Hearts Never Lie (Party of De...

By dwayneizzobellePHR

243K 6.1K 445

"Destiny is something you don't find. It comes to you at the right place and the right time. And right now, I... More

Best Friends
The Party
Last Dance
Kiss of Destiny
Chick Boy
The Target
Pictorial
The Show
Backseat
Sleepover
Baby Ahrkhei
Big Boy
Resthouse
The Visitor
The Choice
Closure
Confrontations
Mission Failed
Feud
Realization
Last Shot
Car Key
Photos
Intruder
Landscape
The Bride

Dessert

8.2K 212 7
By dwayneizzobellePHR

Chapter Four

KINABUKASAN, nakatanggap ng tawag si Deejay mula kay Ahrkhei. Nasa duty siya at kasalukuyang nakayuko sa harap ng microscope. Kung naiba lang ang caller n'ya, nungkang tanggapin n'ya ang tawag. Sa bagsik ng matandang chief med tech nila ay dinaig pa nito ang pinakamatinding mikrobyo.

“Good morning, baby. I just woke up, and I needed to hear your voice to keep me up, I mean, really up,” may lakip na kalokohan ang boses nito.

Disgusting mammal!

“Well, I'm sorry to say, Perv, but I'm at work now. I can't do much to solve your problem.”

“Work? What work?” halatang nagising ang interest nito. “Nasaan ka ngayon?”

Nakagat niya ang ibabang labi. “In a home for the aged.”

“May ganyan ba dito?”

“Yeah! It's private, actually. Inaalagaan ko ang isang matandang bruha, and right now, hawak ko ang ebak n'ya. Want some?”

“Eeww!”

Oh, I love that husky voice!

“Deejay!” Tawag ng chief nila. “Sabi nang bawal mag-cellphone sa duty!”

“Nandito na ang bruha! Bye!”

“Wait—”

Pagdating ng lunch time ay text naman ang natanggap niya.
“I prefer eating lunch with you, you know, somewhere near the toilet.” Dinugtungan pa nito iyon ng isang emoticon ng lovestruck na smiley.

Napakunot ang noo niya doon. Kung hindi lang niya nakapa ang bukol-bukol na muscles sa katawan ng lalaking iyon ay magdududa rin siya kung straight nga ba ito. Sabagay, may beki ba na ganoon kasarap humalik?

Tinignan niya ang pagkain niya. Bakit parang sa mga oras na iyon ay iba ang gusto niyang kainin? Nakakaadik ba talaga ang halik? 'Di kaya puro dangerous drugs ang sangkap ng laway ng Ahrkhei na 'yon? Gumana na naman ang pagiging paranoid niya.

Sabi niya noon, bago siya mag-boyfriend kailangang matiyak muna niya na negative sa lahat ng diagnostic tests ang lalaking sasagutin niya. Mahirap na, baka ang ka-lips-to-lips niya ay positive pala sa tuberculosis! At dapat, laging bagong toothbrush bago siya hahalikan. Bakit pagdating kay Ahrkhei, care ba niya kung lasa pa itong ulam…

Teka, ano nga pala ang apelyido ng lalaking iyon? Taga-saan? Ilang taon na? May SSS at Philhealth kaya siya? May insurance? May bank account?

Aray, boyfriend material ba si Ahrkhei? Sobrang nabibilisan lang kasi siya sa mga pangyayari. Pero bakit nga ba kailangang patagalin pa? ‘Di ba’t kailangang ma-save nila agad si Cherry bago pa mahulog nang husto ang loob nito sa lalaki? At kailangang matapos agad ang mission bago pa mahulog din ang loob niya dito.

Sinagot niya ang text ni Ahrkhei. “Then why don't we have dinner together?”

“I'd love to. Susunduin kita mamaya.”

Well, clearly, hindi lang siya ang adik. Napangiti siya. Pero bigla n'yang naalala na kina Gelo siya nito susunduin. Tinawagan niya ang kaibigan.

“Paano ang gagawin natin? Ikulong mo muna kaya ang Tita mo sa kuwarto n'ya para siguradong hindi siya lalabas pagdating ni Ahrkhei?” Sa sobrang daldal ng tiyahin ni Gelo ay tiyak na mabubuking sila nito.

“Wait. Sigurado ka ba na mamayang gabi 'yan? Around  what time? Kasi nabanggit ni Cherry ngayon lang, na balak niyang yayain si Karlo na manood ng concert sa MOA mamaya.”

“Ahm, maybe before the concert?”

