Hearts Never Lie (Party of De...

By dwayneizzobellePHR

243K 6.1K 445

"Destiny is something you don't find. It comes to you at the right place and the right time. And right now, I... More

Best Friends
The Party
Last Dance
Kiss of Destiny
Chick Boy
The Target
Pictorial
Dessert
Backseat
Sleepover
Baby Ahrkhei
Big Boy
Resthouse
The Visitor
The Choice
Closure
Confrontations
Mission Failed
Feud
Realization
Last Shot
Car Key
Photos
Intruder
Landscape
The Bride

The Show

8.5K 206 8
By dwayneizzobellePHR

MABILIS na binuksan ni Deejay ang text message na natanggap.

“Dinner with your soul mate?”

Bumalik siya sa loob.  “I'm surprised that it only took you two minutes to text me this time, pagkatapos mo 'kong nilayasan sa party at pinaghin...” natigil siya sa pagsasalita nang makita ang nakakalokong ngiti ng lalaki.

“I'm sorry if I’ve kept you waiting.”

“Excuse me... Hindi ako naghintay.”

“That's sad, because I’ve done everything to find you.”

“Really? Oh, I believe you!” She said sarcastically.

“Look, I accidentally lost the tissue. I'm sorry. Naitapon ko 'yon kasama ng ipinampunas ko sa lipstick mo. At hindi kita nilayasan. Kinailangan ko lang magpunta sa hospital dahil naaksidente ang parents ko nang gabing ‘yon. Kinabukasan ay bumalik ako sa resort. Nakiusap ako doon na makita ang logbook ng mga guests na dumalo sa party. Hinanap ko ang pangalan mo, wala akong nakita na nagsisimula sa D at J. So obviously, you didn't register your true name.”

True. Pero true din ba na aksidenteng naitapon ang tissue? At hinanap pa raw ako nito. Really?! What do you expect, Deejay? This guy is cheating on her girlfriend, and you expect him to be honest with you? You're kidding, right? Cut the bitterness. Get over it now and go on with the mission! Ayan na nga, ang dali-dali na, ano pa ang inaarte mo? I-push na ‘yan. The sooner it’s over, the better.

“Okay. Saan mo ako dadalhin?”

  Umaliwalas ang mukha ng binata. “Does that mean, I'm forgiven?”

“It means, naghintay talaga ako ng sixty-four hours sa tawag mo, at hindi ko na palalampasin ang pagkakataong ito.”

“I thought so,” buong kompyansang sagot nito.

At ayan na naman ang pamatay na ngiti nito. Dapat ay may pangkontra s'ya doon, or else, kawawang Deejay s'ya 'pag nagkataon.

DINALA ni Ahrkhei si Deejay sa isang expensive resto. Medyo nasa alanganing lugar iyon, kaya dalawang pares lamang ang naabutan nilang kumakain doon. Naisip niya na ganoon talaga kapag may itinatago, bawal lumantad sa publiko.

Habang kumakain sila, napansin niyang panay ang sulyap ng lalaki sa kanya. Hanggang sa nagpasya siyang salubungin ang tingin nito.

“Have I told you that you look lovelier in broad daylight?”

“You just did.”

Natawa ito. “Most women need photo editing to look perfect in a picture, you are but one of the few exceptions.”

“Are you sure you're a photographer? 'Cause you sound more of a poet. Hindi na ako magtataka kung madaming babae ang napapaniwala ng mga pambobola mo.”

“That night at the party, I admit na medyo nambola ako, to get your attention. I mean, sa dami ng mga lalaking nandoon na naghahanap ng partner, I had to give my best shot para 'di ako maunahan. I just couldn't let you slip away, you know.”

Kinuha nito ang goblet at lumagok ng wine. “Pero ngayon, hindi ko na kailangang gawin ‘yon. Everything I say now is definitely what I feel and what I mean.”

“At bakit hindi mo na kailangang mambola?”

“Because I know I’ve got you.”

“Paano ka nakasiguro?”

“Because you let me kiss you.”

“'Di ba pwedeng na-cute-an lang ako sa 'yo kaya ako nagpahalik?”

Dumating ang waiter na may dala ng dessert nila. Pagtalikod nito ay nilingon ito ni Ahrkhei.

