karlo ay hindi uto-utong katulad mo." Dinampot niya ang cellphone at idinial ang numero ng heartthrob.

"Hello," sagot nito matapos ang maraming ring. Sa paraan ng paghinga nito ay halatang kagagaling lang nito sa isang makapugtong-hiningang aktibidades at hindi pa ito tuluyang nakakabalik sa reyalidad. Napakagat siya sa hintuturo niya.

"Ahmm, did I... Did I interrupt something?"

"No, baby. It's okay. Katatapos lang namin. Ahm, just a second, I need to catch my breath."

And then, mother of all holy cows! May boses ng babae na nangibabaw sa background.
"Honey, come back here! I'm not done with you yet!"

Naitakip niya ang palad sa bibig n'ya. No wonder wala s'yang panama sa Cherry na 'to. Para pala itong tigre pagdating sa kama.
Mabilis niyang pinutol ang linya at nilingon si Gelo na kunot-noong nanonood sa kanya.

"What?"

"'Di ba pwedeng humanap ka na lang ng ibang mamahalin? Baka hindi mo kayanin ang Cherry na 'yon, friend!"

"Bakit?" Dinukot nito ang cellphone, pumindot-pindot doon at itinapat iyon sa tainga nito.

"Ano'ng ginagawa mo?" Nanlaki ang mga mata niya.

"I'm calling her."

"Huwag, bakla!" Inagaw niya ang cellphone nito. Just in time para marinig niya ang recorded message prompt para sa voice mailbox ng babae. Pinindot niya ang end button at hinarap ang kaibigan. "Do you know how awkward it is na makaistorbo ka sa isang napakainit na-"

"Stop! I can't take this anymore, Deejay."

Napangiwi siya at tumango. "I promise, gagawa ako ng paraan para hindi matuloy ang holiday spree ng dalawang iyon."

********************************

WALANG tigil ang kakukulit ni Deejay kay Ahrkhei sa telepono."Saan ka sa long weekend?"

"Babe, 'di uso sa aming photographers ang holidays and weekends. In fact, 'yon ang busiest days namin."

"I see... So, saan ka nga this coming Friday n'yan?"

Saglit itong nanahimik bago sumagot. "May photo shoot kami na gagawin sa Puerto Galera."

"Wow!" Kunwari ay nagulat pa siya sa sinabi ng binata, when in fact ay dalawang araw na nila pinoproblema ni Gelo kung paano mai-intercept ang lakad na 'yon.

"Candidate sa beauty pageant ang kliyente namin. Gusto niyang i-post sa lahat ng klase ng social networks ang pictures n'ya, to gain popularity and media support."

"Ows? Galing naman! 'Di pa ako nakakita ng actual pictorial ng mga celebrities."

"Wannabe pa lang iyon, babe. Mas maganda ka pa nga d'on, at wala namang pinagkaiba iyon doon sa ginawa natin dati, except the location, of course." Natawa pa ito sa ka-wierdohan niya.

"Ibig sabihin, you will also dine out with her after the session," she said pointedly.

"That's part of the package. Kasama ang food, accommodation and fare sa babayaran niya."

"At hahalikan mo siya sa loob ng..."

"Woah, my baby is a very jealous girl... Well, puwede ko siyang halikan, pero promise, hindi sa loob ng toilet. 'Cause that's our thing, Deejay, only for you and me."

Inis na pinutol n'ya ang linya. Pinatay niya nang tuluyan ang cellphone.

"Kainis ang bakulaw na 'yon! 'Di man lang mag-pretend na matino s'ya!"

Pabiling-baliktad siya sa kama. Maya-maya pa ay may kumakabog na sa glass window n'ya sa bandang likuran. Napabangon siya bigla at binuksan ang bintana. Nandoon si Gelo sa bubong. Ginamit nito ang metal ladder na dalawang dekada na yatang nakasandal doon.

"Gabi na, nangangapitbahay ka pa?"

"Bilisan mo, dali! Si Karlo, nasa tapat namin. Tinanggal ko nga lang sa saksakan 'yong buzzer. Baka kalampagin niya ang gate, magigising tiyak si Madonna!"

Iyon ang tawag nila sa Tita nito, dahil kahit na kulubot na ang mukha nito ay ultra-mega pa rin ang porma nito. Ano'ng panama ni Lady Gaga dito?

Nataranta siya sa sinabi ni Gelo. Humakbang siya palabas ng bintana. Paglipas ng ilang segundo ay nasa kabilang bahay na sila, gamit ang back gate at back door. Humihingal pa siya nang binuksan niya ang front door. Dumiretso siya sa gate."Kanina ka pa?"

"Ahm... Medyo. Hindi ko nga alam kung sira ang door bell n'yo or ayaw mo lang talaga akong labasin."

Oo nga pala!

Nagtatampo nga pala siya sa lalaking ito, kamuntik na niyang makalimutan. "Bakit nandito ka?"

