A Beautiful DISASTER (Publish...

By skycharm24

1.4M 36.6K 3.5K

(Instant Mommy Ako Book 2) Story of Chloe Alexandria D. Rosales " My world fell apart when you left me. You... More

Synopsis
1.Chloe
2. Zaide
3. Granny's Bday
4. Match
5. Newbie
6. Talk
7. Bakit?
8.Crush
9. Death
10. Grief
11.Feelings
12. Doubt
13. Fierce
14. Internship
15. Reasons
16. Truth
17. Grounded
18. Respect
19. Graduation
20. Vacation
21. Vacation 2
22. Monthsary
23. Party
24. Broken
25. Lies
26. Devastated
27. Plan
28. Wedding
29. Island
30. Olivia
31. Blackmail
32. Birthday
33. Goodbye
34. Distress
35. Hope
36. Sorrow
37. New Beginnings
38. New Life
39. Presentation
40. Ice cream
Ask Author
41. My Daddy
42. Your Daughter
43. DNA
44. Positive
45. Accident
46. Forgiveness
48. Mistaken
49. Walk out
50. Serenade
51. Jarred
52. Happiness
53. Vow
54. Upcoming Stories
Epilogue

47. Jealous

26.5K 654 79
By skycharm24


Chloe Alexandria

Nakalabas na si Maui ng Hospital. Mas doble pa ang pag iingat nila sa anak lalo na sa kinakain nito. They almost lost her at ayaw na nilang maulit yon.

Medyo naguguluhan siya sa mga ipinapakita ni Zaide. Lalo na noong nasa Hospital sila. Madalas niya rin itong mahuling nakatitig lang sa kanya kapag nagkikita sila dahil kay Maui.

Wala na ang matatalim nitong tingin at hindi narin ito masungit sa kanya. Iniisip niya nalang na dahil iyon as nangyari sa anak nila.

Bisita niya si Jarred ng araw na yon, sinadya pa siya nito sa Isabelle Royal, tapos na kasi ang trabaho niya sa Chloe's Haven. Tungkol sa pagsasaayos ng apelyido ni Maui ang sadya nito.

" Zaide want to change the surname of your daughter as soon as possible. Gusto niyang isaayos na ang pangalan ng anak ninyo. I already prepared the papers, Chloe. You just need to sign it." he handed her the papers na binasa naman niya.

" Wala namang problema sa'kin Jarred. Alam ko namang Mondejo naman talaga dapat ang apelyido ni Maui." isa isa niyang pinirmahan ang mga iyon.

Napatingin siya kay Jarred na titig na titig sa kanya. " Kamusta na pala sina Dustin at Chester?" silang tatlo ang madalas na kasama ni Zaide noon. Matalik na magkaibigan ang mga ito.

" Chester is in Manila, managing the branch of Mondejo Airlines. Dustin is settled in Davao and he is a Doctor."  sagot nito habang inaayos ang pagkakabalik ng mga papeles sa attache case nito.

" Sinong mag aakalang magiging Doctor iyong si Dustin." Wala sa itsura nito iyon. Sa kanilang apat si Dustin ang pinakamaloko.

" Para mo naring sinabing wala sa itsura ko ang maging abogado. Sabagay kung noon baka mas tamang abogago ang term sa'kin." pareho silang natawa sa sinabi nito.

" We never know what the future holds. We end up becoming we are destined to be because life is unpredictable after all."  may plano ang Diyos para sa ating lahat.

We don't have to be sad where life lead us kasi minsan things happened for a great purpose. May it be bad or disappointing, at the end you will realized, it is indeed for the better.

" Sino din ang magaakala na magkakaanak kayo ni Zaide kahit pa you guy's didn't end up together." tama naman ito. Buong akala kasi nila noon, sila talaga ni Zaide ang magkakatuluyan.

Ganon naman talaga, may mga taong pinagtagpo at nagmahalan pero hindi itinadhanang magkasama habang buhay. Like her Mama Choleen and her Dad pero hindi ibig sabihin na wala ng happy ending kasi dumating ang Mommy Trisha niya.