“That waiter is cute, too. In fact, he is really good looking. Why don't you go and kiss him? I dare you,” tumaas pa ang mga kilay nito bilang tanda ng paghahamon.

“Are you crazy? Basta ko na lang siya hahalikan?”

“Stare at him with those mesmerizing brown eyes, the way you did with me. Sa ganda mong 'yan ay natitiyak ko na hindi ka n'ya palalampasin.”

“Why are guys such jerks?”

“Because women are temptations. They keep on seducing poor guys like us.”

“For the record, I didn't seduce you. You,” itinaas niya ang hintuturo sa harap ng mukha ng lalaki. “You seduced me, after you deliberately spilled your red wine on my dress.”

Tinabig nito ang hintuturo niya.“Okay, listen. Inamin ko na ang bintang mo na nambola ako, pero hindi ko matatanggap iyang sinasabi mo na sinadya ko ang nangyari. May I remind you na ikaw po ang bumangga sa akin. You were in a hurry.”

“I didn't! Ikaw ang—”

“Ikaw ang nagplano n’on. Bakit hindi mo pa aminin na una pa lang ay inaakit mo na ako? The way you stared at me before you went out to the garden, you were actually inviting me to follow you.”

“Oh, you are really something! You are such an irritating monster.”

Tumayo siya at iniwan ito. Dumiretso siya sa loob ng banyo para ikalma ang sarili. Tumaas lang naman ng isa't-kalahating degree ang lahat ng vital signs niya sa katawan. Pagkatapos niyang mag-inhale-exhale ng ilang beses ay nagpasya s'yang lumabas na ng ladies' room. Pagbukas niya ng pinto ay mukha ng hambog na lalaki ang sumalubong sa kanya.

Itinulak siya ni Ahrkhei pabalik sa loob ng banyo at ini-lock nito ang pinto."We should really stop meeting up like this.”

Bago pa s'ya makasagot ay inangkin na nito ang mga labi niya. Napapikit na lang siya katulad noong una. Pero sa pagkakataong ito ay mas tumagal pa ang halik ng ilang segundo. Saglit siyang nawala sa katinuan. Natagpuan na lamang niya ang sarili na tumutugon dito. Ginaya niya ang paraan ng paghalik nito.

Ahrkhei let out a deep groan. Ikinulong nito ng mga palad ang mukha niya. He inclined his head to deepen the kiss some more. That made her moan.

Nabigla pa silang pareho nang bumukas ang pinto ng cubicle sa mismong tapat nila.

  Most embarrassing experience ever! Anak ng tupa! May tao pala doon? At ang tinamaan ng magaling, hindi man lang ito nagbigay ng warning cough or something bago ito lumabas.

Naisubsob niya ang mukha sa dibdib ni Ahrkhei dahil sa sobrang kahihiyan.

Niyakap naman siya ng lalaki at sinikap nitong takpan siya ng malaki nitong katawan.

“Oopps, sorry!” Sabi ng lintik na babae, at tatawa-tawa pa ito nang buksan ang pinto ng banyo. “Lock ko na lang ulit,” pang-asar pa nito bago lumabas. Sa suot nitong red uniform ay halatang isa ito sa staff ng restaurant na iyon.

Itinulak niya nang malakas si Ahrkhei at kinabog ang dibdib nito. “Bakit ka kasi sumunod dito?”

“Honey, I was just reading your signal.” Seryoso ang tinig nito, pero nakaplaster na ang nakakalokong ngiti nito sa mga labi.

“Oh, I hate you!”

“But you do love my kisses,” he said matter-of-factly. “I heard your moans, loud and clear.”

Nag-init ang magkabilang pisngi niya. Nag-iwas siya ng tingin dito. “Umalis na tayo bago pa tayo ipahuli ng manager.”

“For what reason? For making out in the toilet or for thinking na tinakasan natin ang bill?”

“Hindi ka pa nagbayad?” Tinignan niya ulit ito.

“We're not done with the dessert yet,” painosenteng sabi naman nito.

“Paano ako haharap sa mga tao sa labas pagkatapos ng ginawa mo?”

“Natin,” pagwawasto nito. Itinaas nito ang mukha niya para salubungin ang tingin niya. He looked so freaking serious when he said, “take a bow, sweetheart. That's how a good show must end.”

