Teacher's Unexpected Move: Ma...

بواسطة ZEL_Books

23.9K 375 31

Sa nalalapit nilang kasal, isang magandang lakbay nga ba ito tungo sa buhay na may magandang samahan? O meron... المزيد

Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7

Chapter 1

10.9K 120 9
بواسطة ZEL_Books

"C'mon El! Teach us some Filipino words!" Agad na bungad sa akin ni Travis habang kami'y nasa rooftop.


Sa mga lumipas na panahon ay naiayos na namin ang mga dokumento na amin ni Eldrion kaya ang aalalahanin ko na lamang ngayon ay yung pagkuha ko ng trabaho... eh si El meron na kaagad, kaya madalas ako ang mag-isa sa malaking condo namin.


"Well... what do you want to learn?" tanong ko.


"Let's start with greetings. Like- good morning." suhestiyon niya.


"Magandang umaga. Magandang tanghali, magandang hapon, and magandang gabi." tugon ko naman.


"Ma--magandang-- um-aga, magandang tanghalee, magandang hapon, magandang ga-bee." Pagsubok niyang bigkas.


Hindi ko naman siya masisisi since hindi naman siya pure Filipino despite the fact na hating pinoy rin siya.


"Not bad, well- for first time of course." Tugon ko.


"... Hey, you in a bad mood? Sulking a bit over there." komento niya.


Isang buntong-hininga naman ang nagmula sa akin at sinabi, "... Just--- worried that's all."


"What about?"


"Job problems..."


"Oh. Right, your fiance's working, huh?"


"Not really entirely about him but, I do want to help him with the expenses."


"Well, being a housewife isn't so bad, right?"


"What do you mean?"


"Housewives have the most difficult job you know... despite having no pay, they work hard 24 hours a day."


"... Thing is, I can already do that in just an hour. Clean everything will be done in that time, cooking's no problem for me either."


Ilang segundo ang katahimikan mula sa aming dalawa hanggang sa, "Ah! I know a guy! He's working for a mag-blog. Maybe we can get you a spot there." tugon niya.


"... M-mag blog?"


"Well, it's like a media company rather. News, entertainment articles, even video blogs, w-well... not really considered a vlog though. Like um-- an article video sort of thing." paliwanag niya.


"So you mean to say... I can get a job there?"


"Well, not to be rude or anything... that is if you can pass the interview and all that. C'mon, we should head there tomorrow to take a peak. I'll message the guy and we can meet him tomorrow. Sound good?" tanong niya.


"What other choice do I have? But I guess I can go with editing or a proof-reader..." komento ko.


"And you can write articles regarding how cool your country is too!" dagdag ni Travis.


"Let's just see if I can."


Pagdating sa aking kwarto nagsimula na akong maghanda ng hapunan para sa pagdating ni El. 


image used is from google images. credits to owner (for aesthetic purposes only)


Ilang mga nagdaan nang ako'y matapos nang magluto at naghanda na ng mga plato.


Sakto ang pagbukas ng pinto sa aking pagdinig at bumungad sa aking mga mata si El na halatang pagod mula sa trabaho.


"Nag-aaral at nagtuturo sabay... at least mukhang maganda naman araw mo." komento ko.


"Yun na nga eh. Pero high chances matatanggap na ako."


"Sakto nga pala katatapos ko lang magluto. Kain na."


"Talaga? Nice, sige. Palit lang ako damit."


Paalam niya't nagtungo na siya sa aming kwarto para magpalit ng damit, oo nga pala, ngayon iisa na lamang ang kwarto namin since nasa isang kama na lamang kami natutulog.


Ilang minuto lamang ay kumakain na kaming dalawa at ako ang nagsimula, "Nga pala. Sabi ni Travis sa akin kanina meron daw akong pwedeng mapasukan na kumpanya kapag naka-pasa ako."


"Weh? Ganda yun ah."


"Oo. Gusto ko rin kasi makatulong sa mga gastusin pati na rin syempre sa pagbili ng mga pagkain natin, panggastos ganun." paliwanag ko.