Maybe Zaide is meant to be with Olivia at siya naman kontento na sa anak.

" Pero malaki parin ang ipinagpapasalamat ko kahit ganoon ang nangyari, may Maui ako and gladness is an understatement para ma explain ang nararamdaman ko sa t'wing pinagmamasdan ko ang anak ko." si Maui ang isa sa pinakamagandang nangyari sa buhay niya.

" Ikaw? Wala kabang balak magkapamilya? You're not getting any younger Jarred. Pare pareho yata kayo nila Chester?" tanong niya dito.

" Yeah, Playboy parin sina Chester at Dustin. Ako naman, kung magiging mabait sakin ang kapalaran, I could have a family very soon." nailang siya sa paraan ng pagkakatitig nito. " May babae akong gusto noon paman pero kinailangan ko magparaya para isang kaibigan. But I think, dumating na ang chance para hayaan ko ang sarili ko na ipakita sa babaeng mahal ko, ang nararamdaman ko."

" Mukhang seryoso yan ah. Maswerte siya dahil nahintay mo siya, your a good man Jarred, isa pa you're a lawyer already. Padalhan mo na ng subpena." natatawa niyang biro dito.

" Tingin mo ba papayag siyang ligawan ko? " muli siya nitong tinitigan at naiilang siya.

" Single ka naman at kung single din naman siya, bakit hindi siya papayag, diba? You just need to show her your pure intentions and your love for her. Any woman wouldn't say no to Atty. Jarred Villamar?" ikinangiti nito ang sinabi niya.

" Gusto mo bang maglibot muna dito sa Resort?" yaya niya dito. " Pwede mo siyang dalhin dito sa resort for a date, hindi sa pagmamayabang pero may ipagmamalaking ganda ang Isabelle Royal. I could reserve a special date for you guys." humalakhak ito at umiling. Tumayo na ito at ganon din ang ginawa niya.

Nakailang hakbang palang siya ng hindi sinasadyang ma out of balance, maagap naman siyang inalalayan ni Jarred.

" Thank you, Jarred." pasalamat niya dito. Baka humalik na siya sa sahig kung hindi ito maagap.

" Be careful." anito habang titig na titig sa kanya.

" Let's go.." humakbang na siya ulit para makawala sa pagkakahawak nito sa braso niya.

" Mommy! Mommy!" dinig niyang tili ng anak. Dumating na ito mula sa eskwelahan. Ang ama nito ang sumundo sa kanya.

Kasunod naman nito ang Yaya May niya at si Zaide na masama ang tingin sa kanila? Problema niya?

Sinalubong niya ang anak at niyakap. " How's your day baby?" malambing na tanong niya dito saka pinangigilan ang pisngi nito.

" Good Mommy, I got a star. " pinakita nito ang maliit na mga kamay. May tigtatlong star ang likod ng palad nito.

" You mean stars baby, ang galing naman ng anak ko." muli niya itong hinalikan sa may leeg na ikinahagikgik nito.

" Hi Maui.." bati ni Jarred sa anak niya. Tumingin naman sa kanya ang anak at nagpabuhat. Alam niyang nahihiya ito.

" Si Tito Jarred baby, kaibigan namin siya ng Daddy mo." sinilip naman ito ni Maui na nagtago sa leeg niya. " Say hello, sige na." pero umiling ito.

" What brought you here, Jarred?" seryosong tanong ni Zaide sa kaibigan.

" Hindi makaalis ng Resort itong si Chloe kaya ako nalang ang pumunta dito, it's about the surname of your daughter, remember?" nakangiting sagot nito.

Pero hindi maipinta ang mukha ni Zaide. At bigla siyang nakaramdam ng tensyon sa dalawa.

" Zaide, samahan mo na kaya si Maui sa kwarto para makapagpalit at ng makakain na." basag niya sa pananahimik ng mga ito.