Lumabas siya ng gate at lumakad papunta sa nakaparadang kotse nito.

"Hindi mo ba ako papapasukin?"

"Hindi."

"Akala ko ba'y nakaalis na ang mga kuya mo?"

"Nandito pa si Kuya Gelo. Bakit ka nga nandito?"

"Babe, I... I think you forgot your robe."

Napasunod ang tingin niya sa pinupuntirya ng mga mata ng lalaki. Wala sa sariling naipag-krus niya ang mga braso sa dibdib. "Do not stare!"

"Pasok ka muna. Maghihintay ako dito."

Pero imbes na bumalik siya sa loob ng bahay, binuksan niya ang pinto ng kotse nito at pumasok siya sa backseat. Nasa kabilang bahay pa ang robe niya, aakyat na naman ba siya sa bubong?

"Honey, hindi diyan. I mean... Magpalit ka muna ng damit."

"Tinataboy mo 'ko?"

"No!" Nagkamot ito ng batok. "Usog ka nga." Umupo ito sa tabi niya. "Ikaw lang ang inaalala ko. Baka manginig ka na naman sa lamig dahil sa nipis ng pajama tops mo."

Tumikhim ito at pasimpleng umusog pa padikit sa kanya. "But then, I can always keep you warm, right?" Umakbay ang braso nito sa balikat niya.

Inalis niya ang braso nito. "Sa susunod, 'wag kang susugod dito nang walang pasabi, ha?"

Hinarap siya nito. "May itinatago ka ba sa akin?"

"Baka ikaw? May itinatago ka ba sa akin?" Balik-tanong niya dito.

Natapik nito ang sariling noo. "Don't tell me na dalawang linggo ang period mo? Kawawa naman ako."

"Huwag mong ibahin ang usapan. Siguro may kasama kang ibang babae sa Galera, ano?"

"Our client. She is a certified woman. Hindi naman s'ya tatanggapin sa pageant kung---"

Sinuntok niya ang tiyan nito. Napadaing ito sa sakit. "Akala mo nakakatuwa ka?"

"Babe, bugbog pa ang kalamnan ko sa extensive work out kanina. Matagal-tagal na akong natigil kaya nabibigla ang katawan ko ngayon. And my new trainer, God, she's like a tigress!"

Yeah, I already knew that! Tell me something I don't know, liar! May work-out ka pa na nalalaman.

"You look hot. Kahit siguro sako ang isuot mo, mukhang dyosa ka pa rin."

"Tantanan mo ako sa mga linya mong 'yan."

"Sure." Kinabig siya nito at hinagkan sa mga labi. Ano pa nga ba ang ibang alam gawin ni Ahrkhei maliban sa mambola at pumindot ng camera? "Hmnn... Huhulaan ko, matakaw ka sa kape?"

Natakpan niya ng palad ang bibig at inatras niya ang mukha. "Amoy kape ang bibig ko?"

"Parang kape. Nakaka-addict, nakakagising ng diwa."

"Corny. 'Di mo ako madadala sa pick-up lines mo."

Minsan pa ay tinakpan nito ng mga labi ang bibig niya. Nang gumapang ang palad nito sa dibdib niya ay napaigtad siya at itinulak niya ito. Umusog siya palayo dito."Sumosobra ka na!"

Niyakap siya nito mula sa likuran at kinabig siya pasandal sa malapad na dibdib nito. "I'm sorry, natutusok kasi ako." Sinundan nito iyon ng pilyong tawa.

"Excuse me! Natutusok din ako!" Kinalas niya ang mga braso nito at pilit siyang lumayo ulit sa katawan nito.

Ang walangya, 'di na nahiya sa sandata niya!

Patamad nitong ibinagsak ang likod sa sandalan ng kotse. "Babe, I asked you to change your clothes. Huwag mo akong sisihin ngayon. I'm just a poor, tortured boy, who has a highly healthy---"

"Hindi pa ako nakapunta sa Puerto Galera," pag-iiba n'ya sa usapan, bago pa ito mapunta sa kung saan.

"Me, too." Tumingala ito sa bubong ng kotse.

"Isama mo kaya ako?" Kapalan na ng mukha ito.

Natahimik si Ahrkhei. May palagay pa nga siya na hindi nito narinig or naintindihan ang sinabi niya.

"Ahrkhei..." Hinarap niya ito. "Gusto kong sumama."

"Ahmmmm."

Mahabang contemplation talaga? Tinitimbang nito kung kanino sa kanila ni Cherry ito mag-eenjoy. Well, anytime ay nakukuha nito kay Cherry ang gusto nito. Doon siya nakakalamang sa babae. Dahil siya? Tutulo ang laway ni Ahrkhei, pero never nitong makukuha ang puri niya! Pero s'yempre, kailangang tuksuhin niya ito.

Iniyakap niya ang mga braso sa katawan nito at isiniksik naman niya ang ulo sa balikat nito.