“Okay, do everything you can para hindi kayo agad maghiwalay ng lalaking 'yon.”

“Everything?” Alanganing ulit niya.

“Yes, Deejay! Kung kinakailangang itali mo s'ya sa poste, gawin mo. Kapag hindi nasamahan ni Karlo si Cherry, there's a chance na maghanap ito ng ibang makakasama, 'di ba?”

“Okay, but don't you think—”

“I have to go. Tatawagan kita mamaya.”

Later that afternoon ay nag-text ulit si Ahrkhei. “Rain check. I have an emergency appointment this evening. I will see you tomorrow. Miss u.”

Napabuntonghininga s'ya. Sorry, Deejay, Cherry's the gf and you're just the fling.

Nainsulto ang pagkababae niya. Gaano ba kaganda ang Cherry na 'yon para kabaliwan ng dalawang lalaki?

Kinagabihan ay iritable si Gelo. “Bakit kasi hindi mo pinilit?”

“Hey, don't you think it's too early para maging demanding? Mamaya makapag-isip iyon at idispatsa ako nang tuluyan.”

“Kailangan kasi galingan mo pa. Kulang ka pa sa effort. Mag-practice ka nga mang-akit sa harap ng salamin.”

“Demanding ka rin, ano? Ikaw kaya ang layasan ko?”

“Easy! Sample nga ng pang-aakit mo, dali. Show me.”

“Show you? Baka kilabutan ka, Angelo, at makalimutan mo kung sino ako. Ang mabuti pa ay isipin mo na kung paano mo ifi-feed sa utak ni Cherry na nagtataksil ang boyfriend n'ya. Yayain mo kaya s'ya kung saan kami magde-date ni Ahrkhei?”

“Hindi puwede. Kapag nakita ni Karlo na may kasama din siyang iba, isusumbat lang nito 'yon kay Cherry para makalusot ang kalokohan nito. Isa pa, kahit na makita kayo ni Cherry na magkasama, ang dali lang naman na i-deny ni Karlo na may relasyon kayo. Sasabihin lang nito na modelo or kliyente ka niya, lusot na ‘to. In the end, back to each other's arms sila. Besides, as if naman sasama si Cherry sa akin.”

“Ewan ko sa 'yo. Ang hina kasi ng diskarte mo. D'yan ka na nga!” Tuluyan na n'ya itong nilayasan. Pero napag-isip-isip niya, may punto si Gelo. Sa galing umarte at magsinungaling ni Ahrkhei, kayang-kaya nitong lusutan ang kahit na anong issue tungkol sa pagiging playboy nito.

*******************************

KINABUKASAN, tinotoo na ni Ahrkhei ang pangako nito. Eksaktong alas-siete ay nagparada ito sa tapat ng gate nina Gelo. Mabilis na lumabas ng gate si Deejay para salubungin ang lalaki, bago pa nito mapindot ang doorbell.

“Nagmamadali ka?” Biro nito.

“May curfew ako, nine o'clock. Nandito ang mga kuya ko, remember?”

“What are you, seventeen-year-old girl?” Bulalas nito.

“Let's go. We have exactly one hour and fifty-five minutes left.”

“Oh, man!”

Hindi na sila lumayo. Sa isang tahimik na restaurant, as usual ay kakaunti ang kumakain, doon siya dinala ng lalaki.Tahimik siya habang kumakain. Masama kasi ang loob niya sa pang-iisnab nito sa kanya kagabi.

“Hindi mo ba gusto ang mga pagkain dito? Hindi ka naman siguro allergic sa seafoods, ano?” Nang umiling lang s'ya ay nagtanong ulit ito. “Gusto mo bang umorder ako ng iba?” Isa pang iling mula sa kanya at nagbuntonghininga na ito. “What's wrong, Deejay? PMS?”

“You know that?”

“Of course,” nakakaloko ang ngiti nito.

Of course! Sa dami ng babae ko, hindi ko pa mase-sense kung ano ang dahilan ng mood swings nila? Try me! Dugtong ng alter ego niya, in behalf of Ahrkhei.

Well, this time you're wrong, pervert!

“Bad timing. Dapat talaga ay kagabi pa—”

“Pero meron kang emergency appointment, right? Ganoon talaga.”

Nabitin ang kutsara nito sa ere. Kumunot ang mga kilay nito at isinara nito muli ang bibig. “Is this about last night? Are you mad because I cancelled our date?”

“No,” tanggi niya.