" Ikaw nalang ang sumama sa kanya, Chloe. May pag uusapan lang kami ni Jarred." nagtataka man ay ganoon nga ang nangyari.

" Sumunod nalang kayo sa dinning para kumain pagkatapos n'yo, magpapahanda ako ng lunch natin." bago sila tuluyang nakalayo sa dalawa.

Nagtataka siya inasal ni Zaide, parang hindi nito gusto na naroon si Jarred, samantalang ito naman ang nagsabing magkita sila.

Zaide Travis

Sinundo niya ang mga bata sa eskwelahan. Dinaan muna nila si Kylie sa bahay nila pagkatapos ay hinatid niya naman si Maui sa resort kung saan naroon ang ina.

Excited na ang anak niya na ipakita sa ina nito ang nakuhang stars sa eskwela. Siya naman ay excited na makita si Chloe.

Nagtanong sila sa reception kung nasaan ito at itinuro sila sa restaurant na malapit sa pool. May kausap daw ito.

Hindi niya nagustuhan ang nakita habang papalapit sila dito. Naroon si Jarred na titig na titig at halos nakayap na kay Chloe at nakangiti naman ang isa.

Mabuti nalang at tinawag ng anak nila si Chloe. Nakuha ni Maui ang atensiyon nito. Mukhang mali ang desisyon niya na kunin si Jarred bilang abogado.

" Kamusta ang naging usapan ninyo?" nakapamulsang tanong niya dito pagkaalis ng mag ina niya.

" She signed the papers, mahaba na ang isang buwan, your daughter can used your surename very soon." magandang balita iyon sa kanya.

" May gusto ka pa bang sabihin sa'kin Jarred?" hindi niya nakakalimutang minsan itong nagkagusto kay Chloe.

" Wala naman na Pare. I'll go ahead, pakisabi nalang kay Chloe. Naalala ko, may client pa pala akong pupuntahan."  tinapik niya ito sa balikat.

" Sige, Ingat ka." pinuntahan niya na ang mag ina niya sa restaurant.

" Zaide, nasan na si Jarred?" napasimangot siya sa tanong nito. Talagang hinahanap niya pa ito.

" He left. May client call." hindi niya naitago ang inis." Kumain na tayo. " sumandok na siya ng kanin.

" Maui anak, anong gagawin bago kumain? " agad namang nagdasal ang anak niya. Napahiya tuloy siya mabuti nalang at hindi halata.

Si Chloe na mismo ang nagasikaso sa anak kahit naroon naman ang Yaya nito. She's a hands on Mom kahit nagtatrabaho ito.

" Zaide lalamig ang pagkain." puna nito sa kanya.

He's two busy watching them. And he could do that the whole day ng walang reklamo.

" Mommy we are going out today. Family Day." ideya niya iyon at pumayag naman ang anak.

" Kayo nalang ng Daddy mo, anak. May work pa si Mommy." napanguso ang anak niya.

" I said Family, me, you and Daddy. Please Mommy..," alam niyang hindi nito kayang hindian ang anak nila.

" Okay, okay! Finished your food." sagot nito.

" Yes! Yehey!!!" halos sabay silang napa yes ng anak, hindi nga lang niya naisatinig ang kanya.

Naplano narin nila ng anak ang gagawin. Tuwang tuwa ito sa mga naisip nilang gawin. Nagpaiwan na ang Yaya ni Maui, kaya silang tatlo lang talaga ang magkakasama.

" Sa tabi nalang ako ni Maui, uupo." pinagbuksan niya kasi ito ng fronseat.

" No, ayokong maging driver, Rosales." sinimangutan niya ito.

" Tsk! Arte Mondejo!" kinilig siya sa sagot nito.

" Yehey! I'm with my Mommy and Daddy!" tili ng anak nila.

He noticed na natigilan si Chloe sa narinig sa anak.

" What's wrong?" nagtataka siya sa pananahimik nito.