Napatuwid ng upo si Ahrkhei. "Sweetheart, don't start something na hindi mo kayang tapusin," babala nito sa paos na tinig.

"Gusto kong sumama sa 'yo. Mami-miss kita nang sobra this weekend."

Nag-alis ito ng bara ng lalamunan. "Not this weekend, babe. Next time na lang. Ang lapit lang ng Puerto Galera. Pupunta tayo doon, or kahit saang sulok pa ng Pilipinas. Iyong tayo lang dalawa, at wala tayong iniintinding kahit ano. Ayoko ng istorbo."

Tinatanggihan siya nito. Mas gusto pa rin nito si Cherry. Insulto na talaga iyon sa pagkababae niya. Hindi puwede 'yon!

"Puwede nang sabitan ng kaserola ang nguso mo," pang-aasar pa ng lalaki sa kanya.

Binuksan niya ang pinto sa kabila. Pero hinila siya ni Ahrkhei pabalik. "Ah-uh! You're not going anywhere, baby. At hindi rin ako aalis dito hanggang hindi tayo nagkakaayos."

"Ayaw mo akong isama dahil may kasama kang ibang babae. I can feel it."

"Babe! Pupunta ako doon para magtrabaho, hindi para mambabae. Hindi ko gawain 'yon. You see, my stupid brother is always missing in action. Kapag nakakita siya ng magandang babae, kinakalimutan na ang trabaho."

Excellent! Perfect way to describe yourself! Pagbintangan pa ang... wait a minute!

"Your brother?" kunot-noong tanong niya dito.

"The other photographer." Bakas ang pagkaumay sa mukha ni Ahrkhei. "I need to be the responsible one. I need to back him up. Kung isasama kita doon, hindi rin kita maaasikaso."

Well, siya ay hindi lang nauumay, allergic siya sa Virus na 'yon.

"Magkapatid kayong dalawa?" 'Di siya makapaniwala. Kung sabagay, hindi naman nagkakalayo ang tabas ng dila ng dalawa. Pero kawawang nilalang, sana'y naging virus na lang ito nang tuluyan. Kung itatabi kasi ito kay Ahrkhei magmumukhang latak na lang ito.

Kumunot ang noo ng lalaki. "Have you met my brother?"

"Sa party."

"Oh, yeah, I remember that. He took a photo of your butt."

"You mean, my bare back."

"Your butt, Deejay. I saw the photo. My brother is a psycho. You should stay away from him. Huwag ka nang pupunta ulit sa shop, okay?"

"Seryoso ka?"

"Yes, I am. Baka ikaw naman ang biktimahin ng lokong 'yon." Hinawakan nito ang baba niya. "And that, I will never allow. Because you, my baby, belong to me. Babawi ako sa 'yo, promise. Pagbalik ko ay isasama kita sa resthouse namin sa Tagaytay. Doon tayo mag-spend ng weekend."

Doon natunaw ang tampo niya. Napangiti siya sa isiping magkakaroon siya ng pagkakataon na mailayo ito kay Cherry ng ilang araw. "Promise?"

"Oh, I love that naughty smile!" Napapailing pa ito to stress the matter. Muli siya nitong kinabig at hinagkan sa mga labi.

Pagpasok ni Deejay sa bahay nina Gelo ay nagulat pa siya nang lumabas ang lalaki mula sa pinagtataguan nito.

"I can't believe it! You just... You made out with that jerk at the backseat of the car?"

"Exagge ka. Kiss lang 'yon, 'no. Besides, sino'ng nagsabing manood ka? Hindi 'yan kasama sa usapan."

"Don't tell me na sa tuwing magkasama kayo ay ganoon ang ginagawa ninyo?"

Ngumiti siya nang matamis dito. "Actually, no, my friend. 'Cause the first two happened inside the ladies' comfort room."

"Huwatt? Gross!" Eksaheradong komento nito.

"It was't, trust me." Bahagya na lamang niyang naiwasan ang ibinato nitong throw pillow.

"Kulang pa rin ba ako sa effort?"

"Hindi mo kailangang umabot sa ganoon, Deejay. I'm afraid na ikaw naman ang mapahamak sa lalaking iyon dahil diyan sa ginagawa mo."

"I think I can handle that. By the way, ihanda mo na ang loob mo, dahil hindi na mapipigilan ang nalalapit na bakasyon nila ngayong weekend. I'm so sorry, friend. Don't worry, babawi tayo." Humakbang na siya papunta sa back door.

Continue Reading

You'll Also Like

33.4K 1.3K 22
Magmula pagkabata ay ipinamulat na kina Matilda at Kent ng kanilang mga magulang na sila ang magpapakasal balang-araw. Ngunit dahil hindi sila naging...
6.7K 229 17
"Need not to explain, Dear. Yakapin mo lang ako, mauunawaan ko na ang lahat..." Si Raul ang kasintahan ni Rosette, ngunit sa masakit na biro ng tadha...
373K 19.5K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.