Mukhang natuwa naman si El dahil sa aking sinabi, "Pero wag ka masyadong magpapagod ah. Baka palagi ka nalang walang enerhiya kapag gabi, sayang hindi natin magagawa kapag ganun."


Nakuha ko kaagad ang ideya na nasa kanyang utak at sinabi, "J-jusko... kumakain..." reklamo ko.


Pero sa pag-utal kong bigkas halata na medyo nakakahiya ang kanyang mga salita.


"Joke lang. Basta yun nga. Wag mo masyado i-stress sarili mo. Nagpapasalamat nga ako na yung magiging asawa ko hindi lang marunong magluto kundi marunong din mag-alaga sa akin." komento niya ng may ngiti.


"... Dinig-yaya tuloy naman ako..." komento kong biro.


Natawa ng marahan si El at tumugon, "Mas lamang lagi ang asawa, asawa." na may ngiti tungo sa akin.


Pinabayaan ko na lamang ang kanyang tingin mula sa akin at ipinagpatuloy ang aking pagkain upang maiwasan ang iba pang mga usapan ukol sa ganito.


Matapos namin kumain...


"Nga pala! Tungkol sa kasal, wala pa tayong reception pero tapos na rin naman halos lahat tungkol sa simbahan, attire, counseling on the way na rin." paliwanag niya.


"Invitations ba?" tanong ko.


"Matagal-tagal pa naman yun. Pero... yung counseling siguro a month from now tsaka magsisimula."


"Anong counseling nga pala?"


"Premarital counseling. Since ikakasal tayo, dapat may alam tayo kung paano natin masosolusyonan yung mga problema na dadaan sa atin kapag mag-asawa na tayo. Parang ganun yun."


"... Parang guidance councilor ang dating..." komento ko.


Natawa ng marahan si El at sinabi, "Parang ganun na nga. Pero parang pa-session ang dating. Hindi lang naman tayo yung nandun. Well- minsan tayong dalawa lang."


Matapos ang ilang usapan tungkol sa kasal habang ako'y gumagawa ng mga hugasin ay nagtungo na kaagad si El sa kanyang maliit na opisina malapit sa bedroom


image used is from google images. credits to owner (for aesthetic purposes only)


Pagaktapos ko sa mga hugasin, nasulyap ko mula sa aking phone ang isang text mula kay Travis, "Meet me tomorrow at 11 am at the lobby then we'll head out after."


Nilibang ko muna ang aking sarili sa panonood mula T.V. ng ilang mga palabas.


Isang oras ang lumipas at lumabas si El mula sa kanyang kwarto, "Vin, una na ako matulog ah? May ilan pa akong gagawin bukas eh."


"Ah, ganun ba? Sige, ano... sunod nalang ako para makatulog ka kaagad."


"Sige. Goodnight." paalam niya't nanguna na sa kwarto, "Goodnight."


Nang ramdam ko na ang antok sa aking katawan naisipan ko na rin mag-handa para sa pagtulog. 


Mula sa banyo ay pagdating ko sa kwarto ay may kaonting lamig dahil sa aircon, pero ang bumungad sa akin ay ang natutulog na si El.


image used is from google images. credits to owner (for aesthetic purposes only)


Bago pa muna ako matulog ay nagtungo ako sa may bintana at umupo habang nakatingin sa mailaw na mga gusali sa aking paningin, kasama na rito ang mga kotse na nasa kalsada.


Kinuha ko ang isang maliit na notebook mula sa isang maliit na cabinet pati na rin ang isang lapis para magsulat ng ilang bagay na mula sa aking utak.


Matapos nito ay hindi nagtagal ay tumabi na ako kay El at natulog na rin.


please vote and comment~!

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

3M 187K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
181K 5.9K 49
Tagalog-English BL - There's an urban legend saying that people with the same name cannot live together. It's a curse. Romeo Andres is a basketball h...
64.9K 52 41
R18