" Naalala ko lang ang kabataan ko. I was like her, gusto ko magkakasama kaming tatlong nila Mommy paglumalabas." her voice cracked.

" Gagawin na natin to palagi, para kay Maui, para sa anak natin." pinisil niya ang kamay nito.

" Salamat, pero eyes on the road Mondejo. Huwag kung saan saan ka tumitingin." basag trip talaga ito.

" Eyes on the road, Daddy." sigunda ng anak niya, na ikinatawa ng ina nito.

He's right pagtutulungan siya ng dalawa. Una nilang pinuntahan ang Wildlife. Hawak sila ni Maui sa magkabilang kamay. Maya't maya naman ang kuha ni Chloe ng picture nilang mag ama gamit ang cellphone.

May ibinulong ito sa anak ng tumapat sila sa kulungan ng mga unggoy.

" Baby, sinong kamukha niyan?" tanong nito sa anak sabay turo sa unggoy.

" Si Daddy! " sigaw ni Maui. At sabay siyang pinagtawanan ng mga ito na ikinatawa narin niya.

" Ah ganon!" saka siya nag Unggoy unggoyan habang hinahabol ang mga ito.

" Ayay!!!" sigaw ni Maui sabay tago sa likod ng ina.

" Mondejo! " pinandilatan siya ng mata ni Chloe ng akmang kikilitiin niya ito. Tinaas niya nalang ang mga kamay.

Nag ikot ikot pa sila ng biglang humarap sa kanya si Maui at itinaas ang mga kamay.

" Daddy, I'm tired." agad niya naman itong binuhat. Saka ito hinalikan sa pisngi. Nahuli niya namang nakatingin sa kanila si Chloe. Did he just caught her looking at them lovingly?

Palabas na sila ng Wildlife ng may humabol sa kanilang babae.

" Sir, Ma'am, nakunan ko po kayo ng picture kanina, itatanong ko lang po kung gusto niyong kunin?" iniabot nito ang dalawang pictures kay Chloe.
Nakisilip narin sila ng anak.

Kuha ang isa habang nakatawa silang tatlo sa may kulungan ng mga Unggoy at yong isa naman hinahalikan niya ang anak at nakatingin sa kanila si Chloe. Huling huli sa camera ang tingin nito sa kanila na puno ng emosyon ang mukha.

" Magkano po lahat? " tanong nito sa photographer.

" Singkwenta po Ma'am." agad siyang kumuha ng 100 pesos at iniabot sa Ale. " Ako na, Chloe."

" Keep the change Ate. Salamat." bumalik na sila sa sasakyan.

" Can I see the pictures again Mommy?" si Maui na kinakabitan niya ng seatbelt.

" Sure Baby." binigay naman nito ang pictures sa anak.

" It's our first family pictures. Can I keep them in our room Mommy?" muli nitong tanong sa ina.

" Oo naman anak. I'll put them in the frame for you." naluluha na naman ito.

Wala namang sibuyas sa kotse niya pero kanina pa ito naluluha. Pero maging siya ay nakaramdam ng haplos sa puso sa nakikitang tuwa sa anak dahil sa picture nilang tatlo. Hinalikan pa iyon ng bata.

" Don't worry Baby, marami ka pang pictures na itatago, palagi na tayong lalabas kasama si Mommy at magpipicture ng maraming marami." he mean it.

" Talaga Daddy? Yehey!! I'm so happy. I have Mommy and Daddy like Bryan." pareho silang napatingin sa anak.

" What do you mean, like Bryan anak?" tanong ni Chloe dito.

" Si Bryan po, hinahatid ng Mommy at Daddy niya sa school. Kahit yong ibang classmates ko, pati si Kylie, hinahatid minsan ni Tita Olivia at Daddy. Ako si Mommy lang, or you alone Daddy." malungkot na sagot ng anak, tumingin si Chloe sa taas at alam niyang pinipigil nito ang luha. Maging siya ay parang tinadyakan sa dibdib sa nakitang lungkot sa anak.