“C'mon, umamin ka na. You missed me that much, right?”

“No.”

“Okay,” he shrugged his shoulders. Ipinagpatuloy nito ang pagkain. Maya-maya pa ay tinignan nito ang relo bago nagpunas ng bibig. “Shall I order dessert now?”

“Okay na 'ko dito.”

“Meron pa tayong forty minutes. Unless you want to go somewhere else private?” Inilibot nito ang tingin sa paligid.

“I'm not in the mood for that.”

Nagpakawala ulit ito ng malalim na hininga. “Okay, I'm sorry. May kasama akong babae kagabi na hindi ko mapahindian.”

Nag-angat siya ng tingin. Seryoso? Aamin ito? Ayaw niyang marinig kung ano man ang sasabihin nito. Ano ang isasagot niya? Baka madulas siya na alam niya ang tungkol kay Cherry. Hindi puwede 'yon. Mabuti sana kung s'ya ang pipiliin nito. Eh, paano pala kung tapusin na nito ang kalokohan na ito ngayong gabi? Hindi pa puwede! Kung hindi man niya ito tuluyang maaagaw, at least ay mahuli man lang sila ni Cherry sa akto, para iwanan ito ng babae.

Ang kupad kasi ni Gelo!

“I know. Excuse me.” Tumayo siya bigla. Pero bago pa s'ya makahakbang ay nahawakan ni Ahrkhei ang palad niya.

“I was with my Mom, Deejay.”

Oh, please! Pati matanda ay isinasama mo sa kalokohan

“Hindi kasi nakauwi ang Papa kagabi, kaya sinamahan ko s'ya sa bahay. She hurt her leg in the accident. Ikinuwento kita sa kanya. Gusto ka niyang makilala.”

Doon niya ito nilingon. She saw something in his eyes. Something close to affection.

“Well, she can wait. Puwede ko namang sabihin sa kanya na next time na lang, when you're not so PMS. But I can't wait. I want to kiss you even though you're not in the mood for it.”

Tumayo ang lalaki at inakay siya sa makipot na hallway papasok sa restrooms. Pero tumigil ito sa harap ng pinto. Hinaplos nito ang pisngi niya. “I just wanna kiss you, if that's okay.”

Nang hindi siya nagpakita ng protesta ay unti-unting lumapat ang mga labi nito sa labi niya. Gentle kisses. He teased her mouth with tiny wet kisses. And then she parted her lips. His tongue swiftly explored her mouth. Like their previous kisses, it was filled with longing, and yet this time was so gentle and passionate that all she could do was let out a soft sigh.

Nang bitawan siya ng lalaki, nanatiling pikit ang mga mata niya. Pinunasan nito ng daliri ang mga labi niya.

"Don't make me push you inside that door, sweetheart, baka makalimutan ko na hindi maganda ang pakiramdam mo.”

Doon pa lang siya nagmulat ng mga mata at nasalubong niya ang malagkit na tingin ng lalaki sa mga labi niya.

“I won't get tired of kissing you.” Isang bulto mula sa dulo ng pasilyo ang nakapagpahiwalay sa kanila. Hinila ng lalaki ang palad niya palabas doon. “You taste like shrimp and vegie salad,” seryosong komento nito.

Nang ihatid siya nito ay nanatili silang walang kibuan hanggang sa marating nila ang bahay nina Gelo. May ibinigay itong brown envelope sa kanya. “Your pictures. Pumili ka na ng mga gusto mong ipa-frame. Kahit ilan pa ‘yon. Bayad ko sa gown mo na nasira ko.”

“The gown is fine. Besides, si Kuya Gelo ang magbabayad nito—”

“I insist.” Hinaplos nito ang pisngi niya “I hope by tomorrow ay okay ka na. Just let me know, okay? Rest now, baby, good night.” He kissed her on the forehead.

Pinangatawanan na niya na masama lang ang pakiramdam n'ya. Pero ang totoo, masama talaga ang loob niya kanina. Pero ngayon? Hindi na niya alam kung ano ang nararamdaman niya.

The way Ahrkhei looked at her and kissed her tonight made her feel confused. Well, alam naman niya na pang best actor talaga ang acting ng lalaki, kaya nga marami itong naloloko, pero bakit ganito? Bakit parang napaka-gullible pa rin niya? Tinatablan na ba siya ng mga yakap at halik nito?

Hindi puwede 'to!

Continue Reading

You'll Also Like

4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
225K 4.1K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
38K 662 19
Published under Precious Hearts Romances