Argh!

“Get out!” Kumawala siya dito.

“Use the back door. Hintayin mo ako sa van.” Hinagis nito ang susi sa kanya bago ito lumabas. Nadinig pa niya ang sinabi ni Ahrkhei sa sarili nito bago tuluyang sumara ang pinto. “I'm seriously beginning to think that I love toilets.”

Napabuga ng hangin si Deejay. Ang walang hiyang lalaki!

Tinitigan niya ang sarili sa salamin. A fine lady should not let a guy kiss her on the first meeting. A fine lady should not kiss a guy like that on the first date! And a fine lady would not go out with a certified cheater! But this was all a “show”, right? In the name of friendship!

Nagpahatid siya sa bahay nina Gelo, na katabi lang ng bahay nila. Nang akmang bubuksan na n'ya ang pinto, pinigilan s'ya ni Ahrkhei.

“When will I see you again?”

“Gusto mo ngayon na din? 'Di pa nga tayo naghihiwalay, eh.”

“I like that. So, are you inviting me in?”

“Sure! Are you ready to meet my three brothers? Tamang-tama, nandito sila lahat ngayon, nagre-relax bago ma-deploy sa mission. They are all marine corps, you know.”

Tumaas ang dalawang palad ng binata sa ere. “Okay, some other time, maybe? But, hey, tell them I said hi, okay?”

“Okay.”

Bumaba ito at pinagbuksan siya ng pinto. Pagtapat niya sa gate, hinarap niya ulit ito. “You can go now.”

“Get inside, baby. Mahirap na, baka masalisihan pa ako ng iba.”

“Go!” Tuluyan na niyang binuksan ang gate. Mabuti na lang at may susi s'ya sa bahay na ito.

Nang makaalis na ang van, kusang bumukas ang main door sa harapan n'ya. Lumabas si Gelo at sinundan pa nito ng tingin ang papalayong sasakyan ng lalaki.

“Well, that's him.”

“That's Karlo?”

“Yup! Pogi, ‘no?”

Tinignan siya nito nang matalim. Base sa itsura nito, halatang dismayado ito sa nakitang bigat ng dating ng karibal nito kay Cherry.

“Bukas na bukas ay mag-enroll ka sa gym, para naman 'di ka mapag-iwanan kahit sa abs lang. Payong kapatid.” Tinapik pa niya ito sa balikat.

“That bad, ha?”

“That bad, man.”

“Kailangang makagawa tayo kaagad ng paraan.”

“Ako na ang bahala kay Ahrkhei. Ang problemahin mo ay kung paano ka magpapa-pogi sa mga mata ni Cherry, sa akin kahit huwag na. Kahit naman nag-iisang lalaki ka na lang, 'di kita pagnanasaan. In fairness, ramdam ko ang nararamdaman ni Cherry, talaga namang katakam-takam ang jowa n'ya.”

“Where is your loyalty?! Ngayon pa lang ay bumabaliktad ka na! And... who's Ahrkhei?”

“That, my friend, is his screen name everytime he's with me. You know, para nga naman hindi s'ya mabuking, iba-ibang pangalan ang gamit n'ya. At paiba-iba din ang gamit n'yang endearments. Para nga naman hindi halata kapag nagkamali s'ya ng tawag sa mga babae n'ya, 'di ba? Si honey ay si sweetheart, at si bhebhe na rin. Tatandaan mo ang mga pointers na 'yan, ha? Magagamit mo ang mga 'yan kapag may six pack abs ka na ring katulad n'ya. Kaya, go, double time... Baka puro latak na lang ang matira sa 'yo. Good night, ol' friend.” Binigyan pa n'ya ito ng flying kiss bago siya lumipat sa bakuran nila.

Continue Reading

You'll Also Like

33.4K 1.3K 22
Magmula pagkabata ay ipinamulat na kina Matilda at Kent ng kanilang mga magulang na sila ang magpapakasal balang-araw. Ngunit dahil hindi sila naging...
191K 4.5K 14
published under PHR 2012 (Modified version) Natanim sa isip ni Daphne ang hula sa kanilang mag-ina noong bata pa siya. Bakit ba hindi, eh lagi...
1.2M 44.4K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...