He remember those times na wala ang Mommy niya at ganon din ang Daddy niya dahil busy ito sa negosyo, inggit na inggit siya sa mga kaklase niya kapag nakikita niyang hinahatid ito ng kanilang mga magulang. Masakit bilang isang bata na hindi kompleto ang mga magulang at nararanasan ng anak nila yon.

" Don't worry anak, palagi ka na naming ihahatid ng Mommy mo and we're going to be a family." hinawakan niya ang kamay ni Chloe at pinisil.

Pero nagulat siya ng bawiin niya iyon. " Ihatid mo na kami sa resort." malamig na sagot nito.

" What's wrong?" nagtaka siya sa biglang pagbabago ng mood nito.

" Ihahatid mo ba kami o magtataxi nalang kami?" pinaandar na niya ang sasakyan. Wala silang imikan sa byahe. Maging si Maui ay hindi rin naimik, ng tignan niya ito sa rearview mirror ay nakatulog na pala.

Tinawagan ni Chloe ang Yaya ng anak na salubungin sila. Binuhat naman ito ng Yaya mula sa sasakyan pagdating nila at nauna ng pumasok. Bago pa nakasunod si Chloe sa kanila ay pinigilan niya ito sa kamay.

" I said what's wrong?" nakita niya ang pamumula ng mata nito.

" Hindi mo dapat pinapaasa ang bata, Zaide. Huwag kang mangako sa kanya dahil ayokong umasa siya at masaktan." anong ibig niyang sabihin? " May sarili ka ng pamilya at ayokong paasahin mo ang anak ko at ayokong masaktan si Kylie at Olivia."

Pagkatapos ay tinalikuran na siya nito. Umuwi siya na magulo ang isip. Hindi niya maintindihan ang outburst ni Chloe.

" Bakit sambakol yang mukha mo?" si Olivia na naroon sa sala at nagbabasa ng libro.

" Kayong mga babae ang gugulo n'yo." binato siya nito ng throw pillow.

" Huwag mo nga akong dinadamay, sinong babae ba yan? Ah, alam ko na, si Chloe yan no? Anong problema?"
isinara nito ang librong binabasa.

Sinabi niya dito ang nangyari sa kotse.  Pati narin ang tungkol sa mga sinabi ni Maui.

" Wait, wait lang. Ano ang huling sinabi sayo ni Chloe?"

" Huwag ko daw paasahin si Maui dahil may sarili na akong pamilya at ayaw niyang masaktan kayo ni Kylie, hindi ko siya maintindihan." pinagtawanan naman siya ni Olivia na ikinainis niya.

" Tsk! Ang slow mo talaga kahit kailan Kuya! " binato niya dito an hawak na throw pillow pabalik.

" Ilang beses ko ba sasabihin sayo na huwag mokong makuya Kuya! Matanda lang ako sayo ng ilang buwan." saway niya dito.

" Kasi naman Bopols ka.." saka ito muling humalakhak. " Don't worry brother, leave it to me. Ako na ang bahala d'yan kay Chloe." nagsmirk ito.

Matagal niyang pinangarap magkaroon ng kapatid na babae pero parang gusto na niyang bawiin iyon, Olivia is such a pain in the ass.

Itutuloy...

Anong masasabi n'yo? 😄😄😅😘

Skycharm24

Continue Reading

You'll Also Like

13K 219 70
Carisze Park is an independent woman. She live on her own and she can do anything she want. She looks strong and brave but... She is have a trust iss...
8M 179K 59
[MJS BOOK 1] He's the prodigal son. She's the good daughter. He's a gangster. She's the good girl. He's her nightmare. She's his obsession. How can t...
160K 16K 67
Benji and Sunshine grew up in the same neighborhood since birth. Both studied at the same school from elementary to high school. Both are the only...
4.4K 593 18
Status: Completed Language: Taglish Genre: Mystery-Thriller Weeks after getting married, the wife woke up stuck inside a mirror. How will